Professional Documents
Culture Documents
❖ Binigyang kahulugan nina Nuncio et al (2013) ang pananaliksik bilang isang lohikal na
proseso ng paghahanap ng sagot sa mga tanong ng mananaliksik na nakabatay sa problema at
metodo ng pag-aaral tungo sa produksiyon ng maraming kaalaman at kasanayan upang
makatugon sa pangangailangan ng tao at lipunan.
❖ Ang dahilan kung bakit ang isang partikular na paraan ang gagamitin ay dapat bigyan ng
katarungan.
✓ Sa pananaliksik ay may iba’t ibang layunin ang ginagamit ayon sa hangarin ng paksang
sasaliksikin. Kailangang bigyang konsiderasyon din ang metodo o disenyong gagamitin sa
pananaliksik upang matiyak ang mga kasangkot sa pananaliksik, paano, bakit sila magiging
bahagi, sa paanong paraan ang pangangalap ng mga datos, paano susuriin at maging dahilan
ng nasabing pananaliksik.
Gamit ng Pananaliksik
1. Isinasagawa ang pananaliksik upang tumuklas ng mga bagong kaalaman at impormasyon na
magiging kapaki-pakinabang sa mga tao. Isang halimbawa ang bagong lumabas na datos na
malaki ang tsansang maging malilimutin ang isang tao batay sa dalas ng kaniyang paggamit ng
smartphone at Internet. Ayon sa pag-aaral ni Dr. Lee Hadlington, may direktang kaugnayan ang
pagbababad sa Internet at paggamit ng smartphone sa unti-unting paghina ng isip at memorya
ng isang tao.
2. Maaaring gamitin ang pananaliksik upang bigyan ng bagong interpretasyon ang lumang
impormasyon. Maaaring sa paglipas ng panahon ay magkaroon ng panibagong imbensiyon na
may kaugnayan sa dating pananaliksik. Halimbawa noong una ay pinupuri ang pagkatuklas ng
paraan upang mapabuti ang produksiyon ng ilang uri ng pagkain sa pamamagitan ng genetically
modified oirganism o GMO. Ngunit, ngayon, iniuugnay sa ilang sakit ang pagkonsumo ng mga
pagkaing sumailalim sa modipikasyon o GMO.
3. Nagagamit ang pananaliksik upang linawin ang isang pinagtatalunang isyu. Halimbawa ang
mga bagong tuklas na benepisyo ng marijuana upang malunasan ang ilang karamdaman. Sa
kabila nito, marami pa rin ang hindi sumasang-ayon na gawing legal ang paggamit ng
marijuana.
4. Nagsasagawa ng karagdagang pananaliksik upang patunayan ang bisa ng katotohanan ng
isang datos o ideya. Maaaring kompirmahin ng bagong pag-aaral ang isang umiiral na
katotohanan.
✓ Paano ba natin malalaman ang halaga ng isang bagay? Madali lamang sa pamamagitan ng
gamit nito. Tulad ng pananaliksik na maraming gamit at kailangan matiyak na ang bawat gamit
ay mayroong kapakinabangan sa sangkatauhan. May ibang gamit ang pananaliksik na tulad ng:
magbigay patunay sa umiiral na mga pag-aaral; nagbibigay ng tamang direksyon o kalinawan sa
mga isyu; magbigay ng interpretasyon sa mga luma ng impormasyon; at gayundin ang
makadiskubre ng mga bagay o impormasyon na wala pa sa kasalukuyan na makatutulong sa
bawat mamamayan.
❖ Ang plagyarismo ay pangongopya ng datos, mga ideya, mga pangungusap, buod at balangkas
ng isang akda, programa, himig at iba pa, na hindi kinikilala ang pinagmulan o pinagkopyahan.
Ito ay isang uri ng pagnanakaw at pagsisinungaling dahil inaangkin mo ang hindi iyo (Atienza,
et al., 1996).
Pagpapahalaga sa gawa ng iba ay isang magandang kaasalan na dapat ipagpatuloy at
ikintal sa isipan ng bawat mananaliksik. Kailangang bigyang konsiderasyon na ang etika sa
pananaliksik ay bahagi o kasama na sa mga katangiang dapat taglayin ng mananaliksik.
Malaki ang gampanin nito sa katagumpayan ng pananaliksik sapagkat ang gawa ng iba ay
tapat na kinikilala, gayundin ang pagbibigay respeto sa sarili upang matamo ang
katagumpayan ng pag-aaral na isinasagawa, hindi upang manira at magnakaw ng gawa ng
ibang tao.
Dahil ang pananaliksik ay bunga ng matiyagang pagbabasa at pagsusuri ng mga nauna nang
pananaliksik, mahalagang malinang sa bawat mag-aaral ang mga etika sa pananaliksik. Ito ang
mga bagay na kailangang isaalang-alang bago bumuo ng sulating akademiko. Malalantad ang
mga mag-aaral. Dahil dito, mahalagang iwasan ang sumusunod:
Dahilan ng Plagyarismo
Kamangmangan o kawalan ng ideya,
May kamalayan sa mga panuntunan ngunit sadya o hindi sadyang binabalewala ang mga
ito,
Labis na pagmamadaling makatapos sa pananaliksik o kaya ay hindi pagbibigay ng sapat
na panahon na nagreresulta sa kawalan ng sinop at pag-iingat ng mananaliksik,
Sa bahagi naman ng guro, karaniwang hindi nabibigyan ng sapat na pagtatalakay ang
usaping plagyarismo.