You are on page 1of 1

PAGSASANAY 3

Panuto: Isalin sa Wikang Filipino ang Tula ni Danielle Steele na “Arrived”.

Isaalang-alang ang mga bantas sa tula.

DUMATING

Ikaw ay dumating na
at ligtas
himalang kay tagal hinintay.
Puno ng kaligyahang
nakahimlay sa aking mga braso,
iyong mga matang nakatingin
sa akin
na para bang nagtatanong
kung bakit kay tagal mong
dumating dito,
at ako, ay tumawa
at kasabay na naiyak,
hinawakan ka ng mahigpit;
inilapit sa akin,
nais maramdaman
habang buhay mahal,
sa akin, sa atin,
matamis na regalo ng kagalakan…
ang prinsipe!
Ang tagapagmana!
Aming anak na lalaki!

Isinalin ni:
Gladys Joy M. Edang

You might also like