You are on page 1of 3

PATAS LAMANG TAYO (Impormatibo)

NI: ARIAN MARIZ A. AGITO

G11-ABM 2

Naranasan mo na bang mahusgahan? Naranasan mo na bang madiskrimina? Kung oo, hindi ka


nag-iisa, madaming tao na ang nakaranas ng mga bagay na iyanna hanggang ngayon ay hindi pa rin
maiwasan.

Ang diskriminasyon ay ang pagtrato ng masama sa isang tao o isang grupo. Dahil dito napipilipit,
nabibigyan ng maling kahulugan o ipinagwawalang-bahala ng mga tao ang mga katotohanang salungat
sa kanilang mga opinion. Lahat ng tao ay pantay-pantay sa mata ng Diyos. Subalit sa kabila nito, hindi pa
din maiiwasan at laganap pa rin ang diskriminasyon sa buong daigdig. May mga bagay na hindi naman
dapat bigyan ng pansin ay binibigyan pa ng diin. Nakakalungkot mang isipin na ang katotohanang ito ay
hindi lamang nagpapatunay na napakasama ng panahong kainabubuhayan natin, kundi ipinakikita rin
nito na talagang hindi perpekto ang tao.

Ilan sa mga dahilan kung bakit may diskriminasyon ay dahil sa estado ng buhay, kapansanan,
relihiyon, kulay, lugar na pinagmulan, kasarian, edad, uri ng pamumuhay, pride at lalo’t higit ang itsura o
panlabas na anyo ng isang tao.

Ayon sa Article 1, Universal Declaration of Human Rights, “All human beings are born free and
equal in dignity and rights. They are endowed with reason and conscience and should act towards one
another in a spirit of brotherhood”. Nangangahulugang tayo ay isinilang na pantay-pantay ang dignidad
at karapatan kaya nararapat tayong magturingan bilang magkakapatid.

Ngunit bakit nga ba hindi maiwasan ito? Maaaring dahil sa pride, nagiging mapagmataas at
mayabang ang tao. Naiisip niyang angat siya sa iba o minamaliit ang mga taong mababa ang pinag-
aralan. Ngunit hindi sa lahat ng pagkakataon ay basehan ang pinag-aralanng tao. Hindi sa taas ng
edukasyon nasusukat ang pagkatao. Mababa man ang pinag-aralan mo pero kung marunong kang
rumispeto sa kapwamo, daig mo pa ang edukado.
KALMADO KAHIT HINDI SIGURADO (Naratibo)

NI: ARIAN MARIZ A. AGITO

G11-ABM 2

“Last 5 minutes”, sigaw ng aming guro. Hindi ko namalayang ganoon

na lamang kabilis ang oras sapagkat ako’y abala sa kung paano itatawid ang nakakalokang

test sa funda. Sulat dito,sulat doon, bura dito, bura doon. Paulit-ulit hanggang sa hindi ko na malaman
kung san ako nagkamali, kung san may kulang at kung paano ibabalanse ang lahat. Lalo pa akong
nagulantang ng kulbitin ako ng aking kaklase.

“Palit muna tayo ng lapis,wala na akong pambura,hehe”, ani niya.

“Bilisan mo lang ha”, sagot ko.

At agad naman niyang naibalik ang lapis kaya bumalik ang atensyon ko sa aking sagutang papel.
Ganoon pa rin, nalilito, at napapakamot na lang sa ulo.

“Okay class, please pass your papers in front”, sigaw ng aming guro.

Napasighal na lamang ako at wala ng nagawa kundi ipasa ang aking papel na walang
kasiguraduhan kung ano ang magiging resulta. Heto ako ngayon, nananatiling kalmado kahit hindi
sigurado.

Kasalukuyan akong nakaupo, nagbabasa at nag-aanalisa ng mga aralin na maaaring lumabas sa


aming pagsusulit mamaya. Hindi ko alam kung san magsisimula sa dami ng aaralin, may mga babasahin,
sasauluhin, iintindihin at higit sa lahat may babalansehin sa accounting.

“Sigurado akong may balancing sa test”, saad ko.

“Naku naman, hindi namnan yun mawawala”, sagot mg katabi ko.

“Jusmiyo, dun pa naman ako nalilito, hays”, sagot ko.

“Sya mag-aral na lang tayo at ng may maisagot mamaya”, dagdag ko.

Napalingon ako sa orasan sa likod, may 30 minuto pa ako para mag-aral. Kaya ko to.

Alas-2 na. Ito na ang oras. Naghahalo na ang iba’t ibang emosyon kung maitatawid ko ba ang
pagsusulit na ito.

“Bahala na”, sabi ko sa sarili ko.

Namigay na ng test paper at tiningna ko agad ito. Huminga ako ng malalim at nag-sign of the
cross bago magsimulang magsagot, Gawain ko na ito simula pa lamang. Wala pang 15 minuto, patapos
na ako sa unang bahagi. Madali lamang naman ito dahil may mga pagpipiliian. At ito na nga, ang
kinatatakutan ko, balancing.
Sa simula, maayos ang daloy ng aking pagsasagot at halos alam ko naman ang

aking pinaggagagawa. Hanggang sa pababa na ng pababa kung saan

nag-aabang ang balance at total, at kumg hindi ito mabalanse, kabahan ka na.

Nacompute ko na lahat at isa na lang ang kulang. Nakakaloka. Huling pindot ko sa calcu,

lumabas ang sagot, na naging dahilan ng pagkamot ko sa ulo. Di pa ba obvious? Natural hindi
nagbalance. Bumalik ako sa taas at inalisa ng maayos ang problema. Sulat dito,sulat doon. Bura dito,
bura doon. Hays. Hindi ko na ata kaya. Pero imbis na mangamba, nagfocus pa din ako at hindi nawalan
ng pag-asa nab aka mabalance ko pa. Natapos ang oras ng hindi man lang ako sigurado sa sagot ko.
Hays. Sana naman makapasa.

“Hoyyy! Nabalance mo ba ?”, tanong sa akin.

“Hindi eh, ikaw ga?”, sagot ko.

“Hindi din, HAHAHA”, sagot niya.

At pulos tawanan lang kaming lahat ng malaman naming halos lahat ay hindi nabalance. Edi
nawala na ang kaba ko, hindi ko man nabalance, atleast hindi ako mag-isa. HAHAHA

“Girl, nabalance mo ba?”, tanong ko sa isa.

“Oo, HAHa”, saad nito.

“Sana ol, HAHAHA”, sabay naming sagot ng aking katabi. At nagtawanan kami.

“Sana ol nabalance”, dagdag pa ng katabi ko.

Literal na mapapa-#sanaolnabalance ka na lang talaga. Hays. Pero sabi ko nga, “Mananatiling kalmado
kahit hindi sigurado”.

*****WAKAS*****

You might also like