You are on page 1of 1

 

Republic of the Philippines


Don Honorio Ventura State University
Bacolor, Pampanga

“HINDI HADLANG ANG KAHIRAPAN SA PAG-AARAL”

By: Raymark Diaz Urquico

Mahirap sa akin pilitin ang hindi maaari,


Ako'y dukha at walang pag-aari.
Karangyaan ay pinag-kait,
Buhay na walang kasing pait.

Suntok sa buwan nangangarap,


Dahil ako'y isang mahirap.
Mistula itong banta,
Para simulan ang aking panata.

Ako ay mahirap,
Pero may pangarap.
Handang tiisin ang hirap,
Makamit lang ang diplomang pinapangarap.

Kahirapan ay kalimutan,
Katamaran ay talikuran.
Pangarap na edukasyon,
Aking pag susumikapan.

Heto ako ngayon matiyagang nag lalakbay,


Pawis at dugo ang inaalay.
Handang mag paka alalay,
Makamit lang ang tagumpay.

Lagi nating tatandaan,


Na ang kahirapan ay hindi hadlang upang tayo ay sumuko sa laban.
Ang panginoon ay laging nandiyan,
At hindi tayo pababayaan.

You might also like