You are on page 1of 11

KUWARTER 4 – MODYUL 1:

Pagsusuri ng Ilang Halimbawang Pananaliksik sa Filipino Batay sa Layunin, Gamit, Metodo, at Etika ng
Pananaliksik
Layunin sa Pag-aaral:
• Nasusuri ang ilang halimbawang pananaliksik sa Filipino batay sa layunin, gamit, metodo, at etika ng
pananliksik (F11PB-IVab-100)

Pagsusuri ng Pananaliksik sa Filipino


Ang pagsusuri ng pananaliksik sa Filipino ay pag-aanalisa upang mapag-aralan at mabigyang-kasagutan
ang problema. Ito ang prinsipyo na ginagamit kung nais ipakita ang paghihimay-himay ng isang buong pag-aaral.
Dito hinihimay ang paksa sa mas maliit na bahagi at maunawaang mainam ang bawat detalyeng nakapaloob dito.
Layunin ng pagsusuri ng pananaliksik ay makakita ng mga balangkas sa pagbuo ng isang saliksik.

May apat na bahagi ng pagsusuri ng pananaliksik:


1. Layunin - Isinasaad sa layunin ang mga dahilan ng pananaliksik o kung ano ang ibig matamo pagkatapos
maisagawa ang pananaliksik sa napiling paksa. Maaaring panlahat at tiyak ang mga layunin.
Panlahat ang layunin kung nagpapahayag ito ng kabuoang layon o nais matamo sa pananaliksik.
Tiyak ang layunin kung nagpapahayag ito ng mga partikular na pakay sa pananaliksik sa paksa.
2. Gamit - Isinasagawa ang pananaliksik upang tumuklas ng mga bagong kaalaman at impormasyon na magiging
kapaki-pakinabang sa mga tao.
3. Metodo -Tumutukoy sa paraan na gagamitin sa pagkuha ng datos at pagsusuri sa piniling paksa. Ang
pangangalap ng datos ay maaaring isagawa sa pamamagitan ng sarbey, interbiyu, paggamit ng
talatanungan, obserbasyon, at iba pa. Iba't ibang paraan naman ang maaaring gamitin sa pagsusuri
ng datos na gaya ng empirikal, komparatib, at iba pa.
4. Etika - Ang etika ng pananaliksik ay nagpapakita ng mga etikal na isyu sa iba't ibang bahagi ng proseso ng
pananaliksik. May tinukoy na mahahalagang prinsipyo sa etikal na pananaliksik ang American
Psychological Association (2003) at ang Center for Social Research Methods (2006) na maaaring
maging gabay ng mga nagsisimulang mananaliksik sa anumang larangan.

LAYUNIN, GAMIT, METODO AT ETIKA NG PANANALIKSIK


Layunin
Sa bahagİng ito, inilalahad ang nais makamit sa pamamagitan ng pananalİksİk. Ito ang tinutukoy na
adhikaing nais patunayan, pabulaanan, mahimok, maiparanas, o ipagawa ng pananaliksik. İsinusulat ito bílang
mga pahayag na nagsasaad kung paano masasagot o matutupad ang mga tanong sa pananaliksik. Kapag natapos
nang isulat ang buong pananaliksik, alalahaning balikan ang mga layunin at seguruhing natupad o nagawa nga
ang mga İto. Kung hindi nasagot sa kongklusyon ang mga layunin, maaarİng hindi nasunod ang wastong proseso,
lumihis sa pokus ng pananaliksik, o naiba ang tunguhİn nito.

Paano bumuo ng layunin?


Ang mga layunin ng pananaliksik ay kadalasang nabubuo pagkatapos mailatag ang mga tanong sa
pananaliksik. Ibinubuod dito ang mga bagay na nais makamit sa pananaliksik. Sa pagbubuo ng mga layunİn ng
pananaliksik, mahalagang isaalang-alang ang sumusunod:
1. Nakasaad sa paraang ipinaliliwanag o maliwanag na nakalahad kung ano ang dapat gawin at paano ito
gagawİn
2. Makatotohanan o maisasagawa
3. Gumagamit ng mga tiyak na pandiwa at nagsasaad ng mga pahayag na maaaring masukat o patunayan
bílang tugon sa mga tanong sa pananaliksik

Ilang mga halimbawa ng mga pandiwang nagpapaliwanag ng proseso:


Matukoy, maihambing, mapili, masukat, mailarawan, maipaliwanag, masaliksik, makapagpahayag,
maihanay, maiulat/makapag-ulat, masuri/makasuri, nakapag-organisa, makilala, makapaghulo, makabuo,
makabuo ng konsepto, mailahad, maibuod, makagawa/makapili, maisa-isa, magamit/makagamit,
makapagsagawa, at makatalakay.
Gamit ng Pananaliksik
Isinasagawa ang pananaliksik upang tumuklas ng mga bágong kaalaman at impormasyon na magiging
kapaki-pakinabang sa mga tao. Isang halimbawa ang bágong lumabas na datos na malaki ang tsansang maging
malilimutin ang isang tao batay sa dalas ng kaniyang paggamit ng smartphone at Internet.
Ayon sa pag-aaral ni Dr. Lee Hadlington, may direktang kaugnayan ang pagbababád sa Internet at
paggamit ng smartphone sa unti-unting paghina ng isip at memorya ng isang tao.
1. Maaaring gamitin ang pananaliksik upang bigyan ng bágong interpretasyon ang lumang impormasyon.
Maaaring sa paglipas ng panahon ay magkaroon ng panibagong imbensiyon na may kaugnayan sa dáting
pananaliksik. Halimbawa, noong una ay pinupuri ang pagkatuklas ng paraan upang mapabuti ang
produksiyon ng ilang uri ng pagkain sa pamamagitan ng genetically modifed organism o GMO. Ngunit
ngayon, iniuugnay sa ilang sakít ang pagkonsumo ng mga pagkaing sumailalim sa modipikasyon o GMO.
2. Nagagamit ang pananaliksik upang linawin ang isang pinagtatalunang isyu. Halimbawa nitó ang mga
bágong tuklas na benepisyo ng marijuana upang malunasan ang ilang karamdaman. Sa kabila nitó, marami
pa rin ang hindi sumasang-ayon na gawing legal ang paggamit ng marijuana.
3. Nagsasagawa ng karagdagang pananaliksik upang patunayan ang bisa at katotohanan ng isang datos o
idea. Maaaring kumpirmahin ng bágong pag-aaral ang isang umiiral na katotohanan.

Metodo
Ilalahad ang uri ng kasangkapan o instrumentong gagamitin upang maisagawa ang pamamaraan ng
pananaliksik. Nakabatay sa disenyo at pamamaraan ang instrumento. Halimbawa, kung magsasagawa ng
pakikipanayam, kailangan ang gabay sa panayam o talaan ng mga tanong. Kung obserbasyon, kailangan din ang
isang talaan o checklist na magsisilbing gabay sa mga dapat bigyang-pansin sa obserbasyon, o kung sarbey naman
ay questionnaire o talatanungan. Kailangang Iaging nása isip ng mananaliksik kung masasagot ng instrumento
ang mga suliranin ng pananaliksik.

Etika ng Pananaliksik
Narito ang ilan sa mahahalagang prinsipyong iyon:
1. Pagkilala sa Pinagmulan ng mga Idea sa Pananaliksik. Gaya ng nabanggit sa unang bahagi ng aralin, ang
pananaliksik ay maihahalintulad sa paglahok sa isang pampublikong diyalogo. Ibig sabihin, bukod sa
mananaliksik ay maaaring marami nang naunang nag-isip tungkol sa partikular na paksang nais mong
unawain at pagyamanin. Mahalaga ang pagbanggit at pagkilala sa iba pang mananaliksik at iskolar na naging
tuntungan at pundasyon ng iyong pananaliksik. Sa pamamagitan ng diyalogong ito, nakalilikha ng isang
komunidad ng mga mananaliksik na may malasakit at iisang layunin.
2. Boluntaryong Partisipasyon ng mga Kalahok. Kinakailangang hindi pinilit ang sinumang kalahok o
respondente sa pagbibigay ng impormasyon o anumang partisipasyon sa pananaliksik. Bago simulan ang
pagsagot sa sarbey, pakikipanayam, o eksperimento, kailangang maging malinaw muna sa mga tagasagot ang
kabuoang layunin ng pananaliksik at halaga ng kanilang partisipasyon. Kung eksperimental, mahalagang
maunawaan din ng kalahok ang bigat o inaasahang peligro ng eksperimento at kailangang buong-loob ang
kaniyang paglahok sa kabila nitó.
3. Pagiging Kumpidensiyal at Pagkukubli sa Pagkakakilanlan ng Kalahok. Kailangang ipaunawa sa mga
kalahok na ang anumang impormasyon na magmumula sa kanila ay gagaamitin lamang sa kapakinabangan
ng pananaliksik. Dapat ding pag-isipan ng mananaliksik kung paano ikukubli ang pagkakakilanlan ng
tagasagot lalong-lalo na sa mga pananaliksik na may sensítibong paksa. Sa mga pagkakataong kailangang
isapubliko ang resulta ng pananaliksik o kayâ'y ibahagi sa colloquium o publikasyon, kailangan pa ring
ipagpaalam at hingín ang permiso ng mga tagasagot na pangunahing pinagmulan ng datos ng pananaliksik.
4. Pagbabalik at Paggamit sa Resulta ng Pananaliksik. Mahalagang ipaalam sa mga tagasagot ang sistematikong
pagsusuri ng mananaliksik sa kinalabasan ng pag-aaral. Madalas na nararamdaman ng mga kalahok, lalo na
yaong mga nása komunidad, na ginagamit lámang sila ng mananaliksik upang kumuha ng datos at pagkatapos
ay parang bulang nawawala ang mga ito. Ito ay dahil sa mangilanngilan lámang na mananaliksik ang
bumabalik upang ibahagi sa mga kalahok ang kinalabasan ng pag-aaral. Kung may awtput tulad ng modelo,
pagbuo ng polisiya, o iba pang mahahalagang rekomendasyon ang pananaliksik, makabubuti kung ipaalam
ito sa kinauukulan upang makatulong sa kapakinabangan ng ko munidad o kaugnay na institusyong pinag-
aaralan.
MGA GAWAIN
I. Panuto: Isa-isahin ang mga hakbang sa pagbuo ng isang makabuluhang pananaliksik. Makakatulong sa pag-
iisa-isa ang mga panandang pangungusap na nasa ibaba. Isulat ang sagot sa loob ng kahon.

1. Hindi dapat na maging masyadong masaklaw ang sakop nito.


2. Paglalagom ng kabuoang idea o kaisipan na tumatalakay sa ibig tuklasin, linawin, at tukuyin.
3. Ang pagsasama-sama ng hinangong idea mula sa iba’t ibang pinagkunan ng impormasyon at mga datos.
4. Ang iskeleton ng anumang sulatin, hinahati-hati ang mga kaisipan na isasama ang pagsulat mula sa
pinakamaliit hanggang sa pinakapangunahing kaisipan na dapat isulat.
5. Pagkalap ng mga kailangang kaalaman, kung paano gagamitin at isaayos ang mga datos.
6. Maaaring makita ang kahulugan sa nakalap na mga datos; maaaring marebisa nang mas maaga ang ilang
kamalian, pagkakaayos, estilo ng nilalaman ng sulatin, at makapagdaragdag pa ng mas mabisang idea.
7. Inilalahad ang kabuoang isinagawang pananaliksik batay sa wastong pormat kawastuan ng mga pamamaraan
at dokumentasyon.

II. Suriin ang ilang mga bahagi ng pananaliksik sa Filipino. Lagyan ng 1 ang Layunin, 2 ang Gámit, 3 ang
Metodo, at 4 ang Etika ng pananaliksik. Kopyahin at isulat ang wastong bílang sa inyong sagutang papel.
A.
__________ Mangangalap ng talâ sa Internet, aklat, at jornal at makikipanayam sa mga doktor
__________ Bubuo ng isang sulating pananaliksik na maaaring maging basehan ng isang brochure na
tumatalakay sa mga benepisyo at panganib ng paggamit ng halamang gamot bílang gamot sa
COVID19.
__________ Sa mga mamamayan, ang pag-aaral na ito ay makapagbibigay ng mahalagang impormasyon sa
kanilang pagpapasiyang nauukol sa paggamit ng halamang gamot.
__________ Pagbabalik at paggamit sa resulta ng pananaliksik.

B.
__________ Tutukuyin ang mga epekto ng Quarantine sa mga batang nása preschool.
__________ Magpapasagot ng questionnaire sa magulang na may anak na preschool tungkol sa epekto ng
Quarantine.
__________ Pagkukubli sa pagkakakilanlan ng mga batang nása preschool
__________ Sa mga mag-aaral, nakakatulong nito upang malampasan ang Psychological First Aide.

C.
__________ Bubuo ng isang sulating pananaliksik tungkol sa facemask. Maaaring maging basehan ng isang
artikulo na tumatalakay sa bagay na ito.
__________ Mananaliksik sa Internet. Gagawa ng sarbey tungkol sa paboritong isuot ng mga frontliners at
kapanayamin ang ilan sa mga nasarbey na medical frontliners kung bakit nila paboritong isuot ang
facemask. Kapanayamin din ang ilang manufacturers ng facemask.
__________ Sa mga frontliner, ang magagawa ng pag-aaral na ito na kilatisin muna ang uri ng materyales ng
facemask bago ito gamitin
__________ Pagbabalik at paggamit sa resulta ng pananaliksik sa mga frontliner.
D.
__________ Sa mga gumagawa ng maikling pelikula, makakatulong ang paggamit ng camera at editing app ng
smartphone upang makagagawa ng isang maikling pelikula.
__________ Tutukuyin ang mga paraan ng pagbuo ng maikling-maikling pelikula gámit lang ang camera at
editing app ng smartphone.
__________ Makikipanayam sa mga direktor ng maikling pelikula at mag-oobserba sa proseso ng paggawa ng
ganitong pelikula.
__________ Boluntaryong partisipasyon ng mga kalahok.

E.
__________ Aalamin ang dahilan kung bakit patuloy na tumataas ang bílang ng nagkakasakit ng COVID19.
__________ Magsasaliksik ng mga nakasalamuhang tao sa pamamagitan ng pakikipanayam sa mga táong
nagkaroon ng COVID19.
__________ Boluntaryong partisipasyon ng mga kalahok.
__________ Sa ahensiya ng gobyerno, magagamit ang pag-aaral na ito upang magkaroon ng eksaktong bílang
ng nagkakaroon ng COVID19.

PAGSASANAY
Panuto: Suriin ang ilang mga abstrak mula sa mga halimbawang pananaliksik sa Filipino batay sa layunin, gámit, metodo,
at etika ng pananaliksik. Punan ang talahanayan na nása ibaba. Kopyahin at sagutan sa inyong sagutang papel.

ABSTRAK
A. Ang pangunahing layunin ng pananaliksik ay upang masuri ang estilo ng pagkatuto ng mga
mag-aaral sa ika-anim na baitang bilang basehan ng interbensyon at epektibong pagtuturo at
pagkatuto sa asignaturang Filipino. Mayroon animnapu't isang (61) respondente ang pananaliksik
na ito at gumamit ng pamaraang palarawang disenyo. Ang resulta ay nagpapkita na ang
pangunahing estilo ng pagkatuto ng mga mag-aaral na lalaki ay kinestetik na may frequency na
409 0 36.65 na bahagdan, samantalang awditori ang sa mga mag-aaral na babae na may frequency
na 374 0 34.63 na bahagdan. Ang natamong X2 value na 1.7 ay mas mababa sa 5.99 na critical
value sa 0.05 level of probability teybol gamit ang degree of freedom na 2. Ang Null hypothesis
na nagsasabing walang significant relationship o malaking kaugnayan ang estilo ng pagkatuto ng
mga lalaki at babaeng mag-aaral ay tinanggap.
Ang paaralan ay nararapat na magsagawa ng Leaming Action Cell (LAC) session para sa guro na
ang paksa ay tungkol sa estilo ng pagkatuto, laluna sa kinestetik at awditory upang makapagbigay
ng angkop na pamamaraan na gagamitin sa pagtuturo upang mapataas ang marka at malinang ang
kakayahan ng mga mag-aaral ngayong 21st century.
Bata, Bata, Paano Ka Matututo? Isang Pagsusuri tungkol sa Estilong Pagkatuto ng mga Mag-
aaral sa Ika-anim na Baitang sa Paaralang Elementarya ng Kaytitinga, taong panuruan 2015-
2016 Ribecca B. Fenol, ANG GURO Ikaapat na Edisyon,Vol.7,2017
ABSTRAK

B. Maipakita ang kaugnayan o korelasyon ng pagdalo sa mga seminar/ pagsasanay at ang Oplan
Pagmamasid sa mga kalakasan at kahinaan ng mga guro na nagtuturo ng asignaturang Filipino.Ang
disenyo ng pag-aaral na ito ay ginamitan ng Correlational Studies na inilahad sa Input - Process -
Output (PO) na pamamaraan at ang metodolohiya ay sumasaklaw sa deskriptibong uri ng
pananaliksik o pag-aaral. Mula sa 435 guro sa Filipino mula sa iba't ibang antas, kumuha ng
walumpung (80) kalahok bilang kinatawan ng dalawampung bahagdan (20%) ng populasyon
upang gamitin sa pag-aaral.
Makabuluhan ang naging resulta ng pag-aaral sa kadahiIanang naging masusi at napatunayan na
may epekto ang seminar at workshop sa pagpapabuti at pagpapalakas ng mga kahinaan ng guro. Sa
value ng r na 0.67, naipakita ng istatistiko na mayroong korelasyon (katamtaman) arg mga
baryabol.Tinatayang ang pag-aaral na ito ay tunay na makatutulong sa ating mga Punongguro at
tagamasid upang lalo pang mapag-ibayo ang pagkakaroon ng mga kasanayan at pagsasanay para
makatulong sa pagtuturo ng mga gurong Filipino sa Elementarya at Sekundaryang antas.
“Plan Pagmamasid: Kahinaan At Kalakasan Ng Mga Guro Sa Proseso Ng Pagtuturo Ng Filipino” Elpidia B. Bergado,
ANG GURO: Saliksik (Bertud ng Edukador), Vol.5(2015-2016)

Panuto: Suriin ang bawat pahayag patungkol sa layunin, gámit, metodo, at etika sa pananaliksik. Lagyan ng tsek
(✔) ang linya bago ang bílang kung ito ay tama at ekis (❌) kung mali. Isulat ito sa sagutang papel.
____________1. Ang metodo ay tumutukoy sa paraang ginagamit ng mananaliksik sa pagkuha ng datos at
pagsusuri sa piniling paksa.
____________2. Tiyak ang layunin kung nagpapahayag ito ng kabuoang layon o nais matamo ng pananaliksik.
____________3. Ang layunin ng pananaliksik ay maaaring maging panlahat o tiyak.
____________4. Ang mananaliksik ay dapat maging matapat sa anumang impormasyong ilalagay niya sa
kaniyang pananaliksik.
____________5. Panlahat ang layunin kung nagpapahayag ito ng mga partikular na pakay sa pananaliksik sa
paksa.
____________6. Ang kulay, tekstura, lasa, damdamin, at pangyayari ay mga halimbawa ng datos ng kailanan o
quantitative data.
____________7. Maaaring maging subhetibo ang tono ng pananaliksik.
____________8. Ang mga layunin ng pananaliksik ay kadalasang nabubuo pagkatapos mailatag ang mga
tanong sa pananaliksik.
____________9. Ang etika ay tumutukoy sa pagiging obhetibo at matapat ng anumang pahayag sa kabuoan ng
sulating pananaliksik.
____________10. Ang pag-angkin sa gawa ng iba ay tahasang paglabag sa etika ng pananaliksik.
____________11. Nagagamit ang pananaliksik upang linawin ang isang pinagtatalunang isyu.
____________12. Ang ginagamitan ng mga operasyong matematikal ay tinatawag na datos ng kalidad o
qualitative data.
____________13. Ang pagkopya sa ilang bahagi ng akdang hindi kinilala ang awtor kahit pa ito ay may
kaunting pagbabago sa ayos ng pangungusap ay isang halimbawa ng plagiarism.
____________14. Isa sa etika ng pananaliksik ang pagiging kumpidensiyal at pagkukubli sa pagkakakilanlan ng
kalahok.
____________15. Ang pananaliksik ay gumagamit ng mga tiyak na pandiwa at nagsasaad ng mga pahayag na
maaaring masukat o patunayan bílang tugon sa mga tanong.
Panuto: Suriin ang ilang halimbawang pananaliksik sa Filipino batay sa layunin, gamit, metodo, at etika ng pananaliksik.
Isulat sa iyong sagutang papel kung LAYUNIN, GAMIT, METODO, at ETIKA ang mga ilang bahagi ng pananaliksik.

__________1. Ang ginamit na disenyo sa pag-aaral na ito ay deskriptiv at analitik na pananaliksik.


__________2. Ang paraang ginamit sa pag-aaral ay ang Correlational Studies kung saan ikokompara ang dalawang
baryabols para malaman kung mayroong positibo o negatibong epekto ang isa sa isa.
__________3. Boluntaryong partisipasyon ng mga kalahok.
__________4. Ginamit ang Likert Scale upang mabigyang-interpretasyon ang balidasyon na isinagawa ng mga guro na
nagtuturo sa ikawalong baitang.
__________5. Ginamit sa pananalisik na ito ang deskriptibo at kuwasi-eksperimental na uri ng pananaliksik.
__________6. Maipakita ang kaalaman ng mga mag-aaral sa K to 12 batay sa salik layunin at implikasyon.
__________7. Kinakailangang hindi pinilit ang sinumang kalahok o respondente sa pagbibigay ng impormasyon o
anumang partisipasyon sa pananaliksik.
__________8. Mabatid ang epekto ng paggamit ng iba’t ibang estratehiya sa pagtuturo ng asignaturang Filipino.
__________9. Mahikayat ang mga guro na ugaliin/sanayin ang pagdalo sa mga seminar upang umunlad ang mga
kakayahan sa pagtuturo.
__________10. Pagbalik at paggamit sa resulta ng pananaliksik.
__________11. Pagiging kumpidensiyal at pagkukubli sa pagkakakilanlan ng kalahok.
__________12. Pagkilala sa pinagmulan ng mga idea sa pananaliksik.
__________13. Sa gurong nagtuturo ng asignaturang Filipino, ang pag-aaral na ito ay makapagbibigay ng mahalagang
impormasyon sa kanilang pagpapasiyang nauukol sa mga bagay na pang-akademiko.
__________14. Mapabása at matukoy ang lebel ng kakayahan sa pagbása gamit ang Ang Pinadaling Paraan ng Pagbasa ni
Tysel.
__________15. Sukatin ang bisa ng komiks bílang alternatibong kagamitang pampagtuturo sa asignaturang Filipino,
Baitang 8.

Panuto: Pumili sa loob ng kahon ng limang katangiang sa tingin mo ay kailangang mahasa habang pinaghahandaan mo
ang pagsulat ng iyong sulating pananaliksik. Ipaliwanag mo kung bakit mo nasabing kailangang mahasa ang mga
katangiang ito sa iyo. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

1. Katangian:_______________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________

2. Katangian:_______________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________

3. Katangian:_______________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________

4. Katangian:_______________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________

5. Katangian:______________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________
KUWARTER 4 – MODYUL 2
Pagbibigay-Kahulugan sa mga Konseptong Kaugnay ng Pananaliksik
Layunin ng pag-aaral:
• Nabibigyang-kahulugan ang mga konseptong kaugnay ng pananaliksik (Halimbawa: balangkas
konseptuwal, balangkas teoretikal, datos empirikal, atbp.) (F11PT-IVcd-89)

Sa modyul na ito inaasahang magtutuon táyo sa pagbibigay kahulugan sa mga konseptong kaugnay ng
pananaliksik.
Ang pagbibigay-kahulugan ay isang eksposisyon na tumatalakay o naglalahad ng depinisyon o kahulugan sa
isang salita. Ito rin ay paglilinaw sa kahulugan ng isang salita upang tiyak na maunawaan. Bawat disiplina o
larang ay may mga jargon o teknikal na katangian na kinakailangan ng paglilinaw o pagpapalinawanag.
Ito ang mga konseptong pangwika na pag-uukulan nang pansin sa bahaging ito:
1. Balangkas Teoretikal – ay mga umiiral na teorya sa iba’t ibang larang o disiplina na subók na at may
balidasyon ng mga pantas.
2. Balangkas Konseptuwal – ay mga konsepto o idea na tutugon sa baryabol ng pananaliksik na maaaring binuo
ng mga mananaliksik
3. Datos Empirikal – ang mga datos mula sa resulta ng metodong ginamit sa pangangalap ng datos

Ayon kina Grant at Osaloon (2014) sa jornal ni Adom (2018), ang balangkas ay nagsisilbing ‘blueprint’
o gabay sa pananaliksik. Ito ay mahalagang bahagi ng pananaliksik upang matiyak ang landas na tinutungo habang
ginagawa ang papel at maiwasan ang paglihis sa paksang napili. Ang balangkas na ito ay makatutulong sa mga
mananaliksik bílang pundasyon ng tila binubuong gusali.
Balangkas Teoretikal
Ang teoretikal na balangkas ay nakabatay sa mga umiiral na teorya sa iba’t ibang larang na may kaugnayan
o repleksiyon sa layunin o haypotesis ng pananaliksik (Adom, 2018)
Isinaad din ni Akintoye (2015) sa parehong jornal na mahalaga ang teoretikal na balangkas upang matulungan
ang mananaliksik sa paghahanap sa angkop na dulog, analitikal na kaparaanan, at mga hakbangin ukol sa
katanungan o layunin ng saliksik na ginagawa. Sa pamamagitan nitó mas binigyang-lalim at paglalapat ang
ginagawang saliksik.
Ayon kina Simon at Goes (2011), narito ang ilan sa mga punto na maaaring gamitin sa paghahanap ng
teoretikal na balangkas:

1. Ang pagtukoy sa pangunahing layunin ng paksa


2. Alamin ang mga pangunahing baryabol ng ginagawang saliksik
3. Pagbabása at pagbabalik-aral sa mga kaugnay na literatura ng iyong paksa
4. Pagtatalâ ng kabuoan at baryabol na maaaring makaapekto sa paksa
5. Pagsipat sa iba pang mga baryabol na kaugnay ng paksa
6. Pagrerebisa ng saliksik habang idinadagdag ang salitang teorya
7. Pag-iisa-isa sa mga teoryang nasaliksik at kaugnayan nitó sa iyong papel
8. Pagtingin sa iba pang teorya na humahamon sa perspektibo ng napiling teorya
9. Pagsasaisip ng mga limitasyon ng napiling teorya.

Isang halimbawa ng teorya ay Attachment Theory ni John Bowlby (1971) na ginamit sa pananaliksik na
pinamagatang Mga Batas ukol sa Child Abuse ni Abadejos. Napili nila ang teorya sapagkat ito ang sumasagot sa
baryabol nilang child abuse na pumapaksa sa pagkawalay sa ina bílang isang dahilan ng pagkakaroon ng pang-
aabuso sa mga bata.
Kung iyong mapapansin, ang Attachment Theory na ginamit sa papel ay isang subok na teorya na kinikilala
ng iba pang mga pantas. Ito rin ay sumasagot sa kung bakit nga ba nagkakaroon ng pang-aabuso sa baryabol na
“child abuse”.
Balangkas Konseptuwal
Ang konseptuwal na balangkas ay naglalaman ng konsepto ng mananaliksik hinggil sa pag-aaral na
isinasagawa. Ito ang pangunahing tema at panuntunan ng pagsisiyasat. Ang nasabing balangkas ay ipinakikita sa
isang paradigma ng pananaliksik na kailangan maipaliwanag nang maayos.
Isinaad naman nina Grant at Osanloo (2014) na ito ay naglalahad ng estruktura na nagpapakita kung paano
binibigyang-kahulugan ng mananaliksik ang pilosopikal, epistemolohikal, metodolohikal, at analitikal ang
kaniyang ginagawang pananaliksik (Adom, 2018).
Ito rin ay pinagsama-samang magkakaugnay na konsepto upang maipaliwanag o masagot ang haypotesis
ng ginagawang saliksik (Imenda, 2014). Sapagkat ito ay magkakaugnay na konsepto, ito ay dapat na nakaayos sa
lohikal na estruktura sa tulong ng larawan o biswal na nagpapakita ng pagkakaugnay ng mga idea (Grant at
Osanloo, 2014).
Halimbawa, ang iyong paksa ay ukol sa “Mga Paraan sa Pag-iingat sa Kalikasan,” mula rito, ito ang iba’t
ibang konsepto na nabuo ng mga mananaliksik upang masukat ang kanilang baryabol ukol sa “paraan sa pag-
iingat”.
“Mga Paraan sa Pag-iingat sa Kalikasan”

Kung iyong susuriin, mapapansing nagtataglay ito ng IBA-IBANG konsepto upang matugunan ang
baryabol o suliranin hinggil sa kalikasan. Totoong ang ilan dito ay mula sa kilalang batas o pantas ngunit ito ay
ISINAMA sa iba pang konsepto at nabuo ng mananaliksik ang konseptong ito na ipinakikita sa dayagram.
PAGKAKAIBA NG BALANGKAS NA TEORETIKAL AT KONSEPTUWAL (Adom, 2018)

Balangkas Teoretikal Balangkas Konseptwal


Mas malawak ang mga nilalatag na idea Mas tiyak ang mga idea
Nakabatay sa mga teoryang umiiral na subok at may Nakabatay sa mga konseptong may kaugnayan sa
balidasyon ng mga pantas pangunahing baryabol ng pananaliksik
Modelong binuo ng mananaliksik batay sa mga
baryabol ng papel.
Isang modelo batay sa isang pag-aaral
Maaari rin itong kumuha ng mga modelo o mga teorya
na aakma sa layunin ng pananaliksik
Hindi pa tinatanggap ngunit isinasangguni ng
Mahusay ang pagkakabuo, disenyo, at tinatanggap na mananaliksik batay sa suliranin ng pananaliksik na
ginagawa
Ito ay may focal point para sa dulog na gagamitin sa Balangkas na nagtataglay ng lohika kung paano
saliksik sa isang tiyak na larang upang masagot ang masasagot ang mga katanungan ng ginagawang
katanungan saliksik
Pinagsasamang mga konsepto na magkakaugnay
Ito ay mga teorya na magkakaugnay para sa
upang masagot ng mananaliksik ang suliranin o
proposisyon ng papel
layunin ng papel
Ito ay ginagamit upang subukin ang isang teorya Ito ay ginagamit sa pagpapaunlad ng teorya
DATOS EMPIRIKAL
Ang datos empirical ay mga impormasyong nakalap mula sa kombinasyon ng dalawa o higit pang
metodo ng pananaliksik (obserbasyon, pakikipanayam, at/o ekperimentasyon, atbp.). Ito ay dumadaan sa
pagsusuri at maaaring mapatunayan na totoo o hindi, makabuluhan o hindi.
TATLONG URI NG DATOS EMPIRIKAL
1. Tekstuwal. Paglalarawan sa datos sa paraang patalata.
Halimbawa:
Ayon sa UNESCO (2020) 87% o 1.5 bilyon na mag-aaral ang naapektuhan nang dahil sa 2019 N Corona
Virus sa buong mundo at 28 milyon naman ang naapektuhan sa Pilipinas.
2. Tabular. Paglalarawan sa datos gamit ang estadistikal na talahanayan.
Halimbawa:

Ilang Online Television Radio Modular Blended


Lalawigan sa Learning Learning Learning
Cavite
Bacoor 3046 398 120 5700 6900
Imus 4025 1098 370 7098 8929
Dasmariñas 3098 1209 405 9091 10,901
3. Grapikal. Paglalarawan sa datos gámit ang biswal na representasyon katulad ng line graph, pie graph, at bar graph.
Line Graph. Maaaring gamitin kung nais ipakita ang pagbabago sa baryabol o numero sa haba ng panahon.

Pie Graph. Isang bílog na nahahati sa iba’t ibang bahagi upang maipakita ang pagkakaiba-iba ng bílang ng
isang grupo ayon sa mga kategorya ng iyong pag-aaral.

Bar Graph. Maaaring gamitin kung may dalawa o higit pang datos na magkahiwalay at ipinaghahambing.
Halimbawa:
`
GAWAIN
I. Basahin at suriing mabuti ang dalawang halimbawa ng Abstrak na nása ibaba. Pagkatapos ay
sagutan sa iyong sagutang papel ang mga kasunod na tanong.
Mga Batas Ukol sa Child Abuse
Alynna Joyce S. Abadejos, Karl Cyrille D. Bello,
Stanley Lawrence B. Chua, at Katrina Ysabel L. Salita
*Ito ay ilang bahagi lamang ng kanilang pananaliksik.
Dalawang teorya ang pinagbasehan ng mga mananaliksik ukol sa sanhi ng mga pang-
aabuso sa bata upang magabayan sila sa riserts na kanilang gagawin. Ang mga teoryang ito ay
ang attachment theory at learning theory.
Nagmula ang dogma ng attachment theory kay John Bowlby (1971) noong ikalawang
digmaang pandaigdig. Ayon sa kaniya, ang pagkawalay ng bata mula sa kaniyang ina sa unang
limang taon ng kaniyang pagkabuhay ay maaaring magkaroon ng nakapipinsalang epekto sa
emosyonal na aspekto ng bata na maaaring magbunga sa ilang sikolohikal at sosyal na problema
sa kaniyang paglaki, kagaya ng pagkawala ng interes sa mga bagay-bagay at pagiging pabaya o
delinkuwente.
Ang learning theory naman ay isang konsepto kung saan ang ugali ay nasusukat, o
natutuhan sa pamamagitan ng pakikisalamuha ng isang indibidwal sa kalikasan at lipunan. Ayon
kina Pavlov at Skinner, ang ugali ay nagmumula sa mga external stimuli o mga bagay na
nararanasan ng isang indibidwal sa kaniyang paligid. Mula dito, napagtanto nila na kung ano
ang hindi nakikita ng isang indibidwal ay hindi umiiral sa totoong buhay.
Sanggunian: De La Salle University Manila, “Mga Batas Ukol sa Child Abuse”, Nakuha
noong Hunyo 10, 2020,
https://d1wqtxts1xzle7.cloudfront.net/53835582/Child_Abuse.pdf?1499851670=&response-
content-disposition=inline%3B+filename%3DMga_Batas_Ukol_sa_Child_Abuse.pdf

Pananaliksik Ukol sa Depresyon at Pagkabahala


*Ito ay ilang bahagi lamang ng pananaliksik.
Ang mga karaniwang nagiging biktima ay ang mga mag-aaral sa kolehiyo subalit
mayroon ring ilang nasa sekondarya. Isa sa mga tinitingnang dahilan sa mga insidenteng ito ay
ang gami ng nagdudumga gawaing pang akademiko na naiipon sapagkat hindi binibigyang
halaga ang oras. Karamihan sa mgamag-aaral ay pinipiling gawin ang sabay-sabay na mga
gawain isang linggo bago ang itinakdang panahon o mas mababa pa sa isang linggo. Dahil dito,
hindi nila maiwasang mabahala na kalauna’y maaaring magbunga ng depresyon. Bukod pa rito,
ang mga problemang kinahaharap ng bawat isa ay hindi rin natinmaaaring isantabi. Ang bugso
ng mga gawaing pang-akademiko, ang mga problemang kinahaharap sa pisikal, emosyonal,
mental, pinansyal, at marami pang iba ay nakadaragdag ng posibilidad upang ang isang tao ay
makaranas ng sinasabing depresyon. Datapwat, hindi dapat nating alisin sa ating pag-iisip na
ang buhay ay tunay ngang punong-puno ng pagsubok. Mga pagsubok na maaaring magpalakas
o maging dahilan ng ating pagbagsak

Sanggunian: Pananaliksik ukol sa Depresyon at Pagkabahala. Binuksan noong Hunyo 11,


2020, https://pdfslide.net/documents/pananaliksik-ukol-sa-depresyon-at-pagkabahala.html

1. Ano ang balangkas na ginamit upang masagot ang suliranin o layunin ng pananaliksik?
Pagsasanay 1:
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
Pagsasanay 2:
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________

2. Ipaliwanag ang iyong naging sagot.

Pagsasanay 1:
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
Pagsasanay 2:
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
II. Batay sa iyong natutuhan sa ating talakayan, isulat mo ang sumusunod na aytem na may kaugnayan
sa mga konsepto sa bawat hanay.

1. Ayon sa Department of Health, isang tao kada 13 segundo, o isang milyong katao taon-taon, ang
namamatay dahil sa paninigarilyo.
2. Maaari rin itong kumuha ng mga modelo o mga teorya na aakma sa layunin ng pananaliksik.
3. Nakabatay sa mga konseptong may kaugnayan sa pangunahing baryabol ng pananaliksik.
4. Sa paglalarawan sa datos, maaaring gumamit ng biswal na representasyon katulad ng line graph, pie
graph, at bar graph.
5. Ito ay mga teorya na magkakaugnay para sa proposisyon ng papel.
6. Isang modelo batay sa isang pag-aaral.
7. Ang line graph ay nababagay gamitin kung nais ipakita ang pagbabago sa baryabol o numero sa haba
ng panahon.
8. Ito ay may focal point para sa dulog na gagamitin sa saliksik sa isang tiyak na larang upang masagot
ang katanungan.
9. Ito ay nakabatay sa mga teoryang umiiral na subok at may balidasyon ng mga pantas.
10. Hindi pa tinatanggap ngunit isinasangguni ng mananaliksik batay sa suliranin ng pananaliksik na
ginagawa.
Datos Empirikal Balangkas Teoretikal Balangkas Konseptuwal
(A) (B) (C)

III.
A. Panuto: Ibigay ang hinihingi sa bawat bílang. Isulat ito sa iyong sagutang papel.
____1. Ito ay nagtataglay ng pinagsama-samang magkakaugnay na konsepto upang maipaliwanag o masagot
ang haypotesis ng ginagawang saliksik.
____2. Ito ay nakabatay sa teoryang umiiral na subok at may balidasyon ng mga pantas.
____3. Impormasyong nakalap mula sa ginawang pangangalap ng datos.
____4. Uri ng datos na patalata ang paraan ng paglalarawan.
____5. Nagsisilbing “blueprint”o gabay ng pananaliksik

B. Panuto: Suriin ang bawat pahayag patungkol sa balangkas teoretikal, batayang konseptuwal, at datos empirikal.
Isulat ang T kung TAMA kung wasto ang pahayag at M kung Mali naman kung hindi sa sagutang papel.
____6. Maaaring gumawa ng sariling estruktura upang mabuo ang balangkas konseptuwal.
____7. Katuwang ng mananaliksik ang balangkas teoretikal at konseptuwal upang masagot ang suliranin o
maipaliwanag ang baryabol ng pananaliksik.
____8. Ang Pie Graph ay maaaring gamitin upang ipakita ang pagbabago sa paglipas ng panahon.
____9. Maaaring lumikha ng sariling teorya sa ginagawang pananaliksik
____10. Subók na ng mga pantas ang binubuong sariling balangkas konseptuwal ng mga mananaliksik.
____11. Ang balangkas konseptuwal ay ginagamit upang mapaunlad ang teorya.
____12. Ang bar graph ay nababagay gamitin kung may dalawa o higit pang datos na magkakahiwalay ay
ipinaghahambing.
____13. Mahalagang maging tapat ng paglalahat ng datos empirikal batay sa naging resulat ng pananaliksik.
____14. Maaaring gawin ang pananaliksik nang hindi gumagamit ng balangkas.
____15. Ang mga konseptong pananaliksik ay nariyan upang maging gabay sa binubuong pananaliksik.

You might also like