Professional Documents
Culture Documents
INTRODUKSIYON
Ang wika ay bahagi ng kultura at kasaysayan ng bawat lugar. Ito rin ay isang
simbolismo tungo sa pagkakakilanlan ng bawat indibidwal. Sa pamamagitan ng wika, ay
nailalalabas o naipahahayag natin ang mga emosyon at saloobin, masaya man o
malungkot. Giagawa natin ito sa pamamaraan ng pagsulat, pakikipagtalastasan at iba pa.
Ang ating wika ay may iba’t ibang barayti. Ito ang sanhi ng pagkakaiban ng uri ng
lipunan na ating ginagalawan, heograpiya, antas ng edukasyon, okupasyon, edad at
kasarian at uri ng pangkat etniko na ating kinabibilangan. Dahi; sa pagkakakaroon ng
heterogenous na wikatayo ay nagkaroon ng iba’t ibang baryasyon nito, at ditto nag-ugat
ang mga barayti ng wika, ayon sa pagkakaiba ng mga indibidwal.
Ang salitang barayti sa simpleng pagkakahulugan ay tumutukoy sa pagkakaroon
ng pagkakaiba-iba at dahil dito nakadaragdag kulay ito sa buhay ng mga tao. Mahalaga ito
dahil nagawa nitong mapaunlad ang isang wika sa pamamagitan ng pagdaragdag ng mga
salitang gagamitin ng isang lipunan. Napaparami din nito ang iba’t ibang katawagan ng
isang salita. Natutulungan nito ang mga tao na makapamili ng mga salitang gagamitin sa
pinaka-angkop na paraan.
Pagkakaisa at Pagkakaiba.
Pagkakaisa sa pagkakaiba. Pagkakaiba patungo sa pagkakaisa. Ang mga
kontradiksyong ito ay mithiing nilandas at nilalandas ng mga tao, komunidad at bansa sa
kontemporaryong panahon simula nang itakwil ng mga klasikong pilosopo mula noong
ika-17 siglo ang paniniwala ng naunang panahon na ang wika ay isang biyayang nagmula
sa langit, mula sa Diyos.
Pinaniniwalaan ng mga kontemporaryong pantas lalo na ng mga empirisista at
rasyonalista na ang wika ay inimbento at dinivelop ng tao para maging paraan ng paglipat
ng mga kaalaman. Ang pananaw na ito ay nabuo sa konteksto ng umiiral sa panahong iyon
na ideya ng progreso na kaugnay ng sibilisasyon na sumasangkot naman sa kultura at
institusyon. Sa kanila, ang kultura ay hango sa mga tao at ang wika ay nagpapahayag ng
espiritu/kaluluwa ng mga tao na bumubuo sa lipunan/komunidad. Ang lipunan naman na
nangangailangan ng pakikisalamuha’t (integrasyon) at ugnayan(interdependence) ng mga
tao, ay nagiging komplikado habang lumalaki at lumalawak ang progreso. Nagkakaiba-iba
1. HEOGRAPIKO (DAYALEKTO)
DAYALEK
Ito ang barayti ng wika na nalilikha ng dimensyong heograpiko. Ito ang wikang
ginagamit sa isang partikular na rehiyon, lalawigan o pook malaki man o maliit. Tayo ay
mayroong iba’t ibang uri ng wikang panrehiyon na kung tawagin ay wikain. Merong
tatlong uri ng dayalek.
2. SOSYO-EKONOMIKO (SOSYOLEK)
SOSYOLEK
Ito ang barayting nabubuo ayon sa dimensyong sosyal. Ito ay pansamantalang
barayti lamang. Ito ay uri ng wika na ginagamit ng isang partikular na grupo. Ang mga
salitang ito ay may kinalaman sa katayuang sosyo ekonomiko at kasarian ng indibidwal na
gumagamit ng mga naturang salita.
Ang pangkat na ito ay binubuo ng mga taong magkakatulad ang antas ng
edukasyon o di nagkakalayo ang income bracket, o dili kaya’y magkakapareho ng trabaho.
At para matanggap ang indibidwal sa isang sosyal grup na kinikilusan, kailangang
magsalita ng sosyolek nito. Bianabagayan ng nagsasalita ng tamang sosyolek ang uri ng
kanyang kausap.
Tinatawag itong Sosyal na barayti ng wika dahil nakabatay ito sa mga pangkat
panlipunan. Halimbawa nito ay wika ng estyudante, wika ng matatanda, wika ng
kababaihan, wika ng mga preso, wika ng mga bakla at iba pang pangkat.
Makikilala ang iba’t ibang barayti nito sa pagkakaroon ng kakaibang rehistro na
tangi sa pangkat na gumagamit ng wika.
ETNOLEK
Isang uri ng barayti ng wika na nadebelop mula sa salita ng mga etnolonggwistang
grupo. Dahil sa pagkakaroon ng maraming pangkat etniko sumibol ang iba’t ibang uri ng
etnolek. Taglay nito ang mga wikang naging bahagi ng pagkakakilanlan ng bawat etniko.
Halimbawa:
EKOLEK
Barayti ng wika na kadalasang ginagamit sa loob n gating tahanan. Ito ang mga
salitang madalas na namumutawi sa bibig ng bata at ng nakatatanda malimit itong
ginagamit sa pang araw-araw na pakikipagtalastasan.
Halimbawa:
Palikuran
Silid tulugan
Pamingganan
JARGON
Tawag sa tanging bokabularyo ng isang partikular na pangkat ng gawain. Kung
minsan ang mga jargon ng isang larangan ay may kakaibang kahulugan sa karaniwan o sa
ibang larangan.
PIDGIN
Tinatawag sa Ingles na Nobody’s Native Language. Nagkakaroon nito kapag ang
dalawang taal na tagapagsalita ng dalawang magkaibang wika na walang komong wika ay
nagtatangka na magkaroon ng kumbersyong makeshift na salita o mga pansamantalang
wika lamang. Madalas ang leksikon ng usapan ay hango sa isang wika at ang istruktura
naman ay mula sa isa pang wika. Madalas na bunga ng kolonisasyon ang barayting ito ng
wika.
Halimbawa:
CREOLE
Isang wika na unang naging pidgin at kalaunan ay naging likas na wika (nativized).
Mga barayti ng wika na nadebelop dahil sa mga pinaghalo-halong salita o indibidwal mula
sa magkaibang lugar hanggang sa ito ay naging pangunahing wika ng partikular na lugar.
Nagkaroon nito sapagkat may komunidad ng mga tagapagsalita ang nag-angkin dito
bilang kanilang unang wika. Halimbawa ditto ay ang pinaghalong salita ng Tagalog at
Espanyol (ang Chavacano).
Halimbawa: