You are on page 1of 24

9

Filipino
Ikalawang Markahan – Modyul 8:
Pag-aantas ng mga Salita
Filipino – Ikasiyam na Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikalawang Markahan – Modyul 8: Pag-aantas ng mga Salita
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Daniel R. Amparado
Editor: Josephine L. Tomboc, EdD, Susan S. Bellido
Tagasuri: Allene E. Duarte, Mario Shoji N. Romarate
Tagalapat: Florencio Caballero, DTE
Tagapamahala: Dr. Isabelita M. Borres, CESO III
Eugenio B. Penales, EdD
Sonia D. Gonzales
Majarani M. Jacinto, EdD, CESO VI
Juliet A. Magallanes, EdD
Florencio Caballero, DTE
Alma D. Belarmino, EdD

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Department of Education – Region IX


Office Address: Regional Center, Balintawak, Pagadian City
E-mail Address: region9@deped.gov.ph
9

Filipino
Ikalawang Markahan –Modyul 8:
Pag-aantas ng mga Salita
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Filipino 9 ng Alternative Delivery Mode


(ADM) Modyul para sa araling Pag-aantas ng mga Salita!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador


mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong
tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda
ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at


malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong


ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ang mga gawain at estratehiyang ginamit sa modyul na ito ay
makatutulong sa paggabay ng mga mag-aaral upang malinang at mahasa ang
kanilang kasanayan. Unawain at sunding mabuti ang mga panutong nakasaad.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral


kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang
pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan
ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

ii
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Filipino 9 ng Alternative Delivery Mode (ADM)


Modyul ukol sa Pag-aantas ng mga Salita

Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin. Sa


pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at
magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na
ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga
kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay
nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad
din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong laktawan
ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na
suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa


malayang pagsasanay upang mapagtibay ang
iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

iii
Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o
pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong


sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman
o kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o


masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
Gawain panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat


ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang
marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel
sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag
mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin
humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o sino
man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa
iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo i

iv
Alamin

Kamusta ka na? Marami ka na bang natutuhan sa mga araling inihanda para


sa iyo? Alam kong pinagsikapan mong mabuti upang masagot ang mga gawain. Kung
naibigan mo ang mga nakaraang talakayan tiyak na lalo mong magugustuhan ang
bago nating aralin.

Natatandaan mo pa ba kaibigan ang ating tinalakay sa nakaraang aralin? Ito


pagbibigay puna sa tindi ng emosyon o damdamin ng mga hayop. Magaling!
Bininigyang-puna nito ang damdamin o emosyon ng mga hayop na parang tao na
nagsasalita sa kwento.

Handa ka na ba kaibigan sa bagong aralin? Magaling! Ating kilalanin at


aalamin ngayon ang “Pag-aantas ng mga salita ayon sa tindi ng emosyon o
damdamin ng mga tauhan sa isang pabula sa bansang Korea na isinalin ni Vilma C.
Ambat.

Inaasahan ko na pagkatapos ng ating paglalakbay naging malawak ang iyong


kaalaman, kaisipan at nalinang ang iyong kakayahang:

• Naiaantas ang mga salita (clining) batay sa tinding emosyon o


damdamin

Subukin

Ngayon kaibigan, bago tayo magpatuloy sa ating gagawin nais ko munang


sukatin ang iyong kakayahan. Handa ka na ba?

Panuto: Basahin at Unawain. Suriin ang damdamin o emosyon ng nagpapahayag


sa linya. Isulat ang titik na tamang sagot sa sagutang papel.

1. ___________Grabe! Nahilo ako sa sobrang dami ng taong dumating at


dumadagsa upang panoorin ang kakaibang pagtatanghal.
a. pagkainis c. pagkagalit
b. nasaktan d. pagkatakot
2. ___________Aray, magdahan-dahan ka naman natapakan ang paa ko! May
sugat pa naman ako.

a. pagkainis c. pagkagalit
b. nasaktan d. pagkatakot

3. ___________ Wow! Napakaganda naman ng kanyang ginawa na dekorasyon


sa bahay.

a. humanga c. kasiyahan
b. pagsang-ayon d. pagtataka

4. ___________Yehey! Sa wakas ikaw ang nanalo ng isang sasakyan.

a. humanga c. kasiyahan
b. pagsang-ayon d. pagkaaliw

5. ___________Ngek, hindi iyan ang pinabibili ko sa iyo na kwentas ah!

a. pagkagalit c. pagkainis
b. nasaktan d. pagkadismaya

6. ___________ Ako’y nagagalak ng lubos na may pagkaing naihanda na sa


mesa.

a. pagkagulat c. kasiyahan
b. paghanga d. pagkamangha

7. ___________ Bakit nga kaya may mga taong hindi marunong rumespeto sa
iba.

a. pagkadismaya c. pagtataka
b. pagtutol d. pagkabalisa

8. ___________ Masakit isipin at tingnan na maraming mga batang hubad at


palaboy laboy sa kalye.

a. pagkalungkot c. pagkagalit
b. pagkabalisa d. pagkainis

9. ___________ Hindi dapat pinagwalang bahala at pinapabayaan ang mga


batang namamalimos sa kalye.

a. pagkalungkot c. pagkainis
b. pagkagalit d. pagtataka

10. ___________ Tama ang naging pasya at desisyon niya sa kanyang sarili na
mahalin niya ang kanyang mga kaaway.

a. pagsalungat c. pagkainis
b. pagkalungkot d. pagsang-ayon

2
Aralin
Pabula: Ang Hatol ng
1 Kuneho

Halika ka, Lakbay Tayo……

Magaling! Ngayon naman ating sulyapan ang magandang lugar ng Korea at


sabay nating alamin ang kagandahang taglay ng kanilang panitikan na may malaking
ginagampanan sa ating panitikan. Mayaman sa panitikan gaya ng pabula na naging
bahagi na ng kanilang kultura at nakasanayan. Sa bansang ito hindi basta
ordinaryong nilalang ang mga hayop dahil ito ay may simbolong ugnayan sa bansa at
mamamayan. Sa Korea, mahalaga ang ginagampanan ng mga hayop sa kanilang
mitolohiya at kuwentong bayan.

Ang araling ito ay gagabay sa iyo sa pagtuklas ng isa pang uri ng panitikan, ang
pabula na mula sa Korea. Isa sa naging tanyag na pabula sa Korea ay ang “Ang Hatol
ng Kuneho” na isinalin sa Filipino ni Vilma C. Ambat.

Balikan

Halina’t ipagpatuloy natin kaibigan, ngunit bago palawakin ang iyong


kaalaman naalala mo pa ba an gating huling aralin?

Mahusay! Ating tinalakay ang tungkol sa pagbibigay-puna sa emosyon o


damdamin ng hayop sa akdang pabula. Magaling! Inilalahad dito na parang taong
nagsasalita ang mga hayop sa kwento dahil sa damdamin o emosyong lantad o
ipinahayag nila.

Ngayon, sagutan mo muna ang katanungan sa ibaba. Galingan mo.

Panuto: Ibigay ang iyong damdamin o emosyon sa pahayag na nasa kahon. Isulat
sa sagutang papel ang inyong sagot.

3
• Pinapalo, kinaladkad at kahit anong uri ng pagmamalupit sa aso ng
aking kapitbahay hanggang sa ito ay mamatay.

• Natapyasan ang mukha ng asong si Kokey dahil sa pangangagat


niya sa anak ng kanyang kapitbahay.

• Hoy! baka gusto mong subukan kung sino sa atin ang mabilis
tumakbo?

• Nakakita ng mga asong pormang porma, nakabihis at nakaayos na


parang laruan, tulad ng aso sa mga celebrity star.

• “Hindi naming kailangan ang isang tulad mong walang respeto at


pagmamahal sa kapwa at sarili!”

Mga Tala para sa Guro

Ang lahat ng mga gawain dito ay nakalaan sa paglinang ng


kakayahan ng mag-aaral. Maaaring palitan ang teksto at gawain
depende sa nakikitang pangangailangan ng mag-aaral subalit
kailangang nakaangkla at tumugon ito sa kasanayang
pampagkatuto, pamantayang pangnilalaman at pamantayang
pagganap.

4
Tuklasin

Halina’t subukan kaibigan. Galingan mo!


Iantas mo ako……

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga pangungusap. Suriin at


antasin ang salitang nagsasaad ng ekspresyon ng damdamin o emosyon.

Pangungusap Salitang nagsasaad ng emosyon o


damdamin

• Nabalisa ako nang malaman 3._________________


kong nagkasakit ka.
• Natakot din ako ng bahagya 2._____________________
kung kaya’t dinalaw kita sa
ospital. 1._________________________
• Nagimbal ako sa nangyari sa
iyo kahapon.

Mga Salita

• pagkaalam, paningin, pag- 3.__________________


unawa
2.____________________

1._______________________

3.___________________
• hayuk-hayok, gutom,
kumakalam ang sikmura 2.__________________

1._____________________

5
Suriin

Ang Hatol ng Kuneho

isinalin sa Filipino ni Vilma C. Ambat

Noong unang panahon, nang ang mga hayop ay nakapagsasalita pa, may isang tigreng
naghahanap ng pagkain sa gubat. Sa kanyang paglilibot, nahulog siya sa napakalalim na
hukay. Paulit-ulit na sinubukan ng tigre ang makaahon, subalit siya ay nabigo. Sumigaw siya
nang sumigaw upang humingi ng tulong subalit walang nakarinig sa kanya.

Kinabukasan, muling sumigaw ang tigre upang humingi ng tulong hanggang mapaos.
Gutom na gutom at hapong-hapo na ang tigre. Lumupasay na lamang siya sa lupa. Naisip
niyang ito na ang kanyang kamatayan. Walang ano-ano ay nakarinig siya ng mga yabag.
Nabuhayan siya ng loob at agad na tumayo. Tulong! tulong! muli siyang sumigaw.

“Ah! Isang tigre!” sabi ng lalaki habang nakadungaw sa hukay.

“Pakiusap! Tulungan mo akong makalabas dito,” pagmamakaawa ng tigre.” Kung


tutulungan mo ako, hindi kita makalilimutan habambuhay.”

Naawa ang lalaki sa tigre subalit naisip niyang baka kainin siya nito. Gusto sana kitang
tulungan subalit nangangamba ako sa maaaring mangyari. Patawad! Ipagpapatuloy ko na ang
aking paglalakbay, wika ng lalaki at nagpatuloy sa paglalakad.

“Sandali! Sandali! Huwag mong isipin iyan,” pakiusap ng tigre. Huwag kang mag-
alala, pangako hindi kita sasaktan. Nagmamakaawa ako, tulungan mo ako. Kapag ako ay
nakalabas dito tatanawin kong malaking utang na loob.

Tila labis na nakakaawa ang tinig ng tigre kaya bumalik ang lalaki upang tulungan ito.
Nakahanap siya ng troso at dahan-dahan niyang ibinaba sa hukay. Gumapang ka rito, sabi ng
lalaki. Gumapang ang tigre sa troso hanggang makaahon sa hukay. Nakita ng tigre ang
lalaking tumulong sa kanya. Naglaway ang tigre at naglakad paikot sa lalaki.

“Sandali!” hindi ba nangako ka sa akin na hindi mo ako sasaktan? Ito ba ang paraan
mo ng pagpapasalamat at pagtanaw ng utang na loob?” sumbat ng lalaki sa tigre.

Wala na akong pakialam sa pangakong iyan dahil nagugutom ako! Hindi ako kumain nang
ilang araw!” tugon ng tigre.

“Sandali! Sandali!” Ang pakiusap ng lalaki. “Tanungin natin ang puno ng Pino kung
tama bang kainin mo ako.”

6
“Sige,” ang wika ng tigre. Pero pagkatapos natin siyang tanungin, kakainin na
kita. Gutom na gutom na ako.”

Ipinaliwanag ng tigre at ng lalaki sa puno ng Pino ang nangyari.

“Anong alam ng tao sa pagtanaw ng utang na loob?” tanong ng puno ng Pino. “Bakit
ang mga dahon at sanga namin ang kinukuha ninyo upang mapainit ang inyong mga tahanan
at maluto ang inyong pagkain? Mga taon ang ibinibilang namin upang lumaki. Kapag kami’y
malaki na pinuputol ninyo kami. Ginagamit ninyo kami sa pagtatayo ng inyong mga bahay at
pagpapagawa ng inyong mga kasangkapan. At isa pa, tao rin ang humukay ng butas na iyan.
Utang na loob! Huwag ka nang magdalawang isip, Tigre. Sige pawiin mo ang iyong gutom.”

“O, anong masasabi mo doon?” Tanong ng tigre habang nananakam at


nginungusuan ang lalaki.

Sa mga sandaling iyon ay dumaan ang isang baka, “Hintay! Hintay!” pakiusap ng
lalaki. “Tanungin natin ang baka sa kanyang hatol.” Sumang-ayon ang tigre at
ipinaliwanag nila sa baka ang nangyari. Hiniling ng dalawa ang opinyon ng baka.

“Sa ganang akin, walang duda sa kung ano ang dapat gawin,” wika ng baka
sa tigre, “dapat mo siyang kainin! Tingnan mo, mula nang kami ay
maisilang naglilingkod na kami sa mga tao. Kaming mga baka ang nagbubuhat ng
mabibigat nilang dalahin. Inaararo namin ang bukid upang makapagtanim sila. Subalit, ano
ang ginagawa nila kapag kami ay tumanda na...pinapatay kami at ginagawang pagkain!
Ginagamit nila ang aming balat sa paggawa ng kung ano-anong bagay. Kaya huwag mo akong
tanungin tungkol sa pagtanaw ng utang na loob. Kainin mo na ang taong iyan.”

“Tingnan mo, lahat sila ay sumasang-ayon sa akin. Kaya humanda ka na sa iyong


kamatayan!” Wika ng tigre habang bumubuwelo upang sakmalin ang lalaki.

Alam na ng lalaki na ito na nga ang kanyang katapusan. Nang biglang dumating ang
lumulukso-luksong kuneho.

“Sandali! Tigre! Sandali!” sigaw ng lalaki. “Ano na naman!” singhal ng tigre.

“Pakiusap bigyan mo pa ako ng isa pang pagkakataon. Tanungin natin ang


kuneho para sa kanyang hatol kung dapat mo ba akong kainin.”

Ah! Walang kuwenta! Alam mo ang sagot niya. Pareho lang sa sagot ng puno ng Pino at
ng baka.”

“Pakiusap, parang awa mo na!” pagsusumamo ng lalaki.

“O sige, pero huli na ito. Gutom na gutom na ako!” sagot ng tigre.

7
Isinalaysay ng tigre at ng lalaki ang nangyari, matamang nakinig ang kuneho. Ipinikitang
kanyang mga mata at ipinagalaw ang kanyang mahabang tainga. Pagkalipas ng ilang sandali,
muli niyang idinilat ang kanyang mga mata. Malumanay at walang ligoy na nagsalita ang
kuneho. “Naiintindihan ko ang iyong isinalaysay. Subalit, kung ako ang magpapasya at
magbibigay ng mahusay na hatol dapat tayong magtungo sa hukay. Muli ninyong isasalaysay sa
akin ang nangyari. Ituro ninyo sa akin ang daan patungo doon,” wika ng kuneho.

Itinuro ng tigre at ng lalaki ang hukay sa kuneho. “Tingnan natin, sabi mo nahulog ka sa
hukay at ikaw naman ay nakatayo dito sa itaas,” wika ng kuneho sa tigre at sa lalaki. “Pumunta
kayo sa mga posisyon ninyo noon, upang mapag-isipan ko pang mabuti ang aking hatol.”

Tumalon agad ang tigre nang hindi nag-iisip. Ang nais lamang niya ay
matapos agad ang usapan nang makain na niya ang tao. “Ah! ganito ang kalagayan
ninyo noon. Ikaw, tigre ay nahulog sa hukay at hindi makaahon. Ikaw naman lalaki,
narinig mo ang paghingi ng saklolo kaya tinulungan mo ang tigre. Ngayon maaari
na akong magbigay ng aking hatol. Ang problemang ito ay nagsimula nang tulungan
ng tao ang tigreng makalabas sa hukay”, paliwanag ng kuneho na tila may ibang
kausap. “Sa ibang salita, kung ang tao ay hindi nagpakita ng kabutihan at iniwan
ang tigre sa hukay, walang naging problema. Kaya naisip ko na magpatuloy ang tao
sa kaniyang paglalakbay at dapat na manatili ang tigre sa hukay. Magandang umaga
sa inyong dalawa!” wika ng matalinong kuneho at nagpatuloy sa kaniyang paglukso.

Magaling kaibigan! Natapos mong basahin ang pabula. Kamusta? Namangha at


napaibig ka ba? Magaling!

Matapos mong basahin ang pabula ay sagutan mo ang mga sumusunod. Galingan
mo kaibigan.

Subukang sagutin

1. Tama ba ang naging hatol ng kuneho sa suliranin ng tigre at ng lalaki? Bakit?


2. Kung ikaw ang hahatol sa sitwasyon gagawin mo rin ba ang ginawa ng
kuneho? Ipaliwanag.
3. Magbigay ng isang kasabihang maaaring mahalaw sa pabulang nabasa.
Ipaliwanag.
4. Sa iyong palagay, kung nakapagsasalitang muli ang mga nilalang sa
kalikasan natin ngayon, ano kaya ang kanilang hatol sa ating mga tao? Bakit?
5. Bilang kabataan na pag-asa ng bayan, ano ang maimumungkahi mo upang
maiwasan ang pang-aabuso sa sumusunod:
a. hayop
b. kalikasan

6. Mahihinuha mo ba sa pabulang ito ang kultura at kaugalian

8
Pagyamanin

Kaya pa ba kaibigan? Kayang-kaya yan. Narito pa ang ilang awain na


susukat sa iyong kaalaman. Galingan mo!

Gawain 1: Mula sa tekstong binasa

Panuto: Ihanay ang mga salita ayon sa tindi o antas ng damdamin


o emosyon. Isulat ang sagot sa patlang na nakalaan.

1. galit, poot, suklam


___________, __________, __________

2. sakim, ganid, damot


___________, __________, __________

3. pagmamahal, pagsinta, paghanga,


___________, __________, __________

4. sigaw, hiyaw, bulong


___________, __________, __________

5. lumbay, lungkot, pighati


___________, __________, __________

6. mautak, matalino, marunong


__________, _________, _________

7. sakit, hapdi, kirot


__________, _________, _________

8. pagkasaid, pagkawala, pagkaubos


__________, _________, _________

9. nawasak, nasira
__________, _________

10. halakhak, tawa, ngiti


__________, _________, _________

9
Gawain 2:
Batay sa pabula, isulat ang damdamin sa bawat hatol na ginawa ng
mga tauhan.

Tauhan Damdamin

• Puno ng Pino

• Baka

• Kuneho

Isaisip

Halina’t matuto kaibigan. Kaalaman mo’y ating dagdagan. Handa ka na ba sa


bagong kaalaman? Magaling! Pagtuunan mo ng pansin ang dapat tandaan. Pag-
igihan mo!

Mahalagang Tandaan:

Ang klino ay pagpapasidhi ng damdamin na nagpapahayag ng saloobin o


emosyon sa paraang papataas ang antas nito. Nagagamit ito sa pamamagitan ng
pag-iiba-iba ng mga salitang may ugnayang sinonimo.

Sanggunian: Panitikang Asyano 9 ni Romulo N. Peralta et. al.

10
Mga Paraan ng Pagpapahayag ng Emosyon o Damdamin

1. Mga Pangungusap na Padamdam – mga pangungusap na


nagpapahayag ng matinding damdamin. Ginagamitan ito ng bantas na
tandang padamdam (!).

Mga halimbawa:

Galing! Nakakainis! Ang sakit!

Sobra na! Sunog! Aray!

2. Maikling Sambitla – mga salitang iisahin o dadalawahing pantig na


nagpapahayag ng matinding damdamin.

Halimbawa:

Uy! Ngek! Yeheyy!


Wow! Ayy!

3. Mga Pangungusap na nagsasaad ng tiyak na damdamin ng isang tao-


mga pangungusap na may anyong pasalaysay kaya’t nahihinuhang hindi
gaanong matindi ang damdamin.

Halimbawa:

a. Pagkatuwa
b. Pagtataka
c. Pagkagalit
d. Pagsang-ayon
e. Pagkalungkot

11
Isagawa

Ikaw ay nagtagumpay sa mga gawain kaibigan. Magaling! Sa puntong


ito lubos mo nang naunawaan ang ating aralin. Ngayon naman subukan
mong sagutin ang nasa ibaba. Galingan mo!

Iantas ang mga sumusunod na salita ayon sa tindi o digri ng nais ipahayag.
Isulat ang salita sa loob ng kahon na pormang hagdan sa tapat ng bilang.

1. naghari, namayagpag, 4
namayani, nangingibabaw
2

2. nguyngoy, hagulgol,
3
hikbi, iyak
2

3. kinupkop, inaalagaan 4

tinangkilik, kinalinga 3

12
1
4

4. hapis, lungkot, 3
pighati, lumbay
2

5. maganda, nakabibighani,
3
kaakit-akit
2

Tayahin

Panuto: Lagyan ng bilang 1 hanggang 3 ang mga sumusunod na mga salita batay
sa sidhi ng damdaming ipinapakahulugan nito. Ang 3 para sa pinakamasidhi, 2
masidhi, at 1 di-masidhi.

1. ____pakamuhi

____pagkasuklam

____pagkagalit

2. ____nasisiyahan

_____natutuwa

_____naliligayahan

13
3. ____nangangamba

_____kinakabahan

_____natatakot

4. _____suklam

_____yamot

_____inis

5. _____sigaw

_____bulong

_____hiyaw

Karagdagang Gawain

Kamusta kaibigan? Ako ay nasisiyahan sa ipinakita mong pagiging aktibo sa


pagsagot sa mga gawain. Kaya mo pa ba? Magaling! Oo naman, talagang kaya mo
pa. Para sa panghuling gawain gawin ang nasa ibaba.

Gamitin ang nakalaang mga emosyon o damdamin sa pagsulat ng mga


pangungusap tungkol sa sumusunod na sitwasyon.

Kung naaliw tayo sa mga hayop bilang mga tauhan sa pabula, mayroon ding
mga hayop na nakaranas ng iba’t ibang pagmamalupit sa mga tao walang puso. Mula
sa kumakalat na mga panoorin sa social media, may ilang mga taong walang awang
hinampas ang isang tuta hanggang sa nawalan ng ulirat. Ano ang iyong saloobin
dito.

14
1. Damdamin: Galit _____________________________________________
___________________________________________________________

2. Damdamin: Lungkot __________________________________________


___________________________________________________________

3. Damdamin: Pagkadismaya _____________________________________


___________________________________________________________

4. Damdamin: pagod dahil sa sunod-sunod na balita tungkol sa pagmamalupit


sa hayop ____________________________________________________
___________________________________________________________

5. Damdamin: tuwa dahil sa pagkakaroon ng kamalayang itigil na ang pang-


aabuso sa hayop _____________________________________________
___________________________________________________________

15
16
Isagawa Tayahin
1. namayani, nangibabaw, naghari, 1. 2, 3, 1
namayagpag
2. 2, 1, 3
2. hikbi, nguyngoy, iyak, hagulgol
3. inalagaan, kinalinga, kinupkop, tinangkilik 3. 1, 2, 3
4. lumbay, lungkot, hapis, pighati 4. 3, 2, 1
5. maganda, kaakit-akit, nakabibighani 5. 2, 1, 3
Pagyamanin Subukin
1. galit, suklam, poot 1. a
2. damot, sakim, ganid 2. b
3. paghanga, pagsinta, pagmamahal 3. a
4. bulong, sigaw, hiyaw 4. c
5. lumbay, lungkot, pighati 5. d
6. matalino, marunong, mautak 6. c
7. sakit, kirot, hapdi 7. c
8. pagkawala, pagkaubos, pagkasaid 8. a
9. nasira, nawasak 9. b
10.ngiti, tawa, halakhak 10.d
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian

Aklat

Peralta, Romulo N., Lajarca, Donabel C., Carino, Eric O., Luglu, Ma. Aurora C.,
Tabora, Marygrace A., Trinidad, Jocelyn C., Molina, Sheila C., Carpio,
Lucelma O., Rivera, Julieta U., at Ambat, Vilma C. 2017. Panitikang
Asyano Fil.9. Republika ng Korea. Prinpia Co. Ltd., # 54 Gasanro 9 Gil,
Geumcheongo, Seoul, Korea.

Teacher’s Guide Filipino 9

Internet Resources

https://www.google.com/search?q=sample+ng+pag-
aantas+ng+mga+salita&tbm=isch&source=iu&ictx=1&fir=garvWyUDZ2otm

17
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex


Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

You might also like