You are on page 1of 14

MALIKHAING PAGSULAT

KWARTER 2 - MODYUL 2:
Mga Teknik at Kagamitang
Pampanitikang Ginagamit sa
Pagsulat at Pagtatanghal ng Dula
Malikhaing Pagsulat
Ikalawang Markahan – Week 4

Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa worksheet na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon - Division of San Carlos City


Schools Division Superintendent: Anthony H. Liobet, CESO VI
Assistant Schools Division Superintendent: Julito L. Felicano

Module Development Team

Writers :Sheila M. Tala


Editor :Janette P. Carbajosa, EPS Filipino

Lay-out Artist :Jessie P. Batosin


Management Team :Anthony H. Liobet, CESO VI, SDS

Julito L. Felicano, ASDS

Antonio G. Uy, CID Chief

Jessie P. Batosin, LR EPS

Rosadille B. Vierneza, DIV. ADM Coordinator

Michael S. Dalipe, PDO-II LR


Inilimbag sa Pilipinas ng

Department of Education – Region VI - Western Visayas

Office Address: National Highway, San Carlos City, Negros Occidental

Telefax: (034) 312-5953 / 729-5290

E-mail address: sancarlos.city6@deped.gov.ph

ii
Alamin

Sa modyul na ito ay malalaman mo ang mga teknik at kagamitang


pampanitikang ginaagamit sa pagsulat at pagtatanghal ng tula.
Ang araling ito ay naglalaman ng mga iba’t ibang teknik tungkol sa dula na
kung saan ay tiyak na madaragdagan ang iyong kaalaman at maging
makabuluhan.
Kaya pagkatapos mong mapag-aralan ang modyul na ito inaasahang :
1. Nauunawaan ang intertekstuwalidad bilang isang teknik ng dula.
2. Nagagamit ang iba’t ibang paraan ng pagtatanghal batay sa inaasahang
kalalabasan ng binuong iskrip.

Subukin

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na mga katanungan at piliin ang tamang
sagot sa loob ng kahon. Isulat sa sagutang papel ang tamang sagot.

Intertekstuwalidad

Alusyon

Pun

Parodiya

Soliloquy

1. Ang pagkausap nang malakas ng isang tauhan sa kanyang sarili –naririnig


man o hindi ng sinumang ibang tauhan.
2. Isang kagamitang pampanitikan na tumutukoy sa masalimuot na
pagkakaugnay ng isang teksto sa iba pang teksto.
3. Ang paggagad sa isang teksto nang may ipinapalit na ibang mga salita , at
sa gayo’y magiging iba na ang kahulugan sa bagong teksto.
4. Ang di-tuwirang pagtukoy o pag-uugnay sa isang tao, pangyayari, bagay o
ideya na may kabuluhan sa diyalogo o kasalukuyang aksiyon.

1
5. Isang teknik na paglalaro sa salita na may iba’t ibang kahulugan, o kaya’y
ng mga salitang waring magkasintunog ngunit may naiibang kahulugan.

Balikan

Noong nakaraang aralin ay natutunan mo ang iba’t ibang elemento ng dula.


Balikan mo ang mga ito bago ka magsimula sa panibagong aralin. Handa ka na
ba ?

Panuto: Ibigay ang iba’t ibang anyo ng dula gamit ang dayagram sa ibaba. Isulat
ang sagot sa sagutang papel.

1.

Anyo ng
2. Dula 3.

5.
4.

2
Tuklasin

Sa pagtuklas ng ating panibagong aralin , sumabay sa mga Gawain


upang higit na maunawaan pa ang dula. Halina’t simulan mong sumubok sa mga
gawain.

Saliksikin Natin!

Maglahad ng mga mahalagang impormasyon tungkol sa mga salitang nasa kahon.

Intertekstuwalidad

pun
parodya
alusyon
soliloquy

pagsisipi

Suriin

Mga Teknik at Kagamitang Pampanitikang Ginagamit sa Pagsulat at


Pagtatanghal ng Dula

Bawat mandudula ay gumagamit ng mga Teknik at kagamitang


panliteratura na inaakala niyang angkop lamang sa kanyang akda upang ito’y
maging epektibo. Ayon kay Rene O Villanueva , isang batikang mandudula , walang
iisang paraan sa pagsulat ng isang dula dahil nag-iiba-iba ang mga paraang ito sa
bawat mandudula.

3
a. Intertekstuwalidad
Ang intertekstuwalidad bilang isang kagamitang pampanitikan, ay
tumutukoy sa masalimuot na pagkakaugnayan sa isang teksto sa iba pang
teksto. Ginagamit ito ng mandudula, makata, nobelista at iba pang manunulat
sa pamamagitan ng alusyon, pagsisipi, salin, parodiya, at iba pa. Ang gayong
reperensiya o pagtukoy at paghihiram ng awtor ay nagsisilbing pang-akit sa
interes ng manonood at nagpapalawak sa kahulugan ng teksto.

 Alusyon – ang di tuwirang pagtukoy o pag-uugnay sa isang tao,


pangyayari, bagay, o ideya na may kabuluhan sa diyalogo o
kasalukuyang aksiyon. Hindi kinakailangan ang detalyadong
pagtukoy roon.

Halimbawa:

LINDA: (bihis na bihis, namamangha sa pagpasok ni Marlon Ha! Isang


oras na tayong late. Nakakasampung text na sila sa atin. Anong
nangyari sa iyo?

MARLON: (namasa-masang gusot ang buhok gayundin ang damit,


medyo humihingal). Dalawang matanda sa highway. Naputukan ng
gulong ang kanilang kotse. Umuulan pa naman, Tinulungan kong
magkabit ng gulong.

LINDA: Ha! Naging-mabuting Samaritano ka?

 Pagsisipi – ang aktuwal na paggamit sa isa o ilang pangungusap


mula sa ibang teksto upang luminaw o lumalim, maging
makabuluhan ang sinasabi ng isang tauhan.

Halimbawa:

LOLO KIKO: Hindi ko sinasabing huwag na ninyong gamitin ang Ingles.


Internasyonal na wika ang Ingles at isang opisyal na wika ito sa ating
bansa. Habang pinagbubuti natin ang paggamit ng Ingles, huwag nating
kalimutan ang mga wikang katutubo , ang ating pambansang wika.
Huwag ninyong kalimutan ang sinabi ni Rizal: “Nalilimot ng bawat isa sa
inyo habang napag-iingatan ng isang bayan ang kanyang wika, napag-
iingatan din nito ang katibayan ng kanyang kalayaan, katulad ng
pagpapanatili ng isang tao sa kanyang kasarinlan, upang mapanatili
niya ang kanyang sariling paraan ng pag-iisip. Ang wika ng pag-iisip ng
bayan.”

 Parodiya – ay ang pagaggad sa isang teksto nang may ipinapalit na


 Parodiya – ay ang pagaggad sa isang teksto nang may ipinapalit na
ibang mga salita, at sa gayo’y magiging iba na ang kahulugan sa bagong

4
teksto. Ginagamit ito sa layuning magpatawa sa panunuligsa. NArito ang
isang bahagi ng “Dasalan at Tocsohan” ni Marcelo H. del Pilar na
tumutuligsa sa pang-aabuso ng mga prayle o banyagang pari sa Pilipinas.

Ang mga utos nang Prayle ay sampu:


Ang nauna: Sambahin mo ang Prayle na lalo sa lahat.
Ang ikalaua: Huwag kang magpapahamak o manumba ng
ngalang deretsos.
Ang ikatlo: Manalangin ka sa Prayle Linggo man at piyesta.
Ang ikapat: Isanla mo ang katauhan mo sa pagpapalibing sa
ama’t ina,
Ang ikalima: Huwag kang mamamatay kung wala pang
salaping panlibing.
Ang ikanim: Huwag kang makiapid sa kanyang asawa.
Ang ikapito: Huwag kang makinakaw.
Ang ikawalo: Huwag mo silang pagbibintangan, kahit ka
magsinungalingan.
Ang ikasiyam: Huwag mong ipagkait ang iyong asawa.
Ang ikapulo: Huwag mong itangi ang iyong ari.
Itong sampong utos ng Prayle’y dalawa ang kinauuwian.
Ang isa: Sambahin mo ang Prayle lalo sa lahat.
Ang ikalawa: Ihain mo naman sa kaniya ang puri mo’t
kayamanan. Siya nawa.

 Pun – isa ring popular na teknik na ginagamit ng mga manunulat. Isa


itong paglalaro sa salita na may iba’t ibang kahulugan , o kaya’y ng mga
salitang waring magkasintunog ngunit may naiibang kahulugan.
Ginagamit ang pun sa panunudyo, pagpapatawa , o paglikha ng
epekstong retorikal.

Halimbawa

DONG: Ano’ng sabi ng isda nang hiwain siya?

FRED: I’m tuna

DONG: O, e, ano nga’ng sabi ng bangus upang mamamatay na


siya?

FRED: I’m daing.

 Soliloquy- ang pagkausap nang malakas ng isang tauhan sa kanyang


sarili naririnig man o hindi ng sinumang ibang tauhan. Ginagamit ito sa
dula upang ilarawan ang matinding nadarama o malalim na iniisip ng
tauhan at sa gayo’y maunawaan siya ng manonood.

5
Halimbawa

Hamlet sa Nunnery Scene

To be or not to be: That is the question:

Whether ‘tis in the wid to suffer

The slings and arrow of outrageous fortune,

Or to take arms against the sea of troubles

And by opposing end them?...

 Monologo- may nag-iisang tauhang nagsasalita. Ngunit ang dalawa ay


nagkakaiba sa mga nakikinig. Ang monologo ay may kahabaan,
maaaring bigkasin sa ibang tauhan sa mismong dula na nasa entablado
o wala roon, o kaya’y sa mga manood sa loob ng teatro. Samantalang ang
soliloquy , mismong sarili ang kinakausap ng tuhan

b. Iba pang Mga Teknik


 Aside o aparte – ang pananalita ng tauhan na nakatutok sa mga
manonood at hindi intensiyong iparinig sa iba pang mga tauhan.

Halimbawa:

MINDA: (Nakatingin sa dakong kaliwang itaas, pasigaw, )Ruben, gising,


baba ka na! Narito’ng ating paboritong pinsan, si Rico.

RICO: (aparte) Bilang naging paborito dahil nabalitaang mayaman na


ako, may koneksyon pa sa itaas. (Kay MINDA) . Huwag mon ang
gisingin si Insan. Iiwan ko na lang ang regalo sa inyo.

 Direksiyong Pang-entablado -ito ay instruksiyon na naglalarawan ng


kilos -ginagawa o gagawin ng mga tauhan, aksiyon sa entablado, o isang
eksena, pangagailangang teknikal at iba pang mahalagang
impormasyonng kailangan sa produksiyon.

6
Pagyamanin

Panuto: Suriin ang mga nakatalang diyalogo ng mga bahagi ng dula. Gamit
ang graphic organizer na Read and React ay unawain kung anong teknik o
intertekstwalidad ang ginamit at pagkatapos ay magbigay ng maikling paliwanag
kung bakit ito ang iyong sagot.

1. Read

FIDEL :Hindi ko na masikmura ang mga kabaluktuta’t katiwaliang aking


nakikita, nadarama, nababasa… Sayang at hindi ako naging nobelista, o
mandudula. Kung nagkatao’y baka isang Noli rin, o isang Kahapon, Ngayon,
Bukas ang masusulat ko.

LIGAYA: At sapagkat hindi mo na masikmura ay lalayo ka, gano’n


ba?(Magiliw na kakawitin sa bisig ang kausap upang mapaharap sa kanya.)

-Hango sa dulang “Makapaghihintay ang Amerika” ni Dionisio S. Salazar

React:

Ang itertekstuwalidad na ginamit ay ________________ sapagkat


__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
.

Read:

JULIA: Hindi ah, nagkakamali ka, hindi ukol sa iyo ang pangalang iyan…

2. TENYONG: Sinungaling! At kaninong pangalan ito? A, Antonio, N, Nasrciso at


F, Flores.

JULIA: Nagkakamali ka, hindi mo pangalan iyan!

TENYONG: Hindi pala akin, at kanino nga?

JULIA: Sa Among. Iya’y ialay ko sa kanyang kaarawan sa PAsko.

TENYONG: Kung sa Among man o sa demonyo, bakit ang letra’y A,N, at F?

JULIA: Oo nga’t sapagka’t ang A, ay Among, N, NAtin, ay at F, ay Frayle.

TENYONG: Among NAting Frayle, laking kaalipustahan! Huwag mo akong


aglahiin nang tungkol sa mga taong iyan, at madaling nagpapanting ang
tainga ko.

-Hango sa dulang “Walang Sugat” ni Severino Reyes

7
React:

Ang itertekstuwalidad na ginamit ay ________________ sapagkat


___________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________.

Read:
3.
KULAS: Totoo. Sige na, madali ka at nagsusultada na. Sige na, may
katrato ako na sa susunod na sultada. Pag hindi ako dumating ay
kahiya-hiya. (Tiningnan ni Celing ang pagkakabalisa ni Kulas at maiisip
na walang saysay ang pakikipagtalo pa. Iiling-iling na dudukot ng salapi
sa bulsa.)

CEILING: O, buweno, kung sabaagay , tagatago lamang ako ng pera. O,


heto huwag mo na sana akong sisihin kung maubos ang kaunting
pinagbilhan ng ating palay.

KULAS: (Kukunin ang salapi.) :Huwag kang mag-alala, Ceiling. Ito’y


kuwarta na. Siguradong-sigurado! O, buweno, diyan ka muna.
(Magmamadaling lalabas si Kulas, ngunit masasalubong si Sioning sa
may pintuan.)

-Hango sa dulang. “Sa Pula, Sa Puti+ ni Francisco “Soc” A. Rodrigo

React:

Ang itertekstuwalidad na ginamit ay ________________ sapagkat


______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
________.

Isaisip

1. Ano ang intertekstuwalidad? Ano-ano ang iba’t ibang paraan o teknik ng


pagsasagawa nito?
2. Bakit mahalaga ang paggamit ng intertekstwalidad bilang isang teknik sa
pagsulat ng dula

8
Isagawa

Ang pagkakaroon ng sapat na pagkaunawa tungkol sa


interstuwalidad bilang kagamitang pampanitikan ay makatutulong nang malaki
para makabuo ka ng isang dulang masining at tiyak na makaaantig sa interes ng
mga mambabasa. Bilang paghahanda para sa inyong susulating isang-yugtong
dula sa susunod na ralin ay bumuo ka ng sarili mong halimbawa ng mga diyalogo
at kilos ng mga tauhan na kakikitaan ng intertekstuwalidad gamit ang sumusunod
na teknik o pamaraan.

a. Alusyon
b. Pagsisipi
c. Parodya
d. Pun
e. Soliloquy

Ang gagawin mong mga halimbawa ng intertekstuwalidad ay dapat makasunod


sa pamantayang makikita sa ibaba.

Pamantayan 5 4 3 2 1

Nakabuo ng maayos, kompleto , at wastong


halimbawa para sa bawat teknik na nakatala.

Nailahad ng maayos ang mga diyalogo ng mga


tauhang ginamit.

Nakagamit ng wastong format sa pagsulat ng mga


diyalogo ng dula.

Nakapukaw ng interes at masining ang mga nabuong


halimbawa.

Kabuoan

5-Napakahusay 4-Mahusay 3- Katamtaman

2- Di-gaanong mahusay 1- Sadyang di mahusay

9
Tayahin

Panuto: Tukuyin kung anong teknik at kagamitang pampanitikan ng dula ang


inilalarawan ng mga pahayag. Piliin ang titik ng tamang sagot sa mga salitang
nakatala sa loob ng kahon. MAaring maulit ang iyong sagot.

a. Alusyon
b. Aside o aparte
c. Direksyiyong pang-entablado
d. Intertektuwalidad
e. Pagsisipi
f. Parodya
g. Pun
h. Soliloquy

1. Teknik na ang pananalita ng tauhan ay nakatutok sa mga manonood at hindi


intensiyong iparinig sa iba pang mga tauhan.
2. Instruksiyon na naglalarawan ng kilos -ginagawa o gagawin ng mga tauhan,
aksiyon sa entablado, o isang eksena, pangangailangang teknikal at iba pang
mahalagang impormasyonng kailangan sa produksiyon.
3. Ito ay tumutukoy sa masalimuot na pagkakaugnayan sa isang teksto sa iba
pang teksto. Ginagamit ito ng mandudula, makata, nobelista at iba pang
manunulat sa pamamagitan ng alusyon, pagsisipi, salin, parodiya, at iba pa.
4. Ang pagaggad sa isang teksto nang may ipinapalit na ibang mga salita, at sa
gayo’y magiging iba na ang kahulugan sa bagong teksto.
5. Ang pakikipag-usap ng isang tauhan sa kanyang sarili, naririnig man o hindi
ang kanyang sinasabi ng sinumang tauhan.
6. Ang aktuwal na paggamit sa isa o ilang pangungusap mula sa ibang teksto
upang luminaw o lumalim, maging makabuluhan ang sinasabi ng isang
tauhan.
7. Ang di tuwirang pagtukoy o pag-uugnay sa isang tao, pangyayari, bagay, o
ideya na may kabuluhan sa diyalogo o kasalukuyang aksiyon. Hindi
kinakailangan ang detalyadong pagtukoy roon.
8. Popular na teknik na gingamit ng mga manunulat. Isa itong paglalaro sa salita
na may iba’t ibang kahulugan , o kaya’y ng mga salitang waring
magkasintunog ngunit may naiibang kahulugan.
9. Teknik na ginagamit sa panunudyo, pagpapatawa , o paglikha ng epekstong
retorikal.
10. Ito ang teknik na ginamit ni Marcelo H. Del Pilar sa pagsulat ng kanyang
akdang “Ang Mga Utos ng Fraile”.

10
Karagdagang Gawain

Madalas na nating marininig ang katagang ang buhay ng tao ay parang


isang teatro o isang dula. Ang mundong ating ginagalawan ang magsisilbing
entablado….iba’t ibang eksena at karanasan sa buhay ang ating nararanasan sa
mundong ito. Kailangan lamang ay maging handa sa pagganap sa papel na
gagampanan sa buhay na ito. Ipagpalagay na ikaw ay haharap sa iba’t ibang
eksena ng totoong buhay, paano mo ipapakita ang iyong pagiging malikhain upang
maharap mo nang maayos ang mga eksena o sitwasyong nakatala sa ibaba?

Ikaw ay masaya at maraming pagpapala.

May kinakausap na mabigat na pagsubok ang iyong pamilya.

May natanggap kang balita na may masamang nangyari sa isa mong kapamilya.

Nalilito ka sa isang desisyong dapat mong gawin.

Natapos mo ang isang mahalagang proyekto.

11
Susi sa Pagwawasto

Musikal 5.
Pambata 4.
Komedya 3.
Trahedya 2.
Parsa 1. Guro ang magwawasto
Balikan Tuklasin
magwawasto
Guro ang
Gawain
Karagdagadang

Magwawasto
Guro ang
Isagawa

Parodiya 10.
Pun 9.
Pun 8.
Alusyon 7.
Pagsisipi 5. Pun 6.
Soliloquy 4. Alusyon 5.
Parodiya 3. Parodiya 4.
Intertekstuwalidad 2.Intertekstuwalidad 3.
entablado
Magwawast0 Direksiyong pang- 1. Soliloquy 2.
Guro ang Aside o aparte 1.

Pagyamanin Subukin Tayahin

Sanggunian
Malikhaing Pagsulat nina U.Z. Eliserio, Rachelle Joy M. Rodriguez,

Dayag, Alma M. et. Al 2017. Malikhaing Pagsulat. Quezon City: Phoenix Publishing
House, Inc.

Del Rosario, Mary Grace C. et. Al 2017. Pinagyaman Pluma 10. Quezon City:,
Phoenix Publishing House, Inc.

“Literary Devices. “Inakses, 22 Agosto 2016. http:literarydevices.net/

https://books.google.com.ph/books?id=z5AicLFgbhkC&printsec=copyright&
redir_esc=y#v=onepage&q&f=false

12

You might also like