Layunin ng papel na ito na talakayin ang mga suliranin na kinahaharap ng
mamamayang Pilipino sa paggamit ng ating pambansang wika. Sa papel na ito, pupunahin ng mga mananaliksik ang isang artikulong pinamagatang “Suliranin ng Wikang Filipino” ng manunulat na si "Micaela Magsanay" ngunit sa isang pansariling pamamaraan. Sa ating kasalukuyang panahon napakahalaga ng gampanin ng modernisasyon sa pagkamit ng inaasam na pagunlad ng bansa, kasabay nito ang pagkalimot sa pagpapaunlad ng sariling wikang Filipino dahil ating ginawang instrument ang wikang Ingles na isang wikang banyaga tungo sa pambansang pagusbong. Napakaloob sa papel na ito ang pagbibigay lalim sa mga sumusunod na suliranin na siyang nakapaloob sa nabanggit na artikulo; Hindi pagbigay ng tamang pagpapahalaga ng mga paaralan sa tamang paggamit ng wikang Filipino, Kakulangan ng kaalamanan sa mga makabagong pamamaraan ng pagturo, Miskonsepsyon sa gamit ng wika, Kamalayang makadayuhan na nagdadahilan ng kawalan ng interes ng mga magaaral sa sarili nating mga panitikan, Kakulangan sa bokabularyong Filipino/Tagalog, Ang kaisipan na madali lang ang asignaturang Filipino, Maling pagbigkas ng mga salita na nagsasanhi ng pagkakamali sa pagbaybay o intindi ng wikang Filipino. Ipinapakita ng artikulong "Suliranin ng Wikang Filipino", na sa modernisadong mundo na ating ginagalawan napakaraming suliranin ang makikita sa paggamit ng wikang Filipino.