You are on page 1of 9

MODULE 2 - ARALIN 2.

1: Gawain 5: Pagtapat-tapatin
Basahin sa Kolum B ang bawat pahayag na naglalarawan o may kaugnayan na
nakatala sa Kolum A. Isulat ang titik ng angkop na sagot sa iyong sagutang papel.
KOLUM A KOLUM B
1.Patti Marxsen A. “Ang gawin tayong tunay na tao sa pinakamataas
na kahulugan nito.”
2.Nonong Carandang B. Ang pinaka-epektibong pormat ng sulatin upang
maitala ang naranasan sa paglalakbay.

3. Layunin C. Sanaysay, Sanay, Lakbay


ng humanidades
4. Karanasan ng tao D. The Art of the Travel Essay

5. Sanaysay E. Ito ang nagbibigay-kulay sa pagsulat ng lakbay-


sanaysay.
GAWAIN 7: What it takes to be a Travel V/Blogger?
Lampas dalawang milyon ang Youtube subscribers ng pamosong travel
vlogger at Filipino-American na si Wil Dasovich. Laking San Fancisco, California
siya ngunit nagdesisyon na pumunta ng Pilipinas para mas makilala ang kultura
at tradisyon ng Pilipinas. Dahil sa magagandang content at impormatibong travel
vlogs, pumatok siya sa social media. Samantala, ang kaniyang karanasan sa isla
ng Boracay naman ang isa sa may pinakamaraming views sa nasabing website.
https://altavistadeboracay.com.ph/blog/travel-vloggers-explore-ph
Bilang isang mag-aaral na may karanasan na sa pagbisita ng iba’t ibang lugar sa
loob at sa labas ng Pilipinas at nasubukan na rin ang vlogging/blogging at pagkuha
ng mga larawan, punan ang mga kahon na nasa larawan ng mga katangian ng
isang travel blogger/vlogger na akma rin sa parte ng katawan ng nasa imahe.
Tandaan na ang iyong mga sagot ay base sa iyong malikhain at komprehensibong
perspektibo at opinion. HAL: Sa parteng mata ng modelo: Katangian- Mapagmatiyag
at magaling kumilatis ng mga detalye sa isang partikular na lugar.
MODULE 2 – ARALIN 1.2: Gawain 1: Bugtongan sa mga Letra
Panuto: Basahin nang mabuti ang bawat bugtong at ilagay sa kahon na nakahanay sa
aytem ang inisyal o simula ng letra ng iyong sagot. Pagkatapos ay ayusin ang
mga inisyal sa mga kahon na nasa ibaba upang makabuo ng isang salitang
bibigyan mo ng isang pangungusap na depinisyon.
Halimbawa:
Kung madampi ay titiklop sa sobrang pagka mahiyain Sagot:
Makahiya
Inisyal ng sagot: M

a. Hindi tao, hindi bagay kung sumipsip matibay

b. Hindi nagsasalita, hindi naglalakad,


Ngunit marunog mag lahad

c. Hindi hinihingi ng tao,


pero kusang ibinibigay ito.
Basta kaya mong ipakita,
Sa iyo ay ibibigay nang kusa.

d. Hampas ni ama, sunod sunod ang tama

e. Pasaway na magkakapatid
kung maglinis ay magkakaapid

f. Maliit man sa hanay, pero taga tibag ng bahay

g. Puno ng buhay
Mula ulo hanggang paa'y
Kapakipakinabang

Sagot:
1
Gawain 6: Click o Shot

Panuto: Basahin mong maiigi ang mga sitwasyon sa ibaba. Isulat ang salitang
CLICK kung ang sitwasyon ay nagsasaad ng mga bagay na dapat isaalang-alang sa
paglikha ng larawang sanaysay at salitang SHOT naman kung hindi.

1. Si Marga ay inatasan ng kanyang guro na gumuwa ng isang pictorial


essay tungkol sa larong basketball. Namomoblema si Marga kung paano niya ito
gagawin sapagkat wala siyang kahilig-hilig sa ibinigay na paksa.

2. Napakaganda ng nagawang larawang sanaysay na ipinasa ni Michael


sa kanyang guro. Halos lahat ng mga larawan ay nagbibigay diin sa paksang napili.

3. Madaling natapos ang pictorial essay nina Mike at Carlos sapagkat


hindi sila nagsagawa ng pananaliksik bago ito gawin.

4. Kaaya-aya ang mga larawang nailagay ni Bridgette sa kanyang


larawang sanaysay dahil lahat ng mga ito ay nagtataglay ng mga damdaming dapat
na mamayani sa mga mambabasa.
5. Magulo at hindi naglalahad ng kapani-paniwala at natatanging
kwento ang mga larawan na inilakip ni Michelle sa kanyang sanaysay kung kaya’t
nakakuha ito ng mababang marka mula sa kanyang guro.
MODULE 2 – ARALIN 2.3: Gawain 1: Nasaan ang mali?
Panuto: Basahin nang mabuti ang bawat pangungusap sa bawat bilang. Tukuyin
kung ano ang MALI sa bawat pangungusap. Piliin at isulat ang KAUKULANG TITIK
ng iyong sagot sa iyong sagutang papel. Kung walang matukoy na mali mula sa
pangungusap, isulat ang titik D sa patlang.

1. Kinuha ni Michael ang walis tingting upang walisin ang bakuran ng bahay.
A B C

2. Isinulat ni Jose Rizal ang Noli Me Tangere at El Filibusterismo upang A


ipakita ang maling gawa ng mga Espanyol sa mga Pilipino.
B C

3. Iyong pahiran ang luhang tumutulo mula sa iyong mga mata upang hindi A B
nila mahalata ang iyong pag-iyak.
C
4. Siya’y biglang nagising ng may biglang humiyaw sa labas ng kanyang silid.
A B C

5. Sumayaw ng mga bata ang tinikling noong pagdiriwang ng Buwan ng Wika.


A B C
6. Ang pamilya ay kumain ng itlog at pandesal para sa hapunan kaninang umaga.
A B C
7. Kasalukuyang nagalit ang guro dahil hindi nagawa ng mga mag-aaral ang
A B
kanilang takdang aralin.
C
8. Siya ay naluha nang kanyang mabalitaang siya’y tinanggal ng scholarship
A B
dahil sa kanyang mabababang marka.
C

9. Kanyang nilasap ang sarap nang nilagang baboy na niluto ng kanyang ina.
A B C

10. Inutusan ng guro ang isang mag-aaral na sabihin ang klase ng kanilang A B
kailangang tapusin bago matapos ang araw.
C
Gawain 6: Repleksyon
Panuto: Kopyahin ang sumusunod na mga tanong na nasa ibaba sa iyong sagutang papel at
subukang ibigay ang iyong hinuha, opinyon, o repleksyon sa paksang ito.

1. Ano ang mga pagbabagong intelekwal na naranasan mo


pagkatapos ng paksang ito?

2. Paano mo ito ia-aplay sa iyong buhay bilang isang estudyante o mamamayan ng isang lipunan?
Simulan MODULE 2 – ARALIN 2.4:
Gawain 1: Fact or Bluff . Panuto: Basahin at unawain ang mga pahayag na nasa
ibaba. Pagkatapos, sagutin ito ng “fact” kapag ito ay nagsasabi ng katotohanan o
akma sa tinutukoy na sagot kapag ito naman ay hindi akma sagutin ito ng “bluff”.
Ilagay ang inyong sagot sa hiwalay na sagutang papel.
1.Sa intoduksyong bahagi ng posisyong papel ipinakikilala ang
panauhing pandangal siyang sentro ng paksa.
2.Kailangan ang paliwanag sa mga katuwiran na inihayag sa iyong
posisyong papel.
3.Hindi kailangan ang katuwiran ng kabilang panig sa pagsulat ng
posisyong papel.
4.Maaring magbigay ng karagdagang ebidensiya sa iyong paliwanag
para lalong kapani-paniwala ang iyon paliwanag.
5. Sa posisyong papel di dapat banggitin ang pangkahatang paninindigan
sa usapin.
6. Kalimitang mababasa ang paksa sa unang bahagi ng posisyong papel.
7.”Dapat nang ibalik ang parusang kamatayan” ay isang proposisyon.
8. Sa isang posisyon papel sapat nang maibahagi ang saloobin sa
isang paksa ng may paninindigan.
9. “Gawing legal ang paggamit ng marijuana bilang alternatibong
anggamot.” isang proposisyon.
10. Ang posisyong papel ay isang sulatin na paninindigan lamang ng
isang indibidwal.
Palalimin
Gawain 5: Lambat-Datos
Panuto: Suriin ang posisyong papel. Isaalang-alang ang mga sumusunod na
gabay sa pagsusuri. Maaaring gumamit ng hiwalay na papel para sa pagsusuri.
1. Ano ang paksa o usapin ng posisyong papel?

2. Sino ang sumulat ng posisyong papel?

3. Sino ang may kataliwas na paninindigan?

4. Ano ang paninindigan ng sumulat ng posisyong papel na ito?

5. Ano-ano ang ginamit na katuwiran para suportahan ang paninindigang ito?

6. Ano-ano ang hinihiling na aksiyon ng posisyong papel mula sa publiko?

7. Sa palagay mo, sapat ba ang paliwanag sa bawat katuwiran para


paniwalan ito?

8. Sino kaya ang nais maabot ng posisyong papel na ito?

9. Alin sa mga gabay sa Dunong-Sagwan ang nasunod at di-nasunod sa


halimbawang ito?

10. Nahikayat ka ba ng paninindigan na nakalahad sa posisyong papel na


ito? Bakit?
MODULE 2 – ARALIN 2.5: Gawain 1: Maalaala Mo Kaya
Panuto: Gamit ang grapikong presentasyon, magtala ng iyong sariling
karanasan na hindi malilimutan na nagbigay sa iyo ng aral. Isulat mo ang iyong
sagot sagutang papel.

Mga Karanasang Hindi Malilimutan

Hindi malilimutan dahil Hindi malilimutan dahil Hindi malilimutan dahil

Ang aking natutunan ay


Sukatin

I. MULTIPLE CHOICE. Basahin ang mga sumusunod na katanungan/pahayag at


piliin ang titik ng pinakatamang sagot ayon sa learning material na ito at ayon na
rin sa iyong pagkakaintindi ng bawat aytem. Isulat ang titik ng iyong napiling sagot
sa iyong sagutang papel.

1. Alin sa mga sumusunod na layunin ng humanidades ang pinakatunguhin


ng nasabing aspekto ayon kay J. Irwin Miller?
A. Gawin tayong tao sapagkat hindi tayo marunong makitao
B. Gawin tayong tunay na tao sa pinakamataas na kahulugan nito
C. Gawing humane o makatao ang tao para maging pinakamataas sa lahat
D. Gawing pinakamataas na species ang tao sa lahat ng aspektO

2. Ang mga sumusunod ay mga larangan ng humanidades, alin sa mga


sumusunod ang HINDI kabilang sa mga nabanggit na larangan?
A. Kemestri C. Pilosopiya
B. Panitikan D. Sining

3. Sino ang sumulat ng “The Art of the Travel Essay” na naniniwala ring ang
isang mapanghikayat na lakbay-sanaysay ay dapat makapagdulot hindi lamang ng
mga impormasyon kundi ng matinding pagnanais na maglakbay?
A. Elcomblus C. Nonong Carandang
B. J. Irwin Miller D. Patti Marxsen

4. “Ang lakbay-sanaysay ay maaaring pumaksa sa tao o mamamayan ng


lugar. Binibigyang-pansin dito ang gawi, katangian, ugali, o tradisyon ng mga
mamamayan sa isang partikular na komunidad.” Sinong awtor ang lumikha ng
depinisyon ng lakbay-sanaysay na iyong nabasa?
A. Elcomblus C. Nonong Carandang
B. J. Irwin Miller D. Patti Marxsen
C.
5. Ayon kay N. Carandang, ang lakbay-sanaysay ay mayroong tatlong
mahahalagang konsepto. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa binanggit
ng awtor sa kaniyang pagpapaliwanag?
A. Lakbay C. Sanaysay
B. Sanay D. Saysay

6. Kung bibigyan ng sintesis ang mga rekomendasyon ng iba’t ibang awtor sa


iyong binasang learning material, alin kaya sa mga sumusunod ang least o
pinakahuling paksang maaring isusulat ng awtor ng isang lakbay-sanaysay?
A. Mismong karanasan ng awtor
B. Kasaysayan ng isang lugar
C. Pagtuligsa sa gobyerno o mamamayan ng lugar na pinuntahan
D. Mga paraan o estratehiya upang mapuntahan ang lugar na inilathala
7. Basahin at unawain ang mga sumusunod na mungkahing gabay sa pagsulat
ng lakbay-sanaysay pagkatapos ang ayusin ang pagkakasunod-sunod nito kung
kinakailangan. Piliin ang titik ng iyong napiling sagot.
I. Bago magtungo sa lugar na balak mong puntahan ay dapat magsa!iksik o
magbasa tungkol sa kasaysayan nito.
II. Magdala ng talaan at ilista ang mahahalagang datos na dapat isulat.
III. Buksan ang isip at damdamin sa paglalakbay, lawakan ang naaabot ng
paningin, talasan ang isip, palakasin ang internal at external na pandama at
pang-amoy, sensitibong lasahan ang pagkain.
IV. Isulat ang katotohanan sapagkat higit na madali itong bigyang-paliwanag
gamit ang mga malikhaing elemento.
A. I, II, III, IV C. I, III, II, IV
B. IV, III, II, I D. I, IV, III, II

8. Anong perspektibo o punto-de-bista (panauhan) naisusulat ang lakbay-


sanaysay?
A. Ikalawa C. Malaya
B. Ikatlo D. Una
9. Ano ang pinaka-epektibong pormat ng sulatin naisusulat ang lakbay-
sanaysay upang matarget ang mga layunin nito?
A. Maikling Kwento C. Sanaysay
B. Nobela D. Tula
10. Ayon sa awtor ng learning module na ito, isa sa mga kagandahan ng
pagkakaroon ng kasanayan sa pagsulat ng lakbay-sanaysay ay ang paglikha ng
kapangyarihang dalhin ang mga mambabasa sa lugar na napuntahan rin ng awtor
gamit ang ilang sangkap sa pagsulat ng nasabing artikulo. Paano ito makakamit?
A. Sa pamamagitan ng analitikal na kasanayan sa mga datos na
isusulat
B. Sa pamamagitan ng mga kasanayan, estratehiya, elemento ng
pagsulat at maging ang holistikal na kasanayan ng isang manunulat
upang matarget ang mga layunin nito
C. Sa pamamagitan ng paglalagay ng mga larawan upang mas higit
na maintindihan ng mga mambabasa ang inilalarawan ng awtor
D. Sa pamamagitan ng pagtataglay ng research skills upang
masaliksik ang mga importanteng datos ng iyong susulating
sanaysay

11. Basahin ang sumusunod na talata at tukuyin kung anong metodolohiya o


estratehiya ang ginamit:
Halos magsara ang daluyan ng paghinga ni Odette, 43 taong gulang matapos
magpositibo sa covid-19 ayon sa espesyalistang nag-eksamin sa kanya. Impit na
iyak lamang ang maririnig mula sa bibig niyang nanginginig habang yakap-yakap
niya sa bewang ang noo’y positibo ring asawang si Lance. Bagaman nais pa nilang
mabuhay, kitang-kita naman sa mga kuko nilang nagbibitak-bitak at nangingitim na
dahil sa araw-araw na pangangalakal ng basura sa kahabaan ng Tondo.
A. Kronolohiya C. Paglilista
B. Paglalarawan D. Sanhi at Bunga
12. Basahin ang sumusunod na talata at tukuyin kung anong metodolohiya o
estratehiya ang ginamit:
Bago pa lamang magbagong taon (2020), hinikayat na ng mga pro-Pilipino
ang administrasyong Duterte na isara ang internasyunal na Paliparan ng Pilipinas
mula sa mga turista at mamamayan ng Tsina partikular na sa Wuhan upang
maiwasan ang paglaganap ng Covid-19 sa Pilipinas, ngunit dahil sa personal at pang-
alyansang kasunduan ng ating bansa sa bansang Tsina, hindi ito naisagawa kung
kaya’t sinisisi ang gobyerno ngayon dahil sa libo-libong kasong naitatala araw-araw.
A. Epekto C. Paglilista
B. Pagkokompara D. Sanhi at Bunga

13. Ang pinakalayunin ng pagsulat ng lakbay-sanaysay ay ang pagkakaroon


ng kasiyahan at kakintalan sa mga mambabasa. Nagbibigay din ito ng impresyon sa
mga mambabasa na tatatak sa kanilang mga isipan upang higit itong matandaan.
A. Awtor C. Mga detalye
B. Katapusan o konklusyon D. Proseso

14. Mabibigyan din ng pokus ang personalidad, pagpapahalaga o values,


kasanayan sa paglalakbay ang mismong awtor. Sapagkat maaaring maisulat sa
unang panauhan at impormal na estruktura ang isang lakbay-sanaysay, mas
mapapalapit at maiintindihan ng mambabasa ang tunay na layunin ng
tagapagsulat.
A. Awtor C. Panahon
B. Mga Detalye D. Proseso

15. Mahalaga ring malaman ng mga mambabasa kung kailan ang


pinakamagandang panahon, season o maging ang ispisikong oras para puntahan ang
isang lugar na inilalathala. Halimbawa ay ang 10, 000 Roses sa Cebu na mas
magandang pasyalan ng gabi kaysa tirik ang araw, ang Sunflower Maze sa
Pangasinan naman kapag summer, at Pebrero naman ang itinuturing na blooming
season at piyesta ng Panagbenga sa siyudad ng Baguio.
A. Awtor C. Panahon
B. Mga Detalye D. Proseso

16. Sinong awtor ang nagpahayag na ang isang imahe ay hindi lamang dapat
basta isang simpleng larawan, ito dapat ay isang pilosopiya.
A. Amit Kalantri C. Garcia (2016)
B. Collective Lens I Photography D. Lahat ng nabanggit
for Social Change

17. Alin sa mga sumusuno na konsepto ang tumutukoy sa masining at


kamangha-manghang pag-aayos ng mga larawan upang maglahad ng mga ideya?
A. Lakbay-sanaysay C. Posisyong Papel
B. Larawang sanaysay D. Replektibong sanaysay

18. Aling sangkap ng larawang sanaysay ang mayroon dapat journalistic feel
at kinakailangang maikli lamang ang mga salita sa paglalarawan?
A. Facts C. Pamagat
B. Larawan D. Teksto
19. Anong elemento ng larawang sanaysay ang tumutukoy sa barayti ng mga
imahe o larawan na gagamtin?
A. Kuwento C. Paglalarawan o caption
B. Pagkakaayos ng mga larawan D. Uri ng larawan

20. Ito ay isang uri ng larawan na maihahalintulad sa mga unang


pangungusap ng isang balita na tumatalakay sa mahahalagang impormasyon na
sino, saan, kalian, at bakit.
A. Clincher photo C. Lead photo
B. Detail photo D. Scene
21. Ayon kay Garcia (2016), mayroong mga dapat isaalang-alang sa pagsulat ng
larawang-sanaysay, alin dito ang hindi umuugnay sa kaniyang mga ibinigay na
pahayag?
A. Isaalang-alang ang kawilihan at uri ng iyong mambabasa
B. Isaalang-alang din ang perang gagamitin sa pambayad sa iyong
mga subject sa larawan sa kapalit ng kanilang pag-arte sa kamera
C. Magsagawa ng pananaliksik sa iyong paksang gagawin
D. Pumili ng paksa ayon sa iyong interes.

22. Alin sa mga sumusunod na salik o dapat isaalang-alang sa pagsulat ng


larawang-sanaysay ang tumutukoy sa kronolohikal o hayrarkikal na pagkakasunod-
sunod ng mga larawang iyong gagawan ng sanaysay?
A. Pumili ng paksa ayon sa iyong interes.
B. Magsagawa ng pananaliksik sa iyong paksang gagawin
C. Kung nahihirapan ka sa pagsusunod-sunod ng pangyayari gamit
ang larawan, mabuting sumulat ka muna ng kuwento at ibatay
rito ang mga larawan.
D. Siguraduhin ang kaisahan ng mga larawan ayon sa framing,
komposisyon, kulay, at pag-iilaw. Kung minsan, mas matingkad ang
kulay at matindi ang contrast ng ilang larawan kompara sa iba
dahil sa pagbabago ng damdamin na isinasaad nito.

23. Kung ikaw ang mag-aanlalisa ng mga larawang wala pang sanaysay o
caption na magpapaliwang sa mga ito at nakita mo ang mga larawan ukol sa isang
indibidwal na naka-uniporme ng asul, nakasaludo sa kanilang hepe pagsikat pa
lamang ng araw sa umaga, inaalalayan ang mga tumatawid sa kalsada, nagsusulat
ng report sa araw na iyon, nakapugay sa watawat ng Pilipinas pagsapit ng hapon
ng Biyernes sa harapan ng isang munisipyo, uuwi sa kanilang tahanan at yakap-
yakap ang kaniyang mag-iina pagsapit naman ng gabi, ano kayang paksa ang
maaaring tumukoy sa mga ito base sa standard ng paglikha ng isang larawang
sanaysay?
A. Hindi totoo ang batas military
B. Isyung kinakaharap ng mga frontliners
C. Pagpapakitang gilas ni Mamang Lespu
D. Sa isang araw sa buhay ng isang tagapagpatupad ng batas

24. Magulo at hindi naglalahad ng kapani-paniwala at natatanging


kwento ang mga larawan na inilakip ni Michelle sa kanyang sanaysay kung kaya’t
nakakuha ito ng mababang marka mula sa kanyang guro. Anong salik ang HINDI
ikinonsidira ni Michael?
A. Magsagawa ng pananaliksik sa iyong paksang gagawin.
B. Isaalang-alang ang kawilihan at uri ng iyong mambabasa.
C. Kung nahihirapan ka sa pagsusunod-sunod ng pangyayari gamit
ang larawan, mabuting sumulat ka muna ng kuwento at ibatay
rito ang mga larawan.
D. Planuhing mabuti ang gagawing sanaysay gamit ang mga Iarawan.
Tandaan na higit na dapat mangibabaw ang larawan kaysa sa mga
salita
25. Si Marga ay inatasan ng kanyang guro na gumuwa ng isang pictorial
essay tungkol sa larong basketball. Namomoblema si Marga kung paano niya ito
gagawin sapagkat wala siyang kahilig-hilig sa ibinigay na paksa. Anong salik ang
HINDI ikinonsidira ni Marga?
A. Pumili ng paksa ayon sa iyong interes.
B. Magsagawa ng pananaliksik sa iyong paksang gagawin
C. Isaalang-alang ang kawilihan at uri ng iyong mambabasa
D. Isaalang-alang din ang perang gagamitin sa pambayad sa iyong
mga subject sa larawan sa kapalit ng kanilang pag-arte sa kamera

II. Kumpletuhin ang kahon sa ibaba sa pamamagitan ng pagsulat ng mga simbolo ng


copyreading. Tiyakin na tama ang isusulat na mga simbolo. Isang puntos sa bawat
tamang simbolo. Kopyahin ang kahon at sagutan ito sa iyong sagutang papel.

alisin (delete) 26.


pagdugtungin; tanggalin ang espasyo 27.
maglagay ng espasyo 28.
pagpalitin (transpose) 29.
bagong talata 30.
indent 31.
panatilihin/huwag baguhin 32.
i-posisyon sa gitna 33.
iurong pakaliwa (move left) 34.
iurong pakanan (move right) 35.
ayusin ang hanay (align vertically) 36.
maglagay ng panipi (isahin or dalawahan) 37.
maglagay ng tuldok 38.
maliit na titik (lower case) 39.
malaking titik 40.
boldface 41.
ibalik sa orihina 42.
italiko 43.
baybayin (spell out) 44.

You might also like