You are on page 1of 22

NOT

Filipino
Ikaapat na Markahan - Modyul 9
Makahulugan at Masining na Monologo
Kagawaran ng Edukasyon ● Republika ng Pilipinas

Filipino- Grade 9
Alternative Delivery Mode
Quarter 4,Wk.2 - Module 9: Makahulugan at Masining na Monologo
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad ng seksiyon 176 ng Batas Pambansa bilang 8293 na hindi maaaring

magkaroon ng karapatang-sipi sa ano mang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas. Gayon
pa man, kailangan muna ang pahintulot ng pamahalaan o tanggapan kung saan ginawa
ang isang akda upang magamit sa pagkakakitaan ang nasabing akda. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang patawan ng bayad royalty
bilang kondisyon.

Ang mga akda/materyales (mga kwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, pangalan
ng produkto, tatak, palabas sa telebisyon, pelikula at iba pa) na ginamit sa aklat na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Humiling ng pahintulot sa nagmamay-ari ng
mga akdang hiniram at ginamit dito. Hindi inaangkin ni kinakatawan ng tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon-Dibisyon ng Iligan City

Schools Division Superintendent: Roy Angelo L. Gazo, PhD.,CESO V

Mga Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul ng Mag-aaral sa Filipino

Manunulat: Shahanie Mae D. Pagadilan
Tagapagsuri/Editor: Marivic A. Pizarras, Jayffer G. Regis
Tagapagdisenyo/Ilustrador: Irish H. Habagat
Mga Tagapamahala
Tagapangulo: Roy Angelo E. Gazo, PhD,CESO V
Schools Division Superintendent
Pangalawang Tagapangulo: Nimfa R. Lago,PhD, CESE
Assistant Schools Division Superintendent
Mga Miyembro Henry B. Abueva OIC-CID Chief
Levi M. Coronel, PhD., EPS-Filipino
Sherlita L. Daguisonan, EPS-LRMS
Meriam S. Otarra, PDO II
Charlotte D. Quidlat, Librarian II

Inilimbag sa Pilipinas
Kagawaran ng Edukasyon – Dibisyon ng Iligan City
Office Address: General Aguinaldo, St., Iligan City
Telefax: (063)221-6069
E-mail Address: iligan.city@deped.gov.ph
Filipino
Ikaapat na Markahan- Modyul 4
Makahulugan at Masining na Monologo

Ang kagamitan sa pagtuturong ito ay magkatuwang na inihanda at

sinuri ng mga mula sa mga publikong at pribadong paaralan, kolehiyo, at/o
unibersidad. Hinihikayat naming mga guro at iba nasa larangan ng
edukasyon na mag-email ng kanilang puna at mungkahi sa Kagawaran ng
Edukasyon sa action@deped.gov.ph.

Mahalaga sa amin ang inyong mga puna at mungkahi.

Kawagaran ng Edukasyon ● Republika ng Pilipinas
Talaan ng Nilalaman

Mga Pahina

Pangkalahatang Ideya ……………………………… 1

Nilalaman ng Modyul ……………………………… 1
Alamin ……………………………… 1
Pangkalahatang Panuto ……………………………… 2
Subukin ……………………………… 3
Balikan ……………………………… 5
Aralin 1 ……………………………… 5
Tuklasin ……………………………… 5
Suriin ……………………………… 7
Pagyamanin ……………………………… 8
Isaisip ……………………………… 9
Isagawa ……………………………… 10

Tayahin ……………………………… 11
Karagdagang Gawain ……………………………… 13
Susi ng Pagwawasto ……………………………… 14
Sanggunian ……………………………… 15
Modyul 9
Makahulugan at Masining na Monologo
Pangkalahatang Ideya

Ang modyul na ito ay tungkol sa monologo at ang paraan ng pagsulat ng

iskrip nito.
Nakatuon din ang modyul na ito sa kahalagahan ng sining ng pagsasatao
bilang isang mahalagang instrumento ng anumang institusyon sa pagtulong sa
paghubog ng kasanayan ,kakayahan at talento ng mga mag-aaral.
Sa pagkamit ng hangaring ito, ang modyul ay gumagamit ng mga pamaraang
tutulong at gagabay sa mga mag-aaral patungo sa lubos na pag-unawa sa paksang
tatalakayin. Ito ay nagtataglay ng iba’t ibang gawain na pupukaw ng kanilang interes
para matuto, madagdagan ang kaalaman, at magamit ang natamong kaalaman sa
pang-araw-araw na pamumuhay.

Nilalaman ng Modyul
Ang modyul na ito ay may isang aralin:

● Aralin 1 – Pagsulat ng isang makahulugan at masining na monologo

tungkol sa isang piling tauhan.

Alamin

Ano ang Matutunan Mo?

Inaasahang pagkatapos ng modyul na ito ang mga mag-aaral ay:

Naisusulat ang isang makahulugan at masining na monologo tungkol sa isang

piling tauhan. (F9PU-IVc-59)

1
Pangkalahatang Panuto
Paano mo Matututunan?
Upang makamit ang mga inaasahan, gawin ang mga sumusunod:
● Basahin at unawain nang mabuti ang mga konseptong pangwika.
● Sundin ang bawat panutong ibinigay sa bawat gawain at pagsasanay.
● Sagutin ang lahat ng mga ibinigay na gawain at pagsasanay.

Icons na Ginagamit sa Modyul

Alamin Ito ay ang bahaging naglalahad ng mga layunin o

mithiing dapat matamo sa pag-aaral mo sa modyul
na ito.

Ito ay pagtatasa sa antas ng iyong kaalaman sa

Subukin tatalakaying aralin. Sa pamamagitan nito
masususuri kung ano na ang iyong natutunan
kaugnay sa bagong tatalakaying aralin.

Ito ay ang pagtatatag ng ugnayan sa

Balikan pamamagitan ng pagtatalakay sa mga
mahahalaga mong natutunan sa nagdaang aralin
na may koneksiyon sa tatalakaying bagong aralin.

Ito ay paglalahad sa bagong aralin sa

Tuklasin pamamagitan ng iba’t ibang gawain

Suriin Ito ay ang pagtatalakay sa mga mahahalaga at

nararapat mong matutunan upang malinang ang
pokus na kompetensi.

Pagyamanin Ito ay ang mga gawain na magpapalawak sa iyong

natutunan at magbibigay pagkakataong mahasa
ang kasanayang nililinang.

Isaisip Ito ay mga gawaing magpoproseso sa iyong

mahahalagang natutunan sa aralin.
2
Isagawa Ito ay ang mga gawain na gagawin mo upang
mailapat ang iyong mahahalagang natutunan sa
mga pangyayari o sitwasyon sa totoong buhay.

Subukin

Panuto: A. Basahin at unawaing mabuti ang bawat aytem. Piliin ang

tamang sagot mula sa pagpipilian at isulat ang titik o letra ng tamang sagot sa
patlang bago ang bawat bilang

___1. Bakit napalapit ang damdamin ni Crisostomo Ibarra sa guro?

a. Dahil pareho sila ng hilig.
b. Dahil nakita niya na labis ang pagmamahal niya sa kanyang trabaho.
c. Dahil maari niyang gamitin ang guro sa paghihiganti nito para sa ama.
___2. Ang sumusunod ay ilan sa naging balakid ng guro malibansa isa.
a. Laging kinakapos sa panganagilanagan ang mga batang mag-aaral.
b. Ang kawalan ng gusali at libro sa pag-aaral
c. Ang kawalan ng maayos na tirahan ng guro sa bayan.

B. Tukuyin kung sino ang nagsabi ng sumusunod na pahayag. Piliin ang titik ng
tamang sagot.
___3.Sino ang nagsabi ng pahayag na ito? “Naniniwala ako na ang mga bata ay
hindi nakapag-iisip kung nakikita ang suplina”.
a. guro b. Don Rafael Ibarra c. Padre Damaso
___4. “Sinabi ninyong tinulungan ng aking ama ang mga batang mahihirap at
ngayon?”
a. Tenyete Guevarra b. Basilio c. Crisostomo Ibarra

C. Talasalitaan. Piliin ang titik ng kasingkahulugan ng salitang nakasalungguhit sa

bawat pangungusap.

___5. Kinakatatakutan ng mga tao ang paniniwalang magigiba ang daan dahil sa
dumaang bagyo.
A.mawawasak b. masisira c. matumba d. matitinag
___6. Kilala ng lahat si Don Rafael bilang isang taong mapagkumbaba.
A. mahiyain b. matalino c. may mababang loob d. mahinahon
___7. Siya rin ang hinahangaan dahil siya’y marangal.
A. dakila b. mayaman c. palaisip d. malikhain
___8. Narinig ng lahat ang malakas nilang hagapakan.
A. biruan b. kwentuhan c. asaran d. tawanan
___9. Magiliw silang sinalubong ng ginoo nang sila’y pimasok sa pinto.
A. masaya b. malamig c. mabagsik d. natataranta

___10. Ito ay isang uri ng pagsasalita kung saan ang isang tauhan ay sinasabi ang
kanyang isinasaisip sa isa pang tauhan o kaya sa kapulungan ng nangakikinig.

3
a. talumpati b. awit c. monologo
___11. Alin sa sumusunod ang layunin ng monologo?
a. Upang Lituhin ang manonood
b. Upang maipaliwanag ang katapusan ng dula.
c. Upang maipakita ang kaisipan at damdamin ng tauhan.
___12. Ang isang tauhan ay nagbibihay ng kanyang monologo patungo sa
a. panonood
b. isa pang karakter
c. sa kanyang sarili

D. Piliin ang damdamin na ipinapahiwatig ng mga pahayag

___13. Lumayo kayo!...Lumayo kayo!..
a. binibigyang-diin ang kahalagahan ng paglayo.
b. ayaw magsilayo ng tao kaya inuulit-ulit ang pagsasabi.
c. Napakahalaga ng madaling paglayo.
___14. “Okey, ito na ang test results ninyo, Alvarez.. Castro..Quinco..sabi sa’yo kaya
mo yan eh.” Ano ang nais ipahiwatig ng huling sinabi ng guro?
a. pagbibigay pag-asa sa estudyante
b. pagpaparinig sa iba pang mag-aaral
c. natutuwa sa nakuhang marka ng estudyante.

___15. Pagsusunud-sunurin ang mga pangungusap upang mabuo ang diwa ng

Monologo.
1. Diba tayo ay pantay-pantay lamang sa pagtingin ng Maykapal?
2. Ngunit ano itong sinapit ko?
3. Isinadlak sa rehas na bakal ng isang may kapangyarihan
4. Bakit ganito ang buhay ng tao?
5. kahit ang aking isinisigaw ay” wala akong kasalanan”
6. Ang papel sa mundo ng maliit ay lagging api-apihan ng mayayaman at may
katungkulan.

a. 14365 b. 453126 c.461235 d.614235

4
Makahulugan at Masining na

Monologo

Aralin

Balikan

Natapos mong sukatin ang iyong kakayahan balikan mo muna

ang mga paksang naging bahagi sa pagpapalawak ng iyong kaalaman.

Panuto: Bigyang katuwiran ang ginawa ng mga tauhan sa Kabanata 18 – “Mga

Kaluluwang Nagdurusa”. Gumamit ng mga pahayag na nagbibigay ng sariling
opinyon.

5
1. Tama ba ang ginawa ng panunuyo ni Sisa upang makita ang kanyang anak na
nasa kumbento?
___________________________________________________________________

2. Mainam ba ang pag-uugali na ipinakita ng mga sakristan, utusan, at kusinero kay

Sisa?
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

Tuklasin

Mahalagang maipahayag ng isang tao ang kanyang iniisip at

nararamdaman. Kung minsan mahirap kung kaya kinakailangan pang gumamit ng
iba para maipaabot ito

Gawain 1. Panuto: Maaaring gawin ang isa sa opsyon

A. Panoorin ang isang videoclip at sagutin ang mga kasunod na tanong. Ito ay
mula sa: https://www.youtube.com/watch?v=MeKUW8w9frg (“PAPEL”, a Gabay
Guro Film).

B. Basahin ang dayalogong nasa loob ng kahon at sagutin ang mga kasunod na
tanong.

6
Pamprosesong Tanong:

1. Ano ang iyong naramdaman pagkatapos mapanood ang video clip?

2.Sa iyong opinyon, gaano ba nakakapagbigay-impluwensya ang guro sa

kanyang estudyante?

Suriin

Sa kabanata 19- “Karanasan ng Isang Guro” ng Noli Me Tangere ay

mauunawaan mo ang dahilan kung bakit nabuo sa puso ni Crisostomo Ibarra ang
magpatayo ng paaralan para sa kabataan ng San Diego. Pagkatapos marinig mula
sa guro ay naantig ang damdamin tungkol sa bagay nang marinig niya ang
malulungkot at mahihirap sa karanasan ng guro na kanyang nakilala na tinulungan
ng kanyang ama.
Mula sa kanilang pag-uusap ay nabuo ang isang layuning ipagpatuloy
ang nasimulan tulong ng edukasyon ng kanyang ama sa kanilang bayan.

7
8
Ang nasa loob ng kahon ay dayalogo mula Kabanata 19: Ang Karanasan ng
isang Guro . Mapapansin din na dahil sa tulong ng dayalogo ay nakita kung paano
isinasatao ng guro at ni Crisostomo Ibarra ang kanilang karakter

Ang sining na ito ay isang halimbawa kung paano isinasagawa ang

monologo.Isa sa kilalang anyo ng dulaan ang madalas ginagamit sa loob ng
classroom pati narin sa paaralan ay ang monologo.

Monologo ay isang uri ng pagsasalita kung saan ang isang tauhan ay sinasabi ang
kanyang isinasaisip sa isa pang tauhan o kaya sa kapulungan ng nakikinig. Ang mga
monologo ay ginagamit sa iba't ibang medya gaya ng
mga dula, pelikula, animasyon atbp.

Pagsulat ng Monologo

Narito ang ilang bagay na dapat isaalang-alang sa pagbuo ng monologo:

1.Dapat na marunong ang isang manunulat na tumimpla ng kanyang mga sinusulat.

Nakabaling ito sa tono’t himig na hangad ipahiwatig sa katha.

2. Magsimula sa pagsulat ng diyalogo. Kailangang masalang mabuti kung ano ang

mga gagamiting salita sa diyalogo.

3. Piliin ang saltang gagamitin na nakadepende sa manonood o paksa.

4. Mahalagang may nilalalaman (content) ang isang kwenot. Ito ay mensahe ng

kwento, anyo (form) sapagkat mapapailalim sa anyo ang kasiningan sa pagsusulat.
Dito pumapasok ang estilo.

5. Kailangan sa pagsulat ang disenyo, ang pagbalangkas, ang mga dibisyon ( ang
simula, sinulong, at wakas). Dapat rin na pag-aralan ang makatotohanan at
epektibong banghay(plot), Karakter, tagpuan at iba pang sangkap sa pagkatha.

9
Pagyamanin

Upang mas makatulong sa pagabuo ng monologo ng piling tauhan ng

akda ay mainam na gawin ang paglalarawan ng sumusunod na mga tauhan.

Gawain 2. Panuto: Isa-isahin at ilarawan ang mga pangunahing tauhan ng nobela

gamit ang pang-uri. Isulat din ang maari nilang kahalagahan sa kwento at maaaring
kahinatnan nila sa kwento.

Tauhan Katangian Kahalagahan Kahihinatnan

Crisostomo Ibarra
Maria Clara
Elias
Sisa
Padre Damaso
Gawain 3. Panuto: Bumuo ng isang maikling dayalogo batay sa sitwasyong nasa
ibaba.

1. Inagaw ng isang lalaki ang iyong bag sa palengke.

10
2. Napaso sa mainit na bagay..

Isaisip

Gawain 4. Panuto: Bumuo ng mahalagang konsepto na natutunan mo sa araling

ito. Sagutin ang mga sumusunod na katanungan.

1. Paano mabisang magagamit ang mga pagbuo ng monologo?

___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

2. Sa iyong sariling opinyon, paano nakatutulong ang pagbuo ng monologo sa

pang-araw-araw na pakikisalamuha sa kapwa?

__________________________________________________________________

Isagawa

11
Gawain 5. Pagsulat: Sumulat ng isang monologo ng napiling tauhan ng Noli Me
Tangere. Maaring iugnay ang iyong karanasan sa karakter na siyang naging dahilan
ng kanyang pagkatao at kaugalian sa kwento.

Rubriks sa pagsulat ng monologo

Krayterya Puntos (40)

Ang iskrip ay makatotohanan at angkop 15 puntos
sa karakter na ginawan ng monologo

Ito ay nailalahad ng malinaw, 15 puntos

masining, at nakakukuha ng
atensyon sa babasa nito

Ito ay nagtataglay ng mga 10 puntos

element ng isang mahusay na
monologo

Malinaw at wasto ang gramatika 10 puntos

Kabuuan 50 puntos

Buod

Ipaunawa sa mga mag-aaral na ang pagkatao ng isang karakter ay hinuhulma

ng kaniyang masaya at mapait na karanasan. Maaring sabihin sa mag-aaral na
dapat sikapin ng bawat isa na isa-isahin ang biyayang natatanggap kaysa alalahanin
ang sinapit na kasawian upang mas makita ang liwanag kaysa pighati at upang mas
gustuhing magsikap na maging mabuti kaysa piling magpakasama.

12
Tayahin

Panuto: A. Basahin at unawaing mabuti ang bawat aytem. Piliin ang tamang
sagot mula sa pagpipilian at isulat ang titik o letra ng tamang sagot sa patlang bago
ang bawat bilang

___1. Bakit napalapit ang damdamin ni Crisostomo Ibarra sa guro?

a. Dahil pareho sila ng hilig.
b. Dahil nakita niya na labis ang pagmamahal niya sa kanyang trabaho.
c. Dahil maari niyang gamitin ang guro sa paghihiganti nito para sa ama.
___2. Ang sumusunod ay ilan sa naging balakid ng guro malibansa isa.
a. Laging kinakapos sa panganagilanagan ang mga batang mag-aaral.
b. Ang kawalan ng gusali at libro sa pag-aaral
c. Ang kawalan ng maayos na tirahan ng guro sa bayan.

B. Tukuyin kung sino ang nagsabi ng sumusunod na pahayag. Piliin ang titik ng
tamang sagot.
___3.Sino ang nagsabi ng pahayag na ito? “Naniniwala ako na ang mga bata ay
hindi nakapag-iisip kung nakikita ang suplina”.
a. guro b. Don Rafael Ibarra c. Padre Damaso
___4. “Sinabi ninyong tinulungan ng aking ama ang mga batang mahihirap at
ngayon?”
a. Tenyete Guevarra b. Basilio c. Crisostomo Ibarra

C. Talasalitaan. Piliin ang titik ng kasingkahulugan ng salitang nakasalungguhit sa

bawat pangungusap.

___5. Kinakatatakutan ng mga tao ang paniniwalang magigiba ang daan dahil sa
dumaang bagyo.
A.mawawasak b. masisira c. matumba d. matitinag
___6. Kilala ng lahat si Don Rafael bilang isang taong mapagkumbaba.
B. mahiyain b. matalino c. may mababang loob d. mahinahon
___7. Siya rin ang hinahangaan dahil siya’y marangal.
B. dakila b. mayaman c. palaisip d. malikhain
___8. Narinig ng lahat ang malakas nilang hagapakan.
B. biruan b. kwentuhan c. asaran d. tawanan
___9. Magiliw silang sinalubong ng ginoo nang sila’y pimasok sa pinto.
B. masaya b. malamig c. mabagsik d. natataranta

___10. Ito ay isang uri ng pagsasalita kung saan ang isang tauhan ay sinasabi ang
kanyang isinasaisip sa isa pang tauhan o kaya sa kapulungan ng nangakikinig.
a. talumpati b. awit c. monologo
___11. Alin sa mga sumusunod ang layunin ng monologo?
a. Upang Lituhin ang manonood
b. Upang maipaliwanag ang katapusan ng dula.
c. Upang maipakita ang kaisipan at damdamin ng tauhan.
___12. Ang isang tauhan ay nagbibigay ng kanyang monologo patungo sa
a. panonood
b. isa pang karakter
c. sa kanyang sarili

13
D. Piliin ang damdamin na ipinapahiwatig ng mga pahayag
___13. Lumayo kayo!...Lumayo kayo!..
a. binibigyang-diin ang kahalagahan ng paglayo.
b. ayaw magsilayo ng tao kaya inuulit-ulit ang pagsasabi.
c. Napakahalaga ng madaling paglayo.
___14. “Okey, ito na ang test results ninyo, Alvarez.. Castro..Quinco..sabi sa’yo kaya
mo yan eh.” Ano ang nais ipahiwatig ng huling sinabi ng guro?
a. pagbibigay pag-asa sa estudyante
b. pagpaparinig sa iba pang mag-aaral
c. natutuwa sa nakuhang marka ng estudyante.

___15. Pagsusunud-sunurin ang mga pangungusap upang mabuo ang diwa ng

Monologo.
1. Diba tayo ay pantay-pantay lamang sa pagtingin ng Maykapal?
2. Ngunit ano itong sinapit ko?
3. Isinadlak sa rehas na bakal ng isang may kapangyarihan
4. Bakit ganito ang buhay ng tao?
5. kahit ang aking isinisigaw ay” wala akong kasalanan”
6. Ang papel sa mundo ng maliit ay lagging api-apihan ng mayayaman at may
katungkulan.

a. 14365 b. 453126 c.461235 d.614235

Karagdagang Gawain: Panuto: Sumulat ng maikling monologong

nanapapanahon na maiuugnay sa tema ng mga eksena sa kabanatang tinalakay..

14
Susi sa Pagwawasto

Panimulang Pagsusulit Pangwakas na Pagsusulit

1. b 1. b
2. c 2. c
3. a 3. a
4. c 4. c
5. b 5. b
6. c 6. c
7. a 7. a
8. d 8. d
9. b 9. b
10. c 10. c
11. c 11. c
12. a 12. a
13. b 13. b
14. a 14. a
15. a 15. a

Balikan
Sagot: Nasa guro ang pagpapasya kung tama

Gawain 1
Sagot: Nasa guro ang pagpapasya kung tama

Gawain 2

Gawain 3
Sagot: Nasa guro ang pagpapasya kung tama

Gawain 4
Sagot: Nasa guro ang pagpapasya kung tama

Gawain 5
Sagot: Nasa guro ang pagpapasya kung tama

Karagdagang Gawain
Sagot: Nasa guro ang pagpapasya kung tama

15
Mga Sanggunian

Marasigan, Emily at Mary Grace.Del Rosario Pinagyamang Pluma. 927 Quezon

Avenue, Quezon City: Phoenix Publishing House, 2016.

Dayag, Alma D. et.al Pinagyamang Pluma Pluma Aklat 2 927 Quezon Avenue,
Quezon City: Phoenix Publishing House, 2016.

DepEd-IMCS. Panitikang Asyano 9: Modyul ng Mag-aaral sa Filipino. Pasig City:

Vibal Group, Inc., 2014

https://prezi.com/e2jk279tclh8/monologo/

https://pdfslide.net/documents/filipino-baitang-9-ikaapat-na-markahan-rex-interactiverexinteractiveco
muserfilesimpointers-filipino-2supplementalpdf.html

https://www.google.com/search?q=dialogue+box+cartoon&tbm=isch&hl=en&chips=q:cloud+dialogu
e+box+cartoon,g_1:cloud:sP2UY_BKhWI%3D,online_chips:blank&tbs=sur:fmc&

16
17

You might also like