You are on page 1of 8

MGA KONSEPTONG PANGWIKA

ANG PAPEL NG WIKANG PAMBANSA SA GITNA


NG PAGKAKAIBA-IBA NG WIKA SA BANSA

ABOT-TANAW

 Maipaliwanag ang papel ng wikang pambansa sa gitna ng pagkakaiba-iba ng mga


wika sa isang bansa.
 Mapaghambing ang mga varayti at varyasyon ng wika
 Mapagtatala ng iba’t ibang terminolohiya sa iba’t ibang rehistro ng wika
 Makapagpakita ng pagkukusa at pagsisikap na pag-aralan ang pagkakaiba-iba ng
wikang Filipino na sinasalita ng kasalukuyang henerasyon ayon sa lugar at pangkat
na kinabibilangan.
 Makagawa ng mga malikhain at mapanghikayat na presentasyon ng impormasyon at
analisis na akma sa iba’t ibang konteksto.

GAOD-KAISIPAN
Nakabatay ang pagkakaroon ng varayti at varyasyon ng wika sa paniniwala ng mga linggwist
ng pagiging heterogeneous o pagkakaiba ng wika (Sausure 1916) at hindi kailanman pagkakatulad o
uniformidad ng anumang wika (Bloomfield, 1918. Maaaring ang pagkakaiba ay nasa bigkas, tono at
uri at anyo nito.

URI NG VARAYTI NG WIKA AYON KAY CLAFFORD (1965)


1. Permanente- Para sa mga tagapagsalita/ tagabasa

Hal. Diyalekto at Idyolek .

2. Pansamantala- Nagbabago kung may pagbabago sa sitwasyon.


a. Register-Kaugnay ng panlipunang papel na ginagampanan ng tagapagsalita sa oras ng
pagpapahayag
b. Estilo- Kaugnay ng relasyon ng nagsasalita sa kausap.
c. Mode- Kaugnay sa midyum na ginagamit sa pagpapahayag tulad ng pasalita o pasulat.

Sa pangkat-wika o speech community makikita ang varyasyon ng wika sa pamamagitan ng;

 Mga taong bumubuo nito


 Pakikipagkomunikasyon
 Interaksyon ng mga tao
 Sa mga katangian ng pananalita ng mga tao
 Sa sosyal na katangian ng mga tao.

MGA TEORYA AT PANANAW NG VARAYTI NG WIKA

1. Teoryang Sosyolinggwistiko
Sa palagay ang wika ay panlipunan at ang speech ay pang-indibidwal. Ang wika ay hindi
kumpleto sa sinumang indibidwal o nagsasalita , nagagawa lamang ito sa loob ng isang kolektibo o
pangkat, gayundin makikita ang paghahalo-halo ng varayti ng wika, diyalekto at register sa dalawang
paraan. Ang wika ay isang kasangkapan ng sosyalisasyon na ang relasyong sosyal ay hindi
matutupad kung wala ito. (Sapir 1949)

a. Code Switching o palit koda kung ang isang nagsasalita ay gumagamit ng iba’t ibang varayti ayon
sa sitwasyon o okasyon.

Hal. : Usapan ng mga kabataan na nag-aaral sa kolehiyo

“ it’s to hot in here, gusto kong kumain ng ice cream”

“ psst, huwag mo na I say to maam na nag-absaent ako?”

“ Oh, how sungit naman our teacher in Filipino”

b. Paghihiram (lexical borrowing) sa paraang ito , ang isang salita o higit pa ay hinihiram dahil
walang katumbas ang mga ito sa varayting ginagamit ng nagsasalita.

Hal. : Hamburger

pizza

CD

Internet

7
2. Teoryang Akomodasyon

Kaugnay ito ng mga teorya sa pag-aaral/ pagkatuto ng panagalawang wika sa linguistic


convergence at linggwistic divergence. Nakapokus ito sa taong kasangkot sa sitwasyong pangwika.
(Howard Giles (1982)

a. LINGGWISTIC CONVERGENCE (tagpo)

Kung ipinapakita na sa interaksyon ng mga tao, nagkaroon ng tendensya na gumaya o


bumagay sa pagsasalita ng kausap para bigyang-halaga ang pakikiisa, pakikipaglagayang loob,
pakikisama o kaya’y pagmamalaki sa pagiging kabilang sa grupo.

b. LINGGWISTIC DIVERGENCE (pagkakalayo)

Kung pilit na iniiba ang pagsasalita sa kausap para ipakita o iphayag ang pagiging iba at di-
pakikiisa at pagkakaroon ng sariling identidad.

HOMOGENEOUS AT HETEROGENEOUS NA WIKA

Homogeneous ang wika kung pare-parehong magsalita ang lahat ng gumagamit nito. (Paz,
et.al.2003).

Heterogenous na Wika – wikang iba-iba ayon sa lugar, grupo, at pangangailangan ng


paggamit nito, maraming baryasyon na wika. Ito ay nagtataglay o binubuo ng magkakaibang kontent o
element heteros – nangangahulugang magkaiba  samantalang ang genos – nangangahulugang uri
o  lahi.

Nag-uugat ang mga barayti ng wika sa pagkakaiba-ba ng mga indibidwal at grupo, maging ng
kani-kanilang tirahan, interes, gawain, pinag-aralan at iba pa.

MGA URI NG VARAYTI NG WIKA

1. DAYALEK/DAYALEKTO – ito ang barayti ng wikang ginagamit sa isang pangkat ng mga tao mula
sa isang partikular na lugar tulad ng lalawigan, rehiyon at bayan. Ang barayti ng wikang nalilikha ng
dimensyong heograpiko. Tinatawag din itong wikain sa ibang aklat. Ito ang wikang ginagamit sa isang
partikular na rehiyon, lalawigan o pook, malaki man o maliit. Ito rin ang wikang sinasalita ng isang
neyographical.

Halimbawa: pakiurong nga po ang plato (Bulacan – hugasan)

                    pakiurong nga po ang plato (Maynila – iusog)

 Tagalog – “Mahal kita”


 Hiligaynon – “Langga ta gd ka”
 Bikolano – “Namumutan ta ka”

2. IDYOLEK - ito ay pansariling paraan, nakagawiang pamamaraan  o istilo sa pagsasalita. Makikita


rito ang katangian at kakanyahang natatangi ng taong nagsasalita o ng isang pangkat ng mga tao.
( uri ng wikang ginagamit at iba pa). Ito rin ang Individwal na estilo ng paggamit ng isang tao sa
kanyang wika.

Halimbawa: Tagalog – Bakit?

                    Batangas – Bakit ga?

                    Bataan – Bakit ah?

                    Ang idyolek ni Marc Logan – paggamit ng salitang magkakatugma


                    Ang idyolek ni Mike Enriquez – hindi namin kayo tatantanan

                    Ang idyolek ni Kris Aquino -  Aha!, ha, ha… okey! Darla!

8 
“Magandang Gabi Bayan” – Noli de Castro
“Hoy Gising” – Ted Failon
 “Hindi ka namin tatantanan” – Mike Enriquez
 “Di umano’y -” – Jessica Soho

3. SOSYOLEK - naman ang tawag sa barayting nabubuo batay sa dimensyong sosyal o nakabatay sa
katayuan, antas o sa pangkat na kanyang kinabibilangang panlipunan. Tinatawag din itong sosyal
(pamantayan) na barayti ng wika dahil nakabatay ito sa mga pangkat panlipunan, paniniwala,
oportunidad, kasarian, edad at iba pa. Ito ay may kinalaman din sa katayuang sosyo-ekonomiko ng
nagsasalita.

Halimbawa: Wika ng mag-aaral - Oh my God, nakatabi ko kanina sa bio ang  crush ko!      

                    Tapos nakasabay ko pa s'yang mag-lib! (estudyante)

                    Wika ng matanda - Ano ikamo, wala pa ang tatay n'yo diyan? Aba at saan na 

                    naman napunta ang damuhong 'yon? Malilintekan 'yon sa akin! (matanda)

Iba’t Ibang Sosyolek

a. Gay Lingo – ang wika ng mga bakla.  Ginamit ito ng mga bakla upang mapanatili ang kanilang
pagkakakilanlan kaya binago nila ang tunog o kahulugan ng salita.

Halimbawa: Churchill para sa sosyal, Indiana jones para sa hindi sumipot, begalou para sa malaki,
Givenchy para sa pahingi, Juli Andrews para sa mahuli.

c. Jejemon o Jejespeak – ay isang paraan ng pagbaybay ng hehehe at ng salitang mula sa Hapon


na pokemon.  Ito ay nakabatay rin sa mga Wikang Ingles at Filipino subalit isinusulat nang may
pinaghalo-halong numero, mga simbolo, at may magkasamang malalaki at maliliit na titik kaya’t
mahirap basahin at intindihin lalo na nang hindi pamilyar sa jejejetyping. Madalas na nagagamit ang
mga titik H at Z.

Halimbawa: 3ow phow, mUsZtAh nA phow kaOw? - Hello po, kumusta po kayo?

                    aQcKuHh iT2h - Ako ito

                      iMiszqcHyuH - I miss you

4. JARGON - ang mga tanging bokabularyo ng isang partikular na pangkat ng isang propesyon,
artikula na trabaho, o  gawain ng tao.

Halimbawa: abogado – exhibit, appeal, complainant

                    guro – lesson plan, class record, Form 138


5. ETNOLEK – ito ay barayti ng wika mula sa mga etnolengguwistikong grupo.  Ang salitang ito ay
nagmula sa pinagsamang etniko at dialek. Taglay nito ang mga salitang nagiging bahagi ng
pagkakakilanlan ng isang pangkat-etniko.

Halimbawa: Vakkul – gamit ng mga Ivatan na pantakip sa ulo sa init man o ulan

                     Bulanon – full moon

                     Kalipay – tuwa o ligaya

                     Palangga – mahal o minamahal

                     Shuwa – dalawa


                     Sadshak – kaligayahan

                     Peshen – Preshen
6. REHISTRO – ito ang barayti ng wika kung saan naiaangkop ng isang nagsasalita ang uri ng
wikang ginagamit niya sa sitwasyon at sa kausap.  Nagagamit ng nagsasaita ang pormal na 9
tono ng pananalita kung ang kausap niya ay isang taong may mataas na katungkulan o
kapangyarihan, nakatatanda o hindi niya masyadong kakilala. Pagkakaroon ng pagbabago ng
wc zsa[ika sa taong nagsasalit o gumagamit ng wika ayon sa:

a. Tono ng kausap o tagapakinig (tenor of discourse) – naaayon ang wika sa sino ang nag-


uusap.

b. Paksa ng pinag-uusapan (field of discourse) – batay sa larangan na tinatalakay at


sa panahon.

c. Paraan o paano nag-uusap ( mode of discourse) – pasalita o pasulat pagtalima sa mga


panunturan dapat sundin batay sa uri ng piniling paraan ng pag-uusap.

Halimbawa:

Paggamit ng pormal na wika sa simbahan, talumpati, pagpupulong at pagsulat ng aklat


pangwika o pampanitikan o pormal na sanaysay.Paggamit ng di pormal na wika sa pagsulat
ng komiks, talaarawan at liham pangkaibigan o di pormal na paraan ng pagsasalita kung
ang kausap ay    kaibigan, malalapit na kapamilya, kaklase o kasing-edad

7. EKOLEK - Barayti ito ng wika na karaniwang nabubuo at sinasalita sa loob ng bahay. Taglay
nito ang kaimpormalan sa paggamit ng wika subalit nauunawaan ng mga gumagamit nito.

Halimbawa:1`456789*-=876543] wertfsfgddfcvbnzxdzsxd Mamita

                    Lolagets

                     Papsy

8. PIDGIN - ito ay umusbong na bagong wika na tinatawag sa Ingles na Nobody’s Native


Language o katutubong wikang di pag-aari ninuman. Ito ay bunga ng pag-uusap ng dalawang
taong parehong may magkaibang unang wika kaya’t di magkaintindihan dahil hindi nila alam
ang wika ng isa’t isa kaya magkakaroon sila ng makeshift language. Dahil dito makakalikha sila
ng isang wikang pinaghalo ang kanya-kanya nilang unang wika.

Wala itong pormal na estraktura at tinawag ding “lengwahe ng wala ninuman”.


Ginagamit ito sa mga tao na nasa ibang lugar o bansa.

Halimbawa

 Ako punta banyo – Pupunta muna ako sa banyo.


 Hindi ikaw galing kanta – Hindi ka magaling kumanta.
 Sali ako laro ulan – Sasali akong maglaro sa ulan.

9. Creole - ay isang  wika na unang  naging pidgin at kalaunan ay naging likas na wika
(nativized) na ng mga batang isinilang sa komunidad ng pidgin.  Nagamit ito sa mahabang
panahon hanggang sa magkaroon ng pattern o tuntuning sinusunod na ng karamihan.
Ito ay ang pinaghalo-halong salita ng indibidwal, mula sa magkaibang lugar hanggang sa
naging personal na wika.

 Mi nombre – Ang pangalan ko


 Yu ting yu wan, a? – Akala mo espesyal ka o ano?
 I gat planti kain kain abus long bikbus – Marami akong uri ng mga hayop sa gubatan

ANTAS O LEBEL WIKA

Ang wika ay nahahati sa iba’t ibang antas na ginagamit ng taobatay sa kanyang


pagkatao, sa lipunang kanyang ginagalawan,lugar na tinitirhan, panahon, katayuan at okasyong
dinadaluhan.Ang wika ay mayroong limang antas. Ito ay ang mgasumusunod:

1. PABALBAL /BALBAL - May katumbas itong “slang” sa Ingles at itinuturing na


pinakamababang antas ng wika. Mga salitang Pangkalye o Panlansangan. Tinatawag din itong
singaw ng panahon sapagkat bawat panahon ay may nabubuong mga salita. Pinakamababang
antas ng wika na karaniwang ginagamit sa lansangan. Karaniwang ito ay nabubuo ng isang
grupo tulad ng mga bakla na nagsisilbing koda nila sa kanilang pakikipag-usap.

Mga Halimbawa:
PARAK - Pulis TIBOLI - tomboy
ESKAPO - takas BALBONIK - taong maraming balahibo sa katawan
ISTOKWA - naglayas BROKEBACK - lalaki sa lalaking relasyon
2. KOLOKYAL - Mga salitang ginagamit sa pang-araw-araw na hinalaw sa pormal na mga
salita. Nagtataglay ng kagaspangan ang mga salitang ito subalit maaari rin namang maging
repinado batay sa kung sino ang nagsasalita gayon din sa kanyang kinakausap. Ginagamit sa
okasyong impormal at isaalang- alang dito ang salitang madaling maintindihan.
Halimbawa:
alala lika naron kanya-kanya antay lugal

3. LALAWIGANIN/PANLALAWIGAN - Karaniwang salitain o dayalekto ng mga katutubo sa


lalawigan gaya ng mga Cebuano, Batangeno, Bicolano, at iba pa na may tatak-lalawiganin sa
kanilang pagsasalita. Isang palatandaan ng lalawiganing tatak ay ang punto o accent. Salitang
ginagamit ng mga tao sa isang partikular na pook. Mga salitang ginagamit sa isang lalawigan at
hindi pamilyar na gamitin sa ibang lugar.

Halimbawa:

KAIBIGAN HALIK

Kaibigan-Tagalog Halik-Tagalog
Gayyem-Ilokano Ungngo-Ilokano
Higala-Cebuano Halok-Cebuano
Amiga-Bikolano Hadok-Bikolano

4. PAMBANSA/LINGUA FRANCA - Ginagamit sa mga aklat, babasahin, at sirkulasyong


pangmadla. Wikang ginagamit sa mga paaralan at sa pamahalaan . Salitang higit na kilala o
ginagamit sa pook na sentro ng sibilasyon at kalakalan.
Halimbawa:
aklat
ina
ama
dalaga
masaya

5. PAMPANITIKAN - Pinakamayamang uri Kadalasa’y ginagamit ang salita sa ibang


kahulugan . Gumagamit ng idyoma, tayutay, at iba’t ibang tono, tema, at punto. Isang eksperto
na rin ang nagsabi na ang panitikan ay ang “kapatid na babae ng kasaysayan,” ito ay dahil sa
ang wikang pampanitikan ay makasaysayan dahil sa kanyang kakayahang lumikha ng
piksyunal o kathang isip. Ito ay nagaganap sa tuwing ang wikang pampanitikan ay malayang
nagagamit sa pagkatha ng dula, katha, palabas, at iba pang likhang pampanitikan.

Halimbawa:

Mabulaklak ang dila


Di-maliparang uwak
Kaututang dila
Balat sibuyas
Taingang kawali
agbukas ng dibdib

You might also like