You are on page 1of 1

Nathan C.

Beluso Filipino Angelics-9 10/02/20

Repleksyon

Sa ngayon na may bago ng paraan upang matuto kami na mga estudyante o tinatawag
natin ngayon na online o modular class kami na mga estudyante ay nahihirapan dahil hindi kami
sanay sa gantitong paraan o nakakapanibago samin na sa paraan ng module o online ang
pagturo samin na mga esutdyante. Para sakin, ang mga paraan na online o modular ay hindi
gaanong epektibo kaysa sa paraan ng pagturo na face to face dahil kung face to face pwede
kami magpahintulot sa guro na pwede uulitin ang talakayin at pwede din kami magtanong sa
guro sa mga indi naming naiintinidihan sa tinalakay na aral. Habang nagtatagal at ginagamit
parin yung paraan ng pagtuto o tinatawag na online o modular class sumasanay din kami ngunit
mas epektibo parin yung paraan na face to face sa pagtuto. Maliban sa paraan ng pagtuto may
mga problema din kami na wala naman kami gagawin upang malutas namin ito, katulad ng
internet. Para sakin yung internet ang isa sa mga dapat na meron ka para sa paraan na online
class ngunit yung internet dito sa Pilipinas ay hindi gaanong malakas at ang internet din ang isa
sa mga dahilan bakit mahirap yung paraan na online class at mahal din ito magbili ng plan. Ang
sa paraan naman na modular class, hindi ka makapagtuto ng maayos dahil walang tao ang na
magtatalakay sa isang aral ngunit yung paraan na ito ay hindi gaanong magastos dahil
nagsasagot at nagbabasa kalang sa mga papel o tinatawag na modules.

Sa mga tinalakay ngayon na unang kwarter ay marami na din at makakatulong din sa


ating kabuhayan ngayon na krisis at balang araw may malaking gampanin din ang mga natuto
namin sa aming buhay ngunit minsan marami yung mga pinapagawa at dahil dyan nahihirapan
din kami gawin ito dahil may mga ibang paksa din kami na may gawain din kami na pinapagawa
samin. Pareho sa sinabi ko kanina na habang tatagal sasanay din kami sa ganitong paraan na
pagtuto. Sa pagtalakay ng aral sa paraan ng pagvideo ay isa sa mga dahilan kung bakit bilib na
bilib ako sa mga guro ngayon dahil yung sikap at tiyaga na pinapakita o pinapalabas upang
gumawa ng video ay matindi at ginagawa din nila ang lahat na kahit may krisis na gumaganap
ngayon o may pandemya naghahanap padin sila ng mga paraan upang kami na mga estudyante
ay matuto parin kahit andito lang kami sa aming mga tahanan. Sa mga guro na pumupursigi
upang kami ay makatuto kahit kami ay nasa tahanan lang namin. Maraming Salamat sa inyo na
mga guro, sa mga sakripisyo na ginawa nyo para lang sa amin at patuloy kayo na maging
insiparasyon para samin at balang araw kami naman na mga estudyante magpapakita o
magbibigay ng kaligayahan sa inyo. Maraming Salamat ulit at Happy teachers’ Day!!.

You might also like