You are on page 1of 1

KAIBIGAN

Ano nga ba ang kaibigan? Sino nga ba ang mga maituturi nating kaibigan?

Walong letra—mga taong di natin inaasahang darating sa buhay natin. Mga taong di natin
inakalang magkakaroon ng malaking parte at bubuo sa pagkatao natin. Sila yung mga tipong sasabayan
tayo sa mga masasaya at malulungkot nating araw. Mga araw na puno ng iyakan, tawanan at asaran.

Sabi nga nila, “No man is an island”. Bukod sa pamilya natin, may mga taong handang tumulong
sa’tin sa mga oras na kailangan natin ng karamay, sa mga panahong hirap tayo sa isang bagay at
mamahalin tayo ng walang kapalit. Sila ang mga taong maituturing nating pangalawang pamilya.

Ang ating kaibigan ang may alam sa mga pinakatinatago nating sikreto at ang pinakamabaho’t
pinakamaamoy nating pagkatao. Bagkus man sila ay mananatiling mga tunay na kaibigan.

“Tell me who your friends are, and I tell you who you are.” Ang mga kaibigan natin ay bahagi ng
ating buhay. Minsan, sila ang nagiging basehan kung sino at ano tayo. Kaya kailangan minsan, dapat din
tayong mapili sa pagkakaroon ng kaibigan.

Sa pagdaan ng panahon, tayo ay nakakabuo ng iba’t ibang samahan. At tayo’y nagkakaroon ng


mga bagong kaibigan. Kahit ganon pa man, huwag nating kalimutan ang mga dati nating kaibigan na
nagbigay din ng kulay sa ating mga buhay. Ang mga magaganda’t masalimuot na pinagdaanan ay
mananatiling nakaukit sa ating puso’t isipan.

May mga pagkakataong nagkakaroon tayo nang di pagkakaunawaan. Hindi natin maiiwasan
minsan may mga tampuhan. Pero chill lang. Huwag nating hayaang mawala ang ilang taon nating
pinagsamahan. Pagsubok lang yan. Isang pagsubok upang patunayan hanggang saan ang ating
pagkakaibigan.

Hindi man tayo sinwerte sa ibang bagay, napakaswerte naman natin sa ating mga kaibigan.
Salamat ng marami. At sana’y magtagal pa ang ating pagsasamahan.

You might also like