You are on page 1of 7

Takdang Aralin: Ano ang pananaliksik ayon sa mga sumusunod:

 Katuturan

Ang pananaliksik ay pagtuklas ng isang teorya, pagsubok sa teoryang iyon at paglutos sa isang
suliranin. Ito ay isang masusing pagsisiyasat at pagsusuri sa mga ideya, konsepto, bagay, isyu at
tao at iba pang nais bigyang linaw o patunayan.

° Mga kategorya

Maingat – dahil kinakailangan ang wastong pag hanay ng mga ideya. Ang mga salitang
gagamitin ay pili ayon sa hinihingi ng paksa

Masusi – dahil bawat detalye, datos, pahayag at katwiran ay nililinaw at pinag aaralang
mabuti bago gumawa ng anumang pasya

Sistematiko – dahil may sinusunod na batayan o proseso sa pagsulat. Nakakaiwas sa mga


maling pahayag.

Mapanuri – dahil ang bunga ng pagsisiyasat ay tinitimbang, sinusuri at tinataya.

Tiyak – dahil kailangang patunayan ang mga nosyon, palagay, haka-haka o paniniwala sa
paraang sigurado o mapagbaabatayan

Kontrolado – dahil bawat hakbang ay nakaplano. Walang puwang ang mga gawaing likhang
isipat mga panghuhula. Maingat na pinipili at nililinang ang mga pahayag na batay sa mga
nakalap na datos.

 Katangian

Ang pananaliksik tulad ng nabanggit na ay isang kursong akademiko at nangangailangan ng


ibayong paghahanda upang misagawa nang mayos, sistematiko at epektibo ang hinaharap na
kalutasan sa isang suliranin o paksa. Kinakailangang:

Obhektibo – ang isang sulating pananaliksik ay hindi basta bastang pinagsama samang mga
binuod na akda o pinagdugtong dugtong na pahayag mula sa nakalap na impormasyon. Bagkus
ito ay mga nakalap na kaalaman at datos na isinaayos at inorganisa sa isang makaagham na
pamamaraan na ang bawat hakbang ay nakaplano.

Mayaman sa mga ginagamit na datos – hindi kinakailangang makontento sa isa o dalawang


sanggunian. Bigyang kasiyahan ang gawang pananaliksik sa tulong ng mga mapanaligang mga
impormasyon. Lahat ng posibleng pagkunan ay makatutulong ng malaki para sa gagamit ng
pananaliksik

Angkop ang pamamaraan – ang tagumpay ng isang pananaliksik ay nakasalaay sa ginagamit na


pamamaraan o metodolohiya. Sa bahaging ito ipinaliliwanag ang partikular na instrumentong
ginamit na makatutulong sa ikahuhusay ng sulating pananaliksik.

Dokumentado – ang mga patotoo at ang validiti ng sulating pananaliksik ay nakasalalay sa mga
ihaharap na materyales bilang pagkilala sa gawain ng iba at mga datos na nakuha
Sumusunod sa tamang proseso :

Nagsisimula sa pagtukoy ng suliranin

Pag-uugnay ng suliranin sa mga umiiral na storya

Pangangalap ng datos

Pagsusuri at pagpapakahulugan sa mga datos

Pagbuo ng mga konklusyon at rekomendasyon

Masuri at kritikal – Magiging balido lamang ang isang pananaliksik kung ang inilahad na ideya
ay mapanaligan at mapatotohanan sa tulong ng mga ginamit na datos

 Ano ang layunin ng pananaliksik

1. Upang makadiskubre ng mga bagong kaalaman hinggil sa mga batid nang penomena.

2. Upang makakita ng mga sagot sa mga suliraning hindi pa ganap na nalulutas ng mga umiiral
na metodo at impormasyon.

3. Mapagbuti ang mga umiiral na teknik at makadebelop ng mga bagong instrumento o


produkto.

4. Makatuklas ng hindi pa nakikilalang substances at elements.

5.Higit na maunawaan ang kalikasan ng mga dati nang kilalang substances at elements.

6. Makalikha ng mga batayan ng pagpapasya sa kalakalan, industriya,edukasyon pamahalaan at


iba pang larangan.

7. Ma-satisfy ang kuryusidad ng mananaliksik.

8. Mapalawak o ma verify ang mga umiiral na kaalaman.

 Kahalagahan

Ang siyentipikong pananaliksik ay kontrolado at ang bawathakbang ng pagsasaliksik ay nakaplano.


Hindi kailangang hulaan ogawin lamang ng imahinasyon ang pag aaral dahil nawawalang-bisa
atkahulugan ang pag-aaral para sa isang mananaliksik. Binibigyang linawang suliranin, ang mga
baryabol ay tinutukoy, at ang mga instrumentoay maingat na pinipili o nililinang. Ang mga
kongklusyon ay lubhangdapat na nababatay lamang sa mga datos na nakalap at nang sa gayonang
mga rekomendasyon ay batay sa mga natuklasan.

 Balangkas

Ang balangkas ay isang naksulat na plano ng mahahalagang bahagi ng isang sulatin na nakaayos
ayon sa pagkakasunod-sunod ng mga ito. Mahalagang bahagi lamang ang nakapaloob dito upang
magsilbing patnubay sa gagamitin ukol sa magiging nilalaman ng isang sulatin.
Mahalaga ang paggawa ng balangkas sa paghahanda ng ulat o anumang sulatin katulad ng pag-
uulat, pananaliksik, at pagsasaayos ng mga impormasyon. Matapos makuha ang mga impormasyong
kailangan sa iyong ulat ang susunod mong iisipini ay kung alin sa maraming impormasyon mong
nakuha ang iyong isasama sa ulat. Sa bahaging ito, mahalaga ang paghahanda ng isang balangkas.

Mga Uri ng Balangkas

Pamaksang Balangkas (topic outline)

Ito ay binubuo ng salita o parirala lamang dahil matipid ito sa pananalita o pahayag. Madalas
ginagamitan ito ng mga pangngalang-diwa (gumagamit ng panlaping makangalan na pag.

Pangungusap na Balangkas (sentence outline)

Ito ay binubuo ng mga buong pangungusap na naglalaman ng pangunahing ideya at maynor na


ideya.

Patalatang Balangkas (paragraph outline)

Ito ay binubuo ng mga pangungusap na naglalahad ng nilalaman ng buong mga talata ng sulatin.

Mga Dapat Isaalang-alang sa Paggawa ng Balangkas

· Basahin muna nang pahapyaw ang isang tekto bago magtala ng mga paksa o detalye.

· Suriin ang pagkakaayos ng mga ideya sa binasang teksto. Ito ba ay nasa ayos na kronolohikal,
mula sa simple patungo sa kumplikadong mga ideya, sanhi at bunga, malawak na paksa patungo sa
mga tiyak na ideya, mga tiyak na ideya patungo sa malawak na paksa o lohikal na ayos at iba pa.

· Pag-aralan kung ano-ano ang mahahalaga o pangunahing ideya at ang mga pantulong na
ideya.

· Tiyakin kung anong uri ng balangkas ang angkop na gamitin sa paksa.

· Sundin ang halimbawa ng pormat ng balangkas na nakalarawan sa teksto.

· Gumamit ng wastong bantas.

· Tandaan na ang balangkas ay maaaring baguhin o palitan kung kinakailangan

Mga Tuntunin sa Pagsulat ng Balangkas

1. Piliin ang mga pangunahing paksa. Gamitin ang bilang Romano tulad ng I, II, III, o IV. Ayusin
ang mga bilang nang magkakapantay.

2. Isulat ang maliliit na paksa tungkol sa pangunahing paksa. Gamitin ang malalaking titik tulad ng
A, B, C, o D. Lagyan ng tuldok ang malaking titik at isulat nang may kaunting pasok ang maliit na
paksa.

3. Para sa mga detalye ng bawat maliit na paksa, gamitin ang mga bilang na 1,2,3,4 at iba pa.

4. Gamitin ang malaking titik sa simula ng pangunahing paksa, maliliit na paksa at mga detalye.
 Mga pamamaraan

Pag-aaral ng Kaso (Case Study)

– “Pag-aaral ng Kaso” case study mula sa isang pagsasanay na kung saan ay legal na pananaliksik. Sa
legal na pananaliksik, kaso ay isang legal na pagkilos o gawain na naglalaman ng isang hanay ng mga
kasanayan, ang mga mananaliksik matuto nang higit pa tungkol sa mga kaso mula sa mga legal na
prinsipyo at kaugalian ng pananaliksik na ito.

Sarbey

–Ang sarbey ay isang anyo ng pagtugon sa papel at lapis sa isangintensiv one-on-one at malalim na
interbyu.

-Ang sarbey ay ang pagkolekta ng impormasyon tungkol sa katangian,aksyon, o opinion ng malaking


grupo ng mga tao na tumutukoy sabilang isang populasyon

Lawak ng Sarbey – Sensus

– Isang sarbey na sumasaklaw sa buong target na populasyon. Sarbey Ilang bahagi lamang ng
populasyon.

Mga Pag-aaral na Debelopmental

– Sa paraang debelopmental, nagtatakda at kumukuha ng mapanghahawakang impormasyon


tungkol sa pangkat ng mga tao sa loob ng mahabang panahon.

Mga Teknik sa Debelopmental na pamamaraan: Longitudinal o Mahabang Panahong Paraan

– Sa paraan ito, pinag-aaral ang parehong sampol ng mga kalahok sa loob ng mahabang panahon.

Kros-Seksyunal na Paraan (Cross-Sectional Method)

– Ito ay tungkol sa pag-aaral ng mga kalahok na may iba’t ibang gulang at iba pang mga katangian sa
parehong panahon.

Mga Pasubaybay na Pag-aaral (Follow-up Studies)

– Ito ay ginagamit kung ibig na masubaybayan ang isang payak na kundisyon. Ang pasubaybay na
pag-aaral ay kailangan kung ibig tiytakin ang maaaring bunga ng isang pag-

Dokyumentaryong Pagsusuri (Documentary Analysis)

– Nangangailangan ng pagkalap ng impoirmasyon sa pammagitan ng pagsusuri ng mga nasusulat na


record at mga dokumento upang malutas ang mga suliranin.

Patakarang Pagsusuri (Trend Analysis)

– Ito ay isang popular na paraan ng palarawang pag-aaral na tinatawag din ng iba na feasability
study. Ginagamit na datos sa pag-aaral na ito ang mga kondisyong umiiral s

Mga Pag-uugnay na Pag-aaral (Correlational Studies)


– Ito ay isang palarawang pagaaral na idinesenyo para alamin ang iba’t iang baryabol na
magkakaugnay o may relasyon sa isa’t isa sa target na populasyon.

Eksperimental na Paraan

– Sinasabi ni Gay (1976) na ito lamang ang paraan ng pananaliksik na tunay na makasusubok sa
palagay o hypothesis tungkol sa ugnayang sanhi at bunga

Ang malayang baryabol ay maaring mabago.

Ang lahat ng iba pang baryabol maliban sa iba malayang baryabol ay walang pagbabago.

Ang epekto ng manipulasyon ng malayang baryabol sa di malayang baryabol.

 Mga bahagi

PANIMULA

Taglay nito ang rasyunal na dahilan kung bakit isinasagawa ang pananaliksik. dito ipinapahayag
ang mga layunin ay kahalagahan ng pag-aaral. Ipinapaliwanag din dito ang saklaw at limitasyon ng
pag-aaral, batayang konsepto o kung paano isasagawa ang pag-aaral. Inilalahad na rin dito ang
paraan ng pananaliksik na gagamitin, at paano titipunin ang mga datos.

KATAWAN O NILALAMAN

Dito inilalahad ang mga natuklasan sa pagsasaliksik. Maaaring gumamit ng sari-saring pantulong
gaya ng tsart, mapa, grap, at talahanayan sa pagpapaliwanag sa resulta na natagpuan sa pag-aaral at
pananaliksik.

WAKAS O KONKLUSYON

Gagawin dito ang paglalagomng resulta ng pag-aaral at tinatapos sa paglalahat o pagbibigay ng


konklusyon at rekomendasyon ukol sa maaari pang gawin kaugnay ng pag-aaral, gaya ng pag-aaral
para malinawan pa ang ilang isyu na hindi lubhang nalutas sa pag-aaral na ito

ANG BIBLIOGRAPI

Ito'y talaan ng mga libro, magasin, peryodiko at iba pang sanggunian na ginagamit sa pag-aaral.
Nararapat lamang na ipakita ng nagsaliksik ang pasasalamat sa mga awtor ng libro at iba pang
sangguniang ginamit at nakatulong sa ginawa nyang pag-aaral.

 Paksa

Mga Dapat Isaalang-alang sa Pagpili ng Paksa

Kasapatan ng datos – Kinakaialangang may sapat na impromasyon na tungkol sa napili mong paksa.
Kapag kakaunti ang datos na makakalap mo tungkol sa iyong paksa, maaring kapusin sa mga detalye sa
gagawing pag-aaral.

Limitasyon ng pag-aaral – Ang limitasyon ng pag-aaral ay ang deadline o ang oras kung hanggang kailan
lamang pweding gawin ang iyong pananaliksik. May mga paksa na hindi kayang gawin sa loob lamang ng
isang semestre kaya nangangailan ngahabang panahon para maisakatuparan.
Kakayahang Pinansyal – Sa pagpili ng paksa, dapat isaalang-alang ang iyong kakayahang pinansyal. May
mga paksang masyadong magastos at mabigat sa bulsa. Bilang isang mag-aaral, maaring hindi mo
matapos ang iyong pananaliksik sapagkat ang pinili mong paksa ay masyadong malaki ang mailalabas na
pera.

Kabuluhan ng paksa – Sa pagpili ng paksa, hindi sapat na ito ay napapanahon lamang, sa halip dapat ito
ay makakatulong din sa iba pang mananaliksik at ibang tao.

Interes ng mananaliksik – May kasabihan tayo na kapag gusto mo ang isang bagay lahat ay gagawin mo
para makuha ito. Sa pananaliksik, mas mapapadali ang iyong gawain kung ang iyong paksa ay nakabatay
sa iyong interes. Magagawa at matatapos mo ng komportable ang iyong pag-aaral sapagkat gusto mo
ang pinili mong paksa.

Mga Hanguan ng Paksa

Ngayong alam mo na ang mga dapat isaalang-alang sa pagpili, pwede ka nang humanap ng mga paksang
iyong sasaliksikin. Ngunit saan nga ba magandang kumuha ng paksa? Narito ang ilan na pwede mong
pagkunan:

Sarili – Maari tayong makakuha ng paksa mula mismo sa ating saliri. Maaring ang maging paksa natin ay
batay mismo sa ating karanasan, nabasa, napakinggan at maging sa ating mga kaalaman na natutunan.
Halimbawa, ikaw ay isa sa kabataang lulong sa computer games, maari mo itong gawing paksa sa iyong
pananaliksik para mas maalaman pa ang iyong kondisyon o magkaroon pa ng impromasyon ukol sa
paksang ito.

Dyaryo at Magazine – Sa dyaryo at magazine, makikita at mababasa natin ang mga napapanahong isyu
sa loob at labas ng bansa na pwede nating pagbatayan sa pipiliin nating paksa.

Radyo at TV – Katulad sa dyaryo at magazine, natatampok din sa mga programa ng telebisyon at radyo
ang mga napapanahong isyu sa ating lipunan. Dito, maari din tayong makakuha ng mga ediya na pwede
nating gawing paksa sa gagawing pananaliksik tulad ng mga impormasyon sa isport, edukasyon at
maging sa mga balita. Halimbawa ng isyung napapanahon na napapanood natin sa T.V at napapakinggan
natin sa radyo ay tungkol DROGA, DENGVAXIA, POLITIKA at TRAIN Law.

Mga Awtoridad, Guro at Kaibigan – Sa pagtatanong sa kanila, maari tayong magkaroon at makabuo ng
ediya batay sa mga impormasyong ibibigay nila patungkol sa gagawin nating pananaliksik.

Internet – Dahil sa lumalago nating teknolohiya, mas mabilis na ang ating pangangalap ng impormasyon.
Sa pamamagitan ng pag browse sa internet, makakakalap tayo ng mga ediya na pwede nating gawing
paksa. Maari tayong makakuha ng paksa sa mga social media websites tulad ng Facebook, sa pagse-
search sa Search Engines tulad ng Google, at sa mga online web articles na ating nababasa.

Aklatan – Pwede din tayong humango ng ating paksa mula sa Aklatan. Magandang kumuha ng paksa sa
aklatan kung ang nais nating maging pangunahing ediya ay may kaugnayan sa Edukasyon at Akademya.
 Uri ng pananaliksik

1. Emperikal o mala-siyentipiko – Nangangailangan ng malalim na pagsusuri ng mga ibedensya at


paktwal na datos. Ito’y nailalarawan, nasusukat, naihahambing at natutuos upang makita ang relasyon
ng hypothesis sa panukalang tesis na isang trabahong siyentipiko.

2. Applied Research – Gumagamit ng sopistikasyon, sapagkat ito’y kalkulasyon at estatistika. Karaniwang


ito’y bunga ng madaliang pagsaagawa ayon sa hinihinging panahon. Ang isang magaling na halimbawa
nito’y sa panahon ng eleksyon. Gumagamit ito ng prediksyon na nagkakatototoo. Ginagawa rin ito sa
benta ng kalakal sa ilalim ng advertisement. Ang mabisang resulta nito ay depende sa serbey at sa
napiling sampling.

3. Pure Reseach – Ginagawa ito sa sariling kasiyahan ng isang tao upang maunawaan ang isang bagay na
gumugulo sa kanyang isipan. Maaari naman itong gawin ayon sa hilig ng mananaliksik.

Mga Gawain sa Pananaliksik

Kabilang sa mga pangunahing gawain sa pagsasaliksik ang mga sumusunod:

Pagsusukat o pagsusuri ng mga kaganapan o kababalaghan.

Paghahambing ng nakuhang mga resulta.

Ang pag-unawa o pagpapaliwanag ng mga resulta ayon sa mga pangkasalukuyang kaalaman kabilang
ang mga nakapagbabagong sangkap, na maaaring makaimpluwensiya sa resulta.

You might also like