You are on page 1of 47

10

FILIPINO
Ikaapat na Markahan
Una-Ikawalong Araling

DO_Q4_Filipino_10_Aralin1-8
1
Filipino – Ikasampung Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikaapat na Markahan Una-Ikawalong Aralin
Unang Edisyon, 2021

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Jherdine B. Navales, Channon Gay A. Perez, Elaine A. Palo,


Rodalyn J. De Vera, Cedrex R. Diolan, Robby V. Dela Vega
Tagasuri ng Nilalaman: Cherry Lou D. Tolentino
Tagasuri ng Wika: Dimpol R. Zuleta
Reviewer: Rosarie R. Carlos, Education Program Supervisor
Tagaguhit:
Tagalapat: RAPHAEL A. LOPEZ
Management Team:
MELITON P. ZURBANO, Schools Division Superintendent
FILMORE R. CABALLERO, CID-Chief
JEAN A. TROPEL, Division EPS In-Charge of LRMS
ROSARIE R. CARLOS, Education Program Supervisor

Printed in the Philippines by ________________________

Department of Education – National Capital Region – SDO VALENZUELA


Office Address: Pio Valenzuela St., Marulas, Valenzuela City
Telefax: (02) 292 – 3247
E-mail Address: sdovalenzuela@deped.gov.ph

2
Sa modyul na ito ay tatalakayin ang kasaysayan ng pagkakasulat ni Jose Rizal
sa makasaysayang nobela na El Filibusterismo. Mauunawaan mo ang maalab na
hangarin ni Rizal na mailatag sa mga Pilipino sa pamamagitan ng isang akda ang
tunay na kalayaan at karapatan ng bayan noon hanggang sa kasalukuyan.
Sa pagsusuri mo sa modyul na ito, inaasahang matatamo ang sumusunod na
kasanayan:
• Naiuugnay ang kahulugan ng salita batay sa kaligirang pangkasaysayan
nito F10PT-IVa-b-82
• Natitiyak ang kaligirang pangkasaysayan ng akda sa pamamagitan ng:
-pagtukoy sa mga kondisyon sa panahong isinulat ang akda
-pagpapatunay ng pag-iral ng mga kondisyong ito sa kabuuan o ilang bahagi
ng akda
-pagtukoy sa layunin ng may-akda sa pagsulat ng akda F10PB-IVa-b-86
• Naisasalaysay ang magkakaugnay na mga pangyayari sa pagkakasulat ng
El Filibusterismo F10PS-IVa-b-85
• Naisusulat ang buod ng kaligirang pangkasaysayan ng El Filibusterismo
batay sa ginawang timeline F10PU-IVa-b-85
• Nasusuri ang pagkakaugnay ng mga pangyayaring napakinggan tungkol sa
kaligirang pangkasaysayan ng El Filibusterismo F10PN-IVa-b-83
• Nagagamit ang iba-ibang reperensya/batis ng impormasyon sa pananaliksik
F10EP-IIf-33
• Naitatala ang mahahalagang impormasyon mula sa iba’t ibang
pinagkukunang sanggunian
• Napahahalagahan ang napanood, pagpapaliwanag sa kaligirang
pangkasaysayan ng pagkakasulat ng El Filibusterismo sa pamamagitan ng
pagbubuod nito gamit ang timeline F10PD-IVa-b-81

Panuto: Isulat ang letra ng tamang sagot sa inyong kuwaderno o sagutang papel.
1. Ano-ano ang dalawang nobela ni Rizal na naisulat sa panahon ng Kastila?
A. Noli Me Tangere at Banaag at Sikat
B. Noli Me Tangere at El Filibusterismo
C. Noli Me Tangere at Mga Ibong Mandaragit
D. Noli Me Tangere at Sa mga Kuko ng Liwanag
2.. Ano ang sandatang ginamit ni Rizal upang magising ang mga Pilipino sa pang-
aalipin ng mga Kastila?
A. baril B. espada C. itak D. panulat
3. Ano ang kahulugan ng “El Filibusterismo”?
A. Ang Katapangan C. Paghahari ng Kasakiman
B. Ang Kasakiman D. Huwag Mo Akong Salingin
4. Kanino inihandog ni Rizal ang nobelang “El Filibusterismo”?
A. sa tatlong paring martir C. sa tatlong inang martir
B. sa tatlong dalagang martir D. sa tatlong amang martir
5. Sino ang kaibigan na tumulong kay Rizal para maipagpatuloy ang paglimbag
ng nobelang “El Filibusterismo”?
A. Ferdinand Blumentritt C. Mariano Ponce
B. Marcelo H. Del Pilar D. Valentin Ventura

1 (DO_Q4_FILIPINO_10_ARALIN1)
* Pag-uugnay ng Kahulugan ng Salita Batay sa
Kaligirang Pangkasaysayan
* Pagtiyak sa Kaligirang Pangkasaysayan ng
Akda
* Pagsasalaysay ng magkakaugnay na mga
Pangyayari
* Pagsulat ng buod ng Kaligirang
Aralin
Pangkasaysayan ng El Filibusterismo
1 * Pagsusuri sa Pagkakaugnay ng mga
Pangyayari
* Paggamit ng Iba’t Ibang Reperensya/Batis ng
Impormasyon
* Pagtatala ng mahahalagang Impormasyon
* Pagpapahalaga sa Napanood

Panuto: Basahin at unawain ang teksto. Pagkatapos ay sagutan sa sagutang papel


ang sumusunod na tanong sa ibaba.
Si Dr. Jose P. Rizal ay ang Pambansang Bayani ng Pilipinas. Siya ay isinilang
sa Calamba, Laguna noong ika-19 ng Hunyo, 1861. Ang kanyang mga magulang ay
sina G. Francisco Mercado at Gng. Teodora Alonzo. Ang kanyang dalawang nobelang
“Noli Me Tangere” at “El Filibusterismo” ay naglalahad ng mga pang-aabuso ng mga
prayle sa mga Pilipino at mga katiwalian sa pamahalaan ng Kastila.
KALIGIRANG KASAYSAYAN NG EL FILIBUSTERISMO
Isa ang nobelang El Filibusterismo ni Dr. Jose Rizal sa mga natatanging akda
na naisulat at tumatak sa kasaysayan ng rebolusyon at pagkilos ng lahing Pilipino.
Kasunod ito ng naunang nobelang Noli Me Tangere na nailimbag noong Pebrero 1887
sa Berlin, Germany. Nang taong din iyon, nagpasya si Rizal na bumalik sa Pilipinas
makalipas ang limang taon ng paglalakbay at pag-aaral sa Europa upang muling
makapiling ang kaniyang pamilya at makapaglingkod sa kaniyang bayan bilang
isang manggagamot. Ngunit dahil sa kontrobersiyang dala ng kaniyang unang
nobela na naipakalat na rin sa Pilipinas, napilitan siyang lisanin ang bansa at muling
maglakbay sa Europa dahil sa mga banta sa kaniyang buhay at kaligtasan ng
kaniyang pamilya.
Dulot ng kaniyang mga namalas na pagbabago’t mga suliranin sa kaniyang
bayan dahil sa mapang-aping pamamalakad ng mga ganid na prayle, muling
sumikdo ang pagnanais ni Rizal na lumaban sa pamamagitan ng kaniyang panulat.
Pinaniniwalaang sinimulan niyang isulat ang ilang bahagi ng kaniyang ikalawang
nobelang El Filibusterismo na may saling “Ang Paghahari ng Kasakiman” noong
Oktubre 1887 habang siya ay nagsasanay ng kaniyang panggagamot sa Calamba,
Laguna. Nang dumating siya sa London, gumawa siya ng maraming pagbabago sa
banghay ng kuwento nito.

2 (DO_Q4_FILIPINO_10_ARALIN1)
Kasabay ng kaniyang pagsusulat para sa nobelang ito ay ang balita ng mga
paghihirap na dinaranas ng kaniyang mga kamag-anak sa Pilipinas dahil pa rin sa
kontrobersiyang dala ng diumano’y subersibo o rebolusyonaryong Noli Me Tangere.
Ginawa niya ang malaking bahagi ng nobela sa kaniyang paglalakbay sa Paris,
Madrid, at Brussel. Dulot ng paghihirap ng kalooban at iba pang suliranin gaya ng
usaping pinansiyal, hindi agad nailimbag ang aklat, bagaman natapos niya ang
inisyal na manuskrito nito noong Marso 29, 1891 sa Biarritz, France.
Sa tulong ng isang kaibigan mula sa Paris, na si Valentin Ventura,
naisakatuparan ang pagpapalimbag ng aklat na ito. Ngunit dahil limitado lamang
ang tulong na kaniyang maaasahan mula sa mga kaibigan, napilitan si Rizal na
ibaba ang bilang ng kabanata ng El Filibusterismo sa tatlumpu’t siyam (39) na
kabanata. Malayo ito sa animnapu’t siyam na kabanata ng Noli Me Tangere.
Naipalimbag niya ito sa pinakamurang palimbagan na kaniyang natagpuan sa
Ghent, Belgium noong Setyembre 22, 1891. Dahil sa malaking utang na loob at
kasiyahan, ibinigay ni Rizal ang orihinal na manuskripto ng nobela sa kaibigang si
Valentin Ventura. Ibinigay niya ito kalakip ang isang nilimbag na kopya na may
sariling lagda. Inihandog ni Rizal ang nobelang ito sa alaala ng mga paring nagbuwis
ng buhay para sa bansa, ang GOMBURZA, na binubuo nina Padre Gomez, Burgos
at Zamora.
Pinadalhan din ni Rizal ng mga kopya ng kaniyang nobela ang matatapat na
mga kaibigang sina Dr. Ferdinand Blumentritt, Marcelo Del Pilar, Graciano Lopez
Jaena, at Juan Luna. Pagkatapos ay ipinadala niya ang ibang kopya sa Hong Kong
at ang iba naman ay sa Pilipinas.
‘Di naglaon, isang masamang balita ang nakarating kay Rizal. Nasamsam ang
mga sipi ng kaniyang nobela sa Hong Kong at sinira naman ng mga Espanyol ang
mga kopyang nakarating sa Pilipinas. Ang ilang kopyang naipuslit ang siyang
nakapagbigay-sigla sa mga Katipunero upang labanan ang pamahalaang Espanyol
at matamo ang kalayaan ng Pilipinas.
Maaari n’yo ring panoorin ang mga sumusunod:
https://www.facebook.com/f1l1p1n0y/posts/kaligirang-pangkasaysayan-ng-el-
filibusterismo-ang-ikalawang-nobela-ni-dr-jose-r/1915040508538489/
https://www.youtube.com/watch?v=IRMOA3VmST0
https://www.youtube.com/watch?v=oCCVo8QgJ0c&ab_channel=RenatoMolina
ANG PAGSULAT NG EL FILIBUSTERISMO - YouTube
Mga Gabay na Tanong:
1. Ano ang naging inspirasyon ni Jose Rizal sa pagsulat niya sa kaniyang
ikalawang nobela?
2. Ano-anong paghihirap ang pinagdaanan ni Dr. Jose P. Rizal sa kaniyang
buhay para sa Inang Bayan?
3. Paano ipinaglaban ni Rizal ang mga mamamayang Pilipino at ang bansang
4. Pilipinas laban sa mga Kastilang sumakop nito?
5. Bakit sa tatlong paring martir niya inialay ang El Filibusterismo?
6. Sang-ayon ka ba kay Rizal na mas ginamit niya ang talento sa pagsulat upang
sa mga kapuwa Pilipino ang pangyayari sa lipunan?

Ang timeline ay isang visual na representasyon ng isang sunod-sunod na


kaganapan. Maaari itong maging isang tulong upang baguhin ang isang kurso, isa
rin itong batayan para sa isang pagtatanghal, isang suporta para sa isang
propesyonal na pagtatanghal o isang paraan upang mapalalim ang isang tema na

3 (DO_Q4_FILIPINO_10_ARALIN1)
kinagigiliwan. Nakatutulong ito na maitala ang mga pangyayari sa kronolohikal na
format sa pagsusulat ng buod.
Bahagi 1. Alamin ang iyong paksa.
Bahagi 2. Pagse-set up ng frieze o design.
Bahagi 3. Kompletuhin ang timeline.
Paano isagawa ang Pagbubuod?
Ang buod ay siksik at pinaikling bersiyon ng teksto na maaaring nakasulat,
pinanood o pinakinggan. Pinipili rito ang pinakamahalagang ideya at
sumusuportang ideya o datos. Mahalaga ang pagtutok sa lohikal at kronolohikal na
daloy ng mga ideya ng binuod na teksto.
Pangunahing Katangian ng Pagbubuod:
1. Tinutukoy agad ang pangunahing ideya o punto kaugnay ng paksa.
2. Hindi inuulit ang mga salita ng may akda bagkus ay gumagamit ng sariling
pananalita.
3. Mga 1/3 ng teksto o mas maikli pa dito ang buod.

Mga Hakbang sa Pagbubuod:


1. Basahin, panoorin o pakinggan muna nang pahapyaw ang teskto.
2. Sa mga nakasulat o episode ng isang pinanood o pinakinggan, tukuyin ang
paksang pangungusap o pinakatema. Tukuyin ang key words.
3. Pag-ugnay-ugnayin ang mga ideyang ito upang mabuo ang pinakapunto o tesis.
4. Sulatin ang buod. Tiyakin ang organisasyon ng teksto.
5. Huwag maglagay ng mga detalye, halimbawa at ebidensya.
6. Makatutulong ang signal word o mga salitang nagbibigay-transisyon sa mga
ideya tulad ng gayonpaman, kung gayon, bilang pangwakas at iba pa.
7. Huwag magsingit ng mga opinyon.
8. Suriin ang dayagram sa ibaba.
Buod

Pangunahing Ideya

Paksang Pangungusap

Paksang Pangungusap

Paksang Pangungusap

Kongklusyon

A. Panuto: Piliin at isulat sa sagutang papel ang mga salita sa loob ng kahon na may
kaugnayan sa kasaysayan ng nobelang El Filibusterismo.
balakid erehe kagalakan kasintahan
manuskrito nobela paaralan paglilimbag
pahayagan pananalapi pangungulila panulat
pilibustero prayle sedula simbahan

4 (DO_Q4_FILIPINO_10_ARALIN1)
B. Panuto: Bigyang kahulugan ang mga salitang may salungguhit. Isulat ang sagot
sa sagutang papel.
1. Maituturing na pantas si Jose Rizal dahil sa kaniyang katalinuhan.
2. Maraming Kastila ang kumitil ng buhay dahil sa paghihimagsik ng
mga Pilipino.
3. Napiit si Jose Rizal dahil sa ginawa niyang mga nobelang tumutuligsa sa
pamahalaan.
4. Inalipusta ng mga Kastila ang mga Pilipino.
5. Tinuring tayong mga indiyo ng mga prayle dahil naniniwala sila na hindi
natin sila kapantay.
C. Panuto: Tukuyin kung alin sa sumusunod ang naging layunin ni Rizal sa
pagsulat niya ng El Filibusterismo. Lagyan ng tsek ( ∕ ) ang bilang. Gawin
ito sa sagutang papel.
1. Nakatulong nang malaki ang El Filibusterismo na maiwaksi ang mga
balakid sa pagsasagawa ng paghihimagsik noong 1896.
2. Isinulat ni Rizal ang El Filibusterimo upang itampok sa buong mundo ang
magagandang naidulot ng pananakop ng mga Espanyol sa Pilipinas.
3. Nais ni Rizal na imulat ang kaisipan at gisingin ang damdamin ng mga
Pilipino laban sa pang-aapi ng pamahalaang Espanyol.
4. Pinangarap ni Rizal na mailimbag ang El Filibusterismo upang mahimok
ang mga Pilipinong makamit ang inaasam-asam na pagbabago sa
pamamagitan ng mapayapang paraan.
5. Bilang pagpupugay sa tatlong paring martir na GOMBURZA ay inialay ni
Rizal ang nobelang El Filibusterismo.
D. Panuto: Isulat sa sagutang papel ang T kung ang pangyayari ay tumutukoy sa
mga kondisyon sa panahong isinulat ang El Filibusterismo at M kung
hindi.
1. Si Gobernador-Heneral Emilio Terrero ang namumuno sa bansa nang
sinimulan ni Rizal ang pagsusulat ng ikalawang nobelang El
Filibusterismo.
2. Higit na naging madali para kay Rizal ang pagsulat ng El Filibusterismo
kaysa sa Noli Me Tangere.
3. Nalagay sa panganib ang pamilya at iba pang mahal sa buhay ni Rizal
habang isinusulat niya ang nobelang ito.
4. Ang ganda at kasiyahang hatid ng Paris ay nagbigay-inspirasyon sa kanya
na tapusin na ang kanyang nobela sa lugar na ito.
5. Mas maraming pahina ang tinanggal, nilagyan ng ekis, binura, o hindi
isinama ni Rizal sa Noli Me Tangere kaysa sa mga pahinang hindi niya
isinama sa El Filibusterismo.
E. Panuto: Isalaysay sa sagutang papel ang mga kaugnay na pangyayari sa pagsulat
ng El Filibusterismo. Isaalang-alang ang tamang format at
pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari at pagtatalata.
1. Sinimulan ni Rizal ang pagsulat ng El Filibusterismo noong 1887 sa Calamba.
Mayo 25, 1888 nang binago niya ang ilan sa balangkas at kabanata nito.
2. Nilisan niya ang London at tumungo sa Paris noong 1889. Dito naman niya
isinulat ang mga karagdagang kabanata. Noong Agosto 1890 ay dumating si
Rizal sa Madrid, tinapos niya ang mga karagdagang kabanata. Dumanas siya
ng maraming kabiguan habang nasa Madrid kasabay nito ang kawalang
katarungang dinanas ng kanyang pamilya at kababayan sa Calamba
gayundin ang pagpapakasal ng kanyang kasintahang si Leonor Rivera sa
isang inhenyerong Ingles na si Henry Kipping.

5 (DO_Q4_FILIPINO_10_ARALIN1)
3. Umalis si Rizal sa Madrid at nagtungo sa Biarritz noong Marso 29, 1891.
Doon niya tinapos ang manuskrito. Hulyo 5, 1891 lumipat si Rizal sa
Ghent Belgium dahil mas mura ang pagpapalimbag. Dito niya
natagpuan ang F. Meyer-Van Loo Press na pumayag na bayaran nang
hulugan.
4. Noong Agosto 6, 1891 itinigil ang pagpapalimbag at kalahati lamang ng
aklat ang natapos dahil sa kakulangan ng pondo. Dito tinulungan siya
ni Valentin Ventura, pinadalhan siya ng PHP150 mula sa Paris at
nangakong magdaragdag pa upang maituloy ang pagpapalimbag.
5. Nailabas na sa imprentahan ang El Filibusterismo noong Setyembre 18,
1891. Isinerye ng El Nuevo Regimen, isang pahayagan sa Madrid, ang El
Fili sa mga isyu nito noong Oktubre 1891.
6. Inihandog ni Rizal ang nobela sa tatlong paring martir na sina Mariano
Gomes, Jose Burgos, at Jacinto Zamora na binitay ng mga Kastila sa
paratang na pagpapatalsik sa pamahalaan na nagdudulot ng pag-aalsa
sa Cavite noong 1872.

Gumawa sa sagutang papel ng timeline ng buod ng pangyayari sa


kasaysayan ng El Filibusterismo gamit ang template sa ibaba. Gawing gabay
ang mga petsa na nakasulat sa kahon.

1885 Marso 1891 1891

1890 Setyembre 1891

Tayahin

Panuto: Isulat sa sagutang papel ang letra ng tamang sagot.


1. Alin sa sumusunod ang hindi naging dahilan nang kasawiang naranasan ng mga
kamag-anak at kaibigan ni Jose Rizal bago pa man siya bumalik sa Pilipinas?
A. maraming nainggit kay Rizal
B. maraming Pilipino ang galit kay Rizal
C. sa pagkakasulat niya ng nobelang “Noli Me Tangere”
D. maraming naging kaaway si Rizal at ang kaniyang mga kamag-anak
at mga kaibigan ang pinagbuntunan
2. Bakit naisanla ni Rizal ang kanyang mga alahas?
A. gusto niyang bumili ng bagong mga gamit
B. gagamitin niya sa pagpapatayo ng kanilang bahay
C. ito ang magiging paunang bayad sa pagpapalimbag ng kaniyang nobela
D. magpapadala siya ng pera sa kaniyang mga magulang sa Pilipinas
3. Anong mga bagay ang napansin ni Rizal na nakaapekto sa ikalawang nobelang
sinulat niya?
A. Ang pamamahagi ng kanilang kayamanan at katalinuhan.
B. Ang pagsasaayos ng mga prayle sa mga gusot ng kaaway.
C. Ang pagpapayaman ng mga prayle sa kanilang asyenda, pang-aakit sa
mga babae, panggugulo, pagliligpit sa mga kaaway, atbp.
D. Ang pamamahagi ng mga prayle sa kanilang asyenda, paggalang sa mga
babae, katahimikan, pagliligpit sa mga kaaway, at iba pa.

6 (DO_Q4_FILIPINO_10_ARALIN1)
4. Ano ang pangamba ni Rizal kaya niya nilisan ang Pilipinas noong Pebrero 3,
1888?
A. ikulong siya at patayin
B. malagay sa panganib ang mga mahal sa buhay
C. hindi niya matatapos ang nobelang kaniyang isusulat
D. walang tutulong sa kanya sa pagpapalimbag ng kaniyang isinulat
5. Bakit malungkot pa rin si Rizal gayong nakahanap siya ng bagong nagpatibok
ng kaniyang puso?
A. nangungulila pa rin siya kay Leonor Rivera
B. nangungulila siya sa kaniyang mga kaibigan
C. nangungulila pa rin siya sa kanyang mga magulang
D. hindi niya matanggap ang pagpapakasal ni Leonor Rivera
6. Ano ang ginawa ni Valentin Ventura matapos malamang nangangailangan si
Rizal ng salapi sa pagpapalimbag ng nobela?
A. Sumulat siya kay Rizal.
B. Tumungo siya sa Paris upang tulungan si Rizal.
C. Nagpadala siya ng pera para sa pagpapalimbag ng aklat.
D. Siya mismo ang nagpalimbag sa nobelang sinulat ni Rizal.

7. Ano ang pangunahing dahilan kung bakit itinuring na nobelang politikal ang
inihandog niyang El Filibusterismo?
A. paghahandog niya rito sa tatlong paring martir
B. paghahandog niya rito sa mga dalagang Pilipina
C. paghahandog niya rito sa mga Pilipinong nasawi
D. paghahandog niya rito sa kanyang pamilya at kaibigan
8. Bakit kaya nagpursige si Rizal na tapusin ang kaniyang aklat kahit sa magulong
sitwasyon sa panahon na kaniyang isinulat ito?
A. gusto niyang magkaroon ng maraming akda
B. upang ipaalam sa buong mundo ang katalinuhang taglay ng
mga Pilipino
C. sapagkat nais niyang gisingin ang bayan upang makabangon laban sa
maling pamahalaan
D. nais niyang ipaalam sa lahat ng mga Pilipino ang mga magagandang
katangian ng mga Kastila
9. Bakit naiba ang tema ng El Filibusterismo sa naunang nobelang Noli Me
Tangere?
A. nais lang niyang maiba ang tema nito
B. binago niya ang layunin sa pagsusulat
C. minumulat niya ang mga Pilipino sa pagiging mapagmahal ng
mga dayuhan
D. ito ay dahil sa mga pangyayaring nararanasan ng kaniyang pamilya,
sarili at maging ang bansa
10. Sa iyong sariling palagay, nakaaapekto ba ang karanasan ng isang tao sa
pagsasagawa o pagsusulat ng kaniyang aklat?
A. Hindi, dahil hindi naman ito ang paksa ng iyong akdang susulatin.
B. Oo, dahil mahirap humanap ng ibang paksa sa akdang nais na sulatin.
C. Hindi, dahil hindi ito ang magdidikta sa iyo sa pagsasagawa ng akda.
D. Oo, dahil ito ang magsisilbing inspirasyon mo upang maipahayag sa
makulay na paraan ang iyong saloobin o damdamin.

7 (DO_Q4_FILIPINO_10_ARALIN1)
Sa pagtatapos ng araling ito, inaasahang:
• Nabibigyang-kahulugan ang matatalinghagang pahayag na ginamit sa
binasang kabanata ng nobela sa pamamagitan ng pagbibigay ng halimbawa
F10PT-IVb-c-83
• Natutukoy ang papel na ginampanan ng mga tauhan sa akda sa pamamagitan
ng: pagtunton sa mga pangyayari, pagtukoy sa mga tunggaliang naganap,
pagtiyak sa tagpuan at pagtukoy sa wakas
F10PB-IVb-c-87

Panuto: Piliin ang letra ng tamang sagot upang mabuo ang kinakatawan o
ginagampanan ng tauhan. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
1. “Kinakatawan ko si Rizal at mga _________ na nais ipaglaban ang
karapatang niyurakan ng mga mapaniil na naghaharing-uri.”
A. Amerikano B. Espanyol C. Mulato D. Pilipino
2. “Kinakatawan ko ang mga __________ na maagang nawalan ng magulang at
nakaranas maging kasambahay upang makapag-aral. Pinatunayang
makapag-aaral ang may pagsisikap sa buhay.”
A. anak B. magulang C. matatanda D. pari
3. “Kinakatawan ko ang mga __________ na tapat magmahal at may prinsipyo sa
buhay.
A. kabataan B. kalalakihan C. mag-aaral D. matatanda
4.“Kinakatawan ko ang mga Pilipinong inangkin ng mga ___________ ang
lupaing sinasaka kaya’t nagrebelde.”
A. makapangyarihan C. mayayaman
B. mahihirap D. prayle
5. “Kinakatawan ko ang _____________ na mapagmahal sa kasintahan o
kabiyak ng puso na gagawin ang lahat mailigtas lamang ang minamahal.”
A. balo C. kalalakihan
B. kababaihan D. matatanda

* Pagbibigay-Kahulugan sa Matatalinghagang
Aralin Pahayag
2 * Pagtukoy sa Papel na Ginampanan ng mga
Tauhan sa akda

Panoorin ang Mga Tauhan sa El Filibusterismo sa link na ito:


https://www.youtube.com/watch?v=5a9_U01_tRM upang mas lubos mong silang makilala.
Gawin sa sagutang papel ang talahanayan sa ibaba.
Tauhan Katangian Papel na Ginampanan sa Nobela
Simoun
Basilio
Juli

8 (DO_Q4_FILIPINO_10_ARALIN2)
KabesangTales
PlacidoPenitente

Ang wikang Filipino ay puno ng mga matatalinghagang pahayag. Sinasalamin


sa paggamit nito ang kagandahan at pagkamalikhain ng wikang Filipino.
Matatalinghagang pahayag ay mga pahayag na gumagamit ng mga salita na hindi
tuwirang inihahayag ang tunay na kahulugan nito. Karaniwan itong ginagamitan ng
paghahambing ng mga bagay na nagpapataas ng pandama ng mga mambabasa.
Mga Tauhan at Papel na Ginagampanan sa Nobela
Mga Tauhan Papel na Ginampanan sa Nobela Kinakatawan sa Tunay na
Buhay
Simoun Mayamang nag-aalahas. Si Rizal at mga Pilipinong nais
Pinagkakamalang Indiyo, Ingles, ipaglaban ang karapatang
Portuges, Amerikano, Mulato at kung niyurakan ng mga mapaniil na
minsan tinatawag na Cardenal Moreno. naghaharing-uri.
Kaibigan ng mga makapangyarihan at
mga pari. Misteryosong nakasalaming
may kulay tuwing araw at gabi.

Basilio Anak ni Sisa, nanilbihan kay Kapitan Mga anak na maagang


Tiyago kapalit ng pag-aaral ng medisina. nawalan ng magulang at
Batid niya ang lihim ni Simoun. nakaranas maging
kasambahay upang makapag-
aral.
Isagani Mag-aaral sa Ateneo Municipal, makata at Kabataang tapat magmahal at
pamangkin ni Padre Florentino. may prinsipyo sa buhay.
Kasintahan ni Paulita Gomez.
Kabesang Kabesa de Barangay na naghimagsik Pilipinong inangkin ng mga
Tales laban sa korporasyon ng mga paring makapangyarihan ang lupaing
inangkin ang hinawang lupain kaya’t sinasaka kaya’t nagrebelde.
sumapi sa rebelde.
Padre Isang Pilipinong pari na amain ni Isagani. Mga alagad ng Diyos na mabait
Florentino Nasaksihan ang kamatayan ni Simoun. may prinsipyo at di sumusunod
Siya ang nagtapon ng kayamanan ni sa agos ng pagkakamali.
Simoun sa pusod ng dagat.
Juli Mga babaeng mapagmahal sa
Bunsong anak ni Kabesang Tales, kasintahan o kabiyak ng puso
kasintahan ni Basilio. at gagawin ang lahat mailigtas
lamang ang minamahal.
Placido Kilalang pinakamatalinong mag-aaral Kabataang may angking talento
Penitente mula sa Tanauan, Batangas. Nag-aaral ng at galing sa pag-aaral ngunit
abogasya dahil mahusay sa debate at sa nawalan na ng gana sa pag-
Latin. Nagdesisyong di na ipagpatuloy ang aaral bunga ng ilang
pag-aaral dahil sa kabiguan sa sistema ng pangyayari sa paaralan.
edukasyong inaasam sa Maynila.

Pari Irene Paring namahala sa paghingi ng Mga taong may dalawang


kapahintulutang makapagtayo ng mukha o ang tinatawag na
Akademya ng Wikang Kastila. Kaibigang balimbing.
matalik at tagapayo ni Kapitan Tiyago.

9 (DO_Q4_FILIPINO_10_ARALIN2)
Tandang Lolo nina Juli at Tano na dinibdib ang mga Lolong matiisin na nakaranas
Selo kasawian ng pamilya, napipi at nabaril ito ng maraming suliranin sa
ng apong si Tano pamilya
Padre Salvi Ang kura sa San Diegong pumalit kay Mga paring kumakatawan sa
Padre Damaso. Tinaguriang moscamuerta mga alagad ng Diyos na tahimik
o patay na langaw.
Padre Kura paroko na mukhang artilyero ng Mga taong mapagkunwari at di
Camorra kumbento ng Tiani na nagtangkang mapagkakatiwalaan
pagsamantalahan si Juli.
Padre Dominikong paring may kakaibang ugali Mga alagad ng Diyos na may
Fernandez dahil sa paninindigan sa ibang kaparian, sariling paninindigan at di
paboritong mag-aaaral si Isagani dahil sa nagpapaapekto sa nais ng
katalinuhan nito. nakararami.
Paulita Katipan ni Isagani maganda at mayamang Mga babaeng sumusunod sa
Gomez pamangkin ni Donya Victorina. batas ni Darwin na ang babae
ay nagpapaangkin lamang sa
lalaking higit na sanay
makibagay sa kinalakhang
kalagayan.
Ginoong Pinakatanyag na abogado sa Maynila at Matatalinong taong kahit batid
Pasta sanggunian ng mga prayle kung may ang katotohanan, di pumapanig
suliranin. Pinagsanggunian din ng mga dahil naglilingkod sa
mag-aaral tungkol sa pagpapatayo ng pamahalaan.
Akademya ng Wikang Kastila.

Don Kastilang opisyal ng pamahalaang tingin Mga makapangyarihang


Custodio sa sarili na siya lamang ang nag-iisip sa mahilig sa publisidad.
Maynila, hindi kikilos kung walang papuri
ng pahayagan, mahilig humawak ng
maraming tungkulin ngunit hindi alam
kung paano palalakarin. Binansagang
“buena tinta”
Tano Anak na lalaki ni kabesang Tales na Mga anak na naging dahilan ng
pumasok na guwardiya sibil. kamatayan ng kadugo.
Macaraig Mayamang mag-aaral na masigasig sa Mag-aaral na gagawin ang lahat
pagkakaroon ng Akademya ng Wikang makamit lang ang gusto.
Kastila.
Juanito Anak ng isang mayamang mangangalakal, Mga mag-aaral na malapit sa
Pelaez ikinasal kay Paulita Gomez, mahusay mga guro at umaasa sa talino
makisama sa mga propesor, mahilig ng iba.
manukso at palaasa sa katalinuhan ng iba.

Sandoval Kastilang kawaning nagpatuloy ng pag- Mga banyagang nasa Pilipinas


aaral sa Pilipinas, lihis ang mga gawain sa at binalot na ang katauhan ng
kaniyang mga kababayan at nakiisa sa kulturang Pilipino.
mga Pilipinong mag-aaral sa pagkakaroon
ng Akademya ng Wikang Kastila.

Tadeo Mag-aaral na kaya lang pumapasok sa Mga mag-aaral na walang


paaralan upang alamin kung may pasok. pagpapahalaga sa pag-aaral.

Quiroga Mangangalakal na Tsino na nais Mga Tsino sa Binondo at iba


magkaroon ng konsulado ng Tsino sa pang panig ng bansa na
Pilipinas at kaibigan ng mga prayle. yumaman sa pangangalakal at
pagpapautang.

10 (DO_Q4_FILIPINO_10_ARALIN2)
Donya Tiyahin ni Paulita Gomez na nag-ayos, Mga Pilipinang nag-aasal
Victorina kumilos at nag-asal Kastila. Itinuturing din banyaga o dayuhan.
siyang mapait na dalandan.
Hermana Mayamang Donya/manang na nagpahiram Mga nagpapanggap na
Penchang ng pantubos kay Juli bilang kapalit ng relihiyoso at may kakayahang
pagiging katulong nito. ipagkanulo ang pagtitiwala ng
kapuwa.
Ben Zayb Mamamahayag na Espanyol na di patas sa Mga mamamahayag na di tapat
pagsulat ng balita at mataas ang tingin sa sa pagsulat ng balita at mataas
sarili ay siya lamang ang nag-iisip sa ang pagtingin sa sariling
Maynila. kakayahan.

Gawain 1: Isulat sa sagutang papel ang tauhang inilalarawan sa bawat bilang.


1. Anak ni Sisa, nanilbihan kay Kapitan Tiyago kapalit ng pag-aaral ng
medisina. Batid niya ang lihim ni Simoun.
2. Isang mayamang mag-aalahas. Kaibigan ng mga makapangyarihan at mga
pari. Misteryosong nakasalaming may kulay tuwing araw at gabi.
3. Bunsong anak ni Kabesang Tales at kasintahan ni Basilio.
4. Mag-aaral sa Ateneo Municipal, makata at pamangkin ni Padre Florentino.
Kasintahan ni Paulita Gomez.
5. Kilalang pinakamatalinong mag-aaral mula sa Tanauan, Batangas, Nag-
aaral ng abogasya dahil mahusay sa debate at sa Latin. Nagdesisyong hindi
na ipagpatuloy ang pag-aaral dahil sa kabiguan sa sistema ng edukasyong
inaasam sa Maynila.
6. Cabeza de Barangay na naghimagsik laban sa korporasyon ng mga paring
inangkin ang hinawang lupain kaya’t sumapi sa rebelde.
7. Isang Pilipinong pari na amain ni Isagani. Nasaksihan niya ang kamatayan
ni Simoun. Siya ang nagtapon ng kayamanan nito sa pusod ng dagat.
8. Lolo nina Juli at Tano na dinibdib ang mga kasawian ng pamilya. Siya ay
napipi at nabaril ng apong si Tano.
9. Mayamang mag-aaral na masigasig sa pagkakaroon ng Akademya ng Wikang
Kastila.
10. Katipan ni Isagani, maganda at mayamang pamangkin ni Donya Victorina.
Gawain 2: Isulat sa sagutang papel ang kahulugan ng matatalinghagang payahag
ng ilan sa mga tauhan ng El Filibusterismo.

“At sabihin ninyo na ang tubig ay “Kapag kakailanganin ka ng mga tao sa


matamis at naiinom ngunit lumuluhod isang banal at dakilang layunin ay
sa alak at serbesa at pumapatay ng pahintulutan ng Diyos na hanguin ka
apoy, na kapag pinainit ay sumusula; sa sinapupunan ng mga alon...
nagiging malawak ang dagat at samantala diya’y di ka makagagawa ng
gugunaw ng santinakpan.”- Isagani kasamaan at makapag-uudyok ng
kasamaan.” – Padre Florentino

“Ang pagpapaumanhin ay di laging


kabaitan, ito’y kasalanan kung
magbibigay-daan sa pang-aapi. Walang
mang-aalipin kung walang paaalipin.”

- Simoun

11 (DO_Q4_FILIPINO_10_ARALIN2)
Gawain 3: Tukuyin at ipaliwanag ang papel na ginampanan ng mga tauhan mula sa
sumusunod na kabanata gamit ang talahanayang nasa ibaba. Gawin ito
sa sagutang papel.
Pagtukoy sa
Pagtunton
mga Pagtukoy sa
Bilang ng Kabanata sa mga
Tunggaliang Wakas
Pangyayari
Naganap
Kabanata 6: Si Basilio
Kabanata 7: Si Simoun
Kabanata12: Placido Penitente
Kabanata 16: Ang mga
Kapighatian ng Isang Intsik
Kabanata 30: Si Juli

Panuto: Basahin at sagutin ang sumusunod. Gawin ito sa sagutang papel.


A. Kung ikaw si Padre Florentino, itatapon mo ba sa dagat ang kayamanan
ni Simoun? Pangatwiranan.
B. Uminom si Simoun ng lason upang magpatiwakal nang sa gayon ay
takasan ang gagawing pag-uusig sa kaniya.
1. Kung ikaw ang nasa kalagayan ni Simoun, gagawin mo rin ba ang
kaniyang ginawa? Bakit?
2. Paano mo haharapin ang ganoong suliranin?
Tayahin

A. Panuto: Isulat ang letra ng tamang sagot sa sagutang papel.


A. pagtunton sa mga pangyayari C. pagtiyak sa tagpuan
B. pagtukoy sa mga tunggaliang naganap D. pagtukoy sa wakas
____ 1. Inaglahi si Basilio ng mga taong kanyang nakasalamuha dahil sa aba
niyang kalagayan at kakaiba niyang bihis at anyo.
____ 2. Lumuwas ng Maynila si Basilio at halos magpatiwakal sa hirap na
naranasan.
____ 3. Napipi at napatay ni Tano ang kanyang lolong si Tandang Selo.
____ 4. Gumuho ang mundo ni Simoun sa pagkamatay ni Maria Clara.
____ 5. Nagbanta si Simoun sa harap ng matataas na kawani ng pamahalaan
at mga diyos ng simbahang nais niyang lipulin ang lahat ng masama.
B. Panuto: Isulat sa sagutang papel ang tauhang inilalarawan sa bawat
bilang.
1. Paring namahala sa paghingi ng kapahintulutang makapagtayo ng
Akademya ng Wikang Kastila. Kaibigang matalik at tagapayo ni Kapitan
Tiyago.
2. Kura paroko na mukhang artilyero ng kumbento ng Tiani na
nagtangkang pagsamantalahan si Juli.
3. Mayamang Donya/manang na nagpahiram ng pantubos kay Juli bilang
kapalit ng pagiging katulong dito.
4. Kastilang opisyal ng pamahalaang tingin sa sarili ay siya lamang ang
nag-iisip sa Maynila, hindi kikilos kung walang papuri ng pahayagan,

12 (DO_Q4_FILIPINO_10_ARALIN2)
mahilig humawak ng maraming tungkulin ngunit hindi alam kung
paano palalakarin. Binansagang “buena tinta”.
5. Anak ng isang mayamang mangangalakal na naikasal kay Paulita
Gomez, mahusay makisama sa mga propesor, mahilig manukso at
palaasa sa katalinuhan ng iba.

Sa pagtatapos ng araling ito, inaasahang:


• Naiuugnay sa kasalukuyang mga pangyayaring napanood sa video clip ang
pangyayari sa panahon ng pagkakasulat ng akda F10PD-IVb-c-82
• Naibabahagi ang ginawang pagsusuri sa napakinggang buod ng binasang
akda batay sa: katangian ng mga tauhan, pagkamakatotohanan ng mga
pangyayari at tunggalian sa bawat kabanata ng mga tauhan F10PS-IVb-c-86
• Naisusulat ang buod ng binasang mga kabanata F10PU-IVb-c-86
• Nagagamit sa pagbubuod ang tamang mekaniks sa pagsulat (baybay, bantas,
at iba pa), gayundin ang wastong pag-uugnay ng mga pangungusap/ talata
F10PU-IVb-c-86
• Naipaliliwanag ang kabuluhan ng mga kaisipang lutang sa akda kaugnay ng:
karanasang pansarili, gawaing pangkomunidad, isyung pambansa at
pangyayaring pandaigdig F10PN-IVf-90

* Pag-uugnay sa Kasalukuyang mga Pangyayari


sa Video Clip
* Pagbabahagi ng Ginawang Pagsusuri
Aralin
* Pagsulat ng buod sa binasang mga kabanata
3 * Paggamit sa Pagbubuod ng Tamang Mekaniks
* Pagpapaliwanag sa Kabuluhan ng mga
Kaisipang Lutang sa Akda

Panuto: Piliin sa loob ng kahon ang tinutukoy sa bawat bilang at isulat ito sa
sagutang papel.
tunggalian tao laban sa tao tao laban sa sarili
video clip tao laban sa lipunan
1. Ito ay uri ng tunggalian na nangyayari sa loob mismo ng tauhan.
2. Ito ay tumutukoy sa mga isyu at problema na hinaharap ng mga
pangunahing tauhan.
3. Dito ang pangunahing tauhan ay lumalaban sa lipunan.
4. Ito ay karaniwang bahagi ng isang mas mahabang pag-record.
5. Ito ay nagpapakita ng laban ng tauhan sa iba pang tauhan.

Panuto: Basahin ang buod ng El Filibusterismo na ibibigay ng guro sa inyong FB


Group at maaari din itong panoorin sa link na:
https://www.youtube.com/watch?v=pfXd4Bl7Vkk

13 (DO_Q4_FILIPINO_10_ARALIN3)
Gabay na tanong:
1. Isa-isahin ang katangiang ipinamalas ng ilang tauhan sa nobela.

2. Ano-anong tunggalian ang naganap sa bawat kabanata ng mga tauhan?


3. Iugnay sa kasalukuyang pangyayari ang ilang pangyayari sa
napanood/nabasang buod ng nobela.
4. Ipaliwanag ang pagkamakatotohanan ng mga pangyayari sa napakinggang
buod ng nobela.

Ang video clip ay mga maikling clip ng video o pelikula, karaniwang bahagi
ng isang mas mahabang pag-record. Ang term na ito ay mas maluwag ding ginamit
upang mangahulugan ng anomang maikling video na mas mababa sa haba ng
isang tradisyonal na programa sa telebisyon.
Tunggalian- isa sa mga elemento ng nobela. Ito’y tumutukoy sa mga isyu at
problema na hinaharap ng mga pangunahing tauhan.
1. Tao laban sa sarili – ito’y uri ng tunggalian na nangyayari sa loob mismo
ng tauhan. Dito, ang pangunahing kalaban ay ang kaniyang sarili at ang
mga problemang internal. Ito’y kadalasan na makikita kapag ang mga
tauhan ay mayroong “internal conflict” o kaya’y nahihirapan sa mga
desisyon.
2. Tao laban sa tao – dito natin makikita ang mga problemang katulad ng
tao laban sa tao. Ang tunggaliang ito ay nagpapakita ng laban ng tauhan
at iba pang tauhan.
3. Tao laban sa lipunan – dito, ang ating mga pangunahing tauhan ay
lumalaban sa lipunan. Halimbawa nito ang pagsuway sa mga alituntunin
ng lipunan o di kaya ay ang pagtakwil sa kultura ng lipunan.
Ang buod ay impormal at bai-baitang na pagsasalaysay ng banghay ng mga
pangyayari. Hindi isinasama rito ang mga di mahahalagang detalye. Malimit itong
ginagamit sa pagsasalaysay ng mga nabasang kwento, nobela, gayundin ang
panonood ng sine, dula at iba pa.
Ito ay maaaring mabuo sa pamamagitan ng paggawa ng isa o higit pang
talata na binubuo ng mga pangungusap. Ito ay naglalayong makatulong sa mga
mambabasa o may-akda upang lubos na maunawaan ang diwa o tema ng isang
seleksyon o isang akda at maisulat ang pangunahing kaisipan ng isang akda
upang higit na mainitindihan.
Mga Hakbang sa Paggawa ng Buod:
1. Basahin, panoorin o pakinggan muna nang pahapyaw ang teskto o
akda.
2. Sa mga nakasulat o episodyo ng isang pinanood o pinakinggan,
tukuyin ang paksang pangungusap o ang pinakatema gayundin ang
mga susing salita o keywords.
3. Pag-ugnay-ugnayin ang mga ideya upang mabuo ang pinakapunto o
tesis.
4. Sulatin na ang buod at tiyakin ang organisasyon ng teksto.
5. Huwag maglagay ng mga detalye, halimbawa at ebidensya.
6. Makatutulong ang signal word o mga salitang nagbibigay-transisyon sa
mga ideya gaya ng gayonpaman at kung gayon bilang pangwakas.

14 (DO_Q4_FILIPINO_10_ARALIN3)
7. Huwag magsingit ng mga opinyon.
Sa pagbubuod ng mga piksyon, tula, kanta at iba pa, maaaring gumawa
muna ng story map o graphic organizer upang malinawan ang daloy ng pangyayari.
Pagkatapos isulat ang buod sa isang talata kung saan ilalahad ang pangunahing
karakter, ang tunggalian at ang resolusyon ng tunggalian.
-mula sa https://brainly.ph/question/772716

Gawain 1: Isulat ang kasalukuyang pangyayaring maiuugnay sa mga


pangyayari sa buhay ni Rizal mula sa documentaryong “Ang Buhay ng
Isang Bayani”. Maaari itong panoorin sa Youtube sa link na:
https://www.youtube.com/watch?v=ALb4ig-8agc
1. Pagpapalit ni Rizal ng kaniyang apelyido
2. Pinagbintangang nanguna sa rebolusyon
3. Pagkamkam ng mga lupain
4. Pagpapahirap sa mga Pilipino ng mga dayuhan
5. Pinahirapan ang pamilya ni Rizal

Gawain 2: Iugnay ang pangyayari sa akda na pumukaw sa iyong kaisipan sa


isang hawig o kaugnay na palabas sa video o sa youtube. Isulat sa
sagutang papel ang mga pangyayari mula sa nabasa at napanood.

Pangyayari sa Akda Napanood sa YouTube


Pagkamkam ng mga taong mayayaman Video: Lupa at Hustisya: Hacienda Luisita
o makapangyarihan sa lupang pag-aari Link: https://www.youtube.com/watch?v=
o pinaghirapang linangin ng iba. 2jyAB7So5Yc
Pangyayari:
Pag-unlad at pagbabago ng buhay dahil Video: The Henry Sy Story-the Father of
sa kasipagan. Philippine Retail.
Link: https://www.youtube.com/watch?v=
4xBsScHEtBw
Pangyayari:
Pagmamalabis ng mga pinunong Video: (Malayang pumili ng video sa youtube.com)
nakaupo Pangyayari:
sa kanilang katungkulan.

Gawain 3: Pumili ng isa sa sumusunod na kaisipan: maling pamamalakad at


pamumuno, mababang pagpapahalaga sa edukasyon, kawalan ng
pakialam sa dapat ipaglaban, panunuhol, at panggigipit. Ilahad ang
epekto nito sa iyong sarili, sa komunidad, sa bansa at sa daigdig.
Maaaring magbigay ng mga sitwasyon o pangyayari na nakikita,
napapanood o nababalitaan.

Ang napili kong kaisipan ay:


Ang epekto nito sa:
Aking Sarili Komunidad Bansa Daigdig

15 (DO_Q4_FILIPINO_10_ARALIN3)
Panuto: Sumulat ng buod ng El Filibusterismo gamit ang pormat sa ibaba.
Bigyang-pansin ang mga pamantayang dapat isaalang-alang sa pagsulat.
Pamagat:
May-akda:
I. Mga tauhan
A. Mahahalagang tauhan
B. Mga katangian/Bahaging ginampanan
II. Mga Pangyayari
A. Pagkakasunod-sunod
B. Pagkamakatotohanan (Mga halimbawa/mga patunay)
III. Uri ng Tunggalian
A. Tao sa tao
B. Tao sa sarili
C. Tao sa lipunan

Pamantayan sa Pagsulat ng Sariling Buod Bahagdan


A. Maayos na pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari 20%
B. Tamang detalye/ impormasyon 20%
C. Wastong mekaniks sa pagsulat (baybay, bantas, wastong pag- 25%
uugnay ng mga pangungusap/talata)
D. May sariling estilo ng pagsulat 20%
E. Madaling maunawaan 15%
Kabuoan 100 %

Tayahin

A. Panuto: Piliin ang letra ng tamang sagot kung anong uri ng tunggalian ang
isinasaad ng bawat bilang at isulat sa sagutang papel.
A. tao laban sa sarili B. tao laban sa tao C. tao laban sa lipunan
1. Ang paglaban ni Kabesang Tales sa kaso tungkol sa pagbayad ng buwis upang
mabawi ang kaniyang lupain ngunit bigo ito, sapagkat ang mga prayle ay
malapit sa gobyerno.
2. Ang pagbabalat-kayo ni Crisostomo bilang si Simoun upang makapaghiganti
na naging malaking balakid sa kaniyang sarili kung paano niya maitatago ang
kaniyang tunay na pagkatao.
3. Ang pandarayang ginawa kay Kabesang Tales ng mga prayle sa pamamagitan
ng buwis.
4. Si Simoun ay uminom ng lason dahil ayaw niyang pahuli nang buhay.
5. “Tama na, Padre. Maaari ninyong lagyan ng guhit ang aking pangalan
hanggang ibig ninyo ngunit wala kayong karapatang umalipusta sa kapwa.
Inyo na ang inyong klase!” wika ni Placido sa kaniyang guro.
B. Panuto: Pumili ng isang kabanata mula sa El Filibusterismo at gumawa ng
pagbubuod gamit ang tamang mekaniks sa pagsulat. Gawin ito sa
sagutang papel.

16 (DO_Q4_FILIPINO_10_ARALIN3)
Halina’t sabay nating pag-aralan ang mga araling nakapaloob sa modyul na
ito.
Sa pagtatapos ng araling ito, ikaw ay inaasahang:
• Natatalakay ang mga kaisipang ito: kabuluhan ng edukasyon, pamamalakad
sa pamahalaan, pagmamahal sa: Diyos, bayan, pamilya, kapwa-tao,
kabayanihan, karuwagan, paggamit ng kapangyarihan, kapangyarihan ng
salapi, kalupitan at pagsasamantala sa kapwa, kahirapan, karapatang
pantao, paglilibang, kawanggawa, paninindigan sa sariling prinsipyo at iba pa
F10PB-IVd-e-89
• Nasusuri ang mga kaisipang lutang sa akda (Diyos, bayan, kapwa-tao,
magulang) F10PB-IVd-e-88
• Naisusulat ang pagpapaliwanag ng sariling mga paniniwala at pagpapahalaga
kaugnay ng mga kaisipang namayani sa akda F10PU-IVd-e-87

Panuto: Piliin kung anong kaisipan ang tinatalakay sa bawat bilang. Isulat sa
sagutang papel ang letra ng tamang sagot.

A. pamamalakad sa pamahalaan I. pagmamahal sa bayan


B. paggamit ng kapangyarihan J. karapatang pantao
C. pagmamahal sa kapwa-tao K. kabayanihan
D. kabuluhan ng edukasyon L. paninindigan
E. pagsasamantala sa kapwa M. kawanggawa
F. pagmamahal sa pamilya N. karuwagan
G. kapangyarihan ng salapi O. paglilibang
H. pagmamahal sa Diyos P. kahirapan
Q. kalupitan

1. Ang edukasyon ay matibay na sandigan upang matamasa natin ang


inaasam nating pagbabago.
2. Ito ay karahasang bunga ng baluktot na pag-iisip.
3. Ang lalim ng paniniwala ng tao sa tama o mali ay isang sensitibong
usapin.
4. Ang walang alinlangan na pagtulong para sa ikabubuti ng kapakanan ng
iba.
5. Maituturing na mapait na katotohanan na natutumbasan ng pera ang
hustisya.
6. Maraming Pilipinong kumakalam ang sikmura.
7. Isang makataong gawain ang tumulong ng walang hinihinging kapalit.
8. Isang modelong gawain ang pagsasakripisyo para sa kapakanan ng
bansa.
9. Ang isang tunay na pinuno ay tapat na nagmamalasakit sa kaniyang
nasasakupan.

17 (DO_Q4_FILIPINO_10_ARALIN4)
10. Hindi sapat ang pagsunod lamang sa sampung utos ng Diyos kundi
dapat itong lakipan ng gawa.
11. Ang pagmamalasakit sa kapakanan ng bayan kahit buhay ang kapalit.
12. Ang posisyon ay ginagamit upang masunod ang pansariling kagustuhan.
13. Ito ay hadlang upang maisakatuparan ang pangarap na hinahangad.
14. Ito ay isang uri ng pag-aaliw sa sarili.
15. Isa itong kakayahan upang ipaglaban ang sarili.

* Pagtalakay sa mga Kaisipan Mula sa El


Filibusterismo
Aralin
* Pagsusuri sa mga Kaisipang Lutang sa Akda
4 * Pagsulat ng Paliwanag sa Sariling Paniniwala
at Pagpapahalaga sa Kaisipan

Panuto: Isulat sa loob ng bahagi ng puzzle kung sino-sino ang mga isinaalang- alang
ni Rizal sa pagsulat ng nobela.
Gabay na tanong: Ano-anong pahayag sa mga
kabanata ng El Filibusterismo na masusuri
ang kaisipan sa Diyos, bayan, kapuwa-tao at
magulang?

Basahin ang mga saloobin at kaisipan ni Rizal.


Mababasa sa akdang El Filibusterismo ang ideya ni Rizal sa
pagrerebolusyon. Dito ay inihayag niya ang pagnanais na magkaroon ng kalayaan at
hustisya para sa bayan. At dahil dito, sa ginawang akda niya ay mas lalong lumakas
ang paniniwala at pagnanais ng mga rebolusyunaryo na labanan ang mga mapang-
abusong kastila.
Ang dakilang layunin ng ating makatang bayani ay ang pag-isahin ang mga
Pilipino upang makamit ang kalayaang ninanais niya at nang lahat. Ang layuning
makamit ang kalayaan ang isa sa kaniyang mga minimithi noon pa man. Ang
layuning magkaroon ng isang bansang Malaya na ngayon ay nakamit na natin mula
sa kamay ng mga mananakop. Isa rin sa mga dakilang layunin ni Rizal ay ang
edukasyon para sa lahat, hindi lamang para sa mga kalalakihan kundi sa lahat.
Ang tungkulin ng anak sa magulang para kay Rizal ay ang mahalin ito at
igalang. Gaya ng kaniyang ipinakita sa kaniyang mga magulang minahal niya nang
lubos ang mga ito at iginalang. Ginawa pa niyang maglakbay sa ibang bansa upang
mag-aral ng medisina upang magamot ang kaniyang maysakit na ina. Dito pa
lamang ay mamamalas na ang kaniyang tapat na pag-ibig para sa kaniyang ina.
Siya’y nagsakripisyo at nagtiis na mamuhay nang mag-isa sa ibang bansa upang
magamot ang kaniyang minamahal na ina.
Hindi man sabihin ay makikita sa mga gawa ni Rizal ang kaniyang marubdob
na pagmamahal sa kaniyang bayan. Makikita ito sa kaniyang mga isinulat at
pagpapahalaga. Inalay niya ang kaniyang buhay upang makamit ang kalayaan ng

18 (DO_Q4_FILIPINO_10_ARALIN4)
bansa mula sa mga mananakop. Dahil dito ay nakamit natin ang kalayaan dahil sa
ginawang sakripisyo ni Rizal. Mula sa “Pamana: Edukasyon sa Wika at Kultura”
Basahin ang mga kaisipan ng kabanata ng El Filibusterismo sa link na,
http://angelfilibusterismo.blogspot.com/p/mga-pahiwatig-ng-ibat-ibang-
kabanata.htm
Pagpapalalim sa mga kaisipan ng kabanata ng El Filibusterismo sa link na,
http://angelfilibusterismo.blogspot.com/p/mga-pahiwatig-ng-ibat-ibang-
kabanata.html

Gawain 1: Suriin kung ano ang nais ipahiwatig ng mga kaisipang lutang sa
akda (Diyos, bayan, kapwa-tao, at magulang).
1. Ang mga kabataan ay masigasig sa kanilang mga balak. Humahanap sila
ng mga paraan upang maisakatuparan ang kanilang mga adhika.
2. Ang pagpapari ni Padre Florentino dahil sa kagustuhan ng ina ay
nagpapakita ng kapangyarihan ng mga magulang sa anak noong unang
panahon.
3. May mga Pilipino ring nagpapahirap sa kapuwa Pilipino.
4. Ang paghahanap ni Huli ng salaping inaasahang ibibigay ng Birhen.
5. Sa pamamagitan ng relihiyon at pananampalataya ay nangyayaring
mapasunod at masakop tayo nang lubusan.
Gawain 2: Pagnilayan ang mga pangyayari mula sa mga binasang kabanata. Piliin
sa loob ng kahon ang kaisipang angkop sa unang hanay at talakayin
ang mga kaisipan na masasalamin hinggil dito.
kabuluhan ng edukasyon kapangyarihan ng salapi kalupitan
karuwagan paninindigan sa sariling prinsipyo
pagmamahal sa pamilya pagsasamantala sa kapuwa

Pangyayari sa Nobela Kaisipan Paliwanag


1. Sa ibaba ng kubyerta, naroon ang mukhang
kayumanggi, indio, Intsik at mestizo kasama
ang mga baul at kalakal.
2. Humihithit ng mahahabang tabako habang
nakamasid sa tanawin ang nakasuot ng
Europeo, mga prayle at mga opisyal na nasa
taas ng bapor.
3. Matimping pumapayag si Kabesang Tales na
buwisan sa sariling lupa ng mga ganid na
prayle.
4. Tuwing naririnig ni Kabesang Tales ang
sinasabi ng anak tungkol sa pag-aaral ni Basilio
sa Maynila ay laging sinasabi sa anak, “Sa
susunod na taon ipadadala kita sa Maynila,
bihis na bihis tulad ng kadalagahan sa bayan”.
5. “Ngayon naman ang hinihingi ko sa kaniya ay
katarungan at kailangang ibigay niya ito sa
akin”, wika ni Tales.
Gawain 3: Isulat ang pagpapaliwanag ng sariling mga paniniwala at
pagpapahalaga kaugnay ng mga kaisipang namayani sa akda.
1. “Kung ako’y matanda na at lumingon sa aking kabataan, na walang
nagawa para sa bayan, ang puting buhok ko ay magsisilbing tinik sa
akin.”

19 (DO_Q4_FILIPINO_10_ARALIN4)
2. “Sa pagpupunyagi nakukuha ay pagwawagi.”
3. “Sinoma’y hindi maaaring matalo.”
4. “Hindi masasayang ang iyong paghihirap, sa halip ay makatutuklas tayo
nang hindi pa natutuklasan ninoman.”
5. “Ang kadakilaan ng tao ay wala sa pagpapauna ng kaniyang panahon
kundi nasa pagtugon ng kaniyang hangarin at pangangailangan. ”

Panuto: Sumulat ng isang maikling spoken word poetry na nagpapaliwanag


ng sariling paniniwala at pagpapahalaga kaugnay ng mga kaisipang
namayani sa akda. Sundin ang pamantayang ibibigay ng guro para
sa pagmamarka ng iyong mabubuo.

Panuto: Isulat sa sagutang papel kung ang kaisipang tinatalakay ay: kabuluhan ng
edukasyon, pamamalakad sa pamahalaan at pagmamahal sa Diyos,
bayan, pamilya, kapuwa-tao, kabayanihan, karuwagan, paggamit ng
kapangyarihan, kapangyarihan ng salapi, kalupitan at pagsasamantala
sa kapuwa, kahirapan, karapatang pantao, paglilibang, kawanggawa, at
paninindigan sa sariling prinsipyo.
1. “Balikan natin ang balak na pagtatag ng akademya para sa pagtuturo ng
wikang Kastila.”
2. Masiglang- masigla sa dulaan. Punong-puno ito ng mga tao.
3. Maganda ang adhikain nina Basilio, Isagani at iba pang kabataan. Naihanda
na nila ang lahat at naghihintay na lamang ng pagsang-ayon ng kinauukulan.
4. “Napaglingkuran at pinaglilingkuran ko ang hari sa pamamagitan ng aking
salapi at lakas. Ngayon naman ang hinihingi ko ay katarungan at kailangan
niyang ibigay ito sa akin.”
5. Ang nagsasaka ay sugatan ang mga paang nakaapak sa bato habang ang
prayle ay nakasakay sa karwaheng sinusundang parang alipin ng kapalit.
6. Sa tuwing lalabas siya ay nag-aalala ang ama at si Juli sa kanyang buhay.
7. Ang kalagayan ng pasahero sa ilalim ng palapag ng bapor ay mainit, masikip,
at mahirap ang kondisyon ng paglalakbay.
8. Ang dapat niyang isaisip ay maligtas ang buhay ng maysakit.
9. Ipinalalagay nila na ang kaniyang pagkakabilanggo ay bunga ng paghihiganti
ng mga prayle dahil sa pagkakatubos sa pagpapaalila ni Juli.
10. Nang pagsaulan ng malay ang dalaga, matapos sampalin, kurutin, wisikan
ng malamig na tubig, gamitan ng krus at palaspas na bendita.
11. May kagaspangan ang pag-uugali ng hukom tagapapamayapa. Ngunit ito’y
bubuti kapag nakita si Juli. “Huwag! Huwag!” ang samo ng natatakot na dalaga.
12. Nagbanta ang mga itong papatayin ang bihag kung mahuhuli sa dalawang
araw ang pagbibigay ng perang pantubos.
13. Nagulantang ang lahat sa balitang ang mga makabagong mag-aaral ang
utak ng mga pagpapaskil ng mapaghimagsik na poster sa unibersidad.
14. “A, ibig din niyang mamatay. Iwanan ng isang dakilang pangalan ang
kaniyang bayan.”
15. Si Kabesang Tales ay may paniniwalang na nilika tayong hubad kaya
ganon din tayo mamamatay.

20 (DO_Q4_FILIPINO_10_ARALIN4)
Halina’t sabay nating pag-aralan ang mga araling nakapaloob sa modyul
na ito.
Sa pagtatapos ng araling ito, ikaw ay inaasahang:
• Naipahahayag ang sariling paniniwala at pagpapahalaga kaugnay ng mga
kaisipang namayani sa akda F10PN-IVd-e-85
• Naiuugnay ang kaisipang namayani sa pinanood na bahagi ng binasang akda
sa mga kaisipang namayani sa binasang akda F10PD-IVd-e-83
• Naipahahayag ang sariling paniniwala at pagpapahalaga gamit ang angkop na
mga salitang hudyat sa paghahayag ng saloobin/damdamin
F10WG-IVd-e-80

Panuto: Magbigay ng sariling paniniwala at pagpapahalaga kaugnay ng mga


pangyayari sa nobela. Lagyan ng tsek ( ) kung ikaw ay sumasang-ayon o
di-sumasang-ayon at ipaliwanag ang bawat pagpili. Gawin ito sa sagutang
papel.

Pangyayari Sumasang- Di- Paliwanag


ayon sumasang-
ayon
1. Naisip ni Donya Victorina na maging
asawa si Juanito kapag namatay ang
kaniyang asawa.
2. Ang mabuting pangangatawan ay
naghahatid ng masayang isipan at ang
kaligayahan ay nagpapabuti sa tao.
3.Nakita ni Ben Zayb ang bangkay ng
Pilipinang hinalay malapit sa tanggulan ng
siyudad subalit ipinagkibit-balikat lamang
niya at hindi inilathala ang sinapit ng
babae.
4.Hindi kinakailangang matamo ang
kalayaan sa pamamagitan ng sandata. Ang
espada ay di na gaanong kasangkapan sa
mga bagong kabuhayan.
5.“Mapalad akong mamamatay kung isang
araw sa iyong mata ang pagmamalaki.
Sasabihin sa mundo, ang aking mahal ay
namatay na nagtatanggol sa mga karapatan
ng aking bayan.

21 (DO_Q4_FILIPINO_10_ARALIN5)
* Pagpapahayag ng Sariling Paniniwala at
Pagpapahalaga sa mga Kaugnay na mga
Kaisipang Namayani sa Akda
* Pag-uugnay ng Kaisipang Namayani sa
Aralin
Pinanood na Bahagi ng Akda
5 * Pagpapahahayag ng Sariling Paniniwala at
Pagpapahalaga Gamit ang Angkop na Salitang
Hudyat sa Pagpapahayag ng
Saloobin/Damdamin

Panuto: Magbigay ng sariling paniniwala at pagpapahalaga kaugnay ng mga


pangyayari sa nobela. Gawin ito sa sagutang papel.
1. Gustong tulungan ni Juli si Basilio sa pagkakakulong ngunit ang tanging
paraan ay kapalit ng kaniyang puri.
Paano mo babaguhin ang sitwasyon upang hindi mapahamak si Juli?
2. Naramdaman ni Simoun ang buong pusong pagsuporta sa kaniya ni
Basilio na maghiganti dahil sa mga hindi magagandang pinagdaanan nito.
Bakit kaya napapayag ni Simoun si Basilio kahit alam niyang labag sa
mata ng batas at mata ng Diyos ang gagawin?
3. Sa wakas ng nobela, nabigo si Simoun dahil mapapansin natin na
maganda ang kaniyang layunin sa kaniyang paghihiganti ngunit baluktot
ang pamamaraan.
Ano kaya ang nais ipahiwatig ng ganitong klaseng sitwasyon sa buhay ng
tao?

Basahin at unawain ang buod ng El Filibusterismo na matatagpuan sa Aralin 7.


Panoorin sa youtube ang pelikulang “Heneral Luna” na makikita sa link na,
https://www.youtube.com/watch?v=SYWo6FoVacY.
Ang mga hudyat na ito ay maaaring gamitin sa ating mga pahayag para
maipahatid ang ating paniniwala at pagpapahalaga.

sa pakiwari ko... sa aking pananaw... base sa aking karanasan...


sa pagkakaintindi ko... aminado ako na.... kung hindi ako nagkakamali...
ako ay sigurado na... hindi ko maitatatwa na... sa nakikita ko...

Gawain 1: Punan ng bahagi ng nobela at pelikula ang sumusunod na batayan.


Gawin ito sa sagutang papel.

Batayan ng Pag-uugnay El Filibusterismo Heneral Luna


Paksa

22 (DO_Q4_FILIPINO_10_ARALIN5)
Mensahe
Sariling Paniniwala
Kaisipan
Gawain 2: Ipahayag sa sagutang papel ang iyong sariling paniniwala at
pagpapahalaga sa mga kaisipang namayani sa akda.
1. “Ang mga matatanda ay lagi nang nakaiisip ng hadlang sa lahat ng mga bagay.
Kahit na anong mungkahi sa kanila ang nakikita ay ang mga hadlang at hindi
ang kabutihan.”
2. “Ang pagpili sa makapagbibigay ng marangya kaysa sa simpleng buhay.
3. “Ang tubig ay nagiging singaw kapag ito’y inapuyan. Ito’y magiging delubyo
kung ang lahat ng maliliit at hiwa-hiwalay na ilog ay nagsama-samang
bumuhos dahilan sa udyok ng kasawian sa banging hinuhukay ng tao.”
4. “Mabuti na pag-aralan mo na lang ang paglalagay ng plaster, at huwag na
hindi mo pagbutihin!’ Pag natanggap mo ang iyong titulo sa pagtatapos ay
mag-asawa ka na.”
5. “Ang pamahalaan ay nagbibigay ng ating pangunahing pangangailangan kahit
di pa natin hinihiling at hindi tayo puwedeng humiling sapagkat ang humingi
ay para bang nagkukulang sa kaniyang tungkulin ang pamahalaan.”
Gawain 3: Ipaliwanag ang mensahe ng kaisipan batay sa binasang nobela at
napanood na pelikula. Gawin ito sa sagutang papel.

“Sino ang kikibo kung hindi tayo kikibo?


Sino ang kikilos kung hindi tayo kikilos?
Kung hindi ngayon, kalian pa?”-Abraham Sarmiento, Jr.

EL FILIBUSTERISMO HENERAL LUNA

REALISASYONG AKING NATUTUHAN

Gawain 4: Pumili ng 5 kabanatang higit na pumukaw sa iyong interes ang


kaisipan. Ibigay ang kaisipan sa kabanata at ipaliwanag ang
sariling paniniwala at pagpapahalaga gamit ang angkop na mga
salitang hudyat sa paghahayag ng saloobin/ damdamin. Gawin sa
sagutang papel.
Kabanata # Kaisipan Paliwanag at
pagpapahalaga

Panuto: Ihayag ang sariling paniniwala at pagpapahalaga gamit ang angkop na


mga salitang hudyat sa paghahayag ng saloobin/ damdamin sa
pamamagitan ng talumpati. Iayon ang iyong bubuoing talumpati sa
paksa gayundin sa pamantayan na inihanda ng guro. Kuhaan ng video
ang iyong gagawing talumpati at ipasa sa iyong guro para sa
pagmamarka.
Paksa: “Naglalaho sa loob ng klase ang mga hadlang na itinatago ng politika
upang hatiin ang mga lahi, natutunaw wari sa alab ng kaalaman at kabisaan.”-
Dr. Jose Rizal.

23 (DO_Q4_FILIPINO_10_ARALIN5)
Panuto: Lagyan ng tsek (/) ang patlang kung ang kaisipan ay parehong
namayani sa pinanood na bahagi ng binasang akda at sa mga
kaisipang namayani sa binasang akda. Gawin sa sagutang papel.
_____1. Mas madali pang pagkasunduin ang langit at lupa kaysa ang mga
Pilipinong nag-uusap sa alinmang bagay.
_____2. Mayroong mga Pilipinong iniisip pa ang sariling interes kahit na
inaalipin ang sariling bayan.
_____3. Dugo at pawis ang kabayaran upang makamit ang kalayaan.
_____4. Ang tagumpay ng Pilipinas ay nasa pagsisiyasat ng armas.
_____5. Isang malaking karangalan ang ipagtanggol ang Inang bayan.
_____6. Hindi lahat ng Pilipino ay kaisa sa pagtatanggol ng bayan.
_____7. Karuwagan ang sandata upang makamtam ang kasarinlan.
_____8. Lahat ng Pilipino ay may kakayahang para sa kapakanan ng kapuwa
at bayan kung gugustuhin lamang.
_____9. Higit na makabubuti kung uunahing ayusin ng mga Pilipino
ang sariling layunin o paraan bago harapin ang problema laban sa
mga dayuhan.
_____10. Ang totoong kaaway ng Pilipino ay ang sarili niya.

Halina’t sabay nating pag-aralan ang mga araling nakapaloob sa


modyul na ito.
Sa pagtatapos ng araling ito, ikaw ay inaasahang:
• Naipaliliwanag ang kahulugan ng mga salitang hiram sa wikang Espanyol
F10PT-IVg-h-85
• Naisasaad ang pagkamakatotohanan ng akda sa pamamagitan ng pag-
uugnay ng ilang pangyayari sa kasalukuyan F10PU-IVg-h-88
• Naisusulat ang maayos na paghahambing ng binuong akda sa iba pang
katulad na akdang binasa F10PB-IVh-i-92
• Nagagamit ang angkop na mga salitang naghahambing F10WG-IVg-h-81

24 (DO_Q4_FILIPINO_10_ARALIN6)
A. Panuto: Tukuyin ang kahulugan ng mga salitang Espanyol mula sa Hanay A.
Piliin ang ang wastong kahulugan mula sa Hanay B. Isulat ang letra
ng tamang sagot.
Hanay B
Hanay A
A. isang upuang may patungan ng
_____1. Anasan mga kamay
_____ 2. Kondesa B. helmet o pananggalang sa ulo
_____ 3. Silyon C. servants o tagapaglingkod
D. pag-uusap sa mahinang boses;
_____ 4. Capista
bulong-bulungan
_____ 5. Cura Parroco
E. tawag sa asawa ng konde
_____ 6. Kopa F. punong pari sa parokya
_____ 7. Piging G. tagapaghatid
_____ 8. Servantes H. isang tao na ipinag-utos ng
_____ 9. Kapasete pamahalaan na naninirahan sa
_____ 10. Konsul ibang bansa para maging
kinatawan ng kanyang bansa.
I. handaan
J. goblet o lagayan ng inumin

* Pagpapaliwanag sa Kahulugan ng mga Salitang


Hiram sa Wikang Espanyol
* Pagsasaad ng Pagkamakatotohanan ng Akda sa
Pamamagitan ng Pag-uugnay ng Ilang
Aralin Pangyayari sa Kasalukuyan
6 * Pagsulat nang Maayos sa Paghahambing ng
Binuong Akda sa Iba pang Katulad na Akdang
Binasa
* Paggamit ng angkop na mga salitang
naghahambing

Panuto: Ipaliwanag ang kahulugan ng piling pahayag sa loob ng kahon at iugnay


ito sa kasalukuyan.
“Ang kalayaan ay katambal ng tao at ang karunungan ay
kaakibat ng talino”

Kahulugan ng Pahayag Pag-uugnay sa kasalukuyan

25 (DO_Q4_FILIPINO_10_ARALIN6)
Basahin at unawain ang kahulugan at uri ng paghahambing.
Ang paghahambing ay paglalarawan ng antas o lebel ng katangian ng bagay,
hayop, ideya, pangyayari, at tao. Ang layunin nito ay magbigay ng malinaw na
paglalahad ukol sa pagkakatulad o pagkakaiba ng dalawang bagay na inihahambing.
Dalawang Uri ng Paghahambing:
A. Magkatulad B. Di - Magkatulad
Ang paghahambing na magkatulad ay ginagamit sa tuwing ang inihahambing
ay may parehong antas o katangian. Ito ay karaniwang ginagamitan ng mga
katagang kasing, sing, kapuwa, at magkapareho.
Ang paghahambing na di-magkatulad ay ginagamit sa tuwing ang
inihahambing ay may magkaibang antas o katangian.
Dalawang Uri ng Di-Magkatulad na Paghahambing:
A. Pasahol B. Palamang
Ang paghahambing na pasahol ay uri ng di-magkatulad na paghahambing na
ginagamit kapag ang inihahambing ay mas maliit kaysa sa pinaghahambingan. Ito
ay karaniwang ginagamitan ng mga katagang lalo, di-gaano, di-gasino, di-lubha, at
di-totoo.
Ang paghahambing na palamang ay uri ng di-magkatulad na paghahambing
na ginagamit kapag ang inihahambing ay mas malaki o nakahihigit sa
pinaghahambingan. Ito ay karaniwang ginagamitan ng mga katagang di-hamak,
higit, at labis.
- Mula sa https://philnews.ph/2020/03/05/dalawang-uri-ng-paghahambing-
mga-halimbawa-at-kahulugan/
Gabay na tanong:
1. Ano ang kahalagahan ng pag-aaral ng paghahambing?
2. Bilang mag-aaral, sa papaanong paraan mo magagamit ang dalawang uri ng
paghahambing?

Gawain 1: Ibigay ang kahulugan ng salitang may salungguhit mula sa piling bahagi
ng nobela at gamitin ito sa makabuluhang pangungusap. Isulat ang sagot
sa sagutang papel.
1. Ipinaliwanag nang mabuti ni Isagani ang kaniyang pakay habang dinarama
ang magiging dulot ng kaniyang pananalita sa kausap.
2. “Hindi ko alam kung talos mo o hindi ang aking katungkulan; ito ay lubhang
maselan. Marami akong kagustuhan. Dapat akong gumawa nang may buong
ingat; ito ay malaking kahihiyan.”
3. Ang pamahalaang ito ay puro kabalintunaan. Ang pamahalaan ay nagbibigay
ng ating pangunahing pangangailangan kahit hindi pa natin hinihiling at
hindi tayo pwedeng humingi.
4. “Mangyayari ring makatagpo tayo ng mga pinunong palalo, at mahangin
ang… ngunit may ibang katwiran… kahit na ang hinihingi at karapat-dapat…
ang pamahalaan ay may ibang palakad.”
Gawain 2: Itala ang mga mahahalagang pangyayari sa kabanata at bigyang-patunay
na nagaganap pa rin ito sa kasalukuyang kalagayan ng ating lipunan.

26 (DO_Q4_FILIPINO_10_ARALIN6)
Gayahin ang pormat sa sagutang papel.

PANGYAYARI SA KABANATA PANGYAYARI SA KASALUKUYAN

Inilahad sa kabanata XXVII na ang mga Hanggang sa kasalukuyan, may mga


prayle ang namumuno at may paaralan pa rin sa ating bansa na
karapatang magturo sa mga mag-aaral pinamumunuan ng mga pari at may
na Pilipino. mga paring nagtuturo pa rin sa

___________________________________ ____________________________________

Gawain 3: Paghambingin ang nobelang El Filibusterismo sa iba pang nabasang


akda gamit ang grapiko sa ibaba.
El Filibusterismo
Iba pang akda

Paksa

Nilalaman

Mahahalagang pangyayari

Wakas

Panuto: Ilahad ang mga kaisipang nakapaloob sa akda sa sumusunod na salita.


Iugnay ito sa kasalukuyang pangyayari sa paaralan at sa lipunan

PANGYAYARI SA NOBELA

Paaralan Lipunan
_____________________________ _____________________________
_____________________________ _____________________________
__________________________

A. Panuto: Tukuyin ang kasing-kahulugan ng mga salitang may salungguhit sa loob


ng pangungusap. Isulat ang letra ng tamang sagot sa sagutang papel.
1. Uriin mong mabuti ang mga nakakasalamuha mo sa iyong paglalakbay.
A. amoyin C. kumustahin
B. kilatisin D. usisain

27 (DO_Q4_FILIPINO_10_ARALIN6)
2. Nakita ko ang upaw ng matandang naglalakad sa kalsada.
A. kalbo C. mahabang buhok
B. panot D. maikling buhok
3. Nagmaang-maangan ang bata sa kasalanang kaniyang ginawa.
A. nautal-utal C. nagpapanggap na alam
B. napailing-iling D. nagkukunwaring walang alam
4. Sumuong sa panganib ang mga sundalo sa pakikipaglaban sa mga rebelde.
A. lumubog C. sumabak
B. nakikipagtalo D. umatras
5. Ang pangangayupapa ng pagpapakita ng pagkakaroon ng magandang pag-
uugali.
A. pagmamataas C. pagpapaubaya
B. pagmamalabis D. pagpapakumbaba
B. Panuto: Isulat sa patlang ang “P” kung ang paghahambing sa pangungusap ay
magkatulad at “PD” kung ang paghahambing ay di-magkatulad. Isulat
ang tamang sagot sa sagutang papel.
____ 1. Higit na maraming mag-aaral ang nakilahok sa paligsahan ngayon
kaysa nakalipas na taon.
____ 2. Si Rene ay di-gasinong masipag na gaya ni Ramil.
____ 3. Si Chester ay kasinggaling ni Danilo sa pagsayaw.
____ 4. Ang nakita naming buwaya sa lawa ay kasinlaki ng bangka.
____ 5. Ang pagsusulit natin ay di-lubhang mahirap na tulad ng nakaraang
pagsusulit.
____ 6. Kasimbata ng anak mo ang pamangkin ko.
____ 7. Ang ani ng mga magsasaka ay mas masagana ngayon kaysa
nakaraang taon.
____ 8. Di-hamak na malawak ang lupain niya kaysa bukid ni Mang Dionisio.
____ 9. Ang magkaibigan ay magkasintangkad.
____ 10. Gabutil ng mais ang yelong umulan sa Iloilo.

Ang modyul na ito ay dinisenyo at isinulat na ikaw ang nasa isipan. Ito ay nilikha
upang ikaw ay maging bihasa sa asignaturang Filipino. Ang saklaw na kaalamang
taglay ng modyul ay magagamit sa ibang larang ng buhay. Ang wikang ginamit ay
madaling maunawaan at angkop sa lebel ng iyong pagkaunawa. Ang mga gawain ay
inihahanda upang mapalalim ang iyong kaalaman. Matapos masagutan ang modyul
na ito, ikaw ay inaasahang:
• Nasusuri ang tauhan na may kaugnayan sa: mga hilig/interes
kawilihan/kagalakan/ kasiglahan /pagkainip/ pagkayamot; pagkatakot;
pagkapoot; pagkaaliw/ pagkalibang at iba pa F10PU-IVg-h-88
• Nasusuri ang nobela batay sa pananaw/ teoryang: romantisismo,
humanismo, naturalistiko at iba pa F10WG-IVg-h-81
• Nabibigyang-pansin ang ilang katangiang klasiko sa akda F10PB-IVi-j-94
• Nabibigyan ng kaukulang pagpapakahulugan ang mahahalagang pahayag
ng awtor/ mga tauhan F10PT-IVi-j-86
• Naisusulat ang paglalarawan ng mahahalagang pangyayari sa nobela na
isinaalang-alang ang artistikong gamit ng may-akda sa mga salitang
panlarawan F10PU-IVi-j-89
• Nagagamit ang angkop at masining na paglalarawan ng tao, pangyayari at
damdamin F10WG-IVg-h-82

28 (DO_Q4_FILIPINO_10_ARALIN7)
Panuto: Isulat sa sagutang papel ang letrang tinutukoy ng mga pahayag sa bawat
bilang.
Sinang: “Tama kayo, ginoo, brilyante, matatandang brilyante, mga antigong bato, alam na ninyo ang
ibig kong sabihin.”.

1. Sa pahayag, alin sa sumusunod ang nagpapamalas ng kinawiwilihan ng


tauhan?
A. Pagkagiliw sa mga lumang bagay.
B. Pagkahilig sa iba’t ibang uri ng bato.
C. Pagkamangha sa mga mamahaling bagay.
D. Pagkahilig sa mga alahas na may mamahaling bato.

Padre Salvi: “Iyan ay sulat-kamay niya!” Sulat-kamay ni Ibarra!”

2. Sa pahayag ni Padre Salvi, alin sa sumusunod ang kaniyang kinatatakutan?


A. Ang pangalang Ibarra.
B. Ang sulat-kamay ni Ibarra.
C. Ang pagmumulto ni Ibarra.
D. Ang muling pagbabalik ni Ibarra.

Ipinagbili ng mga Kastila ang lupain nina Kabesang Tales nang sila ay hindi makapagbayad
ng buwis.
3. Alin sa mga teoryang nasa ibaba ang angkop sa pangyayaring nasa loob ng
kahon?
A. Teoryang Realismo
B. Teoryang Humanismo
C. Teoryang Naturalismo
D. Teoryang Romantisismo

Nilait ni Hermana Penchang si Juli sapagkat aniya ay hindi marunong magdasal si Juli.

4. Halaw sa pangyayari, alin sa sumusunod ang angkop na teorya?


A. Teoryang Markismo
B. Teoryang Sosyolohikal
C. Teoryang Romantisismo
D. Teoryang Eksistensyalismo

Walang kamatayan ang pag-ibig ni Simoun sa kaniyang kasintahang si Maria Clara.


Labintatlong taon siyang nagtiis at nagpunyagi upang makabalik at mailigtas ang dalaga sa
kaawa-awang kalagayan niya.

5. Mula sa pangyayari, ano ang katangiang klasikong nasalamin?


A. pagkapayak
B. pagkamarangal
C. pagkasunod-sunod
D. pagkakaroon ng hangganan

29 (DO_Q4_FILIPINO_10_ARALIN7)
* Pagsusuri sa mga Tauhan
* Pagsusuri sa Nobela Batay sa Pananaw o
Teorya
* Pagbibigay-pansin sa Katangiang Klasiko ng
Akda
Aralin
* Pagbibigay ng Kaukulang Pagpapakahulugan
7
sa Mahahalagang Pahayag
* Pagsulat ng Paglalarawan sa Mahahalagang
Pangyayari sa Nobela
* Paggamit ng Angkop at Masining na
Paglalarawan

Panuto: Basahin ang buod ng nobelang “El Filibusterismo” at sagutin ang mga gabay
na tanong.
Sa pagpapatuloy ng kuwento ni Ibarra, na ngayon ay nagbabalatkayong si
Simoun, sa unang kabanata ay ipinakita ang paglalakbay ng isang bapor sa pagitan
ng Laguna at Maynila. Lulan nito si Simoun na nagpakilalang mag-aalahas, si
Isagani, at si Basilio.
Labintatlong taon ang nakalipas nang mamatay sina Sisa at Elias ay naging
isang estudyante si Basilio. Nang minsang dalawin ang puntod ng inang si Sisa,
nakita niya si Simoun sa libingan ng mga Ibarra. Dito niya nabistong si Simoun ay
si Ibarra. Tinutukan ni Simoun ng rebolber si Basilyo. Inaya na lamang niya si
Basilio na sumama sa kaniyang paghihiganti sa mga Espanyol ngunit sabi ng binata
ay abala siya sa kaniyang pag-aaral. Inayang muli ni Simoun si Basilio na
maghiganti at lumusob sa kumbento kung saan naroon si Maria Clara. Umayaw
muli si Basilio at hindi naisakatuparan ang misyon dahil yumao na rin si Maria
noong hapon ng sana ay paglusob.
Hiniling ng mga mag-aaral sa Kapitan Heneral, na abala sa pagsasabong, na
makapagpatayo ng Akademya ng Wikang Kastila ngunit hindi ito napagbigyan dahil
mga prayle ang mamumuno. Upang malimot ang pagkabigong natamo, nagdaos ng
salosalo ang mga mag-aaral sa Panciteria Macanista del Buen Gusto. Mainit ang
talakayan sa hapag at panay pagtuligsa sa mga prayle. Kinabukasan, natagpuan
ang mga paskil sa tarangkahan ng paaralan na may temang paghihimagsik at
ibinintang ito sa mga mag-aaral. Hinuli ang ilan sa kanila at napasama si Basilio.
Nagdamdam ang kasintahan ni Basilio na si Juli. Inasikaso ng mga kamag-anak ang
ibang mag-aaral upang makalaya habang naiwan sa piitan si Basilio. Gumawa ng
paraan si Juli at nakiusap kay Padre Camorra ngunit wala itong nagawa.
Nagpatihulog si Juli sa durungawan ng kumbento. Ito ang dahilan ng pagkasawi ng
dalaga habang naiwan sa kulungan si Basilio.
Nakipagsosyo naman si Simoun ng kaniyang negosyo kay Timoteo Pelaez na
ama ni Juanito. Naipagkasundo naman ng kasal si Juanito sa dalagang si Paulita
Gomez. Sa nakatakda nilang kasal ay magiging ninong ang Kapitan Heneral.
Nakapag-anyaya rin ang negosyante ng mga matataas na tao sa pamahalaan at iba
pang mayayaman upang dumalo sa gagawing piging.

30 (DO_Q4_FILIPINO_10_ARALIN7)
Matapos naman ang dalawang buwang pagtitiis sa bilangguan kahit wala
namang pagkakasala ay nakalabas si Basilio sa tulong na rin ni Simoun. Batid
niyang kapag natulungan niya itong makalaya ay aanib ito sa kaniyang mga plano.
Hindi naman siya nabigo. Nang makalaya sa piitan ay agad na nagtungo si Basilio
kay Simoun upang makianib sa gagawing paghihimagsik nito. Agad na ipinaalam ni
Simoun kay Basilio ang kaniyang mga plano. Kabilang dito ang ginawa niyang
pampasabog o bomba na nakabalatkayo bilang isang lampara. Kasing-laki ito ng ulo
ng tao. Ihahandog raw ni Simoun ang lamparang pampasabog sa gagawing kasal
nina Juanito at Paulita Gomez. Ayon kay Simoun, ipalalagay niya ang lampara sa
gitna ng isang kiyosko na ipasasadya niya raw ang pagkakagawa. Planado ni Simoun
ang pagkakalikha sa ilawan. Ayon sa kaniya, tatagal ang liwanag nito ng
dalawampung minuto at pagkaraan ay lalamlam. Kapag tinangkang muling pailawin
ang lampara ay puputok ang kapsula sa loob na fulminato de mercurio. Kasabay nito
na sasabog ang granada at mawawasak ang kiyoskong kinalalagyan nito. Kapag
sumabog ang lampara ay walang sinoman sa loob ng pagdarausan ng pagtitipon ang
makaliligtas. Magiging hudyat din ang pagsabog ng lampara ng pag-uumpisa ng
paghihimagsik ng mga inaapi sa pangunguna ni Simoun.
Sa mismong araw ng kasal, bandang ikapito ng gabi ay naroroon si Basilio sa
labas ng bahay na pagdarausan ng salo-salo. Hindi siya mapakali at balisa. Habang
si Simoun naman ay agad na bumaba mula sa bahay at lumisan dahil naroon na
ang lampara na ilang sandali na lamang ay sasabog na. Dumating si Isagani, ang
dating kasintahan ni Paulita. Sinabihan ito ni Basilio na lumisan ngunit hindi ito
nakinig. Ibinunyag ni Basilio ang plano kay Isagani ngunit hindi naman nakinig ang
binata. Maya-maya pa ay humihina na ang liwanag ng lamparang handog ni Simoun.
Hindi mapakali ang Kapitan Heneral kaya ipinakiusap niya kay Padre Irene na itaas
ang mitsa. Pumasok sa isip ni Isagani ang sinabi ni Basilio kaya naman agad niyang
kinuha ang lampara. Nagtungo siya sa asotea at inihagis sa ilog upang doon
sumabog. Nabigo ang plano ni Simoun at hindi natuloy ang nakaplanong
paghihimagsik matapos ang sana’y pagkitil sa mga tao sa pagtitipon ng pagsabog.
Dali-daling tumakas si Simoun dahil sa planong hindi na matutuloy. Tumakas siya
sa bahay ni Padre Florentino. Nagtungo siya sa daungan at binaybay ang karagatang
Pasipiko. Agad na nakalayo si Simoun ngunit sugatan naman siya at parang
nanghihina na. Sugatang dumating si Simoun sa lugar nina Padre Florentino.
Ipinaliwanag niyang ang mga sugat niya ay bunga lamang daw ng hindi niya pag-
iingat. Sinabi rin ni Simoun na nais niya lang daw ay magpaalaga kay Dr. De
Espadaña at ayaw magpadala sa mga pagamutan dahil sa pangambang mahuli siya
ng mga tumutugis sa kaniya. Napag-isip ang pari sa totoong motibo ni Simoun. Nang
pumasok ang pari sa silid ni Simoun upang kausapin, napag-alaman niyang
uminom na pala ng lason si Simoun. Tinangka pa ng pari na hanapan ng lunas ang
lason ngunit tumanggi na si Simoun. Dahil alam na ni Padre Florentino na hindi na
magtatagal si Simoun, dinasalan na niya ito at hinayaang mangumpisal. Dito ay
ipinagtapat ni Simoun ang tunay niyang pagkatao. Isinalaysay ni Simoun ang
kaniyang naging buhay, kung paanong ang dating makapangyarihang si Ibarra ay
nawalan ng kayamanan, kredibilidad, at mga koneksiyon. Maya-maya pa ay
nalagutan na ng hininga si Simoun. Ipinagdasal ito ng pari para sa kapayapaan ng
kaniyang kaluluwa. Hinagis naman ni Padre Florentino ang mga alahas ni Simoun
sa dagat.
Gabay na tanong:
1. Ano-ano ang mga katangiang klasikong nasalamin sa nobela?
2. Bakit teoryang sosyolohikal ang isa sa mga teoryang nasalamin sa nobela?
3. Paano mo ilalarawan ang pangunahing tauhang si Simoun?
4. Masining na ilarawan ang pagmamahal ni Isagani kay Paulita Gomez.

31 (DO_Q4_FILIPINO_10_ARALIN7)
Teoryang Pampanitikan
Isang sistema ng mga kaisipan at kahalagahan ng pag-aaral na naglalarawan
sa tungkulin ng panitikan, kabilang ang layunin ng may-akda sa pagsulat at layunin
ng tekstong panitikan na ating binabasa.
Uri ng Teoryang Pampanitikan
Teoryang Romantisismo
Ang namamayani sa pananaw na ito ay emosyon o likas-kalayaan. Pinaiiral
dito ang sentimentalismo at ideyalismo. Higit na pinahahalagahan ang damdamin
kaysa ideyang siyentipiko. Sa pagdulog na ito, matutuklasan ang pagtinging moral,
intelektwal at espiritwal. Ang teoryang romantisismo ay karaniwang naglalarawan
ng mga sitwasyong nagaganap sa pang-araw-araw na buhay. Inaasahang ang lahat
ng tauhan ay magiging huwaran, maharlika at pawang mabubuti ang inilalarawan.
Pananaw Romantisismo
1. Nananalig sa Diyos, sa katuwiran at kalikasan ang teoryang ito.
2. Inspirasyon ang pangunahing kasangkapan upang mabatid ang
katotohanan, ang kabutihan at ang kagandahan.
3. Makatao, demokratiko at mapagsulong sa ikagagaling ng lipunan ang
paniniwala ng mga romantiko.
4. Tampok ang mga sumusunod bilang nilalaman ng panitikan:
a. Karakter na supernatural o romantiko
b. Sitwasyong pang-araw-araw o karaniwang pamunuhay
c. Mababa o kanayunang buhay
d. Mga paksang kinuha sa matandang Gresya at Roma, Panggitnang
Panahon
Teoryang Humanismo
Ang pananaw na ito ay nagbibigay-halaga sa tao dahil ang tao ang sentro ng
daigdig, ang sukatan ng bagay at panginoon ng kanyang kapalaran.
Pananaw Humanismo
1. Ang tao at ang kanyang saloobin at damdamin ang pangunahing paksa.
2. Pinahahalagahan ang kalayaan ng isipan, ang mga natatanging talino –
kakayahan at kalikasan ng tao.
3. Para sa humanista ang panitikan ay kailangang
a. Isulat nang mahusay sa isang lenggwaheng angkop lamang sa
genre nito
b. May magkakaugnay na balangkas at may kagandahang anyo
c. Nakawiwili at nagbibigay-kasiyahan sa mambabasa
d. Nagpapahalaga sa katotohanan ng tula (poetic truth)
e. May pagkamatimpi at hindi dapat lumabag sa batas ng kalikasan
(pisikal, moral, sikolohikal)
Teoryang Naturalismo
Tinangka ng naturalismo ang mas matapat, di pinipiling representasyon ng
realidad.
Pananaw Naturalismo
1. Ang buhay ay tila isang marumi, mabangin at walang awang kagubatan.
2. Ipinakikita ng manunulat ang mga kasuklam-suklam na mga detalye.
3. Ang indibidwal ay produkto ng kaniyang kapaligiran at pinanggalingan.
4. Mahina ang hawak ng tauhan sa kaniyang buhay.
5. Nagbibigay-diin ito sa namamana at pisikal na katangiang moral.
6. Ang akda ay nagbibigay-diin na namamana at pisikal na katangiang likas
sa tao kaysa katangiang moral.
7.Ito’y may simpleng tauhan na may di mapigil na mga damdamin.

32 (DO_Q4_FILIPINO_10_ARALIN7)
Teoryang Sosyolihikal
Ito ay nagbibigay ng pangunahing halaga sa tao, dahil dito ang tao ang sentro
ng daigdig, ang sukatang bagay at panginoon ng kaniyang kapalaran. Sa pananaw
na ito’y mahalagang mabatid ang kapaligirang sosyolohikal ng akda.
Pananaw Sosyolohikal
1. Ang indibidwal na pagsusuri ng akda ay nagkakaroon ng higit na matibay
na kapit sa ugnayang namamagitan sa buhay ng mga tauhan at ng mga
puwersa ng lipunan o umiiral na suliraning panlipunan.
2. Ang tao at ang kanyang mga saloobin at damdamin ang naging
pangunahing paksa.
3. Pinahahalagahan ang kalayaan at isipan, ang ganap na kagalingan ng
henyo, at mga natatanging talino at kakayahan ng tao at kalikasan.
Teoryang Imahismo
Ang tuon ng pananaw na ito ay sa imahen. Pinaniniwalaang ang imahen ang
nagsasabi ng kahulugan. Kinikilala ng teoryang ito ang kabuluhang pangkaisipan at
pandamdamin ng mga imaheng nakapaloob sa akda.
Pananaw Imahismo
1. Malaya ang manunulat/makata na pumili ng anomang nais na paksa sa
kaniyang akda/tula.
2. Gumagamit ng salitang pangkaraniwan o tiyak ang mga salita.
3. Malinaw ang mga epekto nito.
4. Kung may aral ang akda/tula, hindi ito esensyal sa akda/tula.
Teoryang Realismo
Ito ang teorya ng makatotohanang panitikan. Ito ay naglalarawan ng
makatotohanang pangyayari sa buhay. Ang mga tauhan ay nagtataglay ng
ordinaryong suliranin sa buhay at ang usapan ng mga tauhan ay parang natural.
Pananaw Realismo
1. Higit na mahalaga ang katotohanan kaysa kagandahan para sa realismo.
2. Ang paraan ng paglalarawan ang susi at hindi ang uri ng paksa.
3. Tumutukoy ito sa suliranin ng lipunan (sosyal, politikal, at iba pa)
4. Naniniwala ang realismo na ang pagbabago ay walang hinto.
5. Tumatalakay sa salungatan ng kapital at paggawa.
6. Optimistiko ang pananalig na lalaya ang masa sa pagkakalugmok nito.

Teoryang Klasismo
Pinahahalagahan ng teoryang ito ang pagsasabuhay ng isang dakilang
kaisipan sa isang dakilang katawan. Ang layunin ng teoryang ito ay ipamalas o
maglahad ng mga pangyayaring payak, ukol sa pagkakaiba ng estado sa buhay ng
dalawang nag-iibigan. Karaniwan ang daloy ng mga pangyayari, matipid at piling-
pili sa paggamit ng mga salita at laging nagtatapos nang may kaayusan.
Katangian ng Akdang Klasiko:
• Pagkamalinaw
• Pagkamarangal
• Pagkapayak
• Pagkakasunod-sunod
• Pagkakaroon ng hangganan
Iba't Ibang Paraan sa Pagkilala ng Kahulugan
Ito ay mabisang paraan upang mapalawak ang talasalitaan ng isang
mambabasa, tagapanood, o tagapakinig. Ang kahulugan ng mga salita ay makikilala
ayon sa sumusunod:
1. Talinghaga at Idyoma
Ang matalinghagang pahayag ay mga salitang may kahulugang taglay na
naiiba sa karaniwan. Ito ay mga pahayag na di-tuwirang nagbibigay ng kahulugan.

33 (DO_Q4_FILIPINO_10_ARALIN7)
Karaniwang hinango ang kahulugan nito sa karanasan ng tao gaya ng mga
pangyayari sa buhay o mga bagay-bagay sa ating paligid. Katulad din ito ng idyoma,
sa pamamagitan ng idyoma ay nakikilala ang yaman ng isang wika.
Halimbawa:
• balat-sibuyas -- maramdamin
• basang sisiw -- kaawa-awa; api
• buto’t balat -- payat na payat
2. Konotasyon at Denotasyon
Ito ang dalawang dimensiyon sa pagpapakahulugan ng mga salita. Ang
denotasyon ay karaniwang kahulugang mula sa diksiyonaryo o salitang ginagamit
sa pinakakaraniwan at simpleng pahayag.
Halimbawa:
a. Ang ganda ng bulaklak sa kanyang halamanan.
(bahagi ng isang halaman na karaniwang makulay)
b. Lumalaki na ang punong itinanim ko sa aming likod-bahay.
(halamang lumalaki nang mataas)
Ang konotasyon ay may dalang ibang kahulugan o maaaring pansariling
kahulugan ng isang tao o pangkat na iba kaysa karaniwang kahulugan.
Halimbawa:
a. Maraming magagandang bulaklak na anak si Bulan. (babae)
b. Ang kanyang anak ay mababait. Nanggaling kasi sa mabuting puno.
(magulang/angkan)
Paglalarawan
Ito ay isang diskurso na ang layunin ay ipamalas sa nakikinig o bumabasa
ang nakikita ng mata, ang naamoy ng ilong, ang nararamdaman ng balat o ng
katawan, ang nalalasahan ng dila o kaya naman naririnig ng tainga. Ito rin ay isang
anyo ng pagpapahayag na naglalayong bumuo ng isang malinaw na larawan sa isip
ng mga mambabasa o nakikinig. Sa pamamagitan ng paggamit ng tiyak na salitang
naglalarawan, gaya ng pang-uri at pang-abay, malinaw na naipakikita ang katangian
ng tao, bagay, lugar o pangyayari na ating nakikita, naririnig o nadarama.
Dalawang uri ng Paglalarawan
1. Karaniwan o konkretong Paglalarawan (teknikal)
Layunin nito ang magbigay ng kaalaman hinggil sa isang bagay ayon
sa pangkalahatang pangmalas ng manunulat. Sa pamamagitan ng tiyak na
salitang naglalarawan, naipakikita ang pisikal o konkretong katangian. Higit
na bibinibigyang - diin sa paglalarawang ito kung ano ang nakikita at hindi
ang nilalaman ng damdamin o kuro-kuro ng manunulat.
2. Masining o abstraktong Paglalarawan
Ito ay naglalayong pukawin ang guni-guni at damdamin ng
mambabasa. Higit na nabibigyang-diin dito ang hindi tiyak na larawang
nakikita kundi ang makulay na larawang nililikha ng imahinasyon.
Gumagamit ito ng mga salitang nagpapaganda gaya ng mga tayutay at iba
pang mga salitang patalinghaga.
Halimbawa:
1. Paglalarawan sa Tao – “...sapagkat si Susana'y mukhang anghel ng
kagandahan sa kaniya...” (Talulot sa Pagas na Lupa - Landicho)
2. Paglalarawan sa Damdamin- “...punong-puno ng nakatatakot na larawan
ang kaniyang ulo.” (O Pagsintang Labis - Tumangan)
3. Paglalarawan sa Bagay- “...ang dambuhalang makinang iyon ay waring
isang kapangyarihang nalalamon...” (Makina - Marisa)

34 (DO_Q4_FILIPINO_10_ARALIN7)
4. Paglalarawan ng Tanawin o Lugar – “Sa sinag ng bukang-liwayway ay tila
nga naman nag-aanyayang kung paano ang bahay na malaki. Tisang balot
ng lumot sa bubong ay tila nagliliwanag. Pati ang kurtinang gagalaw-galaw
sa marahang simoy ng hangin ay tila kumakaway.” (Kasalan sa Malaking
Bayan - Pineda)

Gawain 1: Suriin ang tauhan ayon sa hinihingi sa bawat kahon. Gawin sa


sagutang papel.
1. Padre Salvi Hilig/Interes Kinatatakutan
2. Simoun Kawilihan/Kagalakan Kinapopootan
3. Padre Camorra Kawilihan/Kagalakan Kinatatakutan
Gawain 2: Bigyan ng kaukulang pagpapakahulugan ang mahahalagang pahayag
ng awtor/mga tauhan sa mga binasang kabanata ng nobela. Gawin sa
sagutang papel.

Kaba- Tauhan Mahahalagang Pahayag Pagpapaka-


nata hulugan
“Tayong lahat, anak, ay uuwi sa lupa at
IV Tandang Selo
ipinanganak tayong walang baro”.
“Ang pagpapaumanhin ay hindi kabaitan.
VII Simoun Walang mang-aalipin kung walang
magpapaalipin.”
“…balang araw ay masasabi mo ngang
XXIV Isagani pinakamamahal mo’y namatay sa pagtatanggol
sa kaniyang lupang tinubuan.”
“Kapag dumating ang araw na makakapagsarili
Mataas na na kayo, alalahaning sa Espanya, may pusong
XXXI
Kawani tumitibok dahil sa inyo at nakikipaglaban para
sa inyong karapatan.”
Gawain 3:
Ilarawan ang mahalagang pangyayari sa akda gamit ang
matatalinghagang salita, tayutay at mahuhusay na salitang
panlarawan. Gawin sa sagutang papel.
Pangyayari Paglalarawan
Ang pagkagumon sa opyo ni Kapitan
Tiago dahil sa sinapit ng kaniyang anak
na si Maria Clara.
Itinapon ni Isagani ang lampara dahil
ayaw niyang mamatay ang kaniyang
dating kasintahang si Paulita na ikinasal
na kay Juanito.
Binago ni Ben Zayb sa kaniyang isinulat
na balita ang totoong nangyari kay Padre
Camorra
Gawain 4: Ilarawan ang mga tauhan gamit ang angkop at masining na
pamamaraan tulad ng tayutay at matatalinghagang salita. Gawin sa
sagutang papel.

35 (DO_Q4_FILIPINO_10_ARALIN7)
Isagani Basilio Juli

Gawain 5: Suriin ang mga pahayag o pangyayari sa pamamagitan ng paglalapat ng


tiyak na pananaw at ipaliwanag. Gawin sa sagutang papel.

Upang makapagpanggap na mabuting


manunuligsa ay walang mabuting paraan
kundi pintasan ang lahat.
Teorya:
Paliwanag:
Kung may mga bulaklak na may masangsang _____________________
o masasarap na amoy, may mga bulaklak na _____________________
pumapatay o nakakaaliw; sa mga palko ng _____________________
dulaan ay mayroon ding salitaan, usapan, at _____________________
mga salitang sumusugat at nananakit.
_____________________
_____________________
_____________________
Ipinalasap kay Placido ang ilang
katotohanan ng buhay-estudyante sa kamay
ng isang mabagsik na propesor at mga
kaklaseng mapang-api.

Gawain 6: Tukuyin ang katangiang klasikong masasalamin sa mga pangyayari o


pahayag sa akda at ipaliwanag. Gawin sa sagutang papel.

“Hindi kapani-paniwala, mga ginoo. Totoong hindi Katangiang


kapani-paniwala na dahil sa maliit na pangyayari na klasiko:
walang kabagay-bagay ay magkakawatak tayo na
parang mga maya sa harap ng isang panakot-ibon. Paliwanag:
Ngayon lamang ba nangyari ang kabataan ay ____________
nabilanggo sa ngalan ng kalayaan?” ____________
____________
At nagdaan ang maraming araw ng kawalang pag-asa, ____________
nagdasal, tumawag sa Diyos, at hinangad ang ____________
kamatayan, kapag sumapit ang umaga, nakadarama ____________
siya ng pansamantalang kapayaan. Naniniwala pa rin ____________
si Juli sa mga himala. ____________
____________
Ang buong Maynila ay naghahanda upang
maanyayahan sa malaking pagdiriwang ng kasal nina ____________
Juanito at Paulita. Nabalisa nang gayon na lamang ____________
ang mga natatakot na di makatanggap ng paanyaya. ____________
Lahat ay nangag-unahan sa pakikipagkaibigan kay ____________
Simoun. ____________
________

Panuto: Gawan ng masining na paglalarawan ang tauhang si Juli. Baguhin mo


ang paglalarawan na magpapabago rin sa galaw ng pangyayari upang
hindi siya humantong sa ganoong masaklap na wakas. Gamitin ang iyong

36 (DO_Q4_FILIPINO_10_ARALIN7)
imahinasyon. Gumamit ng pang-uri, tayutay at matatalinghagang salita
ang iyong paglalarawan. Gawin ito sa sagutang papel.

Si Juli ay inilarawan bilang isang babaeng


maganda, mahinhin, mabuting anak at
kasintahan subalit mahina. Isang
pangkaraniwang larawan ng babae sa panahong
iyon.

Tayahin

Panuto: Isulat ang T kung ang pahayag ay tama, M naman kung mali at itama
ang pahayag. Gawin ito sa sagutang papel.
_____1. Si Simoun ay naaaliw sa pagbebenta ng alahas.
_____2. Kinagigiliwan ni Don Tiburcio ang asawa niyang si Donya Victorina.
_____3. Ang paghimok ni Simoun kay Basilio upang maghiganti ay naaayon sa
teoryang sosyolohikal.
_____4. Ang pagmamalupit ng mga mayayaman sa mahihirap ay batay sa teoryang
humanismo.
_____5. Ang matalinong si Paulita ay hindi maaaring umibig sa isang binatang mali
ang pagkakakilala sa lipunan at sinisisi ang lahat. Ito ay nagpapamalas ng
katangiang klasiko.
_____6. “Kapag nagpakita ng pagmamahal sa karunungan ang mga mag-aaral,
kapag nagkaroon na tayo ng mga kabataang may matibay na pananalig,
marunong magtanggol sa karangalan, at mas igagalang ito, magkakaroon
ng pagkatuto ng karunungan.”
Kahulugan: Ang mga kabataan ay kailangang manindigan sa kanilang
layunin upang ito ay maisakatuparan.
_____7. “Kapag nagkaroon ng mga tunay na guro ay magkakaroon ng mga tunay
na mag-aaral.”
Kahulugan: Nakasalalay sa guro ang pagkatuto ng mga mag-aaral.
_____8. Nakahihindik ang pagtapon ni Isagani ng ilawan na siyang magiging sanhi
ng malaking pagsabog.
_____9. Mistulang tuyot na bulaklak ang itsura ni Maria Clara sa loob ng
kumbento.
_____10. Ulila si Basilio-walang ama; walang ina; at walang kapatid subalit sa huli
ay naipakita niyang kayang mabuhay at makamit ang pinakamimithing
pangarap sa pagtitiis, pagtitiyaga at pagsisikap. Ang pangyayari ay HINDI
nagpapakita ng katangiang klasiko.

Sa pagsusuri mo sa modyul na ito, asahan mong matatamo ang sumusunod


na kasanayan:
• Nailalarawan ang mga tauhan at pangyayari sa tulong ng mga pang-uring
umaakit sa imahinasyon at mga pandama F10PB-IVi-j-83
• Pangkatang pagsasadula ng nobela na isinasaalang-alang ang sumusunod:
- paggamit ng wikang nauunawaan ng kabataan sa makabagong panahon

37 (DO_Q4_FILIPINO_10_ARALIN8)
- pag-uugnay ng mga isyung panlipunan ng panahon ni Jose Rizal na
makatotohanan pa rin sa kasalukuyan sa paggamit ng iba’t ibang
makabagong paraan ng pagsasadula F10PS-IVi-j-90

Panuto: Hanapin sa wordbank kung anong elemento ng dokumentaryo ang


tinutukoy sa bawat aytem. Gawin sa sagutang papel.
1. Wastong timpla ng ilaw at lente ng kamera upang makakuha ng wastong
anggulo na nakatutulong sa mabisang pagpapakita ng mga tunay na
pangyayari.
2. Nakasulat dito ang pagkakasunod-sunod ng mga eksena at shots sa daloy ng
mga pangyayari sa dokumentaryo at ang mga treatment na gagawin sa editing.
3. Pinupukaw ng mga ito ang interes at damdamin ng manonood sa
pamamagitan ng pagpapalutang ng bawat tagpo at pagpapasidhi ng ugnayan
ng tunog at mga diyalogo.
4. Mga pamamaraan at diskarte ng direktor sa pagpapatakbo ng kuwento sa
pelikula.
5. Pagpuputol, pagdurugtong-dugtong muli ng mga tagpo upang tayain kung
alin ang hindi na nararapat isama ngunit di makaaapekto sa kabuoan ng
istorya ng pelikula.
direksyon editing pananaliksik sequence
script sinematograpiya tunog at musika

* Paglalarawan sa mga Tauhan at Pangyayari sa


Aralin Tulong ng mga Pang-uri
8 * Pangkatang Pagsasadula ng Nobela
* Pagbuo ng Photo/Video Documentary

Panuto: Basahing mabuti ang teksto at sagutin ang sumusunod na gabay na tanong.
Isulat sa sagutang papel ang mga sagot.
Buod ng Kabanata XXXIX: Katapusang Kabanata
Malungkot na tumugtog ng kaniyang armonium si Padre Florentino. Kaaalis
lang ni Don Tiburcio de Espadaña na nag-akalang siya ang Kastilang tinutukoy sa
telegrama na darakpin daw sa gabing iyon. Inakalang siya’y natunton na ni Donya
Victorina.
Ang telegrama ay pinabasa ng tenyente ng guwardiya sibil sa bayan kay Padre
Florentino sa ngalan ng pagkakaibigan. Anang telegrama: “español escondido casa
Padre Florentino cojera remitira vivo muerto”.
Ang totoo, si Simoun ang Espanyol na tinutukoy sa telegrama. Sugatang
dumating doon si Simoun may dalawang araw na. Di man lamang siya inusisa ay
tinanggap siya ng pari. Hindi pa nakabalita ang pari ng nangyari sa Maynila. Inakala
ng pari na dahil wala na ang Kapitan Heneral ay may nagtangkang maghiganti kay
Simoun. Ang sugat niya’y buhat daw sa kawalang-ingat, ayon sa mag-aalahas.
Nagkasiya ang pari sa mga palagay. Nakatulong ang hinala ng pari na si Simoun ay
tumakas sa mga kawal na tumutugis nang tanggapin nito ang telegrama.

38 (DO_Q4_FILIPINO_10_ARALIN8)
Si Simoun ay tumangging magpagamot pa sa mediko sa kabisera. Pumayag
siyang paalaga kay Dr. de Espadaña lamang. Malubha ang mga sugat ni Simoun.
Tumigil sa pagtugtog si Padre Florentino. Iniisip ng pari ang kahulugan ng
pakutyang ngiti ni Simoun nang mabatid nito ang tungkol sa telegrama at sa ikawalo
ng gabi ang dating ng mga darakip. Naisip ni Padre Florentino na isang taong palalo
si Simoun. Dati’y makapangyarihan, ngayo’y kahabag-habag. Ngunit bakit sa kanya
pinili ni Simoun na makituloy? Darakpin na lamang nang patay o buhay ay
nakukuha pang ngumiti nang pakutya. Inisip ni Padre Florentino kung paano
maililigtas ng isang paring Pilipino si Simoun gayong noong kapanahunan nito ay
humamak sa kaniyang pagkamababang-uri ng pagkapari at pagka-indiyo.

Di pinansin ni Simoun ang pakisuyo ni Padre Florentino may dalawang


buwan ang nakalilipas upang tulungang makalaya si Isagani sa piitan. Si Simoun
ang gumawa ng mga kaparaanan upang mapadali ang pag-aasawa ni Paulita kay
Juanito na lubos na ipinagdamdam ni Isagani at ikinalalayo nito sa mga kapuwa
tao. Nilimot ni Padre Florentino ang lahat. Wala siyang inisip kundi ang pagliligtas
kay Simoun. Nguni’t parang walang pagnanasang mailigtas ni Simoun ang sarili.
Pumasok si Padre Florentino sa silid ni Simoun. Wala nang mapangutyang
anyo sa mukha ni Simoun. Waring isang lihim na sakit ang noon ay tinitiis ng mag-
aalahas.
Napaghulo ng pari na uminom ng lason si Simoun. Nabaghan ang pari.
Tinangka ni Padre Forentino na ihanap ng lunas si Simoun. Pasigaw na sinabi
ng mag-aalahas na huwag na silang mag-aksaya ng panahon dahil mamatay siyang
dala niya ang kanyang lihim. Ang pari ay lumuhod sa kaniyang reclinatorio (luhuran
sa pagdarasal) at nanalangin sa paanan ng imahen ni Hesukristo at pagkatapos ay
buong kabanalang kaniyang inilapit ang isang silyon sa maysakit, at tumalagang
makinig.
Ipinagtapat ni Simoun ang tunay niyang pangalan. Halos nasindak ang pari.
Malungkot na ngumiti ang maysakit. Tinakpan ng pari ng panyo ang mukha at
tumungo upang makinig. Isinalaysay ni Simoun ang kanyang buhay. Labintatlong
taon siya sa Europa. Nagbalik siyang puno ng pangarap at pag-asa. Pinatawad ang
mga nagkasala sa kaniyang ama, pabayaan lamang siyang mabuhay nang payapa.
Ngunit mahiwagang mga kamay ang nagtulak sa kaniya sa isang kaguluhang gawa-
gawa at ang lahat ay nawala sa kaniya: pangalan, yaman, pag-ibig, kinabukasan,
kalayaan at naligtas lamang siya sa kamatayan sa tulong ng isang kaibigan. Tinika
niyang maghiganti. Nangibang bansa siya dala ang bahagi ng kayamanan ng
kaniyang magulang at siya’y nangangalakal. Nakilahok siya sa himagsikan sa Cuba.
Nakilala niya roon ang kapitan heneral na noon ay kumandante pa lamang.
Pinautang siya. Naging kaibigang matalik dahil sa kawalanghiyaan ng kapitan na si
Simoun lamang ang nakaaalam. Sa tulong ng salapi ay nakuha niyang maging
kapitan heneral ang kaibigan at naging sunod-sunoran sa kaniya dahil sa
katakawan sa salapi. Inupatan niya ang kapitan sa paggawa ng maraming
kabuktutan.
Mahaba ang pagtatapat ni Simoun at gabi na nang matapos. Sandaling
naghari ang katahimikan. Inihingi ng tawad ng pari ang mga pagkukulang ni Simoun
at hiniling niya kay Simoun na igalang ang kalooban ng Diyos. Mahinahong
nagtanong si Simoun kung bakit hindi siya tinulungan ng Diyos sa kanyang layunin.
Ang sagot ng pari ay dahil masama ang kaniyang pamamaraan. Hindi maililigtas ng
krimen at kasamaan ang mga dinumihan ng krimen at kasamaan. Ang poot ay
walang nalilikha kundi mga panakot; ang krimen ay mga salarin ang nalilikha. Pag-
ibig lamang ang nakagagawa ng mga bagay na dakila. Ang katubusan ay kabutihan;
ang kabutihan ay pagpapasakit, ang pagpapasakit ay pag-ibig.
Tinanggap ni Simoun ang lahat na sinabi ng pari. Inamin niyang siya ay
nagkamali ngunit naitanong niya ng dahil ba sa magkakamaling iyon ay ipagkakait

39 (DO_Q4_FILIPINO_10_ARALIN8)
na ng Diyos ang kalayaan ng isang bayan at ililigtas ang napakaraming higit pang
salarin kaysa sa kaniya. Ang matatapat at mababait ay nararapat na magtiis nang
ang mga adhika nila ay makilala at lumaganap. Ang nararapat na gawin ay magtiis
at gumawa, ang tugon ng pari.
Napailing si Simoun. Ang magtiis at gumawa ay madaling sabihin sa mga
hindi pa nakaranas ng pagtitiis at paggawa. Anong klaseng Diyos ang humingi ng
ganoon kalaking pagpapakasakit. Sinabi ng pari ay ito raw ang isang Diyos na
makatarungan. Diyos na nagpaparusa sa kakulangan natin ng pananalig at sa mga
gawa nating masama. Pinabayaan natin ang kasamaan kaya’t katulong tayo sa
paglikha nito. Ang kalayaan ay di natin dapat tuklasin sa tulong ng patalim. Tuklasin
natin ito sa tulong ng nagpapataas ng uri ng katuwiran at karangalan ng tao.
Gumawa tayo nang mabuti, tapat at marangal hanggang mamatay tayo dahil sa
kalayaan.
Pinisil ni Simoun ang kamay ng pari. Naghari ang katahimikan. Dalawang
pisil pa. Nagbuntonghininga si Simoun. Higit na mahabang katahimikan.
Nang mapunang hindi umiimik ang maysakit ay pabulong na nagwika si
Padre Florentino; “Nasaan ang kabataang naglalaan ng magagandang sandali, ng
kanilang mga pangarap at kasiglahan alang-alang sa ikabubuti ng kanilang bayan?
Saan naroon ang handang magpakamatay upang hugasan ng dugo ang
napakaraming pagkakasala? Upang karapat-dapat ang pagpapakasakit, ito’y
kailangang malinis at busilak. Nasaan ang kabataang may lakas na tumanan na sa
aming mga ugat, ng kalinisan ng diwa na narumihan na sa amin, ng apoy ng sigla
na patay na sa aming puso? O kabataan, kayo’y aming hinihintay!”
Nangilid ang luha sa mga mata ng pari. Binitawan ang kamay ni Simoun.
Lumapit sa durungawan. May kumatok na utusang nagtanong kung magsisindi na
ng ilawan. Sa tulong ng isang lampara ay tinanglawan si Simoun. Hinipo ito; nabatid
na ito ay patay na. Lumuhod at nanalangin si Padre Florentino.
Tinawag ang mga utusan, pinaluhod at pinagdasal. Umalis sa silid si Padre
Florentino. Kinuha ang takbang bakal ni Simoun. Dinala ito sa talampas na laging
inuupuan ni Isagani upang sisirin ng tingin ang kalaliman ng dagat. Doon ay
inihagis ng pari ang mga takba ng brilyante at alahas ni Simoun. Nilulon ng dagat
ang kayamanang yaon. -Halaw sa http://www.joserizal.ph/fi41.html

Mga Gabay na Tanong:


1. Paano mo ilalarawan ang katangian ng mga tauhang itinatampok sa
kabanatang nabasa? _____________________________________________________.
2. Ano-anong mga kaisipan ang napalutang sa kabanatang nabasa? Ipaliwanag
ang sagot. ____________________________________________________ .
3. Sa mga kaisipang napalutang sa nabasang kabanata, alin sa mga ito ang
tumatak sa iyo? Bakit? ______________________________________________ .
4. Sa iyong palagay, ang lipunang inilalarawan ni Rizal sa El Filibusterismo ay
katulad pa rin ba ng kasalukuyang panahon? Ipaliwanag. ________________ .
5. Kung gagawan mo ng photo/video documentary ang nabasang kabanata, ano-
ano ang mga dapat mong isaalang-alang sa pagsasagawa nito? ____________.

Masining na Paglalarawan
Ang paglalarawan ay isang uri ng pagpapahayag. Sa pamamagitan nito’y
nalalantad sa ating mga mata ang isang magandang tanawin, ang isang tao, isang
tahanan at iba pang bagay.

40 (DO_Q4_FILIPINO_10_ARALIN8)
Ang layunin nito ay ipamalas sa nakikinig o bumabasa ang isang larawan sa
kabuoan sa hangad na maipakita na may isang bagay, tao, lugar o pangyayari na
naiiba sa mga katulad nito.
Dalawang Uri ng Paglalarawan
1. Karaniwang Paglalarawan- Ito ay paglalarawan na nagbibigay ng tiyak na
impormasyon o kabatiran tungkol sa isang bagay ayon sa pisikal o
kongkretong katangian nito sa paraang payak, tiyak at gumagamit ng
karaniwang salita.
Halimbawa:
A. Kapag may isang nabubuwal sa hapo at gutom ay hinahagupit silang
lahat.
B. Sumisigaw ang nabuwal na patayin na siya. Umiiyak… parang bata.
2. Masining na Paglalarawan- Ito ay malikhaing paglalarawan, naghahatid ng
artistiko at buhay na buhay na paglalarawan batay sa pagkakita, pananaw,
guniguni, at damdamin ng naglalarawan. Ginagamitan ng matatalinghagang
salita sa paglalarawan na nagpapalalim ng kahulugan nito.
Halimbawa:
A. Nakita niya si Simoun, dala ang ilawan. Waring kakila-kilabot ang anyo
ni Simoun na naliligid ng apoy.
B. May hapdi ang tinig ni Isagani.
Tatlong Paraan ng Paglalarawan
1. Batay sa pandama – Ito ay batay sa nakita, naamoy, nalasahan, nahawakan
at narinig. Karaniwan itong gumagamit ng mga pang-uring kaugnay ng
pandama tulad ng sumusunod:
A. Pampaningin: luntiang hardin, bilugang mukha, lantang bulaklak
B. Panlasa: mapait na bukas, matamis na tagumpay, maalat na ulam
C. Pandinig: maingay na sasakyan, magulong buhay, tahimik na mundo
D. Pang-amoy: mabangong bulaklak, mabahong ilog, masangsang na
samyo
E. Panghipo: magaspang na palad, madulas na daan, maligasgas na tela
2. Batay sa nararamdaman – ito ay tumutukoy sa bugso ng damdamin
3. Batay sa obserbasyon – ito ay batay sa kung ano ang namasid sa mga
nangyari o pangyayari
PHOTO / VIDEO DOCUMENTARY
Ang photo/video documentary ay isang makapangyarihang midyum upang
ilahad ang mga pangyayari sa kapaligiran. Ito rin ay isang ekspresiyong biswal na
nagtatampok ng katotohanan sa buhay ng mga tao at sa lipunang ginagalawan. Isa
itong likhang sining na ang layunin ay magbigay-impormasyon, manghikayat, at
magpamulat ng mga kaisipan tungo sa kamalayang panlipunan. Isinasagawa ito sa
pamamagitan ng paghahabi ng mga kinuhanang bidyo at larawan upang makabuo
ng isang dokumentaryo.
Mga Elemento ng Photo/Video Documentary
1. Sequence Script / Shot List – Tumutukoy sa pagkakasunod-sunod ng mga
pangyayari ng kuwento sa dokumentaryo. Dito rin makikita ang listahan ng
mga kuha na kinakailangan upang matamo ang layunin ng kuwento.
2. Sinematograpiya – Paraan ng pagkuha ng wastong anggulo upang maipakita
sa mga manonood ang pangyayari sa bisa ng ilaw at lente ng kamera.
3. Tunog at Musika – Pagpapalutang ng bawat tagpo at pagpapasidhi ng
ugnayan ng tunog at linya ng mga diyalogo. Pinupukaw nito ang interes at
damdamin ng mga manonood.
4. Pananaliksik – Mahalagang sangkap sa pagbuo at paglikha ng dokumentaryo
dahil sa pamamagitan nito ay naihaharap nang mahusay at makatotohanan
ang mga detalye ng palabas.

41 (DO_Q4_FILIPINO_10_ARALIN8)
5. Disenyong pamproduksyon – Nagpapanatili sa kaangkupan ng lugar,
eksena, pananamit at sitwasyon para sa paglalahad ng masining na biswal
na pagkukuwento.
6. Direksyon – Mga pamamaraan at diskarte ng direktor sa pagpapatakbo ng
kuwento sa pelikula.
7. Pag-eedit – Ito ay pagpuputol, pagdurugtong-dugtong muli ng mga tagpo
upang tayain kung alin ang hindi na nararapat isama ngunit di makaaapekto
sa kabuoan ng istorya ng pelikula dahil mayroon lamang itong laang
oras/panahon.
Mga Hakbang sa Pagbubuo ng Photo/Video Documentary
1. Umisip ng paksa na nais talakayin sa dokumentaryo. Isaalang-alang ang
iyong layunin sa pagbubuo nito sa piniling paksa.
2. Magsaliksik tungkol sa paksang napili. Tiyaking ang mga impormasyon
tungkol isyu/paksang tatalakayin ay nakasalig sa pananaliksik upang
maging matapat at totoo ang gagawing dokumentaryo.
3. Lumikha ng shotlist at sequence script upang magkaroon ng gabay sa
pagkakasunod-sunod ng mga eksena.
4. Isagawa ang mga kuhang kinakailangang nakasulat sa sequence script at
shot list.
5. Isagawa ang editing sa pamamagitan ng pagdurugtong-dugtong ng mga
kuha, paglalapat ng narration, visual at sound effects, kulay, at musika.
6. Panoorin ang nabuong dokumentaryo upang masiguro na nasunod ang nasa
sequence script.

Gawain 1: Irawan ang sumusunod na tauhan mula sa mga naunang binasang


kabanata ng El Filibusterismo gamit ang pang-uring umaakit sa
imahinasyon at mga pandama. Pagkatapos ay ihambing sila kung
kanino sa kasalukuyang mga personalidad o pangkat ng tao sila
maaaring maiugnay. Kopyahin ang pormat ng tsart sa iyong sagutang
papel.
Tauhan Paglalarawan Paghahambing sa Kasalukuyan
Simoun
Basilio
Isagani
Don Custodio
Padre Florentino
Gawain 2: Ilarawan ang kinahinatnang buhay ng sumusunod na tauhan sa
pagtatapos ng nobela gamit ang pang-uring umaakit sa imahinasyon
at mga pandama. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
Paglalarawan sa Kinahinatnang Buhay Gamit ang
Tauhan
Pang-Uring Umaakit sa Imahinasyon at mga Pandama
Simoun
Basilio
Huli
Kabesang Tales
Tata Selo
Isagani

42 (DO_Q4_FILIPINO_10_ARALIN8)
Gawain 3: Sa pamamagitan ng circle organizer, isulat sa mga bilog ang mga isyung
panlipunang masasalamin sa nobelang El Filibusterismo. Isulat ang
sagot sa sagutang papel.

Mga Isyung Panlipunang


Tinalakay sa El Filibusterismo na
Masasalamin sa Kasalukuyan

Gawain 4: Sa pamamagitan ng iyong isinagawang pag-aaral sa mga kaisipan at mga


isyung panlipunang nasasalamin sa El Filibusterismo, ilista mo ang mga
nabuong sariling paniniwala at pagpapahalagang naitanim sa iyo ng
nobela. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

Mga Nabuong Paniniwala at Pagpapahalaga


sa Tulong ng El Filibusterismo

Panuto: Bumuo ng isang photo/video documentary tungkol sa isang tauhan ng El


Filibusterismo na magtatampok sa kaniyang mahalagang papel na
ginampanan sa nobela. Sa pamamagitan nito, talakayin ang mga suliraning
panlipunang napalutang ng kaniyang katauhan. Magmungkahi ng
solusyon kung paano ito mabibigyan ng kalutasan. Tatagal lamang ito ng
tatlo hanggang apat na minuto.
Narito ang pamantayan sa pagmamarka ng inaasahang pagganap:
RUBRIK SA PAGBUO NG PHOTO/VIDEO DOCUMENTARY
Pamantayan Bahagdan
Orihinalidad at pagkamalikhain 30%
Magkakaugnay na eksena at/o diyalogo 20%
Mungkahing solusyon sa suliraning panlipunan 20%
Mga aplikasyong teknikal 20%
Mga impormasyong nakabatay sa pananaliksik 10%
Kabuoan 100%

43 (DO_Q4_FILIPINO_10_ARALIN8)
A. Panuto: Isulat kung sino ang tauhang nagsabi ng sumusunod na pahayag.
Gamiting gabay ang mga salita sa pahayag na umaakit sa imahinasyon
at mga pandama. Piliin ang sagot sa word bank. Isulat ito sa sagutang
papel.
Camaroncocido Kabesang Tales Huli
Isagani Mataas na Kawani Simoun
_____1. “Nagiging singaw ang tubig kapag ito’y pinainit ng galit, hindi papayag na
makulong sa lalagyan. Kapag ang maliit na tubig ng ilog ay pinagsama-
sama at nagkaisa, lalakas ang agos at maaaring sumira ng maunlad na
bayan.”
_____2. “Ngunit, makikilala rin niyang pipiliin ko pa ang masanla ako kaysa
masanla ang laket na bigay niya sa akin.”
_____3. “Sa alikabok tayo babalik at wala tayong saplot nang isilang.”
_____4. “Ang pamahalaan po ay itinatag sa ikabubuti ng mamamayan, kaya
nararapat lang na sila ay tanungin tungkol sa kanilang karaingan.”
_____5. “Ang lamparang ito ay naglalaman ng pinaghalong luha at paghihiganti
ng mga taong sawimpalad!”
B. Panuto: Isulat kung anong elemento ng pagbubuo ng photo/video documentary
ang tinutukoy sa bawat aytem. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
_____6. Pagpapalutang ng bawat tagpo at pagpapasidhi ng ugnayan ng tunog at
linya ng mga diyalogo. Pinupukaw nito ang interes at damdamin ng mga
manonood.
_____7. Mga pamamaraan at diskarte ng direktor sa pagpapatakbo ng kuwento
sa pelikula.
_____8. Paraan ng pagkuha ng wastong anggulo upang maipakita sa mga
manonood ang pangyayari sa bisa ng ilaw at lente ng kamera.
_____9. Ito ang listahan ng mga kuha na kinakailangan upang matamo ang
layunin ng kuwento.
_____10. Pagpuputol, pagdurugtong-dugtong muli ng mga tagpo upang tayain
kung alin ang hindi na nararapat isama sa final output.

(DO_Q4_FILIPINO_10_ARALIN8)
44
Sanggunian

Florentina S. Gorrospe, PhD


Filipino 10 Modyul sa mga mag-aaral (Vibal Group Inc)
Pinagyamang Pluma 10 Phoenix Publishing House
“Paano Gumawa ng isang Timeline” https://tl.cast-prix.net/raliser-une-
frisechronologique-3495
Rochelle S. Nato. “Pagbuo, Pag-uugnay ng mga Ideya “(Accessed July 2, 2020)
https://www.slideshare.net/RochelleNato/pagbuo-pag-uugnay-atpagbubuod-ng-
mga-ideya
- Marasigan, Emily V., et al. Pinagyamang Pluma – Ikalawang Edisyon,
Phoenix Publishing House, Inc
Aklat:
- Ambat, Vibal C. et.al, 2015. Filipino Modyul para sa Mag-aaral. Pasig City:
Departmrnt of Education-Instructional Materials Council Secretariat
(DepEd-IMCS)
- Marasigan, Emily V. & Del Rosario, Mary Garce. 2017. Pinagyamang Pluma
10. Quezon City:Phoenix Publishing House Inc.
Websites:
Buod ng El Filibusterismo

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – NCR, SDO Valenzuela City


Office Address: Pio, Valenzuela St., Marulas Valenzuela City
Telefax: 02-292-3247
Email Address: sdovalenzuela@deped.gov.ph
45

You might also like