You are on page 1of 25

Pagsusuri sa Rehistro ng

Wika ng mga Mananahi


Pekulyar ang wika ng bawat grupo dahil sa
pagiging kaiba nito sa wika ng ibang
grupo.Katulad ng mga register ng mananahi, ito
ay nagtataglay ng katangian ng kabuuang wika
ngunit mayroong espesipikong kahulugan at
katangiang namumukod sa bokabularyog at
grammar.Ayon kay Pinechuck (1977),ang mga
wika ng mga mananahi ay nabibilang sa teknikal
na mga wika.
Pinagbatayang Teorya

•  Nakaangkla ang papel na ito sa teorya ni Laboy---ang


social theory.
• Dinadalumat ng mga ito na may malaking kinalaman
ang lipunan sa pagkabuo/pagbabago ng wika.
• Isang kongkretong halimbawa nito ang mga
terminong ginagamit ng mga manahi na bunga ng pag
usbong ng mga terminong ginagamit ng mga
mananahi na bunga ng pag-usbong ng mga bagong
teknolohiya dulot ng pag-unlad ng lipunan.
• Ayon naman sa konsepto ni Lachica(1993),ang tao sa
tulong ng wika ay gumagawa ng kaparaan upang iakma
sa kaniyang kaligiran sa pamamagitan ng imbensiyon.
• Sa tulong ng wika,nakabubuo sila ng mga dapat sundin at
paniwalaan na nagiging alituntunin sa kanilang pagkilos,
asal at pagtingin sa gawain.
Ang mga Register ng mga
Mananahi sa Bulacan
Ang sumusunod na talahanayan ay
nagpapakita ng mga register ng mga mananahi
sa Bulacan.
Uri ng tela Proseso Gamit sa Pananahi Mga Uri ng Putol at Yari At iba pa
 

1.Basiste Pahihilbana Aleta Baston Modista


2.Bird’s eye Pagtututos Automatike Ambel Sastre
3.Brocade Paglilip Kurdon Bugy Uhales
4.Calico Overcasting Stich Piye Square pants Uhites
5.Crepe Pagsusulsi Koreya Rugged Ohetas
6.Muslim o Katya Pasada Kusek Pencil cut Alsado
7.Organdy Tistis/Tastas Pata Straight cut Sugpungan
8.Percale Bayas Bobinta Princess cut Retaso
9.Satin Istretso Medida shering Hilatsa
10.Kuldoroy Pagtatabas Kuser Coat sleeves Sports collar
11.Tetaron Cross stitch Deltro Sabrina Executive
collar
Nakatala sa mga uri ng tela ang mga register
ng mga telang madalas na ginagamit ng mga
mananahi sa kanilang pagtahi.

Tunghayan ang deskripsiyon, at kung saan


ginagamit ang mga telang ito.
Basiste – malambot,matibay,magaan, at makinis.
Ginagawang panyo, pantulog, bestido at makintab.
Bird’s eye – ginagamit na lampin, tuwalya, at
pamunas ng kamay at takip sa mesa.
Brocade – may nakaumbok na disenyo. Magandang
gawing damit na panggabi itong damit, na panggabi,
kurtina, at takip ng muwebles.
Calico – magaspang at matingkad ang kulay. Yari ito
sa koton. Maaaring gawin itong damit, kamisendro
o apron.
Crepe – makintab at malambot. Maaaring gawing blusa at
damit panloob.
Muslin o Katya – yari sa koton.Ginagawa itong lining ng
damit, punda ng unan, pamunas ng kamay, o damit
panloob.
Organdy – pino ngunit may katigasan. Yari sa koton at
rayon. Ginagawang kurtina at kuwelyo.
Percale – makinis at matigas.Maaaring gawing kurtina,
apron, takip ng kama, at punda ng unan.
Satin – makintab at makinis ng ginagamit na lining. Takip sa
kama, kurtina, at punda ng unan.
Kuldoroy – guhit-guhit at matigas na tela.
Karaniwang ginagamit na tela para sa shorts at
pantalong panlalaki.
Tetaron – malambot na tela, karaniwang ginagamit
sa uniporme ng mga estudyante.
Jorjet – ang orihinal na pabric gawa sa sutla, pero
minsan gawa ito sa synthetic fibers tulad ng polyester,
lukot-lukot na magaan, medyo magaspang ang
tekstura ng tela. Ginagawang damit pangpormal,
pangkasal, at pangkaraniwang damit.
Inilarawan naman sa ikalawang hanay ang
proseso na ginagawa sa pananahi.

Ito ay ang sumusunod:


Paghihilbana – ito’y pansamantalang tahi at inaalis pagkatapos
malilip ang tupi. Hinihilbana ang mga lupi upang ito ay manatili sa
lugar.
Pagtututos – ito’y isang paraan ng pananahi ng gingamit sa
pagsusulsi ng iba’t ibang uri ng punit.
Paglilip – ang tinuping laylayan o dulo ng tela na tinatahi.Ito ay tahi
sa kamay
Overcasting Stitch – ito’y isang uri ng tahi na nagmumula sa dalawa
at maikling tahi na pahilig.
Pagsusulsi – pagtatahi sa butas o punit na bahagi ng damit sa
pamamagitan ng pagtatapal o pagdaragdag ng tela rito.
Pasada – isang hilera o deretsong pagtatahi.
Tistis/Tastas – pagtatanggal ng tahi o ng pagkakatahi.
Bayas – palilihis na putol ng tela
Istretso – deretsong pagtatahi
Pagtatabas – pagpuputol o paggupit ng tela
Cross stitch – pakros na tahi, ginagamit sa laylayan ng
pantalon
Stitches – ito ay tahing nagsisilbing dekorasyon
Ang sumusunod naman ang mga gamit sa pananahi.
Aleta – zipper
Automatiko – tawag sa magic button o butones na
madikit
Kurdon – makapal na sinulid na ginagamit pang-alsa
sa tahi.
Piye – pedal ng makina
Koreya – makapal na tali/tela na umiikot sa
makina.Ito ay nakalagay sa bilog na parang gabay sa
bisikleta.
Kusek – piyesang may ngipin na inilalagay sa makina.
Pata – hugis na tinatapatan ng karayom ng makina.
Bobina – kinakabitan ng pang-ilalim na sinulid ng
makina
Medida – gamit na panukat sa tatahiin at tatahian
Kuser – gamit o piyesa ng makina na may ngipin
Velcro – ginagamit sa bag o wallet na pandikit. Ito rin ay
inilalagay sa bulsa ng pantalon.Karaniwang ito’y
synthetic.
Ito naman ang mga register sa pananahi na may kaugnay sa mga uri ng mga
putol at yari. Nahahati ito sa dalawang kategorya, pang ibaba, at pang-itaas.

Pang-ibaba
Baston – paliit ang tabas sa laylayan ng pantalon/pang ibaba

Ambel – paluwang ang tabas sa laylayan ng pantalon/pang ibaba

Bugy – maluwang ang tabas at yari sa hita hanggang sa ibaba o laylayan ng


pantalon/pang-ibaba ng lalaki

Square pants – maluwang angb tabas o yari ng pang ibaba o pantalong


pambabae
Rugged – ito ang karaniwang tabas ng maong, tinatawag din
itong doble-pasada
Pencil cut – paliit na yari ng laylayan ng palda
Straight cut – deretsong putol o yari ng pang-ibaba ng palda o
pantalon ng babae
Princess cut –bestidang may anim na putol (cutting)
karaniwang ginagamit o ginagawa sa gown
Shering – telang kinakulubot sa palda
Uhates – paglikha ng butas ng pananahi
Pang-itaas

Coat sleeves – tahi ng manggas ng Amerikana

Sabrina – tahi na maluwag at bukas ang leeg

Venus – tahi na kabila o isang bahagi lamang ang may balikat


Itong sumusunod naman ang mga terminolohiyang naihanay sa iba
pa.

Modista – babaeng mananahi


Sastre – lalaking mamanahi
Uhales –bahaging nilalagyan ng butones
Oheras – malaking bilog oi butas para hindi magnisnis ang
binuburdahan
Alsado – mga sinulid na pinadudgtong para nakaangat ang tahi
Sugpungan – ito ang pataan/ allowance na inilalaan ng mga
mananahi
Retaso – maliliit na tela at tira mula sa mga
pinagtabasan
Hilatsa – tawag sa mismong sinulid o hibla nakalagay o
natatangal sa tela
Sports collar – kuwelyo ng mga blusa,blazer, at
Amerikana
Executive collar – kuwelyo ng mga barong
Uhates – paglikha ng butas ng pananahi
  Kabilang ang mga register ng mga mananahi sa mga teknikal na wika,
katunayan marami sa mga bokabularyo nito ang hindi natumbasan sa
Tagalog ng mga mananahi, lalong-lalong na ang mga bokabularyong
may kinalaman sa mga tela at sa mga uri ng putol at yari.

 Ngunit mapapansing sa kategorya hinggil sa proseso at gamit ay nasa


wika na ito ng mga Bulakenyo. Marahil ang gawaing ito ay hindi na bago
sa lipunang Filipino kaya halos lahat ng mga may kinalaman sa proseso
at gamit ng pananahi ng mga mananahi ay nasa Filipino na.
 Tanging ang proseso lamang tungkol sa iba’t ibang pag-stitch at
tabas/yari ng mga maong na pantalon ang nasa Ingles.
 Ayon sa wikipedia.com ang stitching at pantalon ay nagmumula
sa bansang Europa ang stitching na kamalain lamang napasok
sa ating lipunan.
Konklusyon
Isang panlipunang phenomenon ang wika. Sapagkat
panlipunan, hindi maaaring paghiwalayan sa mga
ginagawa ng mga tao ang gamit ng isang wika. Habang
nahuhubog ang bawat mamamayan ng institusyong may
direktang kontak sa kaniya ang lipunan, sadya man o
hindi, nagiging intrumento ang mga taong ito sa
pagkakabuo ng iba’t ibang varayti ng wika na hindi nila
namamalayan. gaya ng nangyayari sa mga register ng
mga mananahi na magiging bahagi at magpatatag sa
wikang pambansa ang Filipino.
Ang wikang ginagamit ng mga mananahi ay
nagpapakita hindi lang sa aspekto ng kanilang identidad
gaya ng kanilang etnisiti,edad,kasarian, at sosyal na
kinabibilangan, makikita rin dito ang konteksto kung
paano nila ginagamit ang nasabing mga register.
MARAMING
SALAMAT!!!

You might also like