You are on page 1of 3

Paano mapaunlad ang mga taglay na talino, talento, at kakayahan

Junior High SchoolEdukasyon sa pagpapakatao 13 points

Paano mapaunlad ang mga taglay na talino, talento, at kakayahan

Ask for details Follow Report by KazumariElocin2898 03.07.2018

Answers

cutiepie27 Helping Hand

Mapapaunlod mo ang katalinuhan kung ikaw ay magsusumikap aralin at saliksikan ang kasalukuyang
nangyayari sa ating lipunan. ang talento ay magagamit mo upang mapaunlad ang ating bansa kung ikaw
ay may kakaibang talento na kahit sino ay mahihirapan gawin. ang kakayahan ay makakatulong sa pag
unlad dahil ikaw ay may lakas ng loob para kayanin ang isang bagay na walang pag aalinlangan kapag
sumubok ng isang bagay.

“Ang Pag-ibig ng Edukasyon”

Sa panulat ni: Dian Joe Jurilla Mantiles

Tunay ngang ang edukasyon sa buhay ng bawat isa ay kapara ng isang walang katapusang
paglalakbay sa mundong sinasaklawan ng aspektong ‘pagbabago’. Ito ang pinaka-makapangyarihang
sandata na kahit sinuman ay walang kakayahang baguhin at angkinin sapagkat ito ay permanenteng
nakaukit na sa diwa at kamalayang pantao ng isang nabubuhay. Sa bawat umaga ng ating buhay, tayo ay
binabasbasan ng Poong Lumikha ng kalayaan upang makaanib at makasabay sa kung ano mang kakatwa
ang sumasaklaw sa ating lipunang kinabibilangan. Hindi man lingid sa ating kamalayan subalit buhat
nang tayo ay nasa sinapupunan pa lamang ay batid na natin ang espiritu ng ‘pagkatuto’. Maging sa
kauna-unahang pagsambit natin ng salitang “mama” hanggang sa tayo ay unti-unting nabihasa sa ating
“abakada” tayo ay nabibilang na pundasyon ng edukasyon. Karaniwang pamantayan sa edukasyon na
kung ang tao ay nasa gulang tatlo na ay maari na itong magsimulang pumasok sa isang paaralan. Sa
makatuwid, mahabang panahon ang iginugugol ng isang tao para sa kanyang edukasyon.

Sa aking labindalawang taon na pananatili sa loob ng paaralan, masasabi kong ako ay parang nasa isang
paraiso. Bagamat hindi sa lahat ng pagkakataon ay masaya ako, maraming pagkakataon naman sa aking
buhay ang nagpapaunawa sa akin na ang edukasyon ay patuloy na umaangkla sa aking pagkatao at
maging sa aking kalapit na hinaharap. Ito rin ay patuloy na nag-iiwan ng hindi mga matatawarang
implikasyon ng pagbabago sa aking pagkatao na siyang dahilan kung bakit ganito ako katatag ngayon.
Bukod sa mga karaniwang talakayin, prinsipyo at pang-akademikong layunin na siyang ipinapabatid ng
edukasyon, ito rin ang nagsilbing balangkas upang mabuksan ko pa ang lagusan sa kabilang ibayo. Mula
dito ay binigyan din ako ng pagkakataon upang makakilala ng iba’t ibang deskripsyon ng aking kapwa tao
at mga karanasang aking daldalhin habambuhay. Ito ay ang aking karanasan noong ako ay nasa ika-4 na
baitang. Ang karanasan na marahil para sa akin ay mapanglaw at natatangi lamang.

Isa akong walang kwentang mag-aaral. Oo, tama ang nababasa mo. Wala akong ibang inisip noon kundi
ang makawala sa paaralan na kapara ng isang bartolina sa akin ay nagbibigay lamang ng pasakit at
matinding paghihirap. Ang tanging namumutawi na lamang sa aking isipan noon ay ang pagpasok buhat
sa kagustuhan ng aking mga magulang. Naaalala ko pa noon na sa tuwing darating ang katapusan ng
Marso ay wala akong ibang ginawa kung hindi ay panoorin na lamang ang aking mga kaklaseng maglakad
sa harapan ng entablado kasama ng kanilang mga magulang upang tanggapin ang kanilang mga parangal.
Gustuhin ko mang itago ang aking nararamdaman, subalit ito ay pilit na kumakawala at ako ay tila isang
ibon na sa piitan ay nananahanan. Hindi man hayag sa aking mga magulang ang kanilang pangingimbulo
subalit nararamdaman ko ito. Pinipilit ko itong labanan subalit wala akong magawa. Napakalakas ng
enerhiyang ito at siya ring enerhiya ang unti-unting sumisipsip sa aking pag-asang makapagbagong
buhay. “Bakit kahit na anong gawin ko ay wala pa ring nangyayari?” ito ang katanungan na patuloy na
sumisilab sa aking mura at gahasang isipan.

Sinusubukan ko ang lahat ng aking makakaya. Sinubukan kong magsipag at umayon sa kung ano ang
pamantayan sa aming klase. Lahat ng ito ay hindi naging madali sa akin. Sapagkat noo’y wala pa akong
kabatiran patungkol sa mahalagang papel ng edukasyon sa aking magiging kinabukasan. Wala pa akong
alam sa edukasyon maliban sa ito ay “mahirap at walang kwenta”. Nagdaan ang maikling panahon at dito
ay nakilala ko si Ginang Adora Madayag. Ang aming guro sa asignaturang Filipino. Siya ay may edad na sa
panahong iyon subalit napakalakas ng kanyang impresyong iniwan sa akin. Hindi ko maipaliwanag subalit
dahil sa kanyang mga pangaral ay tila unti-unting nagbago ang pagtingin ko sa aking sarili na noo’y
walang pakialam sa halaga ng edukasyon. Sa kanya ko rin natutuhan na hindi lamang pala akademikong
kaalaman ang batid na ipamalita ng mga talakayin sa paaralan bagkus ay naglalayon din itong bigyan ang
lahat ng pagkakataong makabuo ng pagkakaibigan at pamilya sa lahat ng aspektong sinasaklawan nito.
Hindi lang dapat kaalaman ang ating panghawakan mula sa ating mga guro nararapat ding maunawaan
natin ang tunay na karunungan mula dito. Sa markang “90” ako nagsimulang yumabong at nagpatuloy sa
pagkamit ng aking mga adhikain sa paaralan. Hanggang ngayon sa kasalukuyan, patuloy pa rin akong
naglalakbay papalapit sa aking mga pangarap sa buhay.

Ang karanasang ito ang nagturo sa akin kung paano umunlad hindi lamang sa aking mga markang nais
matamo subalit nakaanib na rin dito ang mga prinsipyo at impresyong hindi na maiaalis sa aking puso’t
isipan sa kalagitnaan ng aking paglalakbay sa mundong ibabaw. Nawa’y lubusan nating mabatid na sa
ibayo ng mga pamantayang sumasaklaw sa kultura ng edukasyon, ang layon nitong magbigay ng
magaganda at makabuluhang karanasan ang magsisilbing proteksyon at sandata natin sa pakikidigma sa
ating mga sarili at sa kung ano mang pagbabagong nakaukit na sa ating panahon.

You might also like