You are on page 1of 16

Panulaang Filipino

Kabanata 2

Kasaysayan ng Panulaang
Filipino- Panahon ng mga
Hapon

Panulaang Filipino 1|Pahina


Kabanata 2 Kasaysayan ng Panulaang Filipino
Kabanata 2.5
Kasaysayan ng Panulaang Filipino
Panahon ng mga Hapon
Panimula

Si Ildefonso P. Santos ay isang makata na isinilang sa bayan ng Malabon, sa


nayon ng Baritan noong ika-23 ng Enero, 1897. Kaisa-isang anak siya nina Andres
Santos at Atanacia Santiago.
Nahilig si Ildefonso sa pagsusulat ng mga tula dahil sa kanyang pinsang
si Leonardo Dianzon na isang makata na naglalathala sa babasahing Ang Mithi. Si
Dianzon ang nakatuklas kay Ildefonso nang mabasa niya ang tula ng pag-ibig na sinulat
ni Ildefonso. Si Iñigo Ed Regalado ay humanga rin kay Ildefonso. Doon na nagsimula
ang kanyang pagsulat ng mga tula. Ginamit niyang sagisag-panulat ang Ilaw Silangan.
Natapos si Ildefonso Santos ng kursong edukasyon. Nang simulang ipaturo ang
Pambansang Wika, siya ang kauna-unahang nagturo ng Pilipino sa National Teacher's
College. Nagturo rin siya sa Baguio Vocational Normal School. Hindi lamang siya
guro, siya ay mahusay na tagapagsaling-wika at makata.
Ang ilan sa kanyang mga tula na mababanggit ay Tatlong Inakay, Gabi, Ang
Guryon, Sa Tabi ng Dagat, Ulap at Mangingisda. May mga tanaga rin siyang naisulat
tulad ng Palay, Kabibi at Tag-init.

Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang matutunan ang mga


sumusunod:

1. Natutukoy ang mga tulang Filipino sa Panahon ng Hapon


2. Nakasusulat ng tanaga, tanka, at haiku.
3. Nakapagbibigay ng opinyon ukol sa kahalagahan ng tulaang Filipino sa Panahon
ng Hapon.

Bilang Oras at Haba ng Pagtalakay

Kabanata 2.5 Kasaysayan ng = 6 oras


Panulaang Filipino- (4 oras para sa talakayan;
Panahon ng mga Hapon 2 oras para sa mga
gawain at pagsasanay ng
kabanata

Panulaang Filipino 2|Pahina


Kabanata 2 Kasaysayan ng Panulaang Filipino
Talakayan

Mga Manunulat sa Panahon ng Hapon

Si Ildefonso P. Santos ay isang makata na isinilang


sa bayan ng Malabon, sa nayon ng Baritan noong ika-23
ng Enero, 1897. Kaisa-isang anak siya nina Andres Santos
at Atanacia Santiago.
Nahilig si Ildefonso sa pagsusulat ng mga tula dahil
sa kanyang pinsang si Leonardo Dianzon na isang makata
na naglalathala sa babasahing Ang Mithi. Si Dianzon ang
nakatuklas kay Ildefonso nang mabasa niya ang tula ng
pag-ibig na sinulat ni Ildefonso. Si Iñigo Ed Regalado ay
humanga rin kay Ildefonso. Doon na nagsimula ang
kanyang pagsulat ng mga tula. Ginamit niyang sagisag-panulat ang Ilaw Silangan.
Natapos si Ildefonso Santos ng kursong edukasyon. Nang simulang ipaturo ang
Pambansang Wika, siya ang kauna-unahang nagturo ng Pilipino sa National Teacher's
College. Nagturo rin siya sa Baguio Vocational Normal School. Hindi lamang siya
guro, siya ay mahusay na tagapagsaling-wika at makata.
Ang ilan sa kanyang mga tula na mababanggit ay Tatlong Inakay, Gabi, Ang
Guryon, Sa Tabi ng Dagat, Ulap at Mangingisda. May mga tanaga rin siyang naisulat
tulad ng Palay, Kabibi at Tag-init.

Gonzalo K. Flores
Ang makatang Pilipino na nakilalang nag-haiku ay si Gonzalo K. Flores na
kilala rin bilang Severino Gerundio, isang avant-gardeng makata noong panahon ng
Hapon.

Panulaang Filipino 3|Pahina


Kabanata 2 Kasaysayan ng Panulaang Filipino
TANKA

Ang tanka ay isang anyo ng tulang liriko ng mga Hapones na kilala rin sa tawag
na “waka”. Maikli lamang ang awiting ito. Karaniwang kinakanta ang tanka sa saliw
ng musika. Tulad ng sinaunang anyo ng panitikang Filipino, nasa anyo ito ng salimbibig
o oral at nailimbag na rin nang kalaunan dahil sa pagkakaroon ng teknolohiya sa
paglilimbag.
Madalas na paksain ng tanka ang kagandahan at paglalaho ng kalikasan, pag-
ibig, pagkasawi at mga ugnayan ng mga tao.

Mga Katangian ng Tanka:


1. Ang tanka ay may 31 pantig
2. Hindi nangangailangan ng tugma.
3. Kadalasang nasusulat ito sa paraang tuloy-tuloy at walang bantas ang linya.
4. May limang linya ang tanka na naglalaman ng tiyak na pantig sa bawat isa:
limang pantig sa unang linya, pitong pantig para sa ikalawang linya, limang
pantig para sa ikatlong linya, at tigpito sa huling dalawang linya (5-7-5-7-7).
5. Kongkretong imahen ang pundasyon ng paggawa ng tanka na may direktang
pagpapahayag ng emosyon o damdamin

Panulaang Filipino 4|Pahina


Kabanata 2 Kasaysayan ng Panulaang Filipino
6. Nakapagbibigay ito ng talab sa mambabasa sa pamamagitan ng direktang
paglalahad ng mensahe.
7. Ang tanka ay naglalarawan ng iba-ibang emosyon na maaaring gawing isang
libangan para maipahayag ang saloobin sa mga minamahal.

Mga halimbawa ng Tanka (5-7-5-7-7)


PAGBABAGO
Ngayon ay tama
Dating nasa masama
Dulot ay saya
Pagbabagong ginawa
Ito ay para sayo
PAGSISISI
Nagmamadali
Mga paa ay natinik
Sugat kay lalim
Tunay ngang di sasara
Pagsisisi’y huli na
ANG BINHI
May isang binhi
Na nabaon sa lupa
Ay mag-uugat
Sa pagsapit ng gabi
Bukas mamumulaklak
PAG-IBIG
Tinanggap kita
Nang buong puso, sinta
May kulang pa ba?
Kulang pa ba ako o
Di ako kailangan mo

Panulaang Filipino 5|Pahina


Kabanata 2 Kasaysayan ng Panulaang Filipino
TANAGA
Ang TANAGA ay isang uri ng tula na may apat na taludtod, binubuo ng pitong
pantig sa bawat taludtod at naglalaman ng isang diwa ng makata
Ang tanaga naman ay isang anyo ng tula na lubhang mataas ang uri at binubuo
ng isang matayog na guniguni at marangal na kaisipan.
Binubuo ng pitong pantig (walang antalang bugso ng tinig na pasulat na bawat
pantig ay laging may isang patinig) sa bawat taludturan, may tugma (pagkakatulad ng
tunog sa huling pantig ng huling salita sa bawat taludtod), at puno ng talinghaga.Mga
halimbawa ng Tanaga (7-7-7-7)
KABIBI
ni Ildefonso Santos
Kabibi, ano ka ba?
May perlas, maganda ka;
Kung idiit sa taynga,
Nagbubuntung hininga!

BULAKLAK SA KASAL
Makulay ang ramilyete,
Tangan-tangan ng babae.
Sa kasal ay importante,
Daig pa ang diyamante.

KAWAYAN
Naaayon sa kuwento,
Nilalang ay galing dito,
Walang pinto, puro kwarto,
Doble sarado-kandado
.
BAYAN
'Pag palasyo'y pinasok
Ng buwayang niluklok
Sistema'y mabubulok
Baya'y maghihimutok.

KALIKASAN
Sa tikatik na ambon
Umaawit ang dahon,
Sumisilong ang ibon,
Sumasayaw ang alon.
SIPAG
Magsikhay ng mabuti
Sa araw man o gabi
Hindi mamumulubi
Magbubuhay na hari.

Panulaang Filipino 6|Pahina


Kabanata 2 Kasaysayan ng Panulaang Filipino
TUNAY NA YAMAN
Ako ay Filipino
Kulay tanso ng mundo
Ngunit tunay kong ginto
Nasa aking sentido.

TAG-INIT
ni Ildefonso Santos
Alipatong lumapag
Sa lupa nagkabitak,
Sa kahoy nalugayak,
Sa puso naglagablab!

ISIP-KOLONYAL
Ang anyo mo ay sipi,
Nalimot na ang lahi.
Sa dayuha'y natali,
Sarili'y inaglahi.

NILILIYAG
Ang kanyang tinging titig,
Sa sintang iniibig,
Ay luksong malalagkit,
May alab din ng init.

KULTURA
Angkinin natin ito
Yamang gaya ng ginto
Nakawi'y imposible
Iba 'pag kultura e

PAG-IBIG
Balagtas ay sumulat
Hahamakin ang lahat
Masunod ka lamang at
'to'y Pag-ibig na tapat

KAMOTE
Itinanim na binhi,
Lumaki at ngumiti,
Nang hukayi't tagbisi,
Kasinlaki ng binti.

Panulaang Filipino 7|Pahina


Kabanata 2 Kasaysayan ng Panulaang Filipino
ASO
Mataas sa pag-upo,
Mababa 'pag tumayo.
Kaibigan kong ginto,
Karamay at kalaro.

MAKOPA
Kampanilya ni Kaka,
Kulay rosas ang mukha.
Piping tunog ang ngawa,
Makatas 'pag nginuya.

PUSA
Matanda na ang nuno,
Hindi pa naliligo.
Sa tubig nagtatago,
Tinik ang sinusuyo.

SANDOK
Tangkay itong kakaiba,
Ang dahon ay nag-iisa.
Walang ugat, walang sanga,
Kasa-kasama ni Ina.

MAKAHIYA
Nahihiya ang dalaga,
Mukha'y ayaw ipakita.
Nagtatago sa balana,
Sa hipo ay umaalma.

HAPUNAN
Iniluto sa tahuri
Ang isdang napakalaki
Inihain isang gabi
Kasabay ng kanin pati.

KASUY
Amoy nito ay mabango,
Kung mamasda'y malilito,
Ang nakalabas ay buto,
Na para bang nagtatampo

Panulaang Filipino 8|Pahina


Kabanata 2 Kasaysayan ng Panulaang Filipino
PANANAMPALATAYA
Ang taong bukas-pala
Ay madaling umunlad
Kamay ay nakalahad
Sa biyaya N'yang gawad.

NAGBIBIGAY- ARAL
Mag-ipon sa'yong gusi
Nang ika'y may mahasi.
Pagdating ng tagbisi*
ay 'di ka magsisisi.

IKAW LANG
Dasal ko sa Bathala
Sana’y makapiling ka
Sa luha ko at dusa
Ikaw ang aking sigla.

PASLIT
Maraming mga bagay,
Na sadyang lumalatay,
Isip ko’y walang malay,
Sa hiwaga ng buhay?

ULAN
Nabilanggo sa ulap,
ang tubig ay lumayas
mulang kulungang bulak
ng langit. Nagsitakas!

DAGAT
Sa bughaw nitong pusod,
naroon ang nalunod
na alaala. Sugod
sa lalim ng paglimot!

BUWAN
Mata ng gabi, bakit
mo pa ba sinisilip
kaming nananaginip?
Di ka ba nangangawit?

Panulaang Filipino 9|Pahina


Kabanata 2 Kasaysayan ng Panulaang Filipino
SULYAP
Patunay ng pagtingin
ang iyong tingin: Bangin
ang matang mapang-angkin.
Mahulog nang palihim.

BULONG
Malumanay ang tawid
ng salitang sinambit
sa tenga. Iyong bibig:
bukal ng aking kilig.

ALAALA
Umaalon sa isip,
kahapong iniihip
ng simoy ng pagkapit.
Sakit, nanunumbalik.

GAYUMA
Tahak ng tingin, tulak
ng sulyap, yakap, lapat
ng titig sa balikat,
hatak pa, kindat, hatak.

DALISAY
Pinong puso, sa isip
nagkikimkim: Ang nais
ay dungis. Hindi linis,
kundi putik sa kinis!

UNANG HALIK
Lumanay ng talulot:
Bukadkad ang pag-irog
na marahang humagod
sa labing di malimot.

PUSOK
Kumpas ng kilig, kabig
ng bibig ang manalig,
ligalig. Sa gilagid,
ang dila, kumakahig

Panulaang Filipino 10 | P a h i n a
Kabanata 2 Kasaysayan ng Panulaang Filipino
KAIBIGAN
ni Emelita Perez Baes
Ang katoto kapag tunay
hindi ngiti ang pang-alay
kundi isang katapatan
ng mataus na pagdamay.

PALAY
ni Ildefonso Santos
Palay siyang matino,
Nang humangi’y yumuko;
Nguni’t muling tumayo
Nagkabunga ng ginto
SANGGOL
ni Emelita Perez Baes
Pag ang sanggol ay ngumiti
nawawala ang pighati,
pag kalong mo’y sumisidhi
ang pangarap na punyagi.

Panulaang Filipino 11 | P a h i n a
Kabanata 2 Kasaysayan ng Panulaang Filipino
HAIKU
Ang haiku ay tulang binubuo ng labinpitong pantig, na may tatlong taludturan;
na ang unang taludtod ay may limang pantig, sa ikalawa ay may pitong pantig, at ang
ikatlong taludtod ay may limang pantig. Ito’y nagtataglay ng talinghaga.

HINDI BULAG
Ang puso’t dibdib
Malagkit kung tumitig
Kung umiibig

TAMEME
Lipad sa ulap
Na sa wari’y kaysarap,
Kapag kaharap.

MOVING ON
Luhang natuyo
Ng sinaktang pagsuyo,
Kusang naglaho.

HANGGANG
Madaling-araw,
Gising kang tinatanaw,
Hanggang pumanaw.

KAHIT GISING
Panaginip ka
Kahit na sa umaga,
Ika’y ligaya.

MAG-INGAT
ni: Haiku Melendez
Maging mautak
Sa daang tinatahak,
Tingnan ang lubak.

‘Pagkat marami
Itong nagkukunwari,
Tila mabuti.

Ngunit ang tunay


Ay masama ang kulay,
Linta at anay.

Panulaang Filipino 12 | P a h i n a
Kabanata 2 Kasaysayan ng Panulaang Filipino
Sisirain ka,
Saka sisipsipin pa,
Lakas at sigla!

Kaya’t mag-ingat,
Dapat ay laging mulat,
Huwag lumingat!

Paglilinaw: Ang mga impormasyong nakalap sa pagbuo ng modyul na ito ay


karapatang-ari ng mga nabanggit na may-akda sa sanggunian. Ang guro at institusyon
ay hindi umaangkin ng anumang pag-aari sa naimprentang modyul.

Panulaang Filipino 13 | P a h i n a
Kabanata 2 Kasaysayan ng Panulaang Filipino
Gawain

Pangalan: _____________________________________________ Petsa: ___________


Kurso at Taon: _________________________ Marka: ______________________

Pamantayan Deskripsyon Puntos


0 0.25 0.50 0.75 1
Nilalaman Nailahad ang mga impormasyong
magpapatunay at kasagutan sa
tanong at/o kahingian.
Organisasyon Naipapakita ang maayos an
ugnayan, kaisahan ng diwa at
kaayusang lohika at gramatika ng
mga pangungusap

Panulaang Filipino 14 | P a h i n a
Kabanata 2 Kasaysayan ng Panulaang Filipino
Pagtataya

Pangalan: _____________________________________________ Petsa: ___________


Kurso at Taon: _________________________ Marka: ______________________

Panulaang Filipino 15 | P a h i n a
Kabanata 2 Kasaysayan ng Panulaang Filipino
Learner’s Feedback Form
Name of Student: ___________________________________________________
Program : ___________________________________________________
Year Level : ___________ Section : ___________
Faculty : ___________________________________________________
Schedule : ___________________________________________________

Learning Module : Number: _________ Title : ______________________

How do you feel about the topic or concept presented?


□ I completely get it. □ I’m struggling.
□ I’ve almost got it. □ I’m lost.

In what particular portion of this learning packet, you feel that you are struggling or lost?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

Did you raise your concern to you instructor? □ Yes □ No

If Yes, what did he/she do to help you?


___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

If No, state your reason?


___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

To further improve this learning packet, what part do you think should be enhanced?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

How do you want it to be enhanced?


___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

NOTE: This is an essential part of course module. This must be submitted to the subject
teacher (within the 1st week of the class).

Panulaang Filipino 16 | P a h i n a
Kabanata 2 Kasaysayan ng Panulaang Filipino

You might also like