You are on page 1of 47

PONOLOHIYA

ANG PAGSASALITA

Tatlong (3) salik na kinakailangan upang


makapagsalita ang tao.
1. Pinanggagaling ng lakas o enerhiya.
2. Pumapalag ng bagay o artikulador.
3. Patunugan o resonador.
APAT NA BAHAGING
MAHALAGA SA PAGBIGKAS
NG MGA TUNOG.
1. Dila at panga (sa ibaba)
2. Ngipin at labi (sa unahan)
3. Matigas na ngalangala (sa itaas/ palatal)
4. Malambot na ngalangala (sa likod/ velar)
PONOLOHIYA NG
WIKANG FILIPINO
2 URI NG PONEMA
Ponemang Segmental at Ponemang
Suprasegmental ang bumubuo sa wikang
Filipino. Tinatalakay sa Ponemang
Segmental ang mga katinig, mga patinig,
diptonggo,  klaster, pares minimal at
ponemang malayang nagpapalitan.
Sa Ponemang Suprasegmental
naman tinatalakay ang haba at
diin, tono at antala.
PONEMANG SEGMENTAL
Nagbabago ang kahulugan ng
isang salita kapag nawawala
ang isang ponema o
nadaragdagan ito. ALIW+ AN=
ALIWan
Ang salitang bansâ,
halimbawa ay mag-iiba ang
kahulugan  kapag inalis o
pinalitan ang /s/ - banâ o maliit
na lawa, bantâ o ‘threat’ naman
kapag pinalitang ponemang /t/.
Samakatuwid ang /s/ ay isang
makabuluhang tunog sa Filipino o
ponemang segmental. Nilinaw din sa
pagtalakay nina (Santiago at Tiangco, 1991)
ang ganap na asimilasyon  sa isang salita na
iba sa tinutukoy na halimbawa sa itaas.  
Ang salitang “asinan” (lagyan ng asin) sa
pangungusap na “Asinan mo ang isda” ay
nagkaroon ng asimilasyon – nawala ang
“i” at nagiging  “Asnan mo ang isda” na
hindi nag-iiba ang kahulugan.
Gayundin naman ang pagpapalit
ng “r” sa “d” sa katagang “daw”
kung ito’y sumusunod sa salitang
nagtatapos sa patinig.
May dalawampu’t isang (21)
ponema ng wikang Filipino
labing-anim (16 -15 ,1- ?) ang
katinig at lima (5) naman ang
patinig.
15 KATINIG AT 1 SIMBOLO
5 PATINIG
DIPTONGGO, KLASTER,
PARES MINIMAL, AT
PONEMANG MALAYANG
NAGPAPALITAN
MGA PARES MINIMAL
Ito ay ang ponema o makabuluhang
tunog ay maaaring makapagbago ng
kahulugan ng isang salita sa sandaling
ito ay alisin o palitan
Sa pamamagitan ng pares ng
mga salita, madaling
maipapakita ang ganitong
kaligiran.
HALIMBAWA:
 Pala= /pala/ = ‘shovel’ ambon = /ambon/ = ‘drizzle’
 Bala= /bala/= ‘bullet’ ampon = /ampon/ = ‘adopt’
 Tala dahon- kahon =dk – 2X
 Dala kulay- tulay
 Kulay bantay- pantay
 Gulay
 Ba.ta- la.ta
 Belo- tela = bt, oa
 Tila- dila
HALIMBAWA:
Kapag nagpakita ng ibang anyo ang dalawang
tunog o ponema sa magkatulad na kaligiran,
ang kahulugan ay nagbabago;
mesa – misa oso - uso
ewan – iwan boto – buto
PONEMANG MALAYANG
NAGPAPALITAN
Ang mag-kaibang ponemang matatagpuan
sa magkatulad na kaligiran ngunit hindi
nag papabago sa kahulugan ng mga salita
ay sinasabing nasa malayang pagpapalitan
May mga pagkakataong ang pagpapalit ng
ponema ay hindi nakakapagbago sa
kahulugan ng salita;
lalake – lalaki abogado - abugado
raw -  daw opo – oho
DIPTONGGO
Ayon kay Santiago at Tiangco (2003), ang
mga diptonggo ng Filipino aw,iw,iy,ey,ay,
at uy. Ito ay tumutukoy sa alinmang
patinig na sinusundan ng malapatinig na
w/0/y sa loob ng isang pantig. /a.li.wan/
/a.liw/
 A.ruy
 Ung.guy
 Ka.suy
 ba,.du
 Ka.hoy
 Da.loy
Ka./mi’y/ ga.law
Rey.na tang.law
Bey.bi ba.taw
Lu.gaw
Bey.wang
Sa.baw
Ka.la.baw
A.gaw
MGA KLASTER/ KAMBAL
KATINIG
Bunsod ng nagbabagong panahon at impluensiya ng
mga dayuhan lalo na ng Ingles, ang mga klaster o
kambal-katinig-magkasunod na magkaibang katinig
sa loob ng isang pantig, sa Filipino ay parami na
nang parami.
Nagbigay si Santiago at Tiangco, 1991 ng maaaring
kumbinasyon ng mga ponemang katinig na
maituturing na klaster.
 /w//y//r//l//s//p/
 /p/ pwede pyano preno plano
 /t/ twalya tyangge trabaho tsinelas
 /k/ kwago kyosko krus klase
 /b/ bwaya byenan braso blangko
 /d/ dwende dyaryo drama
/g/ gwapo gyera grupo
/m/ mwebles myembro
/n/ nwebe nyebe
/l/ lwalhati lyabe
/r/ rweda Patrya
/s/ sweldo syota
/h/ hweteng
Pyano klase bruha brigade prutas grupo bya.he- dyip
pluma tseke a/ng/.gu.lo
Gripo
Plato
Bl-
Pl
Dw
Ns- tran.saksyon
Rs- nars
Dr
Ns- trans.por.tas.yon
PONEMANG
SUPRASEGMENTAL
“Pag-aaral ng makabuluhang yunit ng
tunog. Hindi ito tinutumbasan ng letra o
titik sa halip ay sinasagisag nito ang
notasyong ponemik upang mabanggit ang
paraan ng pagbigkas”(UP Diksiyonaryong
Filipino).
Sa pamamagitan ng Ponemang Suprasegmental
nagiging higit na mabisa  ang ating
pakikipagtalasan. (Santiago at Tiangco).
Sa aklat ni Santiago at Tiangco 1999, apat ang
kinilala nitong ponemang suprasegmental.  
Tono o pitch
Haba o length
Diin o stress
Antala o juncture
Ang tono ay tumutukoy sa taas – baba ng
bigkas ng pantig ng isang salita, ang haba
ay sa haba ng bigkas ng patinig sa pantig,
ang diin ay sa lakas ng bigkas ng pantig, at
ang antala ay sa saglit na pagtigil na ating
ginagawa sa ating pagsasalita.
TONO
 taas-baba na iniuukol natin sa pagbigkas ng pantig ng isang salita upang
higit na maging mabisa ang ating pakikipag-usap sa ating kapwa.
Kahapon?- kahapon.
(a)                   3                                                       (b)       3
2                      pon                                                    2                 ha
ka              1                                                             ka                           1
               ha                                                                                         pon
Maganda ka?
HABA AT DIIN
Ang haba ay tumutukoy sa haba ng bigkas na
iniuukol ng isang nagsasalita sa patinig ng
pantig ng salita, pagbibigay pansin sa
pagbigkas ng isang salita /./ upang ipahiwatig
na ang bahagi ng salita ay may diin.
Mahalagang mga diin sa pagbigkas nang may
diin.
Pito- whistle supot- plastic supot-
Pito -seven gabi- gabi
Buhay- life pasa- to pass pasa- blister
Buhay- alive
Butas- hole
Butas –
Paso-
Paso- pot
Tasa-
Tasa-
Upo-
Upo
ANTALA O JUNCTURE
Saglit na pagtigil sa ating pagsasalita upang
higit na maging malinaw ang mensaheng ibig
nating ipahatid sa ating kausap. Sa anyong
pasulat, ang antala ay maaaring ihudyat ng mga
bantas tulad ng kuwit(,), tuldok(.), tuldok-
kuwit(;), at ng tutuldok(:).
HALIMBAWA:
Tito Jose Antonio ang kaibigan ko.
Tito, Jose Antonio ang kaibigan ko.
Tito Jose, Antonio ang kaibigan ko.
Tito Jose Antonio, ang kaibigan ko.
HALIMBAWA:
 Tito Jose Antonio ang kaibigan ko. – ipinapakilala ang
kanyang kaibigan.
 Tito, Jose Antonio ang kaibigan ko. – ipinapakilala ang
kanyang kaibigan na si Jose Antonio sa kanyang Tito.
 Tito Jose, Antonio ang kaibigan ko. – ipinapakilala ang
kanyang kaibigan na si Antonio sa kanyang Tito Jose.
 Tito Jose Antonio, ang kaibigan ko -  ipinapakilala ang
kanyang kaibigan sa kanyang Tito Jose Antonio.
IBA PANG HALIMBAWA:

Hindi masarap.
Hindi, masarap.
IBA PANG HALIMBAWA:
Hindi masarap – It’s not delicious.
Hindi, masarap – No, it’s delicious.
PAGLALAGOM NG PAKSA
Ayon kay Alfonso O. Santiago at
Norma Tiangco, 1991. Ang
hambingang Segmental at
Suprasegmental ay maituturing ngang
isang ulam, ito raw ay sinigang na
karneng baboy.
Ang karneng baboy ang siyang
pinakaprinsipal na sangkap na
maihahalintulad sa ponemang segmental,
kung wala ang karneng baboy ano ang
magiging lasa nito kung ang sangkap
lamang ay pawang mga rekados na
siyang ponemang suprasegmental.
Samakatuwid kapag ito ay pinakuluan
kasama ang kompletong sangkap lalabas
ang sarap ng lasa na siya namang unawaan
sa paggamit ng salita at pagbuo ng
pangungusap. Ang Palabigkasan at
Palatunugan ay kapuwa sangkap sa pag-
aaral ng Ponolohiya ng wikang Filipino.
Salamat

You might also like