You are on page 1of 11

BILINGGUWALISMO

Maituturing na bilingguwal ang isang


tao kung magagamit niya ang
ikalawang wika ng matatas sa lahat
ng pagkakataon. Sa pananaw na ito,
dapat magamit ng mga bilingguwal
ang dalawang wika nang halos hindi
na matutukoy kung alin sa dalawa
ang una at ang pangalawang wika.
Balanced Bilingual
Ang tawag sa mga taong nakagagawa
nang ganito at sila’y mahirap mahanap
dahil karaniwang nagagamit ng mga
bilingguwal ang wikang mas naaangkop
sa sitwasyon at sa taong kausap (Cook
at Singleton)
LEONARD BLOOMFIELD (1935)
Ang Bilingguwalismo
bilang paggamit o
pagkontrol ng tao sa
dalawang wika na tila ba
ang dalawang ito ay
JOHN MACNAMARA (1976)
Ang Bilingguwal ay isang taong may
sapat na kakayahan sa isa sa apat na
makrong kasanayang pangwikang
kinabibilangan ng pakikinig,
pagsasalita, pagbasa, at pagsulat sa isa
pang wika maliban sa kanyang unang
wika.
URIEL WEINREICH (1953)
Ang paggamit ng dalawang
wika nang magkasalitan ay
matatawag na bilingguwalismo
at ang taong gagamit ng
wikang ito ay bilingguwal.
Artikulo 15 Seksiyon 2 at 3 ng Saligang
Batas ng 1973
“Ang Batasang Pambansa ay
magsasagawa ng mga hakbang tungo sa
pagpapaunlad at pormal na paggamit ng
pambansang wikang Filipino. Hangga’t
hindi binabago ang batas, ang Ingles at
Filipino ang mananatiling mga wikang
opisyal ng Pilipinas.”
MULTILINGGUWALISMO
Sa pagpapatupad ng DepEd ng K to
12 Curriculum, kasabay na
ipinatupad ang probisyon para sa
magiging wikang panturo partikular
sa kindergarten at sa Grade 1, 2 at
3. Tinawag itong Mother Tongue-
Based Multi-Lingual Education
(MTB-MLE)
Manonood ang mga mag-aaral upang masagot ang mga
katanungan. Halimbawa:
1. Tonight with Arnold Clavio sa episode na Marian
Rivera, Boobay, and Ana Feleo take the “Test of
Friendship”
https://www. Youtube.com/watch?v=CAPMuQ38Wh4
2. SONA: ilang tricycle driver, nagtigil-pasada para
manood ng kalyeserye ng Eat Bulaga
https://www. Youtube.com/watch?v=6uxGgIfSKuw
3. Kris TV sa episode na Are Piolo and Sarah big spender?
https://www. Youtube.com/watch?v=LERL57oKnJE
Mga Gabay na Katanungan:
Pamagat ng Palabas:____________________________
Pangalan ng Host:______________________________
Mga naging Bisita:______________________________

1. Masasabi mo bang monolingguwal, bilingguwal, o


multilingguwal ang paraan ng pagsasalita ng mga host
ng napili mong palabas telebisyon? Magbigay ng
patunay.
2. Paano mo naman ilalarawan ang paraan ng
pagsasalita ng kanyang bisita o mga bisita?

You might also like