You are on page 1of 20

Aralin 2.

1
Gramatika: Pagpapalawak ng
Pangungusap
PANIMULA:
Basahin nang may damdamin ang usapan sa ibaba.
• Carlo: Ate..Bigyan ninyo po ako ng baon.
• Aling Marta: Carlo…(Tinawag siya ni Aling Marta.) Kumain ka
na ba? Ha!
• Carlo: Hindi pa po. Wala pong ulam. Hayan! Tumugtog na
po ang “bell” sa loob ng paaralan.
• Aling Marta: Umayos ka na at baka mahuli ka na sa klase.
Bibigyan din kita ng konting salapi mamaya.
• Carlo: Sana nga po. Makabili man lang ako ng tinapay.
MGA TANONG:
1. Ano ang senaryong makikita sa usapan?
2. Saan kadalasan makikita ang eksenang ito?
3. Ano sa palagay ninyo ang dahilan kung bakit dumarami ang
mga taong kapus-palad?
4. Ano-anong salita ang nagsasaad ng kilos na ginamit sa mga
usapan? Ano ang tawag sa mga salitang ito?
5. Pansinin din ang mga salitang sinusundan ng mga pandiwang
binanggit? Ano ang gamit nito sa mga pangungusap? Ibigay ang
kaugnayan ng mga salitang ito sa mga pandiwa.
KAALAMANG PANGWIKA:
Sa ating mga pahayag o pagsasabi ng ating nadarama o naiisip, may mga
ginagamit tayong katagang nagbibigay ng iba’t ibang kahulugan sa ating
mga pahayag.
Pansinin ang kahulugan ng mga payahag na may mga salitang
sinalungguhitan sa usapan.
Inaantok ka na ba? Hindi pa naman.
Bukas nga pala. Tumawag ka muna.
Lalabas kasi kami. Magpapaturo lang ako.
Magkita sana tayo. May sakit ka yata?
Inaantok lang ako. Hihintayin ko nga ang tawag mo.
KAALAMANG PANGWIKA:
Pansinin natin ang pangungusap sa ibaba.
Aalis siya.
Ngayon, dagdagan natin ang pangungusap na nasa itaas ng mga pang- abay
na ingklitik.
Aalis pala siya. Aalis na siya.
Aalis na nga siya. Aalis yata siya.
Aalis kasi siya. Aalis sana siya.

May nabago ba sa kahulugan ng pagungusap? Ngayon, pare- parehas ba ang


pakahulugan ng bawat pangungusap?
TANDAAN:
• Ang mga ingklitik ay maiikling katagang walang kahulugan sa kanilang
sarili subalit nakapagpapabago ng kahulugan ng pangungusap.
• Mga ingklitik:
• Ba Pa
• Na Nga
• Man Daw /Raw
• Yata Pala
• Kaya Kasi
• Muna Lang Din/rin
• Naman Lamang Tuloy
KAALAMANG PANGWIKA:
•  Isang paraan upang maipakita ang maliwanag na
ugnayan ng paksa/simuno at panaguri ay ang
paggamit ng kaganapan o komplemento ng pandiwa.
• Ang komplemento ng pandiwa ay bahagi ng panaguri
na nagbibigay ng ganap na kahulugan ng pandiwa.
• Sa madaling salita, ito ay nakapokus sa ugnayan ng
panaguri at pandiwa sa isang pangungusap.
KAGANAPAN NG PANDIWA:
1. KAGANAPANG TAGAGANAP
Ito ang bahagi ng panaguri na gumaganap ng kilos
ng pandiwa. Ang pananda na ginagamit dito ay ni
at ng.
Halimbawa:
Kinakausap ni Itay ang batang makulit.
(Ang gumaganap sa pandiwa ay si Itay.)
KAGANAPAN NG PANDIWA:
2. KAGANAPANG LAYON
Bahagi ito ng panaguri na nagsasaad ng bagay o
mga bagay na tinutukoy ng pandiwa.
Halimbawa:
Tumanggap ng parangal ang ale.
(Ang layon ng pandiwang tumanggap ay ng
parangal at sumasagot sa tanong na ano?)
KAGANAPAN NG PANDIWA:
3. KAGANAPANG TAGATANGGAP
Bahagi ito ng panaguri na nagpapahayag kung sino ang
tumatanggap ng kilos ng pandiwa.
Ang panandang para sa ang kalimitang ginagamit dito.
Halimbawa:
Nagtatrabaho ang mga magulang para sa kanilang mga
anak.
(Ang para sa kanyang mga anak ay nagsasaad na ito ang
tumatanggap sa kilos ng pandiwang nagtatrabaho.)
KAGANAPAN NG PANDIWA:
4. KAGANAPANG GANAPAN
Bahagi ito ng panaguri na nagsasaad ng lugar na
ginaganapan ng kilos ng pandiwa.
Panandang sa ang ginagamit dito.
Halimbawa:
Naglalako siya sa lansangan ng mga kakanin.
(Ang pariralang sa lansangan ay nagpapahayag kung saan
naglalako siya ng kakanin.)
KAGANAPAN NG PANDIWA:
5. KAGANAPANG KAGAMITAN
Nagsasaad ang bahaging ito ng panaguri ng bagay o
instrumentong ginagamit upang maisagawa ang kilos ng
pandiwa.
Ginagamit ang panandang sa pamamagitan ng sa bahaging
ito. Halimbawa:
Nagbigti siya sa pamamagitan ng isang matibay na kumot.
(Ang pariralang sa pamamagitan ng isang matibay na kumot
ang ginamit na instrumento upang maisagawa ang pandiwa.)
KAGANAPAN NG PANDIWA:
6. KAGANAPANG SANHI
Ang bahaging ito ng panaguri ay nagsasaad ng dahilan ng
pagkakaganap ng kilos ng pandiwa.
Ginagamit na pananda ang pariralang dahil sa.
Halimbawa:
Napaiyak si Jose dahil sa matinding pagkadismaya .
(Ang sanhi ng pandiwang napaiyak ay sa matinding
pagkadismaya.)
KAGANAPAN NG PANDIWA:
7. KAGANAPANG DIREKSYUNAL
Ang bahaging ito ng panaguri na nagtuturo sa direksyon ng
kilos na taglay ng pandiwa.
Ginagamit na pananda ang pang-ukol na sa.
Halimbawa:
Ang mga pagkain ay inilagay sa ilalim ng aparador.
(Ang direksyong itinuturo ng pandiwang inilagay ay sa
ilalim ng aparador.)
PAGSASANAY 1:
PANUTO: Ibigay ang angkop na ingklitik na bubuo sa
bawat pangungusap.
1. Ikaw _________ ang dumating?
2. Umalis na ____ siya at may gagawin pa ako.
3. Darating ____ mamaya ang bisita.
4. Nagmamadali ___ siya’t nalimutan niyang
kumain?
5. Dumating naman ___ siya?
PAGSASANAY 1:
5. Dumating naman ___ siya?
6. Umalis ____ siya dahil nainip sa paghihintay sa
iyo.
7. Kumain ___ sila bago umalis.
8. Hindi ka ___ tumawag bago pumarito.
9. Naglalaba ___ siya hanggang ngayon.
10. Pupunta ____ raw siya ngayon.
PAGSASANAY 2:
PANUTO: Sabihin ang kahulugang ipinahahayag ng
bawat ingklitik sa pangungusap.
1. Hindi man lamang siya tumawag upang
magpaalam.
2. Umalis na kaya siya?
3.Babalik daw naman siya.
4. Bumalik sana siya agad.
5.Hinihintay mo pala siya.
PAGSASANAY 3:
PANUTO: Palawakin ang bawat pangungusap sa pamamagitan ng ingklitik.

1. Dumating ang tatay. 6. Nasa pulong ang mga tao.


2. Kumain ang mga bisita. 7. Narito ang ate mo.
3. Masaya si Lina. 8. Umaawit kami.
4. Nag- aaral ang bata. 9. Sasama ka?
5. Bumili siya ng sapatos. 10. Hindi siya nagpaalam.
PAGSASANAY 4:
PANUTO: Tukuyin ang ginamit na kaganapan ng pandiwa sa
bawat pangungusap
1. Ang masukal na pook ay ginalugad ng mga residente.
2. Kinaumagahan, nagtitinda ng puto ang ale.
3. Dahil sa pangambang masaktan, nanatili na lamang siya sa
bahay.
4. Tinalo ni Mayweather si McGregor sa labanan.
5. Ang bagyo ay humupa na sa ibang lugar ng Pilipinas.
MARAMING SALAMAT!
Nawa ay may naunawaan kayo sa aralin.
-Ma’am Yen

You might also like