You are on page 1of 26

DIVISION OF NAVOTAS CITY

Komunikasyon at
Pananaliksik sa Wika at
Kulturang Pilipino
Ikalawang Markahan – Modyul 3:
Sitwasyong Pangwika sa Pilipinas
(Kakayahang Pangwika sa Kulturang Pilipino)

S.Y. 2020-2021
NAVOTAS CITY PHILIPPINES
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino Senior High School
Alternative Delivery Mode
Ikalawang Markahan – Modyul 3: Sitwasyong Pangwika sa Pilipinas (Kakayahang
Pangwika sa Kulturang Pilipino)
Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon
Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Mhalaya S. Broqueza
Editor: Aileen L. Francisco
Tagasuri: Rico C. Tarectecan
Tagaguhit:
Tagalapat: Mary Jane V. Fetalver
Tagapamahala: Alejandro G. Ibañez, OIC- Schools Division Superintendent
Isabelle S Sibayan, OIC- Asst. Schools Division Superintendent
Loida O. Balasa, Chief, Curriculum Implementation Division
Rico C. Tarectecan, EPS in Filipino
Grace R. Nieves, EPS In Charge of LRMS
Lorena J. Mutas, ADM Coordinator
Editha O. Peregrino, Division SHS Focal Person
Shirley Eva Marie V. Mangaluz, Librarian II LRMS
Vergel Junior C. Eusebio, PDO II LRMS
Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Department of Education – Navotas City


Office Address: BES Compound M. Naval St. Sipac-Almacen Navotas City
____________________________________________
Telefax: ____________________________________________
02-8332-77-64
E-mail Address: ____________________________________________
navotas.city@deped.gov.ph
Komunikasyon at
Pananaliksik sa Wika at
Kulturang Pilipino
Ikalawang Markahan – Modyul 3:
Sitwasyong Pangwika sa Pilipinas
(Kakayahang Pangwika sa Kulturang Pilipino)
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at


Kulturang Pilipino – Senior High School ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul
para sa araling Sitwasyong Pangwika sa Pilipinas (Kakayahang Pangwika sa
Kulturang Pilipino)

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador


mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong
tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda
ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at


malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong


ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong
o estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral


kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang
pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan
ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

ii
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang


Pilipino – Senior High School ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa
Sitwasyong Pangwika sa Pilipinas (Kakayahang Pangwika sa Kulturang Pilipino)

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad
din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong laktawan
ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na
suliranin, gawain o isang sitwasyon.
Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling
pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.
Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa
malayang pagsasanay upang mapagtibay ang
iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.
Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o
pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.
Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong
sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman
o kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.

iii
Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o
masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
Gawain panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat


ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang


marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel
sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag
mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin
humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa
iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong
isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

iv
Pagbati muli sa iyo, ginigiliw kong mag-aaral! Mahusay, ikinagagalak ko ang
patuloy na tagumpay mo sa pagsasakatuparan ng bawat bahagi ng mga modyul. Ikaw
ngayon ay nasa Ikalawang Markahan na inaasahan ko bilang iyong guro ay mas lalo
mong paghusayan pa ang mga gawain at mga pagsasanay na inihanda para sa’yo.
Handa ka na ba na alamin ang bagong karunungan para sa araling ito?

Dagdagan pa natin ang iyong kaalaman ukol sa Sitwasyong Pangwika sa


Pilipinas mula sa mga nakaraang napag-aralan mo. Asahan mong mas lalawak pa ang
iyong mga matututunan kaugnay ng paksang ito. Handa ka na ba? Sa palagay ko nga,
kaya naman magsimula ka na!

Sa pagtatapos ng modyul na ito, inaasahang matututunan mo ang sumusunod na


kasanayan:

1. Nakasusulat ng mga tekstong nagpapakita ng mga kalagayang pangwika sa


kulturang Pilipino. F11PU-IIc-87

2. Natutukoy ang iba’t ibang register at barayti ng wika na ginagamit sa iba’t


ibang sitwasyon (Halimbawa: Medisina, Abogasya, Media, Social Media,
Enhinyerya, Negosyo, at iba pa) sa pamamagitan ng pagtatala ng mga
terminong ginamit sa mga larangang ito F11WG-IIc-87

1
Gaya ng nakasanayan, isa sa mga kailangan mong gawin ay ang
ipamalas ang ilang kaalaman mo kaugnay ng paksang tatalakayin. Kaya naman,
hayaan mong subukan nating muli ang iyong nalalaman. Kaya mo ‘yan!

Panuto: Tukuyin kung anong register ng wika na nakasalungguhit ang ginamit sa


sumusunod na mga pangungusap. Isulat sa patlang kung ito ay kaugnay ng
Medisina, Abogasya, Media, Social Media, Enhinyerya o sa Negosyo na larangan.

_________________1. Laking tuwa ni Gng. Dela Cruz nang malaman niyang benign ang
bukol na nasa kaliwang dibdib niya.

_________________2. Buti na lang mahusay ka sa techonology, dahil kung hindi,


malamang ay nahirapan na tayo sa paggawa ng ating proyekto.

_________________3. May-ingat kang palagi, dahil maaari kang sundan at mapahamak


sa alien na ‘yon!
_________________4. Bagay ba ang OOTD ko ngayon?

_________________5. Hindi nakatutuwang malaman na mas malaki pa ang expenses


natin kaysa sa kinita natin.

Aralin Sitwasyong Pangwika sa


1 Pilipinas
(Kakayahang Pangwika sa Kulturang Pilipino)

Mahusay! Muli mo na namang ginalingan ang pagsagot sa paunang gawain.


Naniniwala akong mas paghuhusayan mo pa sa mga susunod na gawain.
Sa modyul na ito ay matutuklasan mo ang iba pang mga sitwasyong pangwika
sa Pilipinas (Kakayahang Pangwika sa Kulturang Pilipino). Mula sa mga nakaraang
aralin, asahan mong higit na uunlad ang iyong pang-unawa kaugnay ng paksang ito.
Ayon sa pilolohiya, ang kaugnayan ng kultura ng isang tao at ng wikang
ginagamit niya, o ugaling gamitin, ay malapit na malapit. Magkakambal.
Samakatuwid, masusukat ang kultura ng tao sa kadalubhasaan niya sa wika ayon sa
tayog ng kanyang kultura. Subalit ito’y batay sa ipinanday na edukasyon sa kanya,
sa panahon ng kabataan, na kalahok ng tradisyon ng angkan, ng espiritung
panrelihiyon, at ng mga paniniwala at perwisyong pinagkalakhan.
Sa ngayon, batid kong unti-unti’y nasasabik ka na sa pagtuklas ng paksang-
aralin natin sa modyul na ito. Kaya naman, ihanda mo pang lalo ang iyong sarili, alam
kong hindi ka na makapaghintay!

2
Bago tayo tuluyang tumungo sa pagtalakay ng aralin sa modyul na ito ay
mahalagang matiyak natin kung naaalala mo pa ang paksang tinalakay sa nakaraang
modyul. At tiyak namang hindi mo ito nakakalimutan, kung kaya naman patunayan
mo ito sa pamamagitan ng gawaing ibinigay sa bahaging ito. Galingan mo!

Gawain- TALATA NG NAKARAAN

Panuto: Isulat sa isang talata ang mga nakaraang aralin na tinalakay sa modyul 2,
Ilahad ang mga ito sa Horizontal Scroll na nasa ibaba.

___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
__________________________________________________________

Mga Tala para sa Guro

May isang sikat na kasabihan na nagbibigay-paalala sa lahat. “Ang tunay na sikreto


sa tagumpay ay pagsisikap at patuloy na pagbangon sa bawat pagkakamali.”

Sa iyong pag-aaral, huwag matakot na magkamali, huwag maduwag sa pagbagsak,


bagkus ay ihanda mong lagi ang iyong sarili na bumangon at magpatuloy sa
pakikibaka. Malayo-layo pa ang iyong lalakbayin, marami pang kabanata ng buhay
mo ang mapupuno ng pagkabigo, ngunit lagi mong aaalalahanin na laging may
tagumpay sa bawat pagkakadapa natin, kaya huwag na huwag kang mawawalan
ng pag-asa. Laban, para sa kinabukasan!

3
Sa bahaging ito ng aralin, nais kong simulan mo ang pagsagot sa mga Gawain
nang may ngiti at upang higit mo pang maunawaan inilaan ang modyul na ito para
sa’yo. Halina’t simulan mo na

Gawain- Simula na Natin!

Panuto: Sagutin ang sumusunod na mga pahayag kaugnay ng paggamit mo ng


wika.

1. paraan ng iyong pagte-text __________________________________________________

wika na iyong ginagamit ____________________

2. pagpo-post sa Social Media (paano ka magpost)__________________________________


wika na iyong ginagamit ____________________

3. huling palabas sa telebisyon o pelikula man na napanood________________________

wikang ginamit sa palabas _____________________


4. wika na madalas ninyong gamitin sa inyong tahanan ____________________________

5. mga lugar na higit mong ginagamit ang wikang Filipino__________________________

6. mga lugar na higit mong ginagamit ang wikang Ingles____________________________


7. Gaano kahalaga sa iyo ang pagkatuto at ang pagsasalita ng wikang Filipino?

__________________________________________________________________________________

8. Gaano kahalaga sa iyo ang pagkatuto at ang pagsasalita ng wikang Ingles?


__________________________________________________________________________________

Para sa bilang 9 at 10
> Batay sa iyong mga sagot no sa palagay mo ang sitwasyon o kalagayan ng wikang
Filipino sa iyong sarili at sa inyong tahanan sa kasalukuyang
panahon?_________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________

> Ano naman ang kasalukuyang kalagayan ng wikang Ingles sa iyong sarili at sa
inyong tahanan? __________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________

4
Malayo na ang nalakbay ng wikang Filipino. Nabasa mo sa mga
nagdaang aralin ang mahabang kasaysayan ng ating wika mula sa panahon ng ating
mga ninuno, panahon ng mga Espanyol, ng rebolusyong Pilipino, ng mga Amerikano,
ng mga Hapones, ng pagsasarili, hanggang sa kasalukuyan. Sa mahabang
kasaysayang ito ay nakita natin ang paglago, pag-unlad at pagbabago o pag-evolve ng
ating wika. Malaki ang epekto ng mga pagbabagong dala ng panahon at ng
makabagong teknolohiya sa mga pagbabago rin sa kalagayan o sitwasyon ng ating
wika. Nasaan na nga ba o ano na nga ba ang kalagayan ng wikang Filipino sa ika-21
siglo sa iba’t ibang larangan? Ating alamin.

MGA SITWASYONG PANGWIKA

Hindi mapasusubalian na Malaki ang papel na ginagampanan ng


wikang Filipino sa pagbuo ng isang pambansang identidad o kaakuhan ng Pilipinas,
lalo na sa napapanahong konsepto ng globalisasyon at integrasyon ng ASEAN.
Mahalagang mabuo muna ang identidad ng isang bansa bago ito lumahok sa proseso
ng globalisasyon at integrasyon. Kung hindi, malamang mapailalim ito sa mga higit
na makapangyarihang wika at kulturang nananaig ngayon sa pandaigdigang lipunan.
Sinasabing sa kalagayang pangwika, pangkultura, at pang-
ekonomiya ng Pilipinas sa kasalukuyan, mahihirapan pa tayong makapantay sa ibang
malalaking bansa. Upang higit nating maunawaan ang papel na gagampanan at pati
na rin ang mga suliraning kinahaharap ng wikang Filipino sa pagbubuo ng
pambansang kamalayan, talakayin natin ang mga piling sitwasyong pangwika sa ating
bansa.
Sa modyul na ito, mababasa mo ang ilan sa mga pag-aaral hinggil
sa wika. Suriin at pag-aralang mabuti ang mga ito.
Saan mang lugar, ang usapin ng pambansang wika ay
kumakatawan sa pagtatalo sa mahahalagang usapin sa politika at ekonomiya.
Bagamat mula pa noong panahon ni Quezon hanggang sa ngayon, ang isyu ng
“pambansang wika” ay naipaloob na sa Konstitusyon, bumangon ito muli na tila mga
kaluluwang uhaw sa dugo. Mareresolba lang ang isyung ito kung may tunay na
soberenya na tayo, at namamayani ang kapangyarihan ng nakararami, mga pasyente’t
manggagawa, at nabuwag na ang poder ng mga may-aring kakutsaba ng
imperyalismo.
Ang wika ay hindi isang bagay na may sariling halaga kundi bahagi
ito ng kategorya ng kamalayang sosyal, isang kamalayang praktikal—“practical
consciousness.” Ayon kay Marx—na gumanap sa buhay bilang lakas ng produksiyon.
Ang usapin ng wika ay ‘di maihihiwalay sa yugto ng kasaysayan ng bayan na laging
komplikado at ‘di pantay ang pagsulong ng iba’t ibang bahagi—uneven and combined
development. Samakatuwid, sa ating sitwasyon, ang suliraning pangwika ay ‘di
mahihiwalay sa programa tungo sa tunay na kasarinlan at kasaganaan, mula sa
kasalukuyang neocolonial at naghihikahos na bayan.

5
Sa Pilipinas, ang lagay at papel na ginagampanan ng wika ay
maipapaliwanag lamang sa pagsingit nito sa ugnayang panlipunan, sa kontradiksiyon
ng sumusulong ng puwersa ng produksiyon at namamayaning balangkas na pumipigil
sa pagsulong ng buong lipunan. Ang katayuan ng wika ay nakabatay sa kasaysayan
ng bansa, sa kolonyal at neokolonyal na dominasyon ng Kastila, Amerika, at Hapon,
at sa himagsik ng sambayanan laban sa pang-aapi. Ang mga katagang “nasyonal-
popular” o pambansa-makamasa—na iminungkahi n Gramsci- ang dapat ilapat sa
nakararami na nag-aadhikang makapagpahayag ng kanilang pagkatao sa iba’t ibang
paraan, tigib na kontradiksyon na bunga ng ‘di pantay at pinagtambal na pagsulong
ng iba’t ibang sangkap ng kabuoang estruktura ng lipunan. Ang wika ay nakalubog
sa daloy ng mga kontradiksyon sa lipunan.
Ang pagbuo’t pagpapayaman ng isang pambansang wika. Ang
Filipino, ay hindi nangangahulugan ng pagsasa-isantabi o pagbabalewal sa ibang mga
wikang ginagamit ng maraming komunidad. Ang pagpapalawig at pagsuporta sa mga
wikang ito ay matutupad kung may basehan lamang: ang kasarinlan ng bansa batay
sa pagpapalaya sa masa. Sa harap ng higanteng lakas ng kapitalismong global,
maisusulong lamang ang proyektong nabanggit ko kung makikibaka tayo sa programa
ng pagbabago tungo sa pamamayani, gahum ng masang gumagawa. Ang wika ay
maaaring maging mapagpalayang sandata kung ito’y binubuhay ng masa sa pang-
araw-araw ba kilos at gawa.
Ang wika ay isang larangan o arena ng tunggalian ng mga uri ayon
kay Mikhail Bakhtin. Maaaring kung ano talaga ang wikang pambansa, ay masasagot
lamang sa loob ng proyektong pampolitika—tinimbang at sinipat sa isang
materyalistiko-historikal na pananaw. Ang wika ay praktikang panlipunan, ang isang
produktibong lakas ng sambayanan. Napapanahon ngang maintindihan natin ito
ngayon kung matagumpay na madalumat at mapahalagahan ang kolektibong
saloobin ng sambayanan, na ngayon ay naisasatinig sa anagramatikong islogan:
SOBRA NA, TAMA NA, EXIT NA!
(Mula sa INTERBENSYON SA USAPIN NG PAMBANSANG WIKA SA PILIPINAS- Isang
panayam sa Ateneo de Manila University, Marso 12, 2008)
Ang Pilipinas ay isa sa mga bansang mayroong napakaraming wika.
Sa listahan ni Grimes at Grimes (2000), mayroong nakatalang 168 buhay na wika sa
bansa, samantalang sa sensus ng NSO noong 2000, mayroon tayong 144 na buhay
na wika. Gayunpaman, ayon kay Sibayan (1974), humigit-kumulang 90% ng
populasyon sa bansa ay nagsasalita ng isa sa walong pangunahing wika. Sa kabila ng
pagiging linguiatically diverse na bansa natin, mula pa 1974 ang ating edukasyon ay
nakatutok sa patakarang bilingguwal, paggamit ng Filipino at English bilang midyum
ng pagtuturo sa mga tiyak na asignatura.
Sa Pilipinas, ang isyu sa pagbuo at pagpapatupad ng mga
patakarang pangwika sa bansa ay patuloy na nababahiran ng politika. Kayang-kayang
dalhin ng nakapangyayaring uri ang wika sa direksiyong naaayon sa kanilang
preperensiya at paniniwalang pangwika. Naaayon din ito sa kanilang adyendang nais
isulong para sa bansa. Sa sitwasyong waring higit na pinapaboran ang English dahil
sa tinatawag na globalisasyon at lokalisasyon ay maaaring magkatuwang na
maisakatuparan sa pamamagitan ng maayos, tama, at angkop na patakarang
pangwika sa bansa.
(Mula sa ANG PATAKARANG PANGWIKA SA PILIPINAS AT MGA PAG-AAARAL
KAUGNAY NITO ni Sheilee Boras-Vega, PhD)

6
WIKANG FILIPINO SA AGHAM PANLIPUNAN

Wika ang pangunahing kasangkapan sa ugnayan sa pagitan ng namamahala


(ang pamahalaan) at ng pinamamahalaan (ang mga mamamayan). Dahil dito, dapat
gamitin ang wika sa komunikasyon ng bayan para magkaunawaan. Sa larangang ito,
ang daloy o proseso ng komunikasyon ay dalawa: paghahatid ng mensahe o atas (ayon
sa nasa batas) at ang tugon o sagot ng bayan.
Kung gayon, dapat gamitin ang wikang Filipino sa batas at politika. Dapat
ding maging wika ng hukuman ang wikang ito. Tandaan nating habang mangmang
ang bayan sa batas, hindi mangingimi ang mga sakim sa paggawa ng kabuktutan at
katiwalian—mga bagay na hadlang sa ninanais nating kaunlaran.
Samakatuwid, susi ang wikang Filipino sa politika ng batas, sa
pagpapalaganap ng katarungan, at pagsugpo sa krimen na lumalaganap sa
administrasyon ng batas at politika.
Ang layuning magkasia ang ating lahi sa ilalim ng katarungan at karangalang
mahango ang mga nabubuhay sa karalitaan, kawalang-muwang, at kawalan ng
pagkakataon upang sila man ay maging sangkap ng isang pamayanang pampolitika
ay magaganap lamang kung an gating mga batas ay maisasalin sa wikang Filipino at
ang wikang ito ay gagamiting wika sa mga hukuman at sa mga batasan kung saan
ginagawa ang batas.

WIKANG FILIPINO SA HUMANIDADES

Ang humanidades ay tumutugon sa isang pangkat ng mga palagay at


saloobin na nakatuon sa pagpapahalaga sa buhay.
Kung susuriing mabuti, wika ang may pinakamalaking papel na
ginagampanan sa larangang ito—ang Humanidades. Sa ngayon, higit nang malawak
ang saklaw nito sapagkat maaari nang talakayin ang kultura, pagpipinta, musika,
estruktura, at iba pang makataong sining at ang mabuti at wastong pagtugon dito.
Sa tulong ng wika, higit nang mapalalawak ang larangang ito, pati na ang
ating sarili at higit tayong nagiging maingat at magalang sa paniniwalang likha ito at
gawi ng ibang tao.

WIKANG FILIPINO SA AGHAM AT


TEKNOLOHIYA

Sa pagbabago ng panahon at lipunan, natural lamang na sumabay ang


wika sa mga pagbabago’t modernisasyon ng lipunang gumagamit nito.
Ito ang hamon ng pagpasok ng bagong siglo sa mga edukador at
tagapagpalaganap ng wikang Filipino. Kailangang magamit ang Filipino sa pagtuturo
at pagsusulat sa larangan ng Agham, Matematika, at Teknolohiya. Ayon sa kanila,
ang paggamit ng Filipino ay nagdudulot ng mahusay, mabilis, at mabisang pag-unawa
sa mga asignaturang siyentipiko at teknikal.

7
Kamakailan lamang, napatunayan sa Third International Math and
Science Study o TIMSS na higit na epektibo ang pagtuturo ng Agham at Matematika
sa wikang katutubo sa isang bansa.
Sa katunayan, sa limang nangungunang bansa sa Agham (Singapore,
Czech Republic, Japan, South Korea, at Bulgaria) at Matematika. (Singapore, South
Korea, Japan, Hong Kong, at Belgium) ang mga mag-aaral na sumasailalim sa
pagsusulit ay sa wikang katutubo kinuha ang TIMSS.
Samakatuwid, dumating na nga ang panahon upang mapayabong ang
wikang Filipino bilang wikang intelektuwalisado at maaari nang umabot sa
pamantayan upang maging isa ring pandaigdig na wika.

WIKANG FILIPINO SA NEGOSYO AT


INDUSTRIYA

Tayo ay pumapasok na sa bagong siglo. Ito ang daigdig ng cyberworld. Nasa


paligid natin at kaniig ang mga web site, Internet, e-mail, fax machine, at iba pang
kagamitan tungo sa mabilis na daluyan ng komunikasyon.
Ingles ang lengguwahe sa pandaigdigang ugnayan sa negosyo at industriya. Ito
rin ang lengguwahe sa cyberspace. Ingles din ang wikang ginagamit ng mga
mangangalakal sa pakikipag-ugnayan sa mga banyaga at malalaking negosyante.
Ngunit sa sinasabing daigdig ng cyberspace at sa darating na panahon,
magkakaroon ng global language at isang wika ang gagamitin sa buong mundo. Ayon
kay John Naisbitt sa aklat na Global Paradox, totoong magkakaroon ng isang wika
tungo sa sinasabing global village.
Sa kabilang dako, sinasabi niya na habang umuunlad ang iisang global
language ay lalong pahahalagahan ng bawat bansa ang kanilang ethnicity o sariling
pagkakakilanlan. Higit na pag-uukulan ng kahalagahan ang national identity.
Idinagdag pa niya na hindi magkakaroon ng isang global monetary currency dahil ang
salaping inilimbag o gagawin ng bawat bansa ay maglalaman ng kanilang sariling
wika, sariling bayani, sariling kasaysayan, at kultura.
Sa gayong konsepto, totoo ang sinabi ni Bro, Andrew Gonzales na mahalaga
talaga nag wikang Filipino sa negosyo at industriya. Kahit na sa daigdig ng cyberspace,
ng mga babasahin tungkol sa larangang pangkabuhayan, at mga iba pang may
kinalaman sa negosyo at kalakal, Filipino pa rin ang iiral ata mangungunang wika
ngayon at sa darating pang panahon, aniya pa.
Sa pagdagsa ng mga itinatayong industriya sa ating bansa, kukuha’t kukuha
ng mga manggawang Pilipino. Karamihan dito ay iyong mga hindi nakaabot ng mataas
na antas ng pag-aaral, ngunit nakauunawa naman ng kanting Ingles. Ngunit upang
higit na mapakinabangan sila sa mga itatayong industriya, kailangang turuan sila ng
mga bagong kakayahan sa paglikha ng mga produkto.
Dito papasok ang mga ekspertong Pilipino na mamumuno at magtuturo ng mga
kaalaman sa mga mangagawa. At dahil nga pinatutuonan ng pansin sa kasalukuyan
ng mga itinatayong industriya sa bansa ang pandaigdigang pamantayan ng anumang
produktong lilikhain, hindi Ingles kundi Filipino ang gagamitin upang turuan ang
kanilang mga manggagawa ng kakayahan at katalinuhan sa gawaing produkto.

8
Ayon sa pilolohiya, ang kaugnayan ng kultura ng isang tao at wikang ginagamit
niya, o ugaling gamitin, ay malapit na malapit. Magkakambal. Samaktwid, masusukat
ang kultura ng tao sa kadalubhasaan niya sa wika ayon sa tayog ng kaniyang kultura.
Subalit ito’y batay sa ipinanday na edukasyon sa kanya, sa panahon ng kabatan, na
kalahok ng tradisyon ng angkan, ng espiritung panrelihiyon, at ng mga paniniwala at
perwisyong pinagkalakhan.

SITWASYONG PANGWIKA SA
PAMAHALAAN

Sa bias ng Atas Tagapagpaganap Blg. 335, serye ng 1988 na “nag-aatas sa


lahat ng mga kagawaran, kawanihan, opisina, ahensiya, at instrumentaliti ng
pamahalaan na magsagawa ng mga hakbang na kailangan para sa layuning magamit
ang Filipino sa opisyal na mga transaksiyon, komunikasyon, at korespondensiya,”
nagging mas malawak ang paggamit ng wika sa iba’t ibang antas at sangay ng
pamahalaan. Ito ang malaking kontribusyon ni dating Pangulong Cory Aquino sa
paglaganap ng wikang Filipino sa pamahalaan dahil hanggang sa kasalukuyan ay
nananatili ang mga pinasimulan niyang mga inisyatibo sa paggamit ng wika.
Tulad ng kanyang ina, si Pangulong Benigno Aquino III ay nagbigay din ng
malaking suporta at pagpapahalaga sa wikang Filipino sa pamamagitan ng paggamit
niya ng wikang ito sa mahahalagang panayam at sa mga talumpating ibinibigay niya
katulad ng SONA o State of the Nation Adress. Sa buong panahon ng kanyang
panunungkulan ay sa Filipino niya ipinararating ang kanyang SONA. Makabubuti ito
para maintindihan ng ordinaryong mamamayan ang kanyang mga sinasabi. Ito rin ay
nagbibigay ng impresyon sa mga nakikinig na pinahahalagahan niya ang wikang ito.
Maging sa mga opisyal na pagdinig sa pamahalaan ay wikang Filipino rin ang
ginagamit subalit hindi rin naiiwasan ang code switching lalo na sa mga salitang
teknikal na hindi agad naihanap ng katumbas sa wikang Filipino.

SITWASYONG PANGWIKA SA EDUKASYON

Sa mga naunang aralin ay ating nalaman ang kasalukuyang kalagayan ng


wikang Filipino sa mga silid-aralan ayon sa itinatadhana ng K to 12 Basic Education
Curriculum. Sa mababang paaralan (K hanggang Grade 3) ay unang wika ang gamit
bilang wikang panturo at bilang hiwalay na asignatura, samantalang ang wikang
Filipino at Ingles naman ay itinuturo bilang magkahiwalay na asignaturang pangwika.
Sa mga matataas na antas ay nananatiling bilingguwal kung saan ginagamit ang
wikang Ingles bilang mga wikang panturo. Bagama’t marami pa ring edukador ang
hindi lubusang tumatanggap sa sitwasyong ito, ang pagkakaroon ng batas at
pamantayang sinusunod ng mga paaralan, pribado man o pampubliko ay
nakatutulong nang Malaki upang higit na malinang at lumaganap ang unang wika ng
mga mag-aaral, gayundin ang wikang Filipino, kasabay ng pagkatuto ng wikang Ingles
at makatulong sa mga mag-aaral upang higit nilang maunawaan at mapahalagahan
ang kanilang mga paksang pinag-aaralan.

9
REGISTER O BARAYTI NG WIKANG GINAGAMIT SA IBA’T
IBANG SITWASYON

Napag-aralan natin sa mga nagdaang aralin ang tungkol sa iba’t ibang barayti
ng wika. Ang mga barayting ito ay nagagamit sa iba’t ibang sitwasyong pangwikang
ating natalakay rito. Isa sa mga uri ng sosyolek ang nais bigyang-diin dito, ang
paggamit ng mga jargon o mga terminong kaugnay ng mga trabaho o iba’t ibang
hanapbuhay o larangan. Kapag narinig ang mga terminong ito ay matutukoy o
masasabi ang larangan o sitwasyong karaniwang ginagamitan ng mga ito.
Halimbawa:
➢ Ang mga abogado o taong nagtatranaho sa korte ay maipakikilala ng
sumusunod na mga jargon:
▪ exhibit, appeal, complainant, suspect, court, justice, at iba pa
➢ Ang mga guro o mga taong konektado sa edukasyon ay maipakikilala ng
sumusunod:
▪ lesson plan, test, assessment, curriculum, textbook
➢ Ang mga doctor, nars, o mga taong may kinalaman sa medisina ay
maipakikilala ng sumusunod:
▪ lesson plan, test, assessment, curriculum, textbook
Ano ngayon ang kultura ng Pilipino at ang implikasyon nito sa wikang
pambansang ng mga Pilipino?
Ang katangiang panlahing nilikha ng unang daluyong ay natitira pa sa
kaibuturan ng pagkatao ng mga Pilipinong may dugong katutubo o galling sa mga
lupain ng Indonesia at Malay. Dahil sa nasyonalismong noon pang magrebolusyon
laban sa Espanya ay nagsimulang mapukaw, ang liblib na katangian-lahi ay palakas
nang palakas na naghihimutok at nagpupumiglas sa ilalim ng baluting banyaga ng
katauhang sarili. Kabahagi ng ikaapat na daluyong ang pamumuling-silang na ito.
Amerikanisado ang karamihan sa mga edukadong Pilipino. Ang hindi ay dahil
sa Hispanisado pa. Marami rin naman sa mga ito ang naniniwalang sa kabila ng
Amerikanisasyon at Hispanisasyon ay matutuhan din ng Pilipino na ang pagpapaka-
Pilipino ay humihingi ng pagbabaling ng tingin sa sariling karangalan, sariling
identidad, at sariling pag-unlad. Hindi kailangan itakwil o tanggihan ang anumang
mabuting nakuha sa Espanyol at Amerikano. Higit na maganda at marangal na ang
mana sa Espanyol at tanggap sa Amerikano ay balagwitin ng pagka-Pilipino at
angkining bahagi lamang ng pagka-Pilipino. Naririto samakatwid, ang maayos na
identidad at kaisahan ng kulturang Pilipino at ang wikang Pilipino.
Noong panahon ng Amerikano, natural na Ingles-Amerikano ang wikang
mangibabaw sa gamit at pili ng mga edukado.
Ang kalayaan ng bansa at ang wikang pambansa ay magkapatid. Ang kultura
at wika ay magkakambal. Ang kulturang banyaga kung angkinin ay naging bahagi ng
sarili. Ang identipikasyon ay ang sarili, hindi ang banyaga. Batas ito ng kalikasan.
Sombreruhan man, amerikanahan at pantalunan ang matsing, kamatsing din ang
mangingibabaw. Samakatwid… ano ang Pilipino sa kaniyang pagka-Pilipino? Malayo-
Indonesyo? Tsino? Espanyol? Amerikano? Haluan? Pilipino? Iilang bansa ang hindi
haluan sa kultura at wika at kung mahigpitang susuriin ay makikitang may

10
impluwensiya ring banyaga ang mga ito. Ngunit haluan man o hindi, makikilala sila
sa kanilang kabansaan. Sa anong kabansaan at wika makikita ang Pilipino? Iisa ang
sagot, Pilipino!

KONGKLUSYON
Batay sa mga nailatag na sitwasyong pangwika sa iba’t ibang larang, maliwanag
na makikita ang kapangyarihan at lawak ng paggamit ng wikang Filipino, ang
itinuturing na wika ng masa sa kasalukuyang panahon. Makikita sa mga ito ang lubos
na pagtanggap ng karamihan sa mga mamamayan sa sarili nating wika. Nasa atin
nang kamalayan ang kahalagahan ng paggamit at pagpapalawig sa sarili nating wika
upang ito’y lalong maisulong at higit na maging metatag at malakas dahil ang tatag at
lakas nito ay sasalamin din sa katatagan ng ating pagka-Pilipino. Wala namang
masama kung matututo tayong magsalita ng mga wikang banyaga at maging
multilingguwal subalit higit sa lahat, kailangan nating patatagin an gating sariling
wika para sa sarili na rin nating kapakinabangan. Ang pagkakaisang ito ay
makapagdudulot ng pag-unlad. Walang makatutulong sa Pilipino kundi ang kapwa
rin Pilipino at mangyayari iyan kung magkakaisa tayong iwaksi ang kaisipang
kolonyal, makipag-ugnayan sa isa’t isa, magtulungan, magtalastasan gamit ang
wikang nauunawaan ng lahat ng mga Pilipino, dahil sabi nga ni Jose Rizal:
“Ang hindi magmahal sa kanyang salita,
mahigit sa hayop at malansang isda;
Laya ang marapat pagyamaning kusa
na tulad sa inang tunay na nagpala.”
- “Sa Aking Kabata” ni
Dr. Jose P. Rizal (1861-1896)

Ipinakita natin ang pagmamahal sa sariling wika sa pamamagitan ng paggamit


dito. “Nagiging plastic ang mga tao: nagbibihis ng barong, nagsasayaw ng tinikling,
kumakain ng pagkaing Pinoy, pero after nun wala na. Eh dapat araw-araw ‘yan.”
(Naval: 2014) Totoo ang obserbasyong ito. Nararapat nga naman sa araw-araw ay
gamitin natin at pagyamanin ang ating sariling wika at hindi lang sa buwan ng Agosto
kung kailan ginugunita ang Buwan ng Wika. “Sa panahon ng globalisasyon at
paparating na ASEAN Integration, nararapat lang na lalo pang paigtingin ng mga
Pilipino ang sariling wika, panitikan, at kultura upang maging bahagi ng ating
kontribusyon sa integrasyong sosyo-kultural na global at rehiyonal. Ano ang
ibabahagi natin sa mga proyektong integrasyong global at rehiyonal kung wala naman
tayong wika o kulturang ibabahagi sa mundo at sa “ASEAN?” (San Juan: 2014)
Magsama-sama tayong itaguyod ang lakas at kapangyarihan ng bawat Pilipino gamit
ang sariling wikang nauunawaan at ginagamit ng bawat isa, ang wikang Filipino.

11
Prosesong Tanong:
1. Ipaliwanag ang sinabi ni Dr. Vega na: Sa ating bansa, ang isyu sa pagbuo at
pagpapatupad ng mga patakarang pangwika ay patuloy na nababahiran ng politika.
2. Batay sa kanyang ginawang pag-aaral, gaano kahalaga sa pagtuturo ang paggamit
ng unang wika ng mga mag-aaral? Paano ito maisasakatuparan?
3. Bakit hindi purong Filipino kundi kasama rin ang mga barayti nito sa mga wikang
lumalaganap sa ating bansa? Sang-ayon ka ba rito? Bakit oo o bakit hindi?
4. Ano ang pananaw mo sa mga nabasang sitwasyong pangwika kung saan Filipino
ang lumalaganap sa kasalukuyan sa halip na wikang banyaga tulad ng Ingles?
5. Bakit mahalagang higit pang mapalaganap ang wikang Filipino hindi lang sa Buwan
ng Wika kundi araw-araw lalo na sa panahon ngayon ng globalisasyon at ASEAN
Integration?

Matapos mong basahin at suriin ang paksang tinalakay sa modyul na ito ay


ihanda mo na ang iyong sarili sa pagsasakatuparan sa sumusunod na mga gawain.
Ngayon pa lang ay binabati na kita!

Gawain 1 Tukuyin Mo Na!

Panuto: Tukuyin kung anong register ng wika ang ginamit sa sumusunod na mga
pahayag o sitwasyon. Piliin ang sagot sa kahon.

1. “Maaari din naman na Generic ang bilhin n’yong gamot.”

2. “Paki-like naman yung post ko!


3. Tapos mo na bang sagutan yung module mo?
4. “Magkita na lang tayo sa korte.”

5. “Malaki-laking capital ang inilabas ko. Sana naman Malaki rin ang maging kita ko
rito.

Abogasya Medical Negosyo Social Media Media Enhinyerya Edukasyon

12
Gawain 2- Kulturang Pilipino at Pananaliksik

Panuto: Bisitahin ang website sa ibaba. Bigyang-kahulugan ang salitang “Kulturang


Pilipino” ayon sa ibinigay na website. Gamitin ang dayagram sa ibaba.
https://www.slideshare.net/DeniellaAnnGabriel/Kulturang-pilipino

KULTURANG PILIPINO

Panuto: Bisitahin ang website sa ibaba. Bigyang-kahulugan ang salitang


“pananaliksik” ayon sa ibinigay na website. Gamitin ang dayagram sa ibaba.

https://www.slideshare.net/aliciamargaretjavelosa/pananaliksik-filipino

Pananaliksik

13
Mahusay! Muli mong pinatunayan ang iyong galing. Ngayon naman ay ipahayag mo
ang iyong natutunan o natuklasan sa modyul na ito.

Gawain Dugtong-dugtong Ang Iyong Napagtanto!

Panuto: Ibahagi mo ang mga bago mong natuklasan o natutunan mula sa araling
tinalakay sa modyul na ito. Dugtungan ng angkop na mga parirala o pangungusap
ang mga salitang nauna nang ibinigay upang mabuo ang buong talata.

Matapos madagdagan ang aking kaalaman at natuklasan sa paksang


tinalakay, napagtanto ko na _______________________________________________________
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________.

Kahanga-hanga ang iyong galing! Alam kong hindi lamang diyan natatapos ang
iyong husay, dahil kayang-kaya mong patunayan na marami ka pang kayang gawin.
Kaya sa puntong ito ay gawin ang nakalaan na gawain.

Gawain- MAGAGAWA NATIN!


“Bagama’t laganap na sa mass media, mapapansin pa rin na ang wikang Filipino
ay madalas na ginagamit sa mga programa sa radyo at telebisyon, sa tabloid, at sa
pelikula kung saan ang nananaig na tono ay impormal, at waring hindi gaanong
estrikto ang pamantayan ng propesyonalismo. Sa maraming babasahin at palabas sa
Filipino, ang tila nangingibabaw na layunin ay mang-aliw, manlibang, lumikha ng
ugong at ingay ng kasayahan.” (Tiongson, 2012:8).
Sumasang-ayon o sumasalungat ka ba sa obserbasyong ito na ang nananaig na
tono ng wika sa mass media ay impormal at hindi gaanong estrikto ang pamantayan
ng propesyonalismo? Patunayan ang sagot mo sa pamamagitan ng paglalahad ng mga
obserbasyon mo sa kalagayan ng wika sa sumusunod:
➢ sa isang noontime show o pantanghaling variety show
____________________________________________________
Pamagat ng Noontime Show
Obserbasyon mo sa paggamit ng wika sa programang ito.
__________________________________________________________

14
__________________________________________________________
__________________________________________________________
➢ sa isang programang nagbabalita o news and public affairs program
__________________________________________________________
Pamagat ng News and Public Affairs Program
Obserbasyon mo sa paggamit ng wika sa programang ito.
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
➢ sa isang teleserye o telenovela
__________________________________________________________
Pamagat ng teleserye o telenovela
Obserbasyon mo sa paggamit ng wika sa programang ito.
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
➢ sa isang tabloid
__________________________________________________________
Pamagat ng tabloid
Obserbasyon mo sa paggamit ng wika sa tabloid o pahayagang ito
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
➢ sa isang programang panradyo
__________________________________________________________
Pamagat ng Programa sa Radyo
Obserbasyon mo sa paggamit ng wika sa programang ito
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
➢ sa isang pelikula
__________________________________________________________
Pamagat ng Programa sa Pelikula

15
Obserbasyon mo sa paggamit ng wika sa programang ito
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________

Batay sa mga obserbasyong isinulat mo, maglahad ka ng limang paraan kung


paano pa maaaring itaas ang antas ng ating wika sa pamamagitan ng
telebisyon, radyo, diyaryo, at pelikula.
➢ _____________________________________________________________________________
➢ _____________________________________________________________________________
➢ _____________________________________________________________________________
➢ _____________________________________________________________________________
➢ _____________________________________________________________________________

Magaling! Labis mo talaga akong pinahanga, walang gawain sa modyul na ito ang
iyong sinukuan. Nakakabilib! Ngayon naman ay nais kong patunayan mong marami
kang natutunan mula sa araling ito. Alam kong sabik ka nang sagutan ang
sumusunod na pagsusulit, kaya, simulan mo na!

Pagtataya 3. May Pagpipilian

Panuto: Basahin at sagutin ang sumusunod na tanong. Piliin lamang ang titik ng
tamang sagot. Isulat ito sa iyong sagutang papel.

1. Nasa anong propesyon o larang nabibilang ang dough, oven, grease, knead,at rolling
pin?

A. edukasyon B. atleta C. baker D. media

2. Alin sa sumusunod ang mga termino na ginagamit sa pagtuturo ng mga guro?

A. . check-up, ward, x-ray, diagnosis, prognosis


B. lesson plan, test paper, essay
C. blueprint, design, scale, construction
D. food, beverage, server, menu, shelf life

3. Ang ring, coach, ball, backcourt, offensive foul, three pointer ay mga jargon ng..
A. Volleyball Player C. Basketball Player
B. Social Media D. Media

16
4. Alin sa sumusunod ang jargon ng social media?
A. blueprint, design, scale, construction
B. food, beverage, server, menu, shelf life
C. runway, photog, fashion, casting agency
D. post, Facebook, Instagram, comment, like, share

5. Ang account, balance, debit, credit, cash flow ay jargon ng..

A. Accountant B. Teacher C. Lawyer D. Chef

6-8. Samakatuwid, susi ang wikang _____________ sa politika ng batas, sa


pagpapalaganap ng _____________, at pagsugpo sa krimen na lumalaganap sa
administrasyon ng batas at ______________.
A. Filipino, katarungan, politika
B. pambansa, kaayusan, bayan
C. iiral, katahimikan, pamahalaan
D. panturo, karunungan, kapwa

9-10. Batay sa mga nailatag na sitwasyong pangwika sa iba’t ibang larang, maliwanag
na makikita ang kapangyarihan at lawak ng paggamit ng wikang _____________, ang
itinuturing na wika ng ____________ sa kasalukuyang panahon.
A. opisyal, indibidwal
B. banyaga, sangkatauhan
C. Ingles, lahat
D. Filipino, masa

11. Bakit sinasabing “Ang kalayaan ng bansa at ang wikang pambansa ay


magkapatid”?

A. sapagkat mas nagagamit ng isang bayan ang wika kung may kalayaan ito
B. sapagkat mas nagkakaroon ng kalayaan ang mga tao na magpahayag kung
ang lahat ay may pagkakaisa
C. sapagkat kung ang isang bansa ay malaya, may kalayaan din itong gumamit
ng wika
D. sapagkat wala nang mas sasarap pa sa pakiramdam na may kalayaan ang
tao na magpahayag at gamitin ang wika

12-13. ___________ ang lengguwahe sa pandaigdigang ugnayan sa negosyo at


industriya. Ito rin ang lengguwahe sa cyberspace. Ingles din ang wikang ginagamit
ng mga mangangalakal sa pakikipag-ugnayan sa mga ________________ at
malalaking negosyante.

A. Ingles, banyaga C. Filipino, tao


B. Banyaga, dayuhan D. Bilingguwal, maliliit

14-15. Walang makatutulong sa Pilipino kundi ang kapwa rin ________________ at


mangyayari iyan kung magkakaisa tayong iwaksi ang kaisipang __________________,

17
makipag-ugnayan sa isa’t isa, magtulungan, magtalastasan gamit ang wikang
nauunawaan ng lahat ng mga Pilipino.
A. mamamayan, maka-dayuhan C. tao, walang patutunguhan
B. Pilipino, kolonyal D. sarili, hindi kakayanin

Lubos-lubos ang aking kasiyahan sa iyong nakamit na tagumpay. Sobra mo


akong pinahanga, kaya naman minsan pa ay tanggapin mo ang aking pagbati!
Alam kong malayo na ang iyong narating at natuklasan, at naniniwala akong patuloy
mong magagamit ang iyong mga natutunan mula sa mga modyul na iyong pinag-aralan.
Ngayon, bilang bahagi ng pagtatapos, nais kong minsan pa ay ipakita mo ang iyong
kahusayan sa pagbuo o pagsasagawa ng ibinigay na gawain. Kayang-kaya mo ‘yan!

Gawain- Pagsulat ng Dyornal


Paano mailalarawan ang sitwasyon ng wikang Filipino sa iba’t ibang larangan sa
kasalukuyang panahon? Sa paanong paraan ka makatutulong upang higit na
mapaunlad o mapalaganap pa ito?

___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________

18
Sanggunian
Dayag, Alma M. (2016). Pinagyamang Pluma sa Komunikasyon sa Pananaliksik sa
Wika at Kulturang Pilipino. Quezon City. Phoenix Publishing House, Inc.
Victoria, Vasil A. (2020). Orgulyo- Sanayang Aklat sa Filipino SHS (Batay sa MELC
2020). Camarines Sur.
Alcaraz, Cid (2016) Komunikasyon at Pananaliksik para sa Senior High School.
Quezon City. Educational Resources Corporation

Marquez, Servillano T. (2017) Pintig Senior High School Komunikasyon at Pananaliksik


sa Wika at Kulturang Pilipino. Quezon city. Sibs Publishing House, Inc.

19
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Schools Division Office Navotas


Learning Resource Management Section

Bagumbayan Elementary School Compound


M, Naval St., Sipac Almacen, Navotas City

Telefax: 02-8332-77-64
Email Address: navotas.city@deped.gov.ph

You might also like