You are on page 1of 13

Filipino 10

1
Filipino – Ikasampung Baitang
Ikaapat na Markahan – Modyul 9 : El Filibusterismo : Katangian ni Kabesang
Tales
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi ang sinoman sa anumang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayunpaman, kailangan na may pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na
naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng
nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang malikom
ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin
ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit
maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-
akda.

Walang anumang bahagi ng nilalaman nito ang maaaring kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig.

Komite sa Pagsulat ng Modyul


Manunulat: Lorenzo E. Guinto III
Editor: Albert C. Nerveza at Melinda P. Iquin
Tagasuri: Richard Abordo Abrenilla at Nida Alminaza Leaño

Tagapamahala: Ma. Evalou Concepcion A. Agustin


OIC-Schools Division Superintendent
Aurelio G. Alfonso EdD
OIC-Assistant Schools Division Superintendent
Victor M. Javeña EdD
Chief, School Governance and Operations Division and
OIC-Chief, Curriculum Implementation Division

Education Program Supervisors

Librada L. Agon EdD (EPP/TLE/TVL/TVE)


Liza A. Alvarez (Science/STEM/SSP)
Bernard R. Balitao (AP/HUMSS)
Joselito E. Calios (English/SPFL/GAS)
Norlyn D. Conde EdD (MAPEH/SPA/SPS/HOPE/A&D/Sports)
Wilma Q. Del Rosario (LRMS/ADM)
Ma. Teresita E. Herrera EdD (Filipino/GAS/Piling Larang)
Perlita M. Ignacio PhD (EsP)
Dulce O. Santos PhD (Kindergarten/MTB-MLE)
Teresita P. Tagulao EdD (Mathematics/ABM)

Inilimbag sa Pilipinas, Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang Punong Rehiyon


Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig
2
Filipino 10
Ikaapat na Markahan
Modyul 9 para sa Sariling Pagkatuto
El Filibusterismo: Katangian ng Kabesang Tales
Manunulat: Lorenzo E. Guinto III
Tagasuri: Richard Abordo Abrenilla at Nida Alminaza Leaño /Editor: Albert C. Nerveza at Melinda P. Iquin

3
Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Filipino Baitang 10 ng Modyul para
sa araling El Filibusterismo: Katangian ni Kabesang Tales

Ang modyul na ito ay pinagtulungang idinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig na
pinamumunuan ng Nanunuparang Pinuno-Tanggapan ng Pansangay na
Tagapamanihala, Ma. Evalou Concepcion A. Agustin, sa pakikipag-ugnayan sa Lokal
na Pamahalaan ng lungsod sa pamumuno ng butihing Punong Lungsod, Kgg. Victor
Ma. Regis N. Sotto, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Inaasahan na sa pamamagitan ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay


makauugnay sa pamamatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral
na makamit ang mga kasanayang pang-ika-21 siglo lalong-lalo na ang 5 Cs
(Communication, Collaboration, Creativity, Critical Thinking and Character) habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa pangunahing teksto, makikita ang pinakakatawan ng


modyul sa loob kahong ito:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala at
estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-


aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala
ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan
ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

4
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Filipino Baitang 10 Modyul ukol sa Nobelang El


Filibusterismo!

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin


nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

MGA INAASAHAN
Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong matutuhan
pagkatapos mong makumpleto ang modyul.

PAUNANG PAGSUBOK
Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo
pang malaman sa paksa.

BALIK-ARAL
Dito masusukat ang iyong matutuhan at naunawaan sa mga
naunang paksa.

ARALIN
Tatalakayin sa bahaging ito ang aralin batay sa kasanayang
pampagkatuto.

MGA PAGSASANAY
Sa bahaging ito, pagbibigay ng guro ng iba’t ibang pagsasanay na
dapat sagutin ng mga mag-aaral.

PAGLALAHAT
Sa bahaging ito ibunuod ang mahahalagang konsepto na dapat
bigyang-halaga.

PAGPAPAHALAGA
Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang
pampagkatuto ay naiuugnay at nailalapat sa inyong mga
pagpapahalaga.

PANAPOS NA PAGSUSULIT
Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral.

5
MGA INAASAHAN
Pagkatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
KASANAYANG PAMPAGKATUTO:
1. Natatalakay ang mga kaisipang patungkol sa bayan, pamilya, kapwa-
tao, kalupitan at pagsasamantala sa kapwa at paninindigan sa
sariling prinsipyo at iba pa.

MGA LAYUNING PAMPAGKATUTO:

A. Nakabubuo ng mga salitang angkop sa kahulugan ng mga salitang


hinango sa akda.
B. Naiisa-isa ang mga mahahalagang detalye na naranasan ng
pangunahing tauhan.
C. Nakapaglalahad ng mga kaparaanan kung paano matutulungan ang
sarili na tanggapin ang mga dagok sa buhay.

PAUNANG PAGSUBOK

PANUTO: Punan ng nawawalang letra ang bawat salita upang matukoy ang
kasingkahulugan ng nakasalungguhit na salita sa loob ng pangungusap.

1. Pauwi na si Simoun nang may narining siyang mga yabag ng paa.

i_g__

2. Nasindak ang kamag-anak ni Tandang Selo nang malamang siya ay hindi na


nakapagsasalita.
n _ t _ k_ t
3. Ang hiling ni Padre Camorra kay Huli ay isang pagpapakasakit.

_ a g _ a s _ k _ i p _ sy _
4. Tinuligsa ni Simoun ang kahilingan ng mga mag-aaral.
p_nu_a
5. Ito ang kinagisnang ugali ng mga batang Pilipino tuwing Pasko.

ki_al_kih_n

6
BALIK-ARAL
PANUTO: Piliin sa loob ng kahon ang kasagutang hinihingi sa bawat bilang.
Isulat ang sagot sa patlang.

Sagpang Hermana Penchang


Tales Simoun
Hermana Bali Tandang Selo

____________1. Siya ang ama ni Kabesang Tales na isinama ng mga guwardiya sibil
nang di nila dinatnan si Tales upang ito ay dakpin.

____________2. Siya ang mayamang hiniraman ni Huli ng salapi upang pambayad at


makalaya ang ama sa mga tulisan.

____________3. Siya ang nagpapanggap na mag-aalahas.


____________4. Lugar na tinuluyan ni Simoun na nasa pagitan ng Tiani at San Diego

____________5. Pangalang isinulat gamit ang dugo sa pamamagitan ng daliri sa


kapirasong papel.

ARALIN
Sa nakaraang aralin, tinalakay natin ang buhay ni Telesforo Juan de
Dios o mas kilala sa tawag na Kabesang Tales.
Sa ating aralin ngayon, malalaman natin ang iba pang pagkatao ni
Kabesang Tales bilang anak kay Tandang Selo, Ama kay Huli at kasabwat ni
Simoun sa pinakadakilang layunin nitong maghiganti.

KABANATA 7,8 AT 30
IBA PANG KATANGIAN NI KABESANG TALES

Nabanggit sa Kabanata 7 ang dakilang layunin ni Simoun na maghiganti laban sa


mga nagpasakit sa kanyang mahal sa buhay gaya ng kanyang ama at ni Maria Clara.
Kaya humahanap siya ng mga taong magiging kasangkot niya sa balak na ito. Dito
una itong inialok ni Simoun kay Basilio subalit mas pinanigan ni Basilio ang
ninanais nilang mga kabataan ng pagpapatayo ng Akademya sa Wikang Kastila.
Subalit nakitaan niyang si Kabesang Tales ay maaari niyang maging kapanalig.

7
Sino ba si Kabesang Tales bilang anak?

Sa Kabanata 4, naging tagapayo ni Kabesang Tales si Tandang Selo mga gagawing


desisyon nito. Palagi siyang nakikinig sa payo ng kanyang ama. At hindi
nagdedesisyon para lamang sa kanyang sarili. Simula nang maliit pa lamang ang
kinikita nito sa lupang kanyang pinaghirapan hanggang sa ito ay umami at lumago
nang mabuti. Isa si Tandang Selo ang kanyang naging sandigan at tanungan.

Sa Kabanata 8 ang unang araw ng pagtupad ni Huli sa kasunduan nila ng kanyang


tiyahing si Hermana Penchang na mamamasukan bilang katulong, upang
maipantubos sa kanyang amang binihag ng mga tulisan. Ang araw na iyon ay
Kapaskuhan at wala man lamang maibigay na regalo sa mga kamag-anak at mga
batang nagmamano sa kanya. At dahil sa labis na kalungkutang naranasan ng
matanda, nabalitaan ng mga naroroon na hindi na ito makapagsalita.

Nang mahuli ang mga tulisang dumukot kay Kabesang Tales at nang palayain siya ay
wala na siyang lupa kaya tulad ng kanyang ama, siya ay halos di na rin
makapagsalita.

Sino si Kabesang Tales bilang ama?

Sa bahay ni Kabesang Tales pinili ni Simoun na magbenta ng kanyang mga alahas.


Naipakita rin ni Simoun kay Tales na siya ay magaling humawak at gumamit ng
baril. Nang dumating ang mga mamimili ng alahas at sa bawat pagbubukas ng mga
kahon ng mga alahas ay labis na humahanga ang mga naroroong nais na bumili. At
naisip ni Tales na kahit isa lamang sa mga batong iyon ay sapat nang pantubos kay
Huli.

Sa bandang huli, iniwan ni Tales ang locket na ibinigay ni Maria Clara sa ketongin na
ngayon ay pag-aari ni Huli at ang kinuha ni Tales na kapalit noon ay ang baril ni
Simoun at nag-iwan ng isang sulat na nagsasabing sumama na si Tales sa mga
tulisan at pinayuhang mag-ingat na hindi sila magkita sa daan. Natuwa naman si
Simoun nang malaman niya ang ginawa ni Tales.

Kinabukasan, nabalitaan ng mga naroon na may tatlong napatay sa dating lupa ni


Tales, ang pareng bagong tagapangalaga ng lupa ni Tales, ang katiwala at ang asawa
nito.

Naisipang sumapi ni Tales sa mga tulisan upang makaipon ng perang magagamit


bilang pantubos sa kanyang anak na si Huli na napilitang mamasukan bilang
katulong kay Hermana Penchang.

Sino si Kabesang Tales bilang kakampi ni Simoun?

Nang namalas ni Simoun ang katangian ni Kabesang Tales, mula sa pagiging maamo
nito hanggang sa napalabas ng masakit na sitwasyon ang kabangisan ng pag-uugali

8
nito. Naisip ni Simoun na madali na lamang makumbinsi si Tales na maging
kakampi sa balak nitong paghihiganti.

Tinaguriang Matanglawin ng mga tulisan si Kabesang Tales. Umaapaw ang


pagnanais nito na maghiganti sa mga taong umapi sa kanya, sa kanyang pamilya at
sa lupa nito kagaya ng pagnanais na paghihiganti ni Simoun.

Si Kabesang Tales kasama ang ibang tulisan ay naging katulong ni Simoun sa


pagsakop ng lungsod kapalit ang mga salapi at alahas. Sa balak ni Simoun, kapag
may narinig silang pagsabog, iyon ang magiging hudyat nila upang lumusob. Sa
madaling salita, naging tau-tauhan ni Simoun si Kabesang Tales at ang mga tulisan
kapalit ng yaman nito.

MGA PAGSASANAY

PAGSASANAY BLG.1
PANUTO: Suriin at unawaian ang mga pahayag. Isulat ang TAMA kung ito ay
may kaugnayan sa kabanata at MALI kung wala. Isulat ang sagot sa patlang.
_____ 1. Alam ni Simoun na magtatagpo sila ni Basilio sa gubat ng San Diego kaya
nakahanda siya sa mangyayari.
_____ 2. Hindi na nakapagsalita si Tandang Selo sa kanyang naging karanasan.
_____ 3. Katapusan ng Pasko magsisimulang magtrabaho si Huli sa kanyang amo.
_____ 4. Ang Kapitan Heneral ang naging tagapayo ni Kabesang Tales sa kanyang
naging desisyon.
_____ 5. Sa naging pag-uusap nina Simoun at Basilio, pumayag si Basilio sa balak ni
Simoun.

PAGSASANAY BLG.2
PANUTO: Salungguhitan ang damdaming namamayani sa mga sumusunod na
pahayag.
1. “Sinabi ko na nga sa kanya, sinabi ko na nga ba” pahayag ng Hukom-Pamayapa
nang mabalita ang nangyari kay Basilio.
(pagkatuwa, paninisi, pagwawalang-bahala)
2. “Sadyang iyan ang mahihintay sa mga taong pati agua bendita ay pinandidirihan”
ani ni Hermana Penchang.
(pagkagalit, pagkatuwa, panghihinayang)
3. “Wala kang dapat ikatakot, ako’y kasama mo naman sa pagpunta sa kumbento”,
ang sabi ni Hermana Bali.
(nagpapalakas ng loob, nang-uudyok, naiinis)
4. “Oh Siya, bumalik na tayo kung ayaw mong tumuloy sa loob, hayaan mo nang
mapatapon si Basilio at barilin pagkatapos, wala akong utang na loob sa kanya
kaya’y walang maisusumbat sa akin”
(pagkayamot, pananakot, pagwawalang-bahala)
9
5. Oh! Diyos, sa harap mo po’y walang mayaman, walang mahirap, walang maputi,
walang maitim; Ikaw lamang ang maglalawit sa amin ng katarungan”
(pagtitiwala, pagkabigo, pagdurusa)
PAGSASANAY BLG.3
PANUTO: Basahin ang mga sumusunod na pahayag at tukuyin kung sino o ano
ang tinutukoy sa bawat pahayag. Isulat ang tamang letra sa patlang.

_____ 1. Iminulat ni (a) Tandang Selo (b) Huli (c) Hermana Penchang ang kanyang
namumugtong mata at inihanda ang sarili upang magdasal.
_____ 2. Sa pag-iisip ni Huli, nailapit niya sa kanyang labi ang (a) locket (b) singsing
(c)hikaw na ibinigay sa kanya ni Basilio.
_____ 3. Nakita ni Huli ang kanyang (a) amain (b) lolo (c) tiyuhin sa isang sulok ng
kanilang bahay kaya lumapit siya rito at nagmano.
_____ 4. Nang matanaw ni (a) Kabesang Tales (b) Huli (c) Tandang Selo ang mga
nagsisipamasko ay lungkot na lungkot siya dahil sa wala man lamang siyang
maibigay na regalo.
_____ 5. Ang araw ng Pasko sa Pilipinas ay itinuturing na (a araw ng mga kamag-
anak (b) araw ng mga nagmamahalan (c) araw ng mga bata.

PAGLALAHAT
Tukuyin ang iyong nalalaman sa pamamagitan ng paggamit ng
estratehiyang THE FIRST WORD.

PANUTO: Tingnan kung ano ang alam ninyo sa gawaing ito. Magkaroon ng malalim
na pang-unawa sa salitang bibigyang-kahulugan. Narito ang salitang “PASKO”
Bigyan ng kahulugan ang bawat titik nito. Tiyakin na magkakaugnay ang kahulugan
ng bawat titik at nagbibigay ng bagong kaalaman o impormasyon.

P - _______________________________________________________
A - _______________________________________________________
S - _______________________________________________________
K - _______________________________________________________
0 - _______________________________________________________

Bucu, Amelia V at Carreon, Marga B. (May 2018). Obra Maestra, Batayang Akdang
Pampanitikan, El FIlibusterimo. Manila: Rex Book Store Inc

Bucu at Carreon, 2018, p. 59


10
PAGPAPAHALAGA
Walang taong nabuhay at nabubuhay nang hindi dumaraan sa mga
pagsubok. Iyon nga lamang ay nasa tao kung paano nila ito haharapin,
tatanggapin o paglalabanan ang mga pagsubok na ito. Hindi kaila sa marami
na may mga taong dahil hindi matanggap ang kabiguan, kinitil ang sarili o
nagpapakamatay. Ang iba ay nawawala sa katinuan dahil hindi mataggap
ang kabiguang dumating sa kanilang buhay. May iba naman na sa masamang
bisyo ang pinagtutuunan. Maraming paraan upang matulungan ang sarili na
tanggapin ang mga dagok na dumarating sa buhay.

Mga Paraan para Matulungan ang Sarili na Matanggap ang mga Dagok sa Buhay:

1. Maging matibay. Tumindig at muling bumangon sa anumang suliranin sa buhay.


2. Magkaroon ng postibong pananaw sa buhay. Huwag agad mawawalan ng pag-asa.
Habang may buhay may pag-asa.
3. Mag-isip ng mga paraan kung paano malulutas ang mga problema.
4. Humanap ng taong makakausap at mapagkakatiwalaan upang gumaan-gaan ang
kalooban.
5. Higit sa lahat, manalangin sa Panginoon at hingin ang lakas at tibay ng loob
upang
maging matatag sa mga unos ng buhay.

Sa iyong murang gulang ay hindi ka ligtas sa mga pagsubok. Anong dagok sa


iyong buhay ang naranasan mo na? Nakaya mo ba itong tanggapin at
lutasin? Anong mga paraan ang iyong ginawa? Isulat ang iyong kasagutan sa
ibaba.
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________

Bucu, Amelia V at Carreon, Marga B. (May 2018). Obra Maestra, Batayang Akdang
Pampanitikan, El FIlibusterimo. Manila: Rex Book Store Inc

Bucu at Carreon, 2018, p. 62

11
PANAPOS NA PAGSUSULIT

PANUTO: Basahin ang mga sumusunod na pahayag. Piliin sa Hanay B ang


naglalarawan o tumutukoy sa bawat bilang na nasa Hanay A. Isulat ang letra ng
tamang sagot sa patlang.

A B

_____ 1. tulIsan a. Pupuntahan ni Huli


_____ 2. Huli b. nawalan ng tinig/boses
_____ 3. Kabesang Tales c. nagbigay ng locket kay Huli
_____ 4. Tandang Selo d. bumihag sa anak ni Tandang Selo
_____ 5. Hermana Penchang e. namasukang katulong/kasambahay
f. binihag ng mga tulisan

12
SUSI NG PAGWAWASTO
PAGLALAHAT AT PAGPAPAHALAGA – (Pansariling kasagutan)

A 5. C 5.
B 4. C 4.
F 3. B 3.
E 2. A 2.
D 1. C 1.
PANAPOS NA PAGSUSULIT PAGSASANAY BILANG 3

pagtitiwala 5. Tales 5.
pananakot 4. Sagpang 4.
nagpapalakas ng loob 3. Simoun 3.
pagkagalit 2. Hermana Penchang 2.
paninisi 1. Tandang Selo 1.
PAGSASANAY BILANG 2 BALIK-ARAL

MALI 5. kinalakihan 5.
MALI 4. pinuna 4.
MALI 3. pagsasakripisyo 3.
TAMA 2. natakot 2.
MALI 1. ingay 1.
PAGSASANAY BILANG 1 PAUNANG PAGSUBOK

Kabanata – 7,8 at 30
NOBELANG ELFILIBUSTERISMO: Katangian ni Kabesang Tales
MODYUL 9

Sanggunian

https://www.panitikan.com.ph/mga-uri-ng-nobela/
https://www.google.com/search?sxsrf=ALeKk02mpnRBF8cA5EC3vNa-FrYdNpBF-
w%3A1593849477353&source=hp&ei=hTYAX-
bOEsKmmAXnmIaABA&q=awit+kay+inay+lyrics&oq=awit+kay+&gs_lcp=CgZwc3ktY
WIQARgAMgUIABCRAjICCAAyAggAMgIIADICCAAyAggAMgIIADICCAAyAggAMgIIAD
oHCCMQ6gIQJzoECAAQQzoFCAAQsQNQ_BJYsyhgnjZoAXAAeACAAdQBiAHJDJIB
BTAuOC4xmAEAoAEBqgEHZ3dzLXdperABCg&sclient=psy-ab
Bucu, Amelia V at Carreon, Marga B. (May 2018). Obra Maestra, Batayang Akdang
Pampanitikan, El FIlibusterimo. Manila: Rex Book Store Inc

Pinga, Erlinda at Hernandez, Milagros T. (n.d) Sanayang Aklat sa El Filibusterismo.


Souvenir Publication Inc.
13

You might also like