You are on page 1of 2

FILIPINO SCRIPT

HANNAH - Magandang Hapon sainyo mga makadiwang! at magbabalik ang DIWANG TALA, ako si Hannah
Gabriella Razal ang inyong lakambini para sa araw na ito. At ang aking mga kasama ay sina Alysa
Chasandra Del Prado Diwang A at Justin Miel Villanueva Diwang B. At ang aming paksa ay Online o Face
to Face Class, bago tayo tumuloy sa ating paksa, mga makadiwang siya ang sang-ayon sa Face to Face
Class (Diwang A), at siya ang sang-ayon sa online class (Diwang B). Diwang A simulan mo na.

ALYSA- Para sa akin at batid ko din naman na kayo ay sasang-ayon sa akin dahil siyang tunay nga naman
talaga na mas maganda at mas mabuti ang paraan na Face to Face classes para sa mga kabataan kaysa sa
(tingin kay Miel ng mataray) Online Class na ipinaglalaban ng kung sino na lamang diyaan sa may gilid
( rolled eyes). DAHIL mas matututo dito ang mga kabataan. Pangalawa mas mapapagastos pa ang bawat
pamilya dahil ang bawat mag-aaral ay kakailanganin ng isa hanggang dalawang gadget at karagdagan din
ang pagggastos ng bawat pamilya ang pagpapakabit ng internet at ang buwanang bayaran dahil hindi
naman makakakapag-aral o makakapasok sa klase ang isang estudyante kung wala nito, hindi ba?.
Pangatlo, mas magiging komportable at mas makakapagturo ng maayos ang mga guro at may mga
makakausap na sila sa bawat klaseng kanilang papasukan hindi katulad sa Online, ay karamihan o halos
lahat na nga ang gumagawa ng hindi pagbukas ng manilang mga kamera na tila ba mga kapwa robot o
estatwang mga litrato o walang mukhang kanilang mga profile picture at dahil dito ay nalulungkot ang
ating mga mahal na guro.

JUSTIN-Magandang hapon sainyo pero ang aking ukol at masasabi dyan ay “mangmang kaba?” “Nagiisip
kaba?!” “Mema lang!?” Pero sana bilang estudyante na nakakaranas din ng online classses ay masasabi
kong may magandang epekto din ito dahil simula ng nangyari ito ay hindi ko na kailangang gumising ng
ganon kaaga at iwas nadin ang mga gawain tulad ng pamamasahe at paglalakad papuntang school dahil
sa online classes ito ay magagawa lamang sa isang pag pindot ng app na tawag ay google meet. Kumpara
sa normal na pasok at maagang paggising at pamamasahe papunta doon. Aanohin ko ang limitadong
oras sa eskwelahan kung pwede ako magkaroon ng mahabang oras para magpahinga at gumawa ng mga
gawain at ang maiikling oras para sa itinalang oras. Kung gayon ayun lamang muna ang aking panig mga
katala.

HANNAH- Aba'y magaling!, magaling Diwang A at magaling Diwang B pareho lang kayo nagbahagi ng
inyong saloobin ukol sa inyong paksa na sang - ayon kayo, ngunit madami pa akong gustong marinig;
Diwang A ipagtuloy.

ALYSA- Ano itong sinasabi mong maikling oras lamang kapag ika'y nasa eskwelahan? At mas mahaba pa
ang oras sa Online Class?? Hindi ba't parang ika'y nagsisinungaling lamang na tila ba'y walang
pinagaralan na ni kailangan mo pang gumamit ng mga di kaaya-ayang mga salita, oh jusko! nakakahiya
ka. Yan ba ang natutunan mo sa Online Class na iyong sinasabi ginoo? Alam naman nating lahat na mas
mahaba ang oras sa paaralan at mas makakapagpokus ka sa iyong pakikinig kung ika'y nasa eskwelahan
kaysa kung ika'y nasa bahay lamang nag-aaral. Mas matutukan din ng mga guro ang bawat estudyante sa
tuwing sila'y may lagumang pagsusulit kaysa sa Online Class (tingin kay Miel ng masama) na mga
nakaksarang kamera lamang ang makikita ng guro, malay ba nila kung ano ang iyong ginagawa sa likod
ng patay mong kamera.

JUSTIN- Alam ko naman na makabago at mahirap ang online classes pero maliwanag ang iyong sinasabi
NGUNIT marami din ang naiitulong ang online classes kagaya na lang ng mabilis at malinis na pagpasa ng
tungkulin at asignaturang naibigay pang-araw-araw na pagpasok sa iisang pagpindot sa “google meet” at
“google classroom”, pero sana mamulat ka sa katotohanan na kung walang online classes na ipinatuoad
ng deped ay babad at nakatutok ka lang diyan sa selpon mo kaya mas maganda kung napapakinabangan
ito ng maayos sa pag-aaral. At wala sanang alam hanggang ngayon tungkol sa aralin ng gradong ika pito
natin sa pag-aaral at mga aral na napulot sa naging online classes kaya wala ka talagang magagawa kundi
sumunod sa protocol ng online classes at ito ay pagtibayin at gawin alinsunod sa deped.

HANNAH-Hm? Para sa akin patas lamang silang dalawa dahil lahat naman ng tao ay may mga sariling
opinyon para sa paksang ito, lahat tayo ay may sariling mga saloobin kung; sang-ayon ba tayo sa Online O
Face to Face Class, dahil paksang ito mas naiintindihan natin na ang mga ibang tao ay nahihirapan sa
sistema ng Online at merong ding nahihirapan sa sistema ng Face to Face Class. Sana'y sa aming naging
presentasyon ngayon ay may natutunan kayo yun lamang at Maraming Salamat!

You might also like