You are on page 1of 1

POSISYONG PAPEL TUNGKOL SA FACE

TO FACE CLASSES

Para sa akin,ang face to face classes ay isang


makatarungang Sistema ng edukasyon sapagkat ito ay para sa
lahat. Maraming mag-aaral ay makapag aral ng mabuti at
mabigyan nang sapat na kaalaman,kalinawan at madaling ma
solusyunan ang mga suliranin sapagkat sila ay nabigyan nang
pansin ng kanilang mga guro. Bilang isang estudyante,mas na
siyahan ako sa face to face classes dahil dito namin mapapakita
ang aming kakayahan bilang estudyante at mahasa ang aming
mga talent. Sa face to face classes ay maaring maintindihan
namin nang mabuti ang mga tinuturo ng aming guro. At kami rin
ay makapag bigay nang aming mga opinion at ideya tungkol sa
aming aralin. Di tulad nang online class na cellphone at modyul
lang ang aming kaharap at walang guro na magpapaintindi sa
amin at naging hamon para sa lahat dahil mahirap sa iba dahil
hindi naman lahat ay merong internet sa kani-kanilang tahanan.
Maraming nahihirapan sa online class at mahalaga pa rin ang
may matutunan. Kaya kung papipiliin ako,mas pipiliin ko ang
face to face classes dahil dito naging parte ako sa mga ibat ibang
aktibidades at naging aktibo sa paaralan.

Bilang parte ng isang paaralan,mahalagang mabigyan ng


pansin ang bawat mag-aaral dahil sila ang pag-asa ng bayan.
Mahalagang ituro ang dapat ituro dahil hindi sapat ang bigyan
lang nang mga suliranin na walang eksplinasyon. Ang face to
face classes ay paraan para mabalik ang sigla ng bawat mag
aaral ,at mabigyan ng opotunidad ang bawat isang mahasa para
sa kinabukasan.

You might also like