You are on page 1of 33

Pangungusap

Inihanda ni:
AURORA B. PATAL
STO. ANGEL ELEM. SCHOOL
S
Ano ang pangungusap?
 Ang pangungusap ay lipon ng mga salita na
may buong diwa.
 Ito ay nagsisimula sa malaking titik.
 Ginagamitan ito ng bantas:

“.,!?:;”
 Ayos ng pangungusap
 Bahagi ng pangungusap
 Uri ng pangungusap
 Kayarian ng pangungusap
Mga Bantas
1. Tuldok ( . )
Ginagamit sa mga pangungusap na
pasalaysay, pautos, o pakiusap.
Halimbawa:
Gumawa tayo ng paraan.
Magkaisa tayong lahat.
Pakiabot ng aklat sa may mesa.
Ang mga bata ay handa na sa
pagpasok.
2.Tandang Pananong ( ? )
Ginagamit sa mga pangungusap na
nagtatanong.
Halimbawa:
Lahat ba ay narito na?
Kailan kaya tayo pupunta sa Baguio?
Maaari po ba akong sumama?
Sino-sino po ba ang kasama?
Bakit pa kayo aalis?
3. Tandang Padamdam ( ! )
Ginagamit sa mga pangungusap na
padamdam o nagpapahayag ng
matinding damdamin.
Halimbawa:
Nanalo ako!
Yehey! Sasama ako.
Naku! Baka hindi sila makasama.
Ay! Sa wakas aalis na kami.
Hoy! Sasama rin pala sila.
4. Kuwit ( , )
Ginagamit ito sa paghihiwalay ng
magkasunod na salitang binabanggit sa
isang pangungusap.
Halimbawa:
Maraming lawa ang makikita sa
Lungsod ng San Pablo tulad ng Sampalok,
Bunot, Palakpakin, Kalibato, Mohikap,
Pandin, at Yambo.
5. Panipi ( “ ” )
Ginagamit sa paghihiwalay ng tuwirang
sinabi ng tauhan sa isang pahayag.
Halimbawa:
“Maglinis tayo ng paligid!” sigaw ng kabataan sa
parada.
“Lakad! Na tayo”, ang sabi ni Erap.
“Sige! tayo na”, ang sagot ni Gloria.
“Hoy! Intayin nyo ako”, ang pakiusap ni
Noynoy.
6. Tutuldok ( : )
Ginagamit upang ihiwalay ang isang
paliwanag, tuntunin, o halimbawa buhat
sa isang malayang sugnay.
Halimbawa:
Ang gusto kong mga gulay ay ang mga
sumusunod: upo, patola, kalabasa, sayote,
ampalaya, labanos, pechay, talong, okra, at
sitaw.
7. Tuldok Kuwit ( ; )
Ginagamit ito sa pagdurugtong ng
dalawang magkahiwalay na sugnay
upang maging isang pangungusap.
Halimbawa:
Hangang-hanga ang mga manonood sa
tinig ni Sarah Geronimo; sadyang
napakahusay niya.
Mga Uri
ng Pangungusap
1. Pasalaysay o Paturol
Ito ay pangungusap na nagsasalaysay o
nagkukwento. Ginagamitan ng tuldok (.)
Halimbawa:
1. Ang Pamilya De la Cruz ay nanood ng sine
sa SM noong Linggo.
2. Mahaba ang pila ng mga taong manonood
sa sinehan.
3. Masayang-masaya ang lahat sa panonood .
2. Patanong
Ito ay pangungusap na nagtatanong.
Ginagamitan ng tandang pananong (?)
Halimbawa:
1. Kasama po ba silang lahat?
2. Naging masaya ba ang lahat sa
panonood ng sine?
3. Sino-sino ang bidang artista sa
pelikulang ipinalabas sa sinehan?
3. Pautos
Ito ay pangungusap na nag-uutos.
Ginagamitan ng tuldok(.)
Halimbawa:
1. Magtanim tayo ng puno.
2. Huwag kang magkakalat.
3. Magbasa ka ng tahimik.
4. Pakiusap
Ito ay pangungusap na nakiki-usap.
Ginagamitan ito ng tuldok at tandang
pananong ( . ? )
Halimbawa:
1. Pwede po bang magdala ng laruan sa
paaralan?
2. Paki-pasa naman ng bola sa akin.
3. Maari po bang pitasin ang mga
bulaklak sa paaralan?
5. Padamdam
Ito ay pangungusap na nagpapahayag
ng matinding damdamin. Ginagamitan
ito ng tandang padamdam ( ! ).
Halimbawa:
1. Aray! Masakit ang tiyan ko!
2. Naku! Tulungan natin si Carlo.
3. Hoy! Tayo na dalhin na natin siya sa
ospital.
Ayos ng
Pangungusap
1. Karaniwang Ayos
Ito ay binubuo ng panaguri sa unahan
at simuno sa huling bahagi ng
pangungusap.
Halimbawa:
1. Matitiyaga at masisipag ang mga
Pilipinong OFW.
2. Masinop sa gawain ang mga
manggagawang pinoy.
2. Di-Karaniwang Ayos
Ito ay binubuo ng simuno sa unahan at
panaguri sa huling bahagi ng
pangungusap.
Halimbawa:
1. Ang mga Pilipinong OFW ay
matitiyaga at masisipag.
2. Ang mga manggagawang pinoy ay
masinop sa gawain.
Bahagi
ng
Pangungusap
1. Simuno o Paksa
Ang simuno o paksa ay bahaging
pinagtutuunan ng pansin sa loob
ng pangungusap.
Halimbawa:
(simuno) / (panaguri)
Ang mga bata ay sumama sa parada.
2. Panaguri
Ang panaguri ay bahagi ng
pangungusap na nagbibigay ng
kaalaman o impormasyon tungkol sa
simuno o paksa.
Halimbawa:
(panaguri) / (simuno)
Sumama ang mga bata sa parada.
3. Tuwirang Layon at Di-Tuwirang
Layon
Ito ay mga salita o parirala sa pangungusap na
bahagi ng panaguri. Tumutulong ang mga ito upang
mag-bigay linaw sa kahulugan ng pangungusap.
Nagpapahaba rin ng pangungusap ang mga ito.
Halimbawa:
(panaguri)/(simuno)/(tuwirang layon)
Nagtirik / sila / ng kandila.
(panaguri) /(simuno)/ (tuwirang layon / (di-tuwirang layon)
Nagtirik / sila/ ng kandila/ sa simbahan.
Kayarian
ng
Pangungusap
1. Payak na pangungusap
Ang payak na pangungusap ay binubuo ng isang
malayang. Ang malayang sugnay ay nakapag-
iisa. May simuno at pag-uri ito. Iisa ang
diwang inihahatid ng payak na pangungusap
kahit na tambalan ang simuno at panag-uri.
Halimbawa:
Panag-uri Paksa
Nanguha ako ng mga tuyong dahon ng
halaman.
2. Tambalang pangungusap
Ang tambalang pangungusap ay
binubuo ng dalawa o higit pang mga
payak na pangungusap. Tinatawag din
itong mga sugnay na nakapag-iisa.
Halimbawa:
Si Lance ang pangulo sa klase habang
si Liam ang pangalawang pangulo.
3. Hugnayang Pangungusap
Ang hugnayang pangungusap ay binubuo ng
isang sugnay na nakapag-iisa at isang
sugnay na di-nakapag-iisa na ginagamit din
bilang pang-uri, pang-abay, o pangngalan.
Halimbawa:
1. Ang payong na dala ko ay malaki. (Pang-uri)
2. Ang bansa ay uunlad kung magsisikap tayo.
(Pang-abay)
3. Isang malaking suliranin ay ang pagliban ng
mga bata sa klase. (Pangngalan)
4. Tambalang Pangugusap
 Ang Tambalang pangungusap ay binubuo
ng dalawang malayang sugnay na
ipinahahayag na maaring magkapareho,
magkasalungat o may pagpipilian. Bawat
malayang sugnay ay isang payak na
pangungusap. Ginagamit ang pang-ugnay
na at kung magakapareho ang ideya; ngunit
ang pang-ugnay kung magkasalungat ang
mga ideya at o kung may pagpipilian:
Paalala:
Ginagamit ang mga pang-ugnay
na pangatnig sa pag-uugnay ng
mga pangungusap na tambalan at
hugnayan. Ang mga halimbawa
ng pang-ugnay na pangatnig ay
at, ngunit, kung at iba pa.

Ginagamit din na pang-
ugnay ang mga pang-
angkop na na, ng at g sa
dalawang salita, parirala,
sugnay at sa
pangungusap.
Maraming
Salamat po!
Isagawa ang mga
sumusunod:
1. Ano ang ibat ibang uri ng pangungusap?
2. Ano-ano ang mga bantas na ginagamit sa
pangungusap?
3. Ibigay ang bahagi ng Pangungusap.
4. Ano ang ayos ng pangungusap na ginagamitan ng
ay?
5. Ibigay ang iyong sariling opinyon:
Bakit mahalaga ang paggamit ng
pangungusap?
Mga Sagot: (3 pts. each)
1. Pasalaysay o paturol, patanong,
pakiusap, pautos, padamdam.
2. . , ? !” “
3. Simuno o paksa, panaguri, tuwirang
layon at di- tuwirang layon.
4. Di-karaniwang ayos ng pangungusap.
5.
__________________________________

You might also like