You are on page 1of 4

Binalangkas na ulat sa Filipino-

12
Pagbasa at Pagsusuri ng Iba't-
Ibang Teksto Tungo sa
Pananaliksik

Pearl Shannyn R. Pajac


Cressa Jane O. Orsolino
12- STEM

Mrs. Jenelyn Tentativa


Guro
ARALIN 10:
Etikal na Pananaliksik at Mga Responsibilidad ng
Mananaliksik
 Naitala ang pinakaunang paggamit ng salitang etika noong ika-14 siglo ayon sa diksyunaryong
Merriam Webster (2014). Nagmula ang salita sa middle English na ethik, mula sa griyegong
ethike, na galing naman sa katagang ethiko.
 Ang lahat ng ito ay tumutukoy sa nakaugaliang pamamaraan ng pamumuhay at pakikipag-
kapuwa.
 Ayon sa Free Dictionary (2014), ang etika ay tumutukoy sa pamantayan ng pagkilos at pag-uugali
batay sa mga katanggap-tanggap na ideya sa kung ano ang tama sa mali.
 Sa larangan ng Pilosopiya, ang etika ay tinuturing na isang sangay ng pag-aaral na nakapokus sa
grupo ng mga prinsipyo at paniniwala sa kung ano ang mabuti at nararapat.
 Ang pagiging etikal ay tumutukoy sa pagiging matuwid, makatarungan, matapat, at
mapagpahalaga sa kapuwa ng isang tao.
 Mahalaga ang indibidwal na pagpapasiya ng mananaliksik sa kung ano ang mabuti o hindi,
ngunit lagi't lagi ay nakasalalay ito sa panlipunang pagpapahalaga.
 Tungkulin ng mananaliksik na mag-ambag ng bagong kaalaman at lumikha ng makabuluhang
pagbabago, gaano man kaliit ito.
 Sa pagsasakasaysayan ni William Trochim (2006) sa Web Center for Social Research Methods,
tinukoy niya na may dalawang mahahalagang pangyayari pagkatapos ng Ikalawang Digmaang
Pandaigdig ang nagtulak sa mga mananaliksik na pagnilayan ang pangangailangang bumuo ng
konsensus hingil sa mga etikal na prinsipyo sa pananaliksik.
 Ang una ay ang Nuremberg War Crimes Trial, kung saan nailagay sa pampublikong kamalayan
ang pamamaraan ng mga doktor at siyentistang Aleman na gumagamit ng mga taong bihag sa
mga concentration camp bilang kasangkapan sa kanilang mga nakaririmarim na eksperimento.
 Noong 1950's hanggang 1960's naman ay nakuwestiyon ng publiko ang Tuskegee Syphilis Study,
kung saan hindi hinayaang makagamit ng gamot para sa syphilis ang mga kalahok sa pananaliksik
na African-American.

Mga Gabay sa Etikal na Pananaliksik


1. Pagkilala sa pinagmulan ng ideya sa Pananaliksik. Gaya ng nabanggit sa unang bahagi ng aralin , ang
pananaliksik ay maihahalintulad sa paglahok sa isang pampublikong diyalogo. Ibig sabihin, bukod sa
mananaliksik ay maaaring marami nang naunang nag isip tungkol sa partikular na paksang nais mong
unawain at pagyamanin. Mahalaga ang pagbanggit atpagkilala sa iba pang mananaliksik at iskolar na
naging tuntungan at pundasyon ng iyong pananaliksik. Sa pamamagitan ng diyalogong ito, nakalilikha ng
isang komunidad ng mga mananaliksik na may malasakit at iisang layunin.

2. Boluntaryong Partisipasyon ng mga Kalahok. Kinakailangang hindi pinilit ang sinomang kalahok o
respondente sa pagbibigay ng impormasyon o anomang partisipasyon sa pananaliksik. Bago simulan ang
pagsagot sa sarbey , pakikipanayam, o eksperimento, kailangang maging malinaw muna sa mga
tagasagot ang kabuuang layunin ng pananaliksik at halaga ng kanilang partisipasyon . Kung
eksperimental, mahalagang maunawaan din ng kalahok ang bigat o inaasahang peligro ng eksperimento
at kailangang buong loob ang kaniyan paglahok sa kabila nito.

3. Pagiging Kumpidensiyal at Pagkukubli sa Pagkakakilanlan ng Kalahok. Kailangang ipaunawa sa mga


kalahok na ang anomang impormasyon na nagmumula sa kanila ay gagamitin lamang sa kapakinabangan
ng pananaliksik. Dapat ding pag-isipan ng mananaliksik kung paano ikukubli ang pagkakakilanlan ng taga
sagot lalong-lalo na sa mga pananaliksik na may sensitibong paksa. Sa mga pagkakataong kailangang
isapubliko ang resulta ng pananaliksik o kaya'y ibahagi sa colloquium o publikasyon, kailangan pa ring
ipagpaalam at hingin ang permiso ng mga tagasagot na pangunahing pinagmulanng datos ng
pananaliksik.

4. Pagbabalik at Paggamit sa Resulta ng Pananaliksik. Mahalagang ipaalam sa mga tagasagot ang


sistematikong pagsusuri ng mananaliksik sa kinalabasan mg pag aaral. Madalas na nararamdaman ng
mga kalahok , lalo na yaong mga nasa komunidad na ginagamit lamang sila ng mananaliksik upang
kumuha ng datos at pagkatapos ay parang bulang nawawala ang mga ito. Ito ay dahil sa mangilan-ngilan
lamang na mananaliksik ang bumabalik upang ibahagi sa mga kalahok ang kinalabasan ng pag-aaral.
Kung may awtput tulad ng modelo, pagbuo ng polisiya, o iba pang mahahalagang rekomendasyon ang
pananaliksik, makabubuti kung ipaalam ito sa kinauukulan upang makatulong sa kapakinabangan ng
komunidad o kaugnayan na institusiyong pinag-aaralan.

Plagiarism At Ang Mga Responsibilidad ng Mananaliksik

 Ayon sa Purdue University Online Writing Lab (2014), Ang Plagiarism ay ang tahasang paggamit
at pangongopya ng mga salita o iseya ng walang kaukulang pagbanggit o pagkilala sa
pinagmulan nito.
IBA PANG ANYO NG PLAGIARISM:

 pag-angkin sa gawa, produkto o ideya ng iba;


 hindi paglalagay ng maayos na panipi sa mga siniping pahayag;
 pagbibigay ng maling impormasyon sa pinagmulan ng siniping pahayag;
 pagpapalit ng mga salita sa katulad na wika o kaya ay pagsalin ng teksto ngunit pangongopya sa
ideya nang walang sapat na pagkilala;
 ang pangongopya ng napakaraming ideya at pananalita sa isang pinagkunan na halos bumuo na
sa iyong produkto, tukuyin mo man o hindi ang pinagmulan nito.

 Isa pang kaso ng plagiarism ang pagsusumite ng papel o anomang produkto na gawa ng iba o
kaya ay sabay na pagsusumite ng papel sa iisang kurso (Council of Writing Administration 2003).
 Itinuturing na rin na paglabag ang redundant publication kung saan nagpapasa ang isang
mananaliksik ng iisang pag-aaral sa dalawang magkaibang reffered journal para sa publikasyon.
 Kasama rin dito ang self plagiarism kung saan ang bahagi ng pananaliksik ay inuulit sa isa pang
pananaliksik nang walang sapat na pagbanggit kahit pa sa sarili ring ideya ang pinagmulan nito;
at
 Maging ang gawain ng ilang mananaliksik na nagpaparami ng listahan ng sanggunian kahit na
hindi naman talaga ito nagamit sa pananaliksik ay porma rin ng plagiarism.

You might also like