You are on page 1of 9

Zamora Memorial College

Sto. Niño St., Brgy. 9, Bacacay, Albay

YUNIT IV FILIP
EL FILIBUSTERISMO

MODYUL 3
Pagpapahayag ng Sariling
Paniniwala at Pagpapahalaga
Kaugnay ng Kaisipang
Namayani sa Akda

IKAAPAT NA MARKAHAN
(IKAAPAT NA LINGGO)

CORE VALUES:
Character and Integrity (Pagkamulat sa Kaisipan at Paglulunsad ng Pagbabago)

PVMGO:
Goal-anchored on lifelong learning, ZMC aims to develop and produce socially responsive graduates
equipped with life skills, imbued with strong belief system, appreciation for the arts, and a sense of nationalism

SPECIFIC OBJECTIVES:
- Make informed decisions based on choices that are value-based.
- Demonstrate cultural awareness by integrating such consciousness in refining unique Filipino
values.
- Perform and produce evidence-based transfer of learning in real-life-situations.

Inihanda nina:

Carlo B. Echemane
Guro sa Filipino

Edgardo Barrameda
Pinuno ng Departmento

INTRODUKSIYON
Sa modyul na ito, muli mong mababasa ang isang kabanata ng nobela tungol kay Kabesang Tales.
Pagkatapos mong basahin ang kabanata, makapagpapahayag ka ng sariling paniniwala at pagpapahalaga
kaugnay sa mga kaisipang namayani sa kabanatang binasa.

Masusuri mo rin dito ang mga kaisipang nagpapahayag ng kahalagahan ng bukas na isipan sa
pagbabago, pagpapahalaga sa dignidad at mga kabulukan sa sistema ng nakaraan na masasalamin pa rin
hangang ngayon.

PANIMULANG PAGTATAYA

Panuto: Sa modyul na ito, susubuking sukatin ang iyong kaalaman tungkol sa nobelang El Filibusterismo.
Binigyang-diin sa bawat kabanata ng nobela ang kanilang mga natatanging karakter at ang kanilang
simbolismo sa bawat kabanata. Piliin at isulat sa patlang ang tamang sagot bago ang bilang.

1. Ito ay isang mahabang kathang pampanitikan na naglalahad ng mga pangayayari na pinaghahabi sa isang
mahusay na pagbabalangkas.
A. Dagli C. Nobela
B. Maikling Kuwento D.Tula

2. Ang nobelang ito ay buong pusong inialay ni Dr. Jose Rizal sa tatlong paring martir na lalong kilalang
GOMBURZA.
A .Ang Una Kong Salimsim C. Noli Me Tangere
B. El Filibusterismo D. Sa Aking Mga Kabata

3. Isinulat Dr. Jose Rizal ang nobelang El Filibusterismo sa panahon ng mga

A. Katutubo Amerikano C. Katutubo
B. Hapon D. Kastila

4. Ang nobelang El Filibusterismo ay nahahati sa ilang kabanata.

A. 38 C.64
B. 39 D.65

5. Ang tauhan sa nobela na naghahangad ng karapatan sa pagmamayari ng lupang sinasaka na inangkin ng

mga prayle.
A. Isagani C. Simoun
B. Kabesang Tales D. Tandang Selo

MGA MAHAHALAGANG KASANAYANG PAMPAGKATUTO

LAYUNIN:
Pagkatapos mong pag-aralan ang modyul na ito, inaasahan na naipamalas mo ang mga sumusunod:

A. naipahahayag ang sariling paniniwala at pagpapahalaga kaugnay ng mga kaisipang namamayani

sa akda
B. nasusuri ang mga kaisipang lutang sa akda Diyos, bayan, kapuwa, tao, at magulang

SIMULAN MO!

Ang Sumilao Farmers ay naglakad mula Bukidnon papuntang

Maynila upang ipagsigawan ang kanilang karapatan sa lupaing
kanilang nililinang. Kung ikaw ay isa sa Sumilao Farmers,
magagawa mo rin bang ipaglaban ang iyong karapatan at
maglakad papuntang Maynila? Oo o Hindi at Bakit?

BASAHIN MO!

2|Modyul 3 – Ikaapat na Markahan

KABANATA IV: SI KABESANG TALES

Sa mga nakabasa rin ng unang parte ng kwentong ito, matatandaan nila noon ang isang matandang
mangangahoy na nakatira roon sa loob ng kagubatan. Buhay pa si Tandang Selo at kahit naging Puti na lahat ang
buhok nito, napanatli nito gayunpaman ang magandang kalusugan. Hindi na siya nagpupunta roon para mangaso o
para pagputol ng mga puno. Dahil umaasenso na ang kanyang kalagayan, inilaan na lamang niya ang oras sa
paggawa ng mga walis.
Unang nagtrabaho ang kanyang anak nasi Tales ( palayaw ng Teleforo ) bilang katiwala sa mga lupain ng
mga kapitalista pero, nitong huli, dahil nagkaroon na ng dalawang kalabaw at ilang daang piso, ginusto nitong
magsarili sa pagtratrabaho sa tulong ng kanyang ama, kabiyak at tatlong mga anak. Hinawan at pagkatapos ay
nilinis nila ang isang bahagi ng gubat na nasa gilid ng baryo at inakala nilang walang may ari nito kahit sino. Sa
kanilang paghuhukay at paggawa ng mga kanal sa mga lupa, isa –isang nagkasakit ang buong pamilya, nagkaroon
ng lagnat at bumigay sa pagkakasakit na ito ang ina at ang panganay na anak, si Lucia , na nasa kasibilan. Kahit na
natural na ganoon ang mangyayari bunga ng paglitaw ng dumi dahil sa pagbubungkal ng lupang mayaman sa ibat –
ibang organismo , inatribyut nila ito sa paghihiganti ng mga espiritu ng kagubatan, nagpaubaya sila at nagpatuloy sa
pagtratrabahong sa paniniwalang hindi nagalit ang mga espirtung ito. Nang anihin na nila ang unang mga bunga,
nagreklamo ang isang relihiyosong korporasyon na may lupain sa katabing baryo na kanila ang lupaing iyon,
sinasabing nakadikit iyon sa bawnderi na kanilang lupain, at para patunayan ang ganoong sinasabi ay naglagay din
sa oras na iyon ng mga palatandaan.
Gayunpaman, dahil sa pakikipagkapwa tao, papaya ang administrador ng mga prayle na isurender na ang
kanilang makukuhang benepisyo sa mga lupain kung magbabayad si Kabesang Tales ng isang maliit na halaga
bawat taon, isang renta, mga bente o trenta pesos. Isang mapayapang tao at kaaway ng demandahan gaya ng
karamihan,at sumusunod sa mga prayle gaya ng maliliit na tao, dahil hindi ihahampas ang isang palayok kontra sa
kawali, gaya nga ng sabi niya ( para kay Tales, mga lalagyang bakal ang mga pari, at siya ay palayok ), nagkaroon
si Kabesang Talesng kahinaan na tanggapin ang ganoong kasinungalingan, iniisip na hindi niya alam mag-
Kastelyano at wala siyang ibabayad sa mga abogado. Dahil sa lahat ng ito, sinasabi sa kanya ni Tandang Selo:
“Pasensya! mas marami kang gagastahin sa loob ng isang taong demandahan kaysa kung magababayad
ka ng sampung beses ng hinihingi ng mga putting pari. Hm! Siguro babayaran ka na lang nila ng mga misa. Isipin
mo nalang na natalo ang trenta pesos mo sa sugal, o kaya, nahulog mo iyon sa ilog at kinain ng buwaya.”
Naging maganda ang ani, naging mabuti ang kanilang pagbebenta at naisip ni Tales na gumawa ng isang
bahay na yari sa kahoy sa baryo ng Sampang sa bayan ng Tiani, na malapit sa San Diego.
Nakaraan ang isang taon, dumating na naman ang isang magandang ani, at dahil dito o sa iba pang motibo,
iniutos ng mga prayle na singkwenta pesos ang ibabayad ni Tales – na binayaran ni Tales para wala na lang away
at dahil naging maganda naman ang pagbebena ng asukal.
“Pasensya! Isipin mo nalamang na lumaki ang buwaya,” ang pagbibigay – konswelo ng matandang Selo.
Nang taong iyon, natupad sa wakas ang kanyang pangarap,: ang tumira sa poblasyon, sa isang bahay na
yari sa kahoy, sa baryo ng Sagpang at nangarap ang mag – ama na pag-aralin ang dalawang magkapatid, lalo na
ang babae, si Juliana o Juli gaya ng tawag sa kanya, dahil mukhang magiging maganda at kahali-halina ang
dalaga. Nag-aaral na nang panahong iyon sa Maynila si Basilio, ang batang kaibigan ng pamilya, at galing ang
binatang iyon sa isang pamilya na kasing hirap nila.
Pero parang nakadestino na hindi magkatotoo ang kanilang pangarap. Ang unang gagawin ng lipunan
kapag nakitang unti – uning gumaganda ang buhay ng isang pamilya; ang panganay, si Tano ay katorse anyos
lamang. Kaya ginawang kabesa si Tales, na kailangang magpagawa ng isang tsaketa, bumili ng isang sombrero na
yari sa felt at maghandang gumastos. Para hindi makaaway ang kura o ang gobyerno, nag–abono siya mula sa
sariling bulsa para mabayaran ang mga indios at inaabonohan ang mga namatay, nag aksaya ng maraming oras sa
kanyang pangulekta at pagbibiyahe patungo sa kabisera.

“Pasensya! Isipin mo nalang na dumating na ang mga magulang ng buwaya para dumalo sa handaan,” ang
sabi ng Tandang Selo, payapang nakangiti.
“ Sa darating na taon, magdadamit ka ng yari sa cola at pupunta ka sa Maynila para mag –aral gaya ng
ibang mga dalaga sa kabayanan!”ang laging sabi ni Kabesang Tales sa kanyang anak na babae tuwing naririnig
niyang ikinikwento nito ang progreso ni Basilio sapag – aaral. Pero hindi dumating ang susunod na taon at napalit
sa lugar nito ang pagtataas ng bayad; naging seryoso si Kabesang Tales at nagkamot ng ulo. Ibinibigay ng palayok
ng baryo ang kanin sa kaldero. Nang itinaas ang buwis sa halagang dalawang daang piso, hindi na bumulong ito at
nag protesta. Sinabi ng prayleng administrador na kung hindi nila kayang magbayad, may ibang maaaring
makinabang sa mga lupaing iyon. Maraming interesado sa lupaing iyon ang nagpiprisinta. Naniniwala si Kabesang
Tales na nagbibiro ang prayle pero sinabi ng prayle na siya ay seryoso at sinenyasan ang isa sa kanyang mga
utusan para angkinin ang mga lupain. Namutla ang pobreng si Kabesang Tales, umugong ang mga tainga at isang
pulang ulap ang tumaas sa harap ng magmata nito, at nakita niya roon ang kanyang kabiyak at anak, mapuputla,
mapapayat, naghihirap, mga biktima ng walang tigil na lagnat! At pagkatapos, nakita niya ang kagubatang malawak,
na ginawang tanimang nababakuran, nakita ang mga tumatagaktak na pawis na ipinandidlig sa mga lupang inararo,
nakita roon ang kanyang sarili mismo, ang kawawang si Tales, nag-aararo sa gitna ng araw, sinusugatan ang mga
paa dahil sa mga bato at mga nakausling mga ugat, samantalang dumaang nakasakay sa karwahe ang leyman na
iyon, at iyong magmamana sa lupa, nakasunod na parang isang alipin sa likod ng kanyang amo. Ah, hindi! Hinding
– hinding – hindi! Lumubog na sana silang lahat ng nasa lupaing iyon sa kailaliman ng lupa at mabaon na sana
3|Modyul 3 – Ikaapat na Markahan
silang lahat. Sino ba ang banyagang iyon para magkaroon ng karapatan sa kanyang kanyang mga lupa? Napagod
ba itong nagpunta sa kanyang bayan nadala maski isang dakot na mga lupang iyon? Nabaluktot bani isang daliri
nito para magbunot ni isang ugat sa kanyang pag- aararo? Sawang – sawa na sa mga pananakot ng prayle na
nagpapanggap na dapat masunod ang kanyang awtoridad anuman ang mangyari sa harap ng iba pang mga tenant
na naroon, nagrebelde si Kabesang Tales , tumangging magbayad ng isang kusing at , laging nakikita sa kanyang
harap ang pulang ulap, sinabi na ibibigay lang niya ang mga lupang iyon sa unang magdidilig sa mga ito ng dugong
galing sa kanyang ugat. Hindi nagtangka ang matandang Selo na banggitin ang tungkol sa buwaya, nang makita
ang mukha ng anak, pero inisip nitong kalmantehin ang anak sa pagsasabi rito tungkol sa mga palayok at pinaalala
sa anak na, maghihirap ito, manalo man ito sa korte.“ Sa lupa tayo babalik, Tatay, at wala tayong kamisa nang
ipinanganak tayo!” kanyang sagot. Hindi talaga nagbayad si Kabesang Tales o nagsuko ni isang dangkal ng
kanyang lupain hanggat hindi napatunayan ng mga prayle ang legalidad ng kanilang pagsisinungaling sa
pamamagitan ng pagpapakita ng anumang dokumento. At dahil walang maipakita ang mga prayle, nagkaroon ng
demandahan, at tinanggap ito ni Kabesang Tales na naniniwalang mayroong ilan, kung hindi man lahat, na
nagmamahal sa hustisya at iginagalang na mga batas.“ Nagsilbi ako at nagsilbi ako ng maraming taon sa hari sa
pamamagitan ng aking salapi at aking pagod ,” ang sabi niya sa mga taong umaawat sa kanya.“ Ngayon hinihingi
ko sa kanya na bigyan niya ako ng hustisya at dapat na ibigay niya iyon sa akin.” At pinahirapan ng isang sawing
kapalaran at nandoong isugal niya sa demandahan ang lahat ng kanyang kinabukasan at ng kanyang mga anak,
ginasta niya ang kanyang mga naipon sa pagbabayad sa mga abogado at mga klerk, at hindi pa kasama rito ang
mga opisyal at mga klerk na sinasamantala ang kanyang sitwasyon at pagiging ignorante. Pabalik – balik siya sa
kabisera, pinadaan ang mga araw na hindi kumain at mga gabi na hindi natutulog, tungkol lang sa mga manuskrito,
presentasyon at pag – aapila at iba pa ang kanyang bukang bibig. Nalantad kung gayon ang isang pagtunggali na
hindi pa nakikitang nangyari kailanman sa ilalim ng kalangitan ng Pilipinas, isang pobreng Indiyo, ignorante at
walang mga kaibigan, naniniwala sa kanyang karapatan at pagiging tama ng kanyang ipinaglaban, nakikipaglaban
sa isang napakalakas na korporasyon na hawak sa kwelyo ang hustisya at dahil dito„ y ibinababa ng mga huwes
ang timbangan ng hustisya at isinuko ang espada. Ah, impresibo ang palayok na ito na determinadong ihampas ang
sarili sa kaldero at mabasag sa maraming piraso: taglay nito ang kahanga- hangang katapangan ng isang
desperado.
Ginamit niya ang mga libre niyang araw na hindi siya nagbibiyahe sa pagpapatrolya ng kanyang lupain na
may dala – dalang riple, sinasabing may mga tulisan na umaaligid at kailangang ipagtanggol ang mga para hindi
mahulog sa kamay ng mga bandido at tuloy ay matalo siya sa kaso.
At para lalong gumaling sa pag – aasinta, nagsanay siya sa pag-asinta sa mga ibon at ang mga prutas
tinitira ang mga paruparo, kaya hindi na nagtangkang pumunta ang leygo-administrador sa Sagpang nang walang
kasamang mga gwardiya sibil, at nang maaninagan ng alilang tagamana sa malayo ang nakakatakot na anyo ni
Kabesang Tales na nagpapatrol sa kanyang mga lupain na parang isang sundalo sa kanyang kampo, isinurender
nang lahat nito ang anumang pagnanasang maagaw ang pag – aari ni Kabesang Tales dahil takot.
Pero ang mga huwes ng kapayapaan at yaong nasa kabisera ay hindi naglakas – loob na bigyan si
Kabesang Tales ng katarungan, takot na mawalan ng trabaho, nabigyan na ng halimbawa sa pagkakatanggal sa
trabaho ng kanilang pinalitan.
At hindi masasama sa totoo lang ang mga huwes na ito, mga tao silang may konsensya, alam nila ang tama
at may, mabubuting mamamayan, magagaling na mga padre de pamilya, mababait na mga anak ……at mas
naiiintindihan nila ang sitwasyon ni Kabesang Tales kaysa si Kabesang Tales mismo.
Marami sa kanila ang nakakaalam sa pundasyong siyentipiko at historical sapag – aari ng lupa, alam nila na
hindi pwedeng mag- ari ng mga lupa ang mga prayle dahil sa kanilang posisyon, pero alam din na galing sa
malalayo ang mga praylemg ito, tinawid ang mga dagat para sa isang destinong narating kapalit ng malaking
paghihirap, na ang magligtas ang pangunahing layunin kaya nagpunta rito, at masasayang lang ito dahil sa isang
Indiong naniniwalang ang hustisya na dapat pairalin sa lupa ay yaong hustisya na pinairal sa langit! Isang biro ,
hindi ba ? Naku, hindi ba‟t nakakapagtaka kung ganoon nga nangyayari?!
Mayroon silang mga pamilya at dapat na siguruhin nila ang kanilang mga pamilya bago ang Indio na ito: ang
isa ay may isang pensyonadong ina at anong bagay ang mas sagrado kaysa pakainin ang isang ina? Ang isa
naman ay may mga kapatid na dalagang pwede nang magpakasal; ang isa pa ring huwes ay maraming maliit na
anak na naghihintay sa pagdating ng pagkain na parang mga sisiw sa isang pugad, at tiyak na namamatay sa
gutom kapag magkamali ang huwes na ito at matanggal sa trabaho; at hindi pahuhuli ang isa naman na may isang
asawang malayo, napakalayo sa kanya, napakalayo, na pwedeng magipit at malagay sa alanganin, kapag hindi
niya mapalhan ng pera….
Kaya naniniwala ang mga ito, ang mga huwes na itong may mataas na konsensya kaysa karamihan at may
mas mataas na moralidad, ginawa nila ang pinakamabuti sa kalagayang iyon nang pagpayuhan nila si Kabesang
Tales na makipagkasundo na sa mga prayle at bayaran ang ano mang dapat bayaran.
Pero hindi matinag si Kabesang Tales, na tulad ng lahat na may simpleng pag –iisip, sa kanyang desisyon,
nang makapagdesisyon na itong hustisya ang gusto niyang makamit. Humingi siya ng mga ebidensiya, mga
dokumento, mga papeles, mga titulo at walang maipakita ang mga prayle kahit na ano, at ang tanging maipapakita
lamang ay ang mga ginawang pagbabayad ni Kabesang Tales bilang renta sa mga lupa. Pero sumagot si
Kabesang Tales:
“Kung araw- araw akong naglilimos sa isang pulubi para lamang hindi niya ako buwisan, sino ang
makakapilit sa akin na bigyan pa siya ng limos matapos niyang abusuhin ang aking kabaitan?” At walang

4|Modyul 3 – Ikaapat na Markahan

makapagbago sa kanyang ganoong paniwala, at walang pananakot ang nakakatakot sa kanya. Bigo si Gobernador
M….. na nagpunta talaga sa probinsya para kausapin at takutin si Tales.
.

Ang lahat ay sinagot ni Kabesang Tales: “Gawin ninyo ang gusto ninyong gawin, Señor Gobernador, ako‟y
ignorante at walang lakas. Pero natanim ko na ang mga lupaing iyon. Namatay ang aking kabiyak at ang aking anak
doon dahil sa pagtulong sa akin na hawanin ang mga lupang iyon,.at hindi ko ibibigay ang mga lupain ng iyon sa
mga taong hindi mapapantayan ang aking mga ginawa…. Kailangan muna niyang ipandilig doon ang kanyang dugo
at mailibing niya roon ang kanyang asawa at anak!‟

SAGUTIN MO!
Panuto: Sagutin ang mga ibinigay na tanong.
1. Paano ipinakita ni Kabesang Tales ang pagmamahal niya sa kaniyang pamilya?
2. Ano ang katangiang taglay ni Kabesang Tales bilang isang ama?
3. Paano napaunlad ni Kabesang Tales ang kanilang pamumuhay?

PAGSASANAY 1
Panuto: Matapos mong basahin ang isang mahalagang kabanata ng nobela, ngayon naman sukatin natin ang
iyong natutuhan. Basahin at unawain mo ang mga kaisipang namamayani sa kabanatang iyong binasa. Isulat
ang tamang sagot sa patlang bago ang bilang.

1. “Ang tao ay sadyang mabuti, subanlit kapag iyong inaapi at niyurakan ang dangal, ito‟y matutong lumaban,
maipagtanggol lamang ang kanyan”
A.Katanyagan B.Karapatan C.Kayamanan D.Karangyaan

2. “Gobernador Isusuko ko lang ang lupaing iyan kong didiligin nila ito ng dugo ng kanilang asawa at anak “
A.Kaligayahan B.Kamatayan C.Katarungan D. Kasawian

3. “Magagawa niya ang ibig gawin; ako‟y mangmang at walang maipangahas na lakas.”
A.Kalungkutan B.Karalitaan C.Kahinaan D.Kamalasan

4. “Sa maliit na batong bughaw ay maaaring ipatapon ng isang tao ang kanyang kaaway at maaaring makauwi
ang isang tao sa kanyang tahanan”
A.Kagitingan B.Katapangan C.Kapayapaan D.Kakisigan

5. “Nagsisilbi ako at nagsisilbi ako ng maraming taon sa hari sa pamamagitan ng aking salapi at pagod.”
A.Katapatan B.Katarungan C.Kagalakan D.Kaayusan

PAGSASANAY 2
Panuto; Piliin sa loob ng kahon ang mga kaisipang lutang sa kabanatang binasa. Isulat ang titik ng tamang
sagot sa patlang bago ang bilang.

A. DIYOS B. BAYAN C. KAPUWA D. MAGULANG

_______1. Walang makatitiis na magulang sa kanyang mga anak, mabigyan lamang mabuting kinabukasan.

_______2. Hindi dapat hamakin ang bawat isa anuman ang estado niya sa buhay malakas man o mangmang,
mahirap man o mayaman.
_______3. Di-dapat kumitil ng buhay na may buhay at diyos lamang ang may karapatan tanging siya lang ang
nakakaalam.
_______4. Bilang isang mamamayan kinakailangan sumunod sa mga alintuntunin ng pamahalaan at igalang
ang mga pinatutupad na batas may katungkulan ka man o wala.
_______5. Pagtulong sa mga nangangailngan, sa panahon ng kagipitan lalo na ngayong pandemya.

PAGSASANAY 3
Panuto: Ipaliwanag mo ang iyong paniniwala at pagpapahalaga kaugnay sa mga kaisipang namamayani sa
kabanatang iyong nabasa.

1.Pagsasangla ni Huli ng kanyang alahas para pantubos sa ama.

2.Pamamasukan ni Huli alang –alang sa kalayaan ng ama.

5|Modyul 3 – Ikaapat na Markahan

3.Paglaban ni Kabesang Tales sa hukuman para sa kanyang karapatan bilang isang nagsasaka ng lupa.
PAGPAPAHALAGA
Panuto: Sumulat ng isang talata batay sa sariling pananaw at pagpapahalaga kaugnay sa mga kaisipang
namamayani sa kabanatang binasa.

“Lahat tayo ay babalik sa lupa o sa alabok at ipinanganak na walang saplot”

Maglahad ka ng sariling pananaw o reaksiyon sa binasang pahayag.

IV. PAGTATAYA
I. Panuto: Isulat sa patlang ang TAMA kung tama ang isinasaad ng pangungusap. Kung Mali naman ang
pahayag ay bilugan ang salitang nagpamali at isulat sa patlang ang tamang sagot.

______1. Si Tano ang ama ni Huli.

______2. Nagtungo si Huli sa kumbento upang humingi ng tulong kay Padre Salvi.
______3. Dahil na rin sa pag –unlad ni Tales, pinagkaisihan siyang gawing Cabeza de arangay
______4. Binalak ni Kabesang Tales na magpatayo ng bahay na kahoy sa baryo ng Sagpang, bayan ng San
Diego
______5. Si Kabesang Tales ay masugid na nagbabantay sa kanyang tubuhan.
______6. Naging Cabeza de Barangay si Kabesang Tales.

II. Panuto: Basahin at unawain ang mga pahayag. Tukuyin kung sino sa tauhan ang nagwika. Isulat ang letra
sa bawat patlang ng aytem.
_____7. “Saan ako kukuha ng 500 piso? 200 piso lamang ang pera ko.”
A.Basilio B.Isagani C.Huli D.Kabesang Tales
______8. “Pasensiya kana na! Ipalagay mong lumaki ang buwaya.”
A.Basilio B.Huli C.Padre Camorra D.Tandang Selo
______9. “Kailangan kong magbayad ng abogado.”
A.Huli B.Hermana Penchang C.Kabesang Tales D.Tandang Selo
______10.” Kung iyan ang gagawin mo,” ang sabi nito sa apo,” babalik na ako sa gubat at hindi na ako
pupunta pang muli sa bayan.”
A.Hermana Bali B.Kabesang Tales C.Tandang Selo D.Tano

V. SUSI SA PAGWAWASTO

*Guro ang magbibigay ng rubriks at magwawassto ng mga kasagutan ng mag-aaral

VI. SANGGUNIAN

-Marasigan Emily V. at Del Rosario Mary Grace G. (2019) Pinagyamang Pluma 10. Quezon City: Phoenix
Publishing House, Inc.
-Pheonix Grade 10 Learning Guide at Teacher Guide
-DepEd Learning Material at Teacher Guide -Curriculum Guide
-ZMC-Filipino Dept. Curriculum Map.
-SLM, Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang Punong Rehiyon Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-
Lungsod Pasig

Binabati kita! Natapos mo ng pag-aralan ang ibinigay na modyul!

6|Modyul 3 – Ikaapat na Markahan

GAWAING PAMPAGKATUTO SA FILIPINO 10
MODYUL 4/IKAAPAT NA LINGGO/IKATLONG MARKAHAN
Pangalan: _________________________________________________________________________
Antas at Seksiyon: __________________________________________________________________

PANIMULANG PAGTATAYA
Panuto: Sa modyul na ito, susubuking sukatin ang iyong kaalaman tungkol sa nobelang El Filibusterismo.
Binigyang-diin sa bawat kabanata ng nobela ang kanilang mga natatanging karakter at ang kanilang
simbolismo sa bawat kabanata. Piliin at isulat sa patlang ang tamang sagot bago ang bilang.

1. Ito ay isang mahabang kathang pampanitikan na naglalahad ng mga pangayayari na pinaghahabi sa isang
mahusay na pagbabalangkas.
A. Dagli C. Nobela
B. Maikling Kuwento D.Tula

2. Ang nobelang ito ay buong pusong inialay ni Dr. Jose Rizal sa tatlong paring martir na lalong kilalang
GOMBURZA.
A .Ang Una Kong Salimsim C. Noli Me Tangere
B. El Filibusterismo D. Sa Aking Mga Kabata

3. Isinulat Dr. Jose Rizal ang nobelang El Filibusterismo sa panahon ng mga

A. Katutubo Amerikano C. Katutubo
B. Hapon D. Kastila

4. Ang nobelang El Filibusterismo ay nahahati sa ilang kabanata.

A. 38 C.64
B. 39 D.65

5. Ang tauhan sa nobela na naghahangad ng karapatan sa pagmamayari ng lupang sinasaka na inangkin ng

mga prayle.
A. Isagani C. Simoun
B. Kabesang Tales D. Tandang Selo

SIMULAN MO!
Ang Sumilao Farmers ay naglakad mula Bukidnon papuntang
Maynila upang ipagsigawan ang kanilang karapatan sa lupaing
kanilang nililinang. Kung ikaw ay isa sa Sumilao Farmers,
magagawa mo rin bang ipaglaban ang iyong karapatan at
maglakad papuntang Maynila? Oo o Hindi at Bakit?
___________________________________________________
___________________________________________________
___________________________________________________
___________________________________________________
___________________________________________________

SAGUTIN MO!
Panuto: Sagutin ang mga ibinigay na tanong.
1. Paano ipinakita ni Kabesang Tales ang pagmamahal niya sa kaniyang pamilya?
________________________________________________________________________________________

7|Modyul 3 – Ikaapat na Markahan

3. Paano napaunlad ni Kabesang Tales ang kanilang pamumuhay?
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________

PAGSASANAY 1
Panuto: Matapos mong basahin ang isang mahalagang kabanata ng nobela, ngayon naman sukatin natin ang
iyong natutuhan. Basahin at unawain mo ang mga kaisipang namamayani sa kabanatang iyong binasa. Isulat
ang tamang sagot sa patlang bago ang bilang.

___1. “Ang tao ay sadyang mabuti, subanlit kapag iyong inaapi at niyurakan ang dangal, ito‟y matutong
lumaban, maipagtanggol lamang ang kanyan”
A.Katanyagan B.Karapatan C.Kayamanan D.Karangyaan

___2. “Gobernador Isusuko ko lang ang lupaing iyan kong didiligin nila ito ng dugo ng kanilang asawa at anak “
A.Kaligayahan B.Kamatayan C.Katarungan D. Kasawian

___3. “Magagawa niya ang ibig gawin; ako‟y mangmang at walang maipangahas na lakas.”
A.Kalungkutan B.Karalitaan C.Kahinaan D.Kamalasan

___4. “Sa maliit na batong bughaw ay maaaring ipatapon ng isang tao ang kanyang kaaway at maaaring
makauwi ang isang tao sa kanyang tahanan”
A.Kagitingan B.Katapangan C.Kapayapaan D.Kakisigan

___5. “Nagsisilbi ako at nagsisilbi ako ng maraming taon sa hari sa pamamagitan ng aking salapi at pagod.”
A.Katapatan B.Katarungan C.Kagalakan D.Kaayusan

PAGSASANAY 2
Panuto; Piliin sa loob ng kahon ang mga kaisipang lutang sa kabanatang binasa. Isulat ang titik ng tamang
sagot sa patlang bago ang bilang.

B. DIYOS B. BAYAN C. KAPUWA D. MAGULANG

_______1. Walang makatitiis na magulang sa kanyang mga anak, mabigyan lamang mabuting kinabukasan.

_______2. Hindi dapat hamakin ang bawat isa anuman ang estado niya sa buhay malakas man o mangmang,
mahirap man o mayaman.
_______3. Di-dapat kumitil ng buhay na may buhay at diyos lamang ang may karapatan tanging siya lang ang
nakakaalam.
_______4. Bilang isang mamamayan kinakailangan sumunod sa mga alintuntunin ng pamahalaan at igalang
ang mga pinatutupad na batas may katungkulan ka man o wala.
_______5. Pagtulong sa mga nangangailngan, sa panahon ng kagipitan lalo na ngayong pandemya.

PAGSASANAY 3
Panuto: Ipaliwanag mo ang iyong paniniwala at pagpapahalaga kaugnay sa mga kaisipang namamayani sa
kabanatang iyong nabasa.

1.Pagsasangla ni Huli ng kanyang alahas para pantubos sa ama.

________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
2.Pamamasukan ni Huli alang –alang sa kalayaan ng ama.
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
3.Paglaban ni Kabesang Tales sa hukuman para sa kanyang karapatan bilang isang nagsasaka ng lupa.
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________

8|Modyul 3 – Ikaapat na Markahan

________________________________________________________________________________________

PAGPAPAHALAGA
Panuto: Sumulat ng isang talata batay sa sariling pananaw at pagpapahalaga kaugnay sa mga kaisipang
namamayani sa kabanatang binasa.

“Lahat tayo ay babalik sa lupa o sa alabok at ipinanganak na walang saplot”

Maglahad ka ng sariling pananaw o reaksiyon sa binasang pahayag.

________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________

PAGTATAYA
I. Panuto: Isulat sa patlang ang TAMA kung tama ang isinasaad ng pangungusap. Kung Mali naman ang
pahayag ay bilugan ang salitang nagpamali at isulat sa patlang ang tamang sagot.

______1. Si Tano ang ama ni Huli.

______2. Nagtungo si Huli sa kumbento upang humingi ng tulong kay Padre Salvi.
______3. Dahil na rin sa pag –unlad ni Tales, pinagkaisihan siyang gawing Cabeza de arangay
______4. Binalak ni Kabesang Tales na magpatayo ng bahay na kahoy sa baryo ng Sagpang, bayan ng San
Diego
______5. Si Kabesang Tales ay masugid na nagbabantay sa kanyang tubuhan.
______6. Naging Cabeza de Barangay si Kabesang Tales.

II. Panuto: Basahin at unawain ang mga pahayag. Tukuyin kung sino sa tauhan ang nagwika. Isulat ang letra
sa bawat patlang ng aytem.
_____7. “Saan ako kukuha ng 500 piso? 200 piso lamang ang pera ko.”
A.Basilio B.Isagani C.Huli D.Kabesang Tales
______8. “Pasensiya kana na! Ipalagay mong lumaki ang buwaya.”
A.Basilio B.Huli C.Padre Camorra D.Tandang Selo
______9. “Kailangan kong magbayad ng abogado.”
A.Huli B.Hermana Penchang C.Kabesang Tales D.Tandang Selo
______10.” Kung iyan ang gagawin mo,” ang sabi nito sa apo,” babalik na ako sa gubat at hindi na ako
pupunta pang muli sa bayan.”
A.Hermana Bali B.Kabesang Tales C.Tandang Selo D.Tano

9|Modyul 3 – Ikaapat na Markahan

You might also like