You are on page 1of 6

Mga katanungan:

1. Bilang estudyante sa paanong paraan ng pag-aaral ka komportable, online class o face to face?
2. Bilang estudyante ikaw ba ay nakakapag adjust sa pagbabalik ng face to face na klase?
3. Anong mga hamon ang iyong naranasan sa pagbbalik ng face to face nak lase?
4. Magbigay ng positibo at negatibo na naging dulot ng face to face na klase.
5. Salamat, nakikita mo ba ang iyong sarili na mas napabuti ang iyong pag-aaral simula noong ibalik
ang face to face class.

Respondente 1:

1. Sa aking pananaw ano, online class kase di masyadong hassl tska gawa nung ano pamasahe sa
araw-ara yun lang.
2. Syempre, galing ka sa online class ng 2 years, parang nahihirapan ka pero, nakakapag-adjust
Karin naman gawa ng may mga ano mas madali narin yung pag-aaral.
3. Ano, yung mga pag-gising ng maaga, paghahanda, pagluluto nung ano lunch ganon. Tapos, yung
pagpunta dito syempre minsan walang tric.
4. Ahm yung naging positibo mas napadali yung ano mas may naiintindihan ka sa bawat pagtuturo
ng teacher. Yung sa negatibo naman, gaya ng sinasabi ko, minsan mahirap yung transportasyon
papunta sa paaralan.
5. Syempre, meron ding ano naging ano… napabuti din gawa nung mas naiintindihan ko na yung
mga turo kesa nung online class, na hindi maintindihan masyado gawa nung choppy yung
internet.
Respondente 2:

1. Para sakin mas Maganda talaga yung face to face, kasi nagkakaroon ka ng disiplina na gumising
ng maaga, di kapag online lang, yung para bang dinadaya mo lang yung sarili mo na papasok ka
sa meet tapos tulog ka.
2. Oo nakakapag adjust naman ako kasi una pa lang talaga mas gusto ko yung face to face at saka
marami rin akong nakitang improvements sa sarili ko nung nag face to face.
3. Syempre yung ano pagiging mahiyain ko kasi, di ako magaling makipag socialize sa ibang tao
ganon at saka ayoko na kumakausap ng mga kaklse ko, yun lang.
4. Siguro positive effect is that mas natututo yung mga estudyante kapag face to face kasi nakikita
nila yung teacher nila nang personal talaga at negative effect is that hindi kasi lahat ng
estudyante is that kayang ma afford yung pagcocommute araw-araw ganon since mahal nan ga
yung mga bilihin and then kailangan pa nila bumili ng pagkain sa canteen.
5. Oo mas napabuti naman yung pag-aaral ko since napabalik ang face to face class at saka mas na
boost yung confidence ko mas komportable nako na nagrerecite sa unahan, mga sumasali ng
contest ganon.
Respondente 3:

1. Face to face, kasi pag face to face mas madali akong matuto and walang masyadong distraction
di gaya sa bahay na marami like cellphone and yung paligid.
2. Oo sobra, kasi mas prefer ko yung face to face class compared sa online.
3. Siguro yung ano hindi ko masyadong nakilala yung mga kaklase ko yung online class nung g11,
that’s why uncomfortable akong makipag socialize ngayong g12.
4. Siguro yung positibo nakapag aral ako ng mas maayos at mas komportable, sa negatibo siguro
mas magastos sya.
5. Oo, mas natuto ako nang maayos tapos mas naintindihan ko yung nileleson and mas na enjoy ko
yung pag-aaral compared sa online.
Respondente 4:

1. Sa face to face kasi mas madaling makipag interact sa mga kaklase o sa mga teacher kapag may
concern ka tungkol sa topic or problems.
2. Oo naman, nung una mahirap kasi kaylangan gumising ng maaga, pero nung tumagal umayos
naman, nakakpag adjust nako ng maayos.
3. Nahihirapan ako don sa part na kaylangan gumising ng maaga para pumasok kasi hindi pa
maayos yung sleep schedule ko pero naayos ko naman.
4. Yung positive ay yung nakapag interact nako sa mga classmates ko saka yung negative naman,
minsan nalalate ako pumasok kasi sa sobrang daming ginagawa, pumapayat ako.
5. Oo naman, nakakasali na ako sa mga with honors di tulad dati na palagi akong tinatamad sa
pumasok sa online class.
Respondente 5:

1. Mas Maganda ang face to face kaysa sa online class dahil mas natutukan ng mga guro ang
kanilang mag-aaral sa pagtuturo.
2. Oo dahil wala namang masyadong ginagawa sa bahay.
3. Sa ngayon, mapapansin natin na nagiging dahilan ng pagsusulong ng face to face class ay ang
problemang kinakaharap ng maraming estudyante ngayon sap ag-aaral nila.
4. Ang positibo sa face to face ay mas natuto ang mga mag-aaral at nagkakaroon sila ng mga
kaibigan. Negatibo naman ay, ang ibang mag-aaral ay hindi nag seseryoso at nag lilibang
nalamang.
5. Meron po napabuti ang aming communication skills at maaga nako nagigising at nakakatulog.

Buod

Ayon sa mga nakalap naming impormasyon noong kami ay gumawa ng panayam tungkol sa face to face
class, mas maraming natututunan sa face to face class kumpara sa online class. Mas Mabuti ang face to
face class dahil nagkakaroon ng disiplina ang mga mag-aaral na gumising ng maaga, ‘di gaya sa online
class maaari ka mandaya na nasa online meet ka ngunit ikaw ay natutulog talaga. Lahat ng mga
respondente ay nakakapag adjust sa face to face class subalit mayroon pa ring negatibong epekto ito, isa
na rito ang nahihirapang makihalubilo sa mga kaklase. Ayon sa aming nahanap na datos sa internet mas
komportable ang face to face class na set up dahil mas maiintindihan mo rin ang mga aralin galing sa
iyong mga guro at mga kaklase, may matutunan kang bagong konsepto at abilidad sa paaralan,
mabibigyan ka rin ng oportunidad na matuto mula sa iyong mga kamag-aral at makakapag concentrate
ka sap ag-aaral kapag ikaw ay nasa eskwelahan.

Datos:

The Benefits of Online Courses vs Face-to-Face Education - CIIT Philippines School - Multimedia Arts,
Web Design, 3D Animation, Mobile Game Development

You might also like