You are on page 1of 26

DIVISION OF NAVOTAS CITY

Komunikasyon at
Pananaliksik sa Wika at
Kulturang Pilipino
Ikalawang Markahan – Modyul 4:
Kakayahang Komunikatibo sa Pilipino
Kakayahang Lingguwistika/Estruktural/
Gramatikal

S.Y. 2020-2021
NAVOTAS CITY PHILIPPINES
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino – Senior High School
Alternative Delivery Mode
Ikalawang Markahan – Modyul 4: Kakayahang Komunikatibo sa Pilipino: Kakayahang
Lingguwistika/Estruktural/Gramatikal
Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala
at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito
ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon
Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Wendy G. Pescante
Editor: Aileen Loveria Francisco
Tagasuri: Rico C. Tarectecan
Tagaguhit:
Tagalapat: Mary Jane V. Fetalver
Tagapamahala: Alejandro G. Ibañez, OIC- Schools Division Superintendent
Isabelle S Sibayan, OIC- Asst. Schools Division Superintendent
Loida O. Balasa, Chief, Curriculum Implementation Division
Rico C. Tarectecan, EPS in Filipino
Grace R. Nieves, EPS In Charge of LRMS
Lorena J. Mutas, ADM Coordinator
Editha O. Peregrino, Division SHS Focal Person
Shirley Eva Marie V. Mangaluz, Librarian II LRMS
Vergel Junior C. Eusebio, PDO II LRMS
Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Department of Education – Navotas City


Office Address: BES Compound M. Naval St. Sipac-Almacen Navotas City
____________________________________________
Telefax: ____________________________________________
02-8332-77-64
E-mail Address: ____________________________________________
navotas.city@deped.gov.ph
Komunikasyon at
Pananaliksik sa Wika at
Kulturang Pilipino
Ikalawang Markahan – Modyul 4:
Kakayahang Komunikatibo sa Pilipino
Kakayahang Lingguwistika/Estruktural/
Gramatikal
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at


Kulturang Pilipino – Senior High School ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul
para sa araling Kakayahang Komunikatibo sa Pilipino: Kakayahang
Lingguwistika/Estruktural/Gramatikal.

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador


mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong
tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda
ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at


malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong


ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong
o estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral


kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang
pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan
ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

ii
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang


Pilipino – Senior High School ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa
Kakayahang Komunikatibo sa Pilipino: Kakayahang
Lingguwistika/Estruktural/Gramatikal.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad
din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong
laktawan ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas
na suliranin, gawain o isang sitwasyon.
Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling
pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.
Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa
malayang pagsasanay upang mapagtibay
ang iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.
Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o
pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.
Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong
sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman
o kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.

iii
Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o
masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
Gawain panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa


lahat ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang


marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel
sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag
mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin
humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa
iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong
isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

iv
Binabati kita dahil napagtagumpayan mo ang pag-aaral sa nakaraang
modyul. Ngunit, upang mas mapalawak pa ang kaalaman tungkol sa pag-aaral sa
asignaturang, ito halina’t ipagpatuloy natin ang iyong paglalakbay. Tiyak kong
kawiwilihan mo ang mga bagong konsepto at mahahalagang impormasyon na
tatalakayin sa aralin na ito.
Sa modyul na ito ay matututuhan mo ang mga kakayahang komunikatibong
sa Pilipino tulad ng kakayahang lingguwistika, Estruktural at Gramatikal. Sa
pagtatapos ng pagtalakay sa aralin ay makagawa ka ng pag-aaral gamit ang social
media sa pagsusuri at pagsulat ng mga halimbawang teksto na nagpapakita ng iba’t
ibang sitwasyon ng paggamit ng wika.
Kasunod nito, matutukoy mo ang mga angkop na salita, pangungusap ayon
sa konteksto ng paksang napakinggan sa mga balita sa radyo at telebisyon.

Ang modyul na ito ay tungkol sa aralin na:


Kakayahang Komunikatibong sa Pilipino
• Kakayahang Lingguwistika
• Kakayahang Estruktural
• Kakayahang Gramatikal

Inaasahan na sa pagtatapos ng araling ito ay iyong matutunan ang mga


sumusunod na kasanayan:
1. Nakagagawa ng pag-aaral gamit ang social media sa pagsusuri at pagsulat
ng mga tekstong nagpapakita ng iba't ibang sitwasyon ng paggamit ng
wika. (F11EP-IId-33)
2. Natutukoy ang mga angkop na salita, pangungusap ayon sa konteksto ng
paksang napakinggan sa mga balita sa radyo at telebisyon. (F11PN-IId-89)

1
Sa pagsisimula ng iyong paglalakbay sa aralin na ito ay alamin muna natin
ang lawak ng iyong kaalaman sa nilalaman ng modyul na ito. Handa ka na ba?
Basahing mabuti ang panuto na nasa ibaba bilang tanda ng iyong kahandaan.

Panuto: Basahing mabuti ang katanungan ng may pang-unawa. Piliin ang titik
ng tamang sagot at isulat sa sagutang papel.

1. Karaniwang mga pelikula o isang produkto ng gadget, pagkain, gamit


pangmedikal, at iba pa ang makikita dito.
a. Adbertisement sa Online c. Adbertisement sa Bus
b. Adbertisement sa Telebisyon d. Adbertisement sa Radyo
2. Isang paraan ng promosyon gamit ang internet at World Wide Web upang
ipahayag ang husay at ganda ng produkto.
a. Adbertisement sa Online c. Adbertisement sa Bus
b. Adbertisement sa Telebisyon d. Adbertisement sa Radyo
3. Tumutukoy sa malalaking estruktura na makikita sa mga pampublikong
lugar na nagpapakita sa mga motorista at pedestrian na dumaraan tungkol
sa isang produkto.
a. Adbertisement sa Telebisyon c. Adbertisement sa Radyo
b. Adbertisement sa Billboard d. Adbertisement sa Bus
4. Sinasabing pinakaepektibong uri ng adbertisement sapagkat halos lahat
ng tao ay may panahon sa panonood nito.
a. Adbertisement sa Billboard c. Adbertisement sa Online
b. Adbertisement sa Radyo d. Adbertisement sa Telebisyon
5. Epektibo rin ang paraan nito upang mahikayat sa isang produkto ang
isang mamimili.
a. Adbertisement sa Radyo c. Adbertisement sa Bus
b. Adbertisement sa Telebisyon d. Adbertisement sa Online
6. Kakayahang Pangkomunikatibo nang maagham na pag-aaral sa wika.
a. Kakayahang lingguwistika c. Kakayahang Komunikatibo
b. Kakayahang Gramatikal d. Kakayahang Estruktukal
7. Tumutukoy sa porma ng isang wika na nagsisilbing signal o pamamaraan
sa pagpapahayag ng mga mensahe sa pamamagitan ng wikang ito.
a. Kakayahang Komunikatibo c. Kakayahang Estruktural
b. Kakayahang Gramatikal d. Kakayahang Lingguwistika
8. Alin sa mga sumusunod sa pag-aaral sa sistema ng pagkakaugnay ng mga
salita ang nagpapahayag ng kaisipan?
a. Kakayahang Gramatikal c. Kakayahang Lingguwistika
b. Kakayahang Komunikatibo d. Kakayahang Estruktural

2
9. Magamit ng wasto sa mga angkop na sitwasyon upang maging maayos ang
komunikasyon, maipahatid ang tamang mensahe, at magkaunawaan nang
lubos ang dalawang taong na-uusap.
a. Kakayahang Lingguwistika c. Kakayahang Gramatikal
b. Kakayahang Estruktural d. Kakayahang Komunikatibo
10. Ayon sa kanya tinawag na istruktural ang kakayahang ito sa pag-aaral ng
wika sapagkat layon nitong ilarawan ang estruktura o porma ng isang
wika.
a. Dr. Dell Hathaway Hymes c. Dr. Fe Otanes
b. Noam Chomsky d. John J. Gumperz
11. Mahusay at maimpluwensiyang lingguwista at anthropolist na nagpakilala
ng konsepto ng kakayahang pangkomunikatibo o communicative
competence.
a. Noam Chomsky c. John J. Gumperz
b. Dr. Dell Hathaway Hymes d. Dr. Fe Otanes
12. Para sa kanya ang paglinang sa wika ay nakapokus sa kapakinabang
idudulot nito sa mag-aaral, na matutuhan ang wika upang sila ay
makapaghanap-buhay, makipamuhay sa kanilang kapwa, at
mapahalagahan nang lubusan ang kagandahan ng buhay na kanilang
kapwa.
a. Dr. Fe Otanes c. Noam Chomsky
b. Dr. Dell Hathaway Hymes d. John J. Gumperz
13. Pag-aaral hinggil sa isang wika na kinabibilangan ng morpolohiya o
pagsusuri sa pagkakabalangkas ng mga salita, sintaks o pagsasaayos
upang ang mga salita ay maging makabuluhan.
a. Balarila c. Sintaksis
b. ponolohikal d. diskurso
14. Paraan ng pagsasama-sama ng mga salita upang makabuo ng
pangungusap na may kahulugan.
a. diskurso c. Ponolohikal
b. morpolohiya d. Sintaksis
15. Pag-aaral sa mga ponema o tunog at mga kombinasyon ng mga tunog na
bumubuo sa mga salita, paghinto, pagtaas-baba ng tinig, diin, at
pagpapahaba ng tunog ng mga salita sa isang wika.
a. sintaksis c. morpolohiya
b. diskurso d. ponolohikal

3
Aralin Kakayahang Komunikatibo
1 sa Pilipino (Lingguwistika/
Estruktural/Gramatikal

Mahusay na panimula ang iyong ipinakita sa unang pagsubok. Malaki ang


maitutulong nito upang magkaroon ka ng ideya sa pag-unawa Kakayahang
Komunikatibo sa Pilipino na Kakayahang Lingguwistiko, Estruktural at Gramatikal.

Ang Kakayahang Pangkomunikatibo ay layunin nito na sa pagtuturo ng wika


ay magamit ito nang wasto sa mga angkop na sitwasyon upang maging maayos ang
dalawang taong nag-uusap. Kapag umabot na rito, masasabing ang taong ito ay
nagtataglay na ng kakayahang pangkomunikatibo o communicative competence at
hindi na lang basta kakayahang lingguwistiko o gramatikal kaya naman, siya ay
maituturing na isa nang mabisang komyunikeytor.
Ngunit, hindi lahat ng mga paggamit ng wika ay masasabi nating
makabuluhan sapagkat mayroong mga paggamit ng wika na hindi pinag-iisipan o
hindi angkop ang gamit ng mga salita kung kaya’t dinesenyo ang modyul na ito
upang mas mapalawak pa ang iyong kaalaman sa kakayahang pangkomunikatibo o
communicative competence gamit ang mga sumusunod na Kakayahang
Lingguwistiko, Estruktural at Gramatikal.
Makatutulong din ang iba’t ibang kakayahang pangkomunikatibo upang mas
maging mabisa ang paggamit ng angkop na salita, pangungusap ayon sa konteksto
ng paksang napakinggan. At makagawa ng pag-aaral gamit ang social media sa
pagsususri at pagsulat ng mga tekstong nagpapakita ng iba't ibang sitwasyon ng
paggamit ng wika.

4
Sa bahaging ito, hinihikayat kitang balikan ang nakaraang modyul na
iyong pinag-aralan. Huwag kalimutang basahin at unawain ang mga panuto na nasa
ibaba. Handa ka na ba?

Panuto: Basahin at unawain ang bawat pangungusap. Piliin sa loob ng kahon at


isulat sa sagutang papel ang tamang sagot.

Flip Top Social Media Komiks


Hugot Lines Panitikang Popular

__________1. Isang grapikong midyum na ang mga salita at larawan ay ginagamit


upang ihatid ang isang salaysay o kuwento.

__________2. Batay sa impluwensiya ng nangyayari sa kapaligiran dahil s amabilis


na pagbabago sa daigdig.

__________3. Makabagong pamamaraan ng pagpapahayag ng mga emosyon gamiot


ang social networking site.
__________4. Bunga ng makabagong teknolohiya ang makabagong paraan ng
pagpapahayag gamit ang instrumentong ito.

__________5. Sitwasyong pangwika na nahahawig sa balagtasan dahil ang mga berso


ay magkakatugma.

Mga Tala para sa Guro

Isa na namang modyul sa Komunikasyon at Pananaliksik sa


Wika at Kulturang Pilipino ang iyong nabasa. Huwag kang mag-alala dahil sa
iyong paglalayag ay iisa-isahin natin ang bawat bahagi ng aralin upang lubos
mong mauunawaan.

Sa modyul na ito ay ganap mong mauunawaan ang kakayahang


komunikatibo sa Pilipino gamit ang iba’t ibang kakayahan tulad ng
lingguwistika, Estruktural at Gramatikal upang magamit ang mga angkop an
salita, pahayag, pangungusap batay sa paksang napakinggan.

5
Kumusta? Naaalala mo pa ba ang aralin mula sa nakaraang modyul
na pinag-aralan? Kung ito ay naging madali para sa iyo, Binabati kita! Ngayon
halina’t tuklasin mo ang isa pang kaalaman na magbibigay sa iyo ng impormasyon
na tiyak kong kawiwilihan mo.

Gamit ang estratehiyang #PS (Pangungusap ay Suriin)

Panuto: Basahinng mabuti ang pangungusap at suriin ito. Pagkatapos ay bilugan


ang titik ng tamang sagot .

Halimbawa:

Walang imposible kung ang bawat isa sa pamilya ay magkakaisa Walang mali
A B C D

1. Mahalagang suporta ng magulang


A B
ang mga anak upang mapabuti sila. Walang mali
C D

2. Maraming salik ang nakaapekto sa moralidad at pag-iisip


A B
ng mga kabataan sa kasalakyang panahon. Walang mali
C D

3. Paano ba makatutulong sa lipunan


A B
ang isang kabataang tulad mo. Walang mali
C D

4. Gabayan at paalalahanan sina sa kanilang


A B
Pagharap sa totoong buhay. Walang mali
C D

5. Magkaisa tayo para sa isang


A B
mabuting layunin. Walang mali
C D

6
Mga Gabay na Tanong:

a. Pagkatapos ninyong maiwasto ang pagsasanay, nakailang tamang sagot ka?


__________________________________________________________________________
b. Ilan naman ang hindi mo nasagot nang tama? ____________________________
c. Batay sa iyong marka, masasabi bang matagumpay ka na kung kagalingang
panggramatika ang pag-uusapan? _________________________________________
d. Sa iyong palagay, ang isang tao bang nakasagot nang tama sa pagsasanay sa
itaas ay maituturing na isang mahusay na komyunikeytor? Bakit oo o bakit
hindi? ______________________________________________________________

Magaling! Ang gawain na nasa itaas ay isang halimbawa ng mga paraan


Kakayahang pangkomunikatibo gamit ang angkop na salita, pahayag at
pangungusap na dapat isaalang-alang ang mga kakayahang lingguwistiko,
estruktural at gramatikal upang ikaw ay maging mahusay sa pakikipagtalastasan
sa iba. Hindi lamang sapat na alam natin ang paggamit ng wika pero dapat ay
malaman din natin ang paggamit ng wika batay sa lingguwistikang komunidad na
ginagamit upang matugunan at maisagawa ito nang maayos at naayon sa sitwasyon.

Narito ang mga impormasyon tungkol sa aralin na ating tatalakayin sa


modyul na ito. Basahing mabuti at unawain upang maging handa sa mga susunod
na pagsubok na ibibigay.

Ang Kakayahang Pangkomunikatibo o Communicative Competence - Ito ay


magamit ng wasto sa mga angkop na sitwasyon upang maging maayos ang
komunikasyon, maipahatid ang tamang mensahe, at magkaunawaan nang lubos
ang dalawang taong na-uusap.
Ang terminong Kakayahang Pangkomunikatibo o Communicative
Competence ay nagmula sa linguist, sociolinguist, anthropologist, at folklorist mula sa
Portland Oregon na si Dell Hathaway Hymes noong 1966. Ayon sa orihinal na ideya
niya, ang nagsasalita ng wika ay hindi lang dpaat magkaroon ng kakayahang
lingguwistika o gramatikal upang epektibong makipagtalasan gamit ang wika.
Nararapat din niyang malaman ang paraan ng paggamit ng wika ng lingguwistikang
komunidad na ginagamit upang matugunan at maisagawa ito nang naayon sa
kanyang layunin.

Narito ang ilan sa mga mahuhusay na lingguwista tungkol sa konsepto ng


Kakayahang Pangkomunikatibo.

a. Higgs at Clifford (1992) - Ito ay pagtatamo ng kakayahang


pangkomunikatibo, kailangan pantay na isaalang-alang ang pagtalakay sa
mensaheng nakapaloob sa teksto at sa porma o kayarian (gramatika) ng
wikang ginamit sa tekstos.

7
16. Dr. Fe Otanes (2002) – Ang paglinang sa wika ay nakapokus sa
kapakinabang idudulot nito sa mag-aaral, na matutuhan ang wika upang sila
ay makapaghanap-buhay, makipamuhay sa kanilang kapwa, at
mapahalagahan nang lubusan ang kagandahan ng buhay na kanilang kapwa.
Ayon pa sa kanya tinawag na istruktural ang kakayahang ito sa pag-aaral ng
wika sapagkat layon nitong ilarawan ang estruktura o porma ng isang wika.
b. Shuy (2009) – Ang kakayahang pangkomunikatibo ay sumasakop sa mas
malawak na konteksto ng lipunan at kultura. Ito’y wika kung paanong
ginagamit at hindi lang bastta ang wika at mga tuntunin nito.
c. Bagari’c, et al. (2007) – Ang isang taong may kakayahan sa wika ay dapat
magtaglay hindi lang ng kaalaman tungkol dito kundi ng kahusayan,
kasanayan at galling sa paggamit ng wikang naaangkop sa mga sitwasyong
pangkomunikatibo.

Adbertisement Kakayahang Komunikatibo sa Pilipino

Tinatawag na adbertisement ang tila isang maikling pelikula o isang


nakasulat na pabatid/impormasyon na ipinalalabas o ipinakikita sa publiko
upang makatulong na mabili ang produkto. Layon ng adbertisement na magbigay
ng maayos na impormasyon sa mga mamimili gayundin mga mensaheng
nagbibigay ng paalala sa isang gawain sa pamamagitan ng isang anunsiyo.

Isang kahang-hanga sa mga adbertisement ay iyong nagbibigay ng aral,


nagpapakita ng kultura ng isang lipunan. Nagsisilbing kurot ito sa damdamin ng
mga mamimili at nagiging daan upang muling gunitan ang mga panahong
kaugnay ng nasabing adbertisement at ang kakayahang lingguwistika,
estruktural, at gramatikal na pagkakabuo ng mga pahayag. Naging komunikatibo
rin ba ang nasabing mga pahayag na tinugunan ang gamit ng wika nang ayon sa
sitwasyong ipinapakita

Tunghayan ang iba’t ibang paraan ng paghahatid ng adbertisement at halimbawa


nito.

Adbertisement sa Bus – Karaniwang mga pelikula o isang produkto ng gadget,


pagkain, gamit pangmedikal, at iba pa ang makikitang adbertisement sa bus.
Naniniwala ang mga adbertayser na malaking panghikayat kung sa bus ay
maglalagay rin sila ng adbertisement sapagkat bawat makakikita nito ay hindi
maaaring lalo na kung maganda ang pagkakagawa.

Adbertisement sa Telebisyon – Ang bawat komersiyal sa telebisyon ang


nagsisilbing adbertisement sapagkat halos lahat ng tao ay may panahon sa
panonood ng telebisyon. Iba-iba ang register na gamit nang ayon sa produko o
sitwasyon.

Adbertisement sa Radyo – Epektibo ring paraan ang radio upang mahikayat sa


isang produkto ang isang mamimili. Tulad din sa telebisyon kailangan ang
airtime sa estasyon o network upang marinig ang mga komersiyal kaugnay ng
adbertisement.

8
Adbertisement sa Online – Isang paraan ng promosyon ng adbertisement sa
online gamit ang internet at World Wide Web upang ipahayag ang husay at ganda
ng produktong inaadbertays.

Adbertisement sa Billboard – Malalaking estruktura ang billboard na makikita


sa mga pampunlikong lugar na nagpapakita ng adbertisement sa mga motorista
at pedestrian na dumaraan tungkol sa isang produkto.

Kahalagahan ng Adbertisement sa Lipunang Pilipino

Likas sa mamimiling Pilipino na maghahanap at bumili ng mga produkto na


maayos, matibay, maganda, at iba pa sa tamang halaga lamang. Gaya nga ng
nabanggit na, mahalaga ang adbertisement upang matamo ang layunin sa
pamimili.

Bakit mahalaga ang adbertisement sa isang produkto?

Narito ang ilang dahilan kung bakit mahalaga ang isang adbertisement para sa
isang produkto.

1. Nagsisilbing gabay sa tamang pagbili


2. Nalalaman ang kakaibang katangiang taglay ng isang produkto.
3. Nagkakaroon ng pagkakataon na piliin ang tamang produkto.
4. Nakapagbibigay ng karagdagang mga impormasyon na laging tatandaan sa
pagbili.
5. Nagiging kritikal sa pagpili ng bibilhin.
6. Nagpapaalala ng magandang katangian ng mga produkto na dapat laging
tandan.
Tandaan: May sariling register ang lipunan ng adbertisement nang ayon sa
produktong ibinebenta. At maiuugnay mo dito ang Kakayahang
Pangkomunikatibo batay rin sa Komponent ng Kakayahang Pangkomunikatibo
na Lingguwistiko, Estruktural at Gramatikal.

Ang kakayahang lingguwistiko o estruktural o gramatikal ay tumutukoy sa


kasanayan ng tao sa tamang paggamit ng istruktura ng wika at kaalaman sa
pagbuo at pagkilala ng ponolohiya, morpolohiya, tamang gramatika, at tamang
paggamit ng baybay o ispeling ng mga salita. Ito ang tumutukoy sa kaalamang
teknikal ng mga Pilipino sa pagbuo ng mga salita o pangungusap. Dito
pumapasok ang kaalaman sa iba’t ibang bahagi ng pananlita at salita, paggamit
ng tamang anyo ng pangungusap, at maging ang mga bantas.

Komponent ng Kakayahang Pangkomunikatibo

1. Kakayahang Lingguwistiko – Maagham na pag-aaral ng wika. Pokus ng pag-


aaral ang ponolohiya o palatunugan, morpolohiya o palabuuan ng mga
salita, at sintaksis o palaugnayan ng isang wika tulad ng Filipino.

9
Ayon sa pananaw ni Noam Chomsky isang lingguwistiko, ang kakayahang
Lingguwistiko ay isang ideyal na sistema ng di-malay o likas na kaalaman ng tao
hinggil sa gramatika na nagbibigay sa kanya ng kapasidad na gumamit at
makaunawa ng wika. Kaakibat ng kakayahang lingguwistiko ng Pilipino ay ang
wastong pagsunod sa tuntunin ng balarilang Pilipino.

Balarila – Pag-aaral hinggil sa isang wika na kinabibilangan ng morpolohiya o


pagsusuri sa pagkakabalangkas ng mga salita, sintaks o pagsasaayos upang ang
mga salita ay maging makabuluhan.

Ponolohiya – pag-aaral sa mga ponema o tunog at mga kombinasyon ng mga


tunog na bumubuo sa mga salita, paghinto, pagtaas-baba ng tinig, diin, at
pagpapahaba ng tunog ng mga salita sa isang wika.

Morpolohiya – pag-aaral ng mga morpema ng isang wika at ng pagsasama-sama


ng mga ito upang makabuo ng salita.

Kabilang sa morpolohiya ang mga bahagi ng pananalita na pinangkat sa iba’t


ibang uri:

1. Ang nominal o pang-nilalaman na kinabibilangan ng pangngalan,


panghalip, pandiwa, pang-uri at pang-abay.
2. Mga pang-ugnay at pananda na kinabibilangan ng pangatnig, pang-
angkop, at pang-ukol; at
3. Mga pananda na kinabibilangan ng pantukoy, pangawil o pangawing.
Sintaks – Ang tawag sa pagsasama-sama ng mga salita upang makabuo ng
pangungusap na may kahulugan. Kabilang dito estruktura ng pangungusap na
tumutukoy sa paksa at panaguri.

2. Kakayahang Estruktural – Ito ay porma ng isang wika ang nagsisilbing signal


o pamamaraan sa pagpapahayag ng mga mensahe sa pamamagitan ng wikang
ito.
Halimbawa: Pagpapakahulugan na gagamitin ng antala o sandalling hinto
(juncture), iba ang kahulugan ng pangungusap na “Hindi pula ang t-shirt
niya.” sa “Hindi/pula ang t-shirt niya.” May antala sa Hindi sa ikalawang
pangungusap.
3. Kakayahang Gramatikal - Saklaw ng gramatika ang pag-aaral sa Sistema ng
pagkakaugnay-ugnay ng mga salita sa pagpapahayag ng kaisipan.
Tumutukoy ang wastong gamit ng Filipino sa paglalapat o aplikasyon ng
kaalamang panggramatika at panretorika sa pagbuo ng makabuluhang
pangungusap o pahayag. Wastong ang gamit ng Filipino kung bukod sa
maayos o nasa tamang Sistema ang pagkakabuo ng pangungusap o pahayag
ay masining at kaakit-akit na napakinggan o basahin.

10
Silid-aralan ang Daan Tungo sa Paglinang ng Kakayahang Pangkomunikatibo
ng mga Pilipino

Sa mga silid-aralan nangyayari ang pormal na pagkatuto ng wika.


Gayunpaman, kung ang magiging tuon ng pagkatuto ng wika ay para lang
maituro ang kayarian o gramatika ng wika tulad ng mga bahagi ng pananalita,
bantas, baybay, ponolohiya, morpolohiya, at ibang pang teknikal na aspekto ng
wika; at kung ang mga pagtataya ay nakapokus lang sa pagkilala, pagbilog,
pagsalungguhit sa mga bahagi ng estruktura ng wika, maaaring hindi maabot ng
mga Pilipinong mag-aaral ang pagkakaroon ng kakayahang pangkomunikatibo
ng mga mag-aaral. Nasusukat ang kakayahang pangkomunikatibo ng mga mag-
aaral sa kanilang tatas sa pagsasalita ng wika, kakayahang umunawa, at
makagamit ng tamang salita o wika sa angkop ng pagkakataon lalo na sa mga
awtentikong sitwasyong hindi sila sinanay.

Mga Prosesong Tanong:

1. Ano ang ibig sabihin ng kakayahang pangkomunikatibo?


2. Sino ang nagpakilala sa terminong ito? Paano ito naiba sa kakayahang
panglingguwistika na ipinakilala naman ni Chomsky?
3. Sa paanong paraan nagiging mas makabuluhan ang pagkakaroon ng
kakayahang pangkomunikatibo sa halip na kakayahang panlingguwistika
lang?
4. Ipaliwanag ang kahalagahan ng Adbertisement gamit ang Kakayahang
Pangkomunikatibo.
5. Bakit mahalagang matukoy ang Kakayahang pangkomunikatibo sa paggawa
ng pag-aaral gamit ang social media sa pagsusuri at pagsulat ng mga tekstong
nagpapakita ng iba't ibang sitwasyon ng paggamit ng wika

Mahusay! Ngayong nabatid mo na ang lahat ng mga impormasyong dapat


mong maunawaan sa araling ito, Halina’t pagyamanin mong sagutin ang mga
mahahalagang gawain na kaugnay sa araling tinalakay.

Gawain 1: Fact or Bluff

Panuto: Isulat sa patlang ang Fact kung ito ay nagpapahayag ng katotohanan


tungkol sa Kakayahang Komunikatibo na Lingguwistika, Estruktural at Gramatikal
at Bluff naman kung hindi. Isulat sa sagutang papel ang sagot.

_______1. Ang kakayahang pangkomunikatibo ay nagbibigay kakayahan sa


nagsasalita na magamit ang salitang naaangkop sa sitwasyon at kontekstong sosyal
ng lugar kung saan ginagamit ang wika.

11
______2. Pangkomunikatibo kapag nagamit ang wikang binibigkas at wikang
ginagamit sa pagsulat sa makabuluhang paraan upang maipabatid ang mensahe.

______3. Ang kakayahang komunikatibo na lingguwistika at gramatikal ay pag-


unawa sa kasanayan sa ponolohiya, morpolohiya, sintaks, semantika, gayundin ang
mga tuntuning pang-ortograpiya.

______4. Ayon sa orihinal na ideya ni Hymes, ang nagsasalita ng wika ay hindi lang
dapat magkaroon ng kakayahang lingguwistika o gramatikal para sa
epektibong pakikipagtalastasan.

______5. Ang kakayahang pangkomunikatibo ay sumasakop sa mas malawak na


konteksto ng lipunan at kultura.

Gawain 2: KKP (Kahon ng Kakayahang Pangkomunikatibo)

Panuto: Piliin sa loob ng kahon kung anong mga Komponent ng Kakayahang


Pangkomunikatibo ang tinutukoy sa bawat bilang. Isulat sa sagutang papel ang titik
ng tamang sagot.

a. Lingguwistika b. Estruktural c. Gramatikal

_______1. Saklaw nito ang pag-aaral sa Sistema ng pagkakaugnay-ugnay ng mga


salita sa pagpapahayag ng kaisipan.
_______2. Pokus ng pag-aaral ang ponolohiya o palatunugan, morpolohiya o
palabuuan ng mga salita.
_______3. Tumutukoy sa wastong gamit ng Filipino sa paglalapat o aplikasyon ng
kaalamang panretorika sa pagbuo ng makabuluhang pangungusap o
pahayag.
_______4. Ang porma ng isang wika ang nagsisilbing signal o pamamaraan sa
pagpapahayag ng mensahe.
_______5. Pagpapakahulugan na gagamitan ng antala o sandalling hinto ang mga
halimbawa nito.

Gawain 3 Iwasto mo besh!

Panuto: Basahin at Unawain ang halimbawang teksto na naglalaman ng isang


adbertisment. Suriin kung anong angkop na salita, pangungusap ayon sa konteksto
ng paksang napakinggan/nabasa. At tukuyin kung anong komponent ng
kakayahang pangkomunikatibo ito. Isulat sa sagutang papel ang tamang sagot.

Itlog ng Manok: Panlaban sa Kamandag ng Ahas


Matuklasan (1) ng mga siyentipikong Indian na ang mga itlog ng manok ay
maaaring pagmulan ng mga molekulang nakagagamot sa mga kagat ng ahas, ayon
sa “Times of India”. Ang mga manok na may gulang na 12 linggo ay tinuturukan
ng isang “di nakamamatay na dosis ng kamandag sa kalamnan nito (2) at isa
pa muling karagdagang dosis pagkalipas ng dalawa hanggang tatlong lingo.
Pagkaraan ng 21 linggo, magsisimula nang mangitlog ng may may antibody na
panlaban sa kamandag.

12
Umaasa ang mga mananaliksik na ang pan laban (3) sa kamandag mula sa
itlog ay maaari nang ipalit doon sa nakukuha sa mga kabayo, na pumapailalim(4)
sa pagsusuri upang makakuha ng mga panlaban sa kamandag ng ahas, ayon pa
rin sa Times. Inangkin na ng mga siyentipiko sa Australia ang tagumpay sa bagong
teknolohiyang ito na sinubok nila sa mga hayop. Kapag napatunayang mabisa sa
tao ang panlaban sa kamandag mula sa itlog, makikinabang nang husto ang
India, dahil saan 300,000 ang natuklaw ng ahas (5) ang iniuulat taon-taon. Sa
mga ito 10 porsiyento ng mga biktima ang namamatay.
- Your health Guide, 2010 -

Pagbati sa’yo sapagkat isang makabuluhang gawain na naman ang iyong


natapos! Kaya naman, sa puntong ito ay nais kong magmuni ka tungkol sa aral na
hatid sa iyo ng aralin tungkol Kakayahang Pangkomunikatibo na Lingguwistiko,
Estruktural at Gramatikal. Ngayon, dugtungan mo ang mga sumusunod na pahayag
batay sa iyong pag-unawa sa aralin.

Gawain 4: Dugtungan Tayo!

1. Ang Kakayahang Pangkomunikatibo ay mahalaga dahil __________________


2. Dapat na isaalang-alang ang mga komponent ng Kakayahang
Pangkomunikatibo upang _______________________________________________
3. Pahahalagahan ko ang aralin sapagkat __________________________________
4. Matapos kong pag-aralan ang aralin napagtanto ko na __________________
5. Isasabuhay ko ang aking natutuhan sa aralin sa pamamagitan ng
_________________________________________________________________________

Tunay na malapit mo nang matapos ang mga aralin. Binabati kita! Kaunti na
lamang at matagumpay mo nang matatapos ang modyul na ito. Sa gawaing ito ay
nais kong gumawa ka ng angkop na datos upang makagawa ka ng isang halimbawa
ng pag-aaral gamit ang social media sa pagsusuri at pagsulat ng mga tekstong
nagpapakita ng iba't ibang sitwasyon ng paggamit ng wika batay sa Kakayahang
Pangkomunikatibo. Sagutin lamang ang mga hinihingi sa bawat bilang.

13
Gawain 5: Kasanayan Ipakita!

Panuto: Magsagawa ka isang halimbawa ng adbertisement at maaaring humanap


ng iyong mga kapangkat na nagpapakita ng pag-aaral sa pagsusuri at pagsulat ng
iba’t ibang sitwasyon sa paggamit wika gamit ang angkop na mga salita, pahayag o
pangungusap batay sa Kakayahang Pangkomunikatibo. Sundan ang panuto sa
ibaba.

1. Makipagpangkat sa tatlo o lima mong kaklase. Ang mabubuong pangkat ay


maghahanap ng kasagutan para sa tanong na “Ano na ba ang kalagayan ng
sitwasyon ng wikang Filipino sa mga kabataan sa kasalukuyang panahon at
paano ito mapapaunlad muli’
2. Pag-usapan sa pangkat ang nasabing tanong o suliranin. Talakayin ang mga
maaaring gawin o panghihikayat at gumamit ng mga angkop na salita at
pangungusap upang maihanap ito ng angkop na kasagutan.
3. Gumamit ng kahit anong uri ng Social Media tulad ng Facebook upang
maiparating ang mensahe at makatanggap ng tugon mula sa mga
makapanonood nito.
4. Gawing simple at maayos ngunit mapanghikayat ang adbertisement na taglay
ang Kakayahang Pangkomunikatibo at Komponent nito.
5. Maaaring gumawa ng balangkas sa pagsulat upang masuri ang ginamit na
mga salita, pahayag at pangungusap batay sa Kakayahang Lingguwistika,
Estruktural at Gramatikal.
• Panimula o Introduksiyon
• Katawan (na kinabibilangan ng sumusunod:)
• Kahalagahan ng pag-aaral o paksa
• Wastong gamit ng mga salita at pangungusap
• Panghihikayat

Gawing gabay ang rubric sa ibaba para sa iyong isusulat na halimbawang


adbertisement na nagpapakita ng pagsusuri sa iba’t ibang sitwasyon gamit ang
angkop na salita, pahayag at pangungusap batay sa Kakayahang
Pangkomunikatibo.

Pamantayan Puntos
Maayos at orihinalidad na naisulat ang teskto batay sa
Kakayahang Pangkomunikatibo 4
Malinaw ang pagkakalahad ng mensahe 3
Wasto ang paggamit at baybay ng mg salita 3
Kabuuan 10

14
Malapit ka na sa huling bahagi ng modyul na ito. Sa puntong ito ay binibigyan
kita muli ng maikling sandali upang ipahinga ang iyong isip. Matapos mong
magpahinga nang sandali ay natitiyak kong handa ka nang sukatin ang mga
natutunan mo sa araling ito. Madali na lamang ang bahaging ito dahil may
pagpipilian kang mga sagot. Gayunpaman, kailangan mo pa ring suriin ang
pinakawastong kasagutan. Kung handa ka na ay sundin mo na ang kasunod na
panuto.

Gawain 6

Panuto: Basahing mabuti ang katanungan ng may pang-unawa. Piliin ang titik ng
tamang sagot at isulat sa sagutang papel.
1. Mahusay at maimpluwensiyang lingguwista at anthropolist na ipinakilala niya
ang konsepto ng kakayahang pangkomunikatibo o communicative competence.
a. Noam Chomsky c. John J. Gumperz
b. Dr. Dell Hathaway Hymes d. Dr. Fe Otanes
2. Para sa kanya ang paglinang sa wika ay nakapokus sa kapakinabang
idudulot nito sa mag-aaral, na matutuhan ang wika upang sila ay
makapaghanap-buhay, makipamuhay sa kanilang kapwa, at
mapahalagahan nang lubusan ang kagandahan ng buhay na kanilang
kapwa.
a. Dr. Fe Otanes c. Noam Chomsky
b. Dr. Dell Hathaway Hymes d. John J. Gumperz
3. Pag-aaral hinggil sa isang wika na kinabibilangan ng morpolohiya o pagsusuri
sa pagkakabalangkas ng mga salita, sintaks o pagsasaayos upang ang mga
salita ay maging makabuluhan
a. balarila c. Sintaksis
b. ponolohikal d. diskurso

4. Paraan ng pagsasama-sama ng mga salita upang makabuo ng pangungusap


na may kahulugan.
a. diskurso c. Ponolohikal
b. morpolohiya d. Sintaksis
5. Pag-aaral sa mga ponema o tunog at mga kombinasyon ng mga tunog na
bumubuo sa mga salita, paghinto, pagtaas-baba ng tinig, diin, at
pagpapahaba ng tunog ng mga salita sa isang wika.
a. sintaksis c. morpolohiya
b. diskurso d. ponolohikal
6. Karaniwang mga pelikula o isang produkto ng agdgte, pagkain, gamit
pangmedikal, at iba pa ang makikita dito.
a. Adbertisement sa Online c. Adbertisement sa Bus
b. Adbertisement sa Telebisyon d. Adbertisement sa Radyo

15
7. Isang paraan ng promosyon gamit ang internet at World Wide Web upang
ipahayag ang husay at ganda ng produkto.
a. Adbertisement sa Online c. Adbertisement sa Bus
b. Adbertisement sa Telebisyon d. Adbertisement sa Radyo
8. Malalaking estruktura na makikita sa mga pampublikong lugar na
nagpapakita sa mga motorista at pedestrian na dumaraan tungkol sa isang
produkto.
a. Adbertisement sa Telebisyon c. Adbertisement sa Radyo
b Adbertisement sa Billboard d. Adbertisement sa Bus
9. Sinasabing pinakaepektibong uri ng adbertisement sapagkat halos lahat ng
tao ay may panahon sa panonood nito.
a. Adbertisement sa Billboard c. Adbertisement sa Online
b. Adbertisement sa Radyo d. Adbertisement sa Telebisyon
10. Epektibo rin ang paraan nito upang mahikayat sa isang produkto ang isang
mamimili.
a. Adbertisement sa Radyo c. Adbertisement sa Bus
b. Adbertisement sa Telebisyon d. Adbertisement sa Online
11. Kakayahang pangkomunikatibo nang maagham na pag-aaral sa wika.
a. Kakayahang lingguwistika c. Kakayahang Komunikatibo
b. Kakayahang Gramatikal d. Kakayahang Estruktukal
12. Tumutukoy sa porma ng isang wika na nagsisilbing signal o pamamaraan sa
pagpapahayag ng mga mensahe sa pamamagitan ng wikang ito.
a. Kakayahang Komunikatibo c. Kakayahang Estruktural
b Kakayahang Gramatikal d. Kakayahang Lingguwistika
13. Pag-aaral sa Sistema ng pagkakaugnay ng mga salita sa pagpapahayag ng
kaisipan.
a. Kakayahang Gramatikal c. Kakayahang Lingguwistika
b. Kakayahang Komunikatibo d. Kakayahang Estruktural
14. Magamit ng wasto sa mga angkop na sitwasyon upang maging maayos ang
komunikasyon, maipahatid ang tamang mensahe, at magkaunawaan nang
lubos ang dalawang taong na-uusap.
a. Kakayahang Lingguwistika c. Kakayahang Gramatikal
b. Kakayahang Estruktural d. Kakayahang Komunikatibo
15. Ayon sa kanya tinawag na istruktural ang kakayahang ito sa pag-aaral ng
wika sapagkat layon nitong ilarawan ang estruktura o porma ng isang wika.
a. Dr. Dell Hathaway Hymes c. Dr. Fe Otanes
b. Noam Chomsky d. John J. Gumperz

16
Natapos mo na ang huling bahagi ng modyul na ito. At naniniwala akong
buong husay mo itong naisagawa. Tanggapin mo ang aking pagbati. Iminumungkahi
kong sagutin mo ang karagdagang gawain upang higit mong matiyak na talagang
naunawaan mo na ang mga araling nakapaloob sa modyul na ito. Simulan mo na!

Gawain 7: Palawakin Pa Natin!

Panuto: Basahing mabuti ang usapan o pahayag na hango mula sa radyo at


telebisyon. Palitan ng mas angkop na salita o pangungusap ang nakikita mong
pagkakamaling panggramatikal sa mga ito.

1. HOST: Balita ko wall-to-wall daw ang carpenting ng bagong bahay mo.


BISITA: Naku hindi naman, sa sahig lang!
Ano ang maaaring gawin o paano mo babaguhin ang tanong ng host para
mas maintindihan ito ng bisita at nang masagot niya ito nang maayos.
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

2. HOST: Isa kang tunay na bayani! Biro mo, na save mo lahat ng taong ‘yan sa
sunog. Ano’ng ginawa mo?
BISITA: Presence of mind lang. Nung Nakita ko ang sunog, kinuha ko agad
ang fly extinguisher.
Anong salita ang aayusin mo sa sagot ng bisita para umangkop ang sagot
sa tanong?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

17
18
Subukin Pagyamanin Tayahin
1. C Gawain 1: Gawain 2: 1. B
2. A 1. BLUFF 6. C 2. C
3. B 2. BLUFF 7. A 3. A
4. D 3. FACT 8. C 4. D
4. FACT 9. B
5. A 5. D
5. FACT 10. B
6. A 6. A
7. C Gawain 3 7. C
8. D 11. Natuklasan – 8. D
9. B Lingguwistika 9. B
10.C 12. Iniiniksiyunan – 10.C
11.B Gramatikal 11.C
12.C 13. Panlaban – 12.A
13.A Estruktural 13.B
14. Sumasailalim –
14.D 14.D
Gramatikal
15.D 15. kung - Lingguwistika 15.A
Sanggunian:

Alma dayag, M. G. (2016). Pinagyamang Pluma, Komunikasyon at Pananaliksik sa


Wika at kulturang Pilipino. Quezon City: Phoenix Publishing House, Inc.

Jocson, M. O. (2016). Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino.


Quezon City: Vibal Group, Inc.
Gonzales, E. S., & DALL. (2019). Filipino1 Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika
at Kulturang Pilipino. Quezon City: Golden Cronica Publishing, Inc.

19
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Schools Division Office Navotas


Learning Resource Management Section

Bagumbayan Elementary School Compound


M, Naval St., Sipac Almacen, Navotas City

Telefax: 02-8332-77-64
Email Address: navotas.city@deped.gov.ph

You might also like