You are on page 1of 3

Ang Buhay ni Neneng

ni Harvey Lyca Alcansis


Isang gabing madilim sa isang baryo umalingaw-ngaw ang tinig ng isang Inang buong sikap na
kinaya ang sakit at hapding nadarama, sa panganganak sa kanyang pangalawang sanggol.
Eksaktong alas diyes ng gabi ay isa nanamang munting tinig ang narinig ng mga taga-baryo,
ang tinig ng kasisilang na batang sanggol na babae.
Buong pagmamahal na inaruga at analagaan ng butihing mag-asawa ang kanilang malusog na
batang babae. Pinalaki nila ito ng may takot sa Panginoon at magandang asal, ngunit kung
minsan ay nakakalimutan ni Neneng ang pagtitimpi.kung kaya napapasumo ito sa away.Si
Neneng ay pala-away ngunit iyakin, kilala ito sa baryo na iyakin hanggang sa ito ay lumaki,
iyakin parin ito. Lumala pa ang pagka-iyakin ni Neneng ng ang kanyang tatay ay umalis at
pumunta sa malaking ciudad dahil doon na destino sa trabaho. Hirap man sa buhay ang
pamilya ay naibigay parin ng mga magulang ni Neneng ang kanyang pangangailangan. Isang
umaga, ng si Neneng ay pagising palang para maghanda sa pagpasok ay bigla lang siyang
pinigilan ng kanyang nanay, nabigla si Neneng akala niya ay may lakad sila ng Nanay.

Nanay: Neneng! Anak, lumiban ka muna sa klase. Matulog ka muna, inaantok kapa kasi eh!
Neneng: eh paano po yung pasok ko nay?
Nanay : wala naman kayong eksam ngayon anak, lumiban ka muna at upang makagpahinga ka
naman.
Neneng : (tuwang-tuwa sa desisyon ng Nanay) ah! Sige. Total inaantok pa po naman ako.
( patuloy na natulog)
Nang magisin g si Neneng ay tanghali na at nagugutom na siya. Matapos niyang mailigpit lahat
ang kailangan iligpit ay nagtungo ito sa labas ng bahay at hinanap ang kanyang Nanay.
Neneng : Nay! Nasaan ka na? (inikot ang buong bahay. Hanggang sa nakarating sa mga kapitbahay ngunit di parin nakita ang kanyang Nanay.)
Nay! Nay!
(paparating ang Nanay na may dalang dalawang pirasong pagkain)
Nanay : oh! Nasan na si kuya? Bat wala pa ditto? Pinauwi ko na yun kanina lang ah!!
Neneng : Ah! Eh! Andyan na oh!
`Nanay : hala sige pumanhik na kayo at para makakain na tayo.
Naghanda si Nanay ng mainit na tubig at nilagyan ng konting kape at asukal, sabay hapag sa
dalawang piraso na tianapay.
Nanay : hala sige at kumain na kayo
Dali-daling kinuha ng kuya at ni Neneng ang dalawang tinapay. Nakita nilang walang tinapay si
nanay kaya, naisipan ng magkapatid na hati-an ang kanilang nanay, ngunit pinaubaya nalang
ng nanay ang lahat ng pagkain sa dalawa.
Kuya : Nay kulang pa eh! Nagugutom pa ako.
Neneng : Ako rin.
Nanay : wala na tayong pambili ng tinapay, di pa nagpapadala ang tatay.

Neneng: Nay! Papel nalang kasi tatanggap naman si Lola Erning ng papel basta may Lagda
ninyo.
Nanay: di na tayo pauutangin nun, kasi di pa tayo nakakabayad sa kanila.
Kuya; ah sige lang.
(Buong araw na walang bigas ang mag-ina. Nagluluto nalang ang nanay ng saging
upangpampatawid gutom sa kanilang mag-ina. Nginit kinagabihan ay humingi ang dalawang
bata ng kanin, walang magawa ang nanay, wala silang bigas kaya ginawa nalang niyang
remidyuhan ang panis na kanin. Hinugasan niya ng mabuti ang kanin at ginawang lugaw para
lang may makain ang kanyang mga anak. Ipinagdasal nalang ng nanay na sana ay hindi ito
makakasama sa tiyan ng kanyang mga anak. Pagkatapos maluto ang lugaw ay ginising ng
nanay ang kanyang dalawang anak at silang tatlo ay kumain.
Kinaumagahan ay dininig ng Diyos ang panalangin ng mag-ina. Di pa nakabangon ang mag-iina
ay dumating ang tatay ni Neneng at may dalang maraming pagkain.Dali-daling bumangon si
Neneng at ang kuya upang kumain, nakita ni Neneng ang pagtulo ng luha ng Nanay. Nagtaka si
Neneng kung bakit? Naisip niya rin, siguro dahil di lang nakayanan ni Nanay ang hirap ng
buhay.
Magmula noon sa pangyayaring yaon ay hindi na naging pabaya ang tatay na maubusan sila ng
bigas sa hapag-kainan.Hikahos man sa buhay ay nakayanan naman nila ang mga pagsubok.
Ngunit, isa pang dagok ang dumating sa buhay ng ni Neneng. Isang gabing galling ang pamilya
sa birthday party ng Lola ay biglang nadisgrasya ang nanay na siyang naging dahilan sa
pagkakaroon ng crack sa buto ng paa ng nanay. Naging mahirap ang buhay nila Neneng. Isang
araw na kinausap siya ng masinsinan ng kanyang mga magulang:)
Tatay ; Neneng anak! Mula ngayon ay ikaw na ang gagawa sa gawain ng nanay, kasi di pa niya
kaya.at si kuya naman ay tutulong din sa gawain ditto.
Neneng : opo! Lahat po ba ng gawaing bahay?
Tatay; Oo!
Si Neneng ang lahat na gumagawa sa gawaing bahay- at kung minsan ay nagbabantay tuwing
gabi sa pag-ihi ng nanay kapag wala ang tatay. Doon naranasan ni Neneng ang hirap ng
trabaho ni nanay sa araw-araw, minsan ay napapaliban sa klase si Neneng kasi walang
magbabantay sa nanay kasi may pasok din si tatay sa trabaho. Sa pagkakataon ding yaon ay
naranasan ni Neneng at nasaksihan ang hirap at pasakit ng tatay sa pag-aalaga sa nanay.Gabigabi ay nagpapanata ang tatay at kung minsan ay umiiyak nagmamakaawa sa panginoon na
naway tulungan ang pamilya na makayanan ang dagok na naranasan. Umiiyak na lamang ng
sekreto si Neneng dahil ayaw biyang makita siya ng kanyang pamilya na umiiyak.
Hindi naman nagtagal ay dininig ng panginoon ang panalangin ng pamilya, at muli ay naging
maayos ang kondisyon ng nanay. Nakakalakad na ito, di katulad ng dati na humihiga lang ito sa
kama. Nang tuluyan na ngang gumaling ang nanay ay sunod-sunod na biyaya na naman ang
natanggap ng pamilya.
Tatay ; Natransfer ako sa kompanyang mas malaki ang sahod kaysa sa dati.
Nanay : Talaga?
Tatay ; madadaragdagan na ng malaki-laki ang budget natin kung kaya ay makaluwag-luwag na
tayo.
Nanay : Oo nga at malaki din ang matutulong ng dagdag mong sahod sa ikauunlad ng ating
buhay.
Oo ngat di masyadong malaki ang kinikita ng tatay ay naibibigay naman nito ang mga
pangunahing pangangailangan ng kanyang pamilya. Ang kuya ay nakapag-aral sa kolehiyo
ngunit dalawang taon lang kasi nakabuntis. Si neneng naman ay kasalukuyang nag-aaral at
sana kaawaan ng Diyos na makapagtapos ng pag-aaral. Si bunso naman ay nag-aaral din sa
hayskul. Di man mayaman si Neneng sa mga magagandang ala-ala at di man niya masyadong

You might also like