You are on page 1of 18

10

Araling Panlipunan
Ikaapat na Markahan – Modyul 1
Pagkamamamayan: Konsepto at Katuturan

1
Araling Panlipunan – Ikasampung Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikaapat na Markahan – Modyul 1: Pagkamamamayan: Konsepto at Katuturan
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban
sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga
ito.
Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa
anumang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis – Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Maria Czarina Mae Yu- Cabajon


Editor: Leslie A. Terio, Marites A. Abiera
Tagasuri: Gemma F. Depositario EdD
Tagaguhit: Typesetter
Tagalapat: Aileen Rose N. Cruz
Tagapamahala: Senen Priscillo P. Paulin CESO V Rosela R. Abiera
Joelyza M. Arcilla EdD Maricel S. Rasid
Marcelo K. Palispis EdD Elmar L. Cabrera
Nilita L. Ragay EdD
Carmelita A. Alcala EdD

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Department of Education –Region VII Schools Division of Negros Oriental

Office Address: Kagawasan, Ave., Daro, Dumaguete City, Negros Oriental


Tel #: (035) 225 2376 / 541 1117
E-mail Address: negros.oriental@deped.gov.ph
Alamin

Panimula

Ang modyul na ito ay ginawa upang matututunan ang mga paksang dapat mong pag-
aaralan habang wala ka sa paaralan.
Sa katapusan ng modyul na ito, ikaw ay inaasahang:

Most Essential Learning Competency (MELC)


Naipaliliwanag ang kahalagahan ng aktibong pagkamamamayan.

MGA LAYUNIN

K - Naipaliliwanag ang konsepto at katuturan ng pagkamamamayan;


S - Nakagagawa ng isang islogan na nagpapakita ng pagpapahalaga sa pagiging
mamamayang Pilipino; at
A - Nabibigyang halaga ang pagkamamamayang Pilipino batay sa Saligang
Batas.

1
Subukin

Paunang Pagtataya
Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na katanungan. Isulat ang titik ng tamang
sagot sa inyong kwaderno.

1. Ito ay tumutukoy sa pagiging miyembro ng isang indibiduwal sa isang estado.


a. Mamamayan b. Pagkamamamayan
c. Makabansa d. Makabayan

2. Aling kabihasnan ang tinatayang pinagmulan ng konsepto ng citizen?


a. Greece b. Egypt c. Mesopotamia d. Africa

3. Ano ang tawag sa mga lungsod-estado sa kabihasnang Griyego?


a. Bayan b. Lalawigan c. Polis d. Rural

4. Sa anong artikulo ng Saligang Batas nakasulat ang mga maituturing na Pilipino sa


bansa?
a. Arikulo 1 b. Artikulo 2 c. Artikulo 3 d. Artikulo 4

5. Aling prinsipyo ng pagkamamamayan ang ginamit kung ang pagkamamamayan ng


isang tao ay nakabatay sa pagkamamamayan ng isa sa mga magulang?
a. Dual Citizen b. Jus sanguinis c. Jus soli d. Naturalization

6. Aling prinsipyo ng pagkamamamayan ang ginamit kung ang pagkamamamayan ay


nakabatay sa lugar kung saan siya ipinanganak.
a. Jus soli b. Dual Citizen c. Naturalization d. Jus sanguinis

7. Alin sa mga sumusunod ang maaaring dahilan sa pagkawala ng pagkamamamayan


ng isang indibidwal?
a. tumakas sa hukbong sandatahan ng ating bansa kapag may digmaan
b. ang panunumpa ng katapatan sa Saligang- Batas ng ibang bansa
c. nakapangasawa ng taga ibang bansa
d. nawala na ang bisa ng naturalisasyon

8. Ano ang tawag sa pagiging miyembro ng isang indibiduwal sa isang estado kung
saan bilang isang citizen, siya ay ginawaran ng mga karapatan at tungkulin?
a. Pagkamamamayan b. Mamamayan
c. Makabansa d. Makabayan

2
9. Sa Pilipinas, saan nakasulat ang mga tungkulin at karapatan bilang isang
mamamayan ng bansa?
a. Bibliya b. Saligang Batas c. Saligang Aklat d. Batas

10. Ang mga sumusunod ay ang mga mamamayan ng Pilipinas ayon sa Saligang Batas,
maliban sa?
a. yaong ang mga ama o mga ina ay mamamayan ng Pilipinas
b. yaong mga naging mamamayan ayon sa batas
c. yaong mamamayan ng Pilipinas sa panahon ng pagpapatibay ng saligang-
batas na ito
d. yaong nakatira sa Pilipinas sa loob ng sampung taon

Balikan
Panuto: Batay sa iyong natutunan sa nakaraang paksa, gumawa ng sanaysay
tungkol sa pagkakapantay-pantay ng mga kalalakihan, kababaihan at LGBT. Isulat
ito sa iyong kwaderno.

_______________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
__________________________________________________
3
Pamantayan sa Pagmamarka:

Pamantayan Deskripsiyon Puntos Nakuhang


Puntos
Nilalaman Wasto at makabuluhan ang mga 10
impormasyon sa sanaysay.
Kaangkupan Nakapupukaw ng interes at naghikayat sa 10
mambabasa.
Pagkamalikhain Malinis at mailnaw ang pagkagawa ng 10
sanaysay.
Kabuuan 30

Tuklasin

Awit-Suri: Pakinggan ang awiting “Ako’y Isang Mabuting Pilipino” ni Noel Cabangon.
Maaaring basahin ang titik ng awitin sa ibaba. Pagkatapos ay sagutin ang kasunod na mga
tanong. Isulat ang mga sagot sa kwaderno.

Ako’y Isang Mabuting Pilipino


Noel Cabangon

Ako'y isang mabuting Pilipino Lagi akong nakikinig sa aking mga magulang
Minamahal ko ang bayan ko Kaya't pag-aaral ay aking pinagbubutihan
Tinutupad ko ang aking mga tungkulin 'Di ako gumagamit ng bawal na gamot
Sinusunod ko ang kanyang mga alituntunin O kaya'y tumatambay at sa eskwela'y 'di
pumapasok
Tumatawid ako sa tamang tawiran
Sumasakay ako sa tamang sakayan Ipinagtatanggol ko ang aking karangalan
Pumipila at 'di nakikipag-unahan 'Pagkat ito lamang ang tangi kong kayamanan
At 'di ako pasiga-siga sa lansangan 'Di ko ibinebenta ang aking kinabukasan
Ang boto ko'y aking pinahahalagahan
Bumababa't nagsasakay ako sa tamang
sakayan Pagkat ako'y isang mabuting Pilipino
'Di nakahambalang parang walang pakiaalam Minamahal ko ang bayan ko
Pinagbibigyan kong mga tumatawid sa kalsada Tinutupad ko ang aking mga tungkulin
Humihinto ako 'pag ang ilaw ay pula Sinusunod ko ang kanyang mga alituntunin

'Pagkat ako'y isang mabuting Pilipino Ako'y isang tapat at totoong lingkod ng bayan
Minamahal ko ang bayan ko Pabor o lagay ay 'di ko pinapayagan
Tinutupad ko ang aking mga tungkulin Tapat ang serbisyo ko sa mamamayan
Sinusunod ko ang kanyang mga alituntunin 'Di ko ibinubulsa ang pera ng bayan

'Di ako nagongotong o nagbibigay ng lagay Ipinagtatanggol ko ang mamamayang Pilipino


Ticket lamang ang tinatanggap kong ibinibigay Mga karapatan nila'y kinikilala ko

4
Ako'y nakatayo doon mismo sa kanto Iginagalang ko ang aking kapwa tao
At 'di nagtatago sa ilalim ng puno Ipinaglalaban ko ang dangal ng bayan ko.

'Di ako nagkakalat ng basura sa lansangan Pagkat ako'y isang mabuting Pilipino
'Di bumubuga ng usok ang aking sasakyan Minamahal ko ang bayan ko
Inaayos ko ang mga kalat sa basurahan Tinutupad ko ang aking mga tungkulin
Inaalagaan ko ang ating kapaligiran Sinusunod ko ang kanyang mga alituntunin

Pagkat ako'y isang mabuting Pilipino Pagkat ako'y isang mabuting Pilipino
Minamahal ko ang bayan ko Pagkat ako'y isang mabuting Pilipino
Tinutupad ko ang aking mga tungkulin Pagkat ako'y isang mabuting Pilipino
Sinusunod ko ang kanyang mga alituntunin

https://www.paroles-musique.com/eng/Noel_Cabangon-Akoy_Isang_Mabuting_Pilipino-lyrics,p039266482

Pamprosesong Tanong:
1. Ano-ano ang mga katangian ng isang mabuting Pilipino ayon sa awitin?
2. Bakit dapat maisakatuparan ng isang mamamayan ang kaniyang mga tungkulin at
pananagutan?
3. Paano makatutulong ang mamamayan sa pagsulong ng kabutihang panlahat at
pambansang kapakanan?

Suriin

Paksa: Konsepto at Katuturan ng Pagkamamamayan (Citizenship)


(Ligal na Pananaw)

Ang citizenship (pagkamamamayan) o ang kalagayan o katayuan ng isang tao bilang


miyembro ng isang pamayanan o estado. Sa panahon ng kabihasnang Griyego nagsimula
ang konsepto ng citizen. Ang kabihasnang Griyego ay binubuo ng mga lungsod-estado na
tinatawag na polis. Ang lipunan na ito ay binubuo ng ng mga indibidwal na may iisang
pagkakakilanlan at iisang mithiin. Ang polis ay binubuo ng mga mamamayan na limitado
lamang sa mga kalalakihan. Ang pagiging mamamayan ng Greece ay may kaakibat na mga
Karapatan at tungkulin. Ayon kay Pericles, hindi lamang sarili ang iniisip ng mga citizen
kundi maging ang kapakanan ng estado. Ang isang citizen ay inaasahan na makilahok sa
mga gawain sa polis tulad ng paglahok sa mga pampublikong asembliya at paglilitis.

5
Sa nagdaang panahon, nagbago ang konsepto ng citizenship at ng pagiging citizen.
Sa kasalukuyan, tinitingnan natin ang citizenship bilang isang ligal na kalagayan ng isang
indibiduwal sa isang nasyon-estado. Ayon kay Murray Clark Havens (1981), ang citizenship
ay ugnayan ng isang indibiduwal at ng estado. Ito ay tumutukoy sa pagiging miyembro ng
isang indibiduwal sa isang estado kung saan bilang isang citizen, siya ay ginawaran ng mga
karapatan at tungkulin.

Sa Pilipinas, inilahad ng estado sa Saligang-batas kung sino ang itinuturing na mga


citizen at mga kaakibat na tungkulin at karapatan ng mga mamamayan nito.

Basahin at unawain ang sumusunod na teksto. Ito ay ang ikaapat na artikulo ng


Saligang Batas ng1987 ng Pilipinas na nagpapahayag tungkol sa pagkamamamayan.

ARTIKULO IV
PAGKAMAMAMAYAN
SEKSIYON 1. Ang sumusunod ay mamamayan ng Pilipinas:
(1) yaong mamamayan ng Pilipinas sa panahon ng pagpapatibay ng Konstitusyong ito;
(2) yaong ang mga ama o mga ina ay mamamayan ng Pilipinas;
(3) yaong mga isinilang bago sumapit ang Enero 17, 1973 na ang mga ina ay Pilipino, na
pumili ng pagkamamamayang Pilipino pagsapit sa karampatang gulang; at
(4) yaong mga naging mamamayan ayon sa batas.

SEKSIYON 2. Ang katutubong inianak na mamamayan ay yaong mamamayan ng


Pilipinas mula pa sa pagsilang na wala nang kinakailangang gampanang ano mang
hakbangin upang matamo o malubos ang kanilang pagkamamamayang Pilipino. Yaong
mga nagpasiya na maging mamamayang Pilipino ayon sa Seksiyon 1, Talataan 3 nito ay
dapat ituring na katutubong inianak na mamamayan.
SEKSIYON 3. Ang pagkamamamayang Pilipino ay maaaring mawala o muling matamo sa
paraang itinatadhana ng batas.

SEKSIYON 4. Mananatiling angkin ang kanilang pagkamamamayan ng mamamayan ng


Pilipinas na mag-asawa ng mga dayuhan, matangi kung sa kanilang kagagawan o
pagkukulang, sila ay ituturing, sa ilalim ng batas, na nagtakwil nito.

SEKSIYON 5. Ang dalawahang katapatan ng mamamayan ay salungat sa kapakanang


pambansa at dapat lapatan ng kaukulang batas.

https://www.officialgazette.gov.ph/constitutions/ang-konstitusyon-ng-republika-ng-pilipinas-1987/

6
Dalawang Prinsipyo ang Pagkamamamayan:
1. Jus sanguinis
- Ang pagkamamamayan ng isang tao ay nakabase sa
pagkamamamayan ng isa sa kaniyang magulang.
- Ito ang prinsipyong sinusunod sa Pilipinas.
2. Jus soli o jus loci
- Ang pagkamamayan ng isang indibidwal ay nakabatay sa lugar kung
saan siya ipinanganak.
- Ito ang prinsipyong sinusunod sa Amerika.

Karagdagang kaalaman:
Maaring magkaroon ng dalawang pagkamamamayan (Dual Citizenship) ang
isang indibidwal sa pamamagitan ng isang legal na proseso na tinatawag na
Naturalisayon. Ang indibidwal na ito ay dapat nang sumunod sa mga batas at
regulasyon ng dalawang bansa.

Sa kabilang banda, maaaring mawala ang pagkamamamayan ng isang


indibidwal dahil sa mga sumusunod:
1. kung siya ay sasailalim sa proseso ng naturalisasyon sa ibang bansa
2. ang panunumpa ng katapatan sa Saligang- Batas ng ibang bansa
3. tumakas sa hukbong sandatahan ng ating bansa kapag may digmaan
4. nawala na ang bisa ng naturalisasyon.

7
Pagyamanin

Gawain A
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod. Isulat sa kwaderno ang iyong mga sagot.

a. b. a. b.

Mga batayan sa Batay sa iyong Mga dahilan kung


pagiging pagkakaintindi, bakit puwedeng
mamamayang Pilipino ipaliwanag ang mawala ang pagiging
ayon sa Saligang PAGKAMAMAMAYAN. mamamayang Pilipino.
Batas.

c. d. c. d.

Pamprosesong mga Tanong:

1. Ano ang pagkamamamayan?


2. Anu-ano ang mga batayan sa pagiging isang mamamayang Pilipino?
3. Anu-ano ang mga dahilan para mawala ang pagkamamamayan ng isang indibidwal?
4. Gaano kahalaga ang isang mamamayan sa lipunang Pilipino?

Gawain B
Panuto: Punan ang nawawalang letra upang mabuo ang salita. Isulat ang iyong mga sagot
sa kuwaderno.

1. Tawag sa mga lungsod estado ng Greece.


_____ _____ L _____ S

2. Ayon sa kaniya, hindi lamang sarili ang iniisip ng mga citizen kundi
maging ang kapakanan ng estado.
P _____ _____ I _____ L _____ S

8
3. Isang ligal na kalagayan ng isang indibiduwal sa isang nasyon-estado.
_____ I _____ I _____ E N _____ _____ I _____

4. Sa Pilipinas, dito nakasulat ang mga batayan sa pagiging mamamayan ng bansa.


S _____ _____ I G _____ _____G – B _____ _____ A _____

5. Ang pagkamamamayan ng isang tao ay nakabase sa pagkamamamayan ng isa sa


kaniyang magulang.

_____ U _____ S _____ N _____ _____ I _____ I _____

Isaisip

Panuto: Bilang pagtatapos ng araling ito, kompletuhin ang mga kasunod na pahayag o
pangungusap upang mas maunawaan mo ang aralin. Isulat sa kuwaderno ang iyong sagot.

Ang aralin ay tungkol sa


__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

Mahalaga para sa akin ang araling ito sapagkat____________________________


__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
____________________________________

9
Bilang isang mabuting Pilipino/ mag-aaral, sisikapin kong isabuhay ang mga
natutunan ko sa araling ito sa pang-araw-araw sa pamamagitan ng
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
____________________

Isagawa

Panuto: Gumawa ng isang slogan na nagpapakita ng pagpapahalaga sa pagiging


mamamayang Pilipino. Gawin ito sa iyong kuwaderno.

“PINOY AKO”

10
Pamantayan sa Pagmamarka:

Pamantayan Deskripsiyon Puntos Nakuhang


Puntos
Nilalaman Wasto at makabuluhan ang mga 10
impormasyon ng slogan.
Kaangkupan Naangkop ang slogan sa ibinigay na 10
tema.

Pagkamalikhain Malinis at malinaw ang pagkagawa ng 10


slogan.
Kabuuan 30

Tayahin

Post Test
Panuto: Sagutan ang mga sumusunod. Isulat sa kwaderno ang iyong sagot.

1. Aling prinsipyo ng pagkamamamayan ang ginamit kung ang pagkamamamayan ay


nakabatay sa lugar kung saan siya ipinanganak.
A. Jus soli B. Dual Citizen C. Naturalization D. Jus sanguinis

2. Sa Pilipinas, saan nakasulat ang mga tungkulin at karapatan bilang isang mamamayan
ng bansa?
A. Bible B. Saligang Batas C. Saligang Aklat D. Batas

3. Ano ang tawag sa pagiging miyembro ng isang indibidwal sa isang estado kung saan
bilang isang citizen, siya ay ginawaran ng mga karapatan at tungkulin?
A. Pagkamamamayan B. Mamamayan
C. Makabansa D. Makabayan

4. Alin sa mga sumusunod ang maaaring dahilan ng pagkawala ng pagkamamamayan


ng isang indibidwal?
A. tumakas sa hukbong sandatahan ng ating bansa kapag may digmaan
B. ang panunumpa ng katapatan sa Saligang- Batas ng ibang bansa
C. nakapangasawa ng taga ibang bansa
D. nawala na ang bisa ng naturalisasyon

11
5. Ang mga sumusunod ay ang mga mamamayan ng Pilipinas ayon sa Saligang Batas,
maliban sa?
A. yaong ang mga ama o mga ina ay mamamayan ng Pilipinas
B. yaong mga naging mamamayan ayon sa batas
C. yaong mamamayan ng Pilipinas sa panahon ng pagpapatibay ng saligang-batas
na ito
D. yaong nakatira sa bansang Pilipinas sa loob ng sampung taon

6. Anong seksiyon ng artikulo 4 ng Saligang Batas nakasaad na maaaring mawala at


maibalik ang pagkamamamayan ng isang Pilipino?
A. Seksyon 3 B. Seksyon 4 C. Seksyon 2 D. Seksyon 1

7. Anong seksiyon ng artikulo 4 ng Saligang Batas nakasaad na ang dalawahang


katapatan ng mamamayan ay salungat sa kapakanang pambansa at dapat lapatan ng
kaukulang batas?
A. Seksyon 2 B. Seksyon 3 C. Sek. 4 D. Sek. 5

8. Ano ang tawag sa mga lungsod-estado sa kabihasnang Griyego?


A. Bayan B. Lalawigan C. Polis D. Rural

9. Aling kabihasnan ang tinatayang pinagmulan ng konsepto ng citizen?


A. Greece B. Egypt C. Mesopotamia D. Africa

10. Sa anong artikulo ng Saligang Batas nakasulat ang mga maituturing na Pilipino sa
bansa?
A. Arikulo 1 B. Artikulo 2 C. Artikulo 3 D. Artikulo 4

12
Karagdagang Gawain

Pinoy O Dayuhan?
Panuto: Kilalanin ang mga sumusunod. Isulat ang salitang PINOY kung ang tao sa
sitwasyon ay Pilipino at DAYUHAN naman kung hindi. Isulat sa sagutang papel o sa
kwaderno ang inyong mga sagot.

___________1. Si Anna ay anak ng isang Igorot at Cebuano. Naninirahan siya sa Maynila.

___________ 2. Si Zoe ay ipinanganak sa Dumaguete. Ang kaniyang ina ay Pilipino at ang


ama naman niya ay isang Tsino.

___________ 3. Si Matt ay bumibisita sa Pilipinas kada taon. Siya ay taga Canada.

___________ 4. Si Kim ay isang Koreano na nag-aaral sa Cebu.

___________ 5. Si George ay isang Australyano na dumaan sa proseso ng naturalisasyon


sa Pilipinas.

Glossary
Citizenship (Pagkamamamayan)

- ugnayan ng isang indibiduwal at ng estado. ito ay tumutukoy sa pagiging


miyembro ng isang indibiduwal sa isang estado
- isang ligal na kalagayan ng isang indibiduwal sa isang nasyon-estado
Dual Citizenship

- pagkakaroon ng dalawang pagkamamamayan sa pamamagitan ng prosesong


tinatawag na naturalisayon
Jus sanguinis
- Ang pagkamamamayan ng isang tao ay nakabase sa pagkamamamayan ng isa
sa kaniyang magulang.
Jus soli o jus loci
- Ang pagkamamayan ng isang indibidwal ay nakabatay sa lugar kung saan siya
ipinanganak.
Naturalisasyon

- isang ligal na paraan upang ang dayuhan ay magkaroon ng pagkamamamayan


sa bansang nais niya.
Saligang Batas

- dito nakasulat ang mga mahahalagang batas na dapat sundin ng bawat


mamamayan

13
14
Gawain A
1. ito ang ugnayan ng isang indibiduwal at ng estado
Pre- Test 2. a. yaong mamamayan ng Pilipinas sa panahon ng
pagpapatibay ng Konstitusyong ito;
b. yaong ang mga ama o mga ina ay mamamayan ng
1. B Pilipinas;
c. yaong mga isinilang bago sumapit ang Enero 17, 1973
2. A
na ang mga ina ay Pilipino, na pumili ng
3. C pagkamamamayang Pilipino pagsapit sa karampatang
4. D gulang;
5. B d. yaong mga naging mamamayan ayon sa batas.
6. A 3. a. kung siya ay sasailalim sa proseso ng naturalisasyon
7. C sa ibang bansa
8. A b. ang panunumpa ng katapatan sa Saligang- Batas
9. B ng ibang bansa
10. D c. tumakas sa hukbong sandatahan ng ating bansa
kapag may digmaan
d. nawala na ang bisa ng naturalisasyon.
4. Napakahalaga ng mga mamamayan sa kanilang estado
dahil sila ang gagawa ng mga bagay na ikauunlad nito.
Post Test
1. A
2. B
3. A
4. C
Gawain B 5. D
Karagdagang Gawain
6. A
1. POLIS 7. D 1. PINOY
2. PERICLES 8. C 2. PINOY
3. CITIZENSHIP 9. A 3. DAYUHAN
4. SALIGANG-BATAS 10. D 4. DAYUHAN
5. JUS SANGUINIS
5. PINOY
Susi sa Pagwawasto
ss
Sanggunian
Aklat

MELC Curriculum Guide

Araling Panlipunan 10 Isyu at Hamong Panlipunan ( Gabay ng Guro)

Araling Panlipunan 10 Isyu at Hamong Panlipunan (Modyul para sa Mag-aaral)

Internet

https://www.paroles-musique.com/eng/Noel_Cabangon-Akoy_Isang_Mabuting_Pilipino-
lyrics,p039266482

https://www.officialgazette.gov.ph/constitutions/ang-konstitusyon-ng-republika-ng-pilipinas-
1987/

15
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Schools Division of Negros Oriental


Kagawasan, Avenue, Daro, Dumaguete City, Negros Oriental

Tel #: (035) 225 2376 / 541 1117


Email Address: negros.oriental@deped.gov.ph
Website: lrmds.depednodis.net

You might also like