You are on page 1of 14

Filipino 9

1
Filipino – Ikasiyam na Baitang
Ikatlong Markahan – Modyul 17: Pagsulat ng Elehiya
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi ang sinuman sa anumang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayunpaman, kailangan na may pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na
naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng
nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang malikom
ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin
ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit
maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-
akda.

Walang anumang bahagi ng nilalaman nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang paraan nang walang pahintulot sa kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig.

Komite sa Pagsulat ng Modyul


Manunulat: Desiree C. Heredero
Tagasuri: Geraldo L. See Jr.
Editor: Jay-ar C. Montecer at Imelda T. Tuaño

Tagapamahala: Ma. Evalou Concepcion A. Agustin


OIC-Schools Division Superintendent
Carolina T. Rivera EdD
OIC-Office of the Assistant Schools Division Superintendent
Victor M. Javeña EdD
Chief, School Governance and Operations Division and
OIC-Chief, Curriculum Implementation Division

Education Program Supervisors

Librada L. Agon EdD (EPP/TLE/TVL/TVE)


Liza A. Alvarez (Science/STEM/SSP)
Bernard R. Balitao (AP/HUMSS)
Joselito E. Calios (English/SPFL/GAS)
Norlyn D. Conde EdD (MAPEH/SPA/SPS/HOPE/A&D/Sports)
Wilma Q. Del Rosario (LRMS/ADM)
Ma. Teresita E. Herrera EdD (Filipino/GAS/Piling Larang)
Perlita M. Ignacio PhD (EsP)
Dulce O. Santos PhD (Kindergarten/MTB-MLE)
Teresita P. Tagulao EdD (Mathematics/ABM)

Inilimbag sa Pilipinas, Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang Punong Rehiyon


Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig

2
Filipino 9
Ikatlong Markahan
Modyul 17 para sa Sariling Pagkatuto
Pagsulat ng Elehiya
Manunulat: Desiree C. Heredero
Tagasuri: Geraldo L.See Jr. / Editor: Jay-ar S. Montecer/Imelda T.Tuaño

3
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Filipino 9 ng Modyul para sa araling
Pagsulat ng Elehiya
Ang modyul na ito ay pinagtulungang idinisenyo, nilinang at sinuri ng mga
edukador mula sa Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig na
pinamumunuan ng Nanunuparang Pinuno-Tanggapan ng Pansangay na
Tagapamanihala, Ma. Evalou Concepcion A. Agustin, sa pakikipag-ugnayan sa Lokal
na Pamahalaan ng lungsod sa pamumuno ng butihing Punong Lungsod, Kgg. Victor
Ma. Regis N. Sotto, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.
Inaasahan na sa pamamagitan ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay
makauugnay sa pamamatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral
na makamit ang mga kasanayang pang-ika-21 siglo lalong-lalo na ang 5 Cs
(Communication, Collaboration, Creativity, Critical Thinking and Character) habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.
Bilang karagdagan sa pangunahing teksto, makikita ang pinakakatawan ng
modyul sa loob kahong ito:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala at
estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.

4
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Filipino 9 Modyul ukol sa Pagsulat ng Elehiya.


Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin
nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

MGA INAASAHAN
Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong
matutuhan pagkatapos mong makumpleto ang modyul.

PAUNANG PAGSUBOK
Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo
pang malaman sa paksa.

BALIK-ARAL
Dito masusukat ang iyong matutuhan at naunawaan sa mga
naunang paksa.

ARALIN
Tatalakayin sa bahaging ito ang aralin batay sa kasanayang
pampagkatuto.

MGA PAGSASANAY
Sa bahaging ito, pagbibigay ng guro ng iba’t ibang pagsasanay
na dapat sagutin ng mga mag-aaral

PAGLALAHAT
Sa bahaging ito ibunuod ang mahahalagang konsepto na dapat
bigyang-halaga.

PAGPAPAHALAGA
Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang
pampagkatuto ay naiuugnay at nailalapat sa inyong mga
pagpapahalaga.

PANAPOS NA PAGSUSULIT
Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral.

5
MGA INAASAHAN

KASANAYANG PAMPAGKATUTO
 Naiisa-isa ang kultura ng Kanluraning Asyano mula sa akdang
pampanitikan nito.

MGA LAYUNING PAMPAGKATUTO


Sa pagtatapos ng modyul na ito, inaasahang matatamo ang sumusunod:
A. nakikilala ang kaisipang taglay ng tula,
B. nabibigyan ng kasingkahulugan ang mga salita sa pangungusap, at
C. naibibigay ang mahalagang aral sa tula.

PAUNANG PAGSUBOK
PANUTO: Basahin at unawaing mabuti ang bawat tanong. Isulat ang letra ng
tamang sagot.

___1. Uri ng tula kung saan nabibilang ang elehiya.


A. Pandamdamin B. Pasalaysay
C. Patnigan D. Tulang dula

___2. Isang akdang hinango sa Bibliya na kapupulutan ng aral na maaaring


magsilbing gabay sa marangal na pamumuhay ng mga tao. Gumagamit ng
matatalinhagang pahayag na lumilinang sa mabuting asal na dapat taglayin
ng tao.
A. Anekdota B. Pabula
C. Parabula D. Talambuhay

___3. Isang mahabang salaysay na nahahati sa mga kabanata, maraming tagpuan,


maraming tunggalian, at masalimuot ang mga pangyayari.
A. Dula B. Maikling Kuwento
C. Nobela D. Sanaysay

___4. Tulang pasalaysay na naglalarawan ng kabayanihan at katapangan ng


pangunahaing tauhan.
A. Awit B. Elehiya
C. Epiko D. Tanaga

___5. Ano ang ibig sabihin ng pahayag na “Banal na araw noon sa Herusalem”?
A. Araw ng mga Santo B. Mahal na Araw
C. Pasko D. Pista

6
BALIK-ARAL
PANUTO: Tukuyin ang kultura ng Kanluraning Asya na makikita sa mga
pangungusap. Piliin ang letra ng tamang sagot sa loob ng kahon sa ibaba.

__________1. Matagal na naglaban sina Rama at Ravana hanggang sa mapatay ni


Rama ang hari ng mga higante. Tumakas ang iba pang higante nang
makita nilang patay ang kanilang pinuno. Umiyak na tumakbo si Sita
sa asawa. Nagyakap sila nang mahigpit at muling nagsama nang
maligaya.
__________2. “Ang nahuhuli ay nauuna, at ang nauuna ay mahuhuli.”
__________3. Walang katapusang pagdarasal, kasama ang lungkot, luha at pighati.
__________4. Nagbalik ang prinsipe sa kanyang palasyo dala-dala si Prinsesa
Manorah kung saan umusbong ang isang tunay na pag-ibig sa isa’t isa.
Nagsagawa ng kasal at tuluyang namuhay nang masaya’t matiwasay
habambuhay.
__________5. Ang Hinduismo ay hindi relihiyon sa kanila, hanggang ngayon, bagkus
ito ay bahagi ng kanilang buong buhay.

A. Pagsasabuhay ng mga aral at paniniwala sa kanilang relihiyon


B. Handang suungin ang lahat para sa minamahal
C. Wagas na pagmamahal sa mga yumao
D. Pagkakapantay-pantay
E. Pagtatakda ng kasal

ARALIN

PAGSULAT NG ELEHIYA

Elehiya
-Nagpapahayag ito ng damdamin o guni-guni tungkol sa kamatayan o sa
paggunita sa isang yumao.
- May dalawang katangian ang tulang elehiya:
1. Ito’y isang tula ng pananangis, nagpapahayag ng paninimdim o
pagkalumbay dahil sa pag-alala sa isang yumao.
- 2. Ang himig nito’y matimpi at mapagmuni-muni.
Binibigyang-parangal dito ang mga nagawa ng yumao.
 Nasusuri ang elehiya batay sa mga elemento nito (tema, tauhan, tagpuan,
kaugalian o tradisyon, wikang ginamit, simbolismo at damdamin)
1. Tema – ito ay ang pangkabuoang kaisipan ng elehiya. Ito ay kadalasang
konkretong kaisipan at pwedeng pagbasehan ang karanasan.

7
2. Tauhan – Taong kasangkot sa tula

3. Tagpuan – Lugar o Panahon na pinangyarihan ng tula

4. Kaugalian o Tradisyon

5. Wikang Ginamit Pormal – salitang istandard Impormal – madalas gamitin

sa pang-araw-araw na pag- uusap.

6. Simbolismo – paggamit ng mga simbolo para magpahiwatig ng isang ideya


o kaisipan.

7. Damdamin – malungkot o mapanglaw ang himig o tono sapagkat taglay

nito ang pagdadalamhati.

Halimbawa ng Simbolismo:

Kadena – pagkakaisa o pagkakapiit ni Bonifacio

Rizal – kabayanihan

Juan – Masang Pilipino

Krus – relihiyon

Isang Punong Kahoy


ni Jose Corazon de Jesus
http://markjan-markjan.blogspot.com/2009/08/isang-punong-kahoy-ni-jose-corazon-de.html

Kung tatanawin mo sa malayong pook, Nagpapahiwatig sa akin ng taghoy;


Ako'y tila isang nakadipang krus; Ibon sa sanga ko'y may tabing ng
Sa napakatagal na pagkakaluhod, dahon,
Parang hinahagkan ang paa ng Diyos. Batis sa paa ko'y may luha nang daloy.

Organong sa loob ng isang simbahan Ngunit tingnan niyo ang aking narating,
Ay nananalangin sa kapighatian, Natuyo, namatay sa sariling aliw;
Habang ang kandila ng sariling buhay, Naging krus ako ng magsuyong laing
Magdamag na tanod sa aking libingan... At bantay sa hukay sa gitna ng dilim

Sa aking paanan ay may isang batis,


Wala na, ang gabi ay lambong na luksa,
Maghapo't magdamag na
Panakip sa aking namumutlang
nagtutumangis;
mukha;
Sa mga sanga ko ay nangakasabit
kahoy na nabuwal sa pagkakahiga,
Ang pugad ng mga ibon ng pag-ibig.
Ni ibon ni tao'y hindi na matuwa!
Sa kinislap-kislap ng batis na iyan,
At iyong isipin nang nagdaang araw,
asa mo ri'y agos ng luhang nunukal;
isang kahoy akong malago't malabay;
at tsaka buwang tila nagdarasal,
ngayon ang sanga ko'y krus sa libingan,
Ako'y binabati ng ngiting malamlam!
dahon ko'y ginawang korona sa hukay
Ang mga kampana sa tuwing orasyon,

8
MGA PAGSASANAY
PAGSASANAY BLG. 1: Salungguhitan Mo! 😊
PANUTO: Salungguhitan sa pangungusap ang kasingkahulugan ng salitang nasa
kahon.
tumatangis 1. Ang batis ay waring tahimik na lumuluha habang
nagbabantay sa paanan ng isang matandang puno.

kapighatian 2. Batbat ng kalungkutan ang mahaba at makasaysayang


buhay ng punongkahoy.

malalabay 3. Maraming ibon ang namumugad at ginagawang silungan ang


malalagong dahon ng punongkahoy.

pantabing 4. Naging panakip sa tindi ng init ng araw at lamig na dala ng


ulan ang mga dahon ng matandang puno.

kampana 5. Ang malungkot na tunog ng kampana ay nagmumula sa isang


malayong batingaw ay umaalingawngaw sa buong bayan.

PAGSASANAY BLG. 2: Tukuyin Mo 😊


PANUTO: Bilugan ang letra ng wastong kaisipang tinutukoy sa bawat bilang.
1. Saan inihahambing ng makata ang anyo ng punongkahoy?
A. Sa isang ulilang organo sa loob ng simbahan
B. Sa isang kandilang unti-unting natutunaw
C. Sa isang taong nakaluhod at nanalangin
D. Sa isang nakadipang krus
2. Alin ang tinatanuran ng kandilang iniugnay sa sariling buhay?
A. Ang mapapait na gunita nang nakalipas
B. Ang kadiliman ng kanyang hinaharap
C. Ang mga naglahong mahal sa buhay
D. Ang kanyang sariling libingan
3. Aling bagay ang sinasabing nagtutumangis sa kanyang paanan?
A. Isang nilikhang sawi sa pag-ibig
B. Isang makislap na batis
C. Isang ibong umiibig
D. Isang ulilang krus
4. Alin ang bumabati ng ngiti sa puno?
A. Ang agos ng tubig B. Ang buwang malamlam
C. Ang mga ibon sa puno D. Ang makislap na batis
5. Ano ang kinahinatnan ng puno?
A. Ginamit, pinutol at pinakinabangan
B. Nanatiling sariwa hanggang sa huli
C. Natuyo, namatay sa sariling aliw
D. Inilipat kung saan ito nararapat

10
PAGSASANAY BLG. 3: Gawin Mo! 😊
Ipagpalagay mong ikaw ay isang malapit na kaibigan ng isang frontliner na
namatay sa sakit na COVID 19 virus. Nais mong bigyan ng parangal ang kanyang
mga kabutihang nagawa sa kanyang pamilya, sa iba pang kaibigan, sa kapwa-
tao at sa bayan. Susulat ka ng isang elehiya tungkol sa kanya.

PAMANTAYAN SA PAGMAMARKA

1. May orihinalidad at akma sa paksa ang tulang nabuo


2. Mabisa at angkop ang salitang ginamit
3. Malikhain at masining sa pagsulat ng tula
4. Dama ang tunay na damdamin sa tula

10-puntos kung lahat ay nakita sa pamantayan sa tula


8-puntos kung tatlo ang nakita sa pamantayan sa tula
7-puntos kung dalawa at isa lamang ang nakita sa pamantayan sa
tula

_________________________________

__________________________________ __________________________________

__________________________________ __________________________________

__________________________________ __________________________________

__________________________________ __________________________________

__________________________________ __________________________________

__________________________________ __________________________________

__________________________________ __________________________________

__________________________________ __________________________________

__________________________________ __________________________________

__________________________________ __________________________________

__________________________________ __________________________________

11
PAGLALAHAT
Ang tulang “Isang Punongkahoy” ay sumasalamin sa mga pangyayari sa
buhay ng tao. Nagdaan ito sa maraming yugto mula sa pagkabata, unti-unting pag-
akyat sa lipunan hanggang sa lumipas, tumanda at malilimutan, ang tula ay
kapupulutan ng mahahalagang aral sa buhay.

PANUTO: Punan ang graphic organizer sa ibaba ng mahahalagang aral sa buhay


na hango sa tula, isulat sa sarili mong pananalita.

Mahahalagang Aral na Hango sa Tula

1.__________________________________________________

2.__________________________________________________

3.__________________________________________________

PAGPAPAHALAGA
Sadya nga na ang buhay ng tao ay maigsi lamang kaya’t nararapat na
ipagpasalamat natin sa Poong Maykapal ang mga bagay na ipinagkakaloob niya sa
atin maging ito man ay pagsubok na lalong nagpapatatag sa atin o mga biyayang
lalong nagpapaganda sa pananaw natin sa buhay.

PANUTO: Sumulat ng isang tulang nagsasaad ng pasasalamat sa Panginoon sa


iyong buhay puno man ito ng pagsubok o puno ng biyaya at tagumpay.

12
PANAPOS NA PAGSUSULIT
PANUTO. Piliin ang letra ng tamang sagot
_____ 1. Lugar o panahon na pinangyarihan ng tula.
A. Simbolismo B. Tagpuan
C. Tauhan D. Tema

____ 2. Paggamit ng pahiwatig upang magbigay ng isang ideya o kaisipan.


A. Kaugalian B. Simbolismo
C. Tagpuan D. Tema

_____ 3. Pangkabuoang kaisipan ng elehiya.


A. Katangian B. Tagpuan
C. Tema D. Wika

_____ 4. Malungkot o mapanglaw ang himig o tono sapagkat taglay nito ang
pagdadalamhati.
A. Damdamin B. Elehiya
C. Katangian D. Tagpuan

_____ 5. Taong kasangkot sa tula.


A. Simbolismo B. Tagpuan
C. Tauhan D. Tema

_____ 6. Katangian ng tulang elehiya


A. Malungkot B. Masaya
C. Nagagalit D. Naiinis

______7. Madalas gamitin sa pang araw-araw ng pag-uusap.


A. Impormal B. Kolokyal
C. Lalawiganin D. Pormal

______8. Ang kadena ay sumisimbolo sa ___________


A. pag-asa B. pagkakaisa
C. paglilingkod D. pagtatangi

______9. Ang krus ay sumisimbolo sa ___________


A. kahirapan B. liwanag
C. relihiyon D. tagumpay

______ 10. Ang may-akda ng tulang “Isang Punongkahoy”.


A. Efren Abueg B. Jose Corazon de Jesus
C. Liwayway Arceo D. Pat. Villafuerte

13
14
PAUNANG PAGSUBOK
PAGSASANAY BLG. 3
1. A
Sariling likha
2. B
PAGLALAHAT
3. C
Anumang sagot ay
4. C
tatanggapin ng guro
5. C
PANAPOS NA PAGSUSULIT
BALIK-ARAL
1. B
1. B
2. B
2. D
3. C 3. C
4. E
4. A
5. A
PAGSASANAY BLG. 1 5. C
1. lumuluha 6. A
2. kalungkutan 7. A
3. malalago 8. B
4. panakip 9. C
5. batingaw 10. B
PAGSASANAY BLG. 2
1.C
2.D
3.B
4. B
5. C
SUSI SA PAGWAWASTO
Sanggunian
https://www.slideshare.net/jmpalero/filipino-9-elemento-ng-elehiyahttp://markjan-
markjan.blogspot.com/2009/08/isang-punong-kahoy-ni-jose-corazon-de.html

pluma wika at panitikan sa mataas na paaralan

Panitikang Asyano

You might also like