Professional Documents
Culture Documents
PATINIG (P) – A, E, I, O, U
KATINIG (K) – B, C, D, F, G, H, J, K, L,
M, N, P, Q, R, S, T, V, W, X, W, Z, NG
Mga Tuntunin sa Pagpapantig ng mga Salita
1. Kapag may magkasunod na katinig
(consonant) sa loob ng isang salita, ang una
ay isinasama sa sinundang patinig (vowel) at
ang ikalawa ay isinasama sa kasunod na
pantig.
Mga Halimbawa:
pansit = pan●sit tambol = tam●bol
espesyal = es●pes●yal pulbos = pul●bos
dakma = dak●ma
Kapag may dalawang magkaibang katinig na
magkasunod sa loob ng isang salita, maging
katutubo o hiram man, ang una ay kasama sa
patinig na sinusundan, at ang pangalawa ay sa
patinig na kasunod.
Halimbawa
Buksan=buk-san
Sobre=sob-re
Pinto=pin-to
Kopya=kop-ya
2. Kapag may tatlong magkakasunod na katinig
sa loob ng isang salita, ang unang dalawa ay
sumasama sa sinundang patinig at ang ikatlo ay
napupunta sa kasunod na pantig.
Mga Halimbawa:
inspirasyon = ins●pi●ras●yon
eksperto = eks●per●to
engkanto = eng●kan●to
transfer = trans●fer
Kapag may tatlo o higit pang magkakaibang
katinig na magkakasunod sa loob ng isang
salita, ang unang dalawa ay kasama sa patinig
na sinusundan at ang huli ay sa patinig na
kasunod.
Halimbawa
Eksperimento=eks-pe-ri-men-to
Transkripsyon=trans-krip-syon
3.Kapag may magkasunod na dalawa o higit
pang patinig sa posisyong inisyal, at final na
salita, ito ay hiwalay ng mga patinig.
Halimbawa
Aalis=a-a-lis
Maaga=ma-a-ga
Totoo=to-to-o
4. Kapag ang una sa tatlong magkakasunod na
katinig ay m o n at ang kasunod na dalawa ay
alinman sa bl, br, pl, tr , ang unang katinig (m o
n) sa sinundang patinig ay kasama at ang huling
dalawa ay sa susunod na patinig .
Halimbawa
Asembleya=a-sem-ble-ya
Alambre=a-lam-bre
Balandra=ba-lan-dra
MGA KAYARIAN NG PANTIG
TAYUTAY
1. PAGTUTULAD (SIMILE)
2. PAGWAWANGIS (METAPHOR)
3. PAGSASATAO (PERSONIFICATION)
4. PAGMAMALABIS O EKSAHERASYON
(HYPERBOLE)
5. PAG-UYAM (SARCASM)
6. PAGTAWAG (APOSTROPHE)
7. PAGHIHIMIG (ONOMATOPOEIA)
Ponemang
Suprasegmental
Ponemang Suprasegmental
✔ Ito ay makahulugang tunog. Sa paggamit
ng suprasegmental, malinaw na
naipapahayag ang damdamin, saloobin, at
kaisipang nais ipahayag ng nagsasalita.
Ponemang Suprasegmental
✔ Sa pakikipagtalastasan, matutukoy natin ang
kahulugan, layunin o intensyon ng pahayag o ng
nagsasalita sa pamamagitan ng diin, tono o
intonasyon at antala o hinto sa pagbigkas at
pagsasalita.
Diin
✔ Ang lakas, bigat, o bahagyang pagtaas ng tinig sa
pagbigkas ng isang pantig sa salita. Ang diin ay
isang ponema sapagkat sa mga salitang may
iisang tunog o baybay, ang pagbabago ng diin ay
nakapagpapabago ng kahulugan nito.
✔ Maaaring gamitin sa pagkilala ng pantig na may
diin ang malaking titik.
Diin
Mga Halimbawa:
BU:hay = kapalaran ng tao
bu:HAY = humihinga pa
LA:mang = natatangi
la:MANG = nakakahigit; nangunguna
Tono/ Intonasyon
✔ Ang pagtaas at pagbaba ng tinig na maaaring
makapagpasigla, makapagpapahayag ng iba’t-
ibang damdamin, makapagbigay kahulugan, at
makapagpahina ng usapan upang higit na
maging mabisa ang ating pakikipag-usap sa
kapwa.
✔ Maaaring gamitin ang bilang 1 sa mababa, 2 sa
katamtaman at bilang 3 sa mataas.
Tono/ Intonasyon
Mga Halimbawa:
Kahapon = 213, pag-aalinlangan
Kahapon = 231, pagpapatibay, pagpapahayag
talaga = 213, pag-aalinlangan
talaga = 231, pagpapatibay, pagpapahayag.
Antala/ Hinto
Mga Halimbawa:
Hindi/ ako si Joshua.
Hindi ako, si Joshua.
Hindi ako si Joshua.
Tanka
Haiku
(Tanaga)
Ano ang Haiku?
❖ Isang tula na napabantog sa bansang Japan. Ito’y
walang tugma, binubuo ng tatlong taludtod na may