You are on page 1of 27

10

Filipino
Ikaapat na Markahan – Modyul 2:
Kabanata 1-5
(Ang El Filibusterismo sa Nagbabagong Panahon)

Inihanda ni:

RUBELINE JOY C. MARARAC


Dalubguro I, Pangasinan National High School

Sinuri nina:

VIRGINIA O. ESTRADA
Ulongguro VI, Kagawarang Filipino

CATHERINE B. OPERANA, EdD


Tagamasid Pampurok

MELCHORA N. VIDUYA
Edukasyong Tagamasid I, Filipino

Pinagtibay ni :

CARMINA C. GUTIERREZ, EdD


Hepe Edukasyong Tagamasid, CID

ii
Paunang Salita
Para sa Tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Filipino 10 ng Alternative Delivery


Mode (ADM) Modyul para sa araling El Filibusterismo

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador mula sa
pampubliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, gurong tagapagdaloy at
upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum
ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong
hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay inaasahang maiuugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at


malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon
din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga kasanayang hinihingi ng ika-21
siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong ito sa
pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala,
panulong o estratehiyang magagamit sa
paggabay sa mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mga mag-


aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala
ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto.
Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-
aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

ii
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Filipino 10 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa El


Filibusterismo
Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksiyon at layunin. Sa pamamagitan
ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha at magsakatuparan ng gawain.
Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may
angking kakayahang matutuhan ang mga kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong
pang-akademikong tagumpay ay nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid- aralan. Hangad din
nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano


na ang kaalaman mo sa aralin ng modyul.
Kung nakuha mo ang lahat ng tamang
sagot (100%) maaari mo nang
laktawan ang modyul na ito.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad ng
isang kuwento, awitin, tula, pambukas na
suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa


malayang pagsasanay upang mapagtibay
ang iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot mo
sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

3
Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o
pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong sa


iyo upang maisalin ang bagong kaalaman
o kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o


masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
Gawain
panibagong gawain upang pagyamanin ang iyong
kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa


lahat ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Narito ang mga mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anomang marka o sulat
ang anomang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing napapaloob sa
modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa
pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang sagutin lahat
ng pagsasanay.

Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag mag-
aalinlangang konsultahin ang iyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng tulong sa
iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o sinoman sa iyong mga kasama sa
bahay na maaaring makatulong sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng makahulugang


pagkatuto at makakukuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na
mga kompetensi. Kaya mo ito!

4
Alamin

Ang El Filibusterismo ni Dr. Jose Rizal ay isang akdang pampanitikan na bunga ng


kanyang pagpupunyagi na gisingin ang damdaming Makabayan ng mga Pilipino sa pamamagitan
ng panulat. Nauukol ang mga kabanata sa kalagayang political at panlipunang panyayari na
maiuugnay sa kasalukuyang kalagayan ng ating bayan. Nakatutulong ang nobelang ito upang
malinaw na maunawaan ang ating kasaysayan maging kung paano harapin ang mga suliraning
panlipunan at bigyang solusyon.

Sa pag-aaral sa modyul na ito, inaasahang matatamo mo ang mga


sumusunod:

Mga Pinakamahahalagang Kasanayang Pampagkatuto (MELCs)

1. Naisasalaysay ang magkakaugnay na mga pangyayari sa pagkakasulat ng El


Filibusterismo. F10PS-IV-a-b-85
2. Natutukoy ang papel na ginampanan ng mga tauhan sa akda sa pamamagitan ng:
-pagtunton sa mga pangyayari
-pagtukoy sa mga tunggaliang naganap
-pagtiyak sa tagpuan
-pagtukoy sa wakas
F10PB-IV-b-c-87
3. Nabibigyang-kahulugan ang matatalinghagang pahayag na ginamit sa binasang kabanata
ng nobela sa pamamagitan ng pagbibigay ng halimbawa. F10PT-IVb-c-83

5
Subukin

PAUNANG PAGTATAYA:
A. Panuto: Piliin ang tamang sagot.
1. Siya ay kilala bilang si Kardinal Moreno, Emenencia Negra. Mayamang mag-aalahas na
tagapayo ng kapitan Heneral.
a. Simoun b. Kabesang Tales c. Basilio d. Isagani
2. Ang makata at makabayang binata na mag-aaral ng Ateneo na nagmamahal ng labis
kay Paulita.
a. Basilio b. Isagani c. Kabesang Tales d. Simoun
3. Ang ama ni Huli. Isang magsasaka na naging biktima ng kawalang katarungan.
a. Tata Selo b. Kabesang Tales c. Isagani d. Basilio
4. Ang binatang mag-aaral ng medisina, kinalinga at inampon ni Kapitan Tiyago.
a. Basilio b. Isagani c. Simoun d. Placido Penitente
5. Naging kura paroko ng san Diego. May lihim na pagtingin kay Huli.
a. Padre Florentino b. Padre Camorra c. Padre Salvi d. Padre Millon
6. Ang gurong prayle sa pisika na namamahiya ng mag-aaral.
a. Padre Florentino b. Padre Camorra c. Padre Salvi d. Padre Millon
7. Tinatawag na Buena tinta at ang Tagapanukala.
a. Quiroga b. Don Custudio c. Ben Zayb d. G. Pasta
8. Ang tiyahin at taga pangalaga ni Paulita at asawa ni Don Tiburcio,
a. Huli b. Dona Victorina c. Kabesang Andang d. Kapitana Tika
9. Paring Pilipino na Lubos na iginagalang ng lahat .
a. Padre Salvi b. Padre Millon c. Padre Florentino d. Padre Camorra
10. Isang mangangalakal na Tsino, ninais maging konsol ng Tsina sa Pilipinas.
a. Quiroga b. Don Custudio c. Ben Zayb d. G. Pasta
11. Ang tunay na dahilan kung bakit pinapunta ni Kapitan Tiyago si Basilio sa San Diego ay
upang
a. Maningil sa mga paupahan c. makahitit ng opyo
b. Makapamasyal sa Maynila d. mabisita si Maria Clara
12. Umamin si _________ na may droga na noong kapanahunan nila subalit hindi nila ito
iniintindi.
a. Kapitan Tiyago b. Kapitan Basilio c. Kapitan ng Barko d. Kapitan Tinong
13. Ayon kay Isagani ang tanging kapintasan ni Paulita ay __________.
a. Ang kaniyang kadaldalan c. ang pagiging mayaman
b. Ang pagkakaroon ng tiyahin na laging kasama d. pagiging pansinin
14. Ayon kay Isagani ang maaaring sumira sa isang maunlad na bayan ay ang tubig ____.
a. dagat b. ilog c. lupa d. hangin
15. Ayon kay Simoun ang isang bayan ay maralita kapag ang ___________ ay isang Indio.
a. Kapitan Heneral b. kalihim c. kura paroko d. kawani
16. Si _________ ay nagging pari dahil lamang sa kagustuhan ng kaniyang ina.
a. Padre Salvi b. Padre Camorra C. Padre Florentino D. Padre Irene
17. Labis-labis ang paninira ni ________ kay Simoun kapag nakatalikod at kapag nakaharap
ay labis naming pumuri sa mangangalakal.
a. Padre Salvi b. Padre Camorra C. Ben Zayb D. Padre Irene
18. Ang ina ni Padre Florentino ay namatay nang maligaya matapos makapagmisa ang
kaniyang anak sa __________.
a. Unang pagkakataon b. pangalawang pagkakataon
b. Ikatlong pagkakataon d. ikaapat na pagkakataon
19. Ang kutsero ng karetela na sinakyan ni Basilio
a. Simon b. Sinong c. Tinong d. Pinong

6
20. Ang bayang uuwian ni Basilio
a. San Nicolas b. San Jacinto C. San Diego D. San Jose

B. Piliin sa kahon ang tamang sagot upang mabuo ang diwa ng bawat pangungusap. Isulat sa
patlang bago ang bilang.

beterano Don Custodio illustrisismos kapitan


Donya Victorina Simoun balot Don Tiburcio
Daong ng pamahalaan Padre Camorra kanonigo
____________1. Ang Bapor Tabo ay pinamamahalaan ng mga Reverendos at _______________.
____________2. Ang kapitan ay inihahahlintulad sa isang _________ dahil sa kaniyang
karanasan.
____________3. Si _____________ ay nagulat sa naging panukala ni Simoun.
____________4. Ang _________ na si Padre Irene ay sinasabing nagbibigay-ningning sa mga pari
dahil sa kaniyang kaanyuan.
____________5. Kilalang-kilala si _________________ sa kaniyang ugali at bilang tagapangalaga ni
Paulita Gomez.
____________6. Ang nagbigay ng panukalang maghukay ng isang tuwid na kanal buhat sa
bunganga ng ilog ay si _______________.
____________7. Si Donya Victorina ay hindi kumakain ng ___________ dahil siya ay nasusuklam
dito.
___________8. Ang ___________ ng barko ay itinuturing na mabait at isnag datig manlalakbay.
___________9. Nag-ala Ulises si ________ matapos niyang hambalusin ang kaniyang asawa nang
minsang sila ay mag-away.
___________10. Si Ben Zayb na isang manunulat ay nakipagtalo sa isang batang pari na si
______.

C. Punan ng ,mga nawawalang titik ang mga kahon upang mabuo ang mga kahulugan ng mga
salitang may salungguhit sa pangungusap.

1. Ang pasukan ng kuwebang tinitirhan ni Dona Geronima ay napapalamutian ng mga


baging.

A K N
2. Ang pagkilala at pananampalataya ng Intsik kay San Nicolas ay isa nang kalamangan
ng katolisismo.

K L S
3. Itinuro ng Kapitan kung saan tinugis ng mga sundalo si Ibarra.

I B L

4. Nangilalas ang lahat sa kaaya-ayang paligid at mga tanawin habang pumapasok sa


lawa ang Bapor Tabo.

K - D

5. Ang ipain si Dona Geronima sa panganib sa loob ng kuweba ay hindi masasabing.


I M G

7
Aralin 1.2 Mga kabanata ng El Filibusterismo
(Kabanata 1-5)

Balikan

Ang araling ito ay naglalaman ng unang limang kabanata ng nobelang El Filibusterismo.


Tatalakayin sa araling ito ang mga kabanata 1,2,3,4,5. Bahagi rin ng pagtatalakay sa mga piling
kabanata ng El Filibusterismo ang mahahalagang tanong tungkol sa akda na susukat sa iyong
dunong na umunawa at magpahalaga sa kulturang umiiral sa isang tiyak na panahon.

Gawain I: Alamin mo
Linangin ang salitang nasa ibaba sa pamamagitan ng pagbibigay ng denotasyon at
konotasyonng kahulugan at implikasyon ng salita noon sa kasalukuyan.

PILIBUSTERO

8
Tuklasin

Higit na nabibigyang sining ang isang nobela dahil sa mahusay na paglalarawan


ng mga tauhas sa akda na siyang kumakatawan sa persona na nais bigyan ng katwiran
ng manunulat.
Madaling matandaan at hindi malilimot ang akda dahil sa pangalan at katangiang
taglay ng mga tauhan kung saan masasalamin ng mga mambabasa ang kanilang sarili at
ang mga taong nasa lipunan.
Narito ang mga tauhan na ipinakilala ni Rizal sa nobelang El Filibusterismo.

MGA TAUHAN

Simoun
Tinawag ding Kardinal Moreno, Eminencia Negra.
Mayamang mag-aalahas na taga-payo ng Kapitan Heneral.
Pinangingilagan ng marami dahil sa kapangyarihan at
kayamanang taglay. Ginamit ang kayamanan upang maisagawa
ang planong paghihiganti sa kaniyang pagbabalik mula sa
sinapit ng ama at paghihiwalay sa kaniyang kasintahan. Siya ay
si Juan Crisostomo Ibarra sa Noli Me Tangere.

Basilio
Binatang mag- aaral ng medisina kinalinga at inampon
ni Kapitan Tiyago. Dating sakristan na panganay na anak
ng nabaliw na si Sisa. Umibig sa isang masintahing dalaga na
si Huli.

Isagani
Ang makata at ang makabayang binata na mag-aaral
ng Ateneo na nagmamahal nang labis kay Paulita Gomez
kasunod ng pag-ibig niya sa bayan. Pamangkin ni Padre
Florentino. Ang matayog na pangarap ni Dr. jose Rizal para sa
bayan sa hinaharap- maunlad na bayan sa gitna ng abang
kalagayan- ay lumabas sa bibig ni Isagani.

Padre Florentino
Paring Pilipino na lubos na iginagalang ng lahat
dahil sa kaniyang kahinahunan, taglay na kabaitan at

9
pagiging makatao bilang tunay na alagad ng Diyos. Siya ang pinagkatiwalaan ni
Simoun sa mga lihim ng kanyang tunay na pagkatao at nagbibigay -liwanag sa
huling sandal ng buhay nito.

Kabesang Tales
Si Kabesang Tales ang ama ni Huli. Isang masipag na
magsasaka na naging biktima ng kawalang katarungan sa
lupaing pinamuhunan ng buong pamilya niya ng pawis, dugo, at
buhay makaraanng panggigipit ng mga prayle.

Huli
Dalagang taganayon na kasintahan ni Basilio anak ni
Kabesang Tales. Dumanas ng kahirapan at ni hindi nakapag-aral
bunga ng mga kagipitang sinapit ng kaniyang pamilya.
Nagpaalipin kay Hermana Penchang upang matubos ang amang
binihag ng mga tulisan.

Donya Victorina
Isang ginang na nasa hustong gulang ngunit ang
paggalang ay hindi natatamo bunga ng paraan ng pananalita at
pananamit. Hinahanap niya ang asawang si Don Tiburcio na
umalis sa takot na hindi makapagpigil sa kanya at kung ano pa
ang magawa.

Paulita Gomez
Kasintahan ni Isagani at pamangkin ni Donya
Victorina.

1
0
Padre Millon
Isang gurong prayle sa Pisika na namamahiya ng
mga mag-aaral lalo na sa Pilipinong estudyante.

Padre Salvi
Dating kura ng San Diego at obispo ng Sta. Clara. Ang
paring pinatutungkulan ng ulong pugot na ginamit ni Simoun
upang ipabatid ang lahat ng poot niya sa paring gumupit sa
kaniya.

Padre Camorra
Naging kura Paroko ng San Diego. May lihim na pagtingin
kay Huli at nagsamantala sa gipit na kalagayan ng dalaga.

Padre Fernandez
Dominikanong propesor

Padre Sibyla
Ang dominikanong
vice-rector ng Unibersidad ng
Sto. Tomas.

Don Custodio
Tinawag na Buena Tinta at ang Tagapanukala.
Inilalarawan niya ang mga Pilipino na may kolonyal na
1
1
kaisipan sapagkat siya’y nakarating sa ibang bansa ang tingin niya sa sarili ay magaling
at napakahusay. Naniniwala siya na ang mga Pilipino ay walang kakayahan at masasawi
lamang.

G. Pasta
Bantog na abogado ng Maynila. Hindi nakikisangkot
sa mga usaping panlipunan sa takot na madamay ang
pinangangalagaang mga ari-arian kaya tumanging tulungan si
Isagani.

Ben Zayb

Manunulat sa isang pahayagan

Quiroga
Isang mangangalakal na Tsino, ninais maging konsul ng
Tsina sa Pilipinas kaya’t nanunuhol siya at nalagay sa kagipitan
bunga ng malaking pagkakautang kay Simoun.

Placido Penitente
Tahimik, matalino at masipag na mag-aaral ng
Batangas na nag-aral sa Maynila ngunit nabigo sa inaasahan.

Mataas na Kawani
Marangal na kawani laging sumasalungat sa ibig ng
Kapitan Heneral. Isang Espanyol ngunit may matuwid na
pagpapasya.

1
2
Gawain II: Kilalanin mo!
Tukuyin ang tauhang inilalarawan s amga sumusunod at ang pagpapahalaga at kaasalang
Pilipinong binibigyang-diin ni Dr. jose Rizal.

Tauhan Paglalarawan kaasalan


1. Binatang may matayog na
pag-ibig sa bayan.
2 Tinawag na Kardinal Moreno.
3 Bantog na abogado ng
Maynila
4 Isang mangangalakal na
Tsino nan ais maging Konsul
5 Prayleng guro sa pisika.
6 Tinatawag na Buena Tinta at
ang Tagapanukala.
7 Sumasalungat sa ibig ng
Kapitan.
8 Ang paring pinatutungkulan
ng ulong pugot.
9 Isang kastila na may tuwid na
pagpapasya.
10 Isang magsasaka na
nagmatigas at lumaban sa
pamahalaan.
11 Nagpaalila upang matubos
ang amang binihag ng mga
tulisan.
12 May lihim na pagtingin kay
Huli.
13 Mag-aaral mula sa Batangas
14 Kasintahan ni Isagani

15. Paring Pilipino na


iginagalang ng lahat dahil sa
kaniyang kahinahunan,
kabaitan at makatao.

Suriin

Ngayon ay basahin at unawain ang Kabanata 1-5.

Kabanata 1: Sa Kubyerta

Umaga ng Disyembre, ang bapor tabo ay naglalakbay sa liku-likong daan ng Ilog Pasig
patungong Laguna.

1
3
Sakay sa bapor sina Donya Victorina, Don Custodio, Ben Zayb, Padre Salvi, Padre Sibyla, Padre
Camorra, Padre Irene, at si Simoun. Paksa sa usapan nila ang pagpapatuwid ng Ilog Pasig at ang
mga gawain ng Obras del Puerto.

Nagmungkahi si Simoun na maghukay ng isang tuwid na daan mula pagpasok hanggang sa


paglabas ng Ilog Pasig. Ang mga lupang nahukay ay siyang gagamitin upang takpan ang dating
ilog.

Pagtatrabahuhin ang mga bilanggo upang hindi mag-aksaya ng malaking halagang pera. Kung
hindi sapat ay pagtatrabahuhin din ang mamamayan ng sapilitan at walang bayad.

Hindi sinang-ayunan ni Don Custodio ang paraang iminungkahi ni Simoun dahil maaari itong
magsimula ng himagsikan.

Sa halip, pilitin na mag-alaga ng itik ang lahat ng naninirahan malapit sa Ilog Pasig. Sa gayon ay
lalalim ang lawa sa kanilang pagkuha ng susong pagkain ng pato. Ito’y hindi rin sinang-ayunan
ni Donya Victorina dahil dadami ang balot na pinandidirihan niya.

Kabanata 2: Sa Ilalim ng Kubyerta

Marami ang sakay sa ilalim ng kubyerta. Katabi nila ang mga maleta, tampipi, at bakol. Malapit
sila sa makina at init ng kaldero kung kaya’t halu-halo na ang mabahong singaw ng langis at
singaw ng tao. Kabilang sa naroon sina Basilio, Isagani, at Kapitan Basilio. Uuwi si Basilio sa San
Diego dahil inutusan siya ni Kapitan Tiago na tignan ang mga bahay paupahan ngunit may
hinala itong hihitit lamang ito ng opyo.Umamin naman si Kapitan Basilio na noong kapanahunan
nila ay hindi pa laganap ng paghitit ng opyo bagamat may ganun ng uri ng droga ay hindi naman
niya pinapansin ito.

Tungkol naman sa Akademya ng Wikang Kastila ang paksa ng usapan nila. Sinabi ni Basilio na
magbibigay ito ng salapi, ngunit ang magtuturo ay kalahating Pilipino at kalahating Kastila. Ang
bahay naman ay magmumula kay Makaraeg.

Bumaba si Simoun sa ilalim ng kubyerta at lumapit sa magkaibigan Isagani at Basilio. Pinakilala


ni Basilio si Isagani kay Simoun. Hindi tinanggap ng magkaibigan ang paanyaya ni Simoun na
uminom ng serbesa.

Binanggit ni Basilio na ayon kay Padre Camorra kulang sa lakas ang mga Pilipino dahil ito ay
palainom ng tubig at hindi ng serbesa. Sinagot ito ni Isagani, aniya ang tubig ay matamis at
naiinom ngunit lumulunod sa serbesa at pumapatay ng apoy. Ayon pa kay Isagani ang maliit na
tubi ng ilog kapag pinagsama-sama at nag-kaisa lalakas ang agos at maaaring sumira ng
maunlad na bayan

Habang nag-uusap ay may dumating na utusan. Pinapatawag ni Padre Florentino ang kaniyang
pamangkin na si Isagani. Ayon sa iba ay anak daw ito ni Padre Florentino sa dating katipan nang
mabalo. Naging pari si Padre Florentino at idinaos ang kanyang una at marangal na misa sa edad
na dalawampu’t lima. Ang kaligayahan ng ina ay lubos-lubos kaya ng mamamatay ang ina ay
ipinamana lahat ng ari-arian sa anak na pari.

1
4
Kabanata 3: Mga Alamat

Nang dumating si Padre Florentino ay tapos na ang naganap na pagtatalo. Nagbubulungan ang
mga prayle at pinag-uusapan ang pagtutol ng mga Pilipino sa pagbabayad ng buwis at bayarin
sa simbahan.

Habang nag-uusap ay dumating si Simoun. Pinanghinayangan ni Don Custodio dahil hindi nakita
ni Simoun ang tanawin habang naglalakbay ang bapor.

Ani Simoun walang halaga ang magandang tanawin kung ito’y walang alamat. Sumagot si Don
Custodio at sinabing may mga alamat ang nasabing ilog. Unang isinalaysay ni Don Custodio ang
alamat ng Malapad na Bato.

Noong hindi pa nakakarating sa Pilipinas ang mga Kastila ay sinasamba ng mga tao ang Malapad
na Bato na pinaniniwalaang tirahan ng mga espiritu. Ito ay nagsimulang maging tirahan ng mga
tulisan na humaharang sa mga bangka nang mawala na ang pamahiin na iyon.

Ikinuwento naman ni Padre Florentino ang alamat ng yungib ni Donya Geronima. Si Donya
Geronima ay tumandang dalaga dahil sa pag-iintay nito sa kaniyang kasintahan. Nag-arsobispo
ang lalaki at pinatira naman niya ang Donya sa isang yungib.

Nagsalaysay naman si Padre Salvi ng ginawang himala ni San Nicolas kung saan ay nagawa
nitong maging bato ang isang buwaya.

Habang nag-uusap ang lahat ay may nabanggit si Ben Zayb tungkol sa pagkamatay ni
Crisostomo Ibarra. Itinuro ng kapitan ng bapor kung saan tinugis si Ibarra labing-tatlong taon
na ang nakalipas.

Kabanata 3: Mga Alamat

Nang dumating si Padre Florentino ay tapos na ang naganap na pagtatalo. Nagbubulungan ang
mga prayle at pinag-uusapan ang pagtutol ng mga Pilipino sa pagbabayad ng buwis at bayarin
sa simbahan.

Habang nag-uusap ay dumating si Simoun. Pinanghinayangan ni Don Custodio dahil hindi nakita
ni Simoun ang tanawin habang naglalakbay ang bapor.

Ani Simoun walang halaga ang magandang tanawin kung ito’y walang alamat. Sumagot si Don
Custodio at sinabing may mga alamat ang nasabing ilog. Unang isinalaysay ni Don Custodio ang
alamat ng Malapad na Bato.

Noong hindi pa nakakarating sa Pilipinas ang mga Kastila ay sinasamba ng mga tao ang Malapad
na Bato na pinaniniwalaang tirahan ng mga espiritu. Ito ay nagsimulang maging tirahan ng mga
tulisan na humaharang sa mga bangka nang mawala na ang pamahiin na iyon.

Ikinuwento naman ni Padre Florentino ang alamat ng yungib ni Donya Geronima. Si Donya
Geronima ay tumandang dalaga dahil sa pag-iintay nito sa kaniyang kasintahan. Nag-arsobispo
ang lalaki at pinatira naman niya ang Donya sa isang yungib.

1
5
Nagsalaysay naman si Padre Salvi ng ginawang himala ni San Nicolas kung saan ay nagawa
nitong maging bato ang isang buwaya.

Habang nag-uusap ang lahat ay may nabanggit si Ben Zayb tungkol sa pagkamatay ni
Crisostomo Ibarra. Itinuro ng kapitan ng bapor kung saan tinugis si Ibarra labing-tatlong taon
na ang nakalipas.

Kabanata 4: Si Kabesang Tales

Si Telesforo o mas kilala sa tawag na Tales ay anak ni Tandang Selo. Inalagaan niya ang isang
bahagi ng kagubatan dahil sa palagay niya ay walang nagmamay-ari nito. Kasama niya roon ang
kanyang ama, asawa, at mga anak.

Pinamuhunan niya ito kahit walang kasiguraduhan ang pag-unlad niya dito. Subalit malapit na
sana nilang anihin ang mga unang tanim nang biglang inangkin ito ng korporasyon ng mga pari.
Hinihingian ng nasabing korporasyon si Tales ng dalawampu o tatlumpung piso kada taon.

Tinanggap ni Tales ang utos na ito dala narin ng kanyang natural na kabaitan. Habang lumalaki
ang kanyang ani ay lumalaki din ang hinihinging buwis ng korporasyon.

Nagkaisa ang kanyang mga kanayon na gawin itong Kabesa ng barangay dahil kita naman ang
naging pag-unlad nito. Plano sana niyang pag-aralin ang kaniyang dalaga sa Maynila ngunit ito
ay di nangyari dahil sa taas ng buwis.

Nang umabot sa dalawang daang piso ang buwis na hinihingi ng korporasyon ay napilitan na
itong tumutol. Ngunit tinakot siya ng nangangasiwa na kung hindi ito makakapagbayad ng
buwis ay sa iba nalang ipapatanim ang lupa.

Naubos na ang kanyang salapi sa pakikipaglaban sa hukuman subalit nanatili parin itong bigo.
Madalas siyang may dala-dalang baril sa tuwing pupunta sa bukid upang ipagtanggol ang sarili
kung sakaling may tulisan.

Pagkaraa’y ipinagbawal ang baril kaya gulok naman ang dinala nito. Sinamsam ang dala nitong
gulok kaya palakol naman ang sunod na dinala. Nabihag si Tales ng mga tulisan at ipinapatubos
ito sa halagang limang daang piso.

Napilitang ipagbenta ni Huli ang lahat ng kaniyang alahas maliban sa agnos na bigay ni Basilio.
Ngunit hindi parin ito sapat upang matubos si Tales kaya namasukan ito bilang utusan.

Nalaman ni Tandang Selo ang ginawang iyon ni Huli kaya hindi ito nakakain at nakatulog nang
gabing iyon. Sa halip ay umiyak lang ng umiyak ang matanda.

Kabanata 5: Ang Noche Buena ng Isang Kutsero

Dumating si Basilio sa San Diego habang kasagsagan ng prusisyon. Naabala ito sa daan nang
bugbugin ang kutserong kaniyang sinasakyan noong dumaan sa kwartel. Nalimutan ni Sinong
na dalhin ang kanyang Sedula.

1
6
Iniutos ni Basilio na palakarin nalang ang kaniyang sinasakyan nang makaraan ang prusisyon.
Nalibang ito sa mga nakikita niya habang naglalakd kung kaya’t hindi na niya napansin ang
pagkawala ng ilaw sa parol ng karitela. Nang muling mapatapat sa kwartel ay nabugbog ulit ang
kutsero dahilan kung bakit naglakad nalang ito.

Tanging ang bahay ni Kapitan Basilio ang nag-iisang masaya sa lahat ng nadaanan niya. Nagulat
ito nang makita niyang kinakausap ni Kapitan Basilio, kura, at alperes si Simoun.

Nagpatuloy ito sa paglalakad hanggang sa makarating sa tahanan ni Kapitan Tiago na kaniyang


tinutuluyan.

Nalaman niya ang balitang pagkabihag kay Tales dahilan kung bakit hindi ito nakakain ng
gabing iyon.

Para sa iba pang karagdagang impormasyon maaari mong buksan ang sumusunod na
websites tungkol sa Buod ng Bawat Kabanata ng El Filibusterismo.
https://noypi.com.ph/el-filibusterismo-buod/
https://www.panitikan.com.ph/kabanata-1-sa-ibabaw-ng-kubyerta-el-filibusterismo-
buod

Pagyamanin

Gawain III. Maglakbay tayo!

Matapos matutuhan ang mahahhalagang impormasyon tungkol sa pagbuo niya ng


nobela, higit pang mauunawaan ang detalye ng mga dahilan kung bakit niya isinulat ang nobela
sa pamamagitan ng pagbabasa sa uanng mga kabanata nito. Habang nagbabasa ng unang limang
kabanata ipagpalagay na lulan ka ng isang bapor. Maging mapagmasid at hanapin kung ang mga
sumusunod na paglalarawan at pangyayari ay naganap dito. I-tseka ng katapat ng kahong may
tsek (/) at kung wala naman ay X.

PANGYAYARI/PAGLALARAWAN / X KAHULUGAN/PAHIWATIG
1.May dalawang palapag ang
bapor tabo: ang ibabaw at ang
ilalim
2.Bagong pahid ng pinturang puti
ang bapor ngunit luma na at
napakarumi sa loob nito.
3.Mabagal ang pag-usad dahil
mababaw ang ilog dahil sa mga
burak at suso, maingay ang
makina at nagbubunga ng maitim
na usok ang bapor.
4.Hugis bilog ang bapor na

1
7
pinaandar ng makina at tikin.
5.Maraming namamangka,
naliligo at naglalaba sa ilog na
dinadaanan ng bapor.
6.May isang babaeng Indio na
kung mag-ayos ng buhok
magsalita at manamit ay parang
dayuhan.
7.May mga kabataang nag-uusap
upang makapagpatayo ng
Akademya ng Wikang Kastila.
8. Pinag-usapan ang tubig, alak, at
apoy na inihambing ni Isagani sa
mga prayle ang ikalawa’t ikatlo
naman sa pamahalaan.
9. Isinalaysay ni Padre Florentino
ang sapilitang pagpapari niya,
pag-iwan sa kaniya ng kasintahan
at pagtigil bilang pari upang ‘di
siya paratangan dahil sa malaking
kita ng kaniyang Parokya.
10. Namangha ang karamihan sa
alahas ni Ginoong Simoun
maliban kina Isagani at Basilio.
11. Isinalaysay ng kapitan ng
Bapor ang Alamat ng Malapad na
Bato na tirahan ng mga espiritu
ngunit nawala dahil sa pagdating
ng mga tulisan.
12. Isinalaysay naman ni Padre
Florentino ang alamat ni Donya
Geronima na pinagawan ng isang
yungib ng isang arsobispo na
dating kasintahan at tumaba nang
lumaon, naging enkantada na
kuhanan ng mahahalagang
ksangkapan.
13. Ikinuwento naman ni Padre
Salvi ang Alamat ng himala ni San
Nicolas tungkol sa instik na ayaw
pabinyag ngunit ng makita ang
buwaya ay napatawag kay San
Nicolas at naging bato ang
buwaya.
14. Naitanong ng mamamahayag
na si Ben Zayb ang hindi niya
matukoy ang siguradong pangalan
(Guevarra, Navara, o Ibarra) at
ikinabago ng anyo ni Simoun.
15.Pinag-usapan ang lawa na tila
salamin ang mainis na tubig tulad
ng batong Esmeralda ang kulay ng
mga punongkahoy at parang

1
8
sapiro ang kalangitang katapat.
16.Hinuli ang kutsero na si Sinong
dahil wala itong pambayad sa
buwis.
17. Tanging ang bahay ni Kapitan
Basilio ang nag-iisang masaya sa
lahat ng nadaanan niya.
18.Pinaalis ng matiwasay si
Sinong.
19. Si Telesforo o mas kilala sa
tawag na Tales ay anak ni
Tandang Selo
20. Si Kabesang Tales ay isang
mangingisda.

Gawain IV: Ayusin mo!


Panuto: Ayusin ang mga ginulong titik na nakalihis upang mabuo ang diwa ng pahayag.
Pagkaraan ay pasubalian o patotohanan ang pahayag sa pamamagitan ng matalinong
pagmamatwid.

1. Hindi kami bumubili ng hasla dahil hindi naman namin iyon ngaikalan.
2. Ang matatanda, lagi na lang balasag ang nakikita, ibig nila’y maging lobig at kinimas ang
lahat na parang bola ng bilyar.
3. Kung bigtu sa halip na berseba ang iniinom niya, magtatagumpay kami at walang
ngasalingas sa kanya.
4. Ang tubig ay naiinom at matamis ngunit nakapapawi ng kala at bersesa at pumapatay sa
yapo, kapag pinainit nagiging wangis at kapag pinagalit ay nagiging agtad namalawak na
minsang nagpayanig at nagwasak ng digansandaig.
5. Kapag siya’y pinainit ng poya, kapag ang hiwa-hiwala at maliliit na logi ay bumuhos nang
minsanan ng tataboy sa banging hinuhukay ng tao.

Isaisip

Gawain IV: Unawain mo!


Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan.

1. Bakit itinuring na naghahari-harian ang bapor tabo?


2. Bakit lalong lumala ang init ng ulo ni Donya Victorina?
3. Ano ang panukala ni Simoun at Don Custodio upang magkaroon ng maayos na lawa?
4. Paano naipakita sa kabanata I ang agwat ng tao sa lipunan batay sa mga pasahero ng
bapor? Nangyayari pa rin bai to sa kasalukuyan. Patunayan.
5. Ilahad ang pagkakaiba ng mga pasahero sa ilalim ng kubyerta sa mga pasahero sa itaas
ng kubyerta. Ano ang masasalaming sitwasyon sa ating lipunan?
6. Iugnay ang alamat ng Buwayang Bato sa kasaysayan ng Pilipinas.
7. Matuwid ba ang naging pasya ng arsobispo n aitago ang dating kasintahan sa kuweba?
Bakit?
8. Paano ipinakita ang kawalang -katarungan sa lipunan noong panahong iyon?

1
9
9. Bakit nabalam ang paglalakbay ni Basilio papunta sa bahay ni Kapitan Tiago habang siya
ay sakay ng kalesa?
10. Ano-ano ang pagkakasala ng kutsero ayon sa mga guwardiya sibil?

Isagawa

Gawain V: Ang El Filibusterismo Noon at Ngayon

Matapos Mabasa ang unag limang kabanata ng El Filibusterismo. Iugnay mo ang mahahalagang
pangyayari sa panahong isinulat ito ni Rizal sa kasalukuyan. Punan mo ang Horizontal timeline
sa ibaba.Pumili lamang ng 3 kabanata mula kabanata 1-5.

HORIZONTAL TIMELINE

Mahahalagang Pangyayari sa El Filibusterismo

Kabanata __ Kabanata __ Kabanata __

Mahahalagang naganap sa panahong isinulat ang El Filibusterismo

Mahahalahang pangyayari sa kasalukuyan

2
0
Tayahin

Tiyak marami kang natutuhan sa iba’t ibang mga aralin sa Modyul na ito. Ngayon,
ating tatayahin ang iyong kaalaman sa nakalipas na aralin.

Pangwakas na Pagtataya:
Panuto: Piliin ang tamang sagot.
1. Siya ay kilala bilang si Kardinal Moreno, Emenencia Negra. Mayamang mag-aalahas na
tagapayo ng kapitan Heneral.
a. Simoun b. Kabesang Tales c. Basilio d. Isagani
2. Ang makata at makabayang binata na mag-aaral ng Ateneo na nagmamahal ng labis
kay Paulita.
a. Basilio b. Isagani c. Kabesang Tales d. Simoun
3. Ang ama ni Huli. Isang magsasaka na naging biktima ng kawalang katarungan.
a. Tata Selo b. Kabesang Tales c. Isagani d. Basilio
4. Ang binatang mag-aaral ng medisina, kinalinga at inampon ni Kapitan Tiyago.
a. Basilio b. Isagani c. Simoun d. Placido Penitente
5. Naging kura paroko ng san Diego. May lihim na pagtingin kay Huli.
a. Padre Florentino b. Padre Camorra c. Padre Salvi d. Padre Millon
6. Ang gurong prayle sa pisika na namamahiya ng mag-aaral.
a. Padre Florentino b. Padre Camorra c. Padre Salvi d. Padre Millon
7. Tinatawag na Buena tinta at ang Tagapanukala.
a. Quiroga b. Don Custudio c. Ben Zayb d. G. Pasta
8. Ang tiyahin at taga pangalaga ni Paulita at asawa ni Don Tiburcio,
a. Huli b. Dona Victorina c. Kabesang Andang d. Kapitana Tika
9. Paring Pilipino na Lubos na iginagalang ng lahat .
a. Padre Salvi b. Padre Millon c. Padre Florentino d. Padre Camorra
10. Isang mangangalakal na Tsino, ninais maging konsol ng Tsina sa Pilipinas.
a. Quiroga b. Don Custudio c. Ben Zayb d. G. Pasta
11. Ang tunay na dahilan kung bakit pinapunta ni Kapitan Tiyago si Basilio sa San Diego ay
upang
a. Maningil sa mga paupahan c. makahitit ng opyo
b.Makapamasyal sa Maynila d. mabisita si Maria Clara
12. Umamin si _________ na may droga na noong kapanahunan nila subalit hindi nila ito
iniintindi.
a. Kapitan Tiyago b. Kapitan Basilio c. Kapitan ng Barko d. Kapitan Tinong
13. Ayon kay Isagani Ang tanging kapintasan ni Paulita ay __________.
a. Ang kaniyang kadaldalan c. ang pagiging mayaman
b. Ang pagkakaroon ng tiyahin na laging kasama d. pagiging pansinin
14. Ayon kay Isagani ang maaaring sumira sa isang maunlad na bayan ay ang tubig ____.
a. dagat b. ilog c. lupa d. hangin
15. Ayon kay Simoun ang isang bayan ay maralita kapag ang ___________ ay isang Indio.
a. Kapitan Heneral b. kalihim c. kura paroko d. kawani
16. Si _________ ay naging pari dahil lamang sa kagustuhan ng kaniyang ina.
a. Padre Salvi b. Padre Camorra C. Padre Florentino D. Padre Irene
17. Labis-labis ang paninira ni ________ kay Simoun kapag nakatalikod at kapag nakaharap
ay labis naming pumuri sa mangangalakal.
a. Padre Salvi b. Padre Camorra C. Ben Zayb D. Padre Irene
18. Ang ina ni Padre Florentino ay namatay nang maligaya matapos makapagmisa ang
kaniyang anak sa __________.
a. Unang pagkakataon c. . pangalawang pagkakataon

2
1
c. Ikatlong pagkakataon d. ikaapat na pagkakataon
19. Ang kutsero ng karetela na sinakyan ni Basilio
a. Simon b. Sinong c. Tinong d. Pinong
20. Ang bayang uuwian ni Basilio
a. San Nicolas b. San Jacinto C. San Diego D. San Jose

B. Punan ng ,mga nawawalang titik ang mga kahon upang mabuo ang mga kahulugan ng mga
salitang may salungguhit sa pangungusap.

1. Ang pasukan ng kuwebang tinitirhan ni Dona Geronima ay napapalamutian ng mga


baging.

A K N
2. Ang pagkilala at pananampalataya ng Intsik kay San Nicolas ay isa nang kalamangan
ng katolisismo.

K L S
3. Itinuro ng Kapitan kung saan tinugis ng mga sundalo si Ibarra.

I B L

4. Nangilalas ang lahat sa kaaya-ayang paligid at mga tanawin habang pumapasok sa


lawa ang Bapor Tabo.

K - D

5. Ang ipain si Dona Geronima sa panganib sa loob ng kuweba ay hindi masasabing.


I M G

Karagdagang Gawain

Piliin sa kahon ang tamang sagot upang mabuo ang diwa ng bawat pangungusap. Isulat sa
patlang bago ang bilang.

beterano Don Custodio illustrisismos kapitan


Dona Victorina Simoun balot Don Tiburcio
Daong ng pamahalaan Padre Camorra kanonigo

____________1. Ang Bapor Tabo ay pinamamahalaan ng mga Reverendos at _______________.

2
2
____________2. Ang kapitan ay inihahahlintulad sa isang _________ dahil sa kaniyang
karanasan.
____________3. Si _____________ ay nagulat sa naging panukala ni Simoun.
____________4. Ang _________ na si Padre Irene ay sinasabing nagbibigay-ningning sa mga pari
dahil sa kaniyang kaanyuan.
____________5. Kilalang-kilala si _________________ sa kaniyang ugali at bilang tagapangalaga ni
Paulita Gomez.
____________6. Ang nagbigay ng panukalang maghukay ng isang tuwid na kanal buhat sa
bunganga ng ilog ay si _______________.
____________7. Si Dona Victorina ay hindi kumakain ng ___________ dahil siya ay nasusuklam
dito.
___________8. Ang ___________ ng barko ay itinuturing n amabait at isnag datig manlalakbay.
___________9. Nag-ala Ulises si ________ matapos niyang hambalusin ang kaniyang asawa nang
minsang sila ay mag-away.
___________10. Si Ben Zayb na isang manunulat ay nakipagtalo sa isang batang pari na si
______.

2
3
Susi ng Pagwawasto
PAUNANG PAGTATAYA

A.
1. A 6. D 11. C 16. C
2. B 7. B 12. B 17. D
3. B 8. B 13. B 18. A
4. A 9. C 14. B 19. B
5. B 10. A 15. C 20. C
B.
1. Ilustrisismons 6. Simoun
2. Beterano 7. balot
3. Don Custodio 8. kapitan
4. Kanonigo 9. Don Tiburcio
5. Donya Victorina 10. Padre Camorra

C.
1. Nagaganyakan
2. Kalabisan
3. Hinabol
4. Kalugod-lugod
5. iumang

Balikan: Gawain I: Alamin mo


Iba-iba ang sagot

Tuklasin: Gawain II: Kilalanin mo!


1. Isagani 6. Don Custodio 11. Huli
2. Simoun 7. Mataas na kawani 12. Placido Penitente
3. G. Pasta 8. Padre Salvi 13. Padre Camorra
4. Quiroga 9. Mataas na Kawani 14. Paulita
5. Padre Millon 10. Kabesang Tales 15. Padre Florentino

PAGYAMANIN: Gawain III: Maglakbay Tayo!


1. / 6./ 11. / 16. x
2. / 7. / 12. / 17. /
3. / 8. / 13. / 18. x
4. / 9. X 14. / 19. /
5. / 10. / 15. / 20. x

Gawain IV: Ayusin mo!

1. Alahas, kailangan
2. Sagabal, bilog, makinis
3. Tubig, serbesa, alingasngas
4. Alak, serbesa, apoy, singaw, dagat, sandaigdigan

2
4
5. Apoy, ilog

ISAISIP: Gawain IV: Unawain mo!


Iba-iba ang sagot

ISAGAWA: Gawain V: Ang El Filibusterismo Noon at Ngayon


Iba-iba ang sagot

Karagdagang Gawain
1.Ilustrisismons 6. Simoun
2.Beterano 7. balot
3.Don Custodio 8. kapitan
4.Kanonigo 9. Don Tiburcio
5. Donya Victorina 10. Padre Camorra

PANGWAKAS NA PAGTATAYA

A.
6. A 6. D 11. C 16. C
7. B 7. B 12. B 17. D
8. B 8. B 13. B 18. A
9. A 9. C 14. B 19. B
10. B 10. A 15. C 20. C
B.
1. Nagaganyakan
2. Kalabisan
3. Hinabol
4. Kalugod-lugod
5. iumang

2
5
Sanggunian

Mga Aklat

Bucu, et. Al (2014). Obra Maestra IV, El Filibusterismo, Sampaloc, Manila: Rex Book Store, Inc.
pa. 15-16, 20,

Mendoza N.C. (2012). Ilaw Pinagsanib na wika at Panitikan, Sta. Ana Manila: Innovative
Educational Materials, Inc. pa. 236-272

Mungkahing website links patungkol sa Buod ng El Filibusterismo

https://noypi.com.ph/el-filibusterismo-buod/
https://www.panitikan.com.ph/kabanata-1-sa-ibabaw-ng-kubyerta-el-filibusterismo-
buod

Para sa mga larawan

https://www.emaze.com/@AWIRRWQ
https://www.slideshare.net/ghiemaritana/el-filibusterismo-86690166
https://www.youtube.com/watch?v=r5acnRUdso8- C&E Publishing, Inc.

2
6
2
7

You might also like