You are on page 1of 5

MGA MASASAYANG PANGYAYARI SA HIGH SCHOOL

ni: Jaiwelle T. Ramoran

Ang High School ang pinakamasayang level ng pag-aaral. Ito ang level na may
mga iba’t-ibang masasayang karanasan. Unang tungtong at pasok ko sa buhay high
School akala ko mahirap pero sa una lang pala dahil sa bagong nasa paligid ko,
bagong paaralan, bagong mga guro at mga bagong uri ng kaklase na pakikisamahan.
Unang taon ko sa high School madaming pagbabago ang aking hinarap. Isa na dito
ang pag-aaral ko dahil sa mga bagong Subject na pag-aaralan ko. Sa mga bagong guro
na naging pangalawang magulang ko na rin at gagabay sa pang araw-araw na gawain
ko sa paaralan. Sila din ang tutulong sa paghubog ng aking kaalaman sa pag-aaral.

Ang mga bagong kaibigan na pakikisamahn ko sa bawat araw sa loob nag


paaralan na magiging bahagi ng buhay ko at makakasama ko sa sayahan,lungkot ng
buhay ko at makakaramay mo sa oras na may problema ka. Dumaan ang mga araw na
hindi ko namamalayan na masaya na pala ako sa mga ginagawa ko sa bagong
paaralan. Madaming mga pangyayari ang naganap sa aming paaralan isa na dito ang
mga pagsali sa iba’t ibang mga kompetitisyon tulad ng opening salvo,street dance at
iba pa . Nagkakaroon din ng field trip na ginaganap tuwing October/November.
Pinapasyalan ang mga makasayasayan na pook tulad ng Kawit Cavite at Intramuros.

Ginaganap din ang tinatawag na foundation day sa aming paaralan, dito


ginaganap ang bawat laro tulad ng basketball at volleyball.Madami akong natutunan
dito dahil dito ko mas nakilala ang mga kaibigan at lalong lalo na ang mga kamag-aral
ko, dito ko din nakilala ang pagiging ako. Natutunan ko din ang pagiging center kay
God sa atin na lagi siyang nandyan para gabayan tayo sa lahat ng bagay, at dumating
na ang arawa na kaylangan naming magpaalam sa isa’t-isa ng ganapin ang pagtatapos
namin sa high School,ito ang pinaka malungkot na pangyayari sa buhay high School
dahil mamimis ko ang mga masasayang pangyayari sa akin. Masaya ang hayskul lalot
na’t kapag naenjoy mo ang pag-aaral at mga naging kasama sa pang-araw-araw.
Madaming aral ang napulot ko sa apat na taon ko sa hayskul, hindi pala madaling
humarap sa mga pagsubok ng buhay lalo na’t kung mag-isa ka lang. Ngayon,
panibagong karanasan at dapat nanaman nating matutunan sa pagtungtong natin sa
kolehiyo.
PANGINGIBANG BANSA NG MGA OFW MAY EPEKTO SA
KANILANG PAMILYA
ni: Neneth T. Hirano

Overseas Filipino Workers o OFW na sapilitan o napipilitang mangibang bansa


para sa kapakanan at mabigyan ng magandang buhay ang kanilang mga mahal sa
buhay. Dahil sa kagustuhang matustusan ang pag-aaral ng kanilang mga anak ay
napipilitan nangingibang bansa ang ating mga OFW. Kawalan ng mapapasukang
trabaho dito sa ating bansa, kahirapan at hindi sapat na suweldong tinatanggap mula
sa mga pinagtatrabahuan kung mapasok mang trabahador! Hindi alintana ng mga ito
ang kung ano man ang kanilang sasapitin sa pangingibang bansa para magtrabaho.
Ang mahalaga sa kanila at nakatatak sa mga isipan ay kikita sila ng yen, dinar, dollar
o pound na hamak na mas malaki ang halaga nito sa ating pera. Kaya naman kahit na
marami sa ating mga OFW ang hindi pinalad at napahamak sa kanilang isinagawang

Pangingibang bansa ay hindi pa rin tumitigil ang marami pa rin nating mga
kababayan na sumugal at makipagsapalaran na makapagtrabaho sa ibang bansa. Ito ay
dahil na rin sa ilan nating mga kababayan na pinalad na makatagpo ng magandang
kompanya at amo na kanilang napagtrabahuan. Nakakitaan ang mga pinalad na mga
OFW na nakapagpatayo ng kanilang bahay, nagkaroon ng mga sasakyan,
nakapagpaaral ng kanilang mga anak at sa madaling salita ay bumuti ang dating
hikahos nilang buhay. Na ang nagiging epekto naman ng pangingibang bansa ng ina o
ama at minsan ay pareho ay ang pagkawala ng kanilang EMOTIONAL
INVESTMENT sa kanilang mga mahal sa buhay. Na dahil sa kawalan ng kanilang
presence ang pagkakawatak-watak ng kanilang pamilya, pangangaliwa ng kanilang
mga asawa at paglayo ng loob ng kanilang mga anak ang nagiging epekto nito! Na
dahil sa kagustuhang maibigay ang lahat ng kasaganaan sa klanyang pamilya ay
binubusog nila ito sa mga materyal na bagay. Nagagawa ngang magdamdam ng ating
mga OFW sa kanilang mga mahal sa buhay na kung makahingi ng kanilang mga
pangangailangan ay agad-agad pa ang gusto. Ang buong akala ng karamihan na hindi
nakakaranas na makapagtrabaho sa ibang bansa ay parang pinupulot lang ng mga

OFW ang pera. Ang pinagbabasehan kasi ng mga ito ay ang mga nakikita nilang
mga litratong mga nakangiti, nagkakatuwaan, namamasyal at kumakain ng masarap
ang mga ito sa ibang bansa. Na lingid sa kanilang mga kaalaman ay todong pagtitipid,
sakripisyo at hirap ng kalooban ang dinaranas ng ating mga kababayang na
nagtatrabaho sa ibang mga bansa! Na ang katotohanan ng mga pekeng kasiyahan at
kasaganahan na nakikita sa litrato ay itinatago at hindi na lamang ipinaaalam para
huwag nang mag-alala pa sa kanila ang kanilang iniwang mga mahal sa buhay.
Lalu-lalo na nga yung mga nagtatrabaho sa Middle East, sakripisyong totoo ang
kanilang dinaranas sa mga bansang kanilang kinaroroonan. Kaya hindi mo rin
masisisi ang ilan nating mga OFW na nasa Middle East na magdamdam sa kanilang
mga naiwang mahal sa buhay. Kasi nga naaalala lamang diumano silang tawagan
kapag malapit na ang pagpapadala nila ng pera. Katakot-takot na mga bilin at hiling
sa kung ano-ano ang dapat na bilhin at ipadala. Pero kapag natanggap na ang mga
padala at pera ay CANNOT BE REACH o OUTSIDE THE COVERAGE AREA na
lagi ang naririnig sa cellphone. Hindi naman masasabing magastos pa sa ngayon ang

Tawag o chat. Kasi nga ay iniraos pa rin nila na magkaroon ang mga ito ng
internet para libre na ang kol at text sa Facebook, Messenger, Viber o Skype.
Napakahalaga para sa ating mga OFW ang komunikasyon! Ang komunikasyon
lamang kasi ang tangi nilang nagiging libangan at nakakapagpapawi ng kanilang
pagod kapag nakakausap at nakikita ka nilang ligtas at nasa maayos na kalagayan.
Basta’t may internet ka eh libre na ang Facebook, Messenger, Viber at Skype. Pwede
na kayong magkita habang nag-uusap at kahit gaano katagal ng libre. Lagi nating
tatandaan na ang pagtatrabaho sa ibang bansa ay hindi pagpapasarap na parang
nagbababakasyon lamang ang ating mga OFW! Ang dapat ay ipanalangin natin ang
lahat ng mga OFW na nasa iba’t-ibang bansa na sana ay makayan at malampasan
nilang lahat ang mga sakripisyo’t paghihirap na kanilang sinusuong. Iwasan ang mga
pagsusumbong, pagsasabi ng mga problema kung hindi naman makakabuti at
pagdaing ng mga pangangailangan kung hindi naman talaga kailangan. Ipakita at
ipadama ang inyong tunay na pag-aalala at pagmamahal sa pamamagitan ng walang
kapagurang pakikipagkomunikasyon sa ating mga mahal na OFW.
MARYMI ANG PULITKA SA BANSA
ni: Danny Macabuhay

Ang hirap talaga ng pulitika dito sa Pilipinas. Hindi mo malaman kung ano ang
totoo at ang gawa-gawa lamang. Walang alintana kung makakasakit sa pagkatao at
karapatan ng kapwa. Basta ang hangarin ay maka-angat ang sarili sa mata ng
taumbayan kahit na makasira pa sa reputasyon ng iba. Gamit ang kalakaran ng
maruming pulitika dito sa ating bansa na dapat sana ay maka-tao at maka-Diyos
sapagkat ang Pilipinas ay natatanging Katolikong bansa sa Asya. Kaya ayan, banatan
nang banatan at siraan nang siraan na para bagang inaanunsiyo sa buong mundo na
ang Pilipinas ay punung-puno ng mga kawatan, mandurugas at masasamang tao na
hindi dapat pagkatiwalaan. Kilalang-kilala na ang ating bansa bilang isa sa
nangungunang pinaka-corrupt sa buong mundo. Kagagawan ito ng ating mga baliw na
pulitiko.

Tingnan na lang natin ang nangyayari sa eleksyong ito partikular sa mga


kumakandidato sa pagka-presidente at bise-presidente. Kung pakikinggan ang mga
tuligsa sa bawat isa, wala ni isa sa kanila ang matino at mabuting tao. Ang mga
alegasyon ay walang patumanggang paninira at lahat daw sila ay masasama ang budhi
at hindi malinis ang puso at pag-iisip na hindi karapat-dapat na magsilbi sa bayan. Di
ba ang sakit nito sa ating mga mamamayan? Lumalabas na wala na tayong mapili
pang magaling na tao upang kumandidato upang mamuno sa ating bayan sapagkat
lahat tayo ay mga bugok. Hindi ko na iisa-isahin pa ang mga paninira sa mga
presidentiables na sina Gloria Macapagal Arroyo, Raul Roco, Panfilo Lacson,
Fernando Poe, Jr. at Evangelist Eddie Villanueva. Lahat sila ay mga may matitinding
panininira... walang exemption. Pati ang vice presidentiables na sina Sen. Noli de

Castro at Sen. Loren Legarda ay may mga masasagwang paninira rin.


Bugbog-sarado na sa siraan ang mga kandidatong ito na pautloy na inaasahang
gagrabe pa ang batuhan ng baho habang palapit nang palapit ang eleksyon. Kung
kaya’t hindi ko alam kung ano na ang magiging hitsura ng kung sino man ang
mananalo sa May 10. Marahil, kulapol na sa putik ng masamang pamumulitika ang
buong pagkatao. Panalo nga subalit pinapangit na ng maruming pulitikahan. marumi
ang pulitika sa bansa

You might also like