You are on page 1of 19

Department of Education

Republic of the Philippines


Region III
DIVISION OF GAPAN CITY
Don Simeon Street, San Vicente, Gapan City

Filipino 9
Ikaapat na Markahan – Modyul 7:
Noli Me Tangere
Aralin Noli Me Tangere

1 (Mahahalagang Pangyayari
sa Buhay ni Maria Clara)
“Kung ano ang itinanim ay siya mo ring aanihin”, ang salawikaing ito
ay nagpapakita na ang ganitong mga gawain ay mahalaga lalo na sa
panahong ito. Mahalaga na ang bawat tao ay respetuhin at tratuhin nang
tama anoman ang estado niya sa lipunan.

Marahil ay napansin mo na ang naunang mga pagsasanay ay tungkol


sa iba’t ibang kaisipan at mga alituntunin sa pagsusuri ng dulang
panteatro. Ngayon, iyong pag-aaralan at susuriin ito upang higit mong
maunawaan. Ang kaalamang matututuhan ay gagamitin mo sa mga
susunod pang gawain na siyang lilinang pa sa iyong kaalaman at
kasanayan.

Suriin
Mahusay mahal kong mag-aaral! Alam kong nasuri mo ang bawat
larawan. Marahil ay mulat ka na sa mga nangyayaring ito sa ating paligid.
Bilang kabataan, ikaw ay marapat na gumawa ng aksyon upang hindi na
magpatuloy pa ang ganitong gawain. Ngayon ay mas palalawakin pa ang
kaalaman mo tungkol sa iba’t ibang kaisipan na nakapaloob sa bawat
kabanata na iyong tatalakayin. Handa ka na ba? Halika’t simulan mo na!
1
Paglinang ng Talasalitaan
Narito ang ilang ‘di pamilyar na salitang ginamit sa mga kabanata.
Basahin ang kahulugan upang matulungan kang maunawaan ito.
1. pagpintog – paglaki
2. pulot-gata – pagtatalik ng bagong kasal
3. tumalilis – mabilis na pagtakbo o paglakad
4. wagas – walang katumbas o walang katapusan
5. ander de saya – sunod-sunuran sa asawang babae
6. nakadaupang palad – mas makilala pa ang isang tao
7. kamagong – isang uri ng matibay na punongkahoy
8. asendero – tumutukoy sa tao na namumuno, nangangalaga o
may-ari ng asyenda o malaking pataniman.
9. agwasil – sila ang katulong sa pagpapairal ng kapayapaan at
kaayusan sa bayan.
10. loa – isang mahabang tula na binibigkas upang parangalan o
papurihan ang isang mahalagang tao sa pagdiriwang o ang
patron ng isang pista.
Kabanata 6: Si Kapitan Tiyago

Ang katangian ni Kapitan Tiyago ay itinuturing na


hulog ng langit. Siya ay pandak, ‘di kaputian at may
bilugang mukha. Siya ay tinatayang nasa tatlumpu’t
limang taong gulang. Maitim ang buhok, at kung hindi
lamang nananabako ay maituturing na siya ay
magandang lalaki.

Siya ang pinakamayaman sa Binundok dahil


sa marami siyang negosyo at iba pang klase ng ari-
arian. Tanyag din siya sa Pampanga at Laguna
bilang asendero, hindi kataka-taka na parang
lobong hinihipan sa pagpintog ang kaniyang
yaman.

Dahil sa siya ay mayaman, siya ay isang maimpluwensiyang tao. Siya


ay malakas sa mga nasa gobyerno at halos kaibigan niya lahat ng mga
prayle. Ang turing niya sa sarili ay isang tunay na Kastila at hindi Pilipino.
Kasundo niya ang Diyos dahil nagagawa niyang bilhin ang kabanalan.
Katunayan, siya ay nagpapamisa at nagpapadasal tungkol sa kaniyang
sarili. Ipinalalagay ng balana na siya ay nakapagtatamo ng kalangitan.
Iisipin na lamang na nasa kaniyang silid ang lahat ng mga santa at santong
sinasamba katulad nina Sta. Lucia, San Pascual Bailon, San Antonio de
Padua, San Francisco de Asis, San Antonio Abad, San Miguel, Sto.
Domingo, Hesukristo at ang banal na mag-anak. Para kay Kapitan Tiyago
2
kahit na ano ang itakda ng mga Kastila, yaon ay karapat-dapat at kapuri-
puri. Siya ay naglilingkod bilang gobernadorcillo.

Basta opisyal, sinusunod niya. Anomang reglamento o patakaran ay


kaniyang sinusunod. Basta may okasyon na katulad ng kapanganakan at
kapistahan, lagi siyang mayroong handog na regalo.

Si Kapitan Tiyago ay tanging anak ng isang kuripot na mangangalakal


ng asukal sa Malabon. Dahil sa kakuriputan ng ama, siya ay hindi pinag-
aral. Naging katulong at tinuruan siya ng isang paring Dominiko. Nang
mamatay ang pari at ang ama nito, siya’y mag-isang nangalakal. Nakilala
niya si Pia Alba na isang magandang dalagang taga Sta. Cruz. Nagtulong
sila sa paghahanapbuhay hanggang sa yumaman nang husto at nakilala sa
alta sosyedad.

Ang pagbili nila ng lupain sa San Diego ang naging daan upang maging
kakilala roon ang kura na si Padre Damaso. Naging kaibigan din nila ang
pinakamayaman sa buong San Diego- si Don Rafael Ibarra, ang ama ni
Crisostomo Ibarra. Dahil sa anim na taon na pagsasama nina Kapitan
Tiyago at Pia ay hindi nagkaroon ng anak kahit na kung saan-saan sila
namanata.

Dahil dito, ipinayo ni Padre Damaso na sa Obando sila pumunta kina


San Pascal Bailon at Sta. Clara at sa Ńuestra Sra. de Salambaw. Parang
dininig ang dasal ni Pia, siya ay naglihi. Gayunpaman naging masasakitin
si Pia, nang siya ay magdalang tao. Pagkapanganak niya, siya ay namatay.
Si Padre Damaso ang nag-anak sa binyag at ang anak ni Pia ay
pinangalanang Maria Clara bilang pagbibigay-karangalan sa dalawang
pintakasi sa Obando. Si Tiya Isabel, pinsan ni Kapitan Tiyago, ang nag-
aaruga kay Maria Clara. Lumaki siya sa pagmamahal na inukol ni Tiya
Isabel, ng kaniyang ama at ng mga prayle.

Katorse anyos si Maria Clara, nang siya’y ipinasok sa Beaterio ng Sta.


Catalina. Luhaan siyang nagpaalam kay Padre Damaso at sa kaniyang
kaibigan at kababatang si Crisostomo Ibarra. Pagkapasok ni Maria Clara sa
kumbento, si Ibarra naman ay nagpunta na ng Europa upang mag-aral.

Gayunman, nagkasundo sina Don Rafael at Kapitan Tiyago na kahit


nagkalayo ang kanilang mga anak, pagdating ng tamang panahon silang
dalawa (Maria Clara at Crisostomo) ay pag-iisahing dibdib. Ito ay sa
kanilang paniniwala na ang dalawa ay wagas na nag-iibigan.

3
Kabanata 24: Sa Kagubatan

Pagkatapos na makapagmisa nang maaga si Padre Salvi, nagtuloy ito


sa kumbento upang kumain ng almusal. May inabot na sulat ang kaniyang
kawaksi. Binasa niya ito. Kapagdaka’y nilamutak ang liham at hindi na nag-
almusal. Ipinahanda niya ang kaniyang karwahe at nagpahatid sa piknikan.
Sa may ‘di kalayuan, pinahinto niya ang karwahe. Pinabalik niya ito sa
kumbento pagkababa. Binaybay niya ang kagubatan hanggang sa
maulinigan niya si Maria Clara na naghahanap ng pugad ng gansa upang
masundan niya at makita parati si Ibarra nang hindi siya makikita
nito. Naniniwala ang mga dalaga na sinoman ang makakita ng pugad ay
magkakaroon ng anting-anting o tagabulag.

Tuwang-tuwa si Padre Salvi sa panonood sa papalayong mga


dalaga. Nais niyang sundan ang mga ito. Pero, ipinasya niyang hanapin na
lamang ang mga kasama nito. Nang punahin ng mga kasama ng mga
dalaga ang tungkol sa galos ng kura, sinabi niyang siya ay naligaw at hindi
sinabi ang totoo na pinagmamasdan niya buhat sa likod ng mga puno ang
mapuputi at makikinis na binti ng mga dalaga lalo na si Maria Clara.

Pagkaraang makapananghali,
napag-usapan nina Padre Salvi ang
taong tumampalasan kay Padre
Damaso na naging dahilan ng
pagkakasakit nito. Dumating si
Sisa. Nakita siya ni Ibarra, kaya
kaagad na iniutos na pakainin
ito. Ngunit, mabilis na tumalilis si
Sisa. Napunta ang usapan sa
pagkawala nina Crispin at Basilio,
mga sakristan
ni Padre Salvi. Naging maigting ang pagtatalo nina Padre Salvi at Don Filipo
sapagkat sinabi ng Don na higit pang mahalaga sa kura ang paghahanap sa
nawawalang onsa kaysa sa kaniyang dalawang sakristan.

Namagitan na si Ibarra. Sinabi niya sa mga kaharap na siya na ang


kukupkop kay Sisa at nakiumpok na si Ibarra sa mga binata at dalaga na
naglalaro ng Gulong ng Kapalaran. Nagtanong si Ibarra kung
magtatagumpay siya sa kaniyang balak. Inihagis niya ang dais at binasa
siya ang sagot na tumama sa: Ang pangarap ay nananatiling pangarap
lamang. Ipinahayag niyang nagsisinungaling ang aklat ng Gulong ng
Kapalaran.

4
Mula sa kaniyang bulsa, inilabas niya ang isang kapirasong sulat na
nagsasaad na pinagtibay na ang kaniyang balak na magtayo ng bahay-
paaralan. Hinati ni Ibarra ang sulat, ang kalahati ay ibinigay kay Maria
Clara at ang natitirang kalahati ay kay Sinang na nagtamo ng
pinakamasamang sagot sa kanilang paglalaro. At iniwanan na ni Ibarra sa
paglalaro ang mga kaibigan.

Dumating si Padre Salvi. Walang sabi-sabing hinablot ang aklat at


pinagpunit-punit ito. Malaking kasalanan anya, ang maniwala sa aklat
sapagkat ang mga nilalaman nito’y pawang kasinungalingan. Nagalit si
Albino at sinabihan ang kura na higit na malaking kasalanan ang
pangahasan ang hindi kanya at walang pahintulot sa pagmamay-ari
nito. Hindi na tumugon ang kura at sa halip ay biglang tinalikuran ang
magkakaibigan at nagbalik na ito sa kumbento.

Dumating naman ang apat na sibil at ang


sarhento. Hinahanap nila si Elias na siya umanong tumampalasan kay
Padre Damaso. Inusig nila si Ibarra dahil sa pag-anyaya at pagkupkop sa
isang masamang tao. Pero, tinugon sila ni Ibarra sa pagsasabing walang
sinoman ang maaaring makialam sa mga taong kaniyang inaanyayahan sa
piging kahit na sinoman ang mga taong ito. Ginagulad ng mga sibil at ng
sarhento ang gubat upang hanapin si Elias na umano’y nagtapon din sa
labak sa alperes. Ni bakas ni Elias ay wala silang nakita.

Nagpasyang umalis na sa gubat ang mga dalaga at binata nang unti-


unting lumalaganap ang dilim sa paligid. Magtatakipsilim na.

Kabanata 38: Ang Prusisyon

Ang nakatutulig na paputok at sunod-sunod na pagdupikal ng mga


batingaw ay nagbabadya nang ilabas ang prusisyon. Ang mga binata na
halos lahat ay mayroong dalang parol. Kasamang naglalakad ni kapitan-
heneral ang mga kagawad, si kapitan Tiyago, ang alkalde, ang alperes at si
Crisostomo Ibarra at patungo sa bahay ng kapitan. Nagpatayo ang kapitan
ng isang kubol sa harap ng kaniyang bahay upang pagdausan ng pagbigkas
ng tulang papuri sa pintakasi ng bayan. Kung hindi lamang sa imbitasyon
ng kapitan-heneral, mas gusto ni Crisostomo Ibarra na manatili na lamang
sa tahanan ni Kapitan Tiyago upang makasama niya si Maria Clara.

Nangunguna sa prusisyon ang


tatlong sakristan na may hawak na
mga seryales na pilak. Kasunod
nila ang mga guro, mag-aaral at

5
mga batang may dala-dalang parol
na papel. Ang mga agwasil naman
ay may dalang mga pamalo upang
gamitin sa sinomang maniniksik o
humiwalay sa hanay. Mayroon din
silang kasama na namimigay ng
libreng kandila para gamiting pang-
ilaw sa prusisyon.
Ang mga santong pinuprusisyon ay pinangungunahan ni San Juan
Bautista. Sumunod si San Francisco, Santa Maria Magdalena, San
Diego De Alcala at ang pinakahuli ay ang Mahal na Birhen. Ang karo ni San
Diego ay hinihila ng anim na Hermano Tercero.

Inihinto ang mga karo at andas ng mga santo sa tapat ng kubol sa


pagdarausan ng loa. Mula sa tabing may isang batang lalaking may
pakpak, nakabotang pangabayo, nakabanda at may bigkis ang
lumabas. Pagkatapos na bumigkas ng papuri ang bata sa wikang Latin,
Kastila at Tagalog ay ipinagpatuloy ang prusisyon hanggang sa mapatapat
sa bahay ni Kapitan Tiyago. Ang lahat ay natigilan sa magandang pag-awit
ni Maria Claria ng Ave Maria sa saliw ng kaniyang sariling piyano. Kung
napatigil si Padre Salvi ay dahil sa ganda ng tinig ni Maria Clara. Higit na
nakadama ng kalungkutan si Ibarra, nadarama niya ang mensahe ng tinig
ng kasiphayuan ng kasintahan. Saglit na naputol ang pagmumuni-muni ni
Ibarra nang paalalahanan siya ng kapitan-heneral tungkol sa imbitasyon
nitong makasalo sa pagkain upang pag-usapan ang pagkawala nina Basilio
at Crispin.
Kabanata 42: Ang Mag-asawang De Espadaña

Malungkot sa bahay ni Kapitan Tiyago sapagkat may sakit si Maria


Clara. Pinag-uusapan ng magpinsang Tiya Isabel at Kapitan Tiyago kung
alin ang mabuting bigyan ng limos, ang krus sa Tunasan na lumalaki, o ang
krus sa Matahong na nagpapawis. Nais malaman ni Tiyago kung alin sa
dalawang ito ang higit na mapaghimala. Napagdesisyonan na parehong
bigyan ng limos ang dalawang ito upang gumaling kaagad ang karamdaman
ni Maria Clara. Natigil ang pag-uusap ng magpinsan nang mayroong
tumigil sa harap ng bahay. Ang dumating ay sina Dr. Tiburcio de
Espadaña, kasama ang inaanak ng kamag-anak ni Padre Damaso na si
Linares, tanging kalihim ng lahat ng ministro sa Espanya. Inaasahan ni
Kapitan Tiyago ang mga dumating na panauhin. Pagkatapos na maipakilala
ni Victorina si Linares, sinamahan sila
ni Tiyago sa kani-kanilang silid. Sa
biglang tingin, aakalain na si Donya
Victorina ay isang Orofea. Siya ay

6
isang ginang na may edad na
apatnapu’t lima, pero ipinamamalitang
siya ay tatlumpu’t dalawang taong
gulang lamang. Noong bata at dalaga
pa siya ay kapani-paniwalang maganda
ito. Kaya, hindi siya nagpasilo sa mga
lalaking Pilipino at ang pinangarap
niyang mapangasawa ay isang
dayuhan. Isa siyang social climber at ibig na mapabilang sa mataas na
antas ng lipunan. Ngunit, ang bitag na inihanda niya ay walang
nasilo. Nalagay siya sa pangangailangan na kailangang makapangasawa
siya ng dayuhan. Napilitan siyang masiyahan sa isang maralitang Kastila
na taga-Espanya na itinaboy ng bayang Extremadura at ipinadpad ng
kapalaran sa Pilipinas. Ang kastilang ito ay si Tiburcio de Espadańa na
may tatlumpu’t limang taong gulang, ngunit mukha pang matanda kay
Donya Victorina.

Nakarating siya sa Pilipinas sakay ng barkong Salvadora. Sa barko


dumanas siya ng katakot-takot na pagkahilo at nabalian pa ng
paa. Nahihiya na siyang magbalik sa Espanya, dahil ipinasya na niyang
manatili sa Pilipinas. Eksaktong labinlimang araw siya sa bansa nang
matanggap siya sa trabaho dahil sa tulong ng mga kababayang
Kastila. Sapagkat hindi naman siya nag-aral, pinayuhan siya ng mga
kababayan na humanap nang magandang kapalaran sa mga lalawigan at
magpanggap na isang mediko na ang tanging puhunan ay ang pagiging
kastila. Ayaw sana niyang sumunod dahil nahihiya siya, pero dahil sa gipit
na gipit na siya, wala siyang mapagpipilian kundi sumunod sa payo.

Siya ay dating nagtatrabaho sa pagamutan ng San Carlos bilang


tagapagpabaga nang mga painitan at tagapaspas ng alikabok sa mga mesa
at upuan pero wala talagang kaalam-alam sa panggagamot. Sa una ay
mababa pa ang singil ngunit lumalaon ay pataas nang pataas, sinamantala
niya nang husto ang pagtitiwala ng mga Indio. Dahil dito, umaasa siya na
tuloy-tuloy na ang kaniyang pagyaman. Ngunit, nagsumbong ang mga
tunay na mediko sa Protomediko de Manila na siya ay pekeng
doktor. Nawalan na siya ng pasyente. Babalik na sana siya sa
pamamalimos sa mga kakilala’t kababayan subalit napangasawa nga niya si
Donya Victorina.

Pagkakasal, lumipat sila sa Santa Ana at dito idinaos ang kanilang


pulot-gata. Ilang araw ang nagtagal bumili ng aranya at karomata si Donya
Victorina at matutuling kabayo mula sa Albay at Batangas para sa gamit
nilang mag-asawa. Binihisan din niya nang husto ang asawa para

7
magmukhang kagalang-galang. Ang Donya ay nagsimulang maging
ilusyonada bilang isang Orofea. Nagpusod-Espanyola at naglagay ng mga
palamuti sa katawan. Ilang buwan ang lumipas, ipinamalita niyang siya ay
naglilihi at sa Espanya manganganak sapagkat ayaw ipanganak ang anak
na tatawaging rebolusyunaryo. Ang kaniyang pangalan ay dinagdagan din
ng de, kayat nakalimbag sa mga tarheta nito ang Victorina de los Reyes de
Españada.
Dumaan ang tatlong buwan, ang inaasahang pagbubuntis ng Donya ay
naunsyami kaya’t wala siyang magawa kundi ang manatili sa lupaing
ito. Ang ginawa niya ay nagpatingin sa mga hilot at manggagamot, ngunit
wala ring nangyari. Hindi siya nagkaanak.

Dahil siguro nadisperada ang Donya sa hindi pagkakaroon ng anak,


naibunton niya ang kaniyang ngitngit sa asawa nito. Parang maamong
kordero ang Don, kahit na ano ang gawin ng Donya hindi ito nakariringgan
ng reklamo, kapag nagagalit ang Donya, nilalabnot niya ang pustiso ng
asawa at kung minsan nama’y hindi niya pinapahintulutang lumabas ng
bahay.

Isang araw, naisip ng Donya na ang asawa ay dapat na maglagay ng


titulong medicina at cirugia. Tumutol ang Don sapagkat pamemeke na
naman ang gagawin niyang panggagamot. Ngunit, wala siyang magawa at
sumunod na lamang sa Donya. Tunay na amini’t hindi, siya ay ander de
saya. Nagpaukit sa marmol ang Donya ng karatulang may nakasulat
na: DOCTOR DE ESPADAÑA, ESPECIALISTA EN TODA CLASE
DE ENFERMEDADES at ito ay ikinabit sa kaniyang bahay.

Naisip din ng Donya na kumuha ng tagapangasiwang Kastila sa


kaniyang mga ari-arian sapagkat hindi niya pinagkakatiwalaan ang mga
Pilipino. Ipinangako naman ng Don ang pamangking si Linares na nag-
aaral ng pagkamanananggol, sa gastos ng Donya.

Samantala sila ay nagmimiryenda ay dumating si Padre Salvi. Dati


nang kakilala ng mag-asawa ang pari, kaya si Linares na lamang ang
kanilang ipinakilala. Kaagad sinabakan na ni Donya Victorina ang
pamimintas sa mga tagalalawigan at pinangalandakan na kadikit nila ang
alkalde at ang iba pang nasa mataas na estado. Pero, namangha ang Donya
nang sabihin ni Tiyago na kadadalaw lamang ng kapitan-heneral sa
kanilang tahanan. Halos hindi makapaniwala ang Donya. Gayunpaman,
dahil sa wala na siyang magawa sinabi na lamang na nanghinayang siya at
hindi matapos ang kanilang pag-uusap, pinuntahan nila si Maria Clara na
sana ay noon pa nagkasakit, di sana’y nakadaupang palad nila ang
kapitan-heneral.

8
Nang nakahiga sa isang kamagong na nakukurtinahan ng husi at
pinya, ang ulo ni Maria Clara ay may taling panyo na basa ng
agua colonia at nakakumot ng puti. Nasa tabi ang dalawang kaibigang
babae at si Andeng na may hawak ng punpon ng Azucena. Naitanong
naman ni Linares kay Padre Salvi kung nasaan si Padre Damaso, sapagkat
may dala itong sulat-tagubilin para rito. Sinabi ni Padre Salvi na dadalaw
ito kay Maria Clara kaya napanatag ang loob ni Linares.

Pinulsuhan ng Don si Maria Clara, tiningnan ang dila at sinabing may


sakit ito, ngunit mapagagaling. Ang iniresetang gamot niya ay: sa umaga ay
liquen at gatas, Jarabe de altea at dalawang pildoras de
cinaglosa. Sinamantala ito ng Donya at ipinakilala si Linares na nabigla
sapagkat nakatuon ang kaniyang mga mata at isip kay Maria Clara na
lubhang nagagandahan. Saglit na nautal ang walang kurap na pagkakatitig
ni Linares sa magandang mukha ni Maria nang sabihin ni Padre Salvi na
dumating na si Padre Damaso. Ang pari ay kagagaling lamang sa sakit, siya
ay putlain, mabuway kung lumakad, payat at hindi masalita. Ang una
niyang ginawa ay dumalaw nga kay Maria Clara.

Isang pagbati sa iyo mahal kong mag-aaral. Ngayon ay natapos mo na


ang pagbabasa ng mga kabanata. Kaugnay ng mga nabasa mong kabanata,
narito ang mga kaalaman tungkol sa iba’t ibang kaisipang nangibabaw sa
iyong binasa.
1. Pamamalakad sa Pamahalaan – masasabing pamamalakad ng
pamahalaan ang mga pangyayari kung ito ay ginagamitan ng
puwersa o lakas ng mga nanunungkulan laban sa mga
ordinaryong tao.
2. Paniniwala sa Diyos – batay sa mga kabanatang natalakay, ito ay
nagpapakita ng paniniwala tungkol sa iba’t ibang santo o poon na
sinasamba.
3. Kalupitan sa kapuwa – dito makikita ang mga gawi at pag-uugali
ng mga karakter sa binasang kabanata kung nagpakita ng
paglabag sa karapatang pantao.
4. Kayamanan – simpleng tumutukoy sa mga ari-arian na mayroon
ang isang tauhan.
5. Kahrapan – sumisimbolo sa kasalatan sa materyal na bagay at sa
salapi.
Pagsusuri ng Dulang Panteatro

Ang dula ay isang uri ng panitikan na ang layunin ay itanghal sa


tanghalan. Mauunawaan at matututuhan ng isang manunuri ng panitikan
ang ukol sa isang dula sa pamamagitan ng panonood.
9
Gaya ng ibang panitikan, ang karamihan sa mga dulang itinatanghal
ay hango sa totoong buhay maliban na lamang sa iilang dulang likha ng
malikhain at malayang kaisipan.
Sangkap ng Dula
1. Tagpuan – panahon at pook kung saan naganap ang mga
pangyayaring isinaad sa dula.
2. Tauhan – ang mga kumikilos at nagbibigay-buhay sa dula; sa tauhan
umiikot ang mga pangyayari; ang mga tauhan ang bumibigkas ng
diyalogo at nagpapadama sa dula.
3. Sulyap sa suliranin – bawat dula ay may suliranin, mawawalan ito ng
saysay kung walang suliranin; maaaring mabatid ito sa simula o
kalagitnaan ng dula na nagbibigay-kulay sa mga pangyayari;
maaaring magkaroon ng higit sa isang suliranin ang isang dula.
4. Saglit na kasiglahan – saglit na paglayo o pagtakas ng mga tauhan
sa suliraning nararanasan.
5. Tunggalian – ang tunggalian ay maaaring sa pagitan ng mga tauhan,
tauhan laban sa kaniyang paligid, at tauhan laban sa kaniyang sarili;
maaaring magkaroon ng higit sa isa o patong-patong na tunggalian
ang isang dula.
6. Kasukdulan – climax sa Ingles; dito nasusubok ang katatagan ng
tauhan; sa sangkap na ito ng dula tunay na pinakamatindi o
pinakamabugso ang damdamin o kaya’y sa pinakakasukdulan ang
tunggalian.
7. Kakalasan – ang unti-unting pagtukoy sa kalutasan sa mga suliranin
at pag-ayos sa mga tunggalian.
8. Kalutasan – sa sangkap na ito nalulutas, nawawaksi at natatapos ang
mga suliranin at tunggalian sa dula; ngunit maaari ring magpakilala
ng panibagong mga suliranin at tunggalian sa panig ng mga
manonood.

Elemento ng Dula
1. Iskrip o nakasulat na dula/Banghay (Plot) – ito ang pinakakaluluwa
ng isang dula; lahat ng bagay na isinasaalang-alang sa dula ay
naaayon sa isang iskrip; walang dula kapag walang iskrip. Sa iskrip
nakikita ang banghay ng isang dula. Ito ay ang pagkakasunod-sunod
ng mga pangyayari at sitwasyon sa pamamagitan ng mga karakter
(aktor) na gumagalaw sa tanghalan.
2. Gumaganap o aktor/ Karakter – ang mga aktor o gumaganap ang
nagsasabuhay sa mga tauhan sa iskrip, bumibigkas ng diyalogo,
nagpapakita ng iba’t ibang damdamin at pinanonood na tauhan sa
dula.

10
3. Diyalogo – ang mga bitaw na linya ng mga aktor na siyang sandata
upang maipakita at maipadama ang mga emosyon. Nagiging mas
maganda at makapangyarihan ang dula kung may malalakas at
nakatatagos na mga linyang binibitiwan ang mga aktor.
4. Tanghalan – anomang pook na pinagpasyahang pagtanghalan ng
isang dula ay tinatawag na tanghalan; tanghalan ang tawag sa
kalsadang pinagtanghalan ng isang dula, tanghalan ang silid na
pinagtanghalan ng mga mag-aaral sa kanilang klase.
5. Direktor – ang nagpapakahulugan sa isang iskrip; siya ang nag-i-
interpret sa iskrip mula sa pagpasya sa itsura ng tagpuan, ng damit
ng mga tauhan hanggang sa paraan ng pagganap at pagbigkas ng
mga tauhan ay dumidepende sa interpretasyon ng direktor sa iskrip.
6. Manonood – hindi maituturing na dula ang isang binansagang
pagtatanghal kung hindi ito napanood ng ibang tao; hindi ito
maituturing na dula sapagkat ang layunin ng dula’y maitanghal; at
kapag sinasabing maitanghal dapat mayroong makasaksi o
makanood.
7. Tema – ang pinakapaksa ng isang dula. Naiintindihan ng mga
manonood ang palabas base na rin sa tulong ng pagtatagpi-tagpi ng
mga sitwasyon at pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari at pag-
arte ng mga aktor sa tanghalan. Naililitaw ang tunay na emosyon ng
mga aktor sa tulong ng paglinaw ng tema ng dula.

Eksena at Tagpo
Ang eksena ay ang paglabas-masok sa tanghalan ng mga tauhan
samantalang ang tagpo nama’y ang pagpapalit o ang iba’t ibang tagpuan na
pinangyarihan ng mga pangyayari sa dula.
AKROSTIK na pinakabatayan habang ika’y nasa tanghalan.
S – seen before heard (makita muna bago marinig)
T – talk in projection (magsalita na may tamang tindig)
A – act realistically (umarte nang totoo)
G – give your all (ibigay ang lahat)
E – exaggerate (eksaherado)
Pag-arte

1. Pagpasok – dito kailangang maipakita ng aktor na siya ay mula sa


tiyak na lugar, na may tiyak na layunin at nasa tiyak na pag-iisip,
dahil ang unang impresyon na kaniyang ibibigay sa mga manonood ay
ang kaniyang susi sa papel na kaniyang gagampanan. Kailangang
maisaisip at maisapuso niya ang kaniyang katauhan bago pa man
siya pumasok. Mahalaga ring mapagplanuhang mabuti ang paraan
kung paano niya gustong lumantad lalo na ang kaniyang tindig.
Dapat na nasisigurong ang lahat ay maayos tulad ng make-up,
11
kasuotan at mga kagamitan upang hindi mabagabag. Habang
hinihintay ang pagpasok, tiyaking hindi lumalabas ang anino sa
entablado at huwag ding harangan ang labasan.
Kapag dalawa o mahigit ang papasok, dapat ang isa ay
nagsasalita at iyon ang taong huling lalabas upang hindi na niya
kailangan pang lumingon sa kaniyang mga kausap.
2. Diin at Balanse sa Entablado – ang direktor ang magtuturo sa
tamang posisyon sa entablado ngunit ang aktor ay maaaring
tumulong sa pamamagitan ng pagtatanda sa kaniyang dapat na
posisyon. Kapag natatakpan ang ibang tauhan, ang taong nasa likod
ang kikilos upang isaayos ang posisyon. Iwasan na matakpan ang
iba. Bawat tauhan ay mahalaga at bahagi ng kabuoang larawan ng
entablado gaano man kaliit ang linyang bibitawan o kahit na ekstra
lamang.
3. Posisyon at Paggalaw – walang kilos o galaw ang dapat na gawin na
walang dahilan. Ang bawat kilos o galaw ay may kahulugan. Ang pag-
upo o pagtayo ay dapat naaayon pa rin sa papel na ginagampanan.
Ang dalawang mag-uusap ay kailangang magtinginan paminsan-
minsan. Tingnan nang diretso ang bagay na pupulutin, ang lugar na
pupuntahan o ang taong kakausapin. Huwag na huwag tumalikod sa
mga manonood.
4. Linya at Palatandaan – Dapat kabisado o saulado ang linyang
bibigkasin. Kailangan ding malinaw, buo at malakas ang boses ng
mga aktor sa pag-uusap. Ang “pag-aadlib” ay para lamang sa
kagipitan upang maiwasan ang katahimikan. Kapag nakalimutan ng
isang aktor ang linya at nawawala ang ibang impormasyon, ang ibang
aktor ay mag-aadlib na hindi pinahahalata ang pagkakamali sa
pamamagitan ng pagpapakita pa rin ng pagka-natural ng usapan.
Kailangang magkaroon ng palatandaan kung saan papasok o
magsisimula sa pagsasalita at huwag itong kalimutan.
Galaw ng Katawan at mga Alituntunin

1. Tindig – ito ay mahalaga hindi lamang sa kalusugan kundi pati sa


personal na hitsura.
2. Paglakad – panatilihin ang magandang tindig sa paglalakad.
Kailangang nakataas ang balikat, diretso ang katawan at diretso rin
ang pagtingin.
3. Pag-upo – panatilihin ang tuwid na pag-upo. Ang mga kamay ay
nakalukbay (relax). Ang kamay na nakagapos ay nagpapahirap sa
paghinga at ito ay nagpapamukhang kabado. Tandaan na ikaw ay
unang huhusgahan sa iyong katauhan sa entablado, susunod na
lamang ang sa kung ano ang iyong sasabihin.
4. Pagtawid at Pagbalik – ang gitnang bahagi ng entablado ay tinatawag
na center ang harapan ay downstage at ang likurang bahagi ay
12
upstage.
5. Pagtawid – ibig sabihin ay ang paggalaw mula sa isang posisyon
tungo sa ibang posisyon.
6. Pagbagsak – ang pagbagsak ng aktor tulad ng pagkamatay o
pagkahimatay ng tauhan.
7. Kumpas – ito ang paggalaw ng anomang bahagi ng katawan na
naghahatid ng mensahe tulad ng pagtaas o pagbaba ng kilay. Ang
pagbabago ng ugali ay unang maipakikita ng mata pagkatapos ay ng
bibig, sunod ay sa mukha, sa katawan at ang huli ay sa pamamagitan
ng kilos ng braso, kamay at mga daliri.

Pagyamanin

Gawain 1. #Hanap-Kalap

Panuto: Mula sa mga kabanata, pumili ng mga pangyayari at ipaliwanag


ang mga kaisipang nakapaloob na nagpapakita ng pamamalakad ng
pamahalaan, paniniwala sa Diyos, kalupitan sa kapuwa, kayamanan at
kahirapan. Gayahin ang pormat at sagutan ito sa hiwalay na papel.

Pangyayari:
Pamamalakad
ng pamahalaan Paliwanag:

Pangyayari:
Paniniwala sa Diyos
Paliwanag:

Pangyayari:
Kalupitan sa kapuwa
Paliwanag:

Pangyayari:
Kayamanan
Paliwanag:

13
Pangyayari:
Kahirapan
Paliwanag:

Gawain 2. #SuriHan

Panuto: Ipaliwanag ang mga kaisipang nakapaloob sa mga tauhan gaya ng


pamamalakad ng pamahalaan, paniniwala sa Diyos, kalupitan sa kapuwa,
kayamanan at kahirapan. Gawing batayan sa pagsagot ang halimbawang
ibinigay.Kopyahin ang grapikong pantulong sa hiwalay na papel.

Tauhan Pamamalakad Paniniwala Kalupitan Kaya- Kahira


ng sa sa manan -pan
pamahalaan Diyos Kapuwa

Padre Siya ang Ipinayo niya Hilig


Damaso sinusunod ng kay Kapitan niyang
mga tao sa Tiyago at mamahiya
San Diego Pia Alba na tuwing
dahil siya ang magsimba nagseserm
kura at mas at sumayaw on lalo na
makapangyari sa Obando kung
han kaysa sa upang naroon si
alkalde. mabiyayaan Crisostomo
ng anak. Ibarra

Donya
Victorina

Don
Tiburcio

Kapitan
Tiyago

Crisostomo
Ibarra

14
Isagawa

Mahusay! Alam kong malalim na ang iyong kaalaman tungkol sa ating aralin.
Sa puntong ito, ikaw pa rin ang bida. Ikaw naman ang sumuri ng isang dulang
panteatro na iyong napanood. Isulat ang sagot sa hiwalay na papel.
Panuto: Panoorin ang video clip sa link na ito
https://youtu.be/3zVObM8Aa4. Batay sa napanood na video clip, suriin at
ipaliwanag ang mga kaisipang nakapaloob, gaya ng pamamalakad ng
pamahalaan, paniniwala sa Diyos, kalupitan sa kapuwa, kayamanan,
kahirapan at iba pa. Gayahin ang pormat at sagutan sa hiwalay na papel.

Pamagat ng dulang panteatro:

Mga sangkap ng dulang panteatro:


A. Tauhan
B. Diyalogo
C. Tunggalian
D. Suliranin

Mga alituntunin sa dulang panteatro:


A. Pagpasok
B. Diin at Kumpas
C. Balanse sa entablado
D. Linya at palatandaan

Paglalahad
Kaisipan Paliwanag
(Pangyayari/Eksena/Tagpo)
Pamamalakad ng
pamahalaan
Paniniwala sa
Diyos
Kalupitan sa
kapuwa
Kayamanan
15
Kahirapan

Mahusay- Paghusayan
Napakahusay Mahusay
Kraytirya husay pa
5 puntos 4 puntos
3 puntos 1 puntos
Kaisipan Mahusay at Mahusay na May 1-2 May 3-5
masining na naipaliwa- kaisipan na kaisipan
naipaliwanag nag ang hindi ang hindi
ang mga mga naipaliwanag naipaliwa-
kaisipang kaisipang ng maayos. nag ng
nakapaloob. nakapaloob. maayos
Pagsusuri ng Mahusay at Nakapagla- Nakapaglaha Hindi
Dulang masining na had ng 3-4 d ng 1-2 na nakapagla-
Panteatro nakapagsuri na pagsusuri sa had ng
ng dulang pagsusuri kaisipang pagsusuri
panteatro sa kaisipang nakapaloob sa
nakapaloob sa kabuoan kaisipang
sa kabuoan ng dula. nakapaloob
ng dula. sa kabuoan
ng dula.
Organisasyon Organisado May 1-2 May 3-4 Hindi
ang mga bahaging bahaging organisado
ideya at iba hindi hindi ang mga
pang detalye organisado organisado ideya at iba
sa kabuoan. ang mga ang mga pang
Wasto at ideya at iba ideya at iba detalye sa
angkop ang pang detalye pang detalye kabuoan.
ginamit na sa kabuoan. sa kabuoan.
salita at Wasto at
bantas. angkop ang
ginamit na
salita at
bantas.

16
Tayahin

Magaling! Napagtagumpayan mong sagutin ang mga gawain. Kumusta?


Marahil ikaw man ay namangha sa taglay mong husay. Alam kong
masasagot mo ulit ang sumusunod na mga katanungan. Ngayon pa lamang
ay binabati na kita sa iyong galing na ipinakita.
Ang gawaing ito ay inihanda upang masukat ang mga kaalamang iyong
natutuhan sa modyul na ito.
Para sa bilang 1-5
Panuto: Tukuyin ang mga kaisipang nangibabaw sa mga pahayag. Piliin ang
letra ng tamang sagot sa loob ng kahon at isulat ito sa hiwalay na papel.

A. Kahirapan B. KAyamanan C. PAniniwala sa Diyos


D. KAlupitan sa kapuwa E. PAmamalakad ng pamahalaan

1. Ang sapin-saping kahirapan ng kalooban na dinanas


ay hindi nakayanan ng kaniyang pisikal na katawan. Hindi na niya
natamasa ang malayang buhay. Sa mismong loob ng bilangguan,
nalagutan ng hininga si Don Rafael.

2. Sa patuloy na pagsusuyod ng kaniyang tingin, napansin niya na


walang ipinagbago ang punong Talisay sa San
Gabriel. Ang Escolta naman sa tingin din niya ay lalong pumangit.

3. Ang mga guwardiya sibil ay maaaring nasa dampa na nina Sisa upang
hulihin ang magkapatid, pagdiin pa ng alila. Nangatal si
Sisa. Naumid ang labi. Mabilis na tinakpan ang kaniyang dalawang
tainga nang paratangan siya ng alila na isang inang walang turong
mabuti sa mga anak dahil nagmana ito sa ama.

4. “Natatalo nila ang mga tulisan ng kadiliman at lahat ng kampon ni


Lucifer. Ang mga himalang-likhang ito ay tulad ng paglikha kay Diego
de Alcala.” Ang mga bahaging ito ng sermon ay ipinahayag ni Padre
Damaso sa wikang Kastila, kaya hindi maintindihan ng mga Indiyo.
5. Nangunguna sa prusisyon ang tatlong sakristan na may hawak na
mga seryales na pilak. Kasunod nila ang mga guro, mag-aaral, at mga
batang may dala-dalang parol na papel.

Para sa bilang 6-10


Panuto: Suriin ang mga sitwasyon at tukuyin kung anong alituntunin ito sa
dulang panteatro. Piliin ang tamang sagot at isulat ito sa hiwalay na papel.

A. Kumpas B. Kumpas C. Linya ng palatandaan


D. Posisyon at paggalaw 17 E. Diin at Balanse sa entablado
6. Inaantok ang mga nakikinig. Si Kapitan Tiyago ay
napahikab. Samantala, si Maria Clara ay hindi nakikinig
sa sermon sapagkat abala siya sa pagtingin sa kinaroroonan ni Ibarra
na malapit lamang sa kaniya.
7. Inihinto ang mga karo at andas ng mga santo sa tapat ng kubol sa
pagdarausan ng loa.
8. Pumasok na sa bulwagan ang dalawa. Nagtama ang kanilang
paningin. Ang pagtatama ng kanilang paningin ay nagdulot ng
kaligayahan sa kanilang puso.
9. Tuwang-tuwa si Padre Salvi sa panonood sa papalayong mga
dalaga. Nais niyang sundan ang mga ito. Pero, ipinasya niyang
hanapin na lamang ang mga kasama nito.
10. Ginalugad ng mga sibil at sarhento ang gubat upang hanapin
si Elias na umano’y nagtapon din sa labak sa alperes. Ni bakas
ni Elias ay wala silang nakita.

18
School DOŇA JUANA CHIOCO NATIONAL HIGH SCHOOL
Grade 1 Teaching Dates QUARTER 3, WEEK 7,8(June 28-July 9, 2021)
to 12
Weekly Home Learning Plan for Grade 9 Filipino

Day Learning Learning Learning Tasks Mode of


& Time Area Competency Delivery

Wake up, make up your bed, eat breakfast, and get ready for an awesome day!

Have a short exercise/meditation/bonding with family.

Monday

Filipino 9 MODYUL 7 IKAAPAT NA MARKAHAN MODYUL 7 • Ang


1.naipaliliwanag ang mga : Noli Me Tangere;mahahalagang magulang o
kaisipang nakapaloob sa pangyayari sa buhay ni Maria Clara
guardian ang
aralin gaya ng magpapasa
MGA GAWAIN
pamamalakad ng Gawain 1: #hanap-kalap ng output sa
pamahalaan, paniniwala Gawain 2: #Surihan barangay hall
sa Diyos, kalupitan sa ISAGAWA o
kapuwa, kayamanan at TAYAHIN
eskuwelahan
kahirapan at iba pa
sa petsa ng
(F9PB-IVg-h-60);
2. nasusuri ang pinanood
pagpasa
na dulang panteatro na bago
naka-video clip matapos ang
(F9PD-IVi-j-60). linggo.

MODYUL 8 MGA GAWAIN


1.naipaliliwanag ang IKAAPAT NA MARKAHAN MODYUL
8: Noli Me Tangere;mahahalagang
kahalagahan ng pagtupad pangyayari sa buhay ni Sisa
ng tungkulin ng ina at ng
anak (F9PS-IVg-62); Gawain 1: #Surinawa (pagsusuri sa
2. naihahambing naunawaan)
ang mga katangian ng Gawain3:#Kultwit (kulturang-Twitter)
isang ina noon at sa ISAGAWA
TAyahin
kasalukuyan batay sa
napanood na dulang
pantelebisyon o
pampelikula (F9PD-IVg-h-
59-c-51);

Prepared by: Checked by: Noted by:

RODRIGO M. BAASIS ROSITA N. LAMSON JAIME C. SANTOS


Teacher III Head Teacher III, Filipino Principal III

EMA RUTH V. CASERO


Teacher I

YOLANDA B. PAJARILLO
Teacher I
Filipino 9 Teachers

19

You might also like