You are on page 1of 24

9

Filipino
Ikalawang Markahan – Modyul 5:
Ang Suprasegmental na Antala,
Hinto, Diin at Tono
Filipino – Ikasiyam na Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikalawang Markahan – Modyul 5: Ang Suprasegmental na Antala/Hinto, Diin at Tono
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Juilius A. Enguito, MAEd


Editor: Josephine L. Tomboc, EdD, Susan S. Bellido
Tagasuri: Allen E. Duarte, Mario Shoji N. Romarate
Tagapamahala: Dr. Isabelita M. Borres, CESO III
Eugenio B. Penales, EdD
Sonia D. Gonzales
Majarani M. Jacinto, EdD, CESO VI
Juliet A. Magallanes, EdD
Florencio R. Caballero, DTE
Alma D. Belarmino, EdD

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Department of Education – Region IX


Office Address: Regional Center, Balintawak, Pagadian City
E-mail Address: region9@deped.gov.ph
9

Filipino
Ikalawang Markahan – Modyul 5:
Ang Suprasegmental na Antala,
Hinto, Diin at Tono
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Filipino 9 ng Alternative Delivery


Mode (ADM) Modyul para sa araling ang Suprasegmental na antala/hinto, diin at
tono!
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga
edukador mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang
gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa
mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kakayahan, bilis at
oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.
Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita
ninyo ang kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro

Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong o estratehiyang


magagamit sa paggabay sa mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman


ang mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding
subaybayan at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang
kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang
hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing
nakapaloob sa modyul.

ii
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Filipino 9 ng Alternative Delivery Mode (ADM)


Modyul ukol sa ang Suprasegmental na antala/hinto, diin at tono!
Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin.
Sa pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at
magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na
ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga
kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay
nakasalalay sa iyong
sarili o sa iyong mga kamay.
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan.
Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-
aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong laktawan
ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na
suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa


malayang pagsasanay upang mapagtibay ang
iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o


pupunan ang patlang ng pangungusap o

iii
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong


sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman
o kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o


masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
Gawain panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat


ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang
marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel
sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag
mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin
humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o sino
man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa
iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

iv
Alamin

Magandang Buhay Kaibigan! Hito na, hito na, hito na naman tayo sa ating
paglalakbay na nakakaaliw, kapana-panabik at punong-puno ng kaalaman sa
paksang ating pag-uusapan. Ako nga pala si Kuya Jul’z ang inyong mahabagin at
kaaya-ayang tagapaglingkod galing pa ako sa lugar ng Tanka at Haiku.

Alam mo ba marami akong natutuhan doon at ngayon marunong na akong


tumula at magkwento sa tulong ng ating kapuso, kapatid at kapamilya na handang
makibaka sa larangan ng pagtuturo.

Handa ka na ba para sa isang makulay na paglalakbay sa paksang himay-


himayin natin sa ngayon? Kung handa na po, halina’t sundan at tuklasin ang bawat
hakbang, bigkas at mga kilos upang mas mapadaling maintindihan ito.

Alam ko kapamilya na hindi lingid sa iyong isipan na isang katangian,


sadyang dinisenyo at nakasulat para sa iyo. Malaking tulong ito para mas lalong
mahasa ang iyong katalinuhan pagdating sa gramatika, wastong gamit ng bantas at
tamang pagbigkas sa tulang tanka at haiku na nanaayon sa ponemang
suprasegmental na paksa.

Kaibigan, ang saklaw ng modyul na ito ay pahintulutan para magamit sa


anumang iba’t ibang kaalamang sitwasyon. Ang lengguwaheng ginamit upang
makilala ang pagkakaiba ang bawat lebel ng mag-aaral. Layunin ng araling ito na
maipamalas ang pag-unawa sa mga piling akdang ponemang suprasegmental na
antala/hinto, diin at tono sa pamamaraang tamang pagbigkas ng mga salita gamit
ang bawat bantas nito.

Ang aralin ay naiayos upang masunod ang pamantayang pagkakasunod-sunod


ng baiting ikasiyam. Pero ang kaayusan na kung saan ang pagbasa at pagbigkas ay
maging mapadali sa tulong ng modyul na gagamitin ninyo.

Sa pagtatapos ng ating paglalakbay ikaw ay inaasahang:

• Nagagamit ang suprasegmental na antala/hinto, diin at tono sa


pagbigkas ng tanka at haiku.

Halina kaibigan at simulan nating tuklasin ang panibagong aralin na dapat


mong matutuhan sa modyul na ito.

1
Subukin

Ngayon kaibigan bago tayo magpatuloy sa ating gagawin nais ko munang


tayahin ang itong kakayahan. Nakahanda ka na ba? Simulan mo na!

PAGLINANG SA KABIHASAAN

Gawain 1: Gamitin sa pangungusap ang sumusunod na salita. Ipakita ang


pagbabago ng kahulugan batay sa diin.

1. /SA: ka/- ______________ /sa: KA/- ______________

2. /BA:ba/- ______________ /ba:BA/- _______________

3. /BA:ga/- _____________ /ba:GA/- _______________

4. /LA:bi/- _____________ /la:BI/- _________________

5. /BA:sa/- _____________ /ba:SA/- _________________

2
Aralin

1 Ang Ponemang Suprasegmental

Sa alinmang wika, mahalaga ang tunog. Makabuluhan ang mga tunog


sapagkat napag-iiba-iba nito ang kahulugan ng salita. Bukod sa pagkilatis
sa tunog, may iba pang paraan upang makilala ang kahulugan ng salita o
pahayag gayundin ang layunin, intension, at saloobin ng nagsasalita.

Ang mga ponemang suprasegmental ay nakatuon sa diin (stress), tono o


intensyon (pitch), at hinto o antala (juncture).

1. Diin -ay ang bigat ng pagbigkas ng pantig na maaaring makapag-iba sa


kahulugan ng mga salita maging ang mga ito man ay magkapareho
ng baybay.
Halimbawa:
HaPON – bigkas na mabilis at may diin sa ikalawang pantig
(Japanese)
HApon – bigkas malumay at may diin sa unang pantig
(Afternoon)
2. Hinto o Antala-
tumutukoy sa saglit na pagtigil ng pagsasalita upang higit na maging
malinaw ang mensaheng ipinapahayag. May hinto bago magsimula ang
isang pangungusap at may hinto rin pagkatapos nito at kuwit (,) ang
ginagamit sa hinto.

Halimbawa:
Hindi / ako si Joshua.
Pagbigkas ito na ang hinto ay pagkatapos ng HINDI.

Nagbibigay (itong kahulugan na ang nagsasalita ay nagsasabing siya si Joshua na


maaaring siya’y napagkamalan lamang na si Adrian.)

3. Tono
ay ang taas-baba na iniuukol sa pantig ng isang salita o pangungusap
upang higit na maging malinaw ang pakikipag-usap.

Halimbawa:
Nagpapahayag: Madali lang ito.
Nagtatanong: Madali lang ito?
Nagbubunyi: Madali lang ito!

3
Balikan

Batid kung nanabik ka nang simulan ang atin talakayan kaibigan. Pero
bago natin ito ipagpatuloy, balikan muna natin ang ating nakaraang aralin.
Naalala mo pa ba ang mga ito?

Tama! Ang ating tinalakay ang tungkol sa Tanka at Haiku ano ang
pinagbubuhatan ng salitang ito upang lubos na mauunawaan natin ang
aralin.
Natatandaan mo pa ba ang mga bahagi ng Tanka at Haiku? Magaling
kaibigan, lahat ng iyong mga binanggit ay tama.

Sa alinmang wika, mahalaga ang mga tunog. Makabuluhan ang mga


tunog sapagkat napag-iiba-iba nito ang kahulugan ng salita. Bukod sa
pagkilatis sa tunog, may iba pang paraan upang makilala ang kahulugan ng
salita o pahayag gayundin ang layunin, ng intension, at saloobin nagsasalita.

Mga Tala para sa Guro


Sa pagsulat, makilala ang kahulugan ng salita o pahayag sa tulong
ng mga bantas tulad ng tuldok, tandang pananong, o tandang padamdam.
Sa pasalitang pakikipagkomunikasyon, matutukoy ang kahulugan,
layunin, o intension ng pahayag ng nagsasalita sa pamamagitan ng
ponemang suprasegmental o ng mga tono, haba, diin at antala sapagbigkas
at pagsasalita. Higit nitong napapalinaw o nadaragdagan ang kahulugan
ng mga ponemang segmental na bumubuo sa mga salita. Tulad ng pag-
awit, may tono rin sa pagsasalita: mababa, katamtaman, at mataas.

Tuklasin

Handa ka na ba sa susunod na gawain kaibigan? Halika na! Simulan


natin ang pag-unawa at pagbasa sa aralin nasa ibaba.

4
1. Ano ang suprasegmental?
2. Ano-ano ang mga uri ng ponemang suprasegmental?
a. antala/hinto
b. diin
c. tono
Ang suprasegmental ay tumutukoy sa mga makahulugang yunit ng
tunog na karaniwang hindi tinutumbasan ng mga letra sa pagsulat. Sa halip,
sinisimbulo ito ng mga notasyong ponemiko upang matukoy ang paraan ng
pagbigkas.
Ang mga uri ng ponemang suprasegmental ay ang diin, antala at tono.
Diin- ito ay lakas, bigat o bahagyang pagtaas ng tinig sa pagbigkas ng
isang pantig sa salitang binibigkas.
Halimbawa:
sa salitang /kamay/, ang diin ay nasa huling pantig na /may/.

Antala- saglit na pagtigil ng ating pagsasalita upang higit na maging


malinaw ang mensaheng ibig nating ipahayag sa ating kausap.

Halimbawa:
Hindi, si Marc ang may sala.
(ipinaalam na si Marc ang may kasalanan).

Haba- paghaba o pag-ikli ng bigkas ng nagsasalita sa pantig sa salita.


Ginagamit ang ganitong notasyon /. / at /:/ na siyang nagsasaad ng
kahulugan ng salita.
Halimbawa:
a. /asoh/- usok
/a: soh/- isang uri ng hayop
b. /pitoh/- bilang na 7
/pi: toh/- silbato

• Mahalaga ang /? / o tuldik na paiwa /’/ sapagkat nakapagpapaiba ito


ng kahulugan ng salita kapag inilagay sa huling pantig ng salitang
nagtatapos sa patinig. Ang tawag sa /? / ay glotalo impit na tunog.
• Ang impit na tunog o glottal ay itinuturing na isang ponemang katinig
sa Filipino bagama’t hindi ito ipinakikita sa ortograpiya ng ating wika.
Mahalaga ito sa isang salita na pareho ang baybay.
Hal. Bata/h/= robe, bata/’/= child

Karagdagang Kaalaman:
() = nangangahulugang hilaw pa ang tuno o hindi pa alam kung ano ang
kahulugan ng salita.
/ / = nangangahulugang luto na ang tunog, may taglay na itong kahulugan.
? = tinatawag itong glottal stop o nangangahulugang sa pagbigkas ng salita
ay waring may pumipigil sa hanging galling sa bunganga sa paglabas.
Halimbawa: /SU: ka? /= vinega

5
h = glottal fricative ay nangangahulugang sa pagbigkas ay malayang
lalabas ang hangin mula sa bunganga.
Halimbawa: /SU: kah/ = vomit

Suriin

Magaling kapamilya! Natapos mong basahin ang paksa. Kamusta? Marami


ka bang natutunan? Ano ang iyong mga napansin sa paksang tinalakay?
Kung ganon, alam kong handa ka na sa iyong gawain.

ISIPIN AT ANALISAHIN

Paglinang ng Talasalitaan
Alamin mo muna…………
May mga salita na iisa ang anyo at iisa rin ang bigkas ngunit
nagtataglay ng higit sa isang kahulugan Polysemous ang tawag sa ganitong
mga salita.
Halimbawa: Salita- bato

1. Bato ang kanyang gamit sa pagdidisenyo ng bahay.


Bato- isang matigas na bagay

2. Dahil sa sunod-sunod na pagsubok, ang puso niya naging isang bato.


Bato- walang awa
Masubukan pa nga!

Gawain 2: Piliin ang tamang salitang binibigyang kahulugan


ng pahayag. Isulat ang titik lamang.

a. buNOT b. BUnot

___1. bao ng niyog na ginagamit na pagpapa kintab ng sahig.

___2. paghugot ng isang bagay sa suksukan ng lalagyan.

c. SAya d. saYA
___3. ligaya

___4. damit

e. BUkas f. buKAS

___5. Open ___6. tomorrow


6
Pagyamanin

Ipagpatuloy ang pag-iisip at pag-aanalisa kaibigan. Upang lalong mahasa ang


iyong kaalaman sa tinalakay nating aralin. Sagutan mo ang gawain sa ibaba.

Palawakin na natin
Gawain 3:
Tukuyin ang bawat pahayag. Ipaliwanag kung ano ang ibig sabihin ng
nagsasalita. Bigyang- pansin ang kuwit na ginagamit. Ang unang bilang ay
ginagawa na para sa iyo.
____1. Titser si Mam Cruz.
Paliwanag: _____________________

____2. Tatay, Pedro Quirino po.


Paliwanag: ____________________

____3. Hindi si Zeth ang nakulong.


Paliwanag: ____________________

____4. Hindi, si Peter ang nalunod sa ilog.


Paliwanag: _____________________

____5. Nicole, Padre, ang tatay ko.


Paliwanag: _____________________

Pagpapayaman ng kasanayan batay sa paksang Ang Suprasegmental


Ang mga ponemang suprasegmental ay tumutukoy sa mga
makahulugang yunit ng tunog karanasang: hindi tinutumbasan ng mga letra
sa pagsulat. Sa halip, sinisimbulo ito ng mga notasyong ponemiko upang
matukoy ang paraan ng pagbigkas.

Tatlong Uri ng Suprasegmental

Diin.

Ginagamit ang simbolong /:/ upang matukoy ang


pantig ng salita na may diin. Sa Filipino, karaniwang binibigkas nang may
diin ang salitang higit sa isang pantig. Malimit ding kasama ng diin ang
pagpapahaba ng pantig.

7
Tulad nito:
/pagpapahaba’/ - lengthening

/sim: boloh/ - sagisag

Mahalaga ang diin sapagkat sa pag-iiba ng patinig na binibigyang-diin,


karaniwang nababagong kahulugan ng salita.
Tulad nito:

/pas: oh/ - expired

/pa:so’/ - burn

Gawain 4:

Ibigay ang kahulugan ng mga sumusunod ng mga binibigyang-diin


upang mabibigyan ng bagong kahulugan. Isulat sa patlang sa kaliwa ang
sagot.

_____1. /ba: lah/

_____2. /bala’/

_____3. /kasa: mah/

_____4. /kasamah/

_____5. /tu: boh/

Intonasyon.

Tumutukoy ang intonasyon sa pagtaas at baba ng tinig sa pagsasalita na


maaaring maghudyat ng kahulugan ng pahayag. Tingnan ang mga
sumusunod na halimbawa, kung saan ipinahihiwatig ng pagtaas o pagbaba
ng tinig.

Hindi dapat ipagkamali ang intonasyon sa punto at tono ng pagsasalita. Ang


punto ay tumutukoy sa rehiyunal na tunog o accent. Iba ang punto ng
Ilokano sa Maranao o ng Cebuano sa Illonggo.Maging sa rehiyong Tagalog,
iba ang punto ng mga Batanggenyo at kahit mga tag-Cavite. Sa probinsiya
ng Queson, karaniwang iba’t iba ang punto sa iba’t ibang bayan. Samantala,
ang tono ng pagsasalita ay nagpapahayag ng tindi ng damdamin. Maaaring
magkaiba-iba ang punto at tuno bagamat iisa ang intonasyon.

*Pagsasalaysay/paglalarawan Dumating sila kanina.

Maganda talaga si Julrecca

8
*Masasagot ng OO o HINDI Totoo?

Sila iyon, di ba?

*Pagpapahayag ng matinding Naku, may sunog!


damdamin
Hoy! Alis dyan!

*Pagbati Kumusta ka?

Magandang umaga po

Salamat sa iyo.

*Pagsagot sa tanong Oo, aalis na ako.

Hindi. Hindi ito ang gusto ko.

Antala/Hinto.

Bahagyang pagtigil sa ating pagsasalita upang higit na maging malinaw ang


mensaheng ibig ipabatid sa kausap. Maaring gumamit ng simbolo kuwit (,),
dalawang guhit na pahilis (//) o gitling (-)

Mga halimbawa:

(a) Hindi/ ako si Julre.

(Pagbigkas ito na ang hinto ay pagkatapos ng HINDI. Nagbibigay ito


ng kahulugan na ang nagsasalita ay nagsasabing siya si Julre na
maaaring siya’y napagkamalan lamang na s si Zein.)

(b) Hindi ako, si Julre.

(Pagbigkas ito na ang hinto ay nasa AKO. Pagpapahiwatig ito na ang


kausap ay maaaring napagbintangan ng isang bagay na hindi
ginawa. Kaya sinasabi niyang hindi siya ang gumawa kundi si Zein.

(c) Hindi ako si Julre.

(Pagkatapos ito na nasa hulihan ang hinto. Nagpapahayag ito na ang


nagsasalita ay nagsasabing Hindi siya si Julre.

9
Isaisip

Pagkatapos mong sagutan ang mga gawain, nadagdagan ba ang iyong


kaalaman sa ating araling panggramatika kaibigan? Magaling! Sa araling ito,
malalaman mo kung paano susuriin ang antas o lebel na suprasegmental na
antala/hinto, diin at tono.
Para sa malawakang pang-unawa kaibigan, Halika! Ipagpatuloy mo ang iyong
pagbabasa at pag-aanalisa sa aralin na nasa ibaba.

Gawain 5:

Piliin ang tamang sagot sa loob na nasa ibaba. Isulat ang sagot sa patlang
bago ang bilang.

segmental diin haba ponema

antala wika tono salita

___1. Ito ang bigat ng pantig sa pagbigkas ng salita.

___2. Ito ay tumutukoy sa saglit na pagtigil ng pagsasalita.

___3. Tumutukoy sa pagtaas o baba ng tinig sa pagbigkas


ng mga pantig ng isang salita.

___4. Ang haba ng bigkas na inuukol sa nagsasalita.

___5. Ang pinakamaliit nay unit ng tunog.

Get’z mo ba?

May mga ponema namang nagtataglay ng mga likas na katangiang


tinatawag na prosodic o suprasegmental. Tinatawag itong mga ponemang
suprasegmental tulad ng tono o intonasyon, haba at/o diin, at hinto o
antala.

Ang ponema ay tumutukoy sa anumang yunit ng mga tunog o pagbibigkas


na taglay ang kahulugan samantalang graphomes naman ang tawag sa
pagsulat ng salita ayon sa tuntunin ng asimilasyon.

Ponema ang tawag sa yunit ng tunog o pinakamaliit na bahagi ng wika na


may kahulugang tunog. Makahulugang yunit ng tunog na nagpapabago sa

10
kahulugan ng isang salita. Ito ay kaiba sa morpema na kung saan ay
tumutukoy sa pinagsama-samang tunog upang makabuo ng salita. Ang
morpema ay tinatawag na pinakamaliit nay unit ng salita.

Isagawa

Magaling! Sa puntong ito batid kong marami kang napulot na aral. Kaya
binabati kita kapatid! Ngayon ay sukatin natin kung gaano mo kalubos
naunawaan ang atin aralin.
Basahin nang wasto ang mga salita at pahayag batay sa bantas na
ginagamit.
A. 1. Totoo? Maganda siya?

Totoo! Maganda siya!

2. Magagaling? Sila?

Magagaling sila.
3. Mahal ka niya?

Mahal ka niya.

B. 1. May bisita tayo bukas?

May bisita tayo bukas.

2. Ikaw ang may-sala sa nangyari?

Ikaw ang may-sala sa nangyari.

1. Ano ang pagkakatulad ng mga pahayag sa A1 at A2? Ng mga


pahayag sa B1 at B2?

2. Paano naman nagkakaiba ang mga pahayag sa A1 at A2? Ng


mga pahayag sa B1 at B2?

3. Ipaliwanag ang kahulugan, layunin, sitwasyon, o saloobing


nais ibigay ang bawat pahayag.

11
Bigkasin ang mga sumusunod na salita:
a. Dumating na ang Pangulo. e. Lumilindol.

b. Dumating na ang Pangulo? f. Lumilindol?

c. Ako. g. Lumilindol!

d. Ako?

Tayahin

Nag-aliw ka ba sa ginawa mong pagsagot? Mabuti kaibigan! At muli mong


ipagpatuloy ang gawain sa ibaba.
Gawain 7: Basahin at bigkasin ang bawat salita na ginamitan ng mga
bantas. Pagkatapos ibigay sa Ingles na katumbas ang inyong sagot at isulat
sa tapat.
1. Hindi/bu.kas/ - __________________

2. Hindi /bu.kas/ - __________________

3. Hindi, /bukas/ - ___________________

4. Hindi/bukas/ - ___________________

5. Magandang/ha.PON/ - ____________

Gawain 8: Bigkasin at tukuyin ang wastong tono ng bawat pahayag sa


layunin nito. Ilagay sa patlang ang tamang bantas (? / ! / , / . / ; / : )
ayon sa ibinigay na kahulugan na nasa tapat. Isulat sa sagutang papel.

1. Kanina = _________. pag-aalinlangan

2. mayaman = ______. pagtatanong

3. magaling = ______. pagpupuri

4. kumusta = ______. pagtatanong na masaya

5. Ayaw mo = ______. Paghamon

12
Karagdagang Gawain

Kamusta kapuso? Ako ay nagagalak na nasagutan mo nang maayos ang


aralin. Kaya mo pa ba? Magaling! Oo naman, kayang-kaya mo pa. Para sa
panghuling gawain, sagutan ang nasa ibaba.
Gawain 9: Piliin ang tamang sagot.
1. Tumutukoy ang ito sa pagtaas at pagbaba ng tinig sa pagsasalita, na
maaaring maghudyat ng kahulugan ng pahayag.
a. tono c. diin
b. intonasyon d. haba

2. Ang _______ ay nagpapalinaw ng mensahe o intensyong nais ipabatid


sa kausap.
a. tono c. haba
b. diin d. intonasyon

3. Tinatawag itong rehiyunal na tunog o accent. Sa anumang lugar


mayroon tayong pagkakaiba sa pagsasalita. Ano ang tawag dito?
a. diin c. punto
b. haba d. intonasyon

4. Ito ay tumutukoy sa lakas ng pagbigkas sa isang pantig ng salitang


binibigkas.
a. punto c. diin
b. hinto o antala d. intonasyon

5. Ang _______ ay ang pagbigkas nang mahaba sa pantig (a, e, I, o, u) ng


bawat pantig.
a. punto c. intonasyon
b. hinto o antala d. haba

Gawain 10: Piliin ang tamang pangungusap na tumutugon sa kalagayang


tinutukoy ng sumusunod. Isulat ang titik ng tamang sagot.

1. Nagtatanong ka kay Leslay Mae kung nasaan si Precious.

a. Nasaan/si Precious/Leslay Mae?


b. Nasaan si Precious/Leslay Mae?
c. Nasaan si Precious Leslay Mae?

2. Ayaw mong tanggaping siya ang nagnakaw ng sapatos.

a. Hindi/siya ang nagnakaw ng sapatos.


b. Hindi siya/ang nagnakaw ng sapatos.
c. Hindi siya ang nagnakaw /ng sapatos.

13
3. Itinuro mo kay Rebecca at Mary Gen ang kapitbahay mong doktor.

a. Rebecca Mary Gen/iyon ang kapitbahay kong doktor


b. Rebecca/Mary Gen iyon/ang kapitbahay kong doktor.
c. Rebecca/Mary Gen/iyon ang kapitbahay kong doktor.

4. Natanggap mo ang regalo ni Juanito at sinabi mo ito sa iyong kaibigang


si Joeren.

a. Regalo/ni Juanito Joeren.


b. Regalo ni Juanito/Joeren.
c. Regalo ni Juanito Joeren.

5. Sasabihin mo sa iyong Nanay na si Severina ang nakabasag ng


salamin.

a. Nanay/si Severina/ang nakabasag ng salamin.


b. Nanay si Severina/ang nakabasag ng salamin.
c. Nanay si Severina ang nakabasag ng salamin.

Pagnilayan at Unawain

1. Paano naiiba ang tanka at haiku sa iba pang uri ng tula?

2. Paano nakatutulong ang ponemang suprasegmental sa pagbigkas ng


tula?

Ngayong natutuhan muna ang pagkakaiba at kahalagahan ng paksang Ang


Suprasegmental na antala/hinto, diin at tono.

Higit sa lahat ang tamang pagbigkas ng tanka at haiku sa iba pang uri ng
tula tulad ng tanaga at kung paano nakatutulong ang ponemang
suprasegmental sa pagbigkas ng tula, ilipat mo sa isang mahalagang
gawain.

14
15
Gawain 5 Gawain 3
1. Titser si Mam Cruz. (Siya ay sigurado
1. diin na tunay na titser si Mam Cruz)
2. Tatay, Pedro Quirino po. (Sinagot ng
2. antala tama ang Tatay)
3. Hindi si Zeth ang nakulong.
3. tono (Pinatunayan nya na walang sala si
Zeth)
4. Hindi, si Peter ang nalunod sa ilog.
4. haba
(Pinatunayan nya na si Peter ang
may sala
5. ponema 5. Nicole, Padre, ang tatay ko.
(Ipinakilala ang kanyang tatay nina
Marc at Padre)
Gawain 4 Gawain 1
1./SA: ka/- bukid
1. bullet /sa: KA/- at saka
2. threat 2./BA:ba/- jaw
/ba:BA/- go
Gawain 2
3.
1. acompanion 3./BA:ga/- ningas ng apoy
2. b /ba:GA/- lungs
4.
3. dtenant 4./LA:bi/- lips
4. c /la:BI/- corpse
f
5. pipe
6. e 5./BA:sa/- to read
/ba:SA/- wet
Susi sa Pagwawasto
16
Gawain 9 Gawain 8
1. c 1. b
2. c 2. a
3. c 3. c
4. b 4. c
5. a 5. d
Gawain 7 Gawain 6
1. Kanina=? Pag-aalinlangan 1. No, tomorrow
2. Mayaman=? Pagtatanong 2. Not tomorrow
3. Magaling=! pagpupuri 3. No, it’s
4. Kumusta=? Pagtatanong na masaya 4. Not open
5. Good afternoon
5. Ayaw mo=? Paghamon
Sanggunian

Romulo N. Peralta, Donabel C. Lajarca, Eric O. Carino, Aurora C. Lugtu et,


al., (2014). Panitikang Asyano 9. Vibal Group Inc.

17
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex


Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

You might also like