You are on page 1of 14

Yunit 2: Tekstong Impormatibo •​ ​ Baitang 11

Aralin 1
Katangian at Kalikasan ng Teksto
Talaan ng Nilalaman

Pangunahing Layunin 2
Tiyak na Layunin 2
Unang Kakailanganing Aralin 2
Paksang Aralin 2
Paksa 2
Kagamitan 2
Sanggunian 3
Takdang Oras 3
Pamamaraan 3
Panimulang Gawain 3
Springboard/Balik-aral 3
Pagganyak 4
Mahahalagang Tanong 6
Pagtatalakay 6
Gawain 6
Pagsusuri 8
Pagbuo ng Konsepto o Ideya 10
Paglalapat 11
Pangwakas na Gawain 12
Pagpapahalaga 12
Paglalahat 12
Pagtatasa 13
Kasunduan 13

Copyright ​©​ 2019 Quipper Limited


1
Yunit 2: Tekstong Impormatibo •​ ​ Baitang 11

Yunit 2 | Tekstong Impormatibo


Aralin 1: Katangian at Kalikasan ng Teksto
Pangunahing Layunin
Pagkatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang naibabahagi ang katangian at
kalikasan ng iba’t ibang tekstong binasa. (​ F11PS–IIIb–91)

Tiyak na Layunin
Sa araling ito ay bibigyang pansin ang: ​(Slide 2)
● tekstong impormatibo;
● mga uri ng impormasyon; at
● mga halimbawa ng tekstong impormatibo.

Unang Kakailanganing Aralin


Sa araling ito ay kinakailangan na ang mga mag-aaral ay may naitaguyod nang kasanayan
sa:
● pagbasa (Baitang 11, Yunit 1, Aralin 1:Kahulugan at Katangian ng Pagbasa)
● proseso ng pagbasa (Baitang 11, Yunit 1, Aralin 2: Iskema Bilang Proseso ng
pagbasa)
● mga teorya ng pagbasa (Baitang 11, Yunit 1, Aralin 3: Interaktibong Proseso ng
Pagbasa)
● metacognition​ (Baitang 11, Yunit 1, Aralin 4: Metakognitibong Proseso ng Pagbasa)

Paksang Aralin
A. Paksa
Katangian at Kalikasan ng Teksto

B. Kagamitan
● Laptop
● Smart TV/projector
● Presentation Slides

Copyright ​©​ 2019 Quipper Limited


2
Yunit 2: Tekstong Impormatibo •​ ​ Baitang 11

C. Sanggunian
● Quipper Study Guide FIL11 U2, Tekstong Impormatibo
● Quipper Video FIL 11 U2 L1, Katangian at Kalikasan ng Teksto
● R. Bernales, et. al. Pagbasa, Pagsulat, Pananaliksik: Batayan at Sanayang-aklat
sa Filipino II Antas Tersyarya. Lungsog ng Malabon: Mutya Publishing House,
Inc., 2009.
● W. Pacay III. Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa
Pananaliksik: K to 12 Compliant Worktext in Filipino for the Senior High
School. Lungsod ng Pasay: JFS Publishing Services, Inc., 2016.
● “Mark Angeles, Makata ng Taon 2016.” Komisyon sa Wikang Filipino. Nakuha
mula sa​ ​http://kwf.gov.ph/mark-anthony-s-angeles-makata-ng-taon-2016/

D. Takdang Oras
40 minuto

Pamamaraan

A. Panimulang Gawain

Springboard/​Balik-aral: 3 minuto
1. Ipakita ang ​slide.​ ​(Slide 3)

Copyright ​©​ 2019 Quipper Limited


3
Yunit 2: Tekstong Impormatibo •​ ​ Baitang 11

2. Itanong:
● Ano ang metakognitibong proseso na pagbasa? A ​ ng metakognitibong
pagbasa ay ang pagpapakahulugan, pagbubuo ng katanungan, pagbibigay
hinuha o pagkukuro, at pagbubuo ng kaisipan ukol sa binasa.
● Paano nagkakaroon ng kamalayan ang tao sa mga bagay na nasa
kaniyang paligid? A​ ng tao ay may isip, may reaksyon siya sa lahat ng
kaniyang nakikita, posibleng nagtatanong, may komento, o hinuha.
● Ano ang tatlong yugto ng pagbasa na kung saan ay nagaganap ang ang
metakognisyon na proseso ng pagbasa? B ​ ago magbasa, habang
nagbabasa, at pagkatapos magbasa.

3. Magpabuo ng mahahalagang konsepto o ideya tungkol sa metakognitibong


proseso na pagbasa.

4. Hayaang ibahagi ng mga mag-aaral ang kanilang natutunan sa nakaraang aralin.

Pagganyak: 1-5 minuto


1. Ipakita ang larawan.​ (Slide 4)

Copyright ​©​ 2019 Quipper Limited


4
Yunit 2: Tekstong Impormatibo •​ ​ Baitang 11

2. Sabihin: Aminin man o hindi ay nakasisiguro akong alam na alam ninyong lahat
ang mga kulay na iyan, ang ​yellow, orange,​ at ​red ​na madalas nating nakikita sa
mga balita sa telebisyon sa tuwing sumasapit ang malalakas na pag-ulan at
bagyo.

3. Itanong:
● Anong impormasyon ang inihahatid ng mga kulay? ​Suspensyon ng klase sa
tuwing sumasapit ang malakas na pag-ulan at bago.
● Ano ang mahalagang hatid ng impormasyong ito? ​Nagkakaroon ng
kabatiran ang mga tao kung gaano katindi ang lakas ng ulan o bagyo.
● Kailan ikinakansela ang pasok ng mga nasa ​kindergarten? Kapag ibinaba
ang signal #1.
● Kailan nawawalan ng pasok ang lahat ng mga mag-aaral mula
kindergarten​ hanggang kolehiyo? ​Kapag ang ibinaba ng PAGASA ay signal #3
na.

4. Hikayating sumagot ang mga mag-aaral.

5. Sabihin: Ang impormasyon tungkol sa pagkansela ng klase at taas ng tubig ng


pagbaha ay sadyang mahalaga. Sapagkat nakapaghahanda ang mga tao sa
posibleng peligrong hatid ng malakas na pag-ulan at bagyo.

Kasanayan sa ICT

Maaari itong gawing alternatibo o karagdagang pagganyak.

Balikan ang​ video​ para sa araling ito na nauna nang ipinanood. Pagkatapos ay
sagutin ang mga tanong:
● Ano ang tekstong impormatibo?
● Ano ang dalawang uri ng impormasyon?
● ​Ano-ano ang halimbawa ng tekstong impormatibo?

Copyright ​©​ 2019 Quipper Limited


5
Yunit 2: Tekstong Impormatibo •​ ​ Baitang 11

Mahahalagang Tanong: 1
​ -3 minuto
1. Sabihin: Sa araling ito ay sasagutin natin ang sumusunod na tanong:​ ​(Slide 5)
● Bakit mahalagang patuloy na magbasa ng iba’t ibang uri ng teksto?
● Bakit kailangang maging mapanuri sa impormasyong nababasa?
● Bakit mahalagang magkaroon ng kaalaman sa iba’t ibang uri ng teksto?

2. Ipaalam sa mga mag-aaral na ang mga tanong na ito ay sasagutin pagkatapos ng


talakayan.

B. Pagtatalakay

Gawain: 10 minuto
Ipagawa ang parehong gawain.

Gawain​ ​1:​ Winners Take All Stars​


Takdang oras​:​ 5 minuto
Sa gawaing ito, masusubok ng guro ang dami ng nalalamang impormasyon
ng mga mag-aaral. Matutuklasan din niya kung sino sa mga mag-aaral ang
mahilig magbasa ng mga impormatibong babasahin.

1. Ipakita ang larawan. ​(Slide 6)

2. Bigyan ng tig-iisang f​ laglet​ ang mga mag-aaral (mahalagang naihanda


na ang mga f​ laglet​ bago pa man sumapit ang takdang araw ng
pagtalakay sa araling ito, kung wala namang naihandang f​ laglets​ ay
mag-uunahan na lamang sa pagtayo ang sinumang nagnanais na
makasagot sa tanong ng guro.)

Copyright ​©​ 2019 Quipper Limited


6
Yunit 2: Tekstong Impormatibo •​ ​ Baitang 11

3. Agad na sasagutin ng mga mag-aaral ang bawat tanong ng guro.

4. Bawat makasagot ng tama ay bibigyan ng bituin.

5. Ang sinumang makaipon ng pinakamaraming bituin ang siyang/silang


nagwagi.

6. Mga tanong na babasahin ng guro:


● Ito ay tinatawag ding o ​ ffshore bar. (sandbar)
● Kasama ang ibang mag-aaral ng Harvard College ay binuo niya
ang Facebook. (​ Mark Zuckerberg)
● Kung si Aurelio Tolentino ay Ama ng Dulang Kapampangan,
sino naman ang Ama ng Dulang Tagalog?​ (Severino Reyes)
● Pandaigdigang sistema ng mga ​computer networks. (Internet)
● Ang I​ nternet a
​ y pinaikli lamang, ito ay mula sa dalawang salita.
(Interconnected Network)

Gawain 2: B​ rainstorming
Takdang oras​: ​5 minuto
Matapos ang gawaing ​Winners Take All Stars​ ay papangkatin ng guro ang
klase (bahala na ang guro kung ilang pangkat ayon sa bilang ng mga
mag-aaral.) Lahat ng mga nakakuha ng puntos/bituin ay kailangang
magkakahiwalay.

1. Ipakita ang larawan. ​(Slide 7)

Copyright ​©​ 2019 Quipper Limited


7
Yunit 2: Tekstong Impormatibo •​ ​ Baitang 11

2. Bawat pangkat ay pag-uusapan ang paksang itatalaga ng guro.

3. Ipatala sa dilaw na papel ang mga mapag-uusapan at ipapasa


matapos ang pagtalakay ng araling ito.

4. Maaaring sumangguni sa Quipper Study Guide o iba pang aklat o


babasahin bilang reperensya.

5. Mga paksa:
● Unang pangkat - Tekstong impormatibo, obhetibong teksto
● Ikalawang pangkat - Tuwiran at hindi tuwirang impormasyon
● Ikatlong pangkat - Mga tekstong impormatibo
● Ikaapat na pangkat - Mga kategorya ng tekstong impormatibo

6. Maaaring ipaulat o ipabahagi sa klase ang resulta ng gawaing ito.


Pumili ng pinakamahuhusay na pangkat na nagtalakay.
magkakatambal na mag-aaral.

7. Iproseso ito kung kinakailangan.

Pagsusuri
Mungkahi: Malayang talakayan o Pangkatan. Kung pangkatan, bahala na ang guro
sa pagpapangkat, depende sa dami ng mag-aaral o laki ng klase.

1. Ipakita ang ​graphic organizer​ at pasagutan. ​(Slide 8)

Copyright ​©​ 2019 Quipper Limited


8
Yunit 2: Tekstong Impormatibo •​ ​ Baitang 11

2. Magpabuo ng kongklusyon.

3. Maaaring ipaulat ang resulta ng pagsusuri.

4. Talakayin o iproseso ang sagot ng mga mag-aaral.

Gabay:
● Masasabing obhetibo ang mga tekstong impormatibo dahil
naglalahad ito ng tiyak na katotohanan o kaalaman nang walang
pagkiling. Halimbawa: Ang mga balita ay naglalaman ng
katotohanan, hindi maaaring ito ay maglaman ng sariling opinyong
ng sumulat ng naturang balita.
● Totoong maaaring tuwiran o hindi tuwiran ang mga impormasyon.
Tuwiran ito kung ang impormasyon ay nagmula mismo sa taong
nakaranas ng sitwasyon, tuwiran kung ang impormasyon ay
nagmula mismo sa saksi. Hindi tuwiran kung mayroon ng iba pang
pinanggalingan ng impormasyon.
● Maraming uri ng tekstong impormatibo, ang ilan sa mga ito ay
balita, patalastas, anunsyo, at memorandum. Ngunit masasabing
hindi pa rin mapanghahawakan ang lahat ng ito, sapagkat may ilan
sa mga ito ay naglalayon lamang na manghimok ng tao, halimbawa
nito ay ang patalastas ng mga produkto. Walang patalastas na
magsasabing hindi maganda ang produkto nila.
● Hindi dahil nasa uri ng tekstong impomratibo ang babasahin ay iisa
lamang ang nilalaman, estilo ng pagkakasulat, ikli o haba, at iba pa.
Katunayan, ang balita ay maiikli lamang gaya ng mga patalastas.
Ang memorandum naman ay may sariling paraan ng pagpapaalam
ng impomrasyon.

Copyright ​©​ 2019 Quipper Limited


9
Yunit 2: Tekstong Impormatibo •​ ​ Baitang 11

Pagbuo ng Konsepto o Ideya


Opsyon: Maaari ding ipanood ang Quipper Video o ilang bahagi nito para sa araling ito
bilang alternatibo o pantulong na gawain sa pagbuo ng konsepto.

1. Ipakita ang ​graphic organizer. (Slide 9)

2. Magpabuo ng mahahalagang konsepto o ideya tungkol sa tekstong


impormatibo. ​(Malayang sagot, sumangguni sa gabay.)

3. Talakayin o pagtibayin ang sagot ng mga mag-aaral.

Gabay:
Pangunahing Konsepto o Ideya:
● Ang tekstong impormatibo ay tekstong nagbibigay o nagtataglay ng tiyak
na impormasyon tungkol sa isang tao, bagay, lugar, o pangyayari.
Sinasagot nito ang mga tanong na ano, sino, at paano tungkol sa isang
paksa.
● Masasabing obhetibo ang mga tekstong impormatibo dahil naglalahad
ito ng tiyak na katotohanan o kaalaman nang walang pagkiling.
● Ang tekstong impormatibo ay tuwiran at hindi tuwiran. Tuwiran kung ito
ay nagmula sa mismong may karanasan o saksi. Hindi tuwiran kung
nagmula na ito sa iba, gaya ng napagkuwentuhan lamang ng saksi at ang
napagkuwentuhan ang siyang napagkuhanan ng impormasyon.
● Maikakategorya ang mga tekstong impormatibo ayon sa sumusunod:
midyum kung paano ito naipararating, katangian ng haba nito, paksa,

Copyright ​©​ 2019 Quipper Limited


10
Yunit 2: Tekstong Impormatibo •​ ​ Baitang 11

pinanggagalingan ng impormasyon, layunin ng pagpaparating ng


impormasyon, at kung ano-anong detalye ang nilalaman nito.
● Maraming babasahin ang naghahatid ng impormasyon, ilan sa mga ito
ay ang balita, patalastas, anunsyo, at memorandum.

Paglalapat
Mungkahi: Pangkatan. Pangkatin sa apat ang klase.

1. Ipakita ang ​graphic organizer. (Slide 10)

2. Maaaring magpabunutan sa uri ng tekstong impormatibo na hahanapin.

3. Hanapin ang uri ng tekstong nabunot. Suriin ito ayon sa:


● impormasyong inilalahad,
● uri ng impormasyon, at
● kategorya.

4. Iuulat ito ng bawat pangkat.

5. Gawan ng presentasyon ang iuulat.

6. Iproseso ang mga ibinahaging impomrasyon ng bawat pangkat.

7. Maaari din itong ibigay na kasunduan.

Copyright ​©​ 2019 Quipper Limited


11
Yunit 2: Tekstong Impormatibo •​ ​ Baitang 11

C. Pangwakas na Gawain

Pagpapahalaga
Itanong: ​(Slide 12)
Paano napakikinabangan ng mga tao sa pang-araw-araw nilang pamumuhay ang
pagkakaroon ng sapat na kaalaman tungkol sa tekstong impormatibo?

Paglalahat
Sa araling ito ay natutuhan natin ang sumusunod na kaalaman.

Inaasahang Pag-unawa
1. Itanong muli ang mahahalagang tanong. Balikan ang ​Slide 5.

2. Hayaan munang ipahayag ng mga mag-aaral ang kanilang mga sagot bago
ipakita ang mga inaasahang pag-unawa. (​ Slide 13)
● Ang pagbabasa ng iba’t ibang uri ng teksto ay nakatutulong sa
pagkakaroon ng mas malawak na kaalaman.
● Lahat ng nababasa ay kailangang sinusuri upang masigurong ito ay
tama.
● Ang pagkakaroon ng kaalaman sa iba’t ibang uri ng teksto ay
nakatutulong upang higit pang maunawaan ang kakanyahan ng bawat
uri ng teksto.

Paglalagom
Hayaan munang ilagom ng mga mag-aaral ang paksang aralin bago ipakita ang mga
Ito: ​ ​(Slide 14-15)
● Obhetibo ang mga tekstong impormatibo dahil naglalahad ito ng tiyak na
katotohanan o kaalaman nang walang pagkiling.
● Maaaring tuwiran o hindi tuwiran ang impormasyong hatid ng tekstong
impormatibo.
● May iba’t ibang uri ng tekstong impormatibo, at ang mga uri na ito ay
maikakategorya pa ayon sa aspektong kinabibilangan nito.

Copyright ​©​ 2019 Quipper Limited


12
Yunit 2: Tekstong Impormatibo •​ ​ Baitang 11

P
​ agtatasa
Ibigay ang hinihinging sagot para sa bawat bilang.

A. Dalawang uri ng impormasyon:


1. (Tuwiran)
2. (Hindi tuwiran)

B. 4 na uri ng tekstong impormatibo


3. (Balita)
4. (Patalastas)
5. (Anunsyo)
6. (Memorandum)

C. Anim na kategorya ng tekstong impormatibo


7. (midyum kung paano ito naipararating)
8. (katangian ng haba nito)
9. (paksa)
10. (pinanggagalingan ng impormasyon)
11. (layunin ng pagpaparating ng impormasyon)
12. (kung ano-anong detalye ang nilalaman nito)

Kasunduan
Ipasulat sa kuwaderno ang pagsusuri sa tekstong napili ng pangkat. ​(Slide 16)

Suriin ang tekstong napili ng inyong pangkat. Suriin ito ayon sa:
● impormasyong inilalahad,
● uri ng impormasyon, at
● kategorya.

Kasanayan sa ICT
Maaari itong isagawa bilang Kasunduan:

1. Ipanood ang kasunod na Quipper v​ ideo: ​Pagtukoy sa Paksa ng Teksto

Copyright ​©​ 2019 Quipper Limited


13
Yunit 2: Tekstong Impormatibo •​ ​ Baitang 11

2. Ipasagot:
● Ano ang paksa?
● Ano ang pangunahing ideya?
● Ano ang sumusuportang ideya?

3. Ipalagay ang mga sagot sa Google ​classroom​ o i-​e-mail​ sa guro.

Copyright ​©​ 2019 Quipper Limited


14

You might also like