You are on page 1of 14

9

Filipino 9
Ikaapat na Markahan
Modyul 5

NOLI ME TANGERE
“Si Maria Clara”
Filipino – Baitang 9
Alternative Delivery Mode
Ikaapat na Markahan – Modyul 5: Noli Me Tangere – Si Maria Clara

Isinasaad sa Batas republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayon pa man, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa
modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa
anomang paraan nang walang pahintulot ng kagawaran.

School Digitized Task Force in Filipino 9

Manunulat:
Rachel E. Onza
Erika Camille S. Ocampo
Mhelvin A. Abarabar

Tagasuri:
Maria U. Cruz
Marissa M. Mamaril, EdD
Maria Sylvia M. Garcia, PhD
9
Filipino 9
Ikaapat na Markahan
Modyul 3

PANITIKAN: Noli Me Tangere (Nobela)

Si Maria Clara
Alamin
Magandang araw kaibigan!
Nakilala natin sa nakaraang modyul si Elias, ngayon naman ay kikilalanin natin sa
modyul na ito kung sino nga ba si Maria Clara. Handa ka na ba?
Inaasahan ko na pagkatapos ng ating paglalakbay nagagawa mo ang mga sumusunod:
1. Naibabahagi ang sariling damdamin sa tinalakay na mga pangyayaring naganap sa
buhay ng tauhan F9PN-IVd-58
2. Nailalahad ang sariling pananaw sa kapangyarihan ng pag-ibig sa magulang, sa
kasintahan, sa kapwa at sa bayan F9PB-IVd-58
3. Nagagamit ang mga angkop na ekspresyon sa pagpapahayag ng: - damdamin -
matibay na paninindigan F9WG-Ivd-60
4. Natitiyak ang pagkamakatotohanan ng akdang napakinggan sa pamamagitan ng
paguugnay sa ilang pangyayari sa kasalukuyan F9PN-IVe-f-59

Subukin
Ngayon mga kaibigan, bago tayo magpatuloy sa ating aralin nais ko munang tayahin
ang iyong kakayahan. Nakahanda ka na ba?
Panuto: Basahin ang sumusunod na tanong. Isulat ang letra ng tamang sagot sa iyong
sagutang papel.
1. Siya ang mayuming kasintahan ni Crisostomo Ibarra na sinasabing sumisimbolo sa mga
dalagang Pilipina.
a. Salome b. Andeng c. Maria Clara d. Sisa

2. Nagagawang bilhin ni Kapitan Tiyago ang kabanalan sa pamamagitan ng ___________.

a. korupsyon b. pagnanakaw c. pagbibigay ng donasyon d. pagtatrabaho nang mabuti

3. Sa anim na taong hindi pagkakaroon ng anak ni Kapitan Tiyago at Donya Pia Alba,
pinayuhan sila ni Padre Damaso na maging deboto ni ________________ .
a. Santa Clara b. Maria Clara c. Our Lady of Manaoag d. Our Lady of La Sallete

4. Siya ang nag-aruga kay Maria Clara simula nang pumanaw ang kanyang ina.
a. Sisa b. Donya Victorina c. Tiya Isabel d. Salome

5. Siya ang tunay na ama ni Maria Clara.

a. Kapitan Tiyago b. Padre Salvi c. Don Rafael Ibarra d. Padre Damaso

1
Aralin
“Si Maria Clara”
5 (Noli Me Tangere)
Panimula
Ang araling ito ay ipinakikilala si Maria Clara ng nobelang Noli Me Tangere. Si
Maria Clarang mabining kumilos, mapagmahal sa kasintahan at magulang. Bagamat
nagpakita ng kahinaan sa larangan ng pag-ibig nangangahulugan lamang na mas pinili niya
ang sariling kabiguan kaysa sa sariling kaligayahan mapasaya lamang ang mga magulang.
Marahil iyo’y taglay rin ng mga Pilipino sa kasalukuyan.
Halina kaibigan at kilalanin nating mabuti si Maria Clara!

Balikan

Gawain 1. Akronim

Panuto: Ilarawan ang pagkatao ni Elias sa pamamagitan ng pagbibigay-kahulugan sa bawat

titik ng kaniyang pangalan.

E______________________________
L______________________________
I_______________________________
A______________________________
S_______________________________

2
TUKLASIN
Handa ka na ba sa susunod na gawain? Magaling! Bago natin basahin ang
nakasasabik na akda ay may inihanda muna akong gawain sa iyo. Galingan mo!

Gawain 2: Paghambingin Mo

Panuto: Tignan at paghambingin ang mga larawan sa ibaba. Pagkatapos ay sagutin ang mga
sumusunod na katanungan.

1. Ibigay ang kani-kanilang katangian.

___________________________________________________________________________

2. Sino sa kanila ang nais mong tularan? Bakit?

___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
3. Ano ang maaari mong ibigay na simbolo para sa mga kababaihan? Bakit?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

3
Magaling!
Alam kong handang-handa ka na dahil nasagutan mo nang maayos ang panimulang
gawain. Halika na! Kilalanin natin ang babaeng nagpatibok sa puso ni Juan CrisostomoIbarra
y Magsalin sa nobelang Noli Me Tangere, si Maria Clara!

Halika na! Tunghayan natin ang mga kapana-panabik na mga pangyayari sa buhay at
katauhan ni Maria Clara!

Maria
Clara
Siya ang babaeng anak nila Don Santiago delos Santos o tanyag sa pangalang
“Kapitan Tiyago” at Dona Pia Alba. Kababata’t kasintahan ni Juan Crisostomo Ibarra y
Magsalin o mas kilala bilang Ibarra. Namatay ang kanyang ina pagkalipas lamang ng ilang
araw pagkatapos siyang maipanganak, ang kanyang Tiya Isabel na ang tumayong kaniyang
ina. Nang pumunta ng Europa si Ibarra para mag-aral ay siya namang pagpasok niya sa
kumbento. Bago maghiwalay, nangako ang dalawa sa isa’t isa na sila ay mag-iisang dibdib
balang araw na sinang-ayunan naman ng kanilang mga magulang na sina Kapitan Tiyago at
ni Don Rafael Ibarra.
Pagkalipas ng pitong taon na pangingibang-bayan ni Ibarra, muli itong nagbalik sa
Pilipinas. Sakto namang paglabas na din ng kumbento ni Maria Clara. Binigyan ni Kapitan
Tiyago ng isang marangyang pagtitipon ang muling pagbabalik ni Ibarra sa bansa sapagkat
matalik nitong kaibigan ang nasawing ama nito na si Don Rafael Ibarra. Hindi nakapagkita
ang magkasintahan ng gabing iyon. Kaya naman, dumalaw na lamang si Ibarra sa tahanan ng
mga Delos Santos nang sumunod na araw. Kabang-kaba si Maria Clara nang maulinigan ang

4
sasakyang lulan si Ibarra. Nag-ulayaw ang magkasintahan sa asotea. Sinariwa nila ang mga
masasayang alaalala nila nang sila ay musmos pa lamang. Kinamusta naman ni Maria Clara
si Ibarra kung nakatagpo ba ito ng babaeng nakapagpalimot sa kanya sa Europa. Ngunit
itinanggi ito ni Ibarra sapagkat lahat nang makita ni Ibarra na mga bagay at lugar sa Europa
ay lalo lamang nagpapapaalala kay Maria Clara. Namula si Maria Clara at lubos na nasiyahan
sa mga kuwento ni Ibarra na talaga namang nagpabilis ng tibok ng kaniyang puso.
Sa pagbabalik ni Ibarra sa bansa, ay madalas na nagkikita ang dalawa. Ibinahagi ng
binata ang plano niya sa dalaga na magpapatayo siya ng paaralan upang magamot ang
kamangmangan ng kaniyang bayan.
Sa kalaunan ng kuwento'y nabatid ni Maria Clara na ang kinikilalang ninong na si
Padre Damaso ang kanyang tunay na ama at hindi naging pabor si Padre Damaso sa relasyon
ng dalawa kaya pinilit na pinaghihiwalay ang mga ito. . Galit nag alit si Ibarra kay Padre
Damaso dahil alam nitong ito ang nagpalipat ng bangkay ng kanyang ama sa libingan ng mga
Intsik. Hindi nagtagal, mas lalong lumala ang relasyon ng binata sa Padre at dahil dito ito siya
ay naging ekscomunikado. Bagay na ikinabahala at ikinalungkot ng dalaga. Lumala ng
lumala ang sitwasyon ng binata hanggang sa siya ay nakulong sapagkat pinagbintangan
siyang utak ng pag-aalyansa ng mga rebelde. Napilitang iwaksi ni Maria Clara ang kanilang
relasyon at pumayag na tanggapin ang relasyong inilalahad ni Linares, ang lalaking
ipinakilala at nais ni Padre Damaso na ipakasal kay Maria Clara.
Nang makulong si Ibarra ay tinulungan siya ni Elias na makatakas. Bago umalis
patungong ibang bayan ang mga ito, dumaan muna siya kay Maria Clara. Nag-usap ang
dalawa. Inilahad ni Crisostomo kung gaano niya sinisinta at minamahal si Maria Clara, ganun
din ang dalaga sa binata. Ngunit tila hindi sumasang-ayon ang panahon at tadhana para sa
kanilang dalawa. Napilitang palayain ni Crisostomo si Maria Clara para sa kapakanan nito.
Malungkot na nagpaalam sa isa’t isa ang dating magkasintahan. Nagyakapan nang mahigpit
ang dalawa bago nilisan ni Crisostomo ang tahanan nina Maria Clara. Kinaumagahan, parang
kidlat sa bilis na kumalat ang balita na patay na si Ibarra. Hindi na itinuloy ng dalaga ang
pagpapakasal kay Linares. Kinausap niya si Padre Damaso, ang kaniyang ama. “Kumbento o
kamatayan?” Pinagpili niya ito. Nagmakaawa ang padre na huwag gawin sa kaniya iyon.
Ngunit desido na talaga si Maria Clara. Walang magawa si Padre Damaso kundi payagang
pumasok sa loob ng kumbento ang anak na si Maria Clara. Ang kamatayan ni Ibarra ang
kanyang ikinalungkot nang lubusan sa kaniyang buhay.

5
Suriin
Magaling kaibigan! Natunghayan mo ang mga mahahalagang pangyayari sa buhay ni
Maria Clara. Ngayon naman ay sagutan mo ang mga sumusunod na gawain:
Gawain 3. Opinyon Mo, Isiwalat Mo
Panuto: Ilahad ang iyong opinyon at ideya sa mga sumusunod na katanungan.
1. Sino si Maria Clara?
_____________________________________________________________________

2. Paano ipinakita nina Maria Clara at Ibarra ang kanilang pag-iibigan?
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

3. Kung ikaw ang nasa katayuan ni Maria Clara, ano ang pipiliin mo: ang ipaglaban sa
magulang ang lalaking minamahal o ang sundin ang utos ng magulang na layuan ang
minamahal? Bakit? Ipaliwanag ang iyong sagot.
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

PAGYAMANIN
Pagyamanin

Gawain 4. Paglinang ng Talasalitaan

Panuto: Bigyan ng kahulugan ang mga salitang nasa loob ng kahon at gamitin ang mga ito sa
loob ng pangungusap.

Salita Kahulugan Pangungusap

Pag-uulayaw

Asotea

Pag-iisang
Dibdib

Isaisip

6
Panuto: Punan ang patlang upang makumpleto ang buong diwa nito.
1. Maipapakita ko ang tunay kong pagmamahal sa taong itinatangi sa
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

2. Sa aking palagay, sinisimbolo ni Maria Clara ang isang tunay na Pilipina sapagkat
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
____________________________________________________________________

3. Napatunayan kong _____________________________________________________

_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

Isagawa

Gawain 5. O’ Pag-ibig!
Panuto: Sumulat ng limang (5) saknong na tula na naglalahad ng iyong sariling pananaw o
depinisyon sa kapangyarihan ng pag-ibig. Talakayin dito ang pag-ibig sa magulang, sa
kasintahan, sa kapwa at sa bayan.

TAYAHIN
7
Panuto: Basahin ang mga sumusunod na mga katanungan. Piliin at isulat ang titik ng tamang
sagot sa iyong sagutang papel.
1. Siya ang mayuming kasintahan ni Crisostomo Ibarra na sinasabing sumisimbolo sa mga
dalagang Pilipina.
a. Salome b. Andeng c. Maria Clara d. Sisa

2. Nagagawang bilhin ni Kapitan Tiyago ang kabanalan sa pamamagitan ng ___________.

a. korupsyon b. pagnanakaw c. pagbibigay ng donasyon d. pagtatrabaho nang mabuti

3. Sa anim na taong hindi pagkakaroon ng anak ni Kapitan Tiyago at Donya Pia Alba,
pinayuhan sila ni Padre Damaso na maging deboto ni ________________ .
a. Santa Clara b. Maria Clara c. Our Lady of Manaoag d. Our Lady of La Sallete

4. Siya ang nag-aruga kay Maria Clara simula nang pumanaw ang kanyang ina.
a. Sisa b. Donya Victorina c. Tiya Isabel d. Salome

5. Siya ang tunay na ama ni Maria Clara.

a. Kapitan Tiyago b. Padre Salvi c. Don Rafael Ibarra d. Padre Damaso

6. Maria Clara; dahon ng sambong: Ibarra;______________

a. liham mula sa ama b. liham mula sa ina c. aklat d. Bibliya

7. Don Tiburcio; Donya Victorina : Kapitan Tiago; ____________

a. Tiya Isabel b. Pia Alba c. Hermana Rufa d. Donya Consolacion

8. Siya ang napili nina Padre Damaso na ipakasal kay Maria Clara
a. Crisostomo Ibarra b. Linares c. Elias d. Guevarra

9. Ito ang sinasabing ikinalunggkot nang lubusan ni Maria Clara sa kanyang buhay.
a. nang mamatay ang kanyang ina
b. nang malaman na hindi si Kapitan Tiyago ang ama
c. nang makulong si Ibarra
d. nang mabalitaang namatay si Ibarra

10. Ano ang nangyari kay Maria Clara matapos mabalitaan ang pagkamatay ni Ibarra?
a. nagpakasal sa ibang lalaki
b. nasiraan ng bait
c. pumasok sa kumbento
d. namatay sa kalungkutan

8
Karagdagang Gawain
Gawain 6: Maria Clara sa Kasalukuyan

Magtala ng ilang mga ideya, opinyon o paglalarawan sa katangian ng isang babaeng

Pilipina sa kasalukuyan.

Katangian ng Babaeng Pilipina sa Kasalukuyan

1.

2.

3.

4.

5.

Binabati kita at natapos mo ang mga gawain sa modyul na ito.

SUSI SA PAGWAWASTO

9
Subukin:
1. C
2. C
3. A
4. C
5. D

Gawain 1- Iba-iba ang sagot

Gawain 2 - Iba-iba ang sagot
Gawain 3 - Iba-iba ang sagot
Gawain 4- Iba-iba ang sagot
Gawain 5- Iba-iba ang sagot
Gawain 6- Iba-iba ang sagot

Tayahin
1. C
2. C
3. A
4. C
5. D
6. A
7. B
8. B
9. D
10. C

Sanggunian:
• https://www.google.com/search?
q=babaeng+nagtatrabaho+sa+office+drawing&tbm=isch&ved=2ahUKEwiRpdLE7K
_vAhUH6ZQKHfWPDkgQ2-
cCegQIABAA&oq=babaeng+nagtatrabaho+&gs_lcp=CgNpbWcQARgDMgIIADIEC
AAQHjIECAAQHjIECAAQHjIGCAAQBRAeMgYIABAFEB4yBggAEAUQHjoHC
CMQ6gIQJzoECCMQJzoECAAQQzoFCAAQsQM6CAgAELEDEIMBOgQIABAT
UOBZWM2JAWD6pgFoAnAAeAKAAYQBiAH2FpIBBDI3LjSYAQCgAQGqAQt
nd3Mtd2l6LWltZ7ABCsABAQ&sclient=img&ei=CApOYJGBEIfS0wT1n7rABA&b
ih=657&biw=1366#imgrc=HsFwU6KhxGoJWM
• https://www.google.com/search?
q=maria+clara&sxsrf=ALeKk03x3ARPhPoQmXUbkFM09qYHg-
h0ZQ:1615727052505&source=lnms&tbm=isch&biw=1366&bih=657#imgrc=3NdQ
DVUEj6NXfM
• https://brainly.ph/question/1416745
• Pinangyamang Pluma 9
• Magbaleta, Corazon G. et al. Noli Me Tangere (Sa Bagong Pananaw) ni Dr. Jose P.
Rizal, JO-ES Publishing House, Inc 2006

You might also like