You are on page 1of 17

Camarines Norte College

Labo, Camarines Norte


Junior High School Department
S.Y. 2020-2021
Mga Gawaing Pampagkatuto para sa Filipino 8

FILPINO 8: Mga Panitikang Pambansa at Florante at Laura

Ikatlong Kwarter

Kontemporaryong Panitikan
Tungo sa Kultura at
Panitikang Popular
Modyul Blg. 3

Pamantayang Pangnilalaman
Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa kaugnayan ng panitikang popular sa kulturang
Pilipino

Pamantayan sa Pagganap
Ang mag-aaral ay nakabubuo ng kampanya tungo sa panlipunang kamalayan sa pamamagitan ng
multimedia (social media awareness campaign)

Batayang Aklat/Reference Book


PUNLA 8: Mga Panitikang Pambansa at Florante at Laura
(Lourdes L. Miranda, Antonietta D. Tapang, at Pilipina A. Guerrero)

**gamitin ang isang buong intermediate paper bilang sagutang papel**


1
Talaan ng Nilalaman para sa Modyul Blg. 3
Linggo Bilang ng Pamagat ng Bilang ng Gawaing Inaasahang
Aralin Aralin Ipapasa Resulta
(ipapasa
pagkatapos ng
bawat Linggo)
Linggo 1 Aralin 1 Mga Babasahing Pagtataya 1. Suring-basa: Isang buong papel
Popular: Pahayagan, Paghahambing sa mga na kinasusulatan ng
Komiks, at Magasin Katangian ng mga Pagtataya 1,
Impormal na Tekstong Popular Pagtataya 2, at
Komunikasyon (Balbal, MINI-TASK 1
Kolokyal, at Banyaga) Pagtataya 2. Kasanayan sa
Impormal na
Komunikasyon

Mini-Task 1.

Linggo 2 Aralin 2 Komentaryong Panradyo Pagtataya 1. Suring-basa: Isang buong papel


Mga Angkop na Pagsusuri sa Akda batay sa na kinasusulatan ng
Ekspresyon sa Katangian Pagtataya 1,
Pagpapahayag ng Pagtataya 2, at
Konsepto ng Pananaw Pagtataya 2. Kasanayan sa MINI-TASK 2
Konsepto ng Pananaw

Mini-Task 2
Linggo 3 Aralin 3 Dokumentaryong Pagtataya 1. Suring-Nood: Isang buong papel
Pantelebisyon Pagsusuri ng na kinasusulatan ng
Ugnayang Lohikal ng Dokumentaryong Pagtataya 1,
Sanhi at Bunga Pantelebisyon Pagtataya 2, at
MINI-TASK 2
Pagtataya 2. Kasanayang
Pangwika

Mini-Task 3

Linggo 4 IKATLONG ANTASANG PAGSUSULIT


Linggo 5 Aralin 4 Ang Alamat ng Lawin: Pagtataya 1. Movie Review Isang buong papel
Suring-pelikula na kinasusulatan ng
Tamang Gamit ng mga Movie Review
Komunikatibong
Pahayag

Linggo 6 MINI-TASK 4: Pagtataya 1. Angkop na Isang buong papel


Paghahanda sa Gamit ng Bantas na kinasusulatan ng
Pangwakas na Gawain mga pagtataya
Tamang gamit ng mga Pagtataya 2. Pagsusulit
bantas

Linggo 7 Kampanya Tungo sa Pangwakas na Gawain: Isang likhang-kamay


Panlipunang Kamalayan: Kampanya Tungo sa o printed media ng
Pangwakas na Gawain Panlipunang Kamalayan kampanya tungo sa
panlipunang
kamalayan na nasa
long size bond paper

Linggo 8 IKATLONG MARKAHANG PAGSUSULIT


2
UNANG LINGGO

1 Mga Babasahing Popular: Pahayagan, Komiks, at Magasin


Impormal na Komunikasyon (Balbal, Kolokyal, at Banyaga)

Inaasahang Pagkatuto
1. Magagawa mong masuri ang iba’t ibang tekstong popular sa pamamagitan ng paghahambing sa
mga katangian nito (F8PB-IIIa-c-29)
2. Magagawa mong magamit sa iba’t ibang sitwasyon ang mga salitang ginagamit sa impormal na
komunikasyon (balbal, kolokyal, banyaga) (F8WG-IIIa-c-30)
3. Magagawa mong mailahad nang maayos at mabisa ang mga nalikom na datos sa pananaliksik
(F8PS-IIIa-c-30)

Ngayong nakarating ka na sa ikatlong kwarter, lalong mapahahalagahan mo ang pantikang


Pilipino tungo sa pagkakaroon ng pakialam sa mga nangyayari sa bansa. Mabisang paraan ang
iba’t ibang tekstong popular upang malaman ng lahat ng mamamayan ang mga nangyayari sa
pamayanan. Dito ay mauunawaan mo ang layunin o pakay ng iba’t ibang tekstong popular,
gayundin ang pagkakapare-pareho at pagkakaiba-iba sa istruktura. Pag-aaralan mo rin dito ang
mga impormal na komunikasyon at kung saan ang mga ito madalas gamitin. Sa huli, ikaw ay
magsasagawa ng isang pag-oorganisa sa mga impormasyong kakailanganin mo para sa pangwakas
na gawain. Basahin at pag-aralan ang nilalaman ng pahina 153-154, at pahina 157-159.
Narito ang anyo ng iba’t ibang tekstong popular;
Pahayagan/dyaryo

3
Komiks

Magasin

4
Mahalagang nabasa mo ang nilalaman ng mga pahina 153-154, at pahina 157-159 bago gawin ang mga
pagtataya. Maaari mo ring sundan ang isang slide presentation na nasa link sa ibaba. Puntahan ang link at
pindutin ang MODULES>>GRADE 8>>THIRD QUARTER>>FILIPINO.
http://www.camarinesnortecollegejhs.com “Filipino 8 Quarter 3 Aralin 1 Tekstong Popular (Pahayagan,
Komiks, Magasin)”

Pagtataya 1. Suring-basa: Paghahambing sa mga Katangian ng mga Tesktong Popular


Panuto: Suriin mo ang mga katangian ng iba’t ibang tekstong popular batay sa iyong naunawaan sa binasa. Gawin
mo at sagutin ang tsart na nasa ibaba sa iyong intermediate paper. Lagyan ng tsek ang kolum kung ang katangian
ay taglay ng tekstong popular at ekis naman kung hindi. Pagkatapos, isulat mo sa nakalaang kahon ang iyong
paglalahat sa pagsusuri.

Katangian ng mga Tekstong Popular pahayagan komiks magasin


Ipinapaalam sa mga tao ang mahalagang pangyayari sa
bansa, gaya ng krimen, sakuna, krisis, ulat sa pamahalaan, at
iba pa.
Nagbibigay ng impormasyon tungkol sa buhay ng mga tao,
tungkol sa produkto, mga gamit sa iba’t ibang gawain, at iba
pa.
1. layunin
Naghahatid ng mga kuwento at iba pang mga kathang-isip
na nangyari sa buhay ng bidang tauhan.
Nanlilibang sa mga mambabasa

Naghahatid ng kaalaman at impormasyon

Gumagamit ng mga larawan o guhit/drawing

2.istruktura/ Makikita sa nilalaman ang kultura at pamumuhay ng mga


pagkakabuo Pilipino
Babasahing binubuo ng mga pahina

Batay sa iyong mga naging kasagutan, may kaugnayan ba ang mga tekstong popular sa kultura o pamumuhay
ng mga Pilipino?
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________

DAGDAG KAALAMAN
Madalas na gamitin sa mga tekstong popular tulad ng pahayagan, komiks, at magasin ang mga impormal
na komunikasyon. Isa kasi ito sa mga mabisang paraan upang makuha ng manunulat ang atensyon at
interes ng kanyang mga mambabasa. Ang mga di-pormal na komunikasyon ay kakaibang paraan ng
pagpapahayag at pakikipag-usap na nakaaaliw basahin at pakinggan. Tingnan ang mga halimbawa sa
ibaba.

deadma holdaper tserman in-lab na in-lab


bebot nagpapabyuti ma-pride tinadtad ng bala
binoga narekober nang-hostage niratrat
kelot nangangarnap weder-weder lang tinambakan

Madalas na gamitin ang mga pananalitang ito sa isang uri ng pahayagan na tinatawag na tabloid.
Basahin mo ang nilalaman ng pahina 160- 161 ng iyong batayang-aklat upang maunawaan mo ang mga
impormal na komunikasyon.

5
Pagtataya 2. Kasanayan sa Impormal na Komunikasyon
Panuto: Gamitin mo sa isang pangungusap ang pananalitang nasa bawat bilang. Isulat ang iyong sagot sa iyong
sagutang papel. Sa loob ng panaklong nakalagay ang kahulugan ng mga pananalita.

1. inisnab (hindi pinansin) 6. okray (pagbibiro)


2. todas (patay) 7. olats (talo)
3. epal (mapapel o papansin) 8. arbor/albor (hingin nang libre)
4. utol (kapatid) 9. tsibog/chibog (pagkain/kain)
5. iskapo (takas/alis) 10. datung (pera)

Mini-Task 1. Paghahanda sa Pangwakas na Gawain

Panuto: Basahin mo ang nilalaman ng mga pahina 211-214 ng iyong batayang aklat. Doon ay malalaman mo
kung ano ang bullying. Pagkatapos mong mabasa, gawin mo sa iyong sagutang papel ang graphic organizer at
isulat ang tatlong pinakamahalagang impormasyon na nalaman mo tungkol sa bullying.

ANG PAMBU-BULLY

1.

2.

3.

6
IKALAWANG LINGGO

2 Komentaryong Panradyo
Mga Angkop na Ekspresyon sa Pagpapahayag ng Konsepto ng
Pananaw

Inaasahang Pagkatuto

1. Magagawa mong masuri ang isang piyesa ng komentaryong panradyo batay sa layunin at istruktura
2. Magagawa mong magamit ang mga angkop na ekspresyon sa pagpapahayag ng konsepto ng
pananaw (F8WG-IIId-e-31)
3. Magagawa mong mailahad nang maayos at wasto ang pansariling pananaw, opinyon, at saloobin
(F8PS-IIId-e-31)

Nalaman mo sa unang aralin na tinatangkilik pa rin ng mga tao sa ngayon ang mga
babasahing popular lalo na ang pahayagan na naghahatid ng malawakang ulat tungkol sa bansa at
sa daigdig. Ngayon naman, mapag-aaralan mo ang isa pang panitikang popular na bahagi na ng
pang-araw-araw na pamumuhay nating mga Pilipino. Hanggang ngayon, marami pa rin sa atin ang
nakikinig sa mga balita at komentaryo sa radyo. Ang komentaryo ay isang segment sa radyo na
kung saan, ang mga mamamahayag ay malayang tinatalakay ang isang napapanahong isyu.
Mahalaga rito ang kanilang mga opinyon lalo na ang mga totoong impormasyon mula sa mga
batayang pinagkunan. Basahin at pag-aralan ang nilalaman ng mga pahina 167-170 ng iyong
batayang-aklat.

Pagtataya 1. Suring-Basa: Pagsusuri sa Akda batay sa Katangian


Panuto: Suriin mo ang binasang komentaryong panradyo na nasa pahina 167-169gamit ang tsart sa ibaba.
Gawin mo ito at sagutin sa iyong sagutang papel.

Katangian ng Isang Komentaryong Panradyo Sagot (Oo o Hindi) Patunay


1. Paksa
Mahalaga ba at napapanahong isyu/usapin sa
lipunan ang pinag-uusapan sa komentaryong
panradyo?
2. Layunin
Patas ba ang pagtalakay sa isyu na pinag-
uusapan sa komentaryong panradyo, ibig sabihin
ay walang kinikilingan o kinakampihang panig?
3. Nilalalaman
Puro lang ba opinyon ng mamamahayag o
tagapagsalita sa radyo ang nilalaman ng
komentaryong panradyo?
Bilang paglalahat, ano ang komentaryong panradyo bilang isang uri ng panitikang popular?
Ang komentaryong panradyo ay isang uri ng panitikang popular na _________________________________
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________

Mahusay ka kung nasagot mo nang tama ang mga katanungan na may mga angkop na patunay galing sa nilalaman
ng komentaryong binasa. Magaling ka kung nasagot mo ang mga tanong nang tama at may mga patunay na mula
sa iyong sariling opinyon o kaisipan. Maayos ang ginawa mo kung nasagot mo ang mga tanong ngunit hindi
gaanong nasuportahan ng mga itinala mo sa ilalim ng patunay. Mahina naman ang iyong ginawa kung may mga
pagkakamali sa iyong kasagutan.
7
Para sa Pagtataya 2, basahin ang nilalaman ng pahina 170 ng iyong batayang-aklat.
DAGDAG-KAALAMAN
Sa pagpapahayag ng konsepto ng pananaw, may dalawang ginagamit;
1. Mga pahayag na nagpapahiwatig ng…
a. iniisip o paniniwala ng isang tao
sa pananaw ko/ni akala ko/ni
sa paniniwala ko/ni sa tingin ko/ni
para sa akin/para kay
b. impormasyong galing/batay sa pag-aaral, batas, aklat, akda, o survey (may pinagkunan)
batay sa naniniwala ang
ayon sa sang-ayon sa
mula sa

Halimbawa:
• Naniniwala ang mga mamamayang Pilipino na hindi pa rin naibibigay ng gobyerno ang sapat na
tulong pinansyal o ayuda kaugnay ng pandemyang Covid-19.
• Sa tingin ni DepEd Sec. Briones, ligtas na ipagpatuloy ang klase ng mga kabataan ngayong S.Y.
2020-2021.
2. Mga pahayag na nagpapahiwatig ng pagbabago o pag-iiba ng pananaw
Gayon man Samantala
Sa kabilang banda/Sa isang banda
Di tulad ng

Halimbawa:
• Sa isang banda, mabuti na rin sigurong nangyari iyon para matauhan ang mga nagtutulog-
tulugan.
• Sa tingin ni DepEd Sec. Briones, ligtas na ipagpatuloy ang klase ng mga kabataan ngayong S.Y.
2020-2021. Sa kabilang banda, ang pagbubukas ng klase ngayong taon sa mga paaralan ay
posibleng maghatid ng peligro sa buhay ng maraming kabataan.

Pagtataya 2. Kasanayan sa Konsepto ng Pananaw


Panuto: Gamitin mo ang angkop na pahayag sa mga pangungusap sa bawat bilang. Kopyahin mo at sagutin ang
gawaing ito sa iyong sagutang papel.

1. ______________ 1987 Konstitusyon ng Pilipinas, Filipino ang pambansang wika at isa sa mga opisyal
na wika ng komunikasyon at sistema ng edukasyon.
2. ______________ makabubuti para kanino man ang kanilang mga plano.
3. ______________ PAGASA, ang bagyo ay magla-land fall sa Pilipinas sa darating na Miyerkules o
Huwebes.
4. ______________ ang aming samahan na kinakailangang itaguyod pa rin ang pag-aaral ng mga kabataan
kahit pa nahaharap ang bansa sa isang masalimuot na sitwasyon.
5. Iniulat ng pamahalaan na bumababa na ang kaso ng mga Pilipinong nagkakasakit. ______________,
patuloy pa rin ang mga kaso ng tinatamaan ng virus sa mga lalawigan.

Mini-Task 2. Paghahanda sa Pangwakas na Gawain


Panuto: Isulat mo sa isang talatang sanaysay ang iyong pananaw tungkol sa bullying. Maaari mong balikan ang
nilalaman ng pahina 211-214 ng iyong batayang-aklat para makakuha ka ng mga totoong impormasyon.
Gumamit ka ng mga angkop na ekspresyong nagpapahayag ng konsepto ng pananaw. Isulat mo ito sa iyong
sagutang papel.

“Pamagat ng Talata”
__________________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________________________

________________________________________________________________________________________.

8
IKATLONG LINGGO
3 Dokumentaryong Pantelebisyon
Ugnayang Lohikal ng Sanhi at Bunga

Inaasahang Pagkatuto
1. Magagawa mong masuri ang isang programang napanood sa telebisyon ayon sa itinakdang mga
pamantayan (F8PD-IIIe-f-31)
2. Magagawa mong magamit nang wasto ang mga ekspresyong hudyat ng kaugnayang lohikal
(dahilan-bunga, paraan-resulta, paraan-layunin, kondisyon-bunga) (F8WG-III-e-f-32)
3. Magagawa mong magamit sa pagsulat ang mga eskpresyong nagpapakita ng ugnayang lohikal
(F8PU-IIIe-f-32)

Sa araling ito ay mauunawaan mo na mahalagang piliin ang mga programang pinanonood


sa telebisyon. Malaki ang nagagawa ng telebisyon sa kasalukuyang panahon upang hubugin ang
pamumuhay at kultura nating mga Pilipino. Ang mga dokumentaryong pantelebisyon ay
programang mahalagang mapanood ng mga Pilipino dahil itinatampok dito ang kalagayan sa
buhay ng mga taong halos hindi na napapansin o nilalaman ng karamihan sa atin. Dito ay
magagawa mong masuri ang isang programang napanood batay sa katangian nito. Malilinang mo
rin sa araling ito ang iyong kasanayan sa mga ekspresyong naghuhudyat ng ugnayang lohikal. Sa
huli, ikaw ay magsusulat ng iyong realisasyon tungkol sa isang isyung panlipunan na mahalagang
mabigyang pansin ng lahat. Basahin at pag-aralan ang nilalaman ng mga pahina 174-180 ng iyong
batayang-aklat. Makbubuti kung gagawin mo ang mga gawain at pagsasanay nasa aklat bilang
paghahanda sa mga pagtataya.

Ang mga dokumentaryong pantelebisyon ay isang programa sa


telebisyon na may layuning maghatid ng impormasyon at ipakita
sa mga manonood ang katototohanan tungkol sa isang tao, bagay,
lugar, at iba pa.

Ilan sa mga halimbawa ng mga programang naghahatid ng dokumentaryong pantelebisyon;

9
Tingnan ang pagkakaiba ng komentaryong panradyo at dokumentaryong pantelebisyon.

Upang maging handa ka sa pagsusuri ng isang dokumentaryong pantelebisyon, kailangang makapanood


ka ng ilang dokumentaryo sa tv network na mayroon kayo sa inyong tahanan. Manood ka ng isang
dokumentaryong pantelebisyon kasama ang iyong magulang o nakatatandang miyembro ng pamilya upang
magabayan ka sa mga bagay na maaaring kagulat-gulat o bago pa lamang sa iyo. Karamihan sa magagandang
documentary shows ay nasa GMA Kapuso channel, tulad ng “i-Witness”, “Reel Time”, “Front Row”, “Wish Ko
Lang”, at “Brigada”. Maaari mo rin namang panoorin ang ilang dokumentaryong pantelebisyon na nasa website
ng CNC-JHS. Sundan mo lang ang link at pindutin ang MODULES>>GRADE 8>>THIRD
QUARTER>>FILIPINO
http://www.camarinesnortecollegejhs.com

1. Filipino 8 Quarter 3 Aralin 3 I-Witness- 'Buto't Balat,' a documentary by Kara David (full episode)
Tungkol ito sa matinding kahirapan ng
ilang pamilya sa bayan ng Mercedes,
Camarines Norte na ipinalabas sa GMA
Kapuso channel noong 2005.

2. Filipino 8 Quarter 3 Aralin 3 Golden Gamble. Gold mining in the Philippines, a dirty business
Ipinakita rito ang mapanganib na
hanapbuhay ng karamihan sa mga
residente ng bayan ng Paracale,
Camarines Norte—ang pagkakabod
(compressor mining).

3. Filipino 8 Quarter 3 Aralin 3 KAWAYANG PANGARAP


Ang dokumenataryong ito ay nagpapakita
ng pagsisikap ng ilang katutubong aeta
para mapagtapos ang kanilang mga anak
sa pag-aaral tungo sa kanilang pangarap.

10
Pagtataya 1. SURING-NOOD: Pagsusuri ng Dokumentaryong Pantelebisyon
Panuto: Suriin mo ang dokumentaryong napanood mo gamit ang tsart sa ibaba. Kopyahin at sagutin mo ito sa
iyong sagutang papel.
Pagsusuri sa isang dokumentaryong Sagot (Oo o Hindi) Patunay
napanood
1. Paksa
Mahalaga ba ang paksa ng napanood mong
dokumentaryo?
2. Layunin
Naantig ba ang iyong damdamin at nabago ang
iyong pananaw sa buhay?
3. Nilalalaman
Nangyayari rin ba sa lahat ng lugar sa Pilipinas
ang ipinakitang mga kalagayan sa
dokumentaryong pinanood mo?
Bilang paglalahat, ano ang dokumentaryong pantelebisyon bilang isang uri ng panitikang popular?
Ang dokumentaryong pantelebisyon ay isang uri ng panitikang popular na ____________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________

Dagdag-Kaalaman
Karaniwang isinasalaysay ng dokumentaryong pantelebisyon ang nilalaman nito sa pamamagitan ng
pagpapakita sa aktwal na pangyayari sa kalagayan ng film subject o mga taong sangkot sa pinag-uusapang
paksa. Sa pagsasalaysay, mahalagang magkaroon ng ugnayan ang mga pangyayri o ideya. May mga
ekspresyong ginagamit upang ang dalawang magkahiwalay na idea o kaisipan ay mapagdugtong.

4 na Paraan

1. ugnayan ng dahilan at bunga


2. ugnayan ng paraan at layunin
3. ugnayan ng paraan at resulta
4. ugnayan ng kondisyon at bunga

Narito ang mga salitang-hudyat o pananalitang ginagamit sa pagpapahayag ng ugnayang lohikal.


Halimbawa ng ugnayang dahilan at bunga
1. Nag-aaral siyang mabuti kaya natuto siya
nang husto.
2. Dahil nag-aaral siyang mabuti, natuto siya
nang husto.

Halimbawa ng ugnayang paraan at layunin


1. Upang matuto nang husto, nag-aaral siyang
mabuti.
2. Nag-aaral siyang mabuti, nang sa ganoon ay
matuto nang husto.

Halimbawa ng ugnayang paraan at resulta Halimbawa ng ugnayang kondisyon at bunga


1. Sa matiyagang pag-aaral, nakatapos siya sa 1. Kung nag-aral ka lang nang mabuti, sana’y
kaniyang kurso. natuto ka nang husto.
2. Sa pagtitiyaga, may mararating ka. 2. Kapag nag-aral kang mabuti, matututo ka
nang husto.

11
Pagtataya 2. Kasanayang Pangwika
Panuto: Pumili ka ng isang larawan sa ibaba. Sumulat ka ng isang talatang nagpapahayag ng iyong damdamin
tungkol sa ipinakikita ng larawan. Gamitin mo sa pagsulat ang mga ekspresyong nagpapahayag ng ugnayang
lohikal. Isulat ang talata sa iyong sagutang papel.

“Pamagat ng Talata”
________________________________________________________________________________________

_______________________________________________________________________________________________

_______________________________________________________________________________________________

_______________________________________________________________________________________________

Mini-Task 3. Paghahanda sa Pangwakas na Gawain


Panuto: Balikan mo ang iyong nalalaman tungkol sa bullying. Kung nakalimutan mo na, basahin muli ang
nilalaman ng mga pahina 211-214. Punuan mo ng limang impormasyon ang bawat kahon. Gawin mo ito sa
iyong sagutang papel.

Mga dahilan ng pagkakaroon ng


Mga epekto o bunga ng bullying
bullying

12
IKALIMANG LINGGO

4 Ang Alamat ng Lawin: Suring-pelikula


Tamang Gamit ng mga Komunikatibong Pahayag

Inaasahang Pagkatuto

1. Magagawa mong makasuri ng isang napanood na pelikula (F8PB-IIIg-h-32)


2. Magagawa mong magamit ang kahusayang gramatikal sa pagsulat ng isang suring-pelikula (F8WG-
IIIg-h-33)
3. Magagawa mong maipahayag ang sariling pananaw tungkol sa mahahalagang isyung mahihinuha
sa napanood na pelikula (F8PD-IIIg-h-32)

Sa araling ito ay mauunawaan mo ang totoong layunin ng mga pelikula bilang bahagi ng
kulturang Pilipino. Hindi lamang nagbibigay ng aliw o libangan sa mga tao ang panonood ng mga
pelikula. Napakarami ring pagpapahalaga ang pwedeng makuha ng mga manonood mula rito.
Kaya nga, mahalagang piliin ang mga panonooring pelikula upang magaganda at mabubuting
pagpapahalaga lamang ang nakukuha mula sa mga ito. Maraming mga klasikong pelikulang
Pilipino ang nagmumulat sa malawak na imahenasyon ng mga kabataan. Sa pamamagitan din nito,
naipapasa sa sunod na henerasyon ang mga pag-uugaling Pilipino na mayroon tayo. Isa sa
magagandang pelikulang Pinoy ang “Ang Alamat ng Lawin”. Basahin mo ang buod ng pelikula
na nasa pahina 187-189. Para naman sa mga kakailanganing kaalaman para sa pagsuri ng isang
pelikula, basahin at pag-aralan mo ang nilalaman ng mga pahina 191-196. Bilang panimula,
basahin mo ang maikling kasaysayan ng pelikula sa Pilipinas sa pahina 183 ng iyong batayang-
aklat.

Pagtataya 1. Movie Review


Panuto: Manood ka ng isang pelikulang pantasya. Pagkatapos mo itong mapanood, suriin mo ito gamit ang
balangkas ng pagsusuring pampelikula. Sagutin lamang ang mga tanong. Gawin mo ang pagsusuri sa iyong
sagutang papel. Kung wala kang mapanonood na pelikula, pwede nang gamitin ang buod ng “Ang Alamat ng
Lawin” na nasa pahina 187-189.
PAGSUSURI NG PELIKULA
Banghay/Pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari. Kapani-panabik ba ang mga pangyayari?
Kapani-paniwala ba ito?
Tema Maganda ba ang ipinararating na mensahe ng pelikula?
Makatutulong ba ito sa pag-unlad ng pagkatao o
lipunan?
Pagganap ng mga Tauhan Kapani-paniwala ba ang pagganap ng mga artista?
Nakuha ba nila ang inaasahang reaksiyon ng mga
manonood?
Sinematograpiya Akma ba sa damdamin ng pelikula ang mga eksena, ang
kulay, ang tagpuang ginamit, at ang panahon?
Editing Maayos ba ang pagdidikit-dikit ng mga eksena? Akma
ba sa kuwento ang pagkakasunod-sunod ng mga
pangyayari?
Special Effects Maganda ba ang pagkakalikha ng ilusyon? May bisa ba
ito sa mga manonood?
Musika Nakatulong ba ang musika para mas mapatingkad ang
damdamin sa pelikula?
Pagsusuring Kritikal Ano-anong mga kaisipan sa pelikula ang makukuha mo
at mailalapat mo sa kasalukuyang kalagayan ng
lipunan? Ang mga pangyayari ba sa pelikula ay may
malalim na mensaheng nais iparating sa mga manonood
patungkol sa kalagayan ng bansa o ng daigdig?
13
Mga halimbawa ng pelikulang pantasya;

Kung hindi available ang alin man sa mga pelikulang ito, kahit anong pelikulang pantasya na lamang ang
suriin—napanood o panonoorin pa lang, pelikulang lokal o pelikulang banyaga. Maaari mo ring panoorin
ang pelikulang “Ang Panday” na binidahan ni Bong Revilla Jr. na nasa link sa ibaba. Sundan ang link at
pindutin ang MODULES>>GRADE 8>>THIRD QUARTER>>FILIPINO
http://www.camarinesnortecollegejhs.com “Filipino 8 Quarter 3 Aralin 4 ANG PANDAY”

Pamantayan sa pagmamarka

Pagbibigay ng impormasyon sa mambabasa


Pagsusuri sa mga Elemento
Pagsusuring Kritikal
Kahusayang Gramatikal

14
IKAANIM NA LINGGO

5
MINI-TASK 4: Paghahanda sa Pangwakas na
Gawain
Tamang gamit ng mga bantas

Inaasahang Pagkatuto

1. Magagawa mong mailahad sa mabisang paraaan ang mga ginamit na komunikatibong pahayag
(F8WG-IIIi-j-34)
2. Magagawa mong magamit ang kaalaman sa pagsulat nang may tamang bantas at pagbabaybay

Ngayong nalalapit ka na sa huling yugto ng Kwarter na ito, marahil ay lubos mo nang


napahalagahan ang iba’t ibang salik ng panitikang popular. Sa kasalukuyang kalagayan ng ating
pamayanan, mahalaga ang ginagampanang papel ng mga babasahing popular, ng radyo, ng
telebisyon, at ng pelikula. Sa tulong ng mga ito, mabilis na naisasapubliko ang mga impormasyon
at kaganapan sa bansa. Ngayon, bilang paghahanda sa iyong pangwakas na gawain, pag-aaralan
mo ang mga gabay sa pagsulat ng isang mabisang pahayag upang maipaabot sa mga mambabasa
o sa mga tumitingin ang iyong mensahe. Basahin at pag-aralan ang nilalaman ng pahina 192-196.

Pagtataya 1. Angkop na Gamit ng Bantas


Panuto: Bumuo ka ng isang talatang sanaysay na naghihikayat sa mga kapuwa mo kabataan na huwag gawin ang
pambu-bully. Ipahiwatig mo sa kanila na dapat itong iwaksi sa lipunan, sa halip ay mag-unawaan at magmalasakit
sa kapuwa. Gamitin mo sa iyong pagsulat ang iyong natutuhan sa tamang gamit ng mga bantas.

“Pamagat ng Talata”

__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________

Pagtataya 2. Pagsusulit
Panuto: Ipaliwanag ang sumusunod na tanong. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.

1. Sa mga panitikang popular na mayroon tayo; dyaryo, komiks, magasin, radyo, TV, at pelikula, alin ang
higit mong tinatangkilik? Bakit?

2. Bilang kabataan, ano ang maipapayo mo sa mga kapuwa mo kabataan sa pagtangkilik ng mgapanitikang
popular, gaya ng mga panoorin sa tv at pelikula?

15
IKAPITONG LINGGO
6 Kampanya Tungo sa Panlipunang Kamalayan:
Pangwakas na Gawain

Inaasahang Pagkatuto

1. Magagawa mong makabuo ng kampanya tungo sa panlipunang kamalayan sa pamamagitan ng


multimedia (social media awareness campaign) (F8PU-IIIi-j-34)

Tulad ng mga babasahing popular, ng radyo, ng mga programa sa telebisyon at ng pelikula,


ang isang panlipunang kampanya ay maituturing ding panitikang popular na bahagi na ng pang-
araw-araw na buhay ng mga tao. Ang mga patalastas sa TV, sa radyo, at maging sa internet ay mga
halimbawa ng kampanyang panlipunan. Mayroon ding mga karatula sa kalsada, mga poster sa
billboards, at maging sa mga pamilihan, terminal, at kahit saan pa. Mahalaga ang isang social
awareness campaign dahil nagagawa nitong gisingin ang pakialam ng tao sa mga nangyayari sa
lipunan. Tingnan mo ang mga halimbawa sa iyong batayang aklat, pahina 209. Basahin muli at
pag-aralan ang nilalaman ng pahina 211-215 para sa pangwakas na gawain.

Ilan pang halimbawa ng social awareness campaign

16
PANGWAKAS NA GAWAIN: KAMPANYA TUNGO SA PANLIPUNANG
KAMALAYAN
Panuto: Mula sa iyong mga ginawang mini-tasks, lilikha ka ng isang kampanyang panlipunan
na magbubuod ng iyong naging kaalaman tungkol sa bullying. Lumikha ka ng isang poster o
patalastas na nagpapahayag ng iyong kaalaman at saloobin tungkol sa bullying na nais mong
ipalaganap at malaman ng kapuwa mo kabataan. Gawin mo ito sa isang long size bond paper. Maaring likhang-
kamay o ginawa sa computer.

Pamantayan ng pagmamarka

Nilalaman/ Mensaheng Nais Iparating Madaling maunawaan ang mensaheng nais iparating
dahil sa tiyak na mga pahayag at mga
larawan/simbolong ginamit sa kampanya
Kauganayan sa Paksa Ang kampanya ay makabuluhang tumatalakay sa
bullying dahil sa mga makatotohanang impormasyon
Kasanayang Panggramatika Mahusay na nagagamit ang lahat ng natutuhan sa
wika at gramatika
Pagkamasining Mahusay na naipakita ang orihinalidad at mga
elemento ng sining

17

You might also like