You are on page 1of 6

REPLEKSYONG PAPEL: EXAMS (Traditional at Online)

Hinding- hindi ko makakalimutan ang karanasan ko sa unang pagsusulit. Labing- limang (15)
minuto akong leyt sa klase. Pag dating ko ng MITC, nangamba ako dahil walang bakanteng upuan. Iniisip
ko kung paano ako kukuha ng pagsusulit. Nakatayo ba ako? Hinanap ko si G. Pitagan sa kanyang silid. At
dahil wala na ngang mauupuan sa MITC, punung- puno ng pasasalamat ang aking puso sapagkat
pinayagan niya kaming mga leyt dumating na sumagot ng pagsusulit sa kanyang silid. Pagkuha ko ng
tanungang papel, tila nagbalik ang aking pangamba. Paano ko naman tatapusin ang nakahabang
pagsusulit sa loob lamang ng pitumpung- limang (75) minuto? Dali- dali kong sinagutan ang unang
bahagi. Nahirapan ako mag- isip ng gagawin ko sa bawat sitwasyon sa unang parte ng eksaminasyon. Sa
bawat tanong, dapat may pruweba ako sa aking mga kasagutan. Pag dating naman sa bahagi na
kailangan magbigay ng paliwanag sa bawat diagram, lalo akong nahirapan. Ang mga diagram na
nakalagay doon ay ang mga diagram pa na hindi ko maintindihan. Talaga namang piniga ko ang aking
utak para lamang makapag-labas ng sagot. Hindi naman ako nahirapan sa bahagi kung saan ay may
acronym at kailangan namin ibigay ang buong kahulugan nito. Para sa akin, ito ang pinakamadaling
bahagi sa pagsusulit. Magaling kasi ako mag- memorya. Pagkakita naman sa bahagi kung saan kami
pinapagawa ng unit plan, agad akong nakaramdam ng pagkabalisa. Ano naman ang alam ko sa paggawa
ng unit plan? Pamilyar ako sa paggawa ng lesson plan. Pero kung ang lesson plan ay ginagawa ng ilang
oras o araw, paano pa ang unit plan? Mas kailangan nito ng matagal na preparasyon. Hindi ko kaya
gumawa ng maayos na unit plan kasabay ng pagsagot ng madaming tanong sa loob ng isang (1) oras at
labing- limang (15) minuto lamang. Dahil nga may kakulangan sa oras, gaya ng inaasahan, mababa ang
nakuha kong grado: 69%.

Oo, pasado ang aking marka sa unang pagsusulit. Ngunit ako ang tao na hindi basta- bastang
masaya sa pasado lamang. Kaya ginawa ko ang lahat para makabawi sa ikalawang pasusulit. Salamat sa
Diyos dahil tinulungan niya akong makakuha ng gradong 92%. Maraming salik ang naka- apekto sa aking
pagkuha ng mas mataas na marka. Isang dahilan marahil ang pagiging computerized ng pagsusulit. Mas
pabor sa’kin ang pagta-type kaysa sa pagsusulat. Mas marami akong kayang ipaliwanag. Kapag gamit
kasi ang bolpen at papel, madaling mapagod ang aking kamay. Bilang resulta, hindi maganda ang
eksplanasyon na aking nabibigay. Samantalang sa online exam, pag nais kong baguhin ang aking
paliwanag, ang kailangan ko lang gawin ay i- highlight ang maling salita at mag- type uli. Walang kahirap-
hirap. Pero sa pagkuha ng online exam, hindi pa rin nawala ang aking pangamba. Dahil may timer na
kahit anong gawin mo ay hindi matanggal, tumatak sa isip ko na kailangan kong sumagot ng mabilis.
Kung hindi, hindi mawawastuhan ang aking eksam.

Maganda na sinubukan naming ang parehas na traditional at online na eksam. Ang mga taong
hindi mahusay sa bolpen at papel, gaya ko, ay nabigyan ng pagkakataon na makabawi sa pagsusulit sa
UVLE. Ang mga hindi naman sanay sa UVLE ay nagkaroon din ng pagkakataon sa traditional exam.
Mapalad ka kung sanay ka sa parehas na klase ng pagsusulit.

Higit sa lahat, nagkaroon kami ng pagkakataon para makita ang mga positibo at negatibong
epekto ng iba’t- ibang paraan ng pagsusulit. Makakatulong ang kaalaman na ito sa pag-desisyon kung
ano ang magandang gawin para masukat ang mga natutunan ng aming mga magiging estudyante.

You might also like