You are on page 1of 21

9

10

Filipino 10
Ikaapat na Markahan – Modyul 3
BASILIO: BUHAY, PANGARAP AT MITHIIN,
PANINIWALA AT SALOOBIN (BUOD NG KABANATA
6, 7, 23, 26, 31, 33, 34
Sub-Aralin: Matatalinghagang Pahayag na Ginagamit sa Binasang
Kabanata ng Nobela
Filipino – Ikasampung Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikaapat na Markahan – Modyul 3: BASILIO: BUHAY, PANGARAP AT MITHIIN,
PANINIWALA AT SALOOBIN (BUOD NG
KABANATA 6, 7, 23, 26, 31, 33, 34
Sub-aralin: Matatalinghagang Pahayag na Ginamit sa Binasang
Kabanata ng Nobela

Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa
modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Chenee M. Suple
Editor: Gelyn I. Inoy, Rico C. Tañesa
Tagasuri: Christopher D. Montecino, Dustin Kieth P. Jagunos, Corazon N. Ras,
Freddie E. Ebañez, Rico C. Tañesa, Gelyn I. Inoy
Tagalapat: Romie G. Benolaria
Tagapamahala: Senen Priscillo P. Paulin, CESO V Rosela R. Abiera
Joelyza M. Arcilla EdD Maricel S. Rasid
Marcelo K. Palispis JD, EdD Elmar L. Cabrera
Nilita L. Ragay EdD
Renante A. Juanillo EdD

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Department of Education –Region VII Schools Division of Negros Oriental

Office Address: Kagawasan, Ave., Daro, Dumaguete City, Negros Oriental


Tel #: (035) 225 2376 / 541 1117
E-mail Address: negros.oriental@deped.gov.ph
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Filipino 10 ng Alternative Delivery Mode


(ADM) Modyul para sa araling Basilio: Buhay, Pangarap at Mithiin, Paniniwala at
Saloobin (Buod ng Kabanata 6, 7, 23, 26, 31, 33, 34. Sub-aralin: Matatalinghagang
Pahayag na Ginamit sa Binasang Kabanata ng Nobela.

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador


mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong
tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda
ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at


malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong


ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong
o estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral


kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang
pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan
ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

ii
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Filipino 10 ng Alternative Delivery Mode (ADM)


Modyul ukol sa Basilio: Buhay, Pangarap at Mithiin, Paniniwala at Saloobin (Buod
ng Kabanata 6, 7, 23, 26, 31, 33, 34. Sub-aralin: Matatalinghagang Pahayag na
Ginamit sa Binasang Kabanata ng Nobela.

Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin. Sa


pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at
magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na
ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga
kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay
nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad
din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong laktawan
ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na
suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa


malayang pagsasanay upang mapagtibay ang
iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

iii
Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o
pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong


sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman
o kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o


masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
Gawain panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat


ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lagyan ng anumang marka
o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa
pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag
mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin
humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o sino
man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa
iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

iv
ALAMIN

Bagong umaga, bagong pag-asa na naman!

Sa araw na ito ay may bago na namang aralin na iyong pag-aaralan


at matutuhan. Ang paksa na iyong tutuklasin ay ang mga kabanata 6, 7, 23,
26, 31, 33, at 34 na may kaugnayan sa buhay ni Basilio. Ang mga
pangyayari sa mga kabanata ay tumutukoy sa buhay ni Basilio at papel na
kanyang ginagampanan sa nobelang El Filibusterismo.

Sa katapusan ng modyul na ito ikaw ay inaasahang:

 Natutukoy ang papel na ginagampanan ng mga tauhan sa akda sa


pamamagitan ng:
-pagtunton sa mga pangyayari
- pagtukoy sa mga tunggaliang naganap
- pagtiyak sa tagpuan
- pagtukoy sa wakas (F10PB-IVb-c-87)

 Nabibigyang-kahulugan ang matatalinghagang pahayag na ginamit


sa binasang kabanata ng nobela sa pamamagitan ng pagbibigay ng
halimbawa. (F10PT-IVb-c-83)

 Naiuugnay sa kasalukuyang mga pangyayaring napanood sa video


clip ang pangyayari sa panahon ng pagkakasulat ng akda. (F10PD-
IVb-c-82)

1
MGA TIYAK NA LAYUNIN

Sa araling ito, inaasahan na ikaw ay:


1. Nakatutukoy ng mga pangyayari at tunggaliang naganap mula sa mga
tagpuan ng buod sa bawat kabanata;
2. Nabibigyang kahulugan ang matatalinghagang pahayag sa
pamamagitan ng pagbibigay ng halimbawang pangungusap na makikita
sa akda;
3. Nakagagawa ng dayalogo tungkol sa pagkakaiba at pagkakatulad ng
mga pangyayaring napanood sa video o sa nakalap na balita at sa
panahon noong isinulat ang akda;
4. Nakabubuo ng sariling pangungusap na ginagamitan ng
matalinghagang pahayag na makikita sa akda; at
5. Nailalahad ang sariling reaksiyon at aral na natutuhan sa napapanood
na video clip o sa nakalap na balita.

SUBUKIN

Panuto: Basahing mabuti ang sumusunod na tanong. Piliin ang titik ng tamang
sagot at isulat sa inyong kuwaderno.

1. Ilang taon na si Basilio nang naganap ang mga pangyayari sa El Filibusterismo?


A. 21 B. 22 C. 23 D. 24

2. Ang dinalaw na puntod ni Basilio?


A. puntod ni Sisa C. puntod ng isang matanda
B. puntod ni Elias D. puntod ni Crispin

3. Anong paaralan ang unang pinasukan ni Basilio?


A. Adsum C. Ateneo Municipal
B. San Juan de Letran D. San Juan Municipal

4. Isang ulila na namasukan bilang katulong kina Kapitan Tiyago kapalit ng libreng
pag-aaral.
A. Basilio B. Simoun C. Crispin D. wala sa nabanggit

2
5. Ano ang katangiang taglay ang mayroon si Basilio?
A. matapang B. mapanghusga C. mabuting bata D. mainggitin

6. Sino ang kasintahan ni Basilio?


A. Sisa B. Maria Clara C. Tiya Isabel D. Juli

7. Anong uri na tauhan ang inilalarawan ni Rizal sa tauhang si Juanito Pelaez?


A. isang Pilipino na matapang
B. isang mabait at mapagmahal sa bayan
C. isang Pilipino na takot manindigan para sa bayan
D. isang maalipusta na tauhan

8. Bakit iginalang ni Quiroga si Simoun?


A. dahil sa pagiging mang-aalahas
B. dahil sa mayaman ito
C. dahil gusto niyang mangutang kay Simoun.
D. dahil sa pagiging malapit nito sa Kapitan Heneral

9. Siya ang sumisimbolo ng pagbangon ng mga Pilipino mula sa hikahos na


kalagayan tungo sa kaunlaran.
A. Simoun B. Isagani C. Basilio D. Kapitan Heneral

10. Nais niyang udyukan ang damdamin ng mga makabayang Pilipino sa palihim at
tahimik niyang paghahasik ng rebolusyon; linisin ang bayan; at lipulin ang lahat
ng masasama kahit pa siya mismo ay inuusig din ng kanyang budhi sa paraang
kanyang ginagawa.
A. Kabesang Tales C. Basilio
B. Simoun D. Isagani
11. Ano ang kahulugan ng matalinghagang salita?
A. lipon ng mga salitang may ibang kahulugan.
B. parirala o pangungusap na ang kahulugan ay kumpletong magkaiba ang
literal na kahulugan ng salitang gawa sa matalinghagang salita.
C. A at B
D. wala sa nabanggit.

12. Ano ang ibig sabihin ng matalinghagang pahayag na “magsunog ng kilay”?


A. hindi nag-aaral nang Mabuti C. sobrang nasusunog ang kilay
B. mag-aral nang mabuti D. iyakin

13. Ano ang ibig sabihin ng pahayag na “pinagbiyak na bunga”?


A. tamad B. magkamukha C. magkapatid D. magkaibigan

14. Ang aking anak ay parang loro sa pagsagot. Ano ang ibig sabihin ng
sinalungguhitang salita?
A. mabilis magsalita C. Mahinhin magsalita
B. mahina ang boses D. Maganda ang boses

15. Mukhang naibaon na sa hukay ang mga magagandang asal na itinuro ng ating
mga ninuno. Ano ang ibig sabihin ng sinalungguhitang salita?
A. nakalimutan B. namatay C. nalanta D. naintindihan

3
TUKLASIN

Panuto: Isulat sa loob ng bilog ang sa tingin mo ay mga katangian na taglay ni


Basilio, kanyang mga paniniwala at ang kanyang pangarap sa buhay. Pagkatapos
ay ipaliwanag ang iyong mga kasagutan.

4
SURIIN

Ngayon ay aalamin mo ang mga nangyari sa buhay ni Basilio.

Basilio: Buhay, Pangarap at Mithiin, Paniniwala at Saloobin


(Buod ng Kabanata 6, 7, 23, 26, 31, 33 at 34)

Kabanata 6- Si Basilio
Nang tumunog ang kampana para sa simbang gabi, maingat na nagtungo si
Basilio sa gubat ng mga Ibarra na pag-aari na ngayon ni Kapitan Tiago. Ipinagdasal
niya ang kaluluwa ng ina at ginunita ang nakaraan.
Labintatlong taon na ang nakalilipas nang papilay-pilay niyang hinabol ang
kanyang baliw na ina sa lugar na iyon at namatay. Dumating ang isang lalaking
sugatan at inutusan siyang gumawa ng siga. Pagbalik niya nakita niya ang isa pang
estranghero na nakatayo sa tabi ng patay na lalaki. Magkatulong silang naglibing sa
dalawang namatay.
Lumuwas si Basilio ng Maynila ngunit walang tumanggap sa kanya. Mabuti
na lamang at nakita niya si Kapitan Tiago. Nagprisinta siyang katulong kapalit ng
kanyang pag-aaral sa San Juan de Letran. Maraming paghihirap ang dinanas niya
sa nasabing paaralan. Ngunit dahil sa natamong karangalan, hinikayat siya ni
Kapitan Tiago na lumipat sa Ateneo Municipal. Pagkatapos ay nakapapanggamot
na siya. Huling taon na niya sa pag-aaral. Pagkatapos niya’y pakakasal na sila ni
Huli.

Kabanata 7- Si Simoun
Natapos ang pagmumuni-muni ni Basilio. Sa tulong ng liwanag ng ilaw
nakilala ni Basilio si Simoun. Nasindak si Basilio sa natuklasan- na ang mag-aalahas
na si Simoun ay walang iba kundi ang misteryosong lalaking tumulong sa kanya
labintatlong taon na ang nakararaan. Lumabas sa pinagtataguan si Basilio at nag-
alok ng tulong. Lumapit si Simoun inamin na siya ang estrangherong nakasama niya
noon. Sinabi niyang siya ay biktima ng isang masamang sistema at bumalik siya
upang wasakin ang sistemang iyon. Sinabi pa ni Simoun na “Umalis ako sa bayang
ito para magpayaman upang maisakatuparan ang aking paghihiganti. Ngayo’y
kailangang wasakin ko na ang isang tiwaling pamahalaan sa pamamagitan ng
paglalantad ng kanilang kabulukan sukdulang may ibang magbuwis ng buhay.
Ayokong mamatay na hindi ko nakikita ang pagkadurog ng kanilang mga buto sa
ilalim ng bangin.”
Hinikayat ni Simoun na sumapi sa kanyang binubuong plano si Basilio ngunit
tinanggihan niya ito. Sinabi niyang sa pamamagitan ng hinihiling nilang
pagpapatayo ng akademya ay magtatamo ng sapat na kaalaman ang mga
kababayan. Narito ang sinabi ni Simoun, “Kaydali ninyong malinlang ng matatamis
na pangako na hindi niyo man lang pinag-aralan ang magiging bunga. May hihigit
pa bang karamdaman sa isang naghihingalong lipunan? Darating ang panahong
kikilalanin kang tanyag na doktor subalit higit na kadakilaan ang magpagaling ng
malalang sakit ng bayan. Aalahanin mong walang kahulugan ang buhay ng walang
katumbas na dakilang adhikain.”

5
Nagkaroon sila ng pagpapalitan ng kuro hanggang sa magbubukang-
liwayway na. Kagya’t na pinasalamatan siya ni Basilio at umalis. Naiwan si Simoung
nag-iisip kung tama ba ang kanyang ginawa.

Kabanata 23- Isang Bangkay


Hindi pumunta si Simoun sa teatro. Hindi rin pumunta si Basilio. Muling
nagpokus siya sa pag-aaral mula nang tubusin niya si Huli, ang kanyang
mapapangasawa, sa pagkaalila. Binabawasan ni Basilio ang opyo ni Kapitan Tiyago
upang bumuti ang kalagayan nito. Ngunit minsan, pagbalik niya galing sa ospital,
nakita niyang natutulog na parang bangkay ang kanyang pasyente, lango sa opyo.
Nang gabing iyon habang nag-aaral dumating si Simoun. Kinumusta ang
maysakit. Sinabi niyang anumang araw ay maaari itong mamatay. Pilit inihahambing
ni Simoun ang kalagayan ng maysakit sa bansa ngunit hindi niya ito pinapansin.
Sabi pa nito na, “Napilitan akong bigyan siya ng isang inahin. Pinangakuan niya ako
ng libo- libo habang panay ang bendisyon sa akin.”
Nang malapit na ang ikasampu ng gabi ay kinilabutan ang buong katawan
ni Simoun. Sinabi ni Simoun na sisiklab na ang rebolusyon sa loob ng isang oras.
Tinutulan ito ni Basilio. Kailangan niya si Basilio upang pamunuan ang isang
puwersa na kukuha kay Maria Clara sa Sta. Clara. Sinabi ni Basiliong patay na si
Maria Clara. Ikinabigla ito ni Simoun. Litong-lito na patakbong nanaog ng bahay si
Simoun. Nawala sa pag-aaral si Basilio. Ang naglaro sa isip ay ang kahabag-habag
na buhay at pagmamahalan nina Ibarra at Maria Clara.

Kabanata 26- Ang Paskin


Ang araw ng pag-uusig ang babago sa mapayapa at tahimik na buhay ni
Basilio. Maagang gumising si Basilio para pasyalan sa pagamutan ang kanyang
mga pasyente. Bukod dito ay pupuntahan din niya ang kaibigang si Makaraig upang
kunin ang hiniram na pera para makuha na niya ang kanyang grado. Habang
patungo sa pamantasan ang binata ay napansin niya ang grupo ng mga mag-aaral
na pinapalabas sa loob ng paaralan. Maingay nilang pinag-uusapan ang mga mag-
aaral na sangkot sa paglulunsad ng himagsikan. Nagtanong siya sa isang
katedratiko ngunit ito lamang ang naging sagot, “Nalalaman kong amoy bangkay na
si Kapitan Tiago at dinalaw na siya ng mga uwak at buwitre.”
Gumapang ang takot sa buong katawan ni Basilio dahil sa kanyang mga
narinig. Kumalma lamang ang kanyang kalooban nang malamang walang
kinalaman sina Simoun at Kabesang Tales sa usapin ng himagsikan. Sa
paghahanap niya kay Makaraig ay nakasalubong niya ang mga guwardiya sibil.
Pinigilan siya sa pagpasok at paghintay sa labas ng bahay ng kanyang kaibigan.
Paglipas ng ilang sandali ay dumating ang kabo at pati siya ay inimbistigahan.
Laking gulat na lamang ni Basilio dahil pati siya ay isinakay sa karwahe at hinatid
papunta sa tanggapan ng Gobernador Sibil.

Kabanata 31- Ang Mataas na Kawani


Hindi nabalita sa mga pahayagan ang pagkamatay ni Huli. Ang tanging
nabalita sa tulong ni Ben Zayb ay ang kabutihan umano ng Heneral. Nakalaya na
sina Makaraig at Isagani at tanging si Basilio na lamang ang hindi. Ipinagtanggol ng
Mataas na Kawani si Basilio. Mabuting bata raw ito at malapit nang matapos sa
panggagamot. Lalo lamang napahamak si Basilio dahil bawat sabihin ng kawani ay
panay ang tutol ng Heneral. Dapat daw ay magkaroon ng halimbawang di dapat

6
tularan ang mga mahilig sa pagbabago. Pinagbintangan si Basilio ng Heneral na
gumamit ng bawal na aklat sa medisina.
Ayon sa Kawani ay dapat matakot ang Heneral sa bayan. Natawa lamang
ang Heneral dahil wala umano siyang pakialam sa bayan sapagkat ang naglagay
sa kanya sa pwesto ay ang bayang Espanya at hindi ang bansang Pilipinas. Kapag
itinanggi umano sa isang bayan ang liwanag, tahanan, katarungan at kalayaan ay
ituturing ng bayan na magnanakaw ang nagtanggi ng mga ito. Pagkaalis ng kawani
makaraan ang dalawang oras ay nagbitiw ito sa tungkulin at nagsabing siya’y uuwi
na sa Espanya lulan ng kasunod na bapor.
Nangakalaya ang mga estudyante, salamat sa kanilang mga kamag-anak na
hindi nag-atubiling gumastos, magregalo at magsakripisyo para sa kanila. Una’y si
Macaraig, pinakahuli si Isagani. Ang tanging di nakalaya ay si Basilio dahil
inakusahan siya ng nagmamay-ari ng isang ipinagbabawal na libro. May nagpayo
sa Kapitan Heneral na dapat may isang maparusahan.

Kabanata 33- Ang Huling Matuwid


Isang hapon ay nagkulong si Simoun sa kaniyang kuwarto at ayaw
magpaabala. Tanging si Basilio lamang daw ang papapasukin kapag dumating ito.
Ilang sandali pa ay dumating na rin ang binata. Laking gulat ni Simoun sa hitsura ni
Basilio. Payat na payat ito, magulo ang pananamit at tila isang patay na nabigyan
lamang muli ng buhay. Agad na ipinarating ni Basilio ang kagustuhan nitong umanib
kay Simoun at sumama sa mga plano nito na dati at tinanggihan niya. Naisip daw
kasi niya na hindi pa niya naigaganti ang kaniyang magulang at kapatid na yumao.
Natuwa naman si Simoun at nagpunta sila sa laboratoryo at doon ay ipinakita ang
isang pampasabog. Sabi ni Simoun ay gagamitin daw ito sa kapistahan. Tila isang
ilawan o lampara ang anyo ng pampasabog na gagamitin nila. Nagbilin si Simoun
na magkita sila ni Basilio sa tapat ng parokya ng San Sebastian para sa huling
pagpapaplano.

Kabanata 34- Ang Kasal


Ikawalo na ng gabi. Nasa daan pa si Basilio ng maisip na makituloy sa
kaibigang si Isagani. Ngunit hindi pala umuwi ang kaibigan sa buong araw na iyon.
Dalawang oras na lang at sasabog na ang ilawan ni Simoun. Marami tiyak ang
mamamatay. Sinalat ni Basilio ang kanyang rebolber at naalala ang babala ni
Simoun na lumayo siya sa daang Anloague. Ang bahay ni Kapitan Tiago ay nasa
daang iyon. May binanggit na kasayahan si Simoun kung saan sa bahay na iyon
idaraos ang piging sa kasal nina Paulita at Juanito.
Nakita niya ang pagdating ng sasakyan ng bagong kasal. Naisip niya ang
kaibigang si Isagani. Naawa siya rito at naisip na yakaging sumama sa himagsikan.
Ngunit naisip din niya na malamang ay di papayag si Isagani dahil hindi pa naman
nito naranasan ang mga naranasan ni Basilio. Muli niyang naalala ang kanyang
pagkabilanggo, ang kabiguan sa pag-aaral, at ang nangyari kay Huli. Saka muling
hinaplos ang puluhan ng rebolber at ninasang dumating na sana ang sandaling
hinihintay. Dumating ang sasakyan ni Simoun kasama ang kutserong si Sinong.
Sumunod sila sa sasakyan ng bagong kasal. Nagtungo din si Basilio sa Anloague
sa bahay ni Kapitan Tiago. Doon kasi gaganapin ang hapunan at nandoon din ang
Kapitan Heneral na ninong sa kasal. Dala naman ni Simoun ang ilawan na kanyang
handog.

7
Sa bahay ni Kapitan Tiago ay makikita sa mga dingding ang mga
magagarang palamuting papel, aranya at mga bulaklak. Ang kurtina sa bahay ay
may pulang pelus na nabuburdahan ng ginto at may unang titik ng pangalan ng
mag-asawa. Napakagara ng bahay na iyon. Parang hapag ng mga diyoses ang
pagdarausan ng hapunan. Para sa mga dakilang panauhin ang mesa at ang mga
diyus-diyusan ay sa asotea nakalagay. Pipito ang doon ay nakaupo. Naroon ang
pinakamasarap at mahal na alak. Ubos-kaya si Don Timoteo, ang ama ng lalaking
ikinasal.

Maari mo ring panoorin ang mga video clip na ito upang mas lalong maintindihan
ang akdang binasa.

Kabanata 6: Si Basilio- https://www.youtube.com/watch?v=VpsLtohj5iU

Kabanata 7: Si Simoun- https://www.youtube.com/watch?v=-1i-J5oZvnc

Kabanata 23: Isang Bangkay- https://www.youtube.com/watch?v=ztl1MvFXIU

Kabanata 26: Ang Paskin- https://www.youtube.com/watch?v=-DDnqJ_mWjc

Kabanata 31: Ang Mataas na Kawani-


https://www.youtube.com/watch?v=iC_A39PLBr0

Kabanata 33: Ang Huling Matuwid-


https://www.youtube.com/watch?v=CACKDJXt6aQ

Kabanata 34: Ang Kasal- https://www.youtube.com/watch?v=5AN0ABwHGcM

Matatalinghagang Pahayag sa Nobela

Ang nobelang El Filibusterismo, gaya ng iba pang makasaysayang nobela sa bansa,


ay nagtataglay ng matatalinghagang pahayag na nagdulot ng diwang makabayan
sa mga mambabasa nito. Kaya itinuring na makamandag ang mga nobelang ito ni
Rizal ay dahil na rin sa mga tagong mensaheng inilalahad nito sa mga kababayang
Pilipino. Kalimitang natutukoy ang matatanglinghagang pahayag na ito sa mga
tagpong nagpapakilala ng mga suliranin o tunggalian ng kuwento.

https://link.quipper.com/en/organizations/5468ba5a2294ee085c00014a/curriculum
#curriculum

Halimbawa:
Ayokong mamatay na hindi ko nakikita ang pagkadurog ng kanilang mga buto
sa ilalim ng bangin.

Kahulugan ng pagkadurog ng kanilang mga buto: pagkamatay/bangkay

8
Pamprosesong Tanong:
1. May pagkakatulad at pagkakaiba ba kayo ng mga katangiang taglay at
pangarap ni Basilio base sa iyong naging kasagutan sa gawain? Ano-ano
ang mga iyon?
2. Sino ang nagbibigay motibasyon o inspirasyon sa iyo na mag-aral nang
mabuti at magpursige sa buhay?
3. Ano ba ang paniniwala mo at ang buhay mo bilang isang mag-aaral?
4. Para sa iyo, nagtagumpay ba si Basilio sa kanyang kursong kinuha sa
akdang El Filibusterismo? Bakit?

PAGYAMANIN

A. Isulat sa iyong kuwaderno ang mga matatalinghagang salita na makikita sa


akdang binasa at ibigay ang kahulugan nito.
1. Ayon pa kay Simoun na “Kaydali ninyong malinlang ng matatamis na
pangako na hindi niyo man lang pinag-aralan ang magiging bunga.
2. Mapait na ngumiti si Simoun. “May hihigit pa bang karamdaman sa isang
naghihingalong lipunan?
3. Darating ang panahong kikilalanin kang tanyag na doktor subalit higit na
kadakilaan ang magpagaling ng malalang sakit ng bayan.
4. Pinangakuan niya ako ng libo- libo habang panay ang bendisyon sa
akin.”
5. Nalalaman kong amoy bangkay na si Kapitan Tiago at dinalaw na siya
ng mga uwak at buwitre
6. Nagkaroon sila ng pagpapalitan ng kuro hanggang sa magbubukang-
liwayway na.
7. Ngunit minsan, pagbalik niya galing sa ospital, nakita niyang natutulog
na parang bangkay ang kanyang pasyente, lango sa opyo.
8. Ang naglaro sa isip ay ang kahabag-habag na buhay at pagmamahalan
nina Ibarra at Maria Clara.

B. Batay sa ibinigay na graphic organizer, tukuyin ang mga pangyayari at


tunggaliang naganap sa mga tagpuan ng buod sa bawat kabanata. Tukuyin
din ang mga tauhang sangkot sa bawat tunggalian at ang kanilang papel na
ginagampanan sa akda.

9
TAUHANG PAPEL NA TAGPUAN TUNGGALIAN NA
KASANGKOT GINAGAMPANAN NAGANAP/NANGYARI

1.
2.
3.
4.
5.

ISAISIP

Mahalagang matunton at makuha ang mga


pangyayaring nakapaloob sa akda upang mas
malinaw ang paglalahad nito. Sa pagkuha ng
makatotohanan na pangyayari sa buhay ng bawat
tauhan sa nobelang El Filibusterismo, ay dapat na
tingnan din ang mga kaugalian na kanilang
ipinapakita.
Sa pagwawakas naman ng isinulat sa bawat
kabanata, ay mahalagang aspeto rin ito na tingnan
kung tama at may katumpakan ba ang mga
pangyayari sa kabanata. At mahalaga rin na
matiyak ang bawat tunggalian na nangyayari sa
bawat kabanata na nabasa dahil ito ay
nakapagbibigay ng pagkamalikhain sa iyong akda
na binasa.

ISAGAWA

Para sa mga mag-aaral na may internet access maaaring panoorin ang video
na may kaugnayan sa akda na iyong binasa.

Narito ang mga link: https://youtu.be/YYPUHc5NAIc and


https://youtu.be/Tdd4YsA-Blk
Pagkatapos ng iyong panonood ay sagutin ang ibinigay na gawain sa ibaba.

10
Panuto: Gumawa ng dayalogo ng tatlong estudyante na ang pinag-uusapan ay
ang tungkol sa pagkakaiba at pagkakatulad ng mga pangyayari na napanood sa
video at sa pangyayari noong isinulat ang akda.

Para naman sa mga mag-aaral na walang internet access:


Mangalap o maghanap ng mga balita na may kaugnayan sa mga
pangyayari sa akdang binasa. Pagkatapos, gumawa ng dayalogo ng tatlong
estudyante na ang pinag-uusapan ay ang tungkol sa pagkakaiba at pagkakatulad
ng mga pangyayari tungkol sa mga nakalap at nabasa na balita at sa mga
pangyayari noong isinulat ang akda.

Narito ang Rubrik sa paggawa ng Dayalogo:

Kategorya 15 puntos 10 puntos 5 puntos


Nilalaman Lubhang Hindi gaanong Kulang ang mga
makabuluhan ang makabuluhan ang impormasyon at
mga impormasyon at mga impormasyon at kasagutang inilahad.
kasagutang inilahad. kasagutang inilahad. Hindi maayos na
Naipamalas ang Naipamalas ang naipapahayag ang
lubos na lubos na nilalaman sa mga
pagkamalikhain sa pagkamalikhain sa kasagutan.
pagpapahayag ng pagpapahayag ng
nilalaman sa mga nilalaman sa mga
kasagutan. kasagutan.

Organisasyon Organisado at may Hindi masyadong Walang organisasyon


at kaisahan kaisahan ang mga organisado at kulang at kaisahan ng mga
ng mga kaisipan. ng kaisipan ang mga kaisipan.
kaisipan kaisahan.

Wastong Wasto lahat ang May 1-3 Maraming mali sa


baybay at baybay ng mga salita pagkakamali sa pagbaybay at paggamit
balarila at gamit ng balarila pagbaybay at ng balarila.
paggamit ng balarila.

TAYAHIN

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga pahayag o mga katanungan.

I. PAGPIPILI: Tukuyin kung sino ang tauhan na binanggit batay sa kanilang papel
na ginagampanan. Hanapin sa Hanay B ang tamang sagot sa Hanay A. Isulat
lamang ang titik ng tamang sagot sa patlang bago ang bilang.

11
Hanay A Hanay B

____________1. Nag-aaral siya ng medisina. a. Simoun


Kaklase at kaibigan niya si Isagani. b. Basilio
____________2. Kasintahan ni Basilio na anak ni c. Juli
Kabesang Tales. d. Kapitan Tiyago
____________3. Isang mayamang negosyanteng e. Padre Camorra
Intsik na ginamit ni Simoun upang f. Isagani
maitago ang kanyang mga baril. g. Makaraig
____________4. Isang magsasakang naging tulisan h. Paulita
dahil sa panggigipit ng mga i. Quiroga
prayle sa kanya. j. Kabesang Tales
____________5. Mag-aaral na may dugong Kastila. k. Juanito Pelaez
____________6. Isang mayamang mag-aalahas at
kaibigang matalik at tagapayo ng
Kapitan Heneral.
____________7. Isa sa mga mag-aaral na nagsulong
ng pagtatag ng Akademya ng
Wikang Kastila.
____________8. Ang matandang ama ni Maria
Clara. Sa pagkamatay ng kanyang
anak, siya’y nalulong sa bisyo.
____________9. Isang paring mabilis mapikon ngunit
malapit sa kapitan heneral.
___________10. Kasintahan ni Isagani na
nagpakasal kay Juanito Pelaez.

II. Piliin ang titik nang tamang sagot sa loob ng kahon ang tinutukoy ng
bawat bilang.

A. Matalinghagang pahayag B. El Filibusterismo C. Basilio

D. Simoun E. Medisina F. Malayang pahayag

_______1. Ito ay ang mga ekspresyong may malalalim na salita o may hindi tiyak na
kahulugan. Sinasalamin nito ang kagandahan at pagkamalikhain ng wikang
Filipino.

_______2. Isang nobela na pampulitika na nagpapadama, nagpapahiwatig at


nagpapagising pang lalo sa maalab na hangaring makapagtamo ng tunay na
kalayaan a karapatan ang bayan.

_______3. Siya ang sumisimbolo ng pagbangon ng mga Pilipino mula sa hikahos na


kalagayan tungo sa kaunlaran.

_______4. Ang naghikayat ni Basilio na makiisa sa tangkang himagsikan upang makabawi


sa lahat ng kasawiang dulot ng mga kura sa kanilang pamilya.

_______5. Ang kursong pangarap ni Basilio.

12
KARAGDAGANG GAWAIN

Panuto: Magbigay ng reaksiyon at mga aral na natutuhan tungkol sa inyong


napanood na video clip o nakalap at nabasang mga balita na may kaugnayan sa
akdang inyong nabasa. Isulat ito sa inyong kwaderno.
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

13
14
SUBUKIN
1. c 11. c
2. a 12. b
3. b 13. b
4. a 14. a
5. c 15. a
6. d
7. c
8. d
9. c
10. b
TAYAHIN
I. b II. 1. MATALINGHAGANG PAHAYAG
2. c 2. EL FILIBUSTERISMO
3. I 3. BASILIO
4. j 4. SIMOUN
5. k 5. MEDISINA
6. a
7. g
8. d
9. e
10. h
SUSI SA PAGWAWASTO
MGA SANGGUNIAN

Ren Jan.”BASILIO: Buhay, Pangarap at Mithiin, Paniniwala at Saloobin.”Last modified


Pebrero 24, 2018, https://www.scribd.com/document/372251538/4-2-BASILIO

Busmente, Princess Jane. “EL FILIBUSTERISMO BUOD 1-39”, Last modified January
18, 2019, https://m.facebook.com/notes/princess-jane-busmente/el-
filibusterismo-buod-1-39/608534722933544/?comment_id=633040713816278

Gimena, Glady E. et al. “Ang Pinaikling Bersiyon El Filibusterismo ni Jose Rizal”.


Prime Multi-Quality Printing Corp., 2009

Diskriminasyon, Youtube video, 6 years ago, posted by “Charles Bautista,” March 28,
2014, https://youtu.be/Tdd4YsA-Blk

SPECIAL REPORT: Sakripisyo ng estudyante upang makaraos sa araw-araw,


Youtube video, 1 year ago, posted by “UNTV News and Rescue,” October 5,
2018, https://youtu.be/YYPUHc5NAIc

15
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Schools Division of Negros Oriental


Kagawasan, Avenue, Daro, Dumaguete City, Negros Oriental

Tel #: (035) 225 2376 / 541 1117


Email Address: negros.oriental@deped.gov.ph
Website: lrmds.depednodis.net

16

You might also like