You are on page 1of 26

9

Filipino 9
Activity Sheet
Quarter 2
MELC 1-5

REGION VI – WESTERN VISAYAS

i
Learning Activity Sheets Blg. 1

Pangalan ng Mag-aaral:
Grado at Pangkat:
Petsa:

GAWAING PAMPAGKATUTO SA (PAMAGAT NG ARALIN AT GRADO)

Pagsusuri sa Tono ng Pagbigkas ng Tulang Tanka at Haiku

I. KASANAYANG PAMPAKATUTO AT KODA

Nasusuri ang tono ng pagbigkas ng napakinggan tanka at haiku.


(F9-PN-IIa-b-45)

II. PANIMULA

May Ibat-ibang Tono ng Tula


Ito ang nagpapakita ng emosyon o damdamin ng persona sa tula. Maaring
maging tono ay galit, pagkasuklam, kasiyahan, panunuligsa, sarkastiko
sentimental nagpapatawa at iba pa.
Malaking salik sa tono ang diksyon o ang pagpili ng mga salita.
Makakatulong din sa paglikha ng tono ang pagpili ng larawan, talinghaga, at
pananaw sa paksa.

Pagkilala sa tono ng Tula


 Sino ang persona
 Sino ang kausap ng persona? Ilarawan ang kanyang pisikal na katayuan
 Ano ang pokus ng persona ba sa katawan ng kausap
 Kailan at saan nagaganap ang pangyayari sa tula? Ano ang pahiwatig nito?
 Ano ang ginawa nila sa lunan? Ano ang pahiwatig nito? Ano ang
namamayaning pakiramdam.
 Pansinin ang huling apat na taludtod. Ano ang realisasyon ng persona
 Ano namayaning larawan sa huling bahagi?
 Nagbago ba ang tono ng buong tula?
 Ang kahulugan ng Tanka at Haiku

1
Tanka- ay isang maikling awitin na puno ng damdamin nagpapahayag ng
emosyon o kaisipan karaniwang paksa o pagbabago, pag-iisa o pag-ibig.

Halimbawa:

Tanka Tanka
Katapusan ng Aking Paglalakbay Naghihintay Ako

Ni Oshikochi Mitsune Ni Prinsesa Nukada


Isinalin sa Filipino ni M.O Jocson Isinalin sa Filipino ni M. O. Jocson

Napakalayo pa nga Naghihintay Ako, oo


Wakas ng paglalakbay Nanabik ako sa’yo
Sa ilalim ng puno Pikit-mata nga ako
Gulo ang isip Gulo sa dampi
Nitong Taglagas

 Haiku- ay nagpapahayag din ng damdamin na ang paksa ay tungkol sa pag-


ibig at kalikasan.

Halimbawa:

Haiku Haiku
Tutubi Anyaya
Ni Gonzalo K. Flores Ni Gonzalo K. Flores

Hila mo’y tabak Ulilang damo


Ang bulaklak nanginig Sa tahimik na ilog
Sa paglapit mo Halika, sinta

III. MGA SANGGUNIAN

Peralta, Romulo N. et al (2014) Panitikang Ayano, Modyul ng Mag-aaral sa


Filipino 9, Unang Edisyon, Vibal Group, Inc.

Mga Sariling Katha


Mapa, Perly M. (2020), Unos ng Buhay, Hindi nailathalang Tula

2
Mapa, Perly M. (2020), Irog, Hindi nailathalang Tula
Mapa, Perly M. (2020), Hamog, Hindi nailathalang Tula
Mapa, Pely M. (2020) Kabiguan, Hindi nailathalang Tula

IV. MGA GAWAIN

Gawain 1

Panuto: Basahin at suriin ang bawat tanka at haiku sa Gawain 1 sa inyong aklat na
“ Panitikang Asyano 9” sa pahina 89. Pagkatapos surrin ayon sa paksa at
mensaheng nais ipabatid nito.

Gawain 2

Panuto: Basahin at suriin ang bawat tanka at haiku ayon sa tono at pagbigkas nito.
Piliin ang titik ng tamang sagot.

Tanka Haiku
Unos ng Buhay Hamog
Ni Perly M.Mapa Ni Perly M . Mapa

Mga bagyong dumating Munting patak ng butil


Di ko inaasahan Bigay ay buhay
Kapighatian Sa tuyong parang
Mga ilahil
Dalangin ay dinggin Mo.

Irog Kabiguan
Ni Perly M. Mapa Ni Perly M. Mapa

Tuwina’y pinapangarap Pusikit na karimlan


Kabiyak nitong puso Damdaming lumbay
Ika’y di pumayag Luha tumutulo
Buhay kay saklap

3
1. Sa tulang “Unos ng Buhay” Anong emosyon ang nangingibabaw dito?

a. kapighatian c. nasisiyahan

b. pag-asa d. nalulungkot

2. Sino ang kausap ng persona sa tulang Irog?

a. Kalikasan c. Sinisinta

b. Punongkahoy d. bulaklak

3. Sa tulang “Kabiguan” anong damdamin ang namayani sa huling taludtod?

a. Kasiyahan c. pag-ibig

b. Kalungkutan d. panibugho

4.Sa pahayag na: Tuwina’y pinangarap , kabiyak nitong puso” nagpapakita na ang
persona ay.
a. matiisin c. bolero

c. wagas ang pagmamahal d.walang pakialam sa minamahal

5. Anong paksa ang Tulang Irog.


a. kalikasan c. bayani
b.pag-ibig d. kagitingan

 Tandaan:

Dapat mahalagang malaman ang tamang pagbigkas ng tula upang


magkaroon ng kaalaman tungkol sa tamang pagbigkas sa ginamit na salita na
naaayon sa mga elemento ng tula.

4
V. REPLEKSIYON

Kung ikaw ang susulat ng ganitong uri ng tula , ano ang paksang nais
mong talakayin?Ipaliwanag.

VI. SUSI SA PAGWAWASTO

B 5.
B 4.
C 3.
C 2.
A 1.

5
Learning Activity Sheets Blg. 2

Pangalan ng Mag-aaral:
Grado at Pangkat:
Petsa:

GAWAING PAMPAGKATUTO SA FILIPINO 9


Pagsusuri sa Pagkakaiba at Pagkakatulad ng Estilo sa Pagkakabuo
ng Tanka At Haiku

I. KASANAYANG PAMPAKATUTO AT KODA

 Nasusuri ang pagkakaiba at pagkakatulad ng estilo sa pagkakabuo ng


tanka at haiku. (F9-PB-IIa-b-45)

II. PANIMULA

Ang Tanka at Haiku ay ilang anyo ng tula na pinahahalagahan ng panitikang


Hapon. Ginawa ang tanka noong ikawalong siglo at ang haiku noong ika-15 siglo.
Parehong anyo ng tula ang Tanka at Haiku ng mga Hapon.
Maiikling awitin ang tanka na binubuo ng tatlumpu’t isang pantig na may
limang taludtod. Karaniwang hati ng pantig sa mga taludtud ay :7-7-7-5-5- , 5-7-5-7-
7 o maaaring magkapalit-palit din na ang kabuuan ng pantig ay tatlumpu’t isang pantig
pa rin.
Samantala , ang Haiku mas pinaikli pa sa Tanka. May labimpitong bilang ang
pantig na may tatlong taludtod. Maaaring ang hati ng pantig sa mga taludtod ay: 5-7-
5 o maaaring magkapalit-palit din na ang kabuuan ng pantig ay labimpito pa rin.

Karaniwang paksa ng tanka ay pagbabago, pag-ibig, at pag-iisa. Ang paksang


ginamit nama sa haiku aybtungkol sa kalikasan at pag-ibig. Parehong nagpapahayag
ng masidhing damdamin ang tanka at haiku.

6
Narito ang mga halimbawa ng Tanka at Haiku na mula sa wikang Nihongo ay
isinalin sa Ingles at Filipino. Basahin at suriin.

TANKA NI KI no TOMONORI
Isinalin sa Filipino ni Vilma C. Ambat

HAPON INGLES FILIPINO


Hi-sa-ka-ta-no This perfectly still Payapa at tahimik
Hi-ka-ri-no-do-ke-ki Sring day bath in soft light Ang araw ng tagsibol
Ha-ru-no-hi-ri From the spread- out sky Maaliwalas
Shi-zu-ko-ko-ro-na-ku Why do the cherry Bakit ang cherry
Ha-na-no-chi-ru-ra-mo blossoms blossoms
So restlessly scatter Naging mabuway.
down?

HAIKU ni BASHO
Isinalin sa Filipino ni Vilma C. Ambat
HAPON INGLES FILIPINO
Ha-tsu-shi-gu-re An old silent pond … Matandang sapa
Sa-ru-mo-ko-mi-na-wo A frog jump into the pond, Ang palaka’’y tumalon
Ho-shi-ge-na-ri Splash ! Silence again. Lumalagaslas

III. MGA SANGGUNIAN

Peralta, Romulo N. et al (2014) Panitikang Ayano, Modyul ng Mag-aaral sa Filipino


9, Unang Edisyon, Vibal Group, Inc.

Mga Sariling Katha

Mapa, Perly M. (2020), Ngiti, Hindi nailathalang Tula


Mapa, Perly M. (2020), Manalig Ka, Hindi nailathalang Tula

7
IV. MGA GAWAIN

Gawain 1

Panuto: Sagutan ang Gawain 3, Gawain 4 at 5 sa inyong aklat na “Panitikang


Asyano 9” sa pahina 93-94.

Gawain 2
Panuto: Basahin Tanka at Haiku sa ibaba, isa-isahin ang pagkakaiba at
pagkakatulad ng mga ito batay sa kayarian . Kopyahin sa iyong sagutang
papel ang graphic organizer.

Haiku Tanka

Ngiti Manalig Ka
Ni Perly M. Mapa Ni Perly M. Mapa

Nakakaaliw Ikaw ba’y nabigatan


Na masilayan Sa iyong pinapasan
Sa mukha namumutawi Magtiwala Ka
Sa Diyos na dakila.

…………

. Graphic Organizer

TANKA
HAIKU

Pagkakatulad

Pagkakaiba

Bilang ng pantig

Bilang ng taludtod

8
Sukat ng bawat taludtod

Tema at paksa

Tandaan:
Ang tanka at haiku ay parehong nagpapahayag ng masidhing damdamin. Ang
karaniwang paksa ng Tanka ay pagbabago, pag-ibig, at pag-iisa. Ang paksang
ginagamit naman sa haiku ay tungkol sa kalikasan at pag-ibig.
Ang pagkakaiba ng Tanka at Haiku ay: ang tanka ay may limang taludtod na
may kabuoang 31 na pantig samantalang ang haiku ay may tatlong taludtod lamang
na may kabuoang 17 na pantig.

9
10
Tanka Haiku
Pagkakaiba ng Tanka at
Haiku
Bilang ng pantig 31 pantig 17 pantig
Bilang ng taludtod 5 taludtod 3 taludtod
Sukat ng bawat taludtod 7-7-7-5-5, 5-7-5-7-7 5-7-5 , 5-5-7
Tema at paksa Pagbabago, pag- Kalikasan, pag-
ibig, ibig
pagkakaisa
VI. SUSI SA PAGWAWASTO
Tanka at Haiku? Bakit?
Sa iyong palagay, mahalagang bang malaman ang pagkakaiba at pagkakatulad ng
V. REPLEKSIYON
Learning Activity Sheets Blg. 3

Pangalan ng Mag-aaral:
Grado at Pangkat:
Petsa:

GAWAING PAMPAGKATUTO SA FILIPINO 9

Pagbibigay- Kahulugan sa Matatalinghalagang


Salitang Ginagamit sa Tanka at Haiku

I. KASANAYANG PAMPAKATUTO AT KODA

Nabibigyang-kahulugan ang matatalinghagang salitang ginamit sa tanka at


haiku F9PT-IIa-b-45

II. PANIMULA

Ang matalinghagang pahayag ay ang mga ekspresyong may malalalim na salita


o may hindi tiyak na kahulugan. Sinasalamin nito ang kagandahan at
pagkamalikhain ng wikang Filipino.
Ang matalinghagang pagpapakahulugan naman ay pagbibigay ng pahiwatig na
kahulugan ng salita o pahayag.

Halimbawa: Ang ulan ay maaaring mangangahulugan ng pighati at biyaya.


Iba pang halimbawa:

Bahag ang buntot- duwag


Alimuom-tsismis, bulungan
Luha ng buwaya- hindi totoo ang pag-iyak
Kabungguang balikat-kaibigan
Naniningalang pugad- nanliligaw

III. MGA SANGGUNIAN

• Peralta, Romulo N. et al (2014) Panitikang Asyano, Modyul ng Mag-aaral sa


Filipino, Unang Edisyon, Vibal Group, Inc.

Sariling Katha,
• Lopez, Hezel A.(2020). “Tadhana ang Bahala” Hindi nailathalang Tanka
• Lopez, Hezel A.(2020). “Pait” Hindi nailathalang Tanka

11
• Lopez, Hezel A.(2020). “Bulaklak” Hindi nailathalang Haiku
• Lopez, Hezel A.(2020). “Ibon” Hindi nailathalang Haiku
• Lopez, Hezel A.(2020). “Ulan” Hindi nailathalang Haiku

IV. MGA GAWAIN

Gawain 1:

Panuto:Basahin at unawain ang halimbawa ng haiku at tanka. Pagkatapos,


ibigay ang kahulugan ng matalinghagang salitang may salungguhit.

Gawain 2:
Panuto: Basahin ang sumusunod na tanka at haiku. Ibigay ang kahulugan ng
matalinghagang salitang ginamit. Isulat ang titik ng tamang sagot sa
sagutang papel.

Bulaklak

Pulang bulaklak
Sa’yo ay humahanga
Napakaganda

1. Ano ang ibig ipahiwatig ng pulang bulaklak?


a.
b. a. Makulay na bahagi ng halaman c. magandang binibini
c. b. Kabataan d. magandang hardin

Pait

Buhay ay ibinuwis
Upang mamasdan
Makulay na daigdig
Ngunit anong kapalit?
Dulot mo’y pait

2. Ano ang ipinapahiwatig ng salitang pait sa tanka?

a. problema c.pakla
b. pighati d. hadlang

12
Ulan
Hinihintay ka
Pagpatak mo’y biyaya
Ngayong tag-araw

3. Ano ang kahulugan ng may salungguhit?


a. May grasya ang patak ng ulan
b. Dulot nito’y paglago ng mga pananim
c. Ang ulan ay nakapagpaginhawa sa pakiramdam
d. Nagpapalamig ang ulan sa kapaligiran

Tadhana ang Bahala


Hampas ng alon
Ay nangngangalit
Nawasak na pagibig
Huwag nating ipilit
Tadhana ang bahala

4. Ano ang ibig ipahiwatig ng may salungguhit?


a.malaking pagsubok c. hampas ng alon
b. galit na mga alon d.gulo sa dalampasigan

Ibon
Taas ng lipad
Ibong walang katulad
Namamayagpag

5. Ano ang ibig ipahiwatig ng may salungguhit?


a. Pagsakay ng eroplano
b. Paglipad ng ibon sa himpapawid
c. Maraming iniisip
d. Malaking pangarap

V. REPLEKSIYON

Bilang mag-aaral, mahalaga ba para sa iyo ang paksang-araling ito? Bakit?


___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
________________________________________.

13
VI. SUSI SA PAGWAWASTO

GAWAIN 1 1. C
1. C 2.B
2. B 3.B
3. D
4.A

5. D

GAWAIN 2

14
Learning Activity Sheets Blg. 4

Pangalan ng Mag-aaral:

Grado at Pangkat:

Petsa:

GAWAING PAMPAGKATUTO SA FILIPINO 9

PAGSULAT NG PAYAK NA TANKA AT HAIKU SA TAMANG ANYO


AT SUKAT

I. KASANAYANG PAMPAKATUTO AT KODA

Naisusulat ang payak na tanka at haiku sa tamang anyo at sukat. F9PU-IIa-


b-47

II. PANIMULA
TANKA AT HAIKU
Parehong anyo ng tula ang tanka at haiku ng mga Hapon. Ang Tanka ay
maikling awitin na binubuo ng tatlumpu’t isang pantig na may limang taludtod.
Karaniwang hati ng pantig sa mga taludtod ay : 7-7-7-5-5 o 5-7-5-7-7 o maaaring
magkapalitpalit din na ang kabuuan ay tatlumpo’t isang pantig pa rin. Karaniwang
paksa ng Tanka ay pagbabago, pag-ibig, at pag-iisa.
Halimbawa:
Payapa at tahimik
Ang araw ng tagsibol
Maaliwalas
Bakit ang cherry blossoms
Naging mabuway.
Kung papantigin

15
Bilang ng pantig
Pa-ya-pa at ta-hi-mik 7
Ang –a-raw ng tag-si bol 7
Ma-a-li-wa-las 5
Ba-kit ang che-rry-blo-soms 7
Na-ging ma-bu-way 5
Kabuuang bilang ng pantig ay 31

Ang Haiku ay mas pinaikli pa sa tanka. May labimpitong bilang ng pantig


na may tatlong taludtod. Maaaring ang hati ng pantig sa mga taludtod ay: 5-7-5 o
maaaring magkapalit-palit din na ang kabuuan ng pantig ay labimpito pa rin. Ang
paksang ginagamit sa haiku ay tungkol sa kalikasan at pag-ibig. Parehong
nagpapahayag ng masidhing damdamin ang tanka at haiku.
Halimbawa
Matandang sapa
Ang palaka’y tumalon
Lumalagaslas.
Kung papantigin

Haiku Bilang ng pantig


Ma-tan-dang sa-pa 5
Ang pa-la-ka’y tu ma lon 7
Lu-ma-la-gas-las 5
Kabuuang bilang ng pantig ay 17

III. MGA SANGGUNIAN

A. Aklat at Iba Pang Sanggunian

Peralta, Romulo N. et al (2014) Panitikang Ayano, Modyul ng Mag-aaral sa


Filipino 9, Unang Edisyon, Vibal Group, Inc.

16
IV. MGA GAWAIN
Gawain I

Panuto: Basahin ang sumusunod na tula . Pagkatapos sagutin ang kasunod na


tanong sa pamamagitan ng pagpili ng letra ng tamang sagot.

Para sa tanong 1-3

Katapusan ng Aking
Paglalakbay
Isinalin sa Filipino ni: M.O.
Jocson

Napakalayo pa nga
Wakas ng paglalakbay
Sa ilalim ng puno
Tag-init noon
Gulo ng isip.

1. Ilang taludtod mayroon ang tula?


a. 8 b. 1 c. 4 d. 5

2. Ang sukat ng tula ay


a. 7-5-7-7 -5 b.7-7-5-7 -5 c. 7-7-7-5 -5 d. 7-5-7-5-7

3. Ilan ang kabuuang bilang ng pantig ng tula?


a. 28 b. 31 c. 17 d. 24

Para sa tanong 4-5


Anyaya
Ni Gonzalo K. Flores

Ulilang damo
Sa tahimik na ilog
Halika, sinta

4. Ang paksa ng tula ay tungkol sa


a. pag-ibig b. pag-iisa c. kalikasan d. pulitika

17
5. Sa unang taludtod ang bilang ng pantig ay
a.12 b. 8 c. 5 d. 17

Gawain 2

A. Panuto: Punan ng tamang salita ang patlang basi sa ginulong letra sa tapat
nito. Tiyakin na ito ay nasa tamang sukat batay sa bilang ng pantig upang
mabuo ang isang tanka. Kopyahin sa papel ang buong tula.

Naghihintay ako, oo.


_______ ako sa iyo, ianbkan
Pikit- mata nga ako
Gulo sa _______ paimd
Nitong ________ gaglt as

B. Panuto: Ayusin at pagdugtungin ang mga ginulong salita sa loob ng kahon


upang maisulat ang haiku ni Basho. Sundin ang tamang panuntunan sa
pagsulat nito.

Pagtanda lumilipad Ngayon ‘Di Ibong taglagas mapigil

Isagawa

Pagsulat ng sariling payak na Tanka o Haiku

Ngayon ipakita mo ang iyong husay sa pagsulat ng tanka at haiku. Pumili ka


kung ang iyong nais isulat ay tanka O haiku. Gawing gabay ang bilang ng pantig at
taludtod ng tanka at haiku na iyong napag- aralan. Gawing batayan ang Rubrik sa
kasunod na pahina.

18
Pamantayan sa Pagbibigay Puntos (Rubrik)

Pamantayan 15 10 5
PAGKAKABUO Angkop ang May ilang taludtod na Hindi nasunod ang
sukat at hindi wasto ang sukat. tamang sukat ng tula.
wasto ang May ilang salitang Walang kaugnayan ang
mga salitang ginamit na hindi mga salitang ginamit.
ginamit sa angkop at wasto
tula.
NILALAMAN Mabisang Hindi gaanong Hindi naipahayag nang
naipahayag naipahayag nang mabisa ang mensahe at
ang mabisa ang mensahe paksa ng tula.
mensahe at at paksa ng tula
paksa ng
tula

V. REPLEKSIYON

Bilang isang mag-aaral, bakit mahalagang malaman ang iba’t ibang istilo at
anyo sa pagsulat ng tula bilang bahagi ng ating panitikan?
___________________________________________________________________

___________________________________________________________

___________________________________________________________________

___________________________________________________________________

19
20
Gawain 1
1. d
2. c
3. b
4. a
5. c
Gawain 2
A.
Naghihintay ako, oo
Nanabik ako sa ‘yo,
Pikit- mata nga ako
Guol sa dampi
Nitong taglagas.
B.
Pagyamanain
Ngayong taglagas
‘Di mapigil pagtanda
Ibong lumilipad.
VI. SUSI SA PAGWAWASTO
Learning Activity Sheets Blg. 5
Pangalan ng Mag-aaral:
Grado at Pangkat:
Petsa:

GAWAING PAMPAGKATUTO SA FILIPINO 9

PAGGAMIT NG SUPRASEGMENTAL NA ANTALA/HINTO DIIN,


AT TONO SA PAGBIGKAS NG TANKA AT HAIKU

I. KASANAYANG PAMPAKATUTO AT KODA

Nagagamit ang suprasegmental na antala/hinto, diin at tono sa


pagbigkas ng tanka at haiku. ( F9WG-IIa-b-47)

II. PANIMULA

PONEMANG SUPRASEGMENTAL

Ito ay makahulugang tunog. Sa paggamit ng suprasegmental, malinaw na


naipahahayag ang damdamin, saloobin, at kaisipang nais ipahayag ng nagsasalita.
Sa pakikipagpagtalastasan, matutukoy natin ang kahulugan, layunin o intensyon ng
pahayag o ng nagsasalita sa pamamagitan ng diin, tono o intonasyon, at antala o hinto
s pagbibigkas at pagsasalita.
1. Diin – Ang lakas, bigat, o bahagyang pagtaas ng tinig sa pagbigkas ng isang
pantig sa sa salita. Ang diin ay isang ponema sapagkat sa mga salitang may
iisang tunog o baybay, ang pagbabago ng diin ay nakapagpapabago ng
kahulugan nito.
Maaring gamitin sa pagkilala ng pantig na may diin ang malaking titik
Mga halimbawa:
a. BU:hay = kapalaran ng tao
bu:HAY = humihinga pa
b. LA:mang = natatangi
la:MANG = nakahihigit; nangunguna

21
2. Tono / Intonasyon - Ang pagtaas at pagbaba ng tinig na maaring
makapagpasigla, makapagpahayag ng iba’t ibang damdamin, makapagbigay-
kahulugan, at makapagpahina ng usapan upang higit na maging mabisa an
gating pakikipag-usap a kapwa.
Nagpalilinaw ito ng mensahe o intensyong nais ipabatid sa kausap tulad ng
pag-awit. Sa pagsasalita ay may mahaba, katamtaman, at mataas na tono.
Maaring gamitin ang bilang 1 sa mahaba, bilang 2 sa katamtaman, at bilang 3
sa mataas.

Mga halimbawa:
a. Kahapon = 213, pag-aalinlangan
Kahapon = 231, pagpapatibay, pagpapahayag
b. Talaga = 213, pag-aalinlangan
Talaga = 231, pagpapatibay, pagpapahayag

3. Anatala/ Hinto- bahagyang pagtigil sa pagsasalita upang higit na maging


malinaw ang mensaheng ibig ipahatid sa kausap. Maaring gumamit ng simbolo
kuwit ( , ), dalawalang guhit na pahilis ( // ), o gitling ( - ).

Mga halimbawa:
a. Hindi/ ako si Joshua.
( Pagbigkas ito na ang hinto ay pagkatapos ng HINDI. Nagbibigay ito ng
kahulugan na ang nagsasalita ay nagsasabing siya si Joshua na maaring siya’y
napagkamalan lamang na si Arvyl.)

b. Hindi ako, si Joshua.


( Pagbigkas ito na ang hinto ay nasa AKO. Pagpapahiwatig ito na ang kausap
ay maaring napagbintangan ng isang bagay na hindi ginawa. Kaya sinasabi
niyang hindi siya ang gumawa kundi Joshua.)

c. Hindi ako si Joshua.


( Pagbigkas ito na nasa hulihan ang hinto. Nagpapahayag ito na ang
nagsasalita ay nagsasabing hindi siya si Joshua.)

III. MGA SANGGUNIAN

• Peralta, Romulo N. et al (2014) Panitikang Asyano ( Modyul ng Mag-aaral sa Filipino


9, pp. 98-101 Unang edisyon, Vibal Group, Inc.
• Mga Sariling Katha
Mapa, Perly M. (2020) Ina, Hihdi nailathalng Tula
Mapa, Perly M. (2020) Hangin. Hindi nailathalang Tula
Mapa, Perly M. (2020) Tubig. Hindi nailathalang Tula
Mapa, Perly M. (2020) Ama. Hindi nailathalang Tula
22
IV. MGA GAWAIN

Ngayong nalaman mo na ang kahalagahan ng mga ponemang suprasegmental, sagutin ang


mga pagsasanay upang mas lalong maging bihasa sa paggamit nito.

Pagsasanay 1:
Panuto: Isulat ang kahulugan ng mga pares ng salita na pareho ang baybay subalit magkaiba
ang bigkas.

1. / BA:sa/ - _____________________

/ba:SA/ - _____________________

2. /BU:hay/ - ____________________

/bu:HAY/ - ___________________

3. /TU:bo/ - _______________________

/tu:bo/ - _______________________

4. /ha:PON/ - _______________________

/HA:pon/ - _______________________

5. /BU:kas/ - ______________________

/bu:KAS/- _______________________

23
Pagsasanay 2:

Panuto: Basahin ang mga tanka at haiku sa ibaba. Gamit ang mga ponemang
suprasegmental, bigkasin ito ng malakas.

Tanka
TUBIG
Haiku
Pamatid uhaw
HANGIN
may iba’t ibang kulay
Nagbibigay ng buhay
tuyong lalamunan
ngunit kumitil
taglay na lakas ay matitighaw

INA sakit ay naiibsan

Nagbata at naghirap AMA

di matumbasan Naghanapbuhay

anumang yaman dugo at pawis


nang upang may ihain
sa mga minamahal
nagpagal sa tungkulin

Batayan sa Pagbibigay ng Iskor sa Rubrik

Rubriks sa Pagbigkas ng Tula


Kabuoan ng pagbigkas ng tula 5 puntos
Kaakmaan ng boses sa pagbigkas ng tula 5 puntos
Wastong tono, intonasyon at pagbigkas 5 puntos
15 puntos

Tandaan

Sa paggamit ng suprasegmental, malinaw na naipahahayag ang


damdamin, saloobin, at kaisipang nais ipahayag ng nagsasalita. Sa
pakikipagpagtalastasan, matutukoy natin ang kahulugan, layunin o intensyon
ng pahayag o ng nagsasalita sa pamamagitan ng diin, tono o intonasyon, at
antala o hinto s pagbibigkas at pagsasalita.

24
V. REPLEKSIYON

Paano nakakatulong ang paggamit ng Ponemang Suprasegmenta sa pagbigkas


tula?
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________.

VI. SUSI SA PAGWAWASTO

Nakabukas ang pinto (open)


Kinabukasan (tomorrow) 5.
Afternoon
Japanese 4.
Interes
Daluyan ng tubig 3.
Humihinga pa
Kapalaran ng tao 2.
Magbasa 1.
Pagsasanay 1:

25

You might also like