You are on page 1of 13

Filipino 10

1
Filipino – Ikasampung Baitang
Ikaapat Markahan – Modyul 4: El Filibusterismo: Si Basilio (Kabanata 6)
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-sipi ang sinuman sa anumang akda ng Pamahalaan ng
Pilipinas. Gayunpaman, kailangan na may pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
malikom ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi
inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang
anumang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga
orihinal na may-akda.

Walang anumang bahagi ng nilalaman nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang paraan nang walang pahintulot sa kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig.

Komite sa Pagsulat ng Modyul


Manunulat: Irene B. Mogol
Tagasuri: Ana Mae F. Santos at Shirley H. Amorada
Editor: Albert C. Nerveza at Melinda P. Iquin

Tagapamahala: Ma. Evalou Concepcion A. Agustin


OIC-Schools Division Superintendent
Carolina T. Rivera
OIC-Assistant Schools Division Superintendent
Victor M. Javeña EdD
Chief, School Governance and Operations Division and
OIC-Chief, Curriculum Implementation Division

Education Program Supervisors

Librada L. Agon EdD (EPP/TLE/TVL/TVE)


Liza A. Alvarez (Science/STEM/SSP)
Bernard R. Balitao (AP/HUMSS)
Joselito E. Calios (English/SPFL/GAS)
Norlyn D. Conde EdD (MAPEH/SPA/SPS/HOPE/A&D/Sports)
Wilma Q. Del Rosario (LRMS/ADM)
Ma. Teresita E. Herrera EdD (Filipino/GAS/Piling Larang)
Perlita M. Ignacio PhD (EsP)
Dulce O. Santos PhD (Kindergarten/MTB-MLE)
Teresita P. Tagulao EdD (Mathematics/ABM)

Inilimbag sa Pilipinas, Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang Punong Rehiyon


Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig
2
Filipino 10
Ikaapat na Markahan
Modyul 4 para sa Sariling Pagkatuto
Si Basilio (Kabanata 6)
Manunulat: Irene B. Mogol
Tagasuri: Ana Mae F. Santos at Shirley H. Amorada/Editor: Albert C. Nerveza at Melinda P. Iquin

3
Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang FILIPINO 10 ng Modyul 4 para sa
araling El Filibusterismo: Si Basilio (Kabanata 6)!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang idinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig na
pinamumunuan ng Nanunuparang Pinuno-Tanggapan ng Pansangay na
Tagapamanihala, Ma. Evalou Concepcion A. Agustin, sa pakikipag-ugnayan sa
Lokal na Pamahalaan ng lungsod sa pamumuno ng butihing Punong Lungsod, Kgg.
Victor Ma. Regis N. Sotto, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang
pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan
ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Inaasahan na sa pamamagitan ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay


makauugnay sa pamamatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral
na makamit ang mga kasanayang pang-ika-21 siglo lalong-lalo na ang 5 Cs
(Communication, Collaboration, Creativity, Critical Thinking and Character) habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa pangunahing teksto, makikita ang pinakakatawan ng


modyul sa loob kahong ito:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala at
estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.

4
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa FILIPINO10 Modyul 4 ukol sa El Filibusterismo:


Si Basilio (Kabanata 6)!

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan.


Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-
aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

MGA INAASAHAN
Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong
matutuhan pagkatapos mong makumpleto ang modyul.

PAUNANG PAGSUBOK
Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo
pang malaman sa paksa.

BALIK-ARAL
Dito masusukat ang iyong matutuhan at naunawaan sa mga
naunang paksa.

ARALIN
Tatalakayin sa bahaging ito ang aralin batay sa kasanayang
pampagkatuto.

MGA PAGSASANAY
Sa bahaging ito, pagbibigay ng guro ng iba’t ibang pagsasanay
na dapat sagutin ng mga mag-aaral.

PAGLALAHAT
Sa bahaging ito ibunuod ang mahahalagang konsepto na dapat
bigyang-halaga.

PAGPAPAHALAGA
Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang
pampagkatuto ay naiuugnay at nailalapat sa inyong mga
pagpapahalaga.

PANAPOS NA PAGSUSULIT
Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral.

5
MGA INAASAHAN

Pagkatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:


KASANAYANG PAMPAGKATUTO

1. Naiuugnay sa kasalukuyang mga pangyayaring napanood sa video clip


ang pangyayari sa panahon ng pagkakasulat ng akda

MGA LAYUNING PAMPAGKATUTO:

A. Nakapagbibigay ng reaksiyon tungkol sa napanood/nabasa na video


clip sa tulong ng gabay na tanong;
B. Nailalahad ang mga pangyayari sa buhay ni Basilio at naiuugnay ito
sa kasalukuyan; at
C. Naibabahagi ang sariling karanasan ukol sa mga ginagawang
hakbang sa pag-abot ng pangarap sa buhay.

PAUNANG PAGSUBOK
Bago ka magsimula sa bagong aralin, alamin muna natin ang iyong
dating kaalaman tungkol sa araling tatalakayin.

PANUTO: Isulat sa patlang ang T kung ito ay tama, at M naman kung ito ay
mali.
_____ 1. Habang ang iba ay abala sa paghahanda sa Misa de Gallo, si Basilio
naman ay pumunta sa puntod ng kanyang ina.
_____ 2. Si Basilio ay nagmula sa mayaman at kilalang pamilya.
_____ 3. Nag-aral ng abogasiya si Basilio sa Unibersidad ng Pilipinas.
_____ 4. Matalino at masipag mag-aral si Basilio kaya nagustuhan siya ng kanyang
mga propesor sa Ateneo Munisipal.
_____ 5. Ulila na si Basilio at hirap sa buhay kaya kinupkop siya ni Kapitan Tiyago.

BALIK-ARAL
Bilang patunay na naunawaan mo ang nakaraang aralin, subukin
mong sagutan ang kasunod na gawain.

PANUTO: Ayusin ang pagkakasunud-sunod ng impormasyon batay sa timeline


ng naging buhay ni Jose Rizal. Gamitin ang letrang A-E sa pagsagot.
Siya ay
Ipinanganak Enero 1872, Sinimulan ni Siyam na taong
tinuruan
siya noong pumasok Rizal ang gulang si Jose nang
ng
Hulyo 19, siya sa pagsulat sa El pinadala siya sa
ABAKADA
1861 sa Ateneo Filibusterismo Biñan upang mag-
sa gulang
Calamba, Municipal habang siya aral sa pamamahala
na 3.
Laguna. de Manila. ay nasa ni Padre Justiniano
1. _______ Calamba Aquino Cruz.
2. ______ 3. _______
4. _____ 5. _____
6
ARALIN

Basahin ang kuwento ng isang working student na nakapagtapos ng


pag-aaral. Maaari itong mapanood sa Youtube kung mayroon kayong
internet sa bahay. I-click lamang ang link na ito
https://www.youtube.com/watch?v=nuyj8dXsN5s&fbclid=IwAR20lN7-
vdV8seH9pW5Ft0NBcKmGYmkJtmz90MCRS4SURCZFCdNdBySK58o.

A. Pagganyak
Isang Political Science Student sa UP Diliman na
nagtapos bilang Cum Laude ang lumaki sa hirap
ngunit itinawid ang kanyang pangarap. Siya ay si
Leo Jaminola na tubong Mindoro. Ikinuwento ni Leo
ang hirap ng kanyang pinagdaanan makatapos
lamang ng pag-aaral. Sa katunayan, anim na
trabaho ang pinagsabay-sabay niya para lamang
matustusan ang kanyang pag-aaral. Nagtrabaho
siya bilang encoder, transcriptionist, library
assistant, tutor, writer at tindero ng pagkain. Dahil
abala, bumagsak siya sa ilang asignatura habang
pasang-awa naman sa iba pa, pero sa huli ay
nanaig ang bibong raketero ng Mindoro at nagtapos
ng May Karangalan. Sabi nya bagama’t ganap nang
batas ang libreng edukasyon tuloy pa rin ang laban
para sa maraming hikahos at salat sa buhay.

Gabay na Tanong:
1. Ano-ano ang iyong mga kakayahan na masasabi mong sandata mo sa
pagkamit ng iyong pangarap sa buhay?

B. Paglalahad ng Teksto

Kabanata 6 – Si Basilio

Sa pagpatak ng hatinggabi, tumugtog ang mga kampana ng simbahan,


tinatawagan ang taong-bayan na dumalo sa Misa de Gallo. Samantalang abala ang
mga taga-San Diego sa paghahanda para sa misa, si Basilio ay tahimik na lumabas
sa tahanan ni Kapitan Tiyago. Makailang beses din siyang nagpaliko-liko sa
madidilim na lansangan, palingon-lingon upang tiyaking walang sumusunod o
nagmamatyag sa kanya. Sa wakas ay narating din niya ang kalsada tungo sa
kakahuyang dati’y pag-aari ng mga Ibarra, isang mayamang angkan sa San Diego,
na nang kumpiskahin ng gobyerno ay binili na ni Kapitan Tiyago.
Nakatungong tinunton ni Basilio ang daan at unti-unti siyang nilamon ng
karimlan at katahimikan ng kagubatan. Paminsan- minsan ay tinitingala niya ang
mga bituing kanyang natatanaw sa mga puwang sa pagitan ng malalabay na
dahon ng mga punongkahoy. Makalipas ang kalahating oras, sumapit siya sa isang
sapa. Tinawid niya ito at inakyat ang isang maliit na burol sa kabilang pampang.
Sa tuktok ng burol na ito ay may isang malaking puno ng balete. Dahan-
dahang nilapitan ni Basilio ang puno at lumuhod sa harap ng isang tumpok ng
mga bato, nakayuko at tila nagdarasal. Ang mga batong ito ang tanging
7
palatandaan sa huling hantungan ng kanyang ina, na binawian ng buhay
labintatlong Pasko na ang nakalipas. Mula noon ay taon-taon na niyang dinadalaw
ang puntod ng pinakamamahal na ina. Tulad ng mga lumipas na taon, muling
nagbalik sa alaala ni Basilio ang kanyang buhay sa piling ng ina at nakababatang
kapatid. Masaya sa una, ngunit unti-unting nabahiran ng lungkot at pighati,
hanggang humantong ang kanyang mga mahal sa buhay sa mapait na katapusan.
Nagbalik din sa alaala ni Basilio kung paano nagbago ang kanyang buhay
nang gabing mamatay ang ina. Noo’y nasa kanyang kandungan pa ang walang-
buhay na katawan nito, nang biglang may sumulpot na isang lalaking sugatan at
hapong-hapo. Inutusan siya nitong manguha ng mga kahoy na panggatong.
Dala ng labis na kalungkutan at pagkabigla, sinunod ni Basilio ang lalaki
nang hindi tinatanong kung sino siya at para saan ang mga kahoy. Para siyang
makinang naghanap ng mga tuyong sanga sa kagubatan, manhid ang isip at
damdamin dala ng labis na kalungkutan.
Sa kanyang pagbabalik sa lugar kung saan iniwan ang ina at ang lalaki,
naratnan ni Basilio ang isa pang lalaki na nakaluhod sa tabi ng bangkay ng una.
Nang makita ng bagong dating na si Basilio, nagpatulong siyang sunugin ang
bangkay ng lalaki. Tinulungan din niya si Basilio na ilibing ang ina. Pagkatapos ay
binigyan ng lalaki si Basilio ng kaunting halaga at sinabihan na lisanin na ang San
Diego.
Iyon ang una at huling pagkakataong nakita ni Basilio ang lalaking iyon.
Isang matangkad at matipunong binata, maputla ang mga labi at matangos ang
ilong, namumula ang mga mata sa pag-iyak.
Agad- agad nilisan ni Basilio ang San Diego at nagtungo sa Maynila. Sa
lungsod ay sinubok niyang mamasukan bilang utusan, ngunit walang gustong
tumanggap sa kanya. Ilang linggo ding naging palaboy si Basilio sa mga lansangan
ng Maynila, hinang-hina ang katawan dala ng sakit at hindi pagkain. Hindi
minsang naisip ni Basilio na wakasan na ang kanyang paghihirap sa pamamagitan
ng pagkitil sa sariling buhay. Sa kabutihang-palad, minsan niyang nakita si
Kapitan Tiyago na sakay ng isang karwahe. Sinundan ni Basilio ang matandang
lalaki, na kilala niya mula sa San Diego, at nagprisintang maging katulong nito
kapalit ng pagtustos sa kanyang pag-aaral. Pumayag naman ang matanda, na
nahabag sa kalunos-lunos na anyo ni Basilio, at agad siyang ipinatala sa Colegio
de San Juan de Letran.
Sa simula ng kanyang pag-aaral sa Letran, minaliit si Basilio ng kanyang
mga guro at kamag-aral dahil sa kanyang kahirapan. Nahirapan din siya sa pag-
aaral ng Latin, lalo pa’t wala siyang maintindihan dito at tila walang interes ang
kanyang propesor na siya’y turuan. Subalit sa pagtitiyaga at kasipagan sa pag-
aaral, nakapasa pa rin si Basilio sa pagsusulit na ginanap sa pagwawakas ng
taong-aralan.
Sa kanyang ikatlong taon ng pag-aaral, isa sa kanyang mga propesor ang
nag-akalang si Basilio ay mangmang. Sinubukang ipahiya ng guro si Basilio,
ngunit hindi siya nagtagumpay dahil nasagot nang tama ng binatilyo ang kanyang
mga tanong. Nainis sa kanya ang propesor kung kaya’t hindi na siya pinansin sa
klase. Dahil dito’y nawalan ng gana sa pag-aaral si Basilio. Ano pa ang silbi ng
kanyang pagpupursigi kung hindi naman kinikilala at pinahahalagahan ang
kanyang pagsisikap?
Nang sumunod na taon, naging paborito si Basilio ng isa sa kanyang mga
propesor. Dahil dito at dahil na rin sa panunumbalik ng kanyang interes sa pag-
aaral, natanggap ni Basilio ang pinakamataas na grado at karangalan noong taong
iyon. Ang kahusayan ng binatilyo ang nag-udyok kay Kapitan Tiyago na ilipat si
Basilio sa Ateneo Municipal, na noo’y kinikilala bilang pangunahing lunsaran ng
edukasyon at karunungan sa Pilipinas.
8
Ang mga taong ginugol ni Basilio sa Ateneo ay naging masaya at produktibo.
Labis siyang nalugod sa pagtuturo ng kanyang mga propesor, kung kaya naman
lubos siyang nagsumikap sa kanyang pag-aaral. Sa kanyang pagtatapos,
nakatanggap si Basilio ng matataas na marka at papuri mula sa kanyang mga
guro.
Matapos matanggap ang kanyang batsilyer mula sa Ateneo, ipinasiya ni
Basilio na mag-aral ng medisina. Ganoon na lamang ang husay ni Basilio kung
kaya’t hindi pa man nakapagtatapos ay nakapanggagamot na siya. Mula sa
kanyang panggagamot, kumikita siya nang sapat upang makapag-ipon para sa
kanyang kinabukasan. Ang kanyang naipong salapi ay binalak ni Basilio na
ipangtaguyod sa pamilyang kanilang bubuuin ng kasintahang si Juli.
(Tudla binagong Edisyon Baitang 10, pahina 383-385)

C. Pagtalakay
Gabay na Tanong:
1. Ano-ano ang mga hirap na pinagdaanan ni Basilio sa kanyang buhay?
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
2. Paano nakapag-aral si Basilio? Bakit ganoon na lang ang pagpapahalaga niya
sa edukasyon?
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
3. Sa kasalukuyan, marami pa rin bang maihahalintulad kay Basilio? Patunayan.
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

Maraming humahanga sa mga taong matatalino. Ngunit hindi lamang


talino ang dapat taglayin ng isang tao, kapag dinagdagan pa ng sipag at
tiyaga ay lalong kahanga-hanga. Ang taong nagtataglay nito sa kabila ng
pagiging mahirap ay madalas na nagtatagumpay sa kanyang buhay. Sa
bahaging ito, sagutan mo ang sumunod na pagsasanay upang ganap na
mapaunlad ang iyong kakayahan sa aralin.

MGA PAGSASANAY

PAGSASANAY 1
PANUTO: Dugtungan ng angkop na ideya ang bawat aytem. Isulat ang letra ng
tamang sagot sa patlang bago ang bilang.
____ 1. Matapos matiyak ni Basilio na walang nakakikita sa kanya, mabilis siyang
________.
A. nagtungo sa bahay nina Tales.
B. tumakas sa bahay ni Kapitan Tiyago.
C. nagtungo sa tahanan nina Kapitan Basilio.
D. nagtungo sa gubat na dating pag-aari ng mga Ibarra.

9
____ 2. Inilibing ang kanyang ina sa _______.
A. bahay B. gubat C. lawa D. sementeryo
____ 3. Iniwan niya ang San Diego at nagtungo sa Maynila upang _________.
A. maghiganti C. magtrabaho
B. magpaalila D. makipagsapalaran
____ 4. Hindi pinapansin si Basilio sa paaralan sapagkat siya ay_________.
A. mahina B. mahirap C. marungis D. matapang

____ 5. Si Basilio ay nakilala nang ipakita niya ang galing sa _________.


A. klase C. pagsasayaw
B. pakikipagkaibigan D. pagtitinda

PAGSASANAY 2

PANUTO: Nagpapakita ng mga pinagdaanan ni Basilio ang mga larawan sa


ibaba. Pumili ng isa na maiuugnay mo sa iyong sariling karanasan.
Ipaliwanag ang inyong sagot. (Mga larawan mula sa Google)

__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

10
Mga Dapat Tandaan sa Pagsulat
1. Madaling unawain ang mga inilahad na pangyayari.
2. Maayos at malinaw ang paglalahad ng mga pangyayari.
3. Nagpapakita ng pagkakatulad sa pangyayari sa buhay ni Basilio.

RUBRIKS SA PAGMAMARKA (PAGSASANAY BLG. 2)


5 Puntos Napakahusay Lahat ng pamantayan ay naisakatuparan.
4 puntos Mahusay Isa na pamantayan ang hindi naisakatuparan
3 puntos Katamtamang Dalawa pamantayan ang hindi naisakatuparan
husay
2 puntos Kailangan ng Pagsasanay Isa sa pamantayan ang hindi naisakatuparan.
1 puntos Kailangan ang Madalas Hindi naipaliwanag ang sagot.
na Pagsasanay

PAGSASANAY 3

Sa ating buhay, marami tayong pinagdadanan upang makamit natin ang


ating hinahangad. Sa buhay mo ngayon, ano na ang pinakamatindi mong
pinagdaanan?

PANUTO: Isalaysay ang pangyayari sa iyong buhay na masasabing mong


pinakamatindi mong pinagdaanan. Paano mo ito nalampasan?
Nakatulong ba ito sa kung sino ka ngayon? Ipaliwanag. Isulat ito sa
isang malinis na papel.

Rubriks sa Pagmamarka
Puntos Pamantayan sa Pagmamarka
9-10 puntos Mahusay ang pagsasalaysay ng pangyayari. Maayos at malinaw na
naipaliliwanag ang kasagutan.
7-8 puntos Mahusay ang pagsasalaysay ng pangyayari ngunit kulang ang
paliwanag.
5-6 puntos Nagsalaysay ng pangyayari ngunit kulang ang paliwanag.
3-4 puntos Malabo ang isinalaysay na pangyayari at kulang sa paliwanag.
1-2 puntos Nagsalaysay ng pangyayari ngunit walang paliwanag.

PAGLALAHAT
PANUTO: Ayusin ang pahayag sa ibaba upang makabuo ng maayos na konsepto
batay sa pinag-aaralan mo sa araw na ito. Isulat ang sagot sa loob ng
kuwadro.

Bagama’t
sa katuparan ng pangarap.
ang buhay,
di ito dapat maging sagwil
puno ng pakikipagtunggali

11
PAGPAPAHALAGA
Hindi lamang talino ang puhunan ng isang tao upang makapagtapos
ng pag-aaral sa halip ay sabayan ito ng sipag at tiyaga upang makamit ang
pangarap at magtagumpay.

PANUTO: Aling bahagi ng buhay ni Basilio ang hinangaan mo. Bakit?


__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

PANAPOS NA PAGSUSULIT

PANUTO: Lagyan ng tsek (/) ang patlang kung ang pahayag ay tama at ekis (x)
naman kung ito ay mali.
____1. Sa kabila ng pandemyang kinakaharap natin ngayon, susukuan ko na lang
ang aking mga pangarap, hindi na lang ako mag-aaral.
____2. Makakamit ng isang tao ang tagumpay kung siya ay masipag, matiyaga at
madiskarte sa buhay.
____3. Kailangang maging mayaman ka upang makatapos ng pag-aaral.
____4. Tutularan ko sina Basilio at Leo na nagsikap sa buhay upang makapagtapos
ng kanilang pag-aaral.
____5. Hindi hadlang ang kahirapan upang magtagumpay ka sa iyong buhay.

12
SUSI SA PAGWAWASTO

5. / 5. A
4. / 4. B
3. X 3. D
2. / 2. B
1. / 1. D
PANAPOS NA PAGSUSULIT PAGSASANAY 1

C 5.
katuparan ng pangarap. D 4.
di ito dapat maging sagwil sa E 3.
pakikipagtunggali ang buhay, A 2.
Bagama’t puno ng B 1.
PAGLALAHAT BALIK-ARAL

May Rubriks T 5.
T 4.
PAGSASANAY 3 M 3.
M 2.
May Rubriks T 1.
PAGSASANAY 2 PAUNANG PAGSUBOK

Sanggunian
https://www.youtube.com/watch?v=nuyj8dXsN5s&fbclid=IwAR20lN7-
vdV8seH9pW5Ft0NBcKmGYmkJtmz90MCRS4SURCZFCdNdBySK58o

https://maejoygaoat000.wordpress.com/2017/10/17/%E2%80%8Bang-batang-
pulubi
https://serendipitouswordsmith.wordpress.com/page/2/
https://kami.com.ph/77150-working-student-na-nagtinda-ng-isda-naging-crew-
sa-mcdo-naigapang-ang-kolehiyo-nagtapos-bilang-cumlaude.html

https://www.google.com/search?source=univ&tbm=isch&q=larawan+ng+tumutulo
ng+sa+kapwa&sa=X&ved=2ahUKEwiOsenX2c7rAhUZK6YKHaSkAUcQsAR6BAgJEA
E&biw=1366&bih=657#imgrc=wFIFcbsNDIlzpM
Gozales, Jasmin O., et al., Tudla 10 Binagong Edisyon, Sta. Teresa Publication,
Inc.: Quezon City, 2016

13

You might also like