You are on page 1of 13

Filipino 10

1
Filipino – Ikasampung Baitang
Ikaapat na Markahan – Modyul 14: El Filibusterismo: Padre Florentino
Kabanata 39: Ang Wakas
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-sipi ang sinuman sa anumang akda ng Pamahalaan ng
Pilipinas. Gayunpaman, kailangan na may pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
malikom ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi
inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang
anumang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga
orihinal na may-akda.

Walang anumang bahagi ng nilalaman nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang paraan nang walang pahintulot sa kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig.

Komite sa Pagsulat ng Modyul


Manunulat: Leah D. Terrenal
Tagasuri: Leda L. Tolentino, Amado R. Amado
Editors: Leda L. Tolentino, Amado R. Amado

Tagapamahala: Ma. Evalou Concepcion A. Agustin


OIC-Schools Division Superintendent
Carolina T. Rivera
OIC-Assistant Schools Division Superintendent
Victor M. Javeña EdD
Chief, School Governance and Operations Division and
OIC-Chief, Curriculum Implementation Division
Education Program Supervisors

Librada L. Agon EdD (EPP/TLE/TVL/TVE)


Liza A. Alvarez (Science/STEM/SSP)
Bernard R. Balitao (AP/HUMSS)
Joselito E. Calios (English/SPFL/GAS)
Norlyn D. Conde EdD (MAPEH/SPA/SPS/HOPE/A&D/Sports)
Wilma Q. Del Rosario (LRMS/ADM)
Ma. Teresita E. Herrera EdD (Filipino/GAS/Piling Larang)
Perlita M. Ignacio PhD (EsP)
Dulce O. Santos PhD (Kindergarten/MTB-MLE)
Teresita P. Tagulao EdD (Mathematics/ABM)
Inilimbag sa Pilipinas, Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang Punong Rehiyon
Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig
2
Filipino 10
Ikaapat na Markahan
Modyul 14 para sa Sariling Pagkatuto
El Filibusterismo: Padre Florentino
Kabanata 39: Ang Wakas
Manunulat: Leah D. Terrenal
Tagasuri: Leda L. Tolentino at Amado R. Amado Editor: Albert C. Nerveza at Melinda P .Iquin

3
Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Filipino 10 ng Modyul 14 para sa
araling El Filibusterismo: Padre Florentino Kabanata 39 Ang Wakas

Ang modyul na ito ay pinagtulungang idinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig na
pinamumunuan ng Nanunuparang Pinuno-Tanggapan ng Pansangay na
Tagapamanihala, Ma. Evalou Concepcion A. Agustin, sa pakikipag-ugnayan sa
Lokal na Pamahalaan ng lungsod sa pamumuno ng butihing Punong Lungsod, Kgg.
Victor Ma. Regis N. Sotto, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang
pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan
ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Inaasahan na sa pamamagitan ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay


makauugnay sa pamamatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral
na makamit ang mga kasanayang pang-ika-21 siglo lalong-lalo na ang 5 Cs
(Communication, Collaboration, Creativity, Critical Thinking and Character) habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa pangunahing teksto, makikita ang pinakakatawan ng


modyul sa loob kahong ito:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala at
estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.

4
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Filipino 10 Modyul 14 ukol sa El Filibusterismo:


Padre Florentino Kabanata 39: Ang Wakas

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan.


Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-
aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

MGA INAASAHAN
Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong
matutuhan pagkatapos mong makumpleto ang modyul.

PAUNANG PAGSUBOK
Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo
pang malaman sa paksa.

BALIK-ARAL
Dito masusukat ang iyong matutuhan at naunawaan sa mga
naunang paksa.

ARALIN
Tatalakayin sa bahaging ito ang aralin batay sa kasanayang
pampagkatuto.

MGA PAGSASANAY
Sa bahaging ito, pagbibigay ng guro ng iba’t ibang pagsasanay
na dapat sagutin ng mga mag-aaral.

PAGLALAHAT
Sa bahaging ito ibubuod ang mahahalagang konsepto na dapat
bigyang-halaga.

PAGPAPAHALAGA
Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang
pampagkatuto ay naiuugnay at nailalapat sa inyong mga
pagpapahalaga.

PANAPOS NA PAGSUSULIT
Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral.

5
MGA INAASAHAN

Pagkatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:


KASANAYANG PAMPAGKATUTO

1. Nasusuri ang nobela batay sa pananaw/teoryang romantisismo,


humanism, naturalistiko at iba pa.

MGA LAYUNING PAMPAGKATUTO:

A. Natutukoy ang pagkakaiba-iba ng mga teoryang pampanitikan.


B. Napahahalagahan ang ibat ibang teoryang pampanitikan.
C. Nakapagbibigay ng saloobin o opinyon tungkol sa aralin.
D. Naihahambing ang sitwasyon noon sa kalagayan natin ngayon.

PAUNANG PAGSUBOK

Bago natin talakayin ang susunod na kabanata, subukan mo


munang sagutin ang mga tanong.

PANUTO: Isulat ang S kung sumasang-ayon ka at DS kung hindi sumasang-


ayon sa sumusunod na pahayag.

_______1. Inakala ni Don Tiburcio de Espadana na siya ang tinutukoy na darakpin


sa bahay ni Padre Florentino.

_______2. Sugatang dumating si Simoun sa tahanan ni Padre Florentino.

_______3. Isinalaysay ni Simoun ang kanyang tunay na pagkatao sa pari.

_______4. Tinawag ni Padre Florentino ang kanyang mga kaibigan upang alayan ng
panalangin si Simoun noong ito’y pumanaw na.

_______5. Itinapon sa talampas ni Padre Florentino ang baul ng kayamanan at


alahas ni Simoun.

6
BALIK-ARAL

Susukatin ang iyong kaalaman kung higit mong naunawan ang


nakaraang aralin sa pamamagitan ng pagsagot sa sumusunod na gawain.

PANUTO: Isulat ang letrang T kung Tama ang pahayag at M kung Mali.

________1. Ang alamat ng malapad na bato ay sumisimbolo sa Pilipinas

________2. Ang pinagmilagruhan ni San Nicolas ayon sa alamat ay isang Intsik.

________3. Si Padre Florentino ang nahilingang magsalaysay ng alamat tungkol ka


Donya Geronima.
________4. Pamangkin ni Padre Florentino si Basilio na isang makata.

_______5. Sa ilalim ng kubyerta makikita ang mga ordinaryong taong pasahero


kabilang na ang mga mag-aaral na sina Basilio at Isagani.

ARALIN

Sa pagpapatuloy ng pagtalakay sa buhay ni Padre Florentino


halina at pag-aralan natin ang katapusan ng nobela.

Kabanata 39: Ang Wakas

Malungkot na tumutugtog ng kanyang armonya si Padre Florentino.


Sumasaliw ang kanyang tugtog sa lagaslas ng alon. Kalapit ng bahay niya sa
baybay- dagat.

Kaalis lamang ni Don Tiburcio. Bumalik ito sa piling ni Donya Victorina sapagkat
tumanggap ng telegrama ang pari na sinasabing buhay o patay,kailangang isuko
ang taong itinatago niya sa kanyang bahay. Natakot si Don Tiburcio dahil inakala
niyang siya ang tinutukoy nito.

Ang katotohanan, Si Simoun ang tinutukoy sa telegrama. Ilang saglit pa ay


dumating si Simoun sa bahay ni Padre Florentino, sugatan at may dalang
maleta.Tinanggap kaagad siya ng butihing pari. Ibinalita ni Padre Florentino kay
Simoun na huhulihin siya. Subalit isang mapait na ngiti lamang ang iginawad ni
Simoun sa mga labi niya. Ayaw niyang magtago.

“Nahihilo ba kayo?” ang tanong ng pari.


“Kaunti po, pero hindi ito magtatagal. Mapapawi rin ang lahat na sakit pagkalipas
ng ilang sandali”. Nagitla ang pari sa sinabi ni Simoun. “ Diyos ko! Ano ang ginawa
ninyo?”
7
“Huwag kayong matakot.Huwag ninyong guluhin ang inyong isip.Maaring malaman
nila ang aking lihim..Huwag tayong mag-aksaya ng panahon.Malapit nang gumabi
at kailangang sabihin ko sa inyo ang lihim.kayo ang nakaaalam.Sabihin ninyo sa
akin kung talagang may Diyos.”

“Bibigyan ko kayo ng panahon sa lason…”Walang iniisip si Padre Florentino sa


oras na iyon kundi ang paliligtas kay Simoun. Pero parang walang pagnanasang
mailigtas ni Simoun ang sarili.

Humiyaw si Simon, “Ayokong mamatay nadala ang aking lihim.” Isinalaysay ni


Simoun ang kanyang buhay – mula sa Europa hanggang mawala ang lahat sa
kanya: pag-ibig, kinabukasan at Kalayaan.

Nagpatuloy si Simoun sa kanyang pagkukuwento. Sinabi niyang siya’y tumakas


dala ang kayamananng kanyang mga magulang. Nakisama siya sa giyera sa Cuba
at doon niya nakilala ang Heneral.Inudyukan niyang mangamkam, maging malupit
at maghasik ng kasamaan.

Mahaba ang kumpisal. Sinabi niya ang tungkol sa pagkasira ng kanyang balak na
iligtas si Maria Clara.

“Patawarin kayo ng Diyos,” ang tanging sambit ng pari. Batid niyang kayo’y anak
sa pagkakamal at nakikita niya ang inyong pagtitiis, at sa pagpapaubaya niya sa
kamay na rin ng inyong mga inudyukan natagpuan ninyo ang kaparusahan ng
inyong mga pagkakasala at sapat na nating Makita ang kanyang di-matingkalang
pagpapatawad! Binigo niya ang inyong mga balak.Una’y sa pagkamatay ni Maria
Clara; pagkatapos ay sa kawalan ng ingatsa maaaring mangyari at pagkatapos pa’y
sa isang pangyayaringlbhang mahiwaga…Igalang natin ang kanyang kalooban at
pasalamatan natin angkanyang kalooban at pasalamatan natin siya.”

“Palagay ba ninyo’y kalooban ng Diyos ang lahat ng ito?”

“Magpatulong sa kalagayang api?” dugtong ng pari. “Hindi ko malaman; hindi ko


mabasa sa isip ng Diyos. Batid kong di Niya pinababayaan sa mahigpit na sandal
ng mga bayang nananalig sa kanya. . . kapag niyuyurakan na ang katarungan at
wala nang paraan ay nananandata na ang mga inaapi at ipakikipaglaban na ang
kanilang tahanan, asawa, mga anak at lahat. Hindi, ang Diyos na makatarungan
at hindi magpapabaya sa mithiing Kalayaan ng bayan na kung wala ay walang
anumang katarungan.”

“Bakit hindi niya ako tinutulungan?”

“Sapagkat masama ang iyong pamamaraan. Ang kadakilaan ng pagliligtas sa isang


bayan ay hindi maipagkakaloob sa isang nakatulong na sa kanyang pagguho.
Hindi maililigtasng krimen at kasamaan. Ang poot ay walang malilikha kundi amga
panakot; ang krimen ay mga salarin ang nalilikha. Pag-big lamang ang
nakagagawa ng mga bagay na dakila.Hindi, kung balang araw ay lalaya tayo ay
hindi sa tulong ng kasamaan at katampalasan sa pagpapasama, sa pandaraya, sa

8
salapi. Hindi. Ang katubusan ay kabutihan, ang kabutihanay pagpapakasakit, ang
pagpapakasakit ay pag-ibig.

“Kung gayo’y bakit ako pinarusahan at hindi ang masamang namamahala? Bakit
binayaan ng Diyos na magtiis ang marami at masiyahan sa kanilang paghihirap?”

“Kailangang alugin o basagin ang lalagyan upang humalimuyak ang pabango.”

“Kaya nga sinusugan ko ang kalupitan.” Marami pang palitan ng kuru- kuro ang
namagitan sa dalawa.Sa huli sinabi ni Padre Florentino na matapatang Diyos.
Nagpaparusa sa masasamang hilig at nagpapabaya sa kabutihan. Pinisil ni Sinom
ang kamay ng pari. Naghari ang katotohanan. Dalawang pisil
pa.Nagbuntunghininga si Simoun. Higit na mahabang katahimikan.Namatay na
payapa si Simoun. Napaluha ang matandang pari.Tumayo at nagmasid ng alon.
Winika ng pari, “Nasaan ang kabataang magtatanggol ng pangarapat kasiglahan
para sa kanilang bayan? Nasaan kayong may lakas na tumakas sa aming mga
ugat, may tapat na kaisipang nakaduro sa aming anak? Hihintayin naming kayo.
Hihintayin naming kayo kabataan.” Pagkaraan minasdan ng pari ang bangkay ni
Simoun. “Kaawaan ka nawa ng Diyos. . . ikaw na naligaw ng daan.”

MGA PAGSASANAY

Pagsasanay BLG.1

Panuto: Piliin ang kahulugan ng sumusunod na salitang may salungguhit sa


pangungusap.

______1. Malungkot na tumutugtog ng kanyang armonya ang matandang pari.


A. gitara C. tambuli
B. piyano D. silindro
______2. Nagitla at hindi makapaniwala ang pari sa sinabi ni Simoun tungkol sa
kanyang lihim na matagal ng itinatago.
A. nabigla C. natakot
B. nainis D. nasamid
______3. Huwag kang pumayag na yurakan ang iyong pagkatao ng kahit na
sinuman
A. apihin C. tapakan
B. bastusin D. yakapin
______4. May katwiran ang Panginoon na hindi natin nalalaman kung kaya’t
nangyayari ang mga bagay na na hindi inaasahan.
A. dahilan C. kagustuhan
B. kabutihan D. kalooban
______5.Walang idinudulot ang poot kundi kasamaan, huwag nating pairalin ito sa
ating mga sarili.
A. awa C. galit
B. inis D. tuwa

9
Pagsasanay BLG.2.
Teoryang Humanismo – ang teoryang ito ay nagtutuon ng pansin sa
pagpapahalaga sa tao. Ito ay tungkol sa paniniwala at prinsipyo ng tao
Teoryang Romantisimo – nagpapahalaga sa damdaming nakapaloob sa akda,
namamayani ang emosyon, pagmamahal sa kalayaan at sa lupang sinilangan,
paniniwala sa taglay na kabutihan ng tao at pagpapahalaga sa dignidad.

Panuto: Tukuyin ang sumusunod na aytem kung ito ay teoryang Romantisismo o


teoryang Humanismo.

___1. Ang kalayaa’y maaaring makamit sa tulong ng pagpapataas ng uri ng


katuwiran at ng karangalan ng tao.
___2. Humiyaw si Smoun, “Ayokong mamatay na dala ang aking lihim.” Isinalaysay
ni Simoun ang kanyang buhay- mula sa Europa hanggang mawala ang lahat
sa kanya: pag-ibig, kinabukasan at Kalayaan.
___3. Si Simoun ay uhaw sa paghihiganti. Nais niyang ipaghiganti ang sariling
kaapihan.
___4. Ang katubusan ay kabutihan: ang kabutihan ay pagpapakasakit; ang
pagpapakasakit ay pag-ibig.
___5. Ayon sa paniniwala ni Padre Florentino, ang kayamanan ang puno’t dulo ng
lahat ng kasamaan sa mundo kaya itinapon niya ito sa dagat.

Pagsasanay BLG.3

PANUTO: Piliin ang letra ng tamang sagot.


_____1.Bakit kina Padre Florentino nagtungo si Simoun?
A. Siya ang inaakala ni Simoun na makakaunawa sa kanya nang
higit sa iba.
B. Matulungin si Padre Florentino
C. Magaling magpayo ang pari
D. Mabait ang pari
______2.Anong kaugaliang Pilipino ang sinasagisag ni Padre Florentino sa
pagpapatuloy kay Simoun sa kanyang tahanan?
A. pagkamatulungin
B. pagkamatanggapin
C. pagiging masayahin sa panauhin
D. pagkalinga sa mga nangangailangan
_______3. Ang mga sumusunod ay sumasagisag sa kaban ng kayamanan ni
Simoun na itinapon ni Padre Florentino sa dagat maliban sa
A.kabutihan C. karangyaan
B.kapangyarihan D. lakas
_______4.Kung ikaw si Padre Florentino ano ang gagawin mo sa kayamanang
naiwan ni Simoun?

A. itatago ito
B. idedeposito sa bangko
C. gagamitin sa sariling kapakanan
D. ipamimigay sa nangangailangan
10
_______5. Ang mga sumusunod ay mga kaisipang nakapaloob sa katapusan ng
nobela maliban sa
A. Walang mang-aalipin kung walang paaalipin
B. Ang kayamanan ay malaking tukso sa buhay ng tao
C. Pag-ibig lamang ang nakagagawa ng mga bagay na dakila
D. Kailangang maging mabuti ang kaparaanan upang maging mabuti
ang wakas

PAGLALAHAT

Magaling! Marahil ay naunawaan mo ang naging katapusan ng


nobelang El Filibusterismo. Payamanin pa natin ang iyong natutuhan sa
pamamagitan ng sumusunod na gawain.

Mga pangyayaring Ang aking naramdam Ang aking natutuhan


tumatak sa aking
isipan

PAGPAPAHALAGA

Panuto: Buiin ang pahayag batay sa iyong pagkakaunawa sa nobela.


Nalaman ko sa katapusan ng nobela na si Simoun ay
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

Kung ako ang magbibigay ng wakas sa El Filibusterismo, ito ay


__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

11
PANAPOS NA PAGSUSULIT

Binabati kita! Maluwalhati mong natapos ang mga gawaing


nakatulong sa iyo upang ipamalas mo ang iyong galing.
Ngayon ay susubukin ang iyong kaalaman sa panghuling gawain bilang
patunay na lubos mong naunawaan ang nobelang El Filibusterismo

Panuto: Sumulat ng isang sanaysay batay sa sumusunod na paksa. Pumili


lamang ng isa at iugnay iyon sa mga pangyayaring natunghayan sa
kasalukuyan; magbigay ng patunay.

A. Pagkitil sa Sariling Buhay


B. Paniniwala sa mga Alamat at Kuwentong bayan
C. Pagtukoy ni Padre Florentino kay Simoun na isang “naligaw ng landas”.

12
SUSI SA PAGWAWASTO

C 5.
A 4.
C 3.
A 2.
B 1.
Pagsasanay 1

A 5.
D 4. T 5.
A 3. M 4.
B 2. T 3.
M 2.
1. A T 1.
Pagsasanay 3 Balik-aral

TH 5. S 5.
TR 4. DS 4.
TR 3. S 3.
TR 2. S 2.
TH 1. S 1.
Pagsasanay 2 Paunang Pagsubok

Sanggunian

Obra Maetra: Si Dr. Jose Rizal at ang El Filibusterismo , Ms. Estrella E. De Vera
Mrs. Amelia Bucu
Gabay sa Pag-aaral sa El Filibusterismo ni Tomas C. Ongoco

13

You might also like