You are on page 1of 86

Kakayahang

Pangkomunikatibo
• Sa pagtuturo at pagkatuto ng wika hindi sapat
na alam ang tuntuning pang-gramatika.
• Ang pangunahing layunin sa pagtuturo ng
wika ay magamit ito ng wasto sa mga angkop
na sitwasyon, maipahatid ang tamang mensahe
at magkaunawaan ng lubos ang dalawang
taong nag-uusap.
Kakayahang Komunikatibo o
Communicative Competence
Ano ba ang kakayahang
pangkomunikatibo?
Kakayahang Pangkomunikatibo

• Nagmula ito sa isang linguist,


sociolinguist, anthropologist, at
folklorist mula sa Portland Oregon na
si Dell Hymes (1966)
Kakayahang Pangkomunikatibo

• Nilinang nila ni John J. Gumperz ang


konseptong ito bilang tugon sa
kakayahang lingguwistika.
Kakayahang Pangkomunikatibo

• Bilang reaksyon sa kakayahang


lingguwistika (lingguistic
competence) ni Noam Chomsky
noong 1965.
Kakayahang Pangkomunikatibo

• Ayon kay Hymes sa nagsasalita ay hindi


sapat ang magkaroon ng kakayahang
lingguwistika upang epektibong
makipagtalastasan gamit ang wika.
Kakayahang Pangkomunikatibo

• Nararapat din niyang malaman ang


paraan ng paggamit nito
Ano ang kakayahang
gramatikal?
Kakayahang Gramatikal

• Ayon kina Canale at Swain, ito ay ang pag-


unawa at paggamit sa kasanayan sa
ponolohiya, morpolohiya, sintaks, semantika,
gayundin ang mga tuntuning pang-ortograpiya.
Kakayahang Gramatikal

• Ang komponent na ito ay magbibigay


kakayahan sa taong nagsasalita upang
magamit ang kaalamn at kasanayan sa
pag- unawa at pagpapahayag sa literal na
kahulugan ng mga salita.
Mungkahing Komponent ng
Kakayahang Lingguwistiko o
Kakayahang Gramatikal (Celce-
Murcia, Dornyei, at Thurell –
1995)
Sintaks-pagsasama ng mga salita upang
makabuo ng pangungusap na may kahulugan.
•Estraktura ng pangungusap
•Tamang pagkakasunod-sunod ng mga salita
•Uri ng pangungusap ayon sa gamit (pasalaysay,
patanong, pautos, etc.)
•Uri ng pangungusap ayon sa kayarian (payak,
tambalan, hugnayan, langkapan)
•Pagpapalawak ng pangungusap
Estruktura ng Pangungusap
• Simuno o Paksa (Subject sa wikang Ingles)
ang bahaging pinag-uusapan o pinagtutuunan
ng pansin sa loob ng pangungusap. Ang paksa
o simuno ay maaaring gumaganap ng kilos o
pinagtutuunan ng diwang isinasaad sa pandiwa
at ganapan ng kilos ng pandiwa.
• Panaguri (Predicate sa wikang Ingles) ang
bahagi ng pangungusap na nagbibigay ng
kaalaman o impormasyon tungkol sa
paksa. Ito ay naglalahad ng mga bagay
hinggil sa simuno. Estruktura ng
pangungusap
Pangunahing Uri ng Pangungusap
• Karaniwan
- Maganda si Aiyana.
- Pumunta si Clara sa palengke.
- Gustong maglaro ng basketball ni Aidan. 

• Di-Karaniwan
- Si Allen ay nakatulog sa classroom.
- Tayo ay nalulungkot sa pagkawala ni Jairus
- Sina Joyce at Alyssa ay sumayaw sa kanto.
Uri ng Pangungusap ayon sa Gamit
1. Pasalaysay o Paturol Ito ay nagsasalaysay ng
katotohanan o pangyayari. Lagi tiong nagtatapos sa
tuldok.
Mga Halimbawa
- Si Norberto ay isang matagumpay na arkitekto.
- Ang mundo ay umiikot sa sarili nitong axis.
- Ang daigdig ay ang tanging planetang may buhay. 
Uri ng Pangungusap ayon sa Gamit
2. Patanong Ito ay nag-uusisa tungkol sa isang
katotohanan o pangyayari. Tandang pananong(?)
ang bantas sa hulihan nito. Mga Halimbawa
-Saan ko makikita ang opisina ni Gng.
Mangahas?
-Kailan ang huling pagsusulit para sa
kasalukuyang semestre?
-Kanino mo iniwan ang iyong bag?
Uri ng Pangungusap ayon sa Gamit
3. Padamdam Ito ay nagsasabi ng matinding damdamin
gaya ng tuwa, lungkot, pagkagulat, paghanga,
panghihinayang at iba pa. Karaniwang nagtatapos ito sa
tandang panamdam. Maaari ring gamitin ang tandang
pananong.
Mga Halimbawa
-Ay! Tama pala ang sagot ko.
-Ano? Hindi mo pa natatapos ang proyekto natin?
- Yehey! Wala na namang pasok. 
Uri ng Pangungusap ayon sa Gamit

4. Pautos o Pakiusap Ang pautos ay


nagpapahayag ng obligasyong dapat tuparin,
samantalang ang pakiusap ay nagpapahayag ng
pag-utos sa magalang na pamamaraan.
Nagtatapos ito sa tuldok. 
Mga Halimbawa
Pautos
-Mag-aral kang mabuti.
-Nararapat lamang matutong sumunod ang mga mag-
aaral ng seminary sa patakaran ng Bible School.
Pakiusap
-Pakibigay mo naman ito sa iyong guro.
-Maari bang iabot mo ang aklat na iyan? 
Uri ng Pangungusap ayon sa Gamit
1. Payak – isang diwa lang ang tinatalakay.
– maaaring may payak na simuno at panaguri.
Halimbawa:
Maraming biyayang bigay ang Panginoon sa
mga tao.
Payak na Pangungusap
Payak ang pangungusap kapag nagpapahayag ng
isang diwa, maaaring tambalan ang simuno at
panaguri na pinag-uugnay ng at.
• Mega star si Sharon.
• International star si Lea.
• Mang-aawit si Sharon at si Lea.
• Artista ang mang-aawit na si Lea.
• Artista at mang-aawit sina Lea at Sharon.
2. Tambalan – may higit sa dalawang kaisipan.
– binubuo ng dalawa o higit pang diwa /sugnay na
nakapag-iisa.
– ginagamitan ng pangatnig na magkatimbang
Hal. Ang biyaya ay kusang-loob na ibinibigay at ito ay
kaloob na walang bayad.
Ang mga pangatnig na magkatimbang ay at, pati, saka,
o, ni , maging, ngunit.
Payak na Pangungusap
• Mega star si Sharon at international star si
Lea.
• Naghihimala ang Birhen sa Agoo at
naghihimala rin ang Birhen sa Lipa.
• May kapansanan siya subalit napaglabanan
niyang lama ang pagsubok sa buhay.
• Matanda na siya datapwat malakas pa ang
tuhod niya.
Sugnay

• Ang Sugnay ay bahagi ng mga salita


pangungusap na buo ang diwa. Maroong itong
dalawang uri, ang sugnay na makapag-iisa at
sugnay na di mag-iisa. 
• Sugnay na makapag-iisa - ito ay maaaring
tumayo bilang payak na pangungusap.
 - Ang ating mga tahanan ay linisan.
-Nagluluto ako na ako ng ulam.
-Ang aking takdang araling ay tapos na.
-Si itay ay nagpunta sa doktor.
-Ako ay kakain ng gulay.
• Sugnay na di makapag-iisa - mayroon
itong paksa at panaguri ngunit hindi buo
ang diwa ng ipinahahayag. Kailangan
nito ng sugnay na makapag- iisa upang
mabuo ang diwa.
- upang di pamugaran ng lamok.
- nang sila ay dumating.
- kaya pwede na akong maglaro sa labas.
- upang magpagamot.
- para maging malusog ang aking katawan.
Halimbawa
(naka-highlight sa pula = makapag-iisa pag berde = di
makapag-iisa)
1.Ang ating mga tahanan ay linisan upang di pamugaran ng
lamok.
2.Nagluluto na ako ng ulam nang dumating sila.
3.Ang aking takdang araling ay tapos na, kaya pwede na
akong maglaro sa labas.
4.Si itay ay nagpunta sa doktor upang magpagamot.
5. Ako ay kakain ng gulay upang maging malusog ang
aking katawan.
Hugnayan
•  pangungusap na binubuo ng isang sugnay na
makapag-iisa at sugnay na di makapag-iisa. –
ginagamitan ng pangatnig na di-magkatimbang
( kung, nang, bago, upang, kapag, dahil sa, sapagkat)
Halimbawa:
- Mabuti ang mag-asawa sapagkat tumutulong sa mga
kapitbahay na nangangailangan. ( ang may
salungguhit ay sugnay na makapag-iisa; walang
salungguhit ay sugnay na di makapag-iisa) 
4. Langkapan – pangungusap na binubuo ng tambalan at
hugnayang pangungusap ( binubuo ng dalawang sugnay
na nakapag-iisa at sugnay na di nakapag-iisa)
Halimbawa:
Mabuti ang mag-asawa at sila ay may busilak na puso
dahil sinusunod nila ang utos ng Panginoon. (walang
salungguhit ay sugnay na makapag-iisa; may
salungguhit sugnay na di- makapag-iisa)
Hugnayan ang pangungusap na binubuo ng
malaya at di malayang sugnay na
pinangungunahan ng kung, kapag, samantala,
habang, sapagkat, upang, nang, pagkat,dahil sa.
May simuno at panaguri ang sugnay tulad ng
pangungusap ngunit bahagilamang ito ng
pangungusap.
• Kung may pananalig ka sa sarili, magtatagumpay ka.
• Habang nasa kabundukan pa ang Bundok Pinatubo ang
lahar malaking panganib angdarating.
• Nararapat puntahana ang mga makasaysayang poo k
upang maisadiwa ang mganagawang kabayanihan ng
ating kalahi.
• Kilalanin natin ang katangian ng ating bansa nang
maipagmalaki natin ito.
• Samantalang nasa isip mo iyon walang mangyayari sa
buhay mo.
MORPOLOHIYA
- ang pag-aaral ng mga morpema ng isang wika
at nagpagsasama-sama ng mga ito upang
makabuo ng salita.
- Ang morpema ay maaaring isang salitang-ugat
o isang panlapi.
- Ang salitang makahoy, halimbawa ay may
dalawang morpema: (1) ang unlaping {ma-} at
ang salitang-ugat na {kahoy}.
MORPOLOHIYA
- Sa halimbawang salitang makahoy, maaaring
masabing ang ibig sabihin nito’y “maraming kahoy”.
Ang salitang ugat na kahoy ay nagtataglay rin ng
sariling kahulugan. Ito ay hindi na mahahati pa sa
lalong maliliit na yunit namay kahulugan. Ang ka at
hoy, ay mga pantig lamang na walang kahulugan. May
pantig na panghalip na ka sa Filipino, gayundin naman
ng pantawag na hoy, ngunit malayo na ang kahulugan
ng mga ito sa salitang kahoy.
MORPOLOHIYA
- Samantala, pansinin ang salitang babae, ito ay binubuo
lamang ng iisang morpema. Hindi na ito mahahati pa sa
maliit na yunit o bahagi nang hindi masisira ang
kahulugan. Hindi morpema ang mga sumusunod na
maaaring makuha sa babae: be, e, baba, bae, bab, aba,
abab, at ab. Maaaring maibigay tayong kahulugan sa
baba at aba ngunit gaya ng naipaliwanag na, malayo na
ang kahulugan ng mga ito sa babae.
Bahagi ng Pananalita
Bahagi ng Pananalita
• Pangngalan - (noun) - mga pangalan ng tao,
hayop, pook, bagay, pangyayari. Ginamit ito
sa pagtawag sa pangalan ng mga hayop, tao,
atbp.

Halimbawa: Corazon Aquino, bata, babae 


Bahagi ng Pananalita
• Panghalip - (pronoun) - paghalili sa
pangngalan.

Halimbawa: ako, ikaw, siya, atin, amin, kanya.


Bahagi ng Pananalita
• Pandiwa - (verb) - bahagi ng pananalita na
nagsasaad ng kilos.

Halimbawa: sayaw, tuwa, talon.


Bahagi ng Pananalita
• Pangatnig - (conjunction) - ginagamit para
ipakita ang relasyon ng mga salita sa
pangungusap.

Halimbawa: dahil, maging, man, gawa ng,


upang, nang, para, samantala atbp 
Bahagi ng Pananalita
• Pang-ukol - (preposition) - ginagamit kung
para kanino o para saan ang kilos.

Halimbawa: para, ukol,


Bahagi ng Pananalita
sa/sa mga alinsunod sa/kay
ng/ng mga hinggil sa/kay
ni/nina nang wala
kay/kina para sa/kay
sa/kay laban sa/kay
labag sa ayon sa/kay
nang may tungo sa
tungkol sa/kay mula sa
Bahagi ng Pananalita
• Pang-angkop - (ligature) - bahagi ng
pananalita na ginagamit para maging maganda
pakinggan ang pagkakasabi ng pangungusap.

Halimbawa: na, ng, g. magandang bata. Bahagi


ng Pananalita
May tatlong pang-angkop ang ginagamit sa pag-
uugnay ng mga salita
• 1. Pang-angkop na na - Ito ay nag- uugnay ng
dalawang salita na kung saan ang naunang salita ay
nagtatapos sa mga katinig maliban sa titik n.
Isinusulat ito nang kahiwalay sa mga salitang pinag-
uugnay.

Halimbawa: Ang malinis na hangin ay ating kailangan.


May tatlong pang-angkop ang ginagamit sa pag-
uugnay ng mga salita
• 2. Pang-angkop ng ng - Ito ay isinusulat
karugtong ng mga salitang nagtatapos sa mga
patinig (a, e, i, o u).
Halimbawa:

Pinipigil ng malalaking ugat ng mga puno ang


baha. 
May tatlong pang-angkop ang ginagamit sa pag-
uugnay ng mga salita
3) Pang-angkop na g - ginagamit kung ang
salitang durogtungan ay nagtatapos sa titik na n.

Halimbawa:
Isang masunuring bata si Nonoy. May tatlong
pang-angkop ang ginagamit sa pag-uugnay ng
mga salita
Bahagi ng Pananalita
• Pang-uri (adjective) -naglalarawan ng
katangian ng pangngalan o panghalip.

Halimbawa: matangkad, mabango, mababaw


Magandang bata. 
Bahagi ng Pananalita
• Pang-abay - (adverb) - naglalarawan sa pang-
uri, pandiwa at kapwa nito pang-abay.

Halimbawa: taimtim, agad, tila, higit, kaysa 


Nang, sa, noon, kung, kapag, tuwing, buhat,
mula, umpisa, hanggang
•Kahapon, kangina, ngayon, mamaya, bukas,
sandali,atb.
•Araw-araw, tuwing umaga,taun-taon atb.
•Sa, kay, kina
•marahil, siguro, tila, baka, wari, atb.
Bahagi ng Pananalita
• Pantukoy - (article o determiner ) - tinutukoy
ang relasyon ng paksa at panag-uri sa
pangungusap.

Halimbawa: si, ang, ang mga, mga Bahagi ng


Pananalita
• Pantukoy na Pambalana - tumutukoy sa mga
pangngalang pambalana
Halimbawa: ang, ang mga, mga 

• Pantukoy na Pantangi - tumutukoy sa


pangngalang pantangi (tiyak na tao)

Halimbawa: si, sina, ni, nina, kay,


Bahagi ng Pananalita
• Pang-abay - (adverb) - naglalarawan sa pang-
uri, pandiwa at kapwa nito pang-abay.

Halimbawa: taimtim, agad, tila, higit, kaysa


• Nang, sa, noon, kung, kapag, tuwing, buhat,
mula, umpisa, hanggang
• Kahapon, kangina, ngayon, mamaya,
bukas, sandali,atb.
• Araw-araw, tuwing umaga,taun-taon atb.
• Sa, kay, kina
• marahil, siguro, tila, baka, wari, atb.
Bahagi ng Pananalita
•  Pangawing - (linker) - nagpapakilala ng ayos
ng mga bahagi ng pangungusap.

- AY ito ang pang-dugtong sa mga pangungusap


na di- karaniwang ayos 
Dalawang uri ng morpema ayon sa
kahulugan.
• Mga morpemang may kahulugang leksikal
(content words)
- ang morpema ay nakakatayo ng mag- isa
sapagkat may angkin siyang kahulugan na
hindi na nangangailangan ng iba pang salita. 
Content words
• Pangngalan: Rik, dance, olympic, aso, tao,
lapis
• Panghalip: siya, kayo, tayo, sila, ako, ikaw,
atin,
• Pandiwa: sumayaw, nanalo, mag-aral,
kumakanta
• Pang-uri: banal, maligaya, palaaway, makinis
• Pang-abay: magaling, kahapon, kanina, 
Dalawang uri ng morpema ayon sa
kahulugan.
• Mga Morpemang may kahulugang
pangkayarian (function words)

-mga salitang nangangailangan ng iba pang mga


salita upang mabuo ang kanilang gamit sa
pangungusap.
- ang mga ito ay nagpapalinaw sa kahulugan ng
pangungusap
Function words

• Pang-angkop: na, -ng


• Pangatnig: kaya, at, o saka, pati Pang-ukol: sa,
tungkol sa/kay, ayon sa/kay
• Pananda: ay, si, ang, ng, sina, ni/nina,
kay/kina 
Morpolohiya
• Prosesong derivational - kain+an = kainan -
asawa + hin = asawahin - iyak +in = iyakin
• Prosesong inflectional - sayaw + um =
sumayaw - nag+laba = naglaba - ka+kanta+hin
= kakantahin
Leksikon

• Ito ay mga salita na ginagamit sa isang


wika ng mananalita nito. Tinatawag din
itong bokabularyo ng isang wika
Mga Paraan sa pagbuo ng mga
salita
1. Pagtatambal
2. Akronim
3. Pagbabawas o clipping
4. Pagdaragdag
5. Paghahalo o blending
6. Mga salita mula sa Pangalan
Pagtatambal

• Sa paraang ito, ang mga salita ay


nabuo sa pamamagitan ng
pagtatambal ng mga morpema na
naging bahagi ng wikang Filipino
Halimbawa:
Dulawit mula sa dula at awit
Balarila mula sa bala ng dila
Bahaghari mula sa bahag at hari
Balatsibuyas (maramdamin) mula sa balat
sibuyas
Hampaslupa (mahirap) mua sa hampas at lupa
Akronim
• Sa paraang ito, ang mga salita ay hango sa
mga insyal o mga unang pantig.

Halimbawa:
PSA – Philippine Statistic Office
MDSF – Montessori De Sagrada Familia
WHO – World Health Organization
Pagbabawas o Clipping
• Ang prosesong ito ay pagpapaikli ng mga
salita na kadalasang ginagamit sa pasalitang
paraan.
Halimbawa:
• Dok – doktor
• Tser – titser
• Mars/pars – mare o pare
• Direk – direktor
Pagdaragdag
Kung may mga salitang binabawasan, mayroon
din namang dinadagdagan.

Halimbawa:

Boss- bossing
Sampalin- sampalilukin
Paghahalo o Blending
• Ang paraang ito ay ang pagbabawas at
pagtatambal ng mga salita.

Halimbawa:
- Banyuhay – mula sa bagong anyo ng buhay
- Cha-cha – mula sa charter change
- Crispylicious – mula sa crispy at delicious
• Mga salitang mula sa mga pangalan
– Sa pagiging malikhain sa pagbuo ng mga salita may mga
pangalan ng produkto o brand na nagiging pandiwa
Halimbawa: xerox – nagseseroks, magseseroks, nagpaseroks
- Ang brand o produkto ay nagiging pangngalanng
pambalana tulad ng Pampers na brand ng diaper.
Ipinalalagay ng ibang tao na ito mismo ang diaper dahil
pangunahing brand ito.
- Kaya kung minsa’y nakaririnig tayo ng “Mayroon po ba
kayong Pampers na EQ?”
Denostasyon at Konotasyon
May dalawang paraan upang
mabigyang kahulgan ang
mga salita
Denotasyon
 Ang kahuluganay karaniwang
nakukuha sa diksyunaryo
Ang salita ay nagbibigay ng isang
tiyak na kahulugan at ito ay
ginagamit sa karaniwan at simpleng
pahayag.
Bahay
• Denotasyong kahulugan

- Tirahan ng tao
- Isang gusali na itinayo upang maging
proteksyon ng tao.
Konotasyon
• Ang pagpapakahulugang iba kaysa sa
pangkaraniwang pakahulugan.
• Ito ay maaaring mag iba-iba ayon sa saloobin,
karanasan at sitwasyon ng isang tao.
Nagtataglay ng mga pahiwatig ng emosyonal o
pansaloobin ang mga salita.
• Mayroong malalim ang kahulugan ng salita.
Napapaganda ang pangungusap.
Bahay
• Kaligayahan
• Proteksyon
Ponolohiya
• Ang tawag sa maagham na pag-
aaral ng tunog
• Pinag-aaralan ang wastong bigkas
ng mga tunog na tinatawag na
ponema
• Ponema – ang tawag sa mga yunit ng
tunog ng isang wika
• (Phoneme) phone – tunog
eme - makabuluhan
Ponema
• Tumutukoy ito s makabuluhang tunog – ang
bawat ponema ay maaaring makapagpabago
ng kahulugan ng isang salita.
Halimbawa: Nasa – pasa

• Maaari ring di makapagpabago – malayang


nagpapalitan
Halimabawa: babae-babai; lalake-lalaki
2 Uri ng Ponema
• Ponemang Katinig – binubuo ng 16 na ponema
• /b/, /p/, /k/, /g/, /d/, /t/, /h/, /s/, /l/, /r/, /m/,
/n/, /ng/, /w/, /y/
• Ponemang Patinig – ayon sa mga linggwista at
ilang mananaliksik, tatatlo lamang ang patinig
ng Filipino; /a/, /i/, at /u/. Ayon kay Cibar
(1994) ang ponemang /e/ at /o/ ay hiram na
salita sa Kastila at Ingles
•Allophone – ang tunog na /e/ at /i/ o /o/ at /u/ ay
malayang nagkakapalitan na hindi nagbabago
ang kahulugan ng mga salita.
•Halimbawa:
Babai-babae
lalaki-lalake
Ali-ale
Bukol=bukul
Tono-tuno
• Diptonggo/ Malapatinig – tumutukoy ito sa
pinagsamang tunog ng isang patinig /a,e,i,o,u /
at tunog ng isang malapatinig /w, y/ sa iisang
pantig. (aw, iw, ow,ay ey,oy,uy)
• Hal. araw, ayaw, baboy, aliw, sisiw, kahoy,
tuloy, sawsaw, kasuy, wow, bahay, kalay,
gulay
• Klaster o Kambal Katinig– ito ay
magkasamang tunog ng dalawang ponemang
katinig sa iisang pantig; matatagpuan ito sa–
inisyal, sentral, pinal
• Hal. Blusa, kwento, hwag, traysikel
transportasyon,
• Pares Minimal – magkatugmang salita
na hindi magkaugnay na kahulugan
subalit tugmang-tugma sa bigkas maliban
sa isang ponema.
• Hal. Pala-bala ; hari- pari; tali-bali
• Ortograpiya
• Mga graferma (pasulat na simbolo sa praktikal
na ortograpiya ng wikang pambansa ay
binubuo ng letra at di letra) -titik at di titik
• Patinig at palatinigan
• Tuntunin sa pagbaybay
• Tuldik
• Mga bantas

You might also like