You are on page 1of 19

Mga Karunungang Bayan

Filipino 8
KARUNUNGANG-BAYAN

Noon pa man ay sinasabing mayaman na ang


panitikang Pilipino. Tayo ay may sarili nang panitikang
nagtatagalay ng kasaysayan ng ating lahi bago man
dumating ang mga Espanyol at iba pang mga dayuhan sa
bansa.
KARUNUNGANG-BAYAN

Ang panitikang ito ay binubuo ng mga salawikain,


sawikain, bugtong, palaisipan, kasabihan, at bulong.
Karaniwang ang mga ito ay nagmula sa mga Tagalog at
hingango sa mga mahahabang tula.
Salawikain

Ito ay nakaugalian nang sabihin at nagsisilbing batas at


tuntunin ng kagandahang asal ng ating mga ninunong
naglalayong mangaral at umakay sa mga kabataan sa
pagkakataon ng kabutihang-asal.
Halimbawa

● ‘Pag maiksi ang kumot, matutong mamaluktot.


● Kung ano ang itinanim, ay siyang aanihin.
● May tainga ang lupa, may pakpak ang balita.
● Kung hindi ukol, hindi bubukol.
● Bago mo sabihin at gawin, makapitong iisipin.
Sawikain

Ang mga sawikain ay nagtataglay ng


talinghaga sapagkat ito ay may nakatagong
kahulugan. Sa ibang sanggunian ay tinatawag
din itong idyoma o kaya naman ay
eupemistikong pahayag.
Halimbawa

 Luha ng buwaya
 Balitang kutsero
 Balat-sibuyas
 Di-makabasag pinggan
 Naniningalang pugad
Kasabihan
Ang mga kasabihan noong unang panahon ay yaong
ipinalalagay na ang mga sabihin ng mga bata at
matatanda na katumbas ng mga tinatawag na Mother
Goose Rhymes. Ang kasabihan ay karaniwang
ginagamit sa panunukso o pagpuna sa kilos ng isang
tao.
Halimbawa
● Ang kalinisan ay tanda ng kasipagan
● Titingkad ang iyong kagandahan, kung maganda rin
ang iyong kalooban.
● Ang masipag sa buhay, umaani ng tagumpay.
● Huwag mong hatulan ang isang aklat, sa pamamagitan
ng kanyang pabalat.
● Ang anak na magalang, ay kayamanan ng magulang
Bugtong
Ang mga bugtong ay pahulaan sa pamamagitan
ng paglalarawan. Ito ay binibigkas nang patula at
may lima hanggang labindalawang pantig. Ang
mga Tagalog ang pinakamayaman sa bugtong.
Halimbawa
● Kung kailan mo pinatay, saka pa humaba ang buhay.
● Baboy ko sa pulo, ang balahibo’y pako.
● Kay lapit-lapit na sa mata, di mo pa rin makita.
● Nang sumipot sa maliwanag, kulubot na ang balat.
● Tumingin ka sa akin, ang makikita mo’y ikaw rin.
Palaisipan

Ito ay nasa anyong tuluyan na kalimitang


gumigising sa isipan ng mga tao upang bumuo
ng isang kalutasan sa isang suliranin. Ito ay
nangangahulugan lamang na ang mga sinaunang
Pilipino ay sanay mag-isip at kanilang ipinamana
ito sa kanilang mga inapo.
Halimbawa

• Kung ang gumagapang sa aso ay pulgas, sa


damo ay ahas, sa tao ay kuto, ano naman ang
sa kabayo?
• Si Anna ay isa mga magkakapatid. Ang
pangalan nila umpisa sa panganay ay,
Nana, Nene, Nini, Nono… Ano ang pangalan
ng bunso?
Bulong
Ang bulong ay mga pahayag na may sukat at
tugma na kalimitang ginagamit na pangkulam o
pangontra sa kulam, engkanto, at masasamang
espiritu.
Halimbawa
● Dagang malaki, dagang maliit, heto na ang
ngipin kong sira’t pangit, sana ay bigyan mo
ng kapalit.
● Lumakas-lakas sana ang ulan, upang mabasa
ang lupang tigang.
Pag-isipan Natin! 4. Kapag may isinuksok, may
madudukot
Tukuyin kung anong uri ng karunungang-
bayan ang mga sumusunod: 5. Paano tatawa ang dalaga na hindi
makikita ang ngipin niya?
1. Hindi sa akin, hindi sa iyo, pag-aari
ng lahat ng tao.

2. Makati ang dila

3. Ang maniwala sa sabi-sabi walang


bait sa sarili.

You might also like