You are on page 1of 7

Republika ng Pilipinas

TARLAC AGRICULTURAL UNIVERSITY


Camiling, Tarlac

KONTEKSTWALISADONG
KOMUNIKASYON SA
FILIPINO

GROUP 2
LEADER: AGUSTIN, IVY G.
MEMBERS: GARCIA, FERNANDO C.
TABAGO, ANGELICA B.
GERONIMO, MARK JOSHUA F.
VALLENTE, MARIA KRISTINA F.
CALIBOSO, DANELLE PEARL V.
DAGUIO, RESLEY G.
MANUEL, JONNA D.
VICTORIA JR., MANUEL S.

BB. QUENEE APOLONIO


WIKA
Ayon sa bibliya, ang wika ang pinakamagandang handog ng Diyos sa
sangkatauhan sapagkat ito ang pinakamahalagang kasangkapa ng tao sa kanyang
pakikisalamuha sa pang araw-araw na pakikipagugnayan.

BARAYTI NG WIKA
Ipinapaliwanag sa teoryang sosyolingguwistikong
pinagbabantayan ng ideya ng pagiging heterogenous ng wika ang
pagkakaroon ng barayti ng isang wika. Ayon sa teoryang ito, nagmula ang
mga barayti ng wika dahil sa pagkakaiba-iba ng mga indibiduwal na
nabibilang sa magkakaibang lipunan, interes, hanap-buhay, at kulturang
pinagbibilangan. Dahil rito, ayon kay Constantino (2006), may dalawang
dimension ang baryabilidad ng isang wika. Ito ay ang dimensiyong
heograpiko at dimensiyong sosyal.

1. DAYALEK – ito ay ang mga wikang nabuo mula sa mga


pangunahing wika ng isang lalawigan na kadalasang sinasalita sa
iba’t ibang bayang nasasakupan.

Halimbawa:
 Bicol – Bicolano
 Ilocos – Ilokano
 Pangasinan – Panggalatok
 Tarlac – Ilokano/Kapangpangan/Tagalog
 Batangas – Batangueno

2. EKOLEK – karaniwang nalilikha ito at sinasalita sa loob ng mga


kabahayan. Taglay nito ang kaimpormalidad sa paggamit ng wika
subalit nauunawaan naman ng mga taong gumagamit nito.

Halimbawa:
 Mama/Papa
 Popsy/Momsy
 Lola/ Lolo
 Granpa/Grandma
 Bunso/Ate/Kuya
3. ETNOLEK – nalikha ang wikang ito sa mga etnolinggwistikong
pangkat.

Halimbawa:
 Wika ng mga Tausug
 Wikia ng mga Ifugao
 Wika ng mga Ivatan
 Wika ng mga Kankanai

4. IDYOLEK – taglay ng wikang ito ang pansariling katangian


sapagkat personal ang paggamit nito.

Halimbawa:

 “Magandang Gabi Bayan” – Noli de Castro


 “Hoy Gising” – Ted Failon
 “Hindi ka namin tatantanan” – Mike Enriquez
 “Di umano’y -” – Jessica Soho

5. PIDGIN – nabuo ang wikang ito dahil sa pangangailangan ng mga


tagapagsalita at wala itong pormal na anyo o tinatawag na
“Lengwahe ng wala ninuman”

Halimbawa:
 Grabe talaga pards, nainlababo na yata ako.
 Ako punta banyo.
 Hindi ikaw galing kanta.

6. CREOLE – ito ay isang wika na unang naging pidgin ngunit


kalaunan ay naging likas na wika. Halimbawa dito ay pinaghalong
salita ng Tagalog at Espanyol (ang Chavacano), halong Arican at
Espanyol (ang Palenquero), at ang halong Portuguese at Espanyol
(ang Annobonese).

Halimbawa :
 Di donde lugar to? – Taga saan ka?
 Buenas dias – Magandang umaga
 Buenas tardes – magandang hapon
 Buenas noches – Magandang gabi
7. REHISTRO/JARGON – nabuo ang wikang ito dahil sa iba’t ibang
propesyon na umiiral sa isang lipunan.

Halimbawa:
 BP – blood pressure (medical)
 K – Potassium (Table of Elements)
 Rally – sequence nung pabalik-balik ng bola
 Fault – pagtapak sa linya sa pagseservice

8. SOSYOLEK – ito ay isang uri ng pansamantalang wika na nalikha


dahil sa sosyalisasyon na kadalasang nagbabagu-bago ng anyo sa
paglipas ng panahon. Ito ay uri ng wika na ginagamit ng isang
partikular na grupo. Ang mga salitang ito ay may kinalaman sa
katayuang sosyo ekonomiko at kasarian ng indibidwal na
gumagamit ng mga naturang salita.

Halimbawa:
 Pagdiriwang – parti, gimik
 Wika ng mga bading – Gora na tayis frend.
 Wika ng mga tambay – Tara shot.

MGA DIPTONGGO
Ang mga diptonggo ng Filipino ay iw, iy, ey, ay, aw, oy at uy. Ito ay
tumutukoy sa pinagsamang tunog ng isang patinig (a,e,i,o,u) at isang
malapatinig (w,y) sa loob ng isang pantig.

Halimbawa:
 Ang salitang aliw (a-liw) ay may diptonggo. Ang diptonggo dito ay ang
tunog na /iw/ dahil ang tunog na ito ay nasa pantig na liw.
 Ang salitang sampay ay may diptonggo na /ay/ dahil ang tunog na ito ay
nasa pantig na pay.
 Walang diptonggo sa mga salita na may mga titik aw, ay, ey, iw, iy, iy, oy,
o, uy kapag nahihiwalay sa pagpapantig ng salita (a-li-wa-las).
 Ang salitang sampayan ay walang diptonggo dahil ang magkasunod na
titik a at y ay nahihiwalay sa pagpapantig ng salita (sam-pa-yan).
KLASTER O KAMBAL KATINIG
Ang klaster o kambal katinig ay magkakabit na dalawang
magkaibang katinig sa isang patinig. Ang klaster ay maaaring matagpuan
sa unahan o inisyal, at sa hulihan o pinal na pusisyon ng salita.

Halimbawa:
 klaster sa unahan – plano, trabaho, braso
 klaster sa gitna – kontrata, kontrabida, eskwela
 klaster sa hulihan – kard, nars, indeks

MGA PONEMANG SUPRASEGMENTAL


Ang mga ponemng suprasegmental ay tumutukoy sa mga
makahulugang yunit ng tunog na karaniwang hindi tinutumbasan ng mga
letra sa pagsulat. Sa halip, sinisimbulo ito ng mga notasyong ponemiko
upang matukoy ang paraan ng pagbigkas. May tatlong uri ang ponemang
suprasegmental: tono o intonasyon, haba at/o diin, at hinto o antala.

 Tono o Intonasyon (pitch)


Ito ay tumutukoy sa pagbaba at sa lakas ng bigkas ng pantig.
Nagpalilinaw ng mensahe o intensyong nais ipabatid sa kausap,
tulad ng pag-awit, sa pagsasalita ay may mababa, katamtaman at
mataas na tono.Maaaring gamitin ang bilang. 1 sa mababa, bilang. 2
sa katamtaman at bilang 3 sa mataas.

Halimbawa:
1. Kahapon - 213 (pag-aalinlangan)
2. Kahapon - 231 (pagpapatibay)
3. Talaga - 213 (pag-aalinlangan)
4. Talaga - 231 (pagpapatibay)

 Haba (length)
Ito ay tumutukoy sa haba ng bigkas sa patinig (a, e, i, o, u ) ng
isang pantig. Maaaring gumamit ng simbolong tuldok (. ) para sa
pagkilala sa haba.
Halimbawa:
1. bu.kas - nangangahulugang susunod na araw
2. bukas - hindi sarado

 Diin (stress o emphasis)


Ang lakas o bigat sa pagbigkas ng isang salita o pantig ay
makakatulong sa pag unawa sa kahalagahan ng mga salita. Maaring
gamitin sa pagkilala ng pantig na may diin ang malaking titik.

Halimbawa:
1. BU:hay - kapalaran ng tao
2. bu:HAY - humihinga pa
3. LA:mang - natatangi
4. la:MANG - nakahihigit; nangunguna

 Hinto o Antala (juncture)


Tumutukoy ito sa pansamantalang pagtigil ng ating
ginagawa sa pagsasalita upang higit na maging malinaw ang
mensahe.Maaring gumamit ng simbolo kuwit ( , ), dalawang guhit
na pahilis ( // ), o gitling ( - )

Halimbawa:

1. Hindi, siya ang kababata ko.


2. Hindi siya ang kababata ko.
PINAGKUHANAN NG MGA IMPORMASYON

 Gonzalo Jr., R. (2016). Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino.


Intramuros, Manila. Mindshapers Inc.

 Tawanan, D. atbp. (2014). Sining ng Mabisang Komunikayon. Meycauayan, Bulacan.


Trinitas Publishing, Inc.

 Anonymous (2012). Ano ang Diptonggo. Retrieved


from:https://www.tagaloglang.com/ano-ang-diptonggo/

 Anonymous (2019).Mga Halimbawa ng mga salitang Diptonggo. Retrieved


from:https://www.coursehero.com/file/8449150/Mga-halimbawa-ng-mga-salitang-
may-diptonggo/

 Anonymous (2012). Diptonggo. Retrived


from:https://www.tagaloglang.com/diptonggo/

 Balot, R. (2016). Kambal Katinig o Klaster. Retrived


from:https://www.slideshare.net/RyanPaulBalot/kambal-katinig-o-klaster-69868082

 Baloydi,L. (2011). Diptonggo at Klaster o Kambal Katinig.


https://www.myph.com.ph/2011/09/diptonggo-at-klaster-o-kambal-
katinig.html#.XVqXvOgzbIU

 Yenbehold. (2012). Mga Ponemang Suprasegmental. Retrieved from:


http://siningngfilipino.blogspot.com/2012/09/mga-ponemang-suprasegmental.html

 Shekainalea. (2016). Mga Ponemang Suprasegmental. Retrived


from:https://www.slideshare.net/shekainalea/mga-ponemang-suprasegmental

 Mahilom, A. (2013). Apat na Ponemang Suprasegmental. Retrived from:


https://teksbok.blogspot.com/2013/01/apat-na-ponemang-suprasegmental.html

You might also like